Kabanata XXIV: Ginoong Isagani







Kabanata XXIV: Ginoong Isagani




--




Huadelein's PoV


Nagsusukatan ng tingin sina Gunggong at si King, muli ay napagigitnaan nila ako sa mesa sa labas ng silid-aralan, kung saan nakalagay ang gamit ni Ginoong Quinis sapagkat pinalabas din ako nito. Bakit ba ako nadamay rito?


"Ano? Binibining Delzado? Hindi mo pa rin ba sila napag-aayos?" Tanong ni Ginoong Quinis sa akin.


Paano naman sila magkaka-ayos sa kanilang lagay ngayon na kapwa masama ang tingin nila sa isa't-isa? At hindi ko batid kung magkakaayos nga sila.


"Sa aking sapantaha Ginoo ay mukhang hindi pa rin sila nagkaka-ayos, bigyan niyo pa po kami ng ilang minuto pa," aking tugon kay Ginoong Quinis.


"Sige Binibining Delzado, dalawampung minuto pa bago pa ang oras ng uwian, pero bago dapat mag-uwian ay magkaayos na ang dalawang iyan." Atsaka ito umanyong tumalikod sa amin at pumasok sa silid-aralan.


Nagsusukatan pa rin ng tingin ang dalawa, tila sasakit ang aking ulo sa kanila.


"Hindi pa rin ba kayo magkaka-ayos?" Tanong ko sa dalawa.


"Maayos naman akong kausap, Binibini-- ngunit si Zeryozo ay masyadong matigas at ayaw makipag-ayos," wika ni King.


"Bakit ako magkikipag-ayos sa tulad mong gag*! Na tumitingin sa babaeng may nag mamay-ari na!" Tugon naman ni Dos, na tila sasabog sa galit.


Dumikwatro ng pagkakaupo si King atsaka humarap sa aking dako atsaka ito muling nagsalita.


"Sa pagkakaalam ko single si Huadelein... Ibigsabihin wala pang nagmamay-ari sa kanya," Wika nitong nakangiti, nakapalumbaba ito at pinagmamasdan ako.


"Kasasabi ko lang na huwag kang tumingin sa kanya!" Mariing bulong ni Gunggong na bahagya pang inilapit ang mukha niya kay King.


"Oh! Napipikon ka na naman Zeryozo alam mo kung gusto mong--" Hindi ko na pinahintulutan pa si King na magsalita.


"Tumigil na kayong dalawa!" Saway ko sa kanila, ngunit napansin kong kapwa sila tumayo sa kanilang inuupuan.


Mukhang magbubuno silang dalawa, waring may kidlat sa pagitan ng kanilang pagsusukatan ng tingin.


"Hindi pa ba sapat na narito tayo sa labas? At nais niyo pang ipagpatuloy iyan?" Aking tanong, habang ako ay nanatiling nakaupo.


Naupo naman sila nang sabihin ko iyon, ngunit nanatiling nakatuon ang paningin ni King sa akin. Ano bang suliranin ng isang ito?


"Maaari ba na huwag mo sa akin ituon ang iyong paningin Ginoo," aking pananaway sa kanya.


"Pasensya na Binibini, kung iyan ang iyong nais ay siyang masusunod," aniya.


"Mag-ayos na kayong dalawa kung maaari lang, sapagkat nais ko ng magsulat at makauwi," aking wika.


Napansin kong inilahad ni King ang kanang kamay nito kay Dos, noong una tiningnan lamang niya ang kamay ni King at hindi rin naman nagtagal ay nakipagkamay na siya rito.


Tumayo na ako at pumasok ng silid-aralan.


"Oh! Ayos na ba?" Tanong ni Ginoong Quinis.


Hindi ako nagsalita at hinintay ko silang tumugon.


"Opo, Ginoong Quinis," sabay nilang tugon at balik namin sa kanya-kanya naming upuan.


Na kung saan ay muli nila akong napagitnaan.








Sagigilid Milan's PoV


Patungo ako ngayon kay Ginoong Isagani sapagkat pinatatawag ako nito, pinagbuksan ako ng pinto ng isang bantay at agad akong pumasok sa loob ng silid, nakita ko ang kanyang mga sandig.


"Magandang gabi Ginoo, pinatawag niyo raw ako," aking panimula.


Tumayo ito mula sa kanyang kina-uupuan at lumapit sa akin.


"Oo. Milan, nais ko bukas ng gabi ay maghanda kayo ng masasarap na pagkain sapagkat ay may mga panauhin akong darating," wika niya.


Sino kaya ang mga panauhin na tinutukoy ng Ginoo?


"Ginoo, mawalang galang na ngunit sino ang mga panauhin niyo bukas?" Aking usisang tanong.


"Sila ay mga sandig ng iyong Bai," tugon ng Ginoo na nakangiti.


Kung gayon ay mga sandig ng aking Bai Huada ang panauhin bukas ni Ginoong Isagani.


"Kung gayon Ginoo, ay makikita ko rin ba ang aking Bai bukas?" Aking tanong.


"Hindi ako tiyak Milan, kung sasama ang aking kapatid sa kanyang mga sandig bukas, ngunit magkagayon ay huwag ka sanang maging malungkot," wika ng Ginoo.


Batid ko ito sapagkat nagpadala muli ng mga sandig at mandirigma ang Rajah upang bantayan ang aking Bai, na siyang kinaaayawan nito.


"Nauunawaan ko Ginoo, makakaasa ka bukas na kami ay maghahanda ng masasarap na pagkain," aking tugon.


"Maraming salamat Milan."


"Mauuna na ako sa inyo Ginoo," aking paalam, ako ay yumukod at umanyo ng lumabas ng silid.







Tres's PoV


Ang gwapo ko sa suot namin ngayon para kong anak ng Rajah o Datu noong panahon ng mga ninuno ko, parang ang matcho ko rito. 'Yong damit na suot ko kasi parang blazer na parang crop top, maiksi kasi tapos syempre naka expose ang dibdib at abs ko, tapos parang may tela pang naka lagay sa ulo namin.


Napansin ko na parang siraulo si Jace na nakaharap sa malaking salamin na pomosing pa na parang isang Datu.


"Pinatawag ko kayo dahil may mahalaga akong bagay na sasabihin--" sabi pa nitong akala mo seryosong-seryoso, may pa-hand gestures pa ang siraulo.


Pinagpatuloy niya ang sinasabi niya.


"--Ako ay makikipag isang dibdib na sa isang Binukot na nag ngangalang-- a-aray!" Daing nito dahil pinukpok siya ni Azerine ng isang yantok.


"Sige ituloy mo 'yang sinasabi mo nanggigigil ako sayo Jace ah!" Saad ni Azerine, habang hawak ang yantok na pinangpukpok niya sa ulo ni Jace, pfft!


Nakabihis sila ng katulad sa amin, iba nga lang ang pang itaas nila para kasi silang mandirigma kung tingnan, dahil kulay brown 'yon at parang medyo matigas na tela at style sando na pinagdugtong-dugtong na bilog. At may damit pang ilalim na manipis silang suot, syempre common sense may dibdib pa rin sila kaya may pang ilalim na manipis na damit.


Tulad din namin sila na ang pang ibaba ay parang bahag, hindi talaga bahag ah natatakpan kasi ang mga hita namin at ang gitna ay parang style bahag.


"Huwag kang magulo Hope, ang likot mo! Paano ko maaayos ang paglalagay sayo ng putong kung galaw ka nang galaw," bulyaw ni Winston kay Hope, habang inaayos ang tela sa ulo nito.


Nakaupo sa sofa si Hope at si Winston naman ay nakatayo.


"Ito na nga! Putya mamaya ko na nga icha-chat chiks ko," sagot ni Hope. Sabay lapag ng cellphone nito sa mesang salamin.


"Chiks! Chiks! Ka pa! Di ka naman sinasagot!" Dagdag pa ni Winston.


"Inggit ka lang wala ka kasing chiks," ani pa ni Hope.


Tapos ng ayusin ni Winston ang putong ni Hope.


"Ingatan niyo Jace, Tres 'yang mga suot niyo ngayon mahal 'yan! Pati na 'yang suot niyong kwintas na ginto at pulseras niyo," paalala ni Winston.


Totoong ginto pala ang mga 'to? Akala ko props lang.


"Tang*na! Totoong ginto 'to? Pati 'tong nakakabit sa tela sa ulo ko?" Tanong ni Jace. Na ang tinutukoy ay ang nasa bandang dulo ng mga telang nakalaylay sa ulo namin, na dalawang gintong gumigewang-gewang.


"Oo nga! Kaya itabi niyo 'yan pagkatapos niyong gamitin, dahil magagamit niyo pa 'yan," paalala pa ni Winston.


"Teka saan nga pala galing 'tong mga 'to?" Tanong ko, at tukoy ko sa suot namin.


"Pinadala 'yan ni Ginoong Isagani, kaya umayos kayo pag nandoon na tayo atsaka anong ginagawa mo Jace?" Sagot ni Winston, at tanong nito kay Jace na ngayon ay nagsusuot ng rubber shoes.


Anong pumasok sa kokote nito at magsusuot ng rubber shoes?


"Ah! Nagsusuot ng rubber shoes..." Sagot ni Jace.


"Kupal! Magyayapak lang tayo pagpunta do'n!" Sabat ni Hope.


"Mag tsinelas na lang muna kayo pag sakay ng kotse, tapos pag ando'n na tayo bago bumaba ng kotse tanggalin niyo na tsinelas niyo," saad ni Azerine


"Sige! Sige!" Sagot ko, pero napansin kong may hawak na mga espada si Azerine.


Nakita kong itinali niya sa bewang niya ang isang espada.


"Para saan 'yang mga espada?" Tanong ko.


"Sa inyo 'yan ni Jace, tsaka kampilan tawag diyan hindi espada," sagot ni Azerine.


Kinuha ko ang isang kampilan na nakalapag sa salaming mesa at hinila ito sa lalagyan nito at tiningnan ito.


"Ingat! Matalas 'yan!" Hiyaw sa akin ni Winston.


At ibinalik ko ito agad sa lalagyan nito. Parang nakakatakot naman gamitin ang kampilang 'to.


"Hahahaha huwag kang mag-alala Tres, ganyan na ganyan din hitsura namin no'ng unang beses namin makakita ng kampilan, masasanay ka rin," wika ni Hope.


"Masasanay? Ibigsabihin gagamitin ko 'to?" Tanong ko.


"Oo, sayo 'yan eh!" Ani ni Hope.


"Lahat ng suot mo ngayon at hawak mo ay sayo, pati 'tong hikaw kung may butas ang tainga mo," saad ni Winston.


"Merong butas kaliwang tainga ko," sagot ko.


At lumapit ito para ikabit ang bilog na gintong hikaw, ang laking hikaw nito.


"Baka gusto mong medyo yumuko," ani nito hindi niya ako maabot haha.


Pag tapos niyang maikabit ang hikaw ay kinuha niya ang kampilan, at isang tela at inilagay ito sa bewang ko.


"Pfft! Nakikiliti ako Winston," sabi ko.


"Huwag kang malikot!" Pananaway nito.


Nakita kong nilalagay na rin ni Azerine ang kampilan sa bewang ni Jace.


At napalingon kami lahat sa pintong kabubukas lang, at lumabas dito ang isang babaeng mandirigma na ikina-awang ng bibig ko.


Kahit ano talagang ibihis sa kanya ay bumabagay sa kanya.


"Huadeleeeeeein!!! Ang ganda ganda mo!" Rinig kong hiyaw ni Jace.


Tag*na naunahan pa ko!









Jace's PoV


Na adik na naman ako kay boss, mukha kasi siyang sasabak sa digmaan eh. Nakalugay ang buhok nito at may putong na kulay pula, may suot rin itong katulad ng kina Azerine at ang suot nitong pang ibaba ay kulay pula na parang shorts, hanggang tuhod at ang mga dulo nito ay kulay ginto at may bahag itong kulay pula, at ginto rin. Meron itong suot na malalaking hikaw at pulseras na ginto, at nakatali sa magkabilang bewang nito ang dalawang kampilan, ang cool niyang tingnan.


"Tayo na! Tumuloy na tayo," wika ni boss.


At lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse, tamang tsinelas muna kami mamaya nakapaa na lang.


--


Matapos ang isang oras napansin kong parang ito na siguro ang sinasabi nila Azerine na puod nila Huadelein, dahil may mga lalaki na nakabantay. May mga kampilan sila at mga naka bahag at may tattoo na hindi pangkaraniwan.


Hindi ko alam pero parang nakakatakot pasukin 'tong puod nila boss parang ang dami kasing nagbabantay, naramdaman kong huminto ang sasakyan.


"Kami ang mga sandig ni Bai Huada," sabi ni Azerine sa lalaking naka tuxedo.


"At ang mga kasama mo ang tinutukoy na panauhin?" Tanong ng lalaki.


"Oo, mandirigma," sagot ni Azerine.


"At ang Bai?" Tanong muli ng mandirigma.


"Ano iyon mandirigma ng aking Baba?" Tanong ni boss sa mandirigma.


"W-wala Bai, maaari na kayong tumuloy... Paumanhin muli Bai," tugon ng mandirigma na parang kinapitan ng takot.


At pinaandar na ni Azerine ang sasakyan, mayamaya pa ay huminto kami sa malaking parking lot na hindi obvious na parkingan ng mga sasakyan, naunang bumaba si Azerine at sumunod kami ni Jace at ganoon rin ang dalawang sumunod pa na kotse.


Pero napaka bilis naman ni Tres, ando'n na siya sa passenger seat at inaalalayan nang bumaba si Huadelein.


Naglakad kaming nakayapak at tumuloy sa napakalaking Bulwagan, napakaganda rito para bang nasa lumang panahon ako, pero ang pinagkaiba lang ay may maliliwanag na ilaw at may chandelier na akmang akma sa konsepto ng lugar, puro gawa sa punong kahoy maging ang pader at sahig, may malalaking banga at may magagandang palamuti na hindi karaniwang nakikita.


Bumungad sa amin ang maraming tauhang nakatindig, may tattoo ang mga ito at parang kami ang hinihintay.


Pupugutan na ba ko ng ulo ng kapatid ni Huadelein? Kasi kung Oo! Hindi pa ko ready mawala sa mundo.


Napansin ko ang isang lalaking matangkad at moreno, may mahahaba itong buhok na lampas balikat, nakapostura ito na ani'moy anak ng Rajah na nag-aabang sa aming pagdating. At kapansin-pansin ang mga tattoo nito mula leeg, braso hanggang binti, may maganda itong pangangatawan. Halos katulad ng suot namin ngayon ang kanyang kasuotan, may kulay pula na putong at may malalaking gintong kwintas sa leeg nito. May hikaw rin na malalaki, may pulseras rin itong halos katulad ng sa aming Bai. At may kampilan rin ito sa bewang nito, bagay na nagbigay pa lalo ng tayog sa kanyang tindig.


Pagkalapit namin ay agad na yumukod sina Azerine, Hope at Winston.


"Yukod!" Bulong ni Hope sa amin.


Noong una di ko alam kung yuyukod ba ako, kaso masama na ang tingin sa'kin ni Hope kaya yumukod na ako pati si Tres nakita kong yumukod. Napansin kong nag angat ng kamay ang lalaking nasa harap namin ngayon, atsaka kami tumayo.


"Magandang gabi Ginoong Isagani, sila nga pala ang mga bagong sandig ng Bai," wika ni Winston.


"Kung gayon ay ikinagagalak ko kayong makilala mga Ginoo," panimulang bati nito sa amin ng nakangiti.


Kung babae lang ako baka na love at first sight na ko rito sa kuya ni Huadelein, lalaki ako pero, taena! Ang lakas ng dating! Mukhang required sa pamilya nila ang pagiging magandang nilalang.


"Ikinararangal kong makilala kayo Ginoong Isagani, nakatatandang kapatid ng aming Bai," bati ko.


"Sa akin ang karangalan Ginoong?" tukoy nito sa pangalan ko.


"Jace, Ginoo," tugon ko.


"Ginoong Jace," patuloy niyang tugon.


At nagkamay kami inilagay nito ang kanyang kamay sa aking bisig at ganoon rin ang ginawa ko. Pagkatapos naming magkamay ay bumaling naman ito kay Tres.


"Ikinararangal kong makilala ka Ginoong Isagani," bati ni Tres.


"Sa akin ang karangalan, Ginoong?" Tukoy nito sa pangalan ni Tres.


"Tres, Ginoo," tugon ni Tres.


Atsaka nagkamay rin sila.


"Ginoong Tres, --nagagalak ako dahil pinaunlakan niyo ang aking paanyaya sa inyo," wika nito sa amin.


"Nais ko lamang itanong Ginoo, kung bakit niyo nga ba kami inanyayahan dito sa inyong puod?" Tanong ni Azerine.


"May nais akong imungkahi sa inyo, ngunit pag-usapan na lamang natin ito sa silid-kainan, hali na kayo," nakangiti nitong paanyaya sa amin.


Pero biglang nagsalita uli si Azerine.


"Si Bai Huada? Napansin niyo ba?" Tanong ni Azerine.


Teka! Nakasunod lang 'yon sa amin kanina ah.


"Naririto ang aking kapatid na Bai?" Tanong ni Ginoong Isagani.


"Oo. Ginoo, kasama namin siyang magtungo rito," tugon ni Hope.


"Kung gayong naririto siya, ay huwag niyo siyang alalahanin alam niya ang kanyang ginagawa, at batid niya kung saan tayo hahanapin kaya halina kayo mga Ginoo, nagpahanda ako ng munting piging para sa inyo." nakangiti nitong paanyaya sa amin.


"Tamang-tama ay gutom na ako," sabi ng isa sa mga kasama ni Ginoong Isagani.


"Tumahimik ka nga riyan Dado! Katatapos mo pa lamang magmeryenda ah," pananaway ng isa pang kasama nito.


"Dado, Wano maaari kayong sumalo sa kanila kaya tayo na!" Wika ng Ginoo.


"Ako rin Ginoo ah," dagdag pa ng isa.


"Maging ikaw Kabang."


At lumakad na kami, nakakatuwa naman pala kasama ang tatlong sandig ni Ginoong Isagani.








Huadelein's PoV


Lumakad ako sa pasilyo upang magmanman, nais kong malaman kung naririto si Lilibeth Hillari sapagkat hindi ko sila nakita ng aking ama sa Bulwagan, sa aking paglalakad ay napansin ko ang sagigilid ng aking kapatid na si Hera.


"Sima!" Mahinang tawag ko sa ngalan nito.


"B-Bai, Huada? Ikaw ba iyan?" Tanong nito sa akin.


"Oo, halika at samahan mo ako sa silid ng aking kapatid na si Hera," ani ko.


"Oo, masusunod Bai hali kayo at sasamahan ko kayo." Giya niya sa akin.


Lumakad na kami patungo sa silid ng aking kapatid, at nang nasa tapat ng pinto na kami ay kumatok si Sima ng dalawang beses at bumukas agad ang pinto.


"Ako ay may surpresa sa iyo aking Bai," wika ni Sima sa aking kapatid, at pumasok na ako sa silid.


"Umbo Huada!" Agad nitong masayang yakap sa akin.


"Kumusta ka na munting Bai?" Aking panimula.


"Ayos lamang ako Umbo, ako'y nagagalak at nakita kitang maayos." Muli nitong yakap sa akin.


"Huwag mo akong alalahanin Hera, ayos lamang ako-- si Umbo Helena kumusta siya?" Aking tanong.


"Umbo, magugulat ka sa aking ibabalita-- si Umbo Helena ay tila nauntog na, sapagkat hiwalay na sila ng labanos na si Prince, nagbago na ang ating Umbo Helena, Bai Huada siya'y naging matalino na ngayon," salaysay nito sa akin.


Batid ko na naghiwalay na sila ni Prince at mukhang naging maganda ang bunga nito para sa aking nakatatandang kapatid.


"Mainam munti kong Bai, sapagkat mapapayapa ang aking kalooban na lisanin ang ating puod mamaya, pagkat batid kong may dumagdag kang kakampi rito sa loob ng balay," aking wika.


"Ibig mo bang ipa-kahulugan Bai Huada ay muli mong lilisanin ang ating puod?"


"Oo, munti kong Hera sapagkat nasa loob ng ating balay ang kaaway kung kaya't kailangan kong lumisan, ngunit pansamantala lamang ito kaya't sana ay huwag kang malumbay," aking wika, at himas sa kanyang buhok.


"Tama ka Bai Huada, mapanganib sa iyo kung naririto ka sa puod sapagkat si Lilibeth Hillari ay sadyang masama, kaya't huwag kang magpapakita sa kanya ngayon--" wika niya sa akin.


"Oo. Munti kong Bai Hera, makakaasa kang mag-iingat ako sa kanya, maging ikaw man," aking paalala sa kanya.


"Umalis lang sila sandali ni Ama, ngunit babalik rin sila kaya iminumungkahi kong ikaw ay magtungo na sa munting silid-kainan, naroon sila Ubu Isagani kasama ang iyong mga sandig, batid ko ito sapagkat pinabatid ito sa akin ni ubo Isagani," salaysay nito.


"Oo. Hera, mauuna na ako sa iyo-- mag-iingat ka rito-- Sima, samahan mo ang aking kapatid dito sa kanyang silid, paalam na," aking paalam, at hinalikan ito sa kanyang noo.


At umanyo na akong lumisan ng silid, dali-dali akong lumakad sa pasilyo at nagtungo sa pinto na may nagbabantay na mga mandirigma, pinagbuksan nila ako ng pinto at agad akong pumasok rito ngunit nagulat ako sa aking nakita.







Dos's PoV


Namimili ako ng kanta na kakantahin namin sa Battle of the Bands nang magsend ng photo si Tres, at agad ko itong binuksan pero anak ng putya naman! Ang tagal mag loading! Takteng internet 'to!



loading...



Pagka open ng photo halos malaglag ang panga ko.


"Tang*na! Saan na naman sila nagpunta? Bakit ganoon ang suot ni Huadelein? Parang makikipag digma," bulong ko.


Bagay na bagay ang suot niya, mukha talaga siyang galing sa maharlikang pamilya pero putya naman! Bakit parang nagseselos ako na hindi ako kasama sa pinuntahan nila ngayon.


Dos, kalma! May bukas pa! Bukas mo na lang alamin.








Jace's PoV


"Akin 'yan, huwag mong agawin may kanya kanya tayong pagkain," Sabi ni Wano sa kaibigan niyang si Dado, at hinaharangan ang pagkain nito para hindi makuhaan.


"Parang kasing mas marami ang sayo eh," tugon ni Dado.


"Tumigil nga kayo, nakakahiya kayong dalawa!" Pananaway ni Kabang sa dalawa.


"Ito kasi eh!" Saad pa ni Wano.


Nasa malaking hapagkainan kami at kumakain nang magsalita ang kuya ni boss.


"Batid niyo ba kung bakit ko kayo pinatawag mga sandig ng aking kapatid?" Tanong niya sa amin.


Lahat kami ay napalingon sa lalaking nasa dulo ng mesa.


"Hindi rin talaga namin batid Ginoong Isagani kung bakit nga ba kami naririto," tugon ni Hope.


"Mga Ginoo... Kaya ko kayo ipinatawag ay upang humingi sa inyo ng isang pabor," panimula niya.


Anong pabor kaya ang hihingiin ng kuya ni Huadelein.


"Anong pabor iyan Ginoo?" Tanong ni Azerine.


"Ukol sa kapakanan ng inyong Bai, batid niyong humaharap ngayon ang aking kapatid sa mabigat na suliranin," wika ni Ginoong Isagani.


Lahat kami ay huminto sa pagkain at nakinig sa sinasabi niya.


"--pinababantayan siya muli ng aming Ama saan man ito magtungo, tulad na lamang ngayon nakasunod sila sa inyo ng hindi niyo namamalayan, at sa ganitong paraan ng aking Baba ay nasasakal ang inyong Bai-- Hindi ko ibig mangyari muli na lumayo ang aking kapatid sa amin," Salaysay ng Ginoo.


"At ano ang ibig mong gawin namin Ginoo?" Tanong ni Winston.



"Ibig kong humarap tayo ngayon sa aking Amang Rajah, upang kumbinsihin ito na huwag ng pabantayan pa sa kanyang mga sandig ang inyong Bai." Tugon ng Ginoo.



Nagkatinginan kami nila Azerine.


Iniisip ko pa lang na haharap kami sa amang Rajah nila Huadelein ay parang naiimagine ko na, kung ito nga'ng kuya ni Huadelein, eh! Malaking tao, tatay pa kaya nila? Na-iimagine kong malaki ang boses no'n at may hawak na kampilan, tapos biglang iwasiwas sa amin taena! Magtatakbo kami nila Tres pag nagkataon.



"At ano ang sasabihin namin Ginoo sa Rajah?" Tanong ni Winston.


"Ibig kong imungkahi niyo na kayong mga sandig ng aking kapatid, ay sapat na upang ipagtanggol sa anumang panganib ang inyong Bai, at hindi na kailangan pa ng karagdagang mga sandig-- gagawin natin ito upang hindi na lalong mahirapan ang aking kapatid," salaysay niya.


Mukhang concern talaga si Ginoong Isagani sa kapatid niyang Bai.


"Walang problema Ginoo, kaya namin ang inyong ipagagawa alang-alang sa aming Bai," tugon ni Azerine.


Tumango sina Hope at Winston maging kami ni Tres.


"Kung gayon ay maghanda na kayo at haharap tayo sa aking Amang Rajah."








Sagigilid Milan's PoV


Nakabantay ako sa pinto ng munting silid-kainan na kung saan naroroon si Ginoong Isagani at mga sandig ng aking Bai, nais kong dito manatili muna hanggat hindi pa dumarating ito.


Ngunit sa aking paghihintay ay iba ang dumating.


"Anong mayroon sa loob?" Taas noo nitong tanong sa mga bantay sa pinto dahil hinarangan nila ito ng kanilang bangkaw.


"Paumanhin, Dayang ngunit hindi namin maaaring sabihin," tugon ng isang bantay.


"Ano ang iyong sinasabi na hindi maaaring sabihin? Tumabi kayo riyan!" Hawi nito sa dalawang bantay na nasa pinto.


"Ngunit Dayang--" Hindi na naituloy pa ng bantay ang sinasabi nito nang bumaling ito sa akin.


"At ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito sa akin.


Pinaningkitan ako ng mga mata nito.


"Wala Dayang, ako'y napadaan lamang dito," aking tugon.


"Tumabi kayo!" Wika nito sa dalawang bantay sa pinto at sapilitang binuksan nito ang pinto, nakita kong wala ng tao sa loob at malinis, walang bahid na mayroong mga tao rito kanina lamang.


Dali-dali akong umalis.


Kailangan kong mahanap ang aking Bai...









Huadelein's PoV



Pagkapasok ko ay laking gulat ko na makita ang pigura ni Lilibeth Hillari, nakatalikod ito at nakatingin sa malaking bintana ng silid-kainan, agad ay pumuslit ako palabas ng pinto at iniwasang gumawa ng kahit na anong ingay, sinenyasan ko ang dalawang bantay na huwag silang maingay at agad silang tumango bilang tugon. Mabilis akong kumilos at naglakad sa pasilyo.


Kailangan kong magtungo agad ng Bulwagan tiyak ay naroon sila.


Napansin ko si Lilibeth Hillari, mukhang hinahanap ako nito. Sige! Makikipaglaro muna ako sa iyo ng tagu-tuguan at ako ang taya ngunit ikaw ang maghahanap sa akin.


Binuksan ko ang isang pinto ng silid at pumasok rito nilakasan ko ang pagsara ng pinto, upang maagaw ang atensyon nito. Lumakad naman ako at nagtungo sa lihim na pinto na patungo sa kabilang silid, agad kong isinara ang lihim na lagusan at nakangiti akong lumabas ng silid-awitan.


Nagtago muli ako sa isang pader, at naramdaman kong lumalakad ito patungo sa pasilyo kung nasaan ako. Mabilis akong lumakad palayo muli at nagtungo sa isang malaking banga at sa likod nito ako'y nagkubli.


"May nakita ba kayong tao rito!?" Singhal niya, sa mga bantay na kanyang nakasalubong at nasa aking tapat lamang na batid kong nakita nila ako.


"Wala kaming napansin Dayang," tugon ng isang bantay.


"Sino ba ang inyong hinahanap Dayang?" Tanong ng isa pang bantay.


"Isang malaking pusa!" Tugon nito sa mga bantay.


"Hayaan niyong tulungan namin kayo sa paghahanap Dayang," pagkukusang loob na sambit ng isang bantay.


"Hindi na! Kaya ko na ito," tugon ni Lilibeth Hillari.


Lumakad na ang dalawang bantay, nang maramdaman kong wala na sila ay agad akong umalis at nagtungo na sa Bulwagan.


Nang makarating ako sa Bulwagan ay nagkubli lamang ako sa isang pader, nakita ko ang aking mga sandig na nakaharap sa aking amang Rajah.








Ginoong Isagani's PoV


Pagkarating namin ng Bulwagan ay nakita ko agad ang aking Amang Rajah at ang mga sandig nito, humarap kami agad dito kasama ang mga sandig ng aking kapatid na Bai, yumukod kami bilang papugay at tumayo rin kaagad.


"Magandang gabi Baba," aking panimulang pagbati.


"At sino ang dalawang lalaki na inyong kasama?" Tanong ng aking Baba.


"Sila ang bagong mga sandig ng aming Bai, mahal na Rajah," tugon ni Hope.


"Kung gayon ay ikinagagalak kong makilala kayo mga sandig ng aking anak na Binukot, ano ang inyong mga ngalan?" Tanong ng aking Baba.


"Ako si Tres, Mahal na Rajah sandig ng inyong anak na Bai Huada," unang pakilala ni Tres at yumukod.


"Ako naman si Jace, Mahal na Rajah," pakilala ni Jace.


Hindi bakas sa kanilang mukha ang kaba, mahusay!


"Kayo pala ang mga bagong sandig ng aking anak, kung gayon ano ang inyong sadya? Dahil hindi maaaring magtungo kayo sa puod na walang dahilan." Wika ng aking ama sa kanila.


"Nagsadya kami rito Mahal na Rajah, upang imungkahi sa inyo na huwag niyo na sanang pabantayan pa ang aming Bai sa inyong mga sandig, sapagkat naririto kami na kanyang mga sandig na gawain ang bagay na yaon," tugon ni Jace.


Mahusay ang isang ito.


Ngumiti ang aking Baba dahil sa tugon ng binatang ngayo'y nasa kanyang harapan.


"Kaya niyo bang ipagtanggol ang aking anak? Lalo na sa kanyang sitwasyon ngayon? Ginoong Jace?" Tanong ng aking Baba sa binata.


"Paumanhin Mahal na Rajah, ngunit ako ang tutugon sa inyong tanong, walang magiging suliranin pagdating sa bagay na iyan, sapagkat kaya namin ipagtanggol ang aming Bai, kamakailan lamang ay tinangkang kunin sa amin ang aming Bai na nasa kinse katao, sa utos ni Nemesis ang lalaking nakatakdang maka isang dibdib ng inyong anak," salaysay ni Tres.


Napakahusay ng mga binatang ito.


"At Kapunuan, kasama namin sila sa pagtakas sa Bai masasabi kong mahusay sila," dagdag ni Azerine.


Sila ang nagtakas sa aking kapatid sa kasunduang kasiyahan? Kahanga-hanga.


"Sa aking hinuha ay isa kang banyaga," tukoy ng aking Ama kay Tres.


"Tama kayo Kapunuan, may dugo akong banyaga ngunit ako ay tapat sa aking lupang sinilangan." Tugon ni Tres.


"Batid kong maiisog kayong mga sandig ng aking anak, ngunit hindi pa rin ito sapat upang itigil ko ang pagbabantay sa aking anak," Wika ng aking Baba. Na naging sanhi ng aking pagkadismaya.


"Baba, sila ay mga tapat na sandig ng aking kapatid na Bai nagsadya sila rito upang malaman niyo na hindi na kailangan pa ni Huada ng karagdagang sandig! Huwag naman nating gipitin ang ating Bai!" aking salungat.


"Tumigil ka Isagani! Kaya naging matigas ang ulo ng iyong kapatid na Bai dahil ibinibigay mo ang lahat ng ibigin nito! Walang makakabali ng aking pasya!" Singhal sa akin ng aking ama.


"Ngunit Baba! Ang inyong Bai na tinutukoy ay ang inyong anak!" Aking wika.


"Tama ka Isagani... Siya'y aking anak at ako ang may karapatang magpasya para sa kanya! Kaya humayo na kayo Hope! --Aguila! Ihatid mo na ang mga panauhin," Mataas na boses nitong utos.


"Ngunit Baba!"


"Tayo na! Ihahatid ko na kayo sa inyong sasakyan!" Malakas na boses na paanyaya ni Aguila sa mga sandig ng aking kapatid.


Paumanhin aking Bai, kung hindi kita natulungan ngayon. Sapagkat ang ating Baba ay sadyang matigas.


"Ako na ang maghahatid sa kanila, Aguila," aking wika.





-------


Itutuloy...








Karagdagang kaalaman:


Bangkaw- sibat


Dayang- prinsesa, o babaeng mula sa maharlikang lahi o pamilya.


Umbo/Ubo- Ate o kuya/ nakatatandang kapatid.










-Papel📝😎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top