Chapter 9
Aki’s Point Of View
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Wala s’yang ibang ginawa kundi ang nakaupo lang at nakasandig sa semento. Nakapikit ang dawala niyang mga mata. Matapos kong gamutin at lagyan ang band aid ang konteng sugat nito sa pisngi ay hindi na ako nito kinibo. Actually, hindi naman niya ako kinausap pagkatapos kong sabihin na nandito ako bilang kaibigan niya.
“H-Hugo—”
“Don’t call me, we’re not close.” Natahimik tuloy ako dahil sa sinabi niyang ‘yun. Siya na nga ang ginamot, siya pa ang masungit. Totoo namang hindi kami close pero magkaibigan na kaming dalawa.
“Pero magkaibigan na tayo, ‘di ba?” Bumaling siya ng tingin sa akin at naramdaman kong nag-init ang magkabila kong pisngi. Kahit na may sugat at band aid ang mukha niya’y hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito.
“I just said that to you, for you to keep my secret,” malamig nitong sagot at tumingin muli sa harapan niya. Bumuntong-hininga ako. May konteng kirot akong naramdaman sa dibdib ko pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang ‘yun, nandito ako para damayan siya at alalim ang rason kung bakit siya nagkakaganito.
“S-sorry, g-gusto ko lang talaga na maging kaibigan kita,” mahina kong sabi na sapat lang para marinig niya. Umayos ako ng upo at nag-indian sit ako. “Simula kasi pagkabata ay wala akong naging kaibigan, naisip ko na kaya siguro gano’n ay dahil ganito ako, isang bakla. Kaya noong nakita kita noon sa lilim ng puno na walang kasama, first year college ako nun. Naramdaman kong hindi ako nag-iisa dahil mayroon ikaw na katulad ko. Walang kasa-kasama sa t’wing kakain sa canteen o ‘di kaya’y uuwi sa bahay pero may pagkakaiba rin naman tayo kasi ikaw ay hinahangaan ng marami habang ako’y tila isang hangin lang sa kanila.” Alam kong naririnig ako nito kaya nagpatuloy ako. Hindi rin kasi niya ako pinipigilan. Saka gusto ko rin ipaalam sa kanya kung papaano ko siya nakilala kahit na hindi niya ako kilala.
Tumingin ako sa langit. May kokonteng ulap kaya hindi masyadong mainit ngayon at hindi rin nagbabadya ang pag-ulan. “Simula noon, lagi na kitang nakikitang mag-isa. Palagi kitang sinusundan ng tingin. Simula rin noon, ginusto ko ng makilala kita kaya sa t’wing nakakarinig ako ng tungkol sa’yo ay itinatatak ko ‘yun sa isipan ko. Kaya nang makahanap ako ng paraan, sobrang saya ko dahil sa wakas ay magiging kaibigan kita.” Ngumiti ako at tumingin dito at nagulat ako dahil nakatingin din ito sa akin.
“Why are you telling these things to me? I am not like you, you’re a nuisance,” sabi niya pero hindi naman mababakas sa tono ng boses nito ang irita. Mas lalo kong pinalaki ang pagkakangiti ko pero bigla itong umiwas ng tingin.
“Share ko lang kasi akala ko makaka-relate ka.” Tumawa ako pero itinigil ko rin agad dahil hindi siya nakisali sa akin. “Auhmm, p-puwede ko bang malaman kung bakit ka nasangkot sa gulo?” tanong ko dahil naging tahimik na ito.
“Hindi ka naman tsismoso sa lagay na ‘yan?” Tumingin ito sa akin at agad din umiwas ng tingin. Tumayo ito at naglakad papalayo.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko’t isinukbit iyon sa balikat ko at sinundan siya. “Bakit hindi mo na lang kasi sagutin ang tanong ko, hindi ko naman ipagsasabi ang rason mo, eh,” sagot ko rito. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa pinto pababa ng rooftop at tumigil siya rito.
“Tsismo ka naman ‘di ba? Alamin mo sa paraang alam mo,” sabi nito sa akin nang humarap siya at agad din akong tinalikuran.
“Gusto mo bang sabihin ko sa kanila na may anak ka na? Sigurado akong maiintriga sila sa ‘yo.” Ngumisi ako. Mabilis siyang humarap sa akin at sinamaan ako ng tingin. “Sasabihin mo ba o hindi?” Nag-crossed arm ako sa harap niya habang tinitingala siya dahil matangkad siyang tao.
“YOU!” Mas lalo akong ngumisi. “Fin—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tumunog ang bell. Bigla akong napatingin sa relo ko at lumaki ang mga mata ko dahil tapos na pala ang lunch break.
“Shit!” Tumingin ako rito at nakakunot na ang noo niya. “Chat-chat na lang, late na ako!” Hinawi ko ito at inunahan na siya sa pagbaba. Tumakbo ako ng mabilis at hindi na ito hinintay pang makababa mula sa rooftop.
Hiningal ako hanggang sa makarating ako sa harap ng pinto ng classroom. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa pagod. Mabuti na lang dahil wala akong hika baka namatay na ako rito. Hindi na rin ako nagtagal sa labas dahil agad kong binuksan ang pinto ng classroom at bumungad sa akin ang professor na nakakunot ang noong nakatingin sa ‘kin, maging ang mga kaklase ko, kasama si Mina.
“Where are you from, Mr. Velasco?” tanong nito. Mas lalong nadagdagan ang bilis ng tibok ng puso ko hindi dahil sa pagod kundi dahil sa kabang. Lahat ng atensiyon nila’y na sa akin, nakikita rin pala nila ako? Akala ko’y si Mina lang ang nakakakita sa akin.
“Baka sa outer space, Prof. palaging lutang iyan si Akierra, eh,” sagot ng isa sa kaklase ko at tumawa naman ang iba. Tinignan ito ng Professor ng seryoso.
“I’m not asking you, Mr. Frenal. Now go to your sit, Akierra. Next time, you should also pay attention to the time. Dahil totoo ang mga kaklase mo na palaging lutang ang isip mo,” sabi nito nang balingan niya ako ng tingin.
Tumango ako. “I’m sorry, Prof.” sabi ko rito at nakayukong naglakad papunta sa tabi ni Mina. Pagtingin ko rito’y tinaasan niya lang ako ng kilay at agad niya akong inirapan. “Mag-e-explain na lang ako after class,” bulong ko rito at saka inituon na ang pansin sa klase para hindi masabihang lutang palagi.
-
“Oh, ano’ng napala mo sa pang-iiwan mo sa akin kanina habang kumakain? Ayan nagutom ka! Narinig mol ang ang pangalan ni Hugo ay kumaripas ka na agad ng takbo.” Kanina pa ako nito hinihiyawan pero pinakikinggan ko lang dahil nakatuon ang pansin ko sa kinakain ko. “Saka kailan pa kayo naging magkaibigan ni Hugo? Inihatid ka lang, kaibigan na kayo?”
Pagkatapos ng klase naming ay ako na ang humila sa kanya upang pumunta rito sa canteen. Maaga ang uwian naming ngayon kaya may oras pa kami para tumambay rito. Dito ko siya hinila dahil kanina pa ako nagugutom, hindi ko kasi nakain ng maayos ang binili kong pagkain kanina nung lunch dahil nga tumakbo ako upang hanapin si Hugo.
“I thought you’re going to explain?” sabi nito. Kinuha ko ang bottled water at uminom muna roon bago ko siya tinignan.
“Pasensiya na, gutom talaga ako, eh,” sagot ko sa kanya ngunit inirapan lang niya ako. Naka-crossed arms siya habang nakapatong ito sa kaharap naming mesa. “Ano—” Bigla akong napaisip. Hindi ko puwedeng sabihin ang dahilan kung paano kami naging magkaibigan ng pinsan nito, saka magkaibigan ba kami? Sabi kasi niya’y hindi naman kami close.
“Ano na?!” naiinip nitong sabi. Kinagat ko na lang ang labi ko dahil wala akong maisagot sa kanya. Hindi ako makatingin dito ng diretso. “Argh! Fine! H’wag muna sabihin dahil nandiyan na ‘yung driver naming.” Mabilis siyang tumayo at nagpaalam na agad. Napangiti naman ako dahil nakatakas ako. Muntikan na ako roon, baka mapatay ako ni Hugo kapag sinabi ko rito. Bakit ba kasi itinatago nito ang anak?
Dahil iniwan na ako ni Mina ay tinapos ko na lang ang pagkain ko at agad na akong tumayo. Kinuha ko ang bag ko’t lumabas ng canteen. Naglalakad na ako papalabas ng campus nang makita ko si Hugo ‘di kalayuan sa akin, kaya naging lakad-takbo ang ginawa ko para maabutan ko ito.
“HUGO!” tinawag ko ang pangalan niya nang malapit na ko rito kaya napatigil ito at bumaling ng tingin sa paligid. Wala na rin naman halos mga studyante rito dahil uwian na at kung mayroon mang natitira, baka nasa library o sa ibang classroom.
“Will you please not to call me when we are in public?!” sabi nito nang makalapit ako sa kanya. Masama na naman siyang nakatingin sa akin. Bitbit na rin nito ang bag niya sa kanyang likod.
“Eh, wala naman ng mga tao rito,” sagot ko sa kanya. Tumingin pa ako sa paligid upang makasigurong wala ngang tao rito. “Saka ano bang masama sa pagtawag ko sa ‘yo at sa pakikipagkaibigan ko?”
“A lot of reasons and if I tell you that, I think you won’t understand because you’re stupid!” Masama ko siyang tinignan dahil sa huling sinabi nito.
“Hoy! Namumuro ka na. Ako na nga itong nakikipagkaibigan sa ‘yo tapos ganyan kapa, hindi ka ba pinalaki ng tama ng mga magulang mo?” sabi ko pero imbes na sagutin ako’y hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at hinila niya ako. “Teka! Saan mo ‘ko dadalhin?”
Hindi niya ako pinakinggang at hinila lang ako hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan naka-park ang kanyang kotse. Binitiwan niya ang braso ko at binuksan niya ang passenger’s seat.
“Get in the car,” malamig nitong sabi pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya bumaling siya sa akin ng tingin. “Gusto mo pa bang hilain pa rin kita papasok sa loob ng kotse?”
Pero imbes na sundin siya’y tinanong ko ito. “Saan mo ‘ko dadalhin?” Nag-igting ang panga nito dahil sa inis.
“Just get in the car!”
“Ayoko!” Tumalikod na ako at maglalakad na sana ako pero nagulat ako nang may bumuhat sa akin at ipasok ako sa kotse. Mabilis ang naging kilos niya’t matagumpay niya akong naipasok sa loob at isinarado ang pinto ng kanyang kotse. Umikot ito papunta sa kabila at pumasok sa driver’s seat.
“Gusto mo ang pa lang buhatin kita para lang pumasok ka sa loob.” Ngumisi ito habang pinapaandar na niya ang kanyang kotse at nagmaneho papaalis ng parking lot. Naramdaman ko rin ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kanyang ginawa kaya hindi ko magawang makapagsalita.
*****
'Di ko alam kung napansin niyo nung nakaraan na mali iyong chapter na nakapost hahaha if ever na may mali po. You can comment down so I can check it po. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top