Teaser



Ang pagbuhos ng ulan ay waring nakikiramay sa pagluluksa ng puod, sa pagkawala ng aking iloy (Ina). Tila natuyo na ang luha sa aking mga mata sa walang humpay na pagtangis. Nais ko nang katarungan.


Nais kong tumayo at balikan rito ang aking ina na nakataas ang noo dahil sa nakamtan na hustisya. Hindi gaya ngayon na nakatanaw sa kanyang huling hantungan hawak ang kampilan na kanyang naiwan— at napupuno ng kalungkutan, pighati ang damdamin at napakaraming katanungan sa biglaan niyang pagkawala dahil sa isang aksidente. Ang isipan ay hindi matahimik.


Hahanapin ko ang kasagutan sa aking mga tanong, at ang may sala ay siya'ng pananagutin.



--




"Nakatakas ang Bai! Habulin niyo siya! Bilisan niyo!" Dinig kong utos nito sa mga tauhan nila.



Ako'y tumakbo nang tumakbo at may mga humahabol na sa akin, sandali akong lumingon at pinagbabaril sila...


Bumunot ito ng isang kalibre ng baril at itututok na sana sa akin— ngunit mabilis akong kumilos at naagaw ko ang hawak nitong sandata.



"H-huwag mo 'kong p-patayin, m-maawa ka sa'kin," anito.


"Hindi ka naawa sa akin, kung kaya't mauna ka na sa sulad!" At binaril ito, ngunit pagkabaril ko sa kanya ay may naramdaman ako na kung ano sa aking kaliwang braso, at paglingon ko sa likuran ay nakita ko ang isang mukha ng kaaway...


"Take her!" Utos nito sa mga tauhan niya.


Ngunit kinalabit ko ang gatilyo dahilan upang matamaan ang mga binti ng ilang kasama nitong tauhan, at naramdaman kong may malakas na puwersa na tumabig sa aking likuran.



--



"Sa iyong kilos, sa palagay mo ba'y mababawi mo pa ang buhay ng iyong ina, ha, Huada?!" Singhal sa akin ng aking Baba.


"Kung ang siyang pagkitil ng buhay ay siyang sagot, ama! Ay siya kong gagawin"



--






"Ikaw si Mr. G?"



Ako'y nagulat nang siya'y aking makita.



--



"Mananatili ka sa aking puso... Ngunit ang pag-ibig ay walang puwang sa akin ngayon."


Tila nadurog lamang ako nang sabihin iyon.


"Huadelein, sana tingnan mo 'ko gaya ng dati— dahil sobrang miss na kita, tang*na lang ng puso ko, ayaw kang tigilan—"




--

May bahid ng dugo ang aking mga kamay nang humarap sa kanya at hawak ang isang baril, ang paligid ay may mga tao na wala ng buhay. Nasaksihan niya iyon.


"Ngayon, sabihin mo sa akin na ako'y iyong gusto pa rin?" Basag ang aking boses, dahil sa hindi ko mapigilang mga luha. Ang Ginoong sinisinta ng puso ay saksi ngayon. Wala akong pakialam.



Siya'y tulala.



--




"Taksiiiiil!!!"


Siya'y ngumiti, isang bangkay na nagbangon mula sa hukay ng kahapon.


"Bai Huada, matagal tayong hindi nagkita..."



--



"Siya'y isang clone"


"Oo, Bai totoo ang sinabi ng dating superior ni Argent"


"Ngunit ang iyong isinalaysay kanina lamang? Totoo ba ang lahat ng iyon?"


"Oo, Bai. Totoo 'yon n-na g-ginahasa niya ang kapatid ko"



"Hmm! AAAAGHHHHH!!! PAGBABAYARIN KO SIYA! PAGBABAYARIN KO SIYA!!!"



Nag-aalab ang apoy sa aking dibdib! Hindi ko matanggap na naganap iyon sa aking kauna-unahang kaibigan sa labas ng puod. Napakasakit!




--





"HUADAAAA!!!"




"Kailanma'y hindi mo mapapalitan ang aking ina"



Ako'y nakatanaw sa kanyang mukha na waring pinagsakluban ng karimlan—.




-------












-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top