Kabanata XXXIX: Ang Pagputol Sa Ugnayan
Kabanata XXXIX: Ang Pagputol Sa Ugnayan
--
Huadelein's PoV
"Dos... Pinuputol ko na ang ating ugnayan..."
"A-ano?"
"Binibining Delzado at Ginoong Zeryozo! Ano at diyan kayo nag-uulayaw?" Biglang tanong sa amin ni Ginoong Quinis, na kararating pa lamang habang nakapamaywang ito at sabay bukas ng kanyang pamaypay na kulay rosas.
"Ginoong Quinis naman, Jowa time eh," wika ni Gunggong kay Ginoong Quinis.
"Anong jowa time! Jowa time? Filipino time ngayon Ginoong Zeryozo! Ano hindi ka na makapag hintay ng uwian ha? Mamaya na 'yang lambingan! May klase tayo ngayon, hala! Pasok!" Anito sa amin, ngunit napansin ko ang maliit na ngiti sa akin ni Ginoong Quinis at kumindat pa sa akin at bumulong pa ito.
"Binibining Delzado mamaya na ang inyong lambingan," bulong nito, at nakangiting lumakad papunta sa harap.
Lumakad na kami ni Dos at kanya-kanyang nagtungo sa aming mga upuan.
Habang nagsasalita si Ginoong Quinis sa harap ay naupo sa aking tabi si Azerine at nagtanong ito agad.
"Boss, ano kumusta kayo ni Dos?" Tanong niya, habang ang paningin nito ay nakatuon kay Ginoong Quinis na nagsasalita sa harap.
"Mamaya ko na lamang siguro siya kakausapin Azerine."
"Eh, paano 'yan boss? Kaya mo kayang gawin ang iwasan si Dos?"
"Hindi ko alam Azerine, ngunit ngayon pa lang ay nadudurog na ang aking puso, habang iniisip ko pa lamang kung ano ang kanyang magiging reaksyon kapag pinutol ko na ang aming ugnayan," aking wika na halos mamaos dahil sa nagbabadyang luha.
"Boss, ang maipapayo ko lang kayanin mo kasi malaki ang nakasalalay sa misyon natin ngayon, hindi ka makakapag focus kung may iniisip kang mapapahamak lalo na taong mahal pa natin di ba? Kaya boss kayanin mo sana."
"Batid ko iyan Azerine, sinabi ko naman talaga kay Dos--- ang kaso ay bigla nang dumating si Ginoong Quinis," aking saad, at hinawi ang butil ng luha sa aking kanang gilid na mata.
"Minsan talaga epal talaga 'yan si kalbo eh! 'Yon tipong 'yon na 'yon oh! Sasabihin mo na oh! Tapos biglang may eepal na kalbo!"
Hindi ko naunawaan ang sinabi niyang 'epal'.
"Sandali nga Azerine, ano ang salitang 'epal'?"
"Boss, tingnan mo lang si sir Quinis 'yang kalbong 'yan! Siya mismo ang dipinisyon ng salitang 'epal' !" Tugon niya.
"Ngunit ano nga ba iyon?" Tanong ko, habang pinagmamasdan si Ginoong Quinis.
Ano ba ang salitang 'epal' na sinasabi ni Azerine?
"Boss, basta si sir mismo ang kahulugan!"
Paano ko malalaman hindi ko naman alam ang kahulugan ng salitang 'epal' si Azerine talaga.
Winston's PoV
"Makatitiyak ba ako na mababantayan niyong mabuti ang inyong Bai?" Tanong ni Atubang Isog sa'kin.
Pinatawag ako ng Rajah upang makausap, ngunit si Atubang ang humarap sa'kin dahil may biglaang pulong ito sa kanyang tagatanggol ngayon.
"Oo naman Atubang, makakaasa ka na mababantayan namin ang aming Bai huwag kang mag-alala kasama ni Bai Huada sina Azerine, Jace at Tres sa paaralan," tugon ko.
"Nais ko lamang makatiyak at ng Rajah, na gagawin niyo ng tama ang inyong gampanin sandig ng Bai Huada," anito sa akin.
"Bati ko iyan Atubang, sapagkat batid kong hindi naging iba sa inyo ang aming Bai, anak ang inyong turing sa kanya at batid namin na kaligtasan lamang ni Bai Huada ang inyong hangad."
"Tama ka sandig ng Bai, walang ama na ibig mapahamak ang kanyang anak at unawain niyo na lamang ang Rajah kung kayo ay madalas makagalitan nito."
"Kami ay sanay na sa Rajah," tugon ko.
"Kung gayon ay maraming salamat maaari ka ng humayo," aniya.
At ako ay tumalikod na at paalis na sana 'ko nang makasalubong ko si Hope, anong ginagawa ng tomboy na 'to rito? Pinatawag rin ba siya? Ngiting aso ang tomboy ah!
"Ganda ng ngiti ng tomboy ah!" Sabi ko pagkasalubong ko sa kanya.
"Sino ba naman hindi ngingiti, eh kami na ng nililigawan ko," sagot niyang ngiting-ngiti.
"Maghihiwalay rin kayo! Walang poreber!"
"Alam mo ikaw Winston! Jowain mo na lang kaya aso ko sa bahay, taena men! Walong buwan ka ng bakante! Di ka pa ba nagsasawa? Di mo ba namimiss 'yong may nililigawan? Di mo ba namimiss 'yong may tumatawag sayong babe! Bhe! Honey! Sweety! Mahal!" Saad niya.
Anak ng putcha pfft!
"Lahat ng binanggit mong call sign... Lahat sila naghiwalay! Meaning! Wala talagang poreber!" Sabi ko.
"Ganoon ba 'yon? Pero di mo ba namimiss 'yong may humahalik sayo? 'Yong may naglalambing sayo? Ano Winston habang buhay ka na bang ganyan? Single?" Tanong ng mayabang na tomboy.
Ang OA ampupu! Walong buwan pa lang naman akong single ah! Habang buhay na agad sinasabi ng Hope na 'to!
"Taena mo Hope! Walong buwan pa lang akong single ang OA lang ng habang buhay na sinasabi mo!"
Wala naman masama sa pagiging single ah.
"Pero di nga? Ikaw ba di mo ba namimiss 'yong mga ganoong bagay?" Tanong niya.
Ang kulit talaga ng isang 'to.
"Namimiss naman, pero iba kasi gusto ko, gusto ko score agad," sagot kong nakangisi.
"Taenang 'to oh! Nasa salitang halik pa lang ako! Tapos ikaw gusto mo score agad amputcha!"
"Ba't Hope? Huwag mo sabihing birdyin ka pa?" Tanong kong nakangisi.
"H-hindi ah! Ang sa akin lang naman, ang sinasabi ko na nasa salitang pagkamiss sa halik pa lang tayo, oh! Sayo score agad! Ano 'yon? Nililigawan mo pa lang gusto mo iniiscoran mo na!" Saad niya, dahilan para matawa ko.
"Aba'y Oo naman! Ano choosy pa ba sa gwapo kong 'to?"
"Saan banda tomboy?"
Panira putcha!
"Panira ka naman Hope, teka! Sandali nga, ano nga pala call sign niyo ng jowa mo ngayon?"
"M-mahal," sagot niya, atsaka bumuga ang tawa ko.
"Hahahaha! Tang*na Hope, gasgas na 'yang endearment na 'yan! Hahahaha wala talagang poreber!"
"Huwag ka naman ganyan Winston, baka mausog," aniya, na nakanguso haha.
"Gag*, nagsasabi lang ako ng totoo kung ako sa'yo huwag kang umasa na magtatagal kayo ng jowa mo," sabi ko at tumawa ulit.
"Uuwi na nga 'ko baka mausog pa relationship ko sayo buset ka!" At lumakad na siya palayo sa'kin.
"Woi! Sandali lang Hope! Hahahaha taena--- sorry, di ko mapigilan matawa--- Hintayin mo 'ko woi! Hahahaha taena," tawag ko sa kanya, at sumakay na ng kotse ang tomboy haha asar talo.
Huadelein's PoV
Malamig na hangin ang dumadampi sa aking balat, sa waring magiging pinakamalungkot na gabing tila aking magugunita kada minuto ng aking buhay. Nag-uuwian na ang mga kapwa namin mag-aaral, ngunit kami ni Dos ay nanatili sa halamanan ng paaralan--- nakaharap ito sa akin at hindi ko ito kayang mamasdan o mabalingan man lang, sapagkat tiyak ay naguguluhan na ito sa aking sinabi.
"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo Huadelein?" Sa puntong ito ay hinawakan na nito ang aking magkabilang balikat.
"Ang sabi ko ay pinuputol ko na ang ating ugnayan hindi mo ba nauunawaan? Ayoko na magkaroon nang kahit na anong kaugnayan pa sa iyo."
Tila basag ang aking boses nang sabihin ko iyon, waring taksil naman ang aking mga luhang nagbabadya.
"Ayaw mo na? Ayaw mo na naman sa'kin? Bakit? Dahil ba 'to doon sa fiance mong hilaw? Kung dahil do'n Huadelein ako na ang bahala do'n! Kayang-kaya ko 'yong ungas na 'yon! Ano Huadelein--- tumingin ka sakin..." Aniya, at hinagkan ang aking baba upang mag-angat ako ng paningin sa kanya at nang mabaling ang ako--- ay kitang-kita ko sa mga mata nitong nangungusap sa akin.
"Ako ay nakatakda nang ikasal Dos, at ang isang babae na nakatakda ng ikasal ay hindi na dapat pa magkaroon ng kaugnayan sa ibang lalaki o Ginoo--- at ang puso't damdamin ko ay dapat sa aking magiging bana lamang."
Ngayon ay batid kong nasasaktan ko na ito dahil sa aking mga sinambit, damang-dama ko ang sakit mula sa kanyang mga mata na siyang aking iniiwasang makita.
"Hindi mo siya mahal Huadelein! ---Ano ba 'tong nangyayari Huadelein? Di ba okay naman tayo? Sumumpa ka sa'kin na magbabalik ka rito--- na muli tayong magkikita pero ano 'to ngayon? Bakit parang umaatras ka na? Huadelein, girlfriend na kita di ba? Di ba? Pero bakit ngayon sinasabi mo na pinuputol mo na ang ugnayan natin?" Halos pasigaw na tanong nito sa akin, at ramdam ko ang sakit na kanyang nararamdaman sapagkat maging ako man ay nasasaktan at kanina ko pa pigil-pigil ang aking luha.
"Magpapakasal na 'ko sa iba, at batid mo kung kanino kaya kung maaari lamang ay itigil na natin ang kalokohan na ito--- sapagkat sa huli ay hindi ako magiging sa iyo at hindi ka rin magiging sa akin, dahil magkaiba tayo ng mundong ginagalawan kaya kung maaari lamang itigil na natin ito Dos---"
Waring sinaksak ko lamang ang aking sarili nang sabihin ko iyon.
"Huh! Grabe! Ako 'tong nagtiis naghintay--- tapos sa huli ako pa rin ang masasaktan, ibigsabihin nakikipaghiwalay ka talaga sa'kin? Sagot!" Tanong nito sa akin na halos pasigaw.
"Oo. Dos, kung ang tawag nga roon ay pakikipaghiwalay ay nakikipaghiwalay ako sayo, ayoko na..."
Nababakas ko sa kanyang mga mata ang sakit na aking idinulot.
"Minahal mo ba 'ko Huadelein? Kasi ako Huadelein mahal na mahal ka..." Aniya, na nangingilid ang luha.
Napakasakit... Napakasakit na makitang masaktan ang taong iniibig mo ng lubos.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang siya'y iwasan.
"Hindi kita mahal Dos, ni minsan ay hindi kita minahal..."
Mahal kita Dos, iniibig kita walang sandaling hindi ka sumagi sa aking isipan, walang sandaling hindi kita minahal, walang sandaling hindi kita hinangaan
at ni minsan hindi ko hinangad na maputol ang ating ugnayan, aking sandig.
"Ganoon? Sige, malaya ka na--- pero gusto kong malaman mo--- na ikaw lang ang babae at Binukot na kinababaliwan ng Dos Zeryozo na 'to! At alam kong hindi mo makakalimutan ang lalaking 'to, dahil sigurado akong tumatak ako sa'yo at tatak pa sa'yo," saad niya, napansin kong tumulo ang butil ng luha nito galing sa kanyang mga mata na siyang lalong nagpahirap sa aking damdamin, nais ko man itong pawiin ay hindi ko magawa dahil ako ang siyang dahilan kaya lumuha ang aking Ginoo ngayon.
Patawad irog ko, ngunit kailangan ko itong gawin ang iwanan ka para sa misyong naka-atang sa akin.
"Wala ka na bang sasabihin? Ako ay lilisan na---" at tumalikod na, hindi ko talaga kaya na makita siyang masaktan lalo't ako ang dahilan.
Maglalakad na sana ako palayo nang nahigit nito ang aking pulsuhan.
"Wala na 'kong sasabihin pero bago ka umalis, sa akin na muna 'yang mga labi mo," aniya, at mabilis na hinapit ang aking baywang at hinalikan ang aking mga labi, nasasaktan ako sa paraang paghalik nito sa akin sapagkat kinakagat niya ito ngunit hinayaan ko na lamang dahil ito na ang huli, at sa pagitan ng kanyang mga halik ay ramdam ko ang pag-agos ng luha nito at naging dahilan ng pagkirot ng aking puso, nariyang narinig ko pa itong humikbi ngunit aking tiniis.
Nasasaktan ako sapagkat nasasaktan ko siya ngunit wala akong magagawa ngayon.
Paalam ngayon irog ko, aking Ginoo, at aking masigasig na sandig hanggang sa muli--- kung mayroon pa nga bang pagkakataon para sa atin.
Cleo's PoV
Kalalabas lang ng gate ni Dos at nagsalita ito agad pagkalapit sa amin.
"Bigyan niyo ko ng ka-date ngayon."
Anong nangyari sa lokong 'to? Ang akala ko ba sila ni Huadelein? Lahat kami natulala dahil sa sinabi ni Dos at nag-aalangan kaming magsalita.
"Dos, nagbibiro ka lang di ba? Di ba may Huadelein ka?" Tanong ko, ngumisi lang ang loko atsaka nagsalita.
"Pinagsasabi mo? Sino 'yon? Bigyan niyo ko ng ka-date ngayon, bilis!" Anito, at para bang Zeryozo este! Seryoso sa sinasabi niya.
"Oo, sige ito na!" Ani ko, at dali-daling pinindot ang dating app na ginagamit ko, may mga kakilala na ko rito kaya di ako mahihirapan maghanap ng maidi-date ni Dos.
Pero putya naman men! Anong nangyari sa pag-uusap nila ni Huadelein? At biglang bumalik si Dos sa dating gawain niya ngayon? Hindi kaya wala na sila? Ang putya! Ang akala ko pa naman sila na sa huli, team Huadelein pa naman ako.
"Matagal pa ba Cleo?" Naiinip na tanong ni Dos sa'kin mainit na ang ulo ng loko.
Samantalang 'yong tatlo sa gilid ayon! Nananahimik, mananahimik talaga 'yang tatlong betlog dahil kapag nagsalita ang tatlong 'yan at naisipang pagtripan si Dos habang mainit ang ulo garantisadong uuwi sila ng bahay na may mga pasa sa mukha.
Naka chat ko na 'yong babaeng makaka date ni Dos at pumayag na.
"Ito na Dos, mamayang 8pm sa may pinaka malapit na restaurant lang dito," Sabi ko.
"Sige! Una na muna ko sa inyo," aniya, at lumakad palayo sa'min at nang makalayo na si Dos kanya-kanya nang komento 'yong tatlo.
"Ang kupal! Single na si pareng Dos?" Tanong ni Zailen.
"Malamang! Kita mong nagpahanap na ng ka date ang lolo mo," sagot ko.
"Paano na si Huadelein?" Tanong ni Argo.
"Kawawa naman si Huadelein jowain ko na lang," wika ni Ethan.
"Siraulo! Gusto mong basagin ni Dos 'yang bungo mo? Pustahan tayo may dahilan kung bakit naghiwalay si Dos at Huadelein? Baka nakakalimutan niyong Binukot si Huadelein," wika ni Argo.
"Oo nga, 'no?" Wika ni Zailen.
"Tsaka huwag niyo muna rin kulitin si Dos, hayaan niyo siya na siya ang kusang magsabi sa atin," wika ko
"Pero iba rin si pareng Dos nagpahanap agad ng makaka date! Ikaw Ethan? Di ka ba magpapahanap ng date kay Cleo?" Tanong ni Zailen kay Ethan.
"Ayoko! Ikaw na lang Zailen tutal wala kang kasawa-sawa sa babae," wika ni Ethan kay Zailen.
"Boom! Panes ka Zailen! Kay pareng Ethan!" Wika ni Argo.
"Umuwi na nga tayo!" Aya ko sa kanila at lumakad na kami.
Zero's PoV
Sabado at napauwi ako ng bahay ngayon, dahil may mahalaga raw na sasabihin sa'min si mama, nakaupo ako sa sofa at kabababa lang din ni Dos ng hagdan at diretsong umupo sa tabi ko na naghihikab pa.
"Puyat na puyat ang Dos ah," panunukso ko sa kanya.
"Inaantok pa nga ko, di ko nga alam ba't ako ginising ni ate Madonna pinapababa raw ako ni mama may sasabihin daw," sagot ng loko.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang maliit na chikinini ni Dos sa leeg, pfft! Mukhang nasobrahan ang Bai at si Dos kagabi ah.
"Andiyan na pala kayo mga anak,," wika ni mama na nakangiti, at napansin kong may batang lalaki sa likuran nito na nagtatago.
"Ma, may sasabihin ka sa'min di ba? Kaya nga ko napauwi sabi mo kasi importante tsaka sino 'yang bata na nagtatago sa likuran mo, Ma?" Tanong ko, tsaka dumikwatro ako ng upo.
"Bata?" Tanong ni Dos, at nagmulat ng mata tsaka nabaling ang paningin nito kay mama atsaka umayos ng upo at dumikwatro rin.
"Oo mga anak, may sasabihin talaga ang mama sa inyo eh," ani ni mama, at pilit pa rin nagtatago ang batang lalaki sa likuran ni mama.
"Ano 'yon ma? Sabihin mo na," sabi ko.
"Oo nga, pa suspense ka pa ma eh," dagdag pa ni Dos.
"I-ito na nga eh, huwag ka na magtago sa likuran ko anak mababait 'yang mga kuya mo," bulong ni mama sa bata habang nakatingin pa rin ito sa amin at pilit na ngumingiti si mama.
Anak? Tinawag siyang anak ni mama?tapos kuya niya kami?
Hindi rin nagtagal at lumabas ang batang lalaki sa likuran ni mama, dahilan para mapakurap ako ng mata tingnan mo nga naman kamukhang-kamukha ni Dos.
"Hard copy mo tol!" Wika ko kay Dos at siko ko rito.
"Gag*, hindi kamukha mo nga kuya Zero eh, anak mo 'yan?" Tanong nito sa'kin, binatukan ko tuloy siya ng wala sa oras.
"Aray ko!" Reklamo niya, pagkabatok ko sa kanya.
"Sa edad kong 'to Dos? Magkakaroon ako ng ganyang edad na anak?"
"Eh! Malay mo, nakabuntis ka tsaka malabo naman na sa'kin 'yan--- ang bata ko pa para magka-anak kaya aminin mo na kuya matatanggap naman namin ni mama eh," wika ni Dos.
Ang sira ulong 'to binatukan ko nga ulit.
"Aray ko, kuya Zero," reklamo niya pagkatapos ko siyang batukan.
"Hindi ko nga anak yan."
"Umamin ka na kuya---"
"Anong aaminin ko, eh wala nga kong aaminin--"
"Tumigil nga kayong dalawa--" saway sa amin ni mama, dahilan para manahimik kaming dalawa.
"Sino ang batang 'yan, Ma?" Tanong ni Dos.
"Dos, hindi 'to anak ni kuya Zero mo, at ikaw Zero mas lalong hindi siya anak ni Dos... Kapatid niyo siya, anak siya ng papa niyo," wika ni mama.
Iba rin talaga ang tatay ko naka dali pa ng babae.
"Kapatid? Kaya pala hard copy ni Dos," wika ko.
"Hindi kaya--- mas hawig nga kayo eh," ani pa ni Dos.
"Mga anak Dos, Zero--- ito si Uno 10 years old, dito na siya sa atin maninirahan, ibinilin na siya sa atin ng papa niyo maging mabait kayo dito sa kapatid niyo, huwag niyong aawayin 'to mananagot kayo sa'kin dalawa," wika sa amin ni mama.
"Bagong kapatid? Ah! Bagong bubugbugin," wika ni Dos.
"Dos!" Pananaway ni mama kay Dos
"10 years rs old ka na, eh bakit nagtatago ka pa rin sa likod ni mama? Ano Mama's boy?" Dagdag ko pa pfft!
"Zero!" Pananaway sa'kin ni mama.
"Hindi 'no! Eh, bakit ba? Si mama lang naman ang mabait sa'kin kaya sa kanya 'ko didikit," wika ni Uno.
"Mama mo ba 'yan? Mama ko yan eh!"
"Mama ko rin 'yan!" Segunda pa ni Dos.
"Teka, sandali lang, bago ka tumira dito ang malaking tanong 'tuli' ka na ba ha? Uno?" Tanong ko, pfft! Nagbibiro lang ako pero ewan ko naaalala ko si Dos sa kanya noong maliit pa, haha.
"Zero, tumigil ka nga sa pang-aasar mo sa kapatid mo," saway sa'kin ni mama.
"Hindi, ma! Kailangan makatiyak tayo na walang supot sa mga anak mo," wika ko pa.
"Zero!" Pananaway pa sa'kin ni mama.
"Ano? Tuli ka na ba? Sagot!" Tanong pa ni Dos, putcha talaga 'tong isang 'to, tinatakot niya si Uno.
"Oo, tuli na 'ko! Kagagaling nga lang eh," sagot ni Uno na nakanguso.
"Good! tuturuan kita kung paano man chiks!" Ani ni Dos.
"Dos! Easy lang, hindi pa tayo tapos sa interview," wika ko.
"May interview ka pa ba?" Tanong sa'kin ni Dos.
"Aba syempre, meron pa--- sino mama mo? Anong pangalan ng mama mo?" Tanong ko.
"Y-Yna Flores, ang pangalan ng totoong mama ko," sagot niya.
"Bakit ka nandito? Di ba dapat nando'n ka sa mama mo?" Tanong ko.
"k-kasi--- s-si mama, may asawa nang iba, at may mga kapatid na ko do'n t-tatlo mga kapatid ko doon at binubugbog ako ng asawa ni mama, kaya hinanap ko sa Facebook totoong tatay ko--- tapos nagmessage ako sa kanya na kunin ako, k-kasi d-di ko na kaya na h-hinahampas ako ng dos por dos na kahoy ng asawa ni mama--- at kung m-mamalasin h-hindi ako kakain maghapon," sagot niyang umiiyak.
Pati tuloy si mama umiiyak na rin, lumapit kami ni Dos kay Uno at sabay namin itong niyakap.
"Huwag ka ng umiyak, andito ka na sa'min ngayon aalagaan ka namin," wika ko.
"Ba't kasi ngayon ka lang? Dapat noon ka pa dumating, eh di sana may kakampi ako kapag binubully ako ni kuya Zero," ani ni Dos.
Ang siraulong 'to.
"Siraulo, ikaw nga 'yong bully sa ating dalawa," wika ko pa.
"Andito ka na Uno, kaya huwag ka ng mag-alala kami ang bago mong pamilya at kapag nakita ko 'yong step father mo, bugbog sa'kin 'yon, dila lang walang latay," wika ni Dos.
Parang lalo pang umiyak si Uno dahil sa sinabi ni Dos, napansin ko rin sila Yaya Madonna na nag-iiyakan rin sa gilid.
"Di ba sabi ko sa'yo mababait ang mga kuya mo? Medyo siraulo lang 'yang mga 'yan pero mababait 'yan," wika ni mama, at niyakap si Uno.
"Uno, dito sa bahay hindi uso dito ang salitang gutom maraming pagkain dito, kaya hindi ka magugutom oras-oras dito meryenda--- andiyan din sila ate Madonna pwede mo rin silang lapitan," wika ko.
At napansin kong nginitian nila ate Madonna si Uno.
"S-salamat, salamat po sa inyo," anito, tsaka nagpunas ng luha gamit ng kamay niya.
"Tsaka ka na magpalasamat Uno pag lumaki-laki ka na," wika ko at ginulo ang buhok nito.
May bunso na kami.
Huadelein's PoV
Lunes na lunes at sa maghapon ay hindi ko man lang nakasalubong si Dos o napansin sa kahit saan, papasok na kami ng silid-aralan ni Azerine nang mahagip ng aking paningin si Dos sa likuran na may katabing babae at animo'y naka-akbay ito sa kanyang katabi.
Ito ang iyong nais Huada ang hindi masangkot si Dos sa iyong misyon, batid kong kalakip nito ay ang masaktan ako at makita itong may kasamang iba, titiisin ko ito sapagkat kailangan.
"Boss, kanina pa kating-kati ang dila ko magtanong eh, ano nga pala nangyari diyan sa labi mo? Ba't may sugat?" Tanong ni Azerine at nguso sa aking labi.
Bigla naman akong dinapuan ng hiya dahil sa tanong nito.
"W-wala ito, aksidenteng nakagat ko lamang ito," tugon ko, atsaka nag-iwas ng tingin.
Naalala ko ang mga halik ni Dos, noong biyernes na sadyang masakit dahil kinakagat niya ang aking labi.
Hindi sinasadya na mabaling ang aking paningin kay Dos atsaka bumaling muli ako sa harap.
"Boss, huwag kang lilingon sa kanila," wika ni Azerine sa akin.
"Ano ang iyong sinasabi Azerine?"
"Wala, boss," tugon nitong sandaling tumingin sa atsaka bumaling agad kay Ginoong Quinis.
At nakinig na lamang kami ni Azerine kay Ginoong Quinis na ngayon ay nagsasalita sa harap.
"Makinig muli mga Binibini at Ginoo gagawa kayo ng tula na patungkol sa pag-ibig o sa inyong minamahal, kayo ang bahala kung malayang taludturan o tradisyunal basta sa biyernes po isa-isa niyong babasahin ang inyong tula," wika ni Ginoong Quinis.
Nahagip muli ng aking paningin si Dos na nakangiti habang kausap ang isang babae.
Patuloy lamang ako nakinig sa talakayan ni Ginoong Quinis hanggang sa matapos ang klase.
"Paalam mga Ginoo at Binibini!"
"Paalam din po Ginoong Quinis," paalam ng mga kapwa ko kamag-aral.
"Maiwan ang mga cleaners ha," wika ni Ginoong Quinis.
Isa ko sa mga tagapaglinis ngayon tuwing lunes kahit na dapat ay nasa pangkat kami ng araw ng miyerkules, nagpalipat kami ng araw kay Ginoong Quinis nang sa gayon ay sa mga susunod na araw ay wala na kaming aalalahanin pa.
Mag-uumpisa na sanang magwalis si Azerine nang magpaalam ako rito.
"Azerine, ako muna ay magtutungo ng palikuran," aking paalam dito.
"Sige, boss," tugon nito, at agad ay lumabas na ako ng silid-aralan at nadaanan ko pa sa labas ang pangkat ni Dos hindi ko ito pinansin o binalingan man lang. Tuluy-tuloy lamang ako sa aking paglakad, at nagtungo na sa palikuran at pagkatapos ko nga gumamit ng palikuran ay agad akong umakyat--- at nakita kong naglilinis sila Azerine at agad ay tumulong na ako sa paglilinis.
Habang nagpupunas ako ng bintana ay napansin kong tila may kakatwa sa ngiti ni Dos at ng mga kasama nitong babae, nagpatuloy na lamang ako sa aking ginagawa at pagkatapos namin maglinis ay kukunin ko na sana ang aking bag nang mapansin kong wala ito sa aking upuan.
"Azerine, napansin mo ba ang bag ko?" Tanong ko.
"Boss? Andiyan lang 'yon ah," tugon niya.
"Wala rito," wika ko, at patuloy na hinahanap ang aking bag.
"Boss! Nandito sa lalagyan ng walis," wika ni Azerine, na kabubukas lang ng isang aparador kung saan inilalagay ang mga gamit panlinis.
Agad ay lumapit ako at nakita ko nga ang aking bag at kakatwa lamang, bakit tila lumaki ang aking bag? Kinuha ko ito at nang buksan ito ay naglalaman ito ng mga maraming hibla ng walis tambo, dalawang bunot na malalaki, at hindi lang iyon may nakasiksik pa rito na isang pagkarumi-ruming basahan.
Naramdaman kong mayroong tila ilaw na kumukurap kaya napalingon ako.
"Ano at kinukuhanan mo ako ng litrato?" Aking tanong, habang hawak nito ang isang telepono.
"Yari ka kay Sir Quinis, pati walis pinag interesan mo," wika nito sa akin.
"Itigil mo 'yan! Patayin mo nga 'yang cellphone mo!" Pananaway rito ni Azerine.
Habang nabaling ang aking paningin sa aking bag tinanggal ko ang mga hibla ng walis tambo, ang dalawang bunot at ang maruming basahan. Masama ang aking loob ngayon, gusto kong manapak ngunit sino naman ang aking sasapakin? Ni hindi ko kilala ang may gawa nito sa akin.
Nang dahil sa mga hibla ng walis tambo ay nagkaroon muli ng kalat sa sahig at kailangan ko pa itong linisin.
"Dalawang walis ang papalitan mo bukas Delzado, kung hindi yari ka kay Sir Quinis," wika ng babae sa akin, ito 'yong babae kanina na katabi ni Dos.
At bakit alam na alam ng babaeng 'to na dalawang walis ang papalitan ko?
"Dalawa? Bakit alam na alam mo na dalawang walis ang papalitan ko? Samantalang mga hibla na ng walis tambo ang nasa bag ko?" Tanong ko, tumayo ako at hinarap ito.
"W-wala lang, t-tantya ko lang bakit ba? Palitan mo 'yan o talagang lagot ka kay Sir," wika nito.
"Kaya kong palitan iyan, pero ikaw? Kaya mo ba sabihin sa'kin kung sino ang naglagay sa bag ko ng walis tambo, bunot at maruming basahan?" Tanong ko.
"H-hindi," sagot niya, atsaka nag-iwas ito sa akin.
"Alam mo ba kung gaano kasama ang loob ko ngayon? Kaya kong burahin 'yang kolorete mo sa mukha gamit lang ng aking kanang palad," aking wika rito at unti-unti ko itong nilapitan.
Ngayon ay nakatuon na sa amin ang mga paningin ng mga kamag-aral namin na kasama namin maglinis ngayon, naramdaman kong unti-unti itong umaatras.
"D-Delzado---"
"Sasabihin mo kung sino ang gumawa? O mada-dagdagan ang blush-on mo sa magkabilang pisngi gamit ng aking kanang palad? Mamili kang mabuti."
"S-sabihin ko na," wika nito.
"Sino?" Tanong ko.
"S-si Dos," tugon nito.
Si Dos? Si Dos ang gumawa? Ngunit bakit?
--
Pumasok akong may bitbit na dalawang walis tambo, naiinis man ako kay Dos dahil sa kanyang ginawa kagabi ay hindi ko ito haharapin o papansinin sapagkat ayokong iyon pa ang maging daan upang muli ay magkaroon ng kaugnayan sa kanya.
"Alam boss, kung anong tawag kay Dos? Bitter 'yan! Bitter 'yan sayo, kasi iniwan mo," wika ni Jace, habang naglalakad kami sa pasilyo.
Bitter?
"Boss, ako na kaya magbitbit niyang dalawang walis?" Pagkukusa ni Tres.
"Salamat na lamang Tres, ngunit ayos lang nais kong ako ang magbitbit nito nang sa gayon ay maipakita ko na kaya kong akuin ang bagay na kanya sa akin ay nais niyang iparatang."
Ngunit sandali, ano ang kahulugan ng salitang bitter?
"Grabe boss di mo naman ginawa pero ikaw aako! 'ba naman yan," wika ni Jace.
"Maka react Jace ah! Napaghahalataan ka par!" Wika ni Tres, at tapik sa kanang balikat nito.
"Pfft! Jace kumalma ka haha pumapangit ka oh," ani ni Azerine.
"Sandali nga ano ang kahulugan ng bitter? At paano mo nasabi Jace na bitter sa akin si Dos?" Aking tanong.
"Change topic boss," wika ni Jace.
"Basta boss, bitter si Dos!" tugon ni Tres
" 'Yong ginagawa boss, ni Dos pagpapakita 'yon na bitter siya 'yong parang di matanggap ganoon kaya ayan pinag-tripan ka kagabi," saad ni Azerine.
"Iyon ba ang kahulugan ng bitter?" Aking tanong.
"Depende boss, pero sa ginagawa ni Dos, bitter siya boss," wika ni Azerine.
"Boss, mamaya na lang ulit pagsasabihan ko si Dos," wika ni Tres
"Huwag mo iyan gagawin Tres hayaan mo na lamang," aking wika.
"Pero boss pagt-tripan ka ulit no'n," wika ni Tres.
"Hayaan mo na lamang Tres, mamaya na lang mauuna na kami ni Azerine, tayo na Azerine," aking wika.
At naghiwa-hiwalay na kami ng landas, umakyat na kami ni Azerine at pumasok sa klase ni Binibining Augusta at pagpasok nga namin ng silid-aralan ay masaya akong sinalubong nila Georgia sa pinto pa lamang.
"Ganda, kanina ka pa namin hinihintay ay! Ang taray naman ng walis mo Baguio," wika ni Georgia.
Walang dahilan upang ako'y malumbay sapagkat may mga kaibigan ako upang maging dahilan upang ako'y maging masaya.
-------
Itutuloy...
Karagdagang kaalaman:
Ulayaw- nag-uusap, kausap, kasama, may mabuting pagsasama, pagsasama ng magsing-irog na kapwa iniibig ang isa't-isa
Bana- asawang lalaki
-Papel📝🧹🧹
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top