Kabanata XXXIV: Ang Rajah Bagani at ang Panauhing Pandangal










Kabanata XXXIV: Ang Rajah Bagani at ang Panauhing Pandangal




--




Huadelein's PoV



Hindi ko maunawaan ang sinasabi nila hanggang sa magtungo si Jace sa malaking tampipi at binuksan ito kaagad, at nakita kong lumabas dito ang isang pigura na aking kilalang-kilala.




"Huadelein..."



Nakasombrero man ito at hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit ang pigura at boses nito ay aking kilala.



"Dos..." Halos pabulong na aking bulalas.



Hindi ko maunawaan, ako'y nagagalak ngunit nag-aalala. Halu-halong emosyon ang aking nadarama, lumapit ito sa akin at agad akong ikinulong sa kanyang mga bisig na siyang aking ginawa rin, agad itong humarap sa akin at hinagkan ang aking magkabilang pisngi.



"Kumusta ka Huadelein? Bakit mo pinutol ang buhok mo ha? May ginawa ba sila sayo? Sinaktan ka ba nila? Ano? Sabihin mo sa'kin," sunud-sunod niyang tanong, at nakatingin ito sa aking mga mata na aking iniiwasan.


"Dos, anong ginagawa mo rito sa puod? Mapanganib para sayo kung naririto ka," aking wika, at hindi ko man lang namalayan na ako pala ay lumuluha na.


"Wala akong pakialam, ano kumusta ka Huadelein? Sinaktan ka ba nila? Atsaka bakit mo pinutol ang buhok mo?" Tanong muli nito sa akin, na kababakasan ng pag-aalala.


"Hindi Dos, hindi... Ayos lamang ako, at patungkol sa aking buhok-- ayaw mo ba nito hindi na ako mukhang manananggal," aking tugon na nakangiti, at hinawi nito ang mga butil ng luha sa aking pisngi, sandali ako nitong pinagmasdan na waring sinusuri kung may galos sa aking katawan.


"Hindi Huadelein 'yan ang pinakagusto ko sayo, 'yang tuwid mong buhok na itim, na gusto ko ako lang ang makakita," wika nito, na ikinagalak ng aking puso.


"Huwag kang mag-alala ilang buwan lamang ay hahaba rin ito," aking wika, at haplos sa kanang pisngi nito.


"Mabuti ayos ka lang, kailan ka babalik? Kailan ka papasok ulit?" Tanong niya.


"Hindi ko alam Dos... Ngunit tiyak ay babalik ako upang pumasok ng paaralan."


"Kailan 'yon?" Tanong nito muli.


"Woi! Masyado kang malapit sa Bai!" Saway ni Winston kay Dos, ngunit nakita kong pinigilan ito ni Azerine.


"Tumigil ka Winston, hayaan mo nga sila," wika ni Azerine na pabulong na aking narinig.


Hindi ako naka-imik sa tanong ni Dos.


"Kailan 'yon? Kailan 'yon Huadelein?" Tanong nito sa akin, na pinakatitigan ako at naghihintay ng itutugon ko.



"Irog ko, hindi ko batid kung kailan ngunit umasa kang babalik ako," tugon ko.


"Hindi ko alam kung kailan 'yon Huadelein, pero maghihintay ako, hihintayin kita kahit magmukha akong tanga sa kahihintay sayo sa gate ng school, hihintayin kita Huadelein," aniya.


Napayuko na lamang ako sa mga sinambit nito, ito na ang huling pagkakataon na magkakaroon tayo ng ugnayan aking Ginoo. Sapagkat may kailangan akong tapusin na misyon.


"Daghang salamat, aking Ginoo... Ngunit kailangan mong lisanin ang puod na ito sapagkat mapanganib sa iyo kung magtatagal ka pa rito," aking wika, hinawakan nito ang aking kamay atsaka ginawaran ng maliliit na halik.


Lalo lamang ako nakaramdam ng lungkot sa ipinakikita nito, gayong batid ko na masasaktan ko ito sa oras na magbalik ako ng paaralan.


"Kung sumama ka na lang kaya sa'kin?" Mungkahi nito.



"Aking Ginoo, hindi ko maaaring gawin iyon sapagkat kagagalitan ka ng aking ama kung gagawin ko iyon," aking tugon.


"Ibigsabihin dito ka lang? Hindi ka rin sasama sa mga sandig mo na umalis ngayon dito o bukas?" Tanong nito sa akin, na tila ikinalambot ng aking damdamin.



"Siyanga, aking Ginoo."


Napabuntong-hininga ito atsaka nag wika.


"So, hanggang dito na naman tayo Huadelein... Noong nakaraan ako ang iniwan mo at ngayon ako ang aalis," aniya.


Namumula ang mga mata nito animo'y nagbabadya ang kanyang mga luha. Bahagya kong hinagkan ang pisngi nito.


"Unawain mo sana Dos, pakiusap hinihingi ko ang iyong tiwala," aking wika na halos mamaos na, dahil sa aking pagtangis.


"Sa akin Huadelein? Wala ka bang tiwala na kaya kitang itakas dito?" Tanong nito sa akin, batid kong magmamatigas ito sapagkat likas ito sa kanya.



"Apollo... Pakiusap magtiwala ka sa akin ngayon, sapagkat ako ang siyang nakakaalam ng puod na ito at nakakikilala sa aking amang Rajah."



"Okay, sige na! Panalo ka na Huadelein, pero mangako ka sa'kin na hindi ito ang huli nating pagkikita, mangako ka sa'kin Huadelein..." Wika niya.


"Sumusumpa ako Apollo, na hindi ito ang huli nating pagkikita," aking wika.


"Kapag hindi ka tumupad hahanapin kita kahit nasaang lupalop ka pa ng puod o banwa," wika niya, na akala mo ay nagbabanta.


"Nagbabanta ka ba Dos?"


"Hindi, totoo ang sinasabi ko hahanapin talaga kita kahit nasaan ka pa, hmmp! Nakakainis! Ang cute mo talaga!" Saad niya, at bahagyang kinurot ang kaliwa kong pisngi.


"Tumigil ka nga riyan Gunggong, nakakahiya nakatingin kaya sila." Aking tukoy kina Azerine na ngayon ay nag-iwas ng tingin at pasipol-sipol sa gilid.


"Sige lang boss! Ituloy niyo lang 'yan," wika ni Tres.


"Hayaan mo 'yang mga 'yan, mag-iingat ka rito ah, atsaka gusto ko sabihin sayo na napakaganda mo sa suot mo..." Bulong nito sa mga huling salita. "Pero ganyan ba talaga mga suot ng Binukot? Kita ang tiyan?" Tanong pa nito.


Bahagya naman akong napabaling sa aking sarili.


"Oo, Dos," aking tugon.


"Masyado naman sexy," wika nito.


"Baka gusto niyong mag loudspeaker para naman marinig namin pinagbubulungan niyong dalawa," wika ni Azerine, dahilan upang mabaling ang aking paningin rito.


"Oo nga!" Dagdag pa ni Jace.


"Tumahimik nga kayo riyan," aking pananaway sa kanila.


"Sabi ko nga boss tatahimik na," wika ni Azerine.


"Bai, kailangan ng magpaalam ni Dos, kailangan na naming umalis baka makahalata na sila Maliksi," wika ni Hope.


Ibinaling ko ang aking paningin sa aking kaharap na Ginoo.


"Hanggang sa muli, irog ko," aking paalam.


"Hihintayin kita Huadelein," wika nito, at ginawaran nang halik ang aking noo at labi, sandali kong naramdaman muli ang mga labi nito na aking dinama sa huling pagkakataon kung ito na nga ang huli. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay pinakatitigan ako nito sa aking mga mata atsaka ito may ibinulong sa aking tainga.



"Paalam, irog ko," tanging naiwika ko na lamang.


Inaayos na ni Hope ang tampipi at akmang hahakbang na si Dos rito nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid.


"Sinasabi ko na nga ba! Kunin sila at kunin niyo ang binatang dayo!" Singhal ni Maliksi, at pumasok ang mga bantay sa aking silid at agad ay hinawakan nila ang mga ito sa braso atsaka pinaluhod ang aking mga sandig, kasama si Dos.


"Maliksi, hayaan mo na lamang sila aalis na rin sila," aking pigil rito.


"Ikaw na naman!" Wika ni Dos, at tukoy kay Maliksi pilit itong nagpupumiglas sa dalawang bantay na nakahawak sa kanyang magkabilang braso.



"At ikaw muli!" Tugon ni Maliksi kay Dos.


"Lumaban ka ng patas hindi 'yong humihingi ka pa ng tulong sa iba!" Wika ni Dos.


"Matapang ka binatang dayo, tingnan natin kung saan dadalhin ang pagiging maisog mo kapag kaharap mo na ang Rajah," wika ni Maliksi.


"Maliksi! Nakikiusap ako huwag mong gawin ito hayaan mo na lamang sila umalis," aking pakiusap.


"Paumanhin Bai, ngunit sa mga oras na ito ay lumalakad na ang isa sa aking mga kasamahan upang ipaabot sa Rajah na may nakapasok na dayo sa puod at sa iyong bukot," tugon ni Maliksi.


"Pare-parehas lang tayong mga sandig Maliksi at lahat ay gagawin para sa ating mga pinaglilingkuran," wika ni Azerine.


"Hindi niya tayo pakikinggan Azerine, kaya huwag ka ng mag aksaya ng oras para humingi ng simpatya," wika ni Winston.


Tahimik lamang si Hope, sapagkat tiyak ako na batid niya kung ano ang magaganap, samantala sina Jace at Tres ay pilit na nagpupumiglas sa mga bantay na nakahawak sa kanilang mga braso.


"Dalhin na sila at iharap sa Rajah!" Wika ni Maliksi.


"Pakiusap Maliksi! Mga bantay! Huwag niyo itong gawin! Nakikiusap ako sa inyo," aking pagsusumamo.


"Bitiwan niyo ko! Ano ba! --Huadelein! Huwag kang umiyak! Please lang! Huwag kang umiyak!" Wika nito, at ngayon ko lamang napagtanto na muli ay tumutulo ang aking mga luha, "walang mangyayaring masama sa'min, baby... Kaya tahan na..." Aniya, na naging dahilan upang lalo lamang tumulo ang aking mga luha sa sinambit nito.


At akin itong nilapitan at sandaling hinagkan ang kanang pisngi nito.



"Dos... Pakiusap mag-iingat ka," aking paalala.


"Oo syempre naman Bai, Binibini ko, ako pa ba?" Aniyang nakangiti, at pilit itong nagpumiglas sa dalawang bantay at nang makawala ito ay mabilis itong lumapit sa akin at hinawi nito ang mga butil ng luha sa gilid ng aking mga mata.



"Dos..."



"Kunin na ang dayo! Tayo na!" Utos ni Maliksi, muli ay kinuha ng dalawang bantay ang braso ni Dos at pinatayo ito, hinarangan naman ako ng dalawang bantay. Ang tanging nagawa ko na lamang ay pagmasdan sila na dakip ng mga mandirigma, sandali pa akong sinulyapan ni Dos at tuluyan na silang lumabas ng silid.


Lubos akong nag-aalala sa kanila lalo na kay Dos sapagkat hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng aking amang Rajah, lalo't kasapakat ni Dos ang aking mga sandig sa pagpuslit sa kanya rito.










Third Person's PoV



Mag-uumpisa pa lamang ang munting piging ng Rajah nang dumating ang mga babaylan na pinangungunahan ng Punong Babaylan na si Uray Da-an, nasa bilang pito ang mga ito, wala sa kalahati ng kanilang hanay ang dumalo ngayong gabi sa piging dahilan upang magtaka ang Rajah.


"Magandang gabi Kapunuan," bati ng Punong Babaylan.


"Magandang gabi Uray Da-an, nakapagtataka bakit kayo lamang ang dumalo?" Tanong ng Rajah.


"Ang aking mga alabay ay abala sa kanilang pag-aaral sa pagsusulit bukas, kaya kami lamang ang nakadalo ngayong gabi mahal kong Rajah," tugon ni Uray Da-an.


"Kung gayon ay maupo na kayo Uray Da-an nang ma-umpisahan na ang munting piging na ito," wika ng Rajah.


At naupo na nga ang Punong Babaylan sa tabi ng Rajah, ang mga kasama naman nito ay iginiya ng isang abay ng Rajah upang maupo sila sa isang bilog na mesa kung saan malapit lamang sa Rajah.


Mag-uumpisa na sanang magsalita ang Rajah nang dumating ang isa sa mga nagbabantay sa Bai na si Huada, at ito ay may ibinulong sa Rajah-- pagkatapos ay tsaka ito nagwika sa mga panauhin nito.


"Maaari na tayong magsimulang kumain, habang hinihintay ko ang isang panauhing pandangal," wika ng Rajah na nakangiti.


Nagkaroon naman ng bulung-bulungan ang mga panauhin nito.


"Sino naman iyang tinutukoy mo kaibigan?" Tanong ni Mask, na nakangiti sa Rajah.


"Malalaman mo rin mamaya aking kaibigan," tugon ng Rajah na nakangiti.


"Mukhang mahalagang tao iyan Rajah, dahil hindi siya tatawaging Panauhing Pandangal kung hindi," wika ni Penelope Huggins na nakangiti.



"Tama ka Binibini," tugon ng Rajah.


Samantala, si Zero ay kalmado man ngunit nananatili itong nag-aalala sa kanyang kapatid hindi nito mabasa ang mapaglarong ngiti ng Rajah. Iniisip nito na kung ano na kaya ang ginagawa ng kanyang kapatid, matigas ang ulo nito at hindi marunong magpatalo, hindi nito mahulaan kung ano na ang ginagawa ng kanyang kapatid sa mga oras na ito.



"Batid mo ba Red, na kinakamay 'yan at hindi ginagamitan ng kutsara at tinidor," wika ni Richmen kay Red, magkakatabi lamang ang mga ito, si Red, Gabriel Richmen, at si Zero nasa iisang mahabang mesa lamang sila kasama ang Rajah.


"Pakialam mo ba! Eh sa ganitong paraan ko gustong kainin 'tong talangka," tugon ni Red.


"Well, gooluck," wika ni Richmen, at sabay subo ng laman ng talangka at tila ba na inaasar pa nito si Red dahil sarap na sarap ito sa pagkain ng laman ng talangka, gamit ng kanyang kamay habang si Red ay hirap na hirap itong buksan gamit ang kutsara at tinidor.


"Alam mo Red, hindi ka makakakain sa ginagawa mo, ako ang nahihirapan sa ginagawa mong 'yan kung ako sayo kamayin mo!" Wika ni Zero kay Red.



"Kita mo na? Tama ako!" Wika ni Richmen.


"Tumahimik ka diyan Richmen! Tsaka bakit nga ba nandito ka?" Tanong ni Red.


"Inimbitahan ako ng Rajah atsaka gusto kong matikman ang pagkain ng isang Rajah, dahil sa pagkakaalam ko lahat ng nakahain ngayon sa hapag ay paboritong pagkain niya, gusto niyang ipatikim sa atin ang pagkain ng isang Rajah Bagani, ang yamang meron siya," wika ni Richmen.



"Tama ka Richmen," sang-ayon ni Zero.


"Tingnan mo nga ang Rajah hindi pa kumakain, paano kung may lason iyang mga kinakain niyo at maging daan ng kamatayan niyo," wika ni Red.


"At least mamamatay ako sa sarap ng pagkain," wika ni Richmen, at sumubo pa ng laman ng talangka.


"Masyadong matabil 'yang dila mo Red, baka mamaya may nakarinig sa sinabi mo," wika ni Zero.


"Eh di narinig nila," wika pa ni Red.


"Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin sayo ng Rajah," wika ni Vano, atsaka nginuya ang kinakain nitong hipon.


"Wala akong pakialam, si Zero lang ang may utang na loob sa kanya, hindi ako," wika ni Red.


"May utang na loob ka man o wala magpakita ka ng respeto dahil nasa puod ka ng Rajah, nasa teritoryo ka niya at may daan lang naman siyang mandirigma, at daan na mga bantay at may mga sandig na handang pumugot ng ulo kung sinuman ang lalapastangan sa kanya," mahabang wika ni Zero.


Natahimik naman si Red sa sinabi ni Zero, pinagmamasdan naman sila ni Penelope kaharap lamang nito ang apat na binata at humihigop ito ng sabaw ng buko.


Sa tabi naman ni Vano Collin kahilera nito ang anim na magkakapatid na Mercado.



"Ang laki... Ng buko," wika ni Jersey, na nakatingin kay Penelope Huggins habang humihigop ito ng sabaw ng buko.



"Gag* ka talaga! Sa iba nakatingin 'yang mata mo!" Wika ni Jade sa kapatid.


"Malaki naman kasi talaga--" ani pa ni Jersey.


"Siraulo! Mas matanda sa atin 'yan type na type mo pa," saad ni Jade.


"Ano naman? Ang ganda niya kaya," ani pa ni Jersey.


"Ang hilig mo talaga sa mas matanda sayo!" wika ni Jade.


"Bulungan kayo nang bulungan diyan para kayong mga bubuyog! Tigilan niyo nga 'yang dalawa!" Pananaway ni James, sa dalawang mas nakababata nitong kapatid.



"Lul! James! Sinong niloko mo? Sigurado naman akong type mo si Penelope," wika ni Jersey.



"Hanggang tingin lang ako, eh kayong dalawa kanina niyo pa siya pinag-uusapan," wika ni James.


"Eh di lumabas din 'yong totoo, type ni James si Penelope," panunukso ni Jade sa kapatid.


"Gag*!" Ani pa ni James sa dalawang kapatid.



"Jin, maghanda ka mamaya ng tatlong lubid may ibibitin tayo patiwarik na tatlong butiki na babaero," wika ni Jude kay Jin, na katabi nito na tahimik kumakain ngayon ay kinakabahan na ang tatlo sa itutugon ni Jin dahil kapag tumugon ito ay tiyak na gagawin nila ito.



"Oo, ako na ang bahala," tugon ni Jin.


Napalunok naman ang tatlo sa itinugon ni Jin at seryosong bumalik sa pagkain si Jude.


"Tang*na!" Bulalas ni Jersey.


"Ikaw kasi! Madadamay pa ko sayo hayp!" Wika ni Jade.


"Nadamay pa ko sa inyong dalawang tukmol! Bwiset!" Saad ni James.


Napangiti na lamang ang pinakatatandang kapatid nila na si Jack habang kumakain dahil sa akto ng mga ito.



Samantala, sa kabilang dako ng mesa sa kanang bahagi kung saan magkakatabi na nakaupo sina Isagani, ang Dayang, Prince at Helena ay alumpihit ang Ginoong Isagani sapagkat hindi nito batid kung sino ang panauhing pandangal na sinasabi ng Rajah. Dinadaga ang dibdib nito kung kaya't hindi na napigilan pang magtanong nito sa Amang Rajah.


"Baba, paumanhin ngunit sino ang panauhing pandangal na inyong sinasabi kanina lamang?" Tanong nito sa ama, misteryosong ngumiti ang Rajah atsaka tumugon sa anak.


"Malalaman mo mayamaya lamang Isagani," tugon nitong may makahulugang ngiti sa labi.


At dahil nga sa ngiting ipinakita ng Rajah Bagani ay lalong hindi napalagay ang loob ng Ginoo, sa isip nito ay 'sino ang panauhing pandangal na tinutukoy ni Baba? Bakit tila may kakatwa sa ngiti ng aking amang Rajah? Na hindi ko mabatid o mahulaan.'









Bai Helena's PoV


Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy na panauhin ni Baba ngunit nakatitiyak ako na mayroong nagaganap na hindi ko batid, ang aking iniisip ang kapatid ni Zero baka ito ay nahuli na ng mga mandirigma.


"Helena, kumain ka pa ng marami," wika ni Prince na aking katabi.


Nahagip ng aking paningin si Zero na nakikipag-usap kina Richmen, ngunit hindi ko inaasahan na babaling ito sa akin ngumiti ito at kumindat, dahilan upang lihim akong mapangiti, ang gwapo niya talaga-- ngunit baka mamaya ay may nakapansin o nakakita sa pagkindat niya sa akin.



"Helena, ayos ka lang ba?" Tanong ni Prince.


"Ayos lamang ako," tugon ko.


"Kumain ka pa," aniya, na nakangiti nilagyan pa nito ang aking pinggan ng isang hita ng inasal na manok.


Naku naman, hindi ako kumakain ng marami.


Aakmain pa sana nitong dagdagan ang aking pagkain ngunit pinigilan ko na ito.



"Tama na, Prince hindi ako kumakain ng marami," aking wika.


"Mukhang nagkakamabutihan na muli kayong dalawa," wika ni Baba, na batid kong kami ni Prince ang tinutukoy nito.


"Tama ka Mahal ko, lalanggamin na nga ako rito dahil sa tamis nilang dalawa," wika ng Dayang sa tabi nito, mapagkunwari.


"Mukhang sa kasalan na paroroon ang inyong relasyon," wika ni Baba.


Hindi iyan mangyayari, hindi ako makikipag isang dibdib sa tulad ni Prince.


"Ganoon na nga Kapunuan," tugon ni Prince, na nakangiti dahilan upang mabaling sa amin ang atensyon ng mga panauhin.


At ano ang nasa isip ng isang ito?


"Rajah Bagani, imbitahan mo kami sa kasal ng iyong anak," wika ni Ginoong Mask na nakangiti.


"Makakaasa ka kaibigan," ani ni Baba.


"Tatayo akong Ninong kung kinakailangan ni Prince," wika ni Ginoong Clauzmin.


"Lubos kong ikagagalak iyan Ninong Clauzmin," tugon ni Prince na nakangiti.


Narinig kong tumawa ang Ginoong Clauzmin, hindi ko naiibigan ang ganitong usapin lalo't naririto si Zero.


"Hahahaha napa aga naman yata Prince," anito, sapagkat tinawag siyang Ninong ni Prince.


Sa kanilang pag-uusap ay nahagip ng aking mga mata si Zero nakangiti ito at nakikipag-usap pa rin kina Richmen at Vano, hindi ko nais na masaksihan niya o mapakinggan ang ganitong usapin lalo na kung patungkol sa amin ni Prince.


Sa gitna ng kanilang masayang pag-uusap ay nagsalita ang aking Ama.


"Naririto na pala ang aking hinihintay na panauhing pandangal!" Wika ni Baba, dahilan upang maagaw nito ang atensyon ng lahat.



Ako'y nagulat sa pigura ng isang binata na kararating pa lamang, kopyang-kopya niya ang kanyang kapatid.









Dos's PoV


Isang malaki, maganda at magarbong silid ang pinasukan namin para kong nasa lumang panahon pero napaka eleganteng tingnan ng lugar, may mga mesa at maraming tao na nakaupo na kumakain at masayang nag-uusap.



Hawak pa rin ng dalawang lalaki ang mga braso ko, takte lang! Hanggang kailan nila hahawakan ang braso ko?


Huminto kami atsaka nagsalita 'yong lalaking mapanga!



"Nakikita mo iyang mahabang mesa na iyan? At sa unahang bakanteng upuan? Maupo ka roon," wika ni Maliksi.



Feeling bossing amputcha!


"At bakit ko 'yon gagawin?" Tanong ko.


"Dahil utos ng Rajah, maupo ka na roon at huwag mong ipahiya ang Rajah," tugon nito.



Ano 'ko aso? Na uutusan na sit! Sit! Tapos pag ginawa ko sasabihan ako ng Good dog! O di kaya good boy! Ang gwapo ko namang aso sa iniisip ko.


"Sundin mo na lamang ang sinasabi niya Dos," wika ni Winston.


Sundin? Ano ko utusan?



"At bakit ko naman siya susundin?" Tanong ko.


Matigas na kung matigas ako! Pero mas matigas ang mukha nitong ni Maliksi para utusan ako! Si mama nga di ako nauutusan! Tapos ito pang si Maliksi mag-uutos sa'kin na puro kanto ang mukha!



"Dahil kailangan Dos sumunod ka na lang," tugon ni Winston.


"Narinig mo naman si Maliksi ang Rajah ang nag-utos sa kanya, kaya sumunod ka na lang," ani pa ni Hope.


Rajah! Rajah! Putcha naman! Di ko nga alam ang ibigsabihin niyan ang alam ko lang mataas na tao 'yan, pero sige! Sundin na lang! Para makita ko kung sino ang sinasabi nilang Rajah.


"At kayo?" Tanong ko.


"Nandito lang kami sa tabi," tugon ni Jace.


"Lumakad ka na at maupo ka na roon!" utos sa'kin ni Maliksi.


Nakakarami na ang isang 'to sa'kin, kung hindi lang para kay Huadelein kanina ko pa 'to nasapak.


Lumakad na ako at may mga bantay pa sa likuran ko tsk! Sinisigurado talaga nila na hindi ako makakaalis rito ah! Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa mesa ay may narinig akong boses na nagsalita.



"Naririto na pala ang aking hinihintay na panauhing pandangal!" Nakangiti nitong wika, dahilan para mabaling sa'kin ang tingin ng mga taong nasa harap ng mesa.


Pero hindi ko gusto ang ngiti niya, mukhang ito na ang tatay ni Huadelein. Malaking tao ito, may putong sa ulo na kulay pulang tela, mahaba ang buhok na itim na lampas balikat, maaliwalas ang mukha nito, kayumanggi ang balat, may magandang pangangatawan, at kapansin-pansin ang tattoo niya na parang nagsusumigaw sa angas. Idagdag pa ang mga malalaki na gintong kwintas, porselas at hikaw.



"Maupo ka," ani nito.



Naupo ako sa upuan sa kaliwang side ng mesa sa tabi ng lalaki na nagsalita, na mukhang ito na ang Rajah na sinasabi nila at tatay ni Huadelein.


"Sumalo ka sa amin Ginoo," paanyaya nito.


Hindi ako umimik, kumuha ito ng pagkain atsaka inilagay sa pinggan niya.


"Nararamdaman kong isa kang maisog na Ginoo," wika ng isang matandang babae sa tabi ko.


Ako ba sinasabihan niya? Hindi ko alam kasi di naman siya sa'kin nakatingin.


Tumingin ako sa ibang direksyon, at napansin ko ang isang lalaki na halos kaharap ko lang at parang mas batang version nitong lalaking nasa harap ko.


"Ginoo, na nasa aking tabi na kararating pa lamang, ikaw ang siyang tinutukoy ko, ano ang iyong ngalan?" Tanong nito sa'kin, sa puntong 'to, eh! Nakatingin na sa'kin ang matandang babae.


"Apollo ho," sagot ko.


"Apollo, magandang ngalan ng isang maisog na Ginoo, nakikita kong nababagay sa iyo ang ngalan na iyan-- tagapag wasak," wika ng matandang babae.


"Tama ba ang aking narinig Uray Da-an ang Ginoong ito ay tunay na maisog?" Tanong ng lalaking nasa harap ko.


"Tama ka mahal na Rajah," tugon matandang babae.


Rajah? So, ibigsabihin ito nga ang tatay ni Huadelein.


"Tagapag wasak," bulong ng Rajah na narinig ko.



"Kayo ho ba ang tatay ni Huadelein?" Diretsong tanong ko.


Natigilan ito sa paghihiwa sa isang karne at nabaling ang paningin nito sa akin.


Nakita kong nabaling rin ang paningin ng lalaki na kaharap ko lang, 'yong mas batang version ng Rajah.


"Ako nga Ginoo, ang Amang Rajah ng Binukot na iyong binanggit," tugon nito sa akin, na parang may iba pang kahulugan ang pagbanggit nito sa mga salita, hindi ako nagpatinag kahit medyo nakakatakot siya at tatay pa ng baby ko.


"Bakit niyo siya kailangan ikulong at bawalan na lumabas?" Lakas loob na tanong ko.


"Sapagkat ang aking anak ay sumuway sa akin at sa alituntunin ng puod," sagot nito.


"Dahilan ba 'yon para pahirapan niyo ang sarili niyong anak?" Tanong ko uli.


"Ang aking anak na si Huada ay isang Binukot at sa kanyang bukot lamang siya maglalagi," tugon nito.


"Pero isa siyang malayang Binukot," sagot ko pa.


"At siya'y aking anak," sagot pa nito.


"Oo nga ho at anak niyo siya, pero ang pahirapan ang anak niyo ng ganoon-- ang bawalan lumabas hindi naman ho yata katanggap-tanggap iyon lalo na isa siyang malayang Binukot," wika ko.


"Isang Binukot na pinutol ang kanyang dangal, kaya ko pinarurusahan ang aking anak," sagot pa nito.



"Baba, huwag kayo magtalo rito baka may makahalata sa inyo," wika ng mas bata niyang version.


"Isagani, malakas ang loob ng binatang ito na kausapin ako at sagutin na lamang," wika ng Rajah.


"Baba, at maging ikaw Ginoong Apollo paumanhin ngunit huwag kayong magtalo rito tayo ay nasa hapag,"wika nito.



"Naririto pala ang nagtakas sa kasiyahan sa mapapangasawa ko," wika ng isang lalaki.



Ito 'yong siraulong aasawahin daw ang baby ko. Half foreigner amputcha! Ngayon ko lang napagtanto pero di hamak na mas magandang lalaki ako sa siraulong 'to!


"Mapapangasawa mo? Sa panaginip mo?" Pang-aasar ko.



"Ang lakas ng loob mo, Rajah ito ba ang Panauhing Pandangal? Wala man lang lahing dugong bughaw," aniya.


Aba gag*! Hindi bughaw ang dugo ko kundi red! Red blood cells!


"Hindi naman talaga bughaw ang dugo ko! Kulay pula! Dugo ng mga hindi duwag-- hindi katulad ng iba riyan kumakapit pa sa mga tauhan," panunukso ko pa.


"At sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?" Tanong nito.


"Ako lang naman ang gumulpi sa mga tauhan mong ipis, na saglit ko lang naman tinapak-tapakan-- no'ng gabing hinarang kami ng mga tauhan mo para sana kunin si Huadelein kaso hindi sila nagtagumpay," tukso kong nakangiti.


"Ikaw ang lalaking tinutukoy ng tauhan ko," wika nito.


"Oo, ako 'yong pumulbos sa kanila bakit may ipapapulbos ka pa ba? Sabihin mo lang," wika ko.


"Vergel! Kunin niyo ang lalaking iyan!" Utos nito sa lalaking tumayo sa tabi niya dahilan para mabaling ang tingin ng ilang tao samin.


Hindi ko aatrasan ang ungas na 'to! Tatayo na sana ko nang magsalita ang mas batang version ng Rajah.


"Paumanhin mga Ginoo, ngunit ang munting piging na ito ay hindi namin nais mabahiran ng anumang tensyon sa pagitan ninyo o sa bawat isa-- o pangkat, nais lang namin na maging masaya at payapa ang munting salo-salo na ito at hindi sana mabahiran o pagsimulan ng anumang alitan, kung maaari lamang Ginoong Vergel ay bumalik ka sa iyong upuan at ipagpatuloy na lamang ang ating pagkain," Wika ni Isagani.


Tahimik akong nakaupo at chillax samantalang si Nemesis ayon! Parang uusok na ang ilong sa galit! Parang gusto ng manakit ng ungas!



"Tunay nga," wika ng matandang babae na nasa tabi ko.


"Ginoo, kumain ka na," wika ni Isagani sa'kin.



Mukhang mabait ang isang 'to, kapatid ba siya ng Rajah o anak? Kung kuya 'to ni Huadelein kailangan kong mag behave, putcha!


Naramdaman ko naman na nakatingin sa akin ang Rajah.









Azerine's PoV



Natapos ang piging, at kasalukuyan kaming nakaharap sa Rajah nakauwi na ang mga bisita bukod kay momshie na naiwan at nasa gilid namin siya at pinanonood kami ngayon.


Mabuti na lang naalis ni Zero ang kapatid niya agad kung hindi baka kung ano na ang nagawa ng Rajah kay Dos, o baka nga kasama namin siya ngayon na sinisinghalan ng Rajah ngayon.


"Mga lapastangan! Ang lakas ng loob niyong ipuslit ang binatang iyon sa loob ng aking balay!" Singhal ng Rajah sa amin.


"Patawad Rajah," wika ni Hope.


"Kung hindi pa pumasok sina Maliksi sa silid ng inyong Bai, ay tiyak na itatakas ninyo ang aking anak!" Galit na singhal nito sa'min.


Putchaaa! Ramdam na ramdam ko ang galit ng Rajah taena! Pakiramdam ko ibibitay na 'ko sa galit niya.



"Paumanhin, Rajah patawad," wika pa ng apat na sabay-sabay, pfft! 'Yong mga hitsura nila parang mga maamong tupa putcha haha.


"Kayo ay hindi natatakot na gumawa ng kung anumang bagay para sa inyong Bai, pinaiiksi niyo ang aking pisi," tiimbagang na wika nito sa amin.


"Patawad Rajah," wika muli ng apat.


Nasa kalagitnaan kami ng tiyak na kamatayan namin pero putcha di ko alam natatawa ko sa kanila.


"Pfft!" Pigil ko sa tawa ko habang nakayuko.


"Tang*na mo Azerine, nasa bingit na tayo ng kamatayan ngayon nagagawa mo pang tumawang hayup ka," bulong ni Hope.


"Di ko mapigilan putcha! Nakakatawa kasi 'yong mga hitsura niyo," sagot ko.


"Gag*! Wala ibang nakakatawa rito bukod sa mukha mo!" Biglang wika ng panget na si Winston na pabulong.


"Narinig mo pa 'yon!" Sabi ko pa.


"Oo! Sa laki ng bibig mo sa palagay mo di ko maririnig 'yang nakakairita mong boses," wika ni Winston.



"Pfft!" Pigil ko ng tawa ko.


"Tang*na ka Azerine huwag mo ibubuga 'yang tawa mo, kung gusto mong pare-parehas pa tayong mabuhay," wika ni Hope.


"Nalansi niyo si Paragahin ngunit sa akin ay hindi niyo magagawa iyan, Aguila! Kunin ang mga sandig ng aking anak!" Utos nito sa mga sandig niya.



At akmang hahawakan na kami nina Maliksi at Atubang nang may magsalita.



"Rajah, baka maaari naman natin itong pag-usapan huwag mo naman parusahan ang mga bagets! Humingi naman na sila ng tawad atsaka ikaw rin baka mamaya sumama ang loob sayo ng anak mong Bai," wika ni Momshie kay Rajah Bagani.



"Tama ang ina ni Azerine, Baba-- baka lalo lamang sumama ang loob ni Huada kung parurusahan ang kanyang mga sandig," dagdag ni Ginoong Isagani.



Grabe lang ang lakas ng dating ni kuya Isagani, pandesal sa pandesal! Pangarap ko magkaroon ng abs pero tabs ang meron ako! Taba! Bilbil!


"Kung ito ang makabubuti, magpasalamat kayo sapagkat naririto ang aking kaibigan, ngunit sa susunod na kayo ay muling magkamali ay hindi ko na kayo pagbibigyan pa! Percy tayo na at may imumungkahi ako sa iyo," wika ng Rajah.



"Salamat Rajah!" Sabay-sabay naming wika at yukod.


Tumayo na kami at sumunod naman si Momshie kay Rajah Bagani.


"Muntik na tayo!" Wika ni Tres.


"Akala ko talaga mapupugutan na tayo ng ulo tang*na," ani pa ni Jace.


"Nakakaligtas pa rin tayo sa kamatayan," wika ni Winston.



"At dahil 'yon sa momshie ko," wika ko pa.



"Azerine pwede ka ng tumawa ngayon," wika ni Hope.




Pfft!



-------

Itutuloy...







Karagdagang kaalaman:

Kasapakat- kasama, kasabwat, kasapi.










-Papel📝😉😎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top