Kabanata XXXIII: Puslit II
Kabanata XXXIII: Puslit II
--
Azerine's PoV
"Sapagkat ang nilalaman nito ay mga damit panloob ng Bai."
Natigilan ang dalawang bantay, at tumikhim naman si Paragahin.
"P-paumanhin, m-maaari na kayong tumuloy," wika ni Paragahin, at bahagya itong gumilid para bigyang daan kami.
Bumalik agad ang dalawang bantay sa mga pwesto nila. Ayos! Makakadaan na kami, sabi ko na eh! Gagana 'tong plano ko!
Habang lumalakad na kami papasok ng Bulwagan, napansin kong walang tao rito bukod sa mga bantay kaya tuluy-tuloy lang kami, hanggang makapasok sa loob ng balay.
"Pangalawang beses ko ng makapunta rito pero takte! Namamangha pa rin ako," wika ni Jace, na medyo napalakas ang pagkakasabi nito.
"Huwag ka nga'ng maingay riyan," saway ni Winston.
Hanggang dito sa loob may mga bantay pa rin tantya ko nasa 16+ sila partida dito pa lang 'yan sa pagpasok ng balay, paano pa kaya sa may bandang gitna? Sa dulo? At sa second floor, sa third floor? Sa bawat silid? Dito pa lang sa loob ng balay tantya ko may 80+ na mga bantay ngina! Walang cctv camera rito pero mga bantay marami, kaya wala talagang makakalusot dito.
"Daming bantay rito, parang kinakabahan na 'ko," wika ni Tres, aba! Parang kanina lang ito ang nang-aasar kay Jace ah, anyare sa tukmol na 'to? At kinapitan bigla ng kaba? Hahahaha.
"Pfft! Kape pa!" Panunukso ni Jace habang hila-hila ang maleta.
"May isa pa tayong check point na madadaanan," wika ni Hope.
Malamang ang mga bantay sa pinto ni boss.
"Eh paano kung buksan nila 'tong maleta?" Tanong ni Jace.
"Hindi 'yan akong bahala," preskong wika ko.
"Ikaw bahala, kami kawawa," ani pa ni Tres, pfft! Mukhang kinakabahan na talaga ang isang 'to ah.
"Hindi nga 'yan, wala kayong tiwala sa kagwapuhan ko eh," wika ko pa.
"Lul!" Dinig kong tukso ni Hope.
"Kilabutan ka sa sinasabi mo Azerine," dagdag pa ng panget na si Winston.
"Taena niyong dalawang tomboy na panget!" Bulyaw ko sa kanila, habang patuloy kami sa paglalakad.
Huadelein's PoV
Namamanglaw ang aking kalooban habang nakatingala sa kalangitan at sa mga tala'ng nangungusap, nang mayroong dalawang beses na kumatok sa pinto. Bumukas ito at agad na pumasok ang isang munting Bai, agad itong nagtungo sa akin at niyakap ako.
"Bai Huada! Paumanhin kung ngayon lamang ako nagtungo rito sa iyong silid pagkat nasa balay ako ng ating inkong, pitong gabi akong naroon, kumusta ka umbo? Paumanhin kung ngayon lamang ako," tuluy-tuloy nitong wika na tumatangis, hinawi ko ang maliliit na butil sa kanyang pisngi.
"Munti kong Bai tumahan ka na, ayos lamang ang iyong umbo nakikita mo? Ayos lamang ako, kaya huwag ka ng tumangis pa... Tahan na munti kong Hera." Aking alo sa kanya, habang hinahaplos ang buhok nito.
Nag-angat ito ng paningin sa akin atsaka muling nagwika. "Ngunit Bai, putol ang iyong buhok tiyak na kinagalitan ka ni Baba-- anong sinabi niya sa iyo Bai?" Tanong nito na tumatangis pa rin, at patuloy ako sa paghawi ng kanyang mga luha.
"Munti kong Hera, hindi na mahalaga kung anong sinambit sa akin ng ating Ama sapagkat ayos lamang iyon."
"Ngunit umbo! Naisalaysay sa akin nina Sima at Milan ang naganap sa iyo, ikinalulungkot ko ang naganap sa iyo at sa binatang iyong naiwan sa labas," aniya, upang ako ay matigilan.
"Hera, ano ang iyong sinasabi?"
"May katipan ka na umbo na taga-labas tinanong ko si Maliksi ukol roon ngunit tikom ang bibig nito, sa aking hinuha ay may lihim na pagtingin sa iyo si Maliksi," salaysay niya.
Ano ang sinasabi ng aking kapatid?
"Munti kong Hera tumigil ka sa iyong sinasabi pagkat baka marinig ka nila sa labas, at nais ko lamang ipaalam sa iyo na wala akong katipan," aking paliwanag.
"Weeee? Maniwala?" Ako'y nagulat sa paraang wika nito, saan niya ito natutunan?
"Hera! Saan mo natutunan ang ganyang paraan ng wika ha?"
"Kay Ginoong Zero, Bai," tugon niya, atsaka nagpunas ito ng kanyang luha.
Zero? Nagtutungo nga pala rito si Ginoong Zero, ang nakatatandang kapatid ni Dos.
"Nagkakausap pala kayo ni Ginoong Zero."
"Oo, umbo! Ngunit umbo! Magandang lalaki ba ang iyong katipan?" Tanong nito na malaking ngiti.
"Munti kong Bai, tila nagiging madaldal ka na naman wala akong katipan," aking wikang nakangiti.
"Kahit hindi mo sabihin Bai, tiyak ako na maganda siyang lalaki sapagkat nabihag niya ang isang mailap na si Huadelein Delzado," wika nitong nakangiting nanunukso.
"Tumigil ka nga riyan Bai Hera, uulitin ko wala akong katipan," aking wika na nakangiti.
"Hindi na nga kita pipilitin pa Umbo, ngunit pinutol mo ang iyong buhok isa ito sa sumisimbolo sa ating dangal, bakit mo ito nagawang putulin? Tiyak may malalim kang dahilan." Bigla naman nagbago ang tono nito kung kanina lang ay nakangiti ito, ngayon ay naging malungkot na siya.
"Oo, tama ka munti kong Bai..."
"Dahil ba ito sa ating Baba? Sa hindi nito pagtupad sa inyong kasunduan?" Tanong niya.
"Oo. Tama ka, ngunit huwag mo na itong isipin pa sapagkat masyado ka pang bata upang ako ay iyong intindihin," aking ani, at haplos sa mamula-mula nitong pisngi.
"Bai, nag-aalala ko sa iyo pagkat di ka naman na sanay na manatili sa iyong bukot ngunit muli ay ibinalik ka rito ni Ama, at ang Dayang tiyak akong tuwang-tuwa ito kailangan mong makaalis rito sa lalong madaling panahon Bai," aniya.
Nagagalak ako sa ipinapakita nitong emosyon sa akin, pakiramdam ko'y karamay ko si Hera sa aking suliranin.
"Munti kong Hera, batid ko rin iyan nag-alala ka ba na bigla akong kunin ng Dayang at iharap sa kanyang pamangkin?" Aking tanong, sapagkat nakatitiyak ako na ito ang kanyang nasa isipan.
"Oo, Bai," tugon niya, atsaka yumuko, hinawakan ko ang mumunti nitong baba upang mabaling ang paningin nito sa akin.
"Ipayapa mo ang iyong kalooban munti kong Bai, hindi mangyayari ang iyong iniisip," aking wika, bahagya akong yumukod upang kami ay magpantay at niyakap ko ito.
"Umbo, mahal kita," aniyang tumatangis na nakayakap sa akin.
"Mahal din kita munti kong Bai Hera..."
Mayamaya lamang ay nagpaalam na ito sa akin at lumabas na ito ng silid. Muli ay mag-isa ako, tumingin na lamang ako sa kalangitang puno ng mga tala.
Bai Helena's PoV
Nanatili kaming nakaupo sa duyan ni Zero at kapwa nakikiramdam sa isa't-isa, kanina pa kami tahimik. Nalaman kong kasama niya ang kanyang kapatid na magtungo rito sa puod upang makita nito ang aking kapatid. Tila mauunahan pa ako ni Huada na magkaroon ng katipan at sa kapatid pa talaga ng lalaking ito, bakit naman sa kapatid pa ng Ginoong ito? Ako'y naniniwala na maliit ang mundo.
At naniniwala akong magkapatid nga sila ni Zero, pareho silang siraulo! Walang pakialam kung anong naghihintay na panganib sa kanila basta makita lamang ang kanilang iniibig, ano at naiisip ko ito? Ni hindi ko nga batid kung iniibig nga ba ako ni Zero. Wala naman siyang sinasambit puro lamang bigay ng rosas at pakitang gilas na akin naman na naiibigan! Ano na ba itong naiisip mo Helena! Ika'y nahihibang na!
"Bai, tila tumutulis iyang nguso mo ha?" Nanunukso nitong tanong, ang ngiti niya! Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi.
"Ang dami mo naman napapansin Ginoo," aking wika, at iwas rito ng paningin sapagkat nakatitig ito sa akin.
"Pfft! Nag-aalala ka ba sa kapatid ko? Bai?" Tanong nito sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa tanong nito.
"O-Oo, paano kapag nahuli siya ng mga bantay? Alam mo ba na wala akong magagawa kapag pinarusahan siya ni Baba?" Aking tanong, at hindi ko pa rin ibinaling ang aking paningin rito.
"Huwag kang mag-alala sa kapatid ko mas malakas ang loob no'n sa'kin, Bai," tugon niya, binalingan ko ito at nakita kong nakatingin ito sa maliwanag na buwan.
Nakangiti itong bumaling sa akin.
"Bai, aking Binibining Helena ang aking kapatid ay halos kasing katawan ko na sa edad niyang labing-anim na taon--" saad niya, upang ako ay mamangha sa kanyang kapatid ngunit tinawag niya akong "aking Binibining Helena"
"Kung ako nga ay nagagawa kang akyatin sa iyong silid, paano pa kaya ang aking kapatid na sisiw na sisiw lamang iyon sa kanya? At hindi basta basta mapapatumba ang kapatid kong iyon magaling iyon sa mano-manong labanan," aniyang nakangiti.
Hindi nga ako nagkamali parehas nga sila ng kanyang kapatid.
"Tunay nga... Tunay nga kayong magkapatid," aking wika.
"May pumupunta ba sa gawing ito?" Tanong ni Zero, at tukoy sa lugar na ito.
"May nakikita ka bang dumadaan? Walang nagtutungo rito Ginoo, sapagkat lugar ito ni Huada at walang ibang maaring magtungo rito bukod sa kanya."
"Kung ganoon ay maaari kong gawin ito," aniya, at hinawakan ang aking kaliwang kamay at binigyan ito ng maliliit na halik.
"Ginoo..."
"Ang tagal ko ng gustong gawin 'to," wika nito, at patuloy na hinahalik-halikan ang aking kamay, nabibigla ako sa kanyang ikinikilos ngayon sapagkat ngayon ko lamang ito naranasan.
"Zero..."
"Bakit aking Binibini? Aking Bai?" Tanong niya sa akin, na hindi inaalis ang labi nito sa aking kamay, animo'y nagbibigay ito ng kiliti sa akin.
"W-wala Ginoo, n-nabibigla lamang ako sa iyong ginagawa ngayon," aking wika.
"P-paumanhin, Bai," aniya, at tatanggalin na sana niya ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay ngunit hinawakan ko ang kamay nito upang pigilan.
"Ginoo, wala akong sinabing bitiwan mo ang aking kamay."
Napangiti ito atsaka bigla nitong hinapit ang aking baywang, dahilan upang mapalapit ako sa kanya sa pagitan ng mga kadena ng duyan atsaka ako mabilis na hinalikan sa aking mga labi-- sa bilis nga ng pangyayari ay hindi ako nakapikit agad. Pipikit na sana ako nang humiwalay na ang mga labi nito sa akin atsaka ako pinakatitigan nito.
Namalayan ko na lamang na ako pala ay nasa kanyang kandungan na, at damang-dama ko ang mainit nitong palad sa aking baywang, aalis na sana ako nang hapitin niya ang aking baywang upang pigilan.
Walang salitang lumabas sa mga labi nito ngunit ang mga mata niya ay pinakatitigan ako na animo'y nangungusap sa akin, at muling lumapat ang labi nito sa aking mga labi, kusang pumikit ang aking mga mata upang damhin ang kanyang halik, agad din naghiwalay ang pagkakalapat ng aming mga labi atsaka ako nito tinitigan muli sa aking mga mata.
"Sa akin ka na Helena, nakuha ko na ang mga labi mo sa akin lang iyan, sa akin ka lang," wika niya, at sabay halik sa aking kanang kamay.
"Nakuha mo nga ang aking mga labi, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi mo na itutuloy ang iyong panliligaw," aking wika.
Baka mamaya ay tumigil na ito sa panliligaw sa akin, gayong nakuha na nito ang aking mga labi.
"Oo naman, araw-araw kitang liligawan, ikaw na lang magsasawa Binibini ko," wika nitong nakangiti sa akin, at halik muli sa aking kamay.
"Sandali lamang, hindi ka ba paroroon sa munting piging Ginoo?" Aking tanong, habang abala ito sa paghalik sa aking kamay.
"Paroroon, ikaw ba Bai?" Tanong niya sa akin.
"Paroroon ako sapagkat naroon si Prince," aking wika.
Paroroon ako bilang kapareha ni Prince upang ipakita lamang sa aking ama na tinutupad ko ang hiling nito na pagbigyan ito, ngunit hindi ko naman ito gusto.
"Anong ibig mong sabihin Bai?" Tanong niya sa akin, na nag-iba ang tono nito, na akin nang inaasahan.
Third Person's PoV
Sa silid-lutuan abala ang mga taga-luto ng Rajah sa paghahanda para sa munting piging na gaganapin, para sa mga panauhin nitong itinuturing na higante ng organisasyon na kinabibilangan ng Rajah, at ng anak nitong si Bai Huada. Bagama't si Ginoong Isagani ay kasapi na sa organisasyon ngunit sa kalooban nito ay hindi pa rin nito tinatanggap na siya'y ka-isa na sa organisasyon, at ginagawa niya lamang ito upang hindi mawalan ng mukha ang ama nitong Rajah.
Abala si Milan sa paglabas ng mga kasangkapang pangkain habang maingat na inaayos ni Sima ang mga ito, ang bawat pinggang kahoy ay mayroong dahon ng saging sa ibabaw nito na naiibabawan rin ng pulang tela na magsisilbing pamunas sa bibig ng panauhin, nasasapinan rin ang ilalim ng pinggan ng dahong saging. Nasa bandang itaas sa kaliwa ang isang platitong kahoy at katapat nito ang maliit na tason sa kanang bahagi, at nasa bawat gilid ang panubo "kutsara" nasa kanang bahagi ito katabi ang isang maliit na kutsilyo at ang pang-alalay na pang hiwa "tinidor" ay nasa kaliwang bahagi naman.
Nasa kanang bahagi sa itaas ng panubo, ang baso na gawa rin sa kahoy na naglalaman ng tubig at nasa unahan nito ang baso na naglalaman naman ng alak.
Sa malaking silid-kainan na ito ay mayroong mahaba at malaking hapag at may apat na bilog na malalaking mesa, para sa mga tauhan ng bawat pinuno ng organisasyon. Maingat na inaayos ng mga tagapangalaga ang mga upuang gawa sa kahoy na napaka elegante, ang mga mesa na isa-isang napupuno ng masasarap at paboritong putahe ng Rajah na kahit na sino ay maiibigan ito.
"Milan, nakakagutom naman ang mga pagkaing ito," ani ni Sima, sa kaibigan na abala sa pag-aayos ng pagkain.
"Makakakain ka rin niyan marami pa iyan sa silid-lutuan," wika ni Milan, sa kaibigan.
Batid ni Milan na pilya lang talaga ang kanyang kaibigan, at batid niya na naaakit lamang ito sa mga nakahain sapagkat kanina pa sila tumutulong sa pagluluto at habang nagluluto nga sila roon ay kain nga ito nang kain.
"Batid ko iyan Milan, katunayan ay busog pa nga ako ngunit tila naaakit ako sa mga nakahain sa hapag," aniya ng kaibigan ni Milan.
"Tayo na nga! At tiyak ay nariyan na ang mga panauhin ng Rajah," wika ni Milan kay Sima, at hinila na ang braso nito upang magtungo na sila ng silid-lutuan.
Naiwan naman ang mga taga pangalaga at iba pang tagaluto sa hapagkainan upang mag-ayos rito, isa-isa naman nagtungo ang mga bantay sa kani-kanilang nakatokang lugar sa bawat kanto at gilid ng malaking silid-kainan na nasa bilang ng dalawampu't lima.
Ang kabuuan ng paligid ay makalumang panahon ngunit napaka elegante nitong pagmasdan, dulot ng mga kasangkapan katulad ng mga malalaking banga at ang buong paligid ay yari sa punong kahoy na nangingintab, maging ang sahig nito at ang lalong nakaaagaw pansin ay ang pitong aranya na bulawan, na nakabitin sa kisame at ang lalo pang nakahuhumaling ay ang malaking aranya'ng yari sa bulawan na nagbibigay liwanag sa mahabang hapag-kainan.
Samantala sa Bulwagan naman ay isa-isa ng dumarating ang mga higante ng organisasyon, naunang dumating si Percy Emozencio ang ama't ina ni Azerine itinuturing na matalik na kaibigan ng Rajah, ang pagdating nito ay sinundan ng may edad na lalaki, mataas ito at mistiso na si Clauzmin Vin Trevor kasama ang ilang mga tauhan nito.
"Ang akala ko ay ako ang nauna, naunahan pala ako ng isang dilag," wika ni Clauzmin.
"Dilag lang? Clauzmin?" Nanunuksong tanong nito sa nakakatakot na matandang lalaki, mahilig ito makipaglaro sa kaaway nito maging sa kanyang kapanalig.
"Uulitin ko magandang Dilag," wika niyang nakangiti kay Percy.
Pinalo naman ni Percy ang braso nito at ikinawit ang kamay niya sa lalaki.
"Ikaw talaga Clauzmin!" Ani ni Percy na nakangiti.
Ngumiti lang ang lalaki sa kanya na animo'y matagal ng magkaibigan ang mga ito, masaya silang nag-uusap nang dumating ang maganda at eleganteng si Penelope Huggins ang bagong pinuno ng White Society, at kasunod lamang niya si Vano Collin ang binatang may dugong banyaga na lider ng Collin's group ang binatang may malungkot na nakaraan.
"How are you guys?" Bati ni Vano Collin.
"Oh! Ginoo, nakalimutan mo yatang nasa balay tayo ng Rajah," wika ni Penelope sa binata.
"Oh! Sorry I forgot-- p-paumanhin," wika nito, para itong kinapitan ng hiya dahil nakalimutan niya na nasa tahanan sila ng Rajah at dapat ay wika lamang rito ang dapat gamitin.
"Ngayon ko lang napagtanto ang cute mo pala Ginoong Vanoz" ani ni Penelope sa binata, at bahagya pa itong nilapitan.
Saglit itong binalingan ng binata at agad din itong tumingin sa kararating pa lamang na dalawang panauhin.
"Penelope you are here," wika ng isang binata, na kapapasok pa lamang ng Bulwagan, nakasuot ito ng isang amerikana ang binatang ito ay ang nakatakdang maka isang dibdib ng anak ng Rajah na si Huada.
"Isa ka pa! Nemesis Cyrus! Nasa balay ka ng Rajah kaya magtagalog ka!" Wika ni Penelope sa binata, atsaka lumayo ito kay Vano.
"Okay! Pasensya na," wika ni Cyrus.
"At sino naman 'yang cute na Ginoo na kasama mo Cyrus?" Tukoy ni Penelope sa morenong binata na kasama nito.
"Vergel." Tipid na tugon ni Cyrus.
"Makisig na binata," wika ni Penelope.
Napa iling naman si Vano dahil sa inaasal ni Penelope, sa isip nito "Kung may matatawag na babaero, ang babaeng ito ay matatawag na lalakero"
Nag uusap-usap sila nang dumating ang lalaking may hithit na tabako sa bibig, si Mask Conrad Vushku kasama ang mga tauhan nito na may mga itinatagong baril sa ilalim ng amerikana ng mga ito. Ang awra nito ay nakakatakot pinangingilagan ang kanyang pangkat dahil sa walang habas ito kung pumaslang, malaki itong tao na gaya ni Rajah Bagani ay maganda pa rin ang pangangatawan nito sa kabila ng kanyang edad. Nakasunod sa kanya ang kanang kamay nitong si Atlas Lucas dalawampu't walong taon ang edad.
"Kumusta mga kaibigan?" Nakangiti nitong bati sa mga kapwa niya panauhin.
"Nariyan ka na pala Mask napaka tagal mo... Nakikita mo ba? Katabi ko ang isang magandang dilag," tukoy ni Clauzmin sa nakakapit sa kanyang braso na si Percy.
"Nakikita ko nga kaibigan, kumusta ka Percy?" Pangungumusta nito.
"Ayos lang ako Mask, magandang-maganda pa rin ako," tugon ni Percy na ngiting-ngiti.
"At naririto na rin pala ang mga bagitong lider," wika ni Mask, na ibinaling ang tingin sa mga binatang panauhin na kanilang kasapi sa organisasyon.
"We are here too..." Wika ng isang lalaki na nakangiti, na kapapasok pa lamang ng Bulwagan nasa edad dalawampu't pito may maganda itong mga ngiti dahilan upang mabaling ang paningin ni Penelope sa lalaki, ito ay si Knight Fuego ng Boss's Group, ang pangkat ng binatang ito ay hindi nakikisali sa gulo lalo na kung hindi sila ang pasimuno. Kasama niyang dumating sina Gabriel Richmen ng Richmen's ang binatang nababalot ng lihim ang pagkatao, at si Red Reciocious ang lider ng Red organization na kinabibilangan ni Zero Acaia.
"Ginoo, nasa balay ka ng Rajah," wika ni Penelope.
"Paumanhin, Binibining Penelope," ani ni Knight na nakangiti dahilan upang lihim na mahumaling si Penelope sa mga ngiti nito.
"Stop talking, assh*le! I don't need your fuck*ng opinion!" Nabaling ang tingin ni Knight sa dalawang lalaking nasa likuran niya.
"If you want me to shut up, leave now Richmen," wika ni Red.
"Only Rajah Bagani can order me to leave here, and not you! Assh*le!" Ani pa ni Richmen.
Hindi umimik si Red at nanahimik na lamang ito.
"Kayong dalawa! Kung magtatalo lang kayo rito magtagalog kayo!" Pananaway ni Penelope, dahil narinig niya ang mga ito na magsalita ng wikang ingles.
"Pasensya na," ani ni Red
Nanatiling tahimik ang binatang si Gabriel Richmen, ang mga mata nito ay hindi mo kababakasan ng anumang emosyon.
Pumasok naman ng Bulwagan ang dalawang lalaki na masayang nag-uusap.
"Tama ka Zero, dapat ko nga iyong gawin," wika ni Sicatrose Fallaso ng Black Organization.
"Sigurado akong di na makakatanggi iyon," ani ni Zero.
"Mukhang babae ang pinag-uusapan niyo ah," wika sa kanila ni Mask na nakangiti.
"Tama kayo Ginoong Mask," wika ni Sicatrose.
"Kung hindi niyo naitatanong marami akong alam na gusto ng isang dilag," wika ni Mask.
Abala sila sa pangungumusta sa bawat isa nang dumating ang magkakapatid na Mercado Brother's sa Bulwagan, muli ay naagaw ang pansin ni Penelope dahil sa anim na binatang magagandang lalaki.
"Nasaan ang Rajah?" Tanong ng kapapasok pa lamang na si Jersey, ang bunsong lalaki sa magkakapatid kasama niya si Jack, Jude, Jin, James at Jade. Ang Mercado Brother's ay may ikinukubling lihim hinggil sa kanilang kapatid na bunsong babae.
Binatukan ni Jade si Jersey.
"Sa pagkakaalam ko ikaw ang bunso! Kaya manahimik ka! Nasaan ang Raj-- aray!" Natigilan ito dahil binatukan ito ni James.
"Isa ka pang kumag ka! Manahimik kayong dalawa!" Ani ni James sa dalawang kapatid nito.
"Bida-bida talaga si James," bulong ni Jade.
"Ikaw rin naman namo!" Bulong ni Jersey kay Jade.
"Parang di ko naman alam na nagpapa cute ka do'n sa babae," ani ni Jade na pabulong sa kapatid.
"Sinong babae?" Maang-maangan na tanong ni Jersey sa kapatid, kahit na batid nito na ang tinutukoy nito ay si Penelope Huggins.
"Ul*l! Maang-maangan ka pang gag* ka." Tukso ni Jade sa kapatid.
"Syempre alam ko na gagawin mo, kaya inunahan na kita!" Wika ni Jersey na pabulong sa kapatid, ang hindi nila alam ay pinakikinggan sila ni Jin sa likuran nila.
"Nasaan ang Rajah?" Tanong ni Jack sa ibang panauhin.
"Mukhang may isang Ginoong naghahanap sa akin," nakangiting bungad ng isang matipunong Rajah, kasama ang mga sandig nito.
"Magandang gabi Rajah," bati ni Jude sa Rajah, at yumukod ang magkakapatid bilang papugay, namangha naman ang ibang panauhin sa ginawang papugay ng magkakapatid na Mercado. Agad na nag-angat ng paningin ang magkakapatid at nakipagkamay sa Rajah.
"Nasaan ang inyong ama?" Tanong ng Rajah sa magkakapatid.
"Siya'y nasa Inglatera ngayon Kapunuan, kaya ipinaaabot sa inyo ng aming ama na siya'y hindi makadadalo sa inyong munting piging," tugon ni Jude.
"Maraming bansa na ang napuntahan ng inyong ama, kung gayon ay may utang ang inyong ama sa akin," nakangiting wika ng Rajah Bagani.
"Mukhang gayon na nga, Kapunuan," tugon ni Jude sa Rajah.
"Magandang gabi mga kaibigan," wika ng Rajah.
Yumukod sina Zero bilang papugay samantalang sina Clauzmin at Mask ay hindi nag-abalang yumukod, sapagkat sa kanilang isipan ay bakit sila yuyukod sa taong hindi nila pinaglilingkuran.
Samantala, ang mag tiya naman na sina Lilibeth Hillari at Prince ay nag-uusap sa sala patungkol kay Bai Helena.
"Tinakbuhan niya ako tita!" ani ng binata.
"Dapat ay hinabol mo! Alam mong dadalo si Zero sa piging dahil inimbitahan rin siya ng Rajah!" Singhal ng tiya nito.
"Tita, I'm running out of patience with that boring woman, why don't we just find and get our purpose here tita?" Tanong ng pamangkin nito.
"Hindi natin maaaring gawin iyon lalo na at naririto ang anak niyang si Huadelein! Masyadong matapang ang batang 'yon!" Wika ng tiya.
"What? She's here? Cyrus needs to know this," ani ng pamangkin nito.
"Oo, pero hindi niyo pwedeng kunin siya ngayon dahil maraming bantay at mawawala ang tiwala sa akin ni Bagani kung tatangkain niyong kunin si Huadelein," wika ni Lilibeth.
"Okay, so what are we going to do now?" Tanong ni Prince.
"Pupunta tayo ng piging, at gusto kong tabihan mo sa hapag si Helena para malaman ng lahat na meron kayong relasyon at ipakita rin kay Zero na wala siyang pag-asa na magkakatuluyan sila ni Helena," wika ni Lilibeth.
"Nililigawan ba siya ni Zero?" Tanong ni Prince sa kanyang tiya.
"At ano sa iyong palagay Prince?" Tanong pabalik ng tiya nito.
Sa isip ni Prince, hindi nga magandang kasama si Helena at nakababagot itong babae ngunit sa kabila nito ay naiisip nitong magandang babae si Helena at nakapanghihinayang kung ibang lalaki ang makikinabang sa kanya, kaya nag-iisip ito kung ano ang madaling paraan upang makuha ang dalaga.
Naghihintay ng sagot ang Dayang mula sa pamangkin nito nang humarap sa kanya ang isang mandirigma, nagbigay pugay muna ito bago nagwika.
"Dayang, ipinatatawag na kayo ng Rajah kasama ng inyong pamangkin sapagkat ang mga panauhin ay naririto na sa loob ng balay ng Rajah," wika nito sa Dayang.
"Susunod na kami," nakangiting wika ng Dayang.
Ginoong Isagani's PoV
Kagagaling ko lamang sa aking trabaho sa aming kumpanyang pinapatakbo, kasama ang aking mga sandig at ngayon ay kabababa pa lamang namin ng sasakyan. Kami ay dadalo sa munting piging na handog ng aking Baba para sa mga higanteng kapanalig ng organisasyon, bagama't hindi ko nais mapabilang dito ay kinakailangan ko itong gawin at gampanan ng mahusay para sa aking Baba.
"Ginoo, bagay na bagay sa inyo ang inyong kasuotan," wika ni Wano sa akin.
"Oo nga Ginoo! Lalo kang naging matipuno, Ginoo... Maari bang makahalik?" Wika ni Kabang.
Batid kong nagbibiro lamang ito.
"Oo nga Gino--" dagdag pa ni Wano
Lalapitan na sana nila akong dalawa nang harangin sila ni Dado.
"Tumigil nga kayong dalawa! Nakakahiya kayo!" Pananaway sa kanila ni Dado.
Napa-iling na lamang ako.
"Tayo na! Tiyak ay mabubusog kayo sa hapunang ito," aking wika sa kanila, at nag-umpisa na kaming lumakad.
"Talaga Ginoo? May litson ba Ginoo?" Tanong ni Wano.
"Tiyak ay mayroon Wano," aking tugon.
"Gusto ko ng inasal na manok Ginoo," wika pa ni Kabang.
"Ako kahit ano basta masarap!" Wika pa ni Dado.
"Lahat naman ng pagkain sa iyo Dado ay masarap!" Ani ni Wano.
"Kahit nga dilag ay masarap sa kanya," dagdag pa ni Kabang.
Natatawa na lamang ako sa kanila habang kami ay naglalakad papasok ng Bulwagan.
Azerine's PoV
Putcha! Another check point! Lumalakad na kami papunta sa silid ni Huadelein at tanaw na tanaw namin ang pitong bantay sa pinto nito, takte Azerine! Huwag kang kabahan! Nang makalapit na kami ay syempre! Hinarangan kami gamit ng sibat, taena! Muntik pang tumama sa maleta kung nasaan si loverboy!
"Nakalampas kayo kina Paragahin tiyak ay mahalagang bagay ang nilalaman ng tampipi na iyan," wika ni Maliksi.
"Oo, Maliksi. At kailangan namin ito maibigay sa Bai agad" wika ni Tres.
Nabaling ang paningin ni Maliksi kay Tres.
"Kung gayon ay buksan ninyo ang tampipi na iyan," utos ni Maliksi.
"Hindi maaari," wika ni Jace at hinarangan pa nito ang maleta.
"At bakit hindi maaari?" Tanong ni Maliksi.
Biglang tinutukan kami ng sibat ng mga kasamang bantay ni Maliksi, shet! Tinitigan nina Tres at Jace si Maliksi.
"Kayo na nga ang magsabi sa kanila Azerine," wika ni Jace.
"Nag--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang magsalita si Hope.
"Maliksi, hindi niyo maaaring makita ang nasa loob ng tampipi na ito sapagkat naglalaman ito ng mga damit panloob ng Bai, at kung ipipilit mo pa na buksan ito ay isang kalapastanganan ito," wika ni Hope natigilan si Maliksi sa sinabi ni Hope, ibinaba ng mga bantay ang kanilang mga sibat.
"Maaari na kayong pumasok, ngunit paalala ko lamang na huwag kayong gagawa ng kahit na ano na maaari niyong ikapahamak," babala ni Maliksi at gumilid ang mga bantay para bigyang daan kami.
"Oo, makakaasa ka," tugon ni Hope, at kumatok na ko sa pinto ng dalawang beses at binuksan naman agad ito ng isang bantay, hinila agad nina Jace at Tres ang maleta papasok ng silid agad din isinara ng bantay ang pinto.
Nakita kong nakatayo si Huadelein sa balkonahe, at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit pero agad din itong humarap at nakangiting nagsalita.
"Azerine! Naririto kayo! Ano ang inyong ginagawa rito?" Tanong nito, at yakap sa akin.
"Boss! Kumusta ka na? Namiss kita!" Naluluha kong wika.
"Boss! Namiss ka namin!" Wika ni Jace, na aakmang akapin si boss nang pigilan ito ni Winston.
"Kumustahan lang! Walang yakapan!" Wika ni Winston.
Abala kami sa pangungumusta kay boss na
ng pumasok sa isip ko ang nasa loob ng maleta! Putcha!
"Woi! Mga gag*! 'Y-yong maleta! Putang*na niyo! Baka hindi na humihinga 'yong nasa loob!" Sabi kong natataranta.
"Ay putcha! Oo nga pala!" Wika ni Jace na agad-agad ay tumakbo para buksan ang maleta.
"Humihinga pa kaya 'yan?" Tanong ni Tres.
Pagkabukas ng maleta iniluwa nito ang isang pawisang lalaki at agad na tumayo, suot pa rin nito ang sombrero niya at nasa baba nito ang facemask niya.
"Tang*na, ang tagal niyo naman buksan--- Huadelein..." Wika niya.
Agad itong lumapit kay boss.
"Dos..."
-------
Itutuloy....
Karagdagang kaalaman:
Tampipi- sisidlan ng damit.
Aranya- chandelier.
Tason- mangkok, tasa.
-Papel📝😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top