Kabanata XXXV: Ingkong Digma
Kabanata XXXV: Ingkong Digma
--
Zero's PoV
Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi kasama ang siraulo kong kapatid, kung hindi ko 'to nahila agad talagang yayariin 'to ng Rajah.
*Pagbabalik-tanaw*
Tapos na ang hapunan at nasa Bulwagan na ang lahat, masayang nag-uusap at nagpapaalam ang lahat sa Rajah, nang makita kong kinuha ng mga sandig ng Rajah sina Azerine palabas ng Bulwagan.
Tang*na kailangan ko ng mailayo si Dos dito.
Nakita kong lumalakad si Dos palapit sa Rajah at kay Isagani, tang*na! Ano bang iniisip ng siraulong 'to at talagang lalapitan niya ang Rajah-- kailangan ko ng kumilos agad. Mabilis akong lumakad habang abala ang Rajah sa pakikipag-usap kina Clauzmin at Mask ay mabilis ko inilagay ang kamay ko sa balikat ni Dos para pigilan siya.
"Dos! Huwag mo ng ituloy 'yang binabalak mo," ani ko sa kanya, at binigyan lang ako ng isang masamang tingin nito. "Huwag kang magpadalos-dalos tandaan mo nasa teritoryo ka niya," wika ko pa.
"At anong gusto mong gawin ko kuya?" Tanong nito sa'kin na pabulong.
"Aalis na tayo! Dahil sigurado ako na 'yan ang gustong mangyari ni Huadelein," sagot ko. Tahimik lang ito atsaka nagsalita rin agad.
"At paano mo nasisigurado 'yan kuya? Atsaka ayoko ng walang gawin na lang," wika nito sa'kin.
"Hindi mo pwedeng harapin ang Rajah, Rajah 'yan! sa dami ng tauhan niya at sandig kayang-kaya ka nilang tirisin," wika ko pa.
At hinila ko na siya palabas ng Bulwagan ng walang nakakapansin.
*Pagtatapos ng balik-tanaw*
"Kung hindi kita nahila agad kanina, siguradong kasama ka nila Azerine ngayon na sinisigawan ng Rajah sa galit o baka nga mapatay ka pa," wika ko, habang nasa daan ang paningin ko.
"Hindi naman talaga ang Rajah 'yong lalapitan ko kanina," aniya.
Hindi ang Rajah? Kung ganoon sino?
"Sino dapat ang lalapitan mo?" Tanong ko.
"Si Nemesis gusto kong basagin ang mukha niya!" Sagot niya, dahilan para mapalingon ako sa kanya at agad ko rin naman ibinalik ang paningin ko sa daan.
Ah! Sa karibal pala niya... Si Cyrus.
"Hindi mo magagawa 'yon, sa dami ng kasama no'n na tauhan kanina isang bala ka lang," saad ko.
Lagi 'yon may kasamang tauhan, syempre! Takot mamatay, gaya ng tatay niya.
"Kung aasa siya sa tauhan niya, wala siyang kwenta," wika pa nito.
May punto naman siya, medyo may pagkaduwag din kasi ang isang 'yon.
"Sang-ayon naman ako diyan, pero nasisiraan ka na talaga ng bait pasukin ba naman ang bukot ni Huadelein, teka! Paano niyo nga pala nalusutan 'yong mga bantay?" Tanong ko na nakangisi.
Sa dami ng bantay sa balay ng Rajah paano nakalusot ang mga sandig ni Huadelein na kasama ang kapatid ko? Kanina ko pa 'to iniisip eh.
"Sa maleta na dala ni Azerine, pumasok ako do'n," sagot naman niya.
Hayup! Di ko akalaing maiisip nila 'yon.
"Siraulo ka talaga! Teka! Eh di ba nagchecheck 'yong mga bantay do'n?" Tanong ko.
Sa dami at higpit ng mga bantay doon imposibleng may makalusot.
"Oo, sinabi nila Azerine na ang laman ng maleta ay mga damit panloob ni Huadelein, kaya nakalusot kami," sagot niya.
Gag* napakalupet mag-isip ng mga sandig ni Huadelein, ang tatalino!
"Hahahaha kaya pala umabot kayo hanggang silid ni Huadelein hindi talaga nila bubuksan 'yon pag sinabi niyo na damit panloob kasi alam nilang pupugutan sila ng ulo ng Rajah" saad ko pa.
"Ganoon pala 'yon."
"Hahahaha, Oo," sagot ko pang tumatawa.
"Kaya pala, kaya pala hindi nila binuksan 'yong maleta," wika naman niya, "sandali kuya, paano ka naman pag bumalik ka ng puod nila Huadelein?" Tanong niya.
"Pfft! Huwag mo ko isipin utol, pinakilala kitang kaibigan kita di ba?" Wika ko.
"Oo, kuya. Eh, paano kung mabuking ka ng tatay ni Huadelein? At malaman na kapatid mo ko?" Tanong nito.
Pfft! Nag-aalala ba sa'kin 'tong lokong 'to? Haha.
"Eh di mabuti may karamay na kong mapugutan ng ulo," aniyang nakangiti.
"Gag*" sagot naman niya, "pero kuya, kanina 'yong Isagani kaanu-ano 'yon ng Rajah? Parang mas mabait 'yon kumpara sa Rajah eh," wika niya.
"Panganay 'yon na anak ni Rajah Bagani, kuya 'yon ni Huadelein," sagot ko.
"Sabi na eh!" Bulalas naman niya.
"Kaya magpakabait ka kapag kaharap mo si Isagani, tawagin mo siyang Ginoong Isagani," wika ko.
"Di ba pwedeng kuya Isagani na lang o di kaya bayaw? Tutal magiging kuya ko rin naman siya at magiging bayaw ko rin?" Aniya.
Siraulo talaga ang isang 'to.
"Pfft! Huwag ganoon Dos, masyado ka naman nagmamadali na maging brother in law si Isagani hahahaha," saad ko.
"Di masamang mangarap," wika pa niya.
Napa-iling na lang akong nakangiti, iba talaga ang isang 'to kapatid ko nga talaga 'to.
Ginoong Isagani's PoV
Nasa kalagitnaan kami ng pananghalian ng aking ingkong Digma kasama ang aking mga sandig, nasa kanyang tahanan kami di kalayuan sa aming puod naririto ako upang ito ay dalawin at kumustahin.
"Kumusta na ang aking apo na si Huada?" Tanong nito sa akin.
Nabaling ang paningin ng aking tatlong sandig sa akin na sandaling natigilan sa kanilang pagkain dahil sa tanong ni ingkong.
"Siya'y mabuti ingkong," tugon ko.
Batid kong magtatanong ito patungkol sa aking kapatid sapagkat kinagigiliwan niya itong apo.
"Ibinalita sa akin ng aking abay na pinutol ni Huada ang kanyang buhok, at nakita nito na tumatangis ang aking apo at yumukod, at magsumamo sa inyong ama upang hindi kitlan ng buhay ang kanyang sandig," salaysay niya.
Hindi ko batid na naroon pala ng gabi na iyon ang abay ng aking ingkong sapagkat hindi ko ito napansin.
"Nasaksihan pala iyon ng inyong abay, ngunit hindi ko naman siya napansin roon ng gabing yaon," aking wika.
Sandali itong tumigil at uminom ng tubig.
"Naroon siya, kasama ng mga nakatatandang lupon at dali-dali itong umalis ng inyong puod, nang ipag-utos ng inyong amang Rajah na iakyat ang iyong kapatid sa kanyang bukot," salaysay ni ingkong.
"Tama ang inyong abay, totoo ang kanyang mga isinalaysay sa inyo Baba Digma," aking wika.
"Nais kong makita ang aking pinakamamahal na apo na si Huada, maaari mo ba siyang isama rito sa susunod na araw?" Tanong nito sa akin.
May kahirapan ang hinihiling ng aking ingkong ngunit sino ba ako? Upang hindi pagbigyan ang kahilingan nito.
"Gagawin ko ang aking makakaya Baba Digma, sapagkat mainit pa rin ang mata ng aking Baba kay Huada at sa mga sandig nito," aking tugon.
Maaring hindi payagan ng Rajah ang aking kapatid na lumabas sapagkat nasa ilalim ito ng kanyang pagpaparusa.
"Ngunit bakit? Bakit mainit ang mata ng aking anak na Rajah sa aking apo at sa kanyang mga sandig?" Tanong nito.
Tiyak ay mabibigla ito sa aking sasabihin.
"Sapagkat nagawa nilang ipuslit ang isang binata sa silid ng aking kapatid na Bai," tugon ko.
"At paano nila nagawa iyon? Gayong napalilibutan ng maraming bantay ang balay ng Rajah?" Tanong muli nito.
"Nagawa nila itong ipuslit sa pamamagitan ng isang malaking tampipi Baba Digma, at nalansi ang mga bantay sapagkat sinabi nila na mga damit panloob ang nilalaman ng tatampiping yaon," aking tugon.
"Matatalinong mga sandig! Iyan ang aking gusto! Maiisog! Ngunit sandali lamang sino ang binatang kanilang naipuslit?" Tanong muli niya.
Batid kong hahanga si Baba Digma sa aking isinalaysay, pagkat kaiba sila ng aking Baba. Mas gusto ni Baba Digma ang mga maparaan na tao, maisog at may pagkapasaway.
"Isang kahanga-hanga at maisog na binata ang ipinuslit ng mga sandig ng aking kapatid, at ito ay aking nakilala Baba Digma," aking tugon na nakangiti.
"At paano mo nasasabi iyan Isagani?" Tanong nito.
"Sapagkat nakita ko ito kung paano tumindig, at isinalaysay nito na pinulbos niya lamang ng ilang minuto ang tauhan ni Nemesis," aking tugon.
"Nemesis? Ang Ginoong nakatakdang maka-isang dibdib ng aking apo? Marami nga iyong mandirigma kung gayon ay pinahanga ako ng binatang naipuslit ng mga sandig ng aking apo, ano ang ngalan ng binata?" Tugon at tanong nito na mababakas ang pagkamangha.
"Apollo, Apollo ang kanyang ngalan Baba Digma," aking tugon.
"Makahulugang ngalan," wika nito.
"Ayon kay Uray Da-an ang kahulugan ng kanyang ngalan ay tagapag wasak," aking wika.
"Mukhang nababagay sa kanya ang kanyang ngalan," wika nito.
"Tama kayo Baba Digma, nagawa niyang galitin ang aking ama at si Nemesis kamuntik pa magkaroon ng gulo sa pagitan ng dalawang binata-- na kung hindi agad napigilan ay tiyak nagsukatan ng lakas sa gitna ng hapunan," aking salaysay.
Ang binatang iyon ay masasabi kong tunay na maisog.
"Nais kong makadaupang-palad ang Apollo na iyong binanggit," aniya.
Hindi ko akalain na sasabihin ito ng aking ingkong, ngunit ako ay nagagalak.
"Titiyakin ko na makakadaupang-palad niyo ang maisog na binatang iyon Baba Digma," aking wika.
"Ngunit nais ko munang makita ang aking apo na si Huada," wika nito.
"Kung papalarin Baba Digma, ay maisasama ko siya mamaya at hindi na aabutin pa ng bukas ang inyong paghihintay," aking wika.
Georgia's PoV
Lunes na lunes pero parang biyernes Santo ang peg ko ngayon di ko alam! Di ko feel na maging happy ako sa araw na itey dahil di ko pa nakita si Ganda, hindi ko pa nakikita sila Azerine na pumasok eh. Kaloka kanina ko pa sila hinihintay. Makapag retouch nga muna ulit baka pumasok na si Ganda kailangan magandang-maganda ko syempre! Ang dami kong kalaban sa puso niya, so ako kakabugin ko na lang sila sa ganda ko! Para awra!
"Ano na bakla? Pangatlong retouch mo na 'yan hindi pa man nag-uumpisa ang klase," wika ni Rica.
"Syempre, kailangan maganda ang bakla pag pumasok na si Ganda ano!" Wika ni Whisky.
"Naloloka na nga ako mga bakla, feeling ko nga parang wala lang 'tong araw na 'to, pero alam niyo iyon baka pumasok na si Ganda syempre kailangan maganda ko! Pero hindi pa rin eh! Ewan ko ba nararamdaman kong hindi pa rin papasok si Ganda ngayon," wika ko, hindi ko lang talaga feel ang araw na itey.
"Huwag ka nga'ng nega diyan Georgia! Papasok 'yon!" Ani ni Rica, sabay bukas ng abaniko niya at paypay.
"Ano na kayang nangyari kay Ganda 'no? May balita ba kayo kina Azerine?" Tanong ni Whisky.
"Wala pa kong balita sa kanya, hindi ko nakakachat o nakakatext si poging Azerine," sagot ko.
"Speaking of Azerine, OMYGUUSSSHHHH! Andiyan na si Azerine with Papa Jace and Papa Tres ang sherep!" Wika ni Rica ang harot ng bakla.
"Pogi!" Tawag ko kay Azerine, at agad naman lumapit ito sa amin kasama sina Jace at Tres.
"Ui! Georgia kumusta?" Tanong ni Azerine.
Lumapit naman 'yong dalawang bakla kina Jace at Tres ang lalandi ng mga bakla sarap pagsasabunutan sa baba!
"Ayos lang naman, si Ganda nasaan? Kasama niyo ba siya? Nasaan siya?" sunod-sunod na tanong ko.
"Ano kasi si Huadelein ayon! Inuubo tsaka sinisipon," tugon nito.
May sakit pala si Ganda? Sad naman.
"Ganoon ba? Teka! Kung ganoon eh di isang linggo na 'yong sipon at ubo niya?" Tanong ko.
"Ang totoo kasi niyan Georgia-- nasa probinsya kasi ngayon si Huadelein," sabi ni Jace.
Ano ba talaga? May sipon at ubo tapos ngayon nasa probinsya naman!
"Ano? Teka! Naguguluhan ako may ubo at sipon siya tapos ngayon nasa probinsya naman?" Tanong ko.
"O-Oo, doon siya nagpapagaling!" sagot ni Azerine.
Sa probinsya nagpapagaling? Teka! Nakakaloka!
"Sandali hindi magets ng beauty ko, paki explain niyo naman ng maayos," saad ko.
"Si Huadelein, nasa probinsya may sipon at ubo pa rin siya doon siya nagpapagaling plus! Bakasyon na rin," tugon ni Tres.
"So ibigsabihin nasa bakasyon ngayon si Huadelein?" Paglilinaw ko.
"Oo, ganoon na nga Georgia," sagot ni Azerine.
Narinig naman namin na tumunog na ang bell senyales na mag-uumpisa na ang klase.
"Tara na! Pumasok na muna tayo mga Bess!" Wika ni Rica at isinukbit na ang bag sa balikat niya ganoon rin si Whisky at ikinawit na ng mga bakla ang mga kamay nila sa dalawang papabols! Ang lalandi ng mga bruha.
Isinukbit ko na rin ang bag ko sa balikat at lumakad na kasabay si Azerine.
Nakakalungkot wala pa rin si Ganda, kailan kaya siya babalik? Kailan kaya siya papasok ulit? Namimiss ko na si Ganda.
"Pakisabi kay Ganda pasalubong ah, Piyaya," ani ko.
"Oo, makakaasa kang may pasalubong 'yon," wika ni Poging Azerine.
Sana naman pumasok ka na Ganda, miss na kita.
Azerine's PoV
Cafeteria
"Lupet ng ginawa natin pag puslit kay Dos no'ng sabado," wika ni Jace.
"Feeling ko nga pwede ng ipalabas sa tv ang buhay natin-- parang mga action star na tayo sa nararanasan natin ngayon eh," wika naman ni Tres, sabay inom sa softdrinks niya.
Syempre! Malupet ako mag-isip!
"Syempre, malupet si Azerine eh!" Wika ni Jace.
*Flashback*
"Anong gagawin natin para makapasok ng balay ng Rajah?" Tanong ni Hope.
"Ngayon pa nga lang nahihirapan na tayo mag-isip ng paraan para makita ang Bai, paano pa kaya na kasama na natin si Dos? Eh! Nakita na 'yan nila Atubang na kasama ng Bai eh," wika ni Winston.
Pinagmamasdan ko lang sila habang ang gwapong ako, eh! Nakaisip na ng plano.
"Ako na lang mag-isa kikilos," wika ni Dos.
"Pag nahuli ka damay rin kami," wika ni Jace.
"Wala talaga ko ibang maisip na paraan," ani ni Tres.
"Sige maiwan ko na kayo, hahanapin ko pa si Huadelein--" wika ni Dos na akmang aalis na ng kubo.
"Walang aalis! Walang kikilos na mag-isa may naisip na kong paraan," wika kong gwapong nakangiti, kinuha ko ang maleta, may kabigatan nga lang dahil may laman na mga damit ni boss.
"Ano naman ang magagawa ng isang maleta?" Tanong ni Hope.
"Double purpose 'to, maipupuslit na natin si Dos may dahilan pa tayo para makapasok," sagot kong ngiting-ngiti.
*End of Flashback*
"Pero mas malupet 'yong dahilan mo Azerine, noong nakaraan na hinahanap ni Georgia si boss sabi mo hindi mo alam tapos kanina sinabi mo may sipon at ubo, tapos sinabi pa nitong si Jace na nasa probinsya anak ng! Ang pangit niyo magdahilan," saad ni Tres.
Nginunguya ko ang pagkain ko sa bibig ko habang nakatingin kay Tres na nagsasalita, samantalang si Jace huminto sa pagkain niya ng bananaque.
"Wala na 'ko maisip na maidadahilan, tsaka mangungulit talaga 'yon si Georgia tingin maniniwala ba sila na kung sasabihin ko na nasa puod si Huadelein-- at isang Binukot na pinarusahan ng ama niyang Rajah, sa palagay mo maniniwala ba sila kung sasabihin ko 'yon ha?" Halos pabulyaw na wika ko kay Tres.
"Oo nga naman, ako nga noon hindi makapaniwala na nage-exist pa ang ganoong tradisyon nila Huadelein, baka isipin pa nila baliw tayo," wika ni Jace.
"Ano naman kung malaman nila ang totoo?" Tanong ni Tres. "Hindi ba dapat maging proud kayo dahil mga sandig tayo ng Binukot na si Huada? Ang anak ni Rajah Bagani," wika ni Tres.
May punto naman siya, pero hanggat maaari lang kasi gusto itago ni Huadelein ang pagkatao niya sa mga kaklase namin, ayaw niyang may makaalam na ibang tao patungkol sa pagiging Binukot niya hindi dahil sa hindi siya proud. Ang gusto niya lang tahimik na buhay na walang nakaka-alam ng pagkatao niya, bukod sa akin at sa mga sandig niya na nakakakilala sa kanya sa labas ng puod.
"Hindi natin pwedeng sabihin 'yan kina Georgia, ayaw ni Huadelein ipaalam sa iba ang pagkatao niya kaya hanggat maaari magdadahilan ako para manatiling secret ang pagkatao ni boss sa mga kaklase natin o sa ibang tao," wika ko, sabay inom sa plastic cup ng palamig.
"May punto ka Azerine, kasi baka pagpiyestahan ng mga tao si boss pag nagkataon na malaman nilang isang Binukot si Huadelein," wika ni Jace, sabay kagat sa bananaque niya.
"Ngayon naiintindihan ko na, gustong manatiling lihim ni Huadelein ang pagkatao niya rito," wika ni Tres.
"Oo, kaya itikom mo 'yang bibig mo kapag nagtanong uli si Georgia ang sasabihin niyo lang nasa probinsya si boss," wika ko, at sabay kuha sa stick ng bananaque ni Jace at kagat dito, napabaling pa ang tingin sa'kin ni Jace pero hindi naman niya binawi ang bananaque.
"Okay, sige sige copy!" Sagot ni Tres.
"Balita ko si Ireah na tsaka si Argo ah," rinig kong wika ni Jace na nakangiti .
Puta! Mang-aasar lang 'tong kupal na 'to.
"Oo nga, ang ganda ni Ireah nakita ko nga sila kanina naglalakad magkaholding hands," wika pa ni Tres.
First blood!
"Ang sweet sweet nga nila kanina, may pabulaklak pa si Argo," wika pa ni Tres.
Double kill!
"May pagkiss pa nga sa pisngi ni Ireah si Argo, ang dami pang estudyante na nakatingin kanina," wika ni Jace.
Triple kill! Aray putcha!
"Sigurado ang daming naiinggit sa kanila ngayon, bagay na bagay sila parehas silang maganda at gwapo plus! Muse pa si Ireah si Argo naman Escort sa section nila kaya talagang bagay silang dalawa," saad pa ni Tres.
Maniac! Konti pa sasagad na sa buto ko! Ngina!
"gag*! 'Wag ka maingay baka may magselos! Papa Argo pa naman niya 'yon, ang akala ko nga MU na sila ni papa Argo niya pero 'yon pala may Ireah na si Argo! Kaya paano na 'yong isa diyan?" Wika na Jace.
Savage! Saksak puso tulo ang dugo! Harap! likod! Sagad sa buto! Puta!
"Oo nga 'no! Kawawa naman 'yong isa baka umaasa pa--" wika ni Tres.
"Putang*na niyong dalawa!" Bulyaw ko sa kanila.
"Ay! Andiyan ka pa pala Azerine," wika ni Jace.
"Ngina! Niyong dalawa! Andito pa ko sa harap niyong dalawa mga gag*!" Bulyaw ko.
"Pfft! Hahahaha kumusta na nga pala kayo ni Argo?" Tanong ni Tres.
"King*na niyo!" Bulyaw ko.
"Pfft! Hahahahaha!"
"Hahahahaha!"
Mga hayup talaga!
Argo's PoV
Filipino subject na, at lutang si Dos naikwento niya sa'kin na nagpunta siya sa lugar nila Huadelein na kung tawagin PUOD, akala niya yata kanina papasok na si Huadelein 20 minutes siyang late kanina sa first subject namin dahil hinihintay niya si Huadelein sa gate kaso walang Huadelein na dumating.
Di ko alam kung maaawa ko kay Dos, masyadong mataas na babae ang gusto niya, pero syempre si Dos pa ba magpapa awat? Naku! Nakapasok nga siya ng puod nila Huadelein ng walang galos eh, nakauwi rin siya ng buhay tsaka sabi niya may relasyon na sila ni Huadelein kaya walang dahilan para sumuko ang lokong kaibigan ko na 'to, inlab eh! Iba talaga naidudulot ng pag-ibig tang*na, haha.
Naramdaman kong ikinawit ni Ireah ang kamay niya sa braso ko.
"Ano bang tinitingnan mo sa tomboy na kaibigan ni Huadelein?" Biglang tanong ni Ireah.
Tang*na! Oo nga no! Ngayon ko lang napansin nakatuon na pala paningin ko kay Emo, nagsusulat siya katabi si King na nakaakbay sa upuan niya.
Tang*na! Porke ba medyo nabusy ako kay Ireah iba na Bestfriend niya.
"Wala naman, tsaka di naman ako nakatingin kay Emo," sabi ko, sabay tuon ng paningin ko sa kanya.
"Maganda ba ko Argo?" Tanong nitong nakangiti sa'kin.
Tang*na naman men! Shet! Ang ganda niya talaga!
"Oo, maganda ka Ireah," wika kong nakangiti.
Nabigla ako nang mabilis ako nitong halikan sa labi.
"Gwapo ka rin Munch," wika nito sa'kin.
Naramdaman kong nasa hita ko na pala ang kaliwang kamay niya, shet! Huwag ngayon Ireah nasa school tayo baka di ako makapag-pigil.
"Ireah huwag ngayon, nasa school tayo," bulong ko sa tainga nito.
"Pero gusto ko," wika nito at sabay kagat sa ibabang labi niya, king*na men!
"Ay Munch teka lang ah! May itatanong lang ako kay Emo," wika ko, sabay tayo ko, ayoko gawin ang bagay na gusto niya habang nandito sa room baka mamaya may makapansin pa, nakakahiya 'yon.
Lumapit ako kay Emo at naupo sa tabi niya.
"Emo! Pahiram ballpen," wika ko para mabaling ang paningin sa'kin ng dalawa.
"Problema mo Argo? Ballpen? Di mo pa nga sa'kin naibabalik ballpen ko na hiniram mo," malakas na boses nitong wika.
Taena! Naaakit pa rin ako sa tomboy na 'to, ang ganda ganda, putcha!
Napansin ko pang idinikit ni King 'yong sarili niya kay Emo, tang*na naman!
"Nawala Emo eh! Pahiram ako ulit," sabi ko.
"Taena naman Argo, pati ba naman ballpen mo p-problemahin ko pa, oh! Ito ballpen! Walain mo ulit!" Bulyaw nito, at bigay sa'kin ng ballpen na ginamit niya, atsaka binuksan niya ang bag niya para kumuha ng panibagong ballpen at nagsulat na ulit.
"Salamat Emo," Sabi kong nakangiti.
"Walang anuman Argo'ng bakla" wika nito.
Nagsulat na ko at mayamaya lang narinig kong nag-uusap na 'yong dalawa.
"Naalala mo 'yong niligawan ko Azerine?" Rinig kong tanong ni King kay Emo.
"Oo, 'yong maganda na 3rd year? Di ba naging kayo no'n?" Tanong ni Emo kay King.
"Oo, gag* may jowa pala 'yon na tomboy" Sabi ni King.
"Pfft! Hahahaha kawawa ka naman four eyes pinagpalit ka sa gaya kong gwapong tomboy? Hahahaha" wika ni Azerine na tumatawa.
Parang dati lang kami ang magkatabi lagi ah, at kami ang magkatawanan.
"Huwag mo na ipaalala Azerine, medyo malaki-laki nagastos ko do'n sa panliligaw haha" rinig kong wika pa ni King.
"Kawawa ka naman King, pinagpalit ka na nga! Butas pa bulsa mo hahahaha" wika pa ni Azerine.
Taena naman, patuloy lang sila sa pagk-kwentuhan nang mapansin kong pa-akbay na si King kay Emo.
"Emo, may ibubulong ako sayo" Sabi ko at agad kong inakbayan si Emo palapit sa'kin, 'yong as in na dikit sa'kin!
Kahit di ako lumingon alam kong nabigla si King sa ginawa ko, sorry na lang! Pero si Emo mananatiling Bestfriend ko! Ako lang dapat BBF niya BoyBestFriend.
Huadelein's PoV
Hindi ko malimutan ang mga kataga na sinambit ni Dos, paulit-ulit ito sa aking isipan.
*Pagbabalik-tanaw*
"Hihintayin kita Huadelein," aniya, at ginawaran nang maliit na halik ang aking noo at labi, sandali kong naramdaman muli ang mga labi nito na aking dinama sa huling pagkakataon kung ito na nga ang huli, nang maghiwalay ang aming mga labi ay pinakatitigan ako nito sa aking mga mata atsaka ito may ibinulong sa aking tainga.
"Iloveyou Huadelein, mahal kita at hihintayin kita, Bai ko..."
"Paalam, irog ko," tanging naiwika ko na lamang.
*Pagtatapos ng balik-tanaw*
Iniibig din kita Irog ko, ngunit kailangan kong tapusin ang misyon na nakatalaga sa akin, at sa aking pagbalik hindi ko maipapangako na tayo ay magbabalik sa dati sapagkat kailangan kong dumistansya sa iyo upang magampanan ko ng maayos ang aking gampanin.
Narinig kong mayroong kumatok sa pinto ng dalawang beses at lumapit agad si Milan dito upang tingnan kung sino ang kumatok, at agad ay nagwika si Milan.
"Aking Bai, si Ginoong Isagani ay naririto," aniya.
"Patuluyin mo siya Milan."
Masayang binuksan ni Milan ang pinto upang patuluyin ang aking nakatatandang kapatid, nasilip ko pa ang mga bantay sa labas nananatili pa rin silang naka bantay sa akin. Pumasok si ubu Isagani sa pinto at agad itong isinara ni Milan at agad itong yumukod.
"Ubu Isagani, ano at naririto ka?" Aking tanong sa kanya.
"Nagtungo ako kanina lamang kina Baba Digma, at nais ka niyang makita nais niyang magtungo ako roon kasama ka," wika niya sa akin na nakangiti.
Napangiti ako sa tinuran ng aking kapatid, ngunit nawala rin ang aking mga ngiti sa labi nang maisip ko na tiyak ay hindi ako papayagan ng aking ama na makalabas ng aking bukot.
"Ngunit ubu, tiyak ay hindi papayag si ama na magtungo ako sa balay ni Baba Digma," aking wika.
"Huwag mo ng alalahanin pa ito Huada, sapagkat naipaalam na kita kay Baba at siya'y pumayag, sinabi ko rin sa ating Baba na ihahatid lamang kita roon at doon mananatili ka ng tatlong gabi kasama ang iyong mga bantay," wika ni ubu Isagani.
"Kung gayon ay kailangan ko na mag gayak ubu, salamat ubu Isagani!" Aking masayang wika.
"Mag gayak ka na, at mayamaya lamang ay tutulak na tayo sa balay ng ating mahal na ingkong," saad niya.
--
Matapos ayusin ni Milan ang aking mga gagamitin na kasuotan ay nakagayak na rin ito, sapagkat kasama ko ito na magtutungo sa balay ng aking ingkong.
"Tayo na Bai, tiyak ay hinihintay na tayo ni Ginoong Isagani," wika ni Milan.
"Daghang salamat Milan sa iyong pag-aalaga sa akin," aking wika.
"Bai, palagi kitang aalagaan kaya tayo na," aniya na nakangiti.
Binuksan ni Milan ang pinto at kinuha ng mga bantay ang sisidlan ng aking mga kasuotan.
"Bai, sumakay ka sa aking likuran," mungkahi ni Maliksi.
"Hindi na kailangan Maliksi, kaya kong maglakad," aking wika.
"Ngunit isa kang Binukot Bai, at wala ka sa labas ng puod," anito.
"Hayaan mo na lamang siya Maliksi, buhatin mo na lamang siya paglabas ng balay," wika ni Milan.
Tumango naman si Maliksi bilang tugon.
Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa balay ng aking ingkong, agad ay inalis ko ang kayo na nagkukubli sa akin at agad ay bumaba ako sa malaking hibla na ako'y lulan. Tumakbo ako patungo sa aking ingkong na naghihintay sa labas ng balay nito.
"Baba Digma!" Aking masayang bati at yakap dito.
"Aking apo, Bai Huada-- ikaw talaga ay makulit bumaba ka agad sa duyan na ikaw ay lulan," aniya, at ako'y niyakap. Kumalas si ingkong sa pagkakayakap at humarap ito sa akin.
"Kumusta ka na Baba Digma? Matagal tayong hindi nagkita," aking wika.
"Ayos lamang ang iyong Baba Digma makisig pa rin," wika niya sa akin.
Ngunit naamoy ko ang hininga ng aking ingkong.
"Baba Digma, ano at ngumunguya na naman kayo ng nganga," aking wika.
Ugali niya talagang mag-nganga ngunit hindi ko naiibigan ang amoy nito.
"Bakit? Mabango naman hindi ba?" Nanunukso nitong tanong.
"Baba Digma!" Aking pananaway.
"Biro lamang, mabuti Isagani at pinayagan ka ng iyong Baba na isama ang iyong kapatid," wika ni Baba Digma.
"Basta kayo ang dahilan Baba Digma ay papayagan ng aking amang Rajah na lumabas ang aking kapatid," tugon ni ubu Isagani.
"Mabuti kung gayon, mga mandirigma at bantay ng aking apo na Bai kayo ay malayang tumuloy sa aking balay, tayo na! Upang makakain na tayo nagpahanda ako ng munting piging sa pagdating ng aking apo," saad ni Baba Digma na nakangiti.
"Daghang salamat Rajah Digma," wika ng mga bantay.
"Maari rin ba kaming sumalo Rajah Digma?" Tanong ni Kabang na sandig ni ubu Isagani.
"Oo naman, kaya tayo na!" Tugon ni Baba Digma.
"Makakakain muli ako ng masarap!" Rinig kong wika ni Wano.
"Baba Digma? May inihaw ba na bangus?"
"Lahat ng iyong paboritong pagkain ay nasa hapag," tugon ni Baba Digma na aking ikinagalak.
-------
Itutuloy...
Karagdagang kaalaman:
Ingkong- matandang may karunungan, lolo
Kayo- tela
-Kumusta mga Ginoo at Binibini? Sana ay naibigan niyo ang kabanatang ito, mag-iwan po sana kayo ng kumento, daghang salamat sa suporta.😊
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top