Kabanata XXV: Ang Pakilamerang Dayang
Kabanata XXV: Ang Pakilamerang Dayang
--
Huadelein's PoV
Nang marinig ko ang mga sinambit ng aking Amang Rajah ay nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya. Nakasilip lamang ako sa kanila, nais ko sanang lumabas sa pader kung saan ako ay nagkukubli-- ngunit kung gagawin ko iyon, at lalantad ako ngayon sa aking ama ay wala rin naman mangyayari, mainam pang magtungo na lamang ako sa sasakyan at umuwi ng balay. Nais ko man magalit ngunit para saan pa?
Ginoong Isagani's PoV
Wala akong ibang inisip kundi kapakanan at ikasisiya ng aking kapatid na Bai, ngunit ang aming Baba ay hindi ito lubos na nauunawaan.
"Paumanhin mga sandig ng aking kapatid na Bai, kung tayo ay nasinghalan ng aking Baba," aking paghingi ng paumanhin.
Kami ngayon ay nasa tapat na ng kanilang sasakyan, at napansin ko ang aking kapatid na si Huada na nakaupo na sa loob nito.
"Ayos lamang iyon Ginoo" ani ni Tres.
"Baka isipin niyo na masama ang aking Baba, ganoon lamang talaga siya kapag patungkol sa kanyang mga anak na Bai, matigas ito ngunit mabuti pa rin siyang Amang Rajah," aking saad.
"Batid namin iyan, Ginoo," tugon ni Azerine.
"Hindi naman Ginoo, ang mahalaga ay sinubukan natin," ani pa ni Jace.
"Pinahanga niyo ako Ginoong Jace at Ginoong Tres, tunay kayong mga sandig at maisog sapagkat nagawa niyong humarap sa aking Baba at magmungkahi, hindi man tayo nagtagumpay na kumbinsihin ang aking Baba-- ay napatunayan niyo naman na karapat-dapat kayo na tawaging mga sandig ng aking Bai, kaya ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo mga Ginoo," aking papuri sa kanila at pasasalamat. At ako'y nakipagkamay sa kanila.
"Walang anuman Ginoo, alang-alang sa aming Bai walang problema," wika ni Jace.
"Oo tama, basta para sa aming Bai," ani pa ni Tres.
"Kung gayon ay hanggang sa muli mga Ginoo Jace, Tres, Azerine, Hope at Winston patnubayan kayo ni Aba at ng mga diwata," aking paalam.
"Hanggang sa muli Ginoo," wika ni Winston.
"Mauuna na kami Ginoo," saad ni Hope.
"Aalis na kami Ginoo," paalam ni Jace.
Sumakay na sila nang kanilang sasakyan ngunit bago pa sila tuluyang lumisan ay kinausap ko muna ang aking kapatid, ibinaba nito ang salaming bintana-- bakas sa kanyang mukha ang walang tuwa, kung ibang tao lamang ako ay iisipin kong walang emosyon ito.
"Paumanhin, Huada. Bigo kami na kumbinsihin ang ating Baba," aking wika.
"Hindi mo ito kasalanan Ubo Isagani, ito'y pasya ng ating ama na walang sinuman ang makababali," tugon nito sa akin.
"Mag-ingat kayo, at mag-ingat ka sa mga kaaway aking kapatid na Bai,"
"Maging ikaw man Ubo Isagani, hanggang sa muli nating pagkikita," paalam niya.
At itinaas na ang bintana, at sila'y lumisan na.
Huadelein's PoV
Wala pa man ang oras ng klase ay narito na ako sa paaralan, hanggang ngayon ay masama pa rin ang aking loob sa aking amang Rajah.
Ano pa't naging malaya akong Binukot-- na wala pa rin naman kalayaan sapagkat may mga nakabantay sa akin na sandig ng aking Ama, ito ba ang matatawag na malaya?
Dumadagdag pa ito sa aking iisipin, kung sakaling mahanap ako ni Nemesis ay lalo lamang akong mahihirapan kaya ayoko ng may mga nakabantay sa akin, sapat na ang aking mga sandig upang ako ay tulungan kung darating ang araw na nagpapabigat sa aking dibdib.
Naramdaman kong may tumabi sa akin nahiga rin ito gaya ko sa damo.
"Boss, pasensya ka na hindi ka namin nagawang ipagtanggol ka sa Rajah," wika niya.
"Ayos lang, sadyang matigas ang aking ama ngunit kung minsan malambot naman ang puso no'n."
"Napansin ko nga ang mga sandig ng Rajah nandiyan sa labas ng gate," saad ni Azerine.
Ano pa nga ba ang dapat asahan? Naroon sila saan man ako magtungo.
"Sinira niya ang aming kasunduan," aking wika.
Pinaghirapan ko ang maging malaya ngunit heto na naman ba ako? Wari ay bumalik ako sa pag uumpisang maging malaya, na may nagbabantay muli sa akin. Ang kasunduan namin ni Ama ay hindi niya na ako pababantayan pa muli ngunit ngayon ay nauulit ito.
"Bakit hindi kaya boss gawin mo ulit 'yong dati, 'yong nagalit ka sa Rajah dahil pinasusundan ka niya noon tapos halos tatlong linggo mo siya hindi kinausap," kanyang mungkahi.
Napalingon ako dahil sa iminungkahi niya, may punto ang tomboy na 'to kung gagawin ko iyon ulit tiyak na susuyuin ako ni ama gaya noon, nang balewalain ko ang kanyang mga sandig at hindi ako nagparamdam na halos tatlong linggo.
Ngunit ito kaya'y gagana pa?
"Nais kong subukan iyan Azerine, ngunit paano kung hindi na gumana ngayon?" Aking tanong.
"Walang masama boss kung susubukan muna natin," tugon nito, atsaka naupo ito.
May punto siya, wala naman masama kung susubukan muna namin kung gagana nga ba ito.
"Sige Azerine, gagawin ko," tugon ko, atsaka naupo akong humarap sa kanya.
" 'Yan! Ganyan boss! 'Yan ang boss na nakilala ko," saad nitong nakangiti.
Sana nga ay gumana.
Bai Hera's PoV
Umaawit kami ng kandu ng aking guro nang may kumatok sa pinto, binuksan ito ni Sima at may kinausap ito, hindi ko makita ang taong kausap niya sapagkat hindi naka bukas ang pinto ng husto. Ngunit nagulat ako nang bahagya nitong itulak si Sima, napahinto ako sa aking pag-awit.
"Nakaabala ba ako?" Tanong nitong nakangiti.
Ano sa kanyang palagay?
"Ano sa iyong palagay?" Aking tanong, na mukhang ikinagulat ng aking guro at ikinagulat din Lilibeth Hillari.
Nagtungo si Sima malapit sa aking kinatatayuan.
"Bai, siya'y isang Dayang kaya igalang niyo pa rin siya," saad ng aking guro.
"Paano ko igagalang ang tulad niyang wala rin galang sa aking sagigilid? Ang paggalang ay hindi basta basta nakukuha ito'y inaani," aking wika.
"Wala ba akong galang Sima? Hindi ba nagsabi naman ako sa iyo na papasok ako dahil ibig kong makita ang Bai mo?" Saad ni Lilibeth.
Binalingan niya ito ng tingin atsaka baling sa akin. Hindi naman nagsalita ang aking sagigilid.
"Sa iyong palagay may paggalang bang maituturing ang itulak mo ang aking sagigilid? Hindi ka niya kaanu-ano ni amo, kaya ano ang iyong karapatan upang siya'y itulak?" Aking tanong.
"Bai Hera, huwag ka naman ganyan sa iyong magiging ina," sambit ng aking guro.
"Matalim ka magsalita Hera," wika ni Lilibeth na may diin.
"Guro, iginagalang kita ngunit mawalang galang na-- ang babae ito ay hindi kailanman magiging aking ina, ni ituturing sapagkat siya'y palalo!"
Siya aking magiging ina? Kailanman ay hindi ko siya nakita na imahe ng isang ina na mabuti at iginagalang.
"Anong sinabi mo?" Bakas sa mukha nito ang pagkagalit dahil sa aking sinambit.
"Hindi ko na uulitin ang aking sinambit, maaari ka ng lumabas ng aking silid," aking wika.
Tatangkain sana nitong lumapit sa akin nang may dumating.
"Tila may nagaganap dito," kanyang wika.
"Ginoong Isagani," bulalas ng aking guro at agad ay yumukod ito.
"Ano ang iyong ginagawa rito Dayang? Sa oras ng pag-aaral ng aking kapatid ng kandu?" Tanong niya kay Lilibeth.
"Pinapanood ko lamang siya Ginoong Isagani, ngunit lalabas na rin ako ng silid, hindi ba Hera?" Nakangiti niyang tugon at tanong sa akin.
"Oo, tama siya-- ubo Isagani," aking tugon.
Nakita kong lumalakad ito patungo sa akin.
"Hali ka nga Hera, at hahalikan muna kita bago ako tuluyang lumabas ng iyong silid," wika nito at lumapit sa akin.
"Alam kong narito kagabi ang kapatid mong si Huadelein," bulong nito sa akin na siyang aking ikinagulat. At hinalikan ako nito sa pisngi.
"Lalabas na 'ko mamaya na lang muli Hera," paalam nitong nakangiti, at pumustura nang lumabas ng pinto.
"Mauuna na muna ako sayo, aking munting Bai," paalam ni ubo Isagani.
"Oo, ubo"
"Sa susunod Bai ay huwag mo na muli gagawin iyon," nag-aalalang wika ng aking Guro.
Mauulit ito muli hanggat naririto sa balay si Lilibeth Hillari.
Azerine's PoV
Nagsusulat ako nang tumabi sa'kin si King 4 eyes! Walang mapag tripan ang isang 'to kaya sa'kin tumabi, hindi sakin 'to tumatabi pag gantong oras ni Sir Quinis eh, mga kaklase kong babae ang laging trip nito eh.
"Kailan mo ba ko seseryosohin, Azerine?" Wika nitong nakatitig sa'kin.
Oh di ba baliw?
"Alam mo King 4 eyes wala ka lang mapag tripan kaya ka sa'kin tumabi, kung maaari lang sa iba mo ibugaw 'yang sarili mo," sabi ko.
"Ikaw naman Azerine, ang tagal na kitang kinukulit pero hindi mo pa rin siniseryoso ang sinasabi ko," saad pa niya.
Bakit ko naman seseryosohin ang sinasabi mo 4eyes, eh! Isa ka pang babaero eh! Tsaka di tayo talo, di hamak nga na mas gwapo 'ko sayo.
"4 eyes kung 'yong ibang tomboy nauuto mo iba ko sa kanila, parehas tayong gwapo kaya lumayas ka sa harapan ko," ani ko.
"Hindi pa nga ko nakakatikim ng tomboy kaya nga sana kung pahihintulutan mo ko--" Hindi ko na pinatapos ang kahibangan ni King dahil nagsalita na ako agad.
"Anak ka ng kuneho! Tangna! Hindi tayo talo ugok ka! Lumayas ka na King nagdidilim paningin ko sayo!" Bulyaw ko sa kanya.
"Hahahaha! Sige Azerine, basta para sayo." Sabay kindat niya, at umalis na sa katabi kong upuan.
Napansin kong tahimik lang si boss na nagsusulat na naka pwesto sa may bandang gitna at pfft! Katabi si Dos Auto guard talaga, pwede na siyang pumalit kina Jace at Tres.
Habang nagsusulat ako ay may tumabi muli sa tabi ko kung saan nakaupo kanina lang si King, na kilalang-kilala ko ang amoy ng pabango.
"Pwapwa Emo," tawag nito sa'kin.
Isa pa 'tong walang mapag tripan.
"Oh problema mo na naman Argo'ng bakla?" Tanong ko.
Abala ko pagsusulat nang sumagot siya.
"Azerine..." tawag niya ulit sa pangalan ko, himala! Tinawag niya 'kong Azerine.
"Ano 'yon?" Tanong ko nang hindi nililingon ang ugok.
"May sasabihin ako sayo--" nakangiti nitong saad.
Ano na naman kaya ang sasabihin ng isang 'to?
"Ano sasabihin mo? Tang-- kanina pa eh!" Sabi kong medyo naiirita na.
Humarap ito sa'kin atsaka nagsalitang nakangiti.
"Azerine, kami na ni Ireah..."
A-ano raw? Sila na ni Ireah? Teka! Totoo ba? Teka! Ba't ako nagtatanong? Eh wala naman ako pakialam kay Argo, pero ba't ganto pakiramdam ko na parang hindi ako natutuwa.
"Ano Argo?" Tanong ko ulit.
Tang*na! Di ko alam pero gusto kong linawin.
"Ang bingi mo naman Emo, ang sabi ko kami na ni Ireah," tugon nito.
Sa sinabi niya parang biglang may maraming kutsilyong tumusok sa dibdib ko harap! Likod! Walang patawad! Sagad sa kadulu-duluhan ang sakit sa dibdib ko!
Pero tang*na! Ang lupet! Ba't ko nararamdaman 'to?
Hindi ako agad naka imik, pero agad din akong ngumiti at nagsalita.
"Wow! Lupet mo Argo! Di ba 'yon 'yong maganda?" Tanong ko na nakangiti.
Sige! Kunware masaya! Sa loob loob ko gusto ko na humawak ng baril!
"Oo, 'Yon nga 'yong maganda-- ayon siya oh! Nagsusulat," sagot pa nitong nakangiti, at turo kay Ireah na may kausap na lalaki na classmate namin habang nagsusulat.
"Buti napasagot mo, eh di ba mahilig sa gwapo 'yan?" Kunwaring tanong ko, anak ng putcha!
Ano bang nangyayari sayo Azerine Emozencio? Tomboy ka di ba?
"Anong ibig mong sabihin ha Emo? Na hindi ako gwapo?" Tanong niya.
Gwapo ka Argo at magkasing gwapo tayo! Ano bang klaseng tanong 'yan Argo'ng bakla!
"Hahahahaha! Hindi naman sa ganoon Argo, pero pfft! Parang ganoon na nga!" Sagot ko, habang kunwaring tumatawa.
Ngingiti ako kahit napipilitan, tatawa ko kahit peke! Huwag lang lumabas ang hindi ko maintindihan na pakiramdam na 'to!
"Akala ko pa naman Emo, susuportahan mo 'ko pero ayos lang basta kami na ni Ireah! Hahahaha," aniyang tumatawa pa.
Nakakatawa 'yon ha? Sa'kin hindi nakakatawa! Gusto kong manakit ng tao ngayon!
Tangna! Ano ba!? Ano ba nangyayari sayo Azerine?
"Sus! Argo kahit babakla-bakla ka suportado kita!" Sabi ko ng buong puso, kahit ang totoo nadudurog 'to ngayon, tangna!
"Salamat! Salamat Emo," sabi nito sabay tapik sa balikat ko.
"Woi kupal! Hinahanap ka na yata ng jowa mo," wika ko. Dahil nakita kong palinga-linga si Ireah sa paligid, baka nga hinahanap na niya si Argo.
"Sige, Emo! Lapitan ko muna," paalam niya, sabay kuha ng notebook niya at ballpen atsaka umalis sa katabing upuan ko.
"Sige lapitan mo na, tangna," bulong ko sa huling salita.
Lumakad na siya patungo sa girlfriend niyang maganda.
Bakit ako nakakaramdam ng ganto? Tomboy ka Azerine! Tomboy! Hindi ka babae para maramdaman mo 'yan sa taong palagi lang na trip ka!
Pero tangna! Gusto ko manakit ngayon!
Huadelein's PoV
Kalalabas pa lang namin ng pinto ng silid-aralan nang may humila sa kaliwang kamay ko.
"Sabay na tayo umuwi," kanyang wika.
Binitiwan niya ang aking kamay, atsaka humarap sa akin.
"Huwag kang sumabay sa akin," tugon kong hindi ito nililingon.
"Bakit?" Tanong niya.
"Anong bakit iyang sinasabi mo?"
Tanong ko.
Sa puntong ito ay ibinaling ko ang aking paningin sa kanya ngunit di sinasadyang magtama ang aming mga paningin, kaya agad kong iniwas aking mga mata sa kanya.
"Hindi ba ko pwede sumabay sayo? Tutal magkalapit lang naman tayo ng uuwian," wika niya.
Hindi siya maaaring sumabay sa akin, dahil kapag nagkataon na nakita ako ng mga sandig ng aking ama na kasama ko ito, ay tiyak may gagawin silang hindi ko maiibigan.
"Paumanhin, gunggong ngunit huwag ngayon," aking tugon, at patuloy na iniiwas ang aking paningin sa kanya.
"Delzado naman,"
"Kung maaari lamang Dos paraanin mo na ko, hinihintay na 'ko nila Georgia," aking tugon.
"Akala mo ba na hindi ko alam na siya ang iniyakan mo dati, pero wala akong pakialam! Kung gusto mo siya, eh di gusto mo siya! Basta sa huli akin ka!" Wika niyang medyo lumakas ang boses, at lumakad palayo sa akin.
At ano ang sinasabi niya na sa huli sa kanya ako? Kalokohan!
Bumaba na ako ng gusali at nakita kong hinihintay na ako nila Georgia kasama si Azerine.
"Sige tara na andiyan na si Ganda umuwi na tayo," wika ni Georgia.
"Inom tayo bago umuwi," pag-aaya ni Azerine.
Hindi naman ugali nito mag-aya ng inom kina Georgia, ano kaya ang nakain nitong tomboy at nag-aya ng inom?
"Okay lang sana Pogi, kaso naka uniform tayo eh," tugon ni Whisky.
Hindi kami maaari magtungo ng bar kung naka uniporme kami.
"Ay alam ko na may alam ako malapit do'n sa may papuntang village, pwede tayo do'n," mungkahi ni Rica.
"Sige okay din do'n, may mga pogi rin doon eh," wika pa ni Whisky, na tila kinikilig?
"Kayong bahala gora lang ako." Sabay hawak ni Georgia sa aking kamay.
--
Nasa isang malaking tindahan kami ngayon kung saan may mga kapwa namin mag-aaral na nag-iinom rin, ang hitsura ng tindahan na ito ay ang kalahati tindahan at ang kalahati naman ay may mga mesa at mga upuan, kaya maaari talaga rito mag-inom.
"Inom pa tayo," wika ni Azerine na halata sa tono nito na naka-inom na.
"Oo nga! Inom pa tayo," wika ni Rica.
Sabay lagok sa baso nitong may laman na alak.
"Hindi na ako magdaragdag," aking wika.
Mukhang naparami na ang inom ng tomboy.
"Ay! Bakit naman Ganda? Malapit lang bahay mo rito di ba? Kaya inom pa tayo hindi tayo uuwi nang hindi tayo gumagapang," Wika ni Georgia.
Gustuhin ko man uminom pa ay hindi maaari sapagkat lasing na si tomboy, walang aalalay sa kanya kung parehas kaming gagapang pauwi.
"Hindi ako pwede magpakalasing Georgia, tingnan mo naman 'yong tomboy mukhang lango na sa alak," saad ko kay Georgia.
Sabay lingon nito kay Azerine na parang matutulog na sa kinauupuan nito.
"Oo nga Ganda, mukha nga'ng lasing na at mukhang ikaw ang taya ngayon sa pag-alalay sa kanya Ganda," tugon ni Georgia.
"Ano pa nga ba,"
"Hahahaha okay lang 'yan Ganda, minsan lang naman malasing 'yang si pogi eh," saad ni Georgia, sabay sandal ng ulo niya sa aking balikat.
Napansin ko lang, hindi na ako ganoon ka apektado sa paglapit ni Georgia sa akin, hindi gaya noon na halos abot-abot ang kabog at bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ay tila normal na lamang, siguro ay nasanay na lang din ako.
Bai Helena's PoV
Naglalakad ako sa pasilyo nang makita ko si Zero na kausap ang aking ama, mukhang pinatawag na naman siya ni ama, lumakad na ako patungong hardin nais kong magpahangin doon ngunit bago pa 'ko tuluyang magtungo roon ay may nagsalita sa aking likuran.
"Magandang gabi, Bai Helena," bati nito
Pagharap ko sa kanya siya'y nakangiti.
"Ginoong Zero, tila nakita pa lamang kita na kausap ng aking ama, kay bilis mo naman lumakad," aking wika.
"Mabilis talaga kong lumakad upang mahabol ka Bai, may ibibigay ako sa iyo," wika niya.
Mula sa kanyang likuran ay may inilabas ito na isang bugkos ng rosas, may pula at may kulay puti napakagandang pagmasdan, at may tsokolate pa.
Tinanggap ko ito, wari ba akong natutuwa sa kanyang ipinapakita ngayon.
"Para sa akin ba talaga ang mga ito?" Aking tanong.
Oo, maluho akong babae ngunit pagdating sa simpleng pagpapakita lamang ng simpleng bagay, ay napakababaw ng aking kaligayahan.
"Oo, Bai. Noong huli ko kasi sayong bigay na rosas ay iisa lamang iyon, at pumuslit lamang ako--" hindi ko na hinayaan pang ituloy ni Zero ang kanyang sinasabi.
"Tumigil ka nga riyan may makarinig sa iyo--" aking pananaway sa kanya.
"P-paumanhin na Bai," tugon nito.
"Naibigan ko ito, ngayon lamang ako nakatanggap ng rosas," aking pagpapasalamat sa kanya, at aking inamoy ang mga rosas ngunit agad ko itong itinago sa aking likuran nang makita kong may paparating.
"Tila napapadalas ang iyong pagdalaw Zero," wika niya pagkalapit sa amin.
Binalingan niya ng tingin si Zero, at maging ako man tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
"Hindi naman Dayang, ngayon lamang ako muli nakapunta rito sapagkat pinatawag ako ng Rajah," tugon ni Zero.
"Ganoon ba? Gabi na Zero hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya kay Zero.
Bakit ba napaka pakilamera ng bruhang 'to!?
"Hindi pa siya uuwi Dayang, sapagkat may ipag-uutos pa ako sa kanya," aking agad na tugon.
Napansin kong napalingon si Lilibeth sa akin.
"At ano naman ang iyong ipag-uutos?" Tanong ni Lilibeth.
"Kung iyong mamarapatin Dayang, ay nais kong maging pribado ito sa pagitan namin ng Ginoo," aking tugon.
Bakas sa kanya ang pagsama ng loob, nang hindi ko sabihin kung ano ang aking ipag-uutos sa Ginoo na nasa aking kaharap ngayon.
"Ikaw ang masusunod," tugon nito.
Tumalikod na ito sa amin at lumakad na ito palayo, inilabas ko naman sa aking likuran ang rosas at tsokolate.
"Halika na Ginoo, tayo'y tumuloy na sa hardin," aking paanyaya.
Ngumiti ito at agad na inilahad nito ang kanyang kamay sa akin, na agad kong inilagay ang aking kamay sa palad nito at iginiya niya na ako patungong hardin, pagkarating namin doon ay agad kaming naupo sa upuang mahaba.
"Anong ipag-uutos mo sa akin Bai?" Tanong niya sa akin.
Wala naman talaga akong ipag-uutos sa kanya, dinahilan ko lamang iyon upang lubayan siya ni Lilibeth Hillari.
"Wala talaga akong ipag-uutos sa iyo Zero, dinahilan ko lamang iyon upang ikaw ay kanyang lubayan," aking tugon.
"Ah... Hindi ba tiya iyon ni Nemesis at Prince?" Tanong nito.
"Oo, binanggit mo pa talaga ang Prince na iyon! Kung maari lang umiwas ka sa babaeng iyon ah," aking paalala.
"Oo ba, sabi mo eh," tugon nitong nakangiti.
"Ginoong Zero, sino ang nagpahintulot sa iyo upang ako ay kausapin sa ganyang paraan ha?" Tanong ko.
"Tayong dalawa lang naman dito eh," wika nito.
"Kahit pa ano! Isa akong Bai pakatatandaan mo iyan," aking paalala.
"Paumanhin Bai," tugon nitong nakangiti.
"Ganyan nga Ginoo, maraming salamat sa mga rosas na ito at sa mga tsokolate,"
"Huwag ka magpasalamat Bai, marapat lamang na alayan ka-- kung tutuusin nga ay kulang pa ang mga iyan," tugon nito.
"Masaya na 'ko sa simpleng bagay Ginoo, daghang salamat."
Ngunit nabigla ako ng kanyang kunin ang aking kamay, at ginawaran niya ito ng maliit na halik.
Huadelein's PoV
"Napakabigat mo Azerine!" Aking reklamo habang inaalalayan ito.
Papasok na kami ng pultahan ng balay ko, binubuksan ko ang ito habang inaalalayan ito.
"Ang bigat mo talaga Azerine," reklamo ko muli.
Binubuksan ko ang pinto at anak ng pusang naka inom! Nahihirapan akong ipasok ang susi sa busol ng pinto, hindi ko naman maaring bitiwan si Azerine.
Dalawang beses kong sinubukan ngunit hindi ko pa rin talaga mabuksan, inayos ko ang pag-alalay kay Azerine atsaka ko muli ipinasok ang susi sa busol ng pinto, at pinihit ito at sa wakas! Bumukas na.
Nang makapasok na kami ng pinto ay tsaka ko pinaupo muna si Azerine sa sopa. Nagtungo ako ng pultahan upang tuluyan itong isara at ikandado ganoon rin ang aking ginawa sa pinto, pinuntahan ko si Azerine at inalalayan muli sa pag-akyat sa hagdan, lalo akong hirap pumanhik dahil sa pag-alalay ko kay Azerine.
Nagtungo kami sa aking silid at agad siyang binitiwan sa aking higaan, kaya ang kinalabasan ay pabagsak itong nahiga.
"Paka bigat mo tomboy! Sa susunod huwag ka ng iinom kung hindi mo naman kaya!" Wika ko, habang tinatanggalan ito ng sapatos at medyas.
"Ang sakit-- ang sakit!" Mahina nitong wika.
Naupo ako sa kanyang tabi, wala ito sa tamang pwesto na pagkakahiga.
"Anong masakit pinagsasabi mo Azerine? Tinanggal ko lang ang medyas mo at sapatos! Kaya anong masakit doon?" Aking tanong.
"Bakit ko nararamdaman 'to..."
mahinang wika nito muli.
Ano bang sinasabi ng isang 'to?
"Ang alin ba Azerine? Ituro mo kung saan masakit," aking wika.
Ngunit hindi na ito tumugon pa at mukhang tulog na ang tomboy, hindi ko lubos maunawaan na masakit na pala ngayon ang pagtanggal ng sapatos! Iniisip ko kung paano iyon naging masakit, pinagmasdan ko si Azerine na mahimbing nang natutulog.
Inayos ko ang pagkakahiga nito, at kinumutan pagkatapos ay humiga na rin ako sa tabi niya.
--
Papasok pa lang kami ng tomboy ng pultahan ng paaralan nang harangin ako ng mga sandig ng aking ama, hindi ko sila tinapunan ng tingin ni pansinin ngunit may isang boses na nakapukaw ng aking pansin.
"Huwag niyong harangan ang Bai, hayaan niyo siya," wika nitong nakangiti.
Naka pustura ito na animo'y may pupuntahang mahalagang okasyon na tila siya ang panauhing pandangal, nakangiti ito sa akin. Nanatili akong tahimik at kunwari ay hindi ko sila pinapansin.
"Maaari ba na mahiram ko ang kaunting oras mo Bai?" Tanong niya sa akin na nakangiti.
Nais kong hindi paunlakan sana ang paanyaya niya, ngunit sa kabila nito ay nais kong malaman ang sasabihin nito sa akin.
"Oo, Dayang."
Nauna na itong sumakay ng sasakyan, susunod na sana ako nang magsalita si Azerine.
"Ano Boss? Hintayin na lang ba kita rito?" Bulong nito sa akin.
"Oo, dito ka na lamang, ako lang ang papasok sa loob ng sasakyan," aking tugon.
At tumuloy na sa sasakyan, isinara ko ang pinto nito at nakita kong nakaupo itong naka pustura.
"Bai Huadelein... Nais kong kumustahin ka--" Hindi ko na pinahintulutan pang ituloy nito ang kanyang sasabihin.
"Ano at naparito ka? At tila himala na natunton mo ako."
"Magkapatid nga talaga kayo ni Hera, hindi ba't nakapunta na ako rito kasama ang iyong ama?" Kanyang wika.
Oo nga pala, kaya pala narito siya ngayon.
"At ano ang iyong sadya sa akin?" Aking tanong.
Umayos ito ng upo at pinagpatong ang kanyang kamay, mistulang animo'y kagalang-galang na Dayang.
"Alam kong pinagtataguan mo ang pamangkin kong si Nemesis, kaya may sasabihin ako sayo, ititikom ko ang aking bibig at hindi ko sasabihin sa pamangkin ko na may alam ako kung nasaan ka, at kapalit nito ay susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko," saad nito sa akin.
Sa akala yata ng babaeng ito ay madali niya ako malalansi? Ngumiti ako sa kanya, na ikinadilim ng kanyang mukha.
"Sa palagay mo ba ay mapapa-ikot mo ako? Pakilamerang Dayang! Wala akong pakialam kung matunton ako ng pamangkin mo, kung ang aking ama ay napa-iikot mo sa iyong palad ngunit hindi ako! Nagkamali ka ng taong iyong lalansihin!" Mariin kong wika sa kanya.
Hindi naka-imik ang Dayang, bakas sa mukha nito ang pagka gulat.
"Mauuna na ko Dayang, sabihin mo sa pamangkin mo na naghihintay lamang ako sa araw ng kanyang pagdating!" Aking wika, at umanyo nang lumabas ng sasakyan.
At sumunod agad sa akin si Azerine, hindi ko pinansin ang mga sandig ng aking ama.
Hindi ikaw ang magiging siyang dahilan ng aking pagbagsak Lilibeth Hillari, ni pamangkin mong ubod ng kasamaan sa katawan.
-------
Itutuloy...
Karagdagang kaalaman:
Palalo- mapagmataas, mayabang.
Lansihin- linlangin, lokohin o maaring utuin.
-Papelet 📝🙄🥱
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top