Kabanata XXVII: Nobela ' Upside down
Kabanata XXVII: Nobela ' Upside down
--
Huadelein's PoV
Ang lahat ay abala ngayon sa kani-kanilang kubol, maraming mag-aaral ang nagkakagulo at nag-uunahan pumila sa iba't-ibang Booth. Samantalang ang sa amin ay kaunti pa lamang ang nagtungo rito, at hanggang ngayon ay wala pang sumunod na pumasok.
"Ay wiz! Ang ating mahiwagang kahon ay sasampung ticket pa lang ang laman! Anek na ang nangyare sa ating parlor mga besh!? " Wika ni Rica.
Mayroong ginagamit na ticket bago ka pumasok sa bawat kubol, ang ticket na ito ay isang maliit na papel na mabibili sa halagang piso, at ihuhulog mo ito sa kahon bago ka pumasok sa isang kubol o maari rin naman bago ka lumabas.
Ngunit iba pa ang bayad para sa lalaruin mo o bibilhin mo, katulad na lamang sa aming kubol dahil ang tema nito ay 'parlor' na ang layunin ay pagandahin ang bawat babaeng papasok dito sa halagang 'sampung piso' kada isang tao. At kung kaninong kubol ang may pinaka maraming ticket ay siyang mananalo.
"Kailangan gamitin na natin ang ating mga super powers!" Masiglang wika ni Georgia.
"Ay! Go ako diyan!" Wika ni Whisky.
"Ano ang gagawin natin Georgia para maraming pumasok sa booth natin?" Tanong ng aming presidente. Na may hawak ng kahon ng ticket, ang hawak niyang kahon ng ticket ay binebenta kapag may nais bumili, at ihuhulog din ito sa kahon ng aming kubol.
"Manood ka na lang president, relax!" Ani ni Georgia.
Tumuntong ito sa isang mesa maging sina Whisky at Rica ay ganoon rin ang ginawa, at hawak-hawak nila ang bandila ng aming kubol, at may nakasulat dito na "papasok kang hindi maganda, lalabas kang dyosa!" Nagposing sila atsaka nagsalita ng malakas.
"Nais mo bang gumanda? Maging DYOSA? Halina! Pasok na sa DYOSA PARLOR!" Malakas na boses na wika ni Rica.
Maraming nabaling ang tingin sa kanya.
"Papasok kang MEDYO CHAKA! Pero lalabas kang DYOSA! Anong pang hinihintay niyo girls! Mga BESH! HALINA SA AMING DYOSA PARLOR BOOTH!" Wika pa ni Georgia.
Na lalong naagaw ang atensyon ng iba pang mga mag-aaral, lalo nang mga babae at tulad nila Georgia.
"Hinding-hindi ka bibiguin! Kahit anong gusto mong ayos! Kayang-kaya namin 'yan! Simple! Fierce! Lovely! Sweet! Classic! Nude! kahit anong klaseng make up ang gusto mo ay kayang-kaya sa halagang ten pesos!" Masiglang wika ni Whisky.
"At may kasama pang kulot! Just add 6 pesos! At magiging kamukha mo na si Marimar!" Dagdag pa ni Georgia.
"Ay totoo ba bakla? Makapasok nga kami nang maging kamukha naman namin si Marimar," wika ng isang malapit na kaibigan nila Georgia.
"Ay Oo naman, beks! At ang mga make up namin hindi basta basta!" Wika ni Georgia.
May mga pumasok na sa aming kubol kaya lumabas na muna ako dahil dumadami na ang tao sa loob, nasa unahan lang ako at si Azerine naman ay ayon tumutulong sa loob. Wala akong alam pagdating sa pampagandang bagay, lumabas rin ang iba naming kamag-aral at tumulong na lang sa pag-aayos ng pila.
"Nichido, Naked, Clinique, at MAC lang naman besh!" Wika ni Georgia na nagmamalaki.
"Ay bongga naman pala!" Wika pa ng kanilang kaibigan.
At pumasok na sila sa loob ng kubol, marami ng tao sa loob may anim lamang na upuan para sa mga parokyanong aayusan, ngunit naging walo na ito dahil sa dami ng nakapila ngayon.
At mabuti na lamang ay magaling sila Georgia at iba ko pang kamag-aral, pagdating sa pag-aayos at mabilis nila itong naaayusan kaya naman ay mabilis ang usad ng pila, sa mga lumabas sa aming kubol? Masasabi kong mahusay nga mag-ayos sila Georgia.
"Ganda, okay ka lang ba diyan?" Tanong ni Georgia, habang kinukulutan ang isang parokyano.
"Oo naman, kailangan mo ba ng tulong?" Aking tanong na nakangiti.
"Halika rito Ganda, turuan kita magkulot," wika niya.
Agad akong lumapit sa kanya at pinahawak nito sa akin ang pangkulot, tinuruan niya ako at akin naman itong nakuha agad.
"Oh! Ikaw taga kulot ko ah, tapos ako ang taga make up," wika ni Georgia na nakangiti.
"Oo, sige," aking tugon.
Marami pang sumunod na parokyanong aking hinawakang buhok at kinulutan.
"Aba! Ayos 'yan boss ah! Ang galing mo mag kulot," wika ni Azerine na nakangiti.
"Tumigil ka nga riyan ikaw rin naman magaling magplantsa ng buhok," aking papuri sa kanya.
"Magaling daw, maganda lang talaga mga pinabili mo sa'kin na pangkulot tsaka plantsa," saad niya.
Pinandilatan ko ng mata si Azerine.
"Ano? Pogi? Si Ganda nagpabili nitong mga plantsa tsaka plantsang pang kulot?" Biglang gulat na tanong ni Georgia.
'Pakadaldal talaga ni tomboy!
"H-hehe! Oo eh, tsaka ng mga make up actually halos lahat," tugon ni Azerine.
Talaga naman, sinabi pa talaga!
"Talaga? Ang mahal nito Ganda! Grabe para lang sa booth natin gumastos ka?" Tanong nito.
Takte! Ako nga nagpabili kay Azerine lahat ng kakailanganin sa booth pero maliit na bagay lang naman iyon, para may magamit dahil alam kong kulang ang kagamitan na kanilang gagamitin.
"Hindi naman lahat, galing talaga iyan sa tita ko na galing ibang bansa mga bago pa naman, tsaka di ako nagm-make up kaya pinadala ko na kay Azerine 'yan," pagdadahilan ko na sana ay gumana.
"Hello girl! Anim na plantsa ginastusan mo-- apat na electric curler at dalawang plantsang pang straight," wika pa ni Georgia.
"Huwag mo na isipin 'yan Georgia ang mahalaga manalo tayo," singit ni Azerine.
"Pero mahal ang mga--"
"Georgia, ayusin mo nga kilay ng model ko," singit ni Whisky dahilan upang matigilan si Georgia sa kanyang sinasabi.
Agad na lumapit si Georgia sa parokyanong babae ni Whisky.
"Pakadaldal mo!" Aking sambit kay Azerine.
"Hehe! Sorry boss."
At nagpatuloy kami sa kanya-kanya naming gawain.
Bai Helena's PoV
Nakaupo ang isang lalaki sa aking harapan, bakit nga ba narito ang isang ito? At may dalang mga bulaklak at tsokolate? Hindi siya ang aking hinihintay na aking panauhin. Isang babae naman ang sumulpot sa aming harapan.
"Oh! Aking pamangkin Prince naririto ka pala? Ano ang sadya mo?" Tanong nito sa kanyang pamangkin.
Kunwari pa na walang alam ang bruhang 'to sa biglang pagbisita ngayon ni Prince, tiyak akong nalaman ng bruha na ito na hiwalay na kami ng mahal niyang pamangkin.
"I'm here tita, to visit her," tugon niya sa bruha niyang tiya.
"Paumanhin Ginoo, ngunit naririto ka sa balay ng Rajah kung kaya't magsalita ka ng aming wika," aking pasintabi sa kanila.
"What?" Gulat na tanong ni Prince
Oh! Nagulat siya sa aking inasal?
"Paumanhin Dayang, ngunit ikaw na ang magpaliwanag sa iyong pamangkin," aking wika kay Lilibeth.
Nakakasuka na tinatawag ko siyang Dayang, dahil hindi naman siya bagay tawagin sa ganoong paraan.
"Helena--"
"Bai Helena," Aking pagtatama kay Prince.
"Bai Helena, hindi ba't noon naman na magkarelasyon kayo ay nagsasalita naman talaga siya sa wikang Ingles? Ano at bigla kang nagbago?" Tanong ni Lilibeth sa akin.
"Unang-una sa lahat, hindi ako nagbago ibinalik ko lamang ang Bai-- ang totoong ako, at ipaaalala ko lamang, na nasa balay ng Rajah ang iyong pamangkin Dayang, kung ano ang aming wika rito ay siyang dapat gamitin-- kahit anong lahi ka pa," aking wika at pinakatitigan si Prince.
Marunong naman magtagalog ang isang ito, pa ingles! Ingles pa! Akala naman niya ay ikinatalino niya iyon.
"Bai Helena, sorry--" wika ni Prince.
"Bai Helena, paumanhin--" aking pagtatama sa sinambit nito.
Gaano ba kahirap ang magsalita ng wikang maharlika? Ngunit pagdating sa wikang banyaga ang mga tao ay nagkukumahog mag-aral ng ibang wika, at ang sarili naman nilang wika ay hirap na hirap sila, at halos talikdan na.
"Ah-- bulaklak para sayo." Abot nito ng bulaklak at tsokolate.
"Ilapag mo na lamang riyan," aking tukoy sa maliit na mesa na nasa aming pagitan.
"Paano ba iyan? Maiwan ko na kayong dalawa para makapag-usap kayo," wika ni Lilibeth, na nakangiti at lumakad na ito palayo sa amin.
Ang akala niya siguro ay may magandang ibubunga ang pagparito ngayon ni Prince.
"So, how are you?" Tanong nito.
"Ilang beses ko bang dapat ulitin Ginoo, na magsalita ka sa aming wika? Sa susunod na magsalita ka pa ng wikang banyaga ay hindi na kita iimikin pa," aking paalala.
Tumikhim ito atsaka nagsalita.
"Kumusta ka?" Tanong nitong parang hindi ko maintindihan ang kanyang mukha.
"Ayos lamang ako," aking tugon.
"Bakit nag iba ka ng damit? Bagay naman sayo pero mas bagay sayo ang karaniwang sinusuot mo noong kasama mo pa 'ko," wika niyang nakatingin sa akin.
At ano ang kanyang sinabi?
"Isa akong Bai Ginoo, at ito ang kasuotan na nababagay sa isang tulad kong Bai--"
"At talagang pinangangatawanan mo 'yan?" Tanong nito.
Ano at tila siya'y bastos sa kanyang mga ibinigkas?
"Isang kahangalan ang iyong sinambit sa Bai--" rinig kong wika ng kilala kong boses mula sa aking likuran. At nilingon ko ito.
"Ginoong Zero..." Aking bulalas at napatayo mula sa aking kinauupuan.
"And who are you to interfere?" Tanong nito kay Zero.
"Paumanhin ngunit nasa puod ka ng Rajah kaya hindi ka maaring magsalita ng banyagang wika, hangal!" Wika ni Zero.
Biglang tumayo si Prince sa kinauupuan nito.
"Anong sinabi mo?" Tanong ni Prince kay Zero.
"Bingi ka pala, gusto kong ipabatid sayo na isang kalapastanganan ang iwinika mo sa Bai, hindi tama ang iwinika mo sa kanyang kasuotan-- ang kanyang kasuotan ay naaayon kung nasaan siya ngayon, ang pag-uugali mo lamang ang hindi naaayon dito," bigkas ni Zero. Na ikinagalit ni Prince.
"Eh gag* ka pala eh!" Tatangkain sana niyang lapitan si Zero ngunit agad ko na siyang pinigilan.
"Huwag mong ituloy iyan Prince, nais mo bang mapansin kayo ng aking Ama?" Aking tanong sa kanya.
Natigilan siya sa aking sinabi at bumalik ito sa kanyang kinauupuan.
"Bai Helena, nais kong ibigay sa iyo ito." Nangingislap na mga nito nang ibigay sa akin ni Zero ang isang pumpon muli ng pulang rosas, at nahahaluan ng kulay puti rin na rosas.
Agad ko itong hinawakan at inamoy.
"Daghang salamat Ginoong Zero," aking wika.
Narinig kong tumikhim ang lalaking nakaupo, at napalingon din dito si Zero.
"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na huwag ka ng magpasalamat," nakangiti nitong wika.
"G-Ginoo maupo ka," aking giya.
Naupo ito sa aking harapan at umurong naman si Prince, napansin kong masama ang tingin ni Prince kay Zero, nanatiling hawak ko ang pumpon ng rosas.
Aking napansin si Milan at tinawag ko ito.
"Milan, maari ba na ikuha mo sila ng makakain at kanilang maiinom?" Aking tanong.
"Oo Bai, sandali lamang," at umalis na si Milan sa aming harapan.
Nakita kong nagsusukatan naman ng tingin sina Prince at Zero.
Azerine's PoV
Ala singko na at tapos na ang aming paghihirap! Sa wakas! Makakapanood na ko ng Battle of the Bands, ito talaga ang pinaka inaabangan ng lahat, dahil rakrakan 'to sigurado!
Nagbibilang na ng pera sila Georgia, at ang president naman namin binibilang ang mga ticket. Ang ibang seksyon ay nag-aayos na at nililigpit na ang kani-kanilang booth, kami magliligpit pa lang pero syempre hindi na kami magliligpit, ibang kaklase na namin ang gagawa no'n, respeto naman sa aming mga kumilos 'no.
"Okay guys! Naka 4,446 tayo!" Hiyaw ni Georgia.
"Woah! Talaga?" Gulat na tanong ni Rica.
"President! Ilan ang tickets natin?" Tanong ni Georgia.
"Nasa 330+" sagot ni President.
"Ay bongga! Sana tayo ang manalo!" Wika ni Whisky.
"Sana nga tayo ang manalo! Dahil sayang ang premyo 'no! Ayusin na natin ito para maibigay na kina Ma'am!" Sabi ni Georgia na mukhang excited.
Nilagay na ni Georgia ang pera sa box ng zesto, at nilagyan ng section at mga pangalan namin para raw sure, at inilagay niya ang presyo na nakalagay na pera rito, ganoon rin sa box ng tickets kung ilang tickets ang laman no'n.
Atsaka umalis na sila para ibigay ang mga box sa mga teacher na naka toka para rito.
Napansin kong wala na si boss dito, ang bilis maka puslit ni no'n ah! Agad din akong umalis at naglakad-lakad, marami ng tao sa harap ng stage siguradong excited na ang mga 'to.
Naglalakad lang ako nang may umakbay sa'kin na pamilyar ang amoy.
Iwasan ko kaya? Huwag kong pansinin? Pero huwag-- para kang babae pag ginawa mo 'yon Azerine.
"Ano na naman problema mo?" Tanong ko.
"Haha manood ka Emo ah," aniya na nakangiti.
Anong sinasabi nitong manood?
"Anong sinasabi mong manood?" Tanong ko.
"Sa Battle of the Bands, saan pa ba?" Aniya, na hindi pa rin inaalis ang pagkaka-akbay niya sa'kin.
Kasali siya sa Battle of the Bands?
"Ano ka do'n? Drums? Tsaka sino kasama mo?" Tanong ko.
"Sino pa ba Emo? Eh di 'yong mga tropa kong kolokoy!" Sagot nito, "tsaka di ako sa drums," dagdag pa niya.
"Eh saan ka? Ah gitarista ka?" Tanong ko pa.
"Mamaya Emo, abangan mo," sabi nitong ngiting-ngiti.
"Sus! Argo'ng bakla pa suspense ka pa!" Ani ko, at inalis ang kamay niyang naka-akbay sa akin.
"Pfft! Basta Emo, abangan mo." At ibinalik ang kamay niya sa pagkaka-akbay sa akin. Tingnan mo 'tong Argo na 'to.
"Pfft! Sige sige! Lumayas ka na nga Argo wala ka na naman mapagtripan eh," sabi ko.
"Ikaw naman pwapwa Emo, namiss lang kita," wika nitong pagkalandi-landi. Amputcha! Bakla talaga!
"Ako tigil-tigilan mo ko Argo ah!" Bulyaw ko sa kanya.
"Kiss muna!" Sabi nitong naka nguso.
Ang sagwa putcha!
"Argo, taena! Pakiusap lang lumayas-layas ka," sabi ko.
"Sige na nga, pwapwa Emo!" Aniyang pagkalandi-landi, inalis na nito ang pagkakaakbay sa'kin, ang akala ko aalis na siya pero bigla itong umakbay uli sa'kin at hinalikan ang pisngi ko!
"Tang*naaaaa!"
Bigla itong lumayo sa akin atsaka tumawa.
"Hahahaha Alabya to Pwapwa Emo," aniya, na nang-iinis pa.
"Taena, Argo! Lumayas-layas ka sa harap ko!" Bulyaw ko, atsaka kumaripas na ito ng takbo.
Napangiti na lang ako, mukhang balik na kami sa dati.
Nakakaramdam pa rin ako ng sakit sa dibdib ko pero-- mas maigi nang balik kami sa dati kaysa mag-iwasan kami tulad ng iba na nasaktan ng lalaki ang isang babae.
Mayamaya lang ay nag-umpisa na magsalita ang Emcee.
Huadelein's PoV
Narinig kong nag umpisa na ang Battle of the Bands, dahil may tumugtog na. Totoong masaya kapag may mga ganitong patimpalak ngunit hindi ko talaga ugali ang manood ng mga ganoon. Dahil ang mga manonood sa ibaba ng entablado ay nagtutulakan, at may batuhan pang nagaganap at iyon ang bagay na aking kina-aayawan.
"Ganda! Nandito ka lang pala," wika ni Georgia.
Hindi ko man lang namalayan na may paparating pala.
"Oo, bakit Georgia?" Aking tanong.
"Wala lang! Hinanap lang kita wala ka kasi pagbalik namin, anong ginagawa mo rito sa lumang building?" Tanong niya.
"Wala lang-- tambay lang," tugon kong nakangiti.
"Hindi ka ba natatakot dito?" Tanong niya sa akin.
"Hindi, gusto ko rito tahimik."
"Di ka natatakot na may magpakita rito sayo na multo?" Tanong nito muli, habang tinitingnan ang paligid.
"Hindi, sila'y mga kaluluwa na Georgia hindi dapat tayo matakot sa kanila-- mas matakot tayo sa buhay," aking wika.
"Sa bagay may punto ka diyan Ganda," wika nito. "Ay! Oo nga pala! Tara na sa court! Manood tayo ng Battle of the Bands," aya niya sa akin.
"Kayo na lamang Georgia, nais ko lamang manatili rito," aking tugon.
"Sigurado ka ba Ganda? Masaya kaya 'yon," wika nito.
"Oo. Georgia, dito na lamang ako, sige na pumunta ka na roon baka mamaya hinahanap ka na nila Whisky."
"Sige, basta Ganda nasa court lang kami, mauna na ko ha," wika nito at umanyo nang umalis.
Mas ibig kong manatili rito.
Azerine's PoV
Naka number 4 na contestant na kumanta pero putcha! Hindi ko pa rin naaninag ang anino ni Argo, niloloko lang yata ko ng bakla eh!
Tumalikod na 'ko, at nag-umpisa nang maglakad.
"At ang susunod na Banda! Kumapit na kayo sa inyong mga Girlfriend, dahil baka bigla nila kayong ipagpalit sa mga nag gwagwapuhang A.D CEZ BAND! Hindi na patatagalin pa! UMPISAHAN NA NATIN please Welcome A.D CEZ BAND!" Masiglang sabi ng Emcee.
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang intro ng paborito kong kanta, at marinig ang isang pamilyar na boses.
(Music lyrics Ctto)
"Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang"
Napalingon ako sa stage at nakita siyang kumakanta, lumakad ako pabalik.
"Tulad mo ba akong nahihirapan?
Lalo't naiisip ka
'Di ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang"
Malapit lang ako sa stage at napansin kong tumingin ito sa direksyon ko, hindi ko alam kung sa akin nga ba siya nakatingin.
"At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman"
Para bang damang-dama nito ang bawat liriko ng kanta.
"Sa isang marikit na alaala'y
Pangitaing kay ganda
Sana nga'y pagbigyan
Na ng tadhana
Bawat sandali na lang
Sumabay sa biglang pagkabahala't
Lumabis ang pagtataka
Tunay na pagsintang 'di alintana
Bawat sandali na lang"
Bakit ito ang kinanta niya? Ano bang ibigsabihin nito? O baka wala naman talagang ibigsabihin 'to, at ako lang ang nag a-assume.
"At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman"
Sabihin mo nga sa'kin Argo, magbabalik ka nga kaya pero hindi na sa gantong magkaibigan lang tayong dalawa?
Tinitigan ako nito, at alam kong sa'kin ito nakatitig...
Sumasabay ang mga kapwa ko estudyante sa pag-awit niya.
"Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang"
Oo, ngingiti ako Argo at hinding-hindi ko sayo ipahahalatang nasasaktan ako na may ibang nagmamay-ari sayo at nagseselos ang tomboy na 'to, okay lang. Okay lang! Basta tropa mo pa rin si Emo! Si Emo na tomboy.
"At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman"
Nakatingin lang ako kay Argo hanggang sa matapos siyang kumanta, at naghiyawan ang mga estudyante.
At narinig ko ang intro ng kanta na laging naririnig kong kinakanta ni boss, nakita kong si Dos na ang may hawak ng microphone.
Si boss! Nasaan si boss? Kailangan niyang mapanood 'to!
Huadelein's PoV
Matapos kong marinig ang paboritong kanta ni Azerine ay narinig ko ang paborito kong kanta at narinig ang isang kilala kong boses.
(Music Lyrics Ctto)
"I've been spending some time
Thinking I'd be alright
Don't know if I could
Really make it tonight"
Mula nang unang beses kong mapakinggan ang boses niya ay hindi pa rin ito nagbabago, masarap pa rin itong pakinggan.
"Lie awake in the dark
Come down then I start
Thinking about you
Is almost breaking my heart"
Ngunit hindi ko batid na kasali sila sa Battle of the Band's.
"I don't know where I went wrong
Or what's going on
Baby, I feel like
Our love's lost tonight"
Pakiramdam ko, ako ang kanyang inaawitan. Bakit biglang nagkaroon ng kahulugan ang awiting ito sa akin ngayon?
"Should I stay, should I go
Well, I really don't know
Lately I've been missing you so"
Na noon naman ay aking kinakanta lamang, dahil maganda itong pakinggan at tagos sa puso ang bawat liriko nito.
"Baby, you don't understand
Our love lies lost
But you're still
Holding my hand"
Ngunit ngayon ay damang-dama ko ang bawat salita nito, at tumatagos sa aking puso na siyang dahilan ng pag-agos ngayon ng aking mga luha.
"Oh, and then you walk away
Just tonight
I want you to stay"
At ang aking naalala ay si Dos...
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"
Ang lalaki at Ginoo na aking itinatangi ngayon,
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"
Na bumaliktad ng aking mundo...
"Everytime I hurt you
Well, it's hurting me too
Don't know if
I could really stay here tonight"
Ngunit aking sinaktan, upang ilayo sa akin nang sa gayon ay hindi madamay sa aking suliranin, nais ko man manatili ka sa aking tabi ngunit--
"Tired of thinking of you
And everything that you do
Tell me what am I supposed to do
Well, I just wanted to say that
I need you today
Tell me it's all gonna work out alright"
Mas aking mamatamisin na masaktan kita at hindi ka makasama kahit kailangan ka ng aking puso.
"I don't know where I should start
But with all of my heart
Baby, let me
Be your lover tonight"
Labis kang itinatangi, hahayaan kitang awitan ako ngayon at maging aking sandig.
"Baby, you don't understand
Our love lies lost
But you're still
Holding my hand"
Hindi ko makalilimutan kung paano mo hinawakan ang aking kamay, sa unang pagkakataon at sa huling pagkakataon nang bitiwan mo ito.
"Oh, and then you walk away
Just tonight
I want you to stay"
At ngayong gabi ay dito lamang ako at pakikinggan kang umawit, irog ko.
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"
"Oh, you know(you're turning me on)
You turn me upside down
(You turn me around)
You know (you're turning me on)
You turn me upside down
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down"
Itinatangi ka ng aking puso... Ngunit paumanhin aking maisog na sandig, kung kailangan kong itaboy ka palayo sa aking piling, hindi ko ibig na madamay ka sa aking kinahaharap na suliranin.
Nais kong mapabuti ka kaya kahit ikasasakit ng aking damdamin ay aking gagawin upang mailayo ka sa kapahamakan, kahit masaktan ka kailangan kong gawin, at tiisin. Sapagkat ito ang makabubuti ngayon para sa iyo, aking Ginoo.
Bai Helena's PoV
"Pwede bang umalis ka na muna Zero?" Wika nito kay Zero.
"At bakit ko gagawin iyon? Hindi ko iiwan ang Bai sayo," tugon pa ni Zero.
"Mas nakatataas ako sayo," wika ni Prince.
"Wala ka sa underground society, kaya tumahimik ka," ani pa ni Zero.
"Helena, pwede bang paalisin mo muna ang isang 'to!" Wika nito sa akin.
"Bai Helena..." Aking pagtatama sa kanya.
"Bai Helena, maari ba na paalisin mo muna siya? Gusto kitang makausap ng sarilinan," wika nito.
"Hangal talaga..." Bulong pa ni Zero.
"Anong sinabi mo?" Tanong ni Prince kay Zero.
"Sige, maaari mo akong kausapin Prince," aking wika.
"Oh! Ano pang hinihintay mo Zero? Alis!" Wika nito kay Zero.
"Hindi ko iiwanan ang Bai sayo," wika ni Zero na pagmamatigas.
Hindi talaga ko iiwan ng isang 'to.
"Dumistansya ka na lamang, Ginoong Zero," aking wika.
"Kung iyan ang iyong nais, Bai," wika nito, at nagtungo sa di gaanong malayo sa amin at kitang-kita ko pa rin ito.
"Ngayon, ano ang iyong nais pag-usapan Ginoo?" Aking panimulang tanong.
"I want you back Helena," wika niya.
At hinawakan niya ang aking kamay ngunit agad kong inalis ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na magsalita ka ng aming wika..." Aking wika at pananaway.
"Please Helena, I'm serious I want you back," wika niya muli.
"May nagsasalita ba?" Aking tanong.
"Please Helena, listen to me --I'm going to change to save our relationship, please! Forgive me, Helena."
Ang drama ng isang 'to, sarap ihampas sa mukha niya ang bulaklak na dala niya.
"Ito ang huling beses na kakausapin kita, gamit ang banyagang wika mo ngunit sa susunod na magsalita ka ng ganyan-- ay asahan mong wala na akong pakikinggan pa--" nakita ko ang hitsura nito na animo'y napahiya.
"--sa palagay mo ba ay makikipag balikan pa ako sa iyo Ginoong Prince? Ni wika nga ng aking puod ay hindi mo magawang iwika, simpleng bagay lamang iyon, paano pa kaya ang iyong tinutukoy na magbabago ka," aking wikang nakangiti sa kanya. Tumayo ako at iniwan si Prince, lumalakad na ako at palapit na sana ako kay Zero nang may humarang.
"Kumusta ang inyong pag-uusap? Bai Helena?" Tanong niyang nakangiti.
"Mabuti ang aming pag-uusap, Dayang lapitan niyo na siya," aking tugon na nakangiti, at tukoy sa katatayo pa lamang na si Prince sa kinauupuan nito.
"Mukhang nakapag-usap kayo ng masinsinan," wika nito, at lumapit sa kanyang pamangkin.
At agad akong lumapit kay Zero, mabilis kong hinila ang braso nito upang makalayo kami sa mag tiya.
Jace's PoV
Kalalabas ko lang ng school nang biglang may humila sa'kin at isinakay ako sa isang sasakyan, takte naman! Nang mabaling ang paningin ko rito ay nagulat ako-- agad akong hinalikan nito.
"How are you baby boy?" Tanong nitong nakangiti at sabay halik ulit sa labi ko.
"A-anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman kung saan ako pumapasok?" tanong ko.
Bahagya itong lumayo sa'kin, pero hinihimas ng mga daliri niya ang mga labi ko.
"Of course I'm Penelope Huggins right? So magagawa ko ang lahat ng gusto ko, baby boy," wika niya.
"Nakita mo na high school pa lang ako--"
"And so? Do you miss me baby Jace?" Tanong nito sa'kin, sabay kagat sa suot kong t-shirt.
Put*! Mukhang mapapalaban ako nito.
-------
Itutuloy...
-Jace, ingat si Penelope Huggins yan.🥴
-Papel📝😎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top