Kabanata XXII: Gambala








Kabanata XXII: Gambala



--



Georgia's PoV


Nabigla ako nang makita na wala si Ganda sa table, nasaan na 'yon? Nag cr lang ako sandali tapos nawala na si Ganda sa table. Kaloka! Lumakad ako at luminga-linga pero hindi ko ito makita, at napansin kong maraming nanonood sa stage at paglingon ko roon ay...


"G-Ganda..."


Nasa pole ito, sumasayaw at sinusundan ang saliw ng musika.


So baby let's just turn down the lights
And close the door
Oooh I love that dress
But you won't need it anymore
No you won't need it no more
Let's just kiss 'til we're naked baby


Versace on the floor🎶


Para bang damang-dama nito ang musika, nakasombrero itong itim pero kapag natatamaan ng ilaw ang kanyang mukha ay, makikitang nakapikit ito habang sumasayaw para bang alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Napakagaling niya-- kaya niyang sumampa sa pole at magpaikot-ikot dito kahit nakapantalon ito.


Tila ba siyang nang-aakit, kaakit-akit naman talaga siya. Napailing-iling agad ako sa iniisip ko, ano ba itey! Kailangan ko siyang alisin sa stage.


Agad-agad ay tumakbo ako pero may biglang pumigil sa akin.


"Anong ginagawa mo Hope? Kailangan natin siyang alisin sa stage," sabi ko.


Napansin kong nanonood lang din ang dalawang bakla, pati sina Jace, Tres, Winston at ang grupo nila Ethan? Nandito sila?


"Tingnan mo siya Georgia... Masaya siya sa ginagawa niya hindi man halata pero kung kilala mo talaga siya, masasabi mo rin ang sinasabi ko ngayon," wika ni Hope habang pinagmamasdan si Ganda.


Minasdan ko na lang siya sa kanyang pagsayaw.







Dos's PoV


Pinapanood ko ang babaeng inaangkin ngayon ang stage at ang pole, nakasumbrero man ito at natatakpan man ang kanyang mukha ay kilalang-kilala ko ang pigura niya. Naka leather jacket ito na kulay black at may suot itong sando na kulay black rin, meron itong limang butones at ang nasa unahang butones nito ay bukas, bahagyang nasisilip ang dibdib nito. Putya!



Oooh take it off for me, for me, for me, for me now, girl
Versace on the floor
Oooh take it off for me, for me, for me, for me now, girl 🎶


Gusto ko sana siyang puntahan at hilahin doon pero hinarangan ako ni Jace.


"Hindi ba maganda ang Bai ko?" Tanong ni Jace, habang nakatingin pa rin sa babaeng sumasayaw sa stage.


"Sa palagay mo?" Tanong ko.


"Kaya hindi niya deserve ang masaktan ng kung sino lang." Dagdag pa nito.


"Anong ibig mong sabihin huh?" Tanong ko sa kanya at kinwelyuhan ito.


"Huwag kayong gumawa ng gulo rito," ani ni Tres, na pinagitnaan kami.


Binitiwan ko ang damit niya, at tumingin ako uli sa babaeng sumasayaw na para ba itong nang-aakit.


I unzip the back to watch it fall
While I kiss your neck and shoulders
No don't be afraid to show it off
I'll be right here ready to hold you
Girl you know you're perfect from
Your head down to your heels
Don't be confused by my smile
Cause I ain't ever been more for real, for real 🎶


Tang*na! Hanggang kailan ba siya sasayaw riyan? Ang daming nanonood sa kanyang lalake! Kung iisa-isahin ko ang mga 'to para suntukin makakaubos ako ng 5minutes tsk! Tsk!


"Pwede bang pababain niyo na ang Bai niyo sa stage," mariin kong saad kay Tres.


Ayokong may ibang lalakeng nanonood sa kanya!


"Hanggat hindi pa kami sinisenyasan nina Hope at Winston, hindi namin siya pwedeng pahintuin na lang," sagot sa akin ni Tres, habang nakatuon ang paningin nito kay Huadelein.


Isa pa 'tong ulupong! Na mukhang naaaliw sa pag sayaw ng Bai nila. Oo, nakakaaliw pero sa harap ng maraming tao? Hindi pwede!


"Tang*na naman."


Naramdaman ko naman na may kumapit sa braso ko.


"Is she beautiful?" Tanong nito. Habang nakatuon ang paningin niya sa stage.


"Yeah, she is the most beautiful girl I've ever met in my entire life," sagot ko sa kanya.


At sabay tanggal ko sa kamay ni Ireah na nakakapit sa braso ko, at umalis sa harapan niya.


Kailangan kong maialis na si Huadelein sa stage. Makakasapak na talaga ko, tang*na!








Hope's PoV


Hanggang ngayon napakaganda niya pa rin sumayaw, kaya nang makita ko siya sa pole hindi ko ito pinigilan at hinayaan siya. Nakapikit ang mga mata nito habang sumasayaw. Ito ang dahilan kung bakit siya umalis sa kanyang bukot upang maging malaya.


Patuloy pa rin siya sa kanyang pag sayaw nang may magsalita sa likuran ko.


"Pwede ba na hilahin niyo na ang Bai niyo? Maraming lalakeng nanonood sa kanya!" Mariing sabi nito.


Pagharap ko sa kanya ay para bang nagagalit na ito dahil salubong na ang kilay niya. Ito 'yong nagtakas sa Bai ko noong Engagement Party, kilala ko siya sa mukha, hindi ko naman kasi 'to no'n nakausap noong nag stay kami sa bahay bakasyunan ni Azerine panget.


"Jace! Tres!" Tawag ko sa dalawa.


Na agad naman lumakad palapit sa'kin.


"Ano 'yon Hope?" Tanong ni Jace pagkalapit nito.


"Sa senyas ko kunin niyo na siya," saad ko sa kanila.


Pumunta na sila malapit sa stage at naka-abang na silang dalawa, samantalang ang lalaking nasa tabi ko ay parang uusok na ang ilong habang nakatitig kay Huadelein.


Bumaba si Huadelein sa pole at sumenyas na 'ko sa dalawa at kinuha na nila ito at iginiya sa table, sumunod na rin ang iba pati ang lalaking kanina lang ay parang galit na.


Pinaupo nila si Huadelein at nanatiling nakapikit ang mga mata nito, bakit parang lasing ang babaeng 'to?


"Anong nangyari kay Huadelein? Bakit parang lasing 'to?" Tanong ko sa kanila.


"Ito pogi oh! Tinungga niya lang naman itey!" Turo ni Georgia sa hawak niyang bote at sabay lapag dito sa mesa.


"Ay grabe! Nahiya pang ubusin, teka pahinging tubig! Painumin niyo si Ganda ng tubig," sabi ni Whisky. Nakaupo ito sa tabi nito.


"Sige teka lang," ani ni Tres.


At dali-daling umalis sa harap namin.


"Huwag mo siyang hawakan!" Saway ni Winston kay Dos, dahil tatangkain sana niya itong hawakan sa braso.


Pasensya na pero mahigpit talaga 'yan si Winston, ayaw niya'ng may lalaking humahawak sa Bai.


"Pasensya na, pero tingnan niyo nga siya lasing at kailangan niya ng maiuwi,"  sabi ni Dos.

May punto naman siya.


"Oo nga, tama si Dos kailangan na siyang maiuwi," sang-ayon ni Georgia.


Pinapaypayan ni Rica si Huadelein at nakasandal ito sa backrest ng sofa, mukhang tulog na ang tomboy, pagkatapos sumayaw, tulog!


"Oh! Tubig." Abot ni Tres ng tubig kay Rica.


Sabay upo ni Tres at naglagay sa baso niya ng alak at agad niyang tinungga ang baso.


"Ganda gising! Inom ka muna tubig." Gising ni Rica kay tomboy.


Nilagay ni Rica ang baso sa bibig ni tomboy at uminom naman ito, 'yon nga lang nakapikit pa rin si Huadelein.


Mukhang tulog na talaga ang isang 'to.


"Iuwi niyo na siya," sabi ni Dos. Habang pinagmamasdan si tomboy.


Mukhang malakas talaga ang tama nito sa Bai ko ah.


"Teka wala pa si Azerine," sabi Winston.


Oo nga 'no? Nasaan ang tomboy na 'yon? saan naman kaya 'yon nagsuot? Taenang tomboy kung kailan kailangan, wala! Putik!


"Yo! People!" Bati niya na ngiting-ngiti pa!


"Taena mo! " Sabay naming sabi ni Winston.


"Woah! Bakit dalawang panget?" Tanong nito sa'min.


Taena! Heto na naman po siya sa feeling pogi eh! Halata naman sa aming tatlo siya ang pinaka walang panama!


"Iuwi mo na ang Bai," sabi ni Winston.


"Sige!" Sagot naman ni Azerine.


"Jace, buhatin mo ang Bai." Utos ni Winston kay Jace.


"At bakit si Jace ang magbubuhat sa kanya?" Tanong ni Dos.


"Dahil siya ang sandig ng Bai," sagot ni Winston.


"A-ano raw?" Tanong ni Georgia na nagtataka.


Nagtataka siguro siya sa nabanggit ni Winston na 'sandig'


"Wala," sagot agad ni Winston, kay Georgia.


"Hindi ako papayag na hawakan niya si Huadelein!" Sabi pa ni Dos.


"At hindi mo rin siya pwedeng hawakan," sagot pa ni Winston.


"Teka! Teka! Ano ba! Pati ba naman ganyang bagay pinagtatalunan niyo pa! Kung gusto niyo ako na bubuhat kay Ganda!" Suhestyon ni Georgia.


"Pwede rin bakla," sabi pa ni Whisky.


"Ay! Gusto ko 'yang buhat buhat na 'yan!" Singit pa ni Rica.


Nagkatinginan naman kami nina Hope, Azerine, Jace at Tres. Samantalang si Dos nakatingin sa amin.


"Ikaw na bumuhat Georgia, hanggang kotse mo lang siya bubuhatin," sabi ni Winston.


Wala sa amin ang umimik at...


"Bongga!" Sabi pa ni Georgia.


"Dos, pwede kang sumama sa kotse hanggang sa maihatid si Huadelein," sabi naman ni Azerine.


Dahilan para lumiwanag ang mukha ni Dos. Naku! Napaghahalataan ka boy!








Azerine's PoV


Nagmamaneho ako at katabi ko si Huadelein nasa passenger seat siya nakaupo at 'yong tatlo--


"Umurong kayong dalawa!" Bulyaw ni Dos kina Jace at Tres.


"Aba! Nagrereklamo 'yong bagong salta sa kotse ni Azerine ah," sabi ni Jace.


"Bumaba ka na lang Dos kung gusto mo," sabat pa ni Tres.


"Mauna ka!" Wika ni Dos.


"Ah ganoon ah!" Rinig kong sabi ni Tres.


"Sandali nga, gusto yata nito makatikim eh," sabi pa ni Jace, na nagpapatunog ng mga daliri niya.


"Hinahamon niyo kong dalawa!" Sabi ni Dos.


"Itong sayo!" Jace.


Nakita ko sa salamin na nagsusuntukan sila.


"Ito pa!" Tres.


"Aray tang*na!" Daing ni Jace. Na nakatikim ng mga suntok galing kay Dos, medyo masakit 'yon ah!


"Takte! Ang sakit!" Daing ni Tres.


"Ano? Kahit dalawa pa kayo at nasa loob tayo ng kotse! Kayang-kaya ko kayo!" Sabi ni Dos sa dalawa.


Nagbugbugan silang tatlo sa backseat putcha naman, ang gulo ng tatlong 'to!


"Ayaw niyo kong tigilan ah!" Rinig kong sabi ni Dos.


At narinig ko pang pinagsusuntok niya 'yong dalawa.


"Woi! Taena niyo! Tumigil kayo! Magigising si Huadelein sa inyo!" Hiyaw ko sa kanila.


"Pagsabihan mo 'tong dalawang ulupong!" Sabi ni Dos, at naupo na ito.


Bahagya niyang sinilip si Huadelein, at napansin kong pinunasan niya ang pawis ni boss sa noo gamit ng panyo niya.


Sweet naman pala!


"Aba! Iba rin may pagpunas pa ng pawis sa Bai namin," saad ni Jace.


"Naiinggit ka? Oh ito!" Kinuha ni Dos ang basahan na pinangpupunas ko ng upuan ng kotse, pfft!


"Ipunas mo sa mukha mo! Gusto mo ako na pupunas tang*na ka!" Sabi ni Dos.


Hahahaha!


"Pfft! Hahahaha." Tawa ni Tres.


"Tres, sayo na lang 'tong basahan di ko kailangan niyan!" Pasa ni Jace ng basahan kay Tres.


Kinuha naman ito ni Tres at ibinalik kung saan ito nakalagay, pero biglang napahinto ako sa pagmamaneho.


"Aray! Azerine dahan-dahan naman!" reklamo ni Tres.


"Oo nga! May galit ka yata sa'min eh!" Sabi pa ni Jace.


"Anong nangyari Azerine?" Tanong ni Dos.


May dalawang kotse ang humarang sa amin, t-tang*na! I-aatras ko sana ang kotse pero may nakaharang na dalawa rin na kotse sa likod namin, tae! Corner kami!


May lalaking lumabas sa kotseng nakaharang sa daan namin ngayon, at lumapit sa bintana ko bahagya kong ibinaba ito, at agad ay nagsalita ito.


"Baba!" Sabi nito.


Itinaas ko muli ang bintana at nagsalita ako.


"Humanda kayo, mapapalaban tayo ngayon..." Sabi ko, kina Jace.


Kinuha ko ang handgun na nakatago lang sa glovebox.


"Game!" Sabi ng dalawa.


Sabay nilang kasa ng baril.


Nauna kong bumaba ng kotse, sumunod 'yong tatlo.


"Ang Binukot?" Tanong ng isang lalaki sa'min.


Nakatutok ang mga baril nila sa amin, tantya ko higit sampu sila.


"Andiyan natutulog," sagot ni Jace.


"Huwag niyong tangkaing gisingin!" Sabi ni Tres.


"Masama magalit ang Bai kapag naistorbo niyo 'yan sa pagtulog." Dagdag ko pa habang nakatutok sa kanila ang baril.


"Hindi namin siya iistorbohin, kukunin lang namin siya habang tulog," sabi pa ng isa.


"Bago mangyari 'yan, dadaan ka muna sa'kin," wika ni Dos habang nakapamulsa ito at nakatayo sa tapat ng passenger seat, kung saan natutulog si Huadelein.


Mayamaya pa ay sinipa ni Dos ang mukha ng isang lalaking nakatutok sa kanya ang baril, at natumba ito agad kinuha ni Dos ang baril ng lalaki at agad ay itinutok ito sa mga kalaban.


"Next!" Paghahamon ni Dos!


Atapang atao!


"Tapusin na natin 'to! Gusto ko na humiga!" Sabi ni Tres. Sabay suntok sa kalabang katapat niya, binaril naman ni Jace ang lalaking dapat sana susugod sa kanya at sinuntok niya ng mano-mano ang dalawang sumunod pa.


Samantalang ako binaril ko ang katapat ko, sinuntok at tinadyakan ang isa pang sumunod na lalaki.


Nakita kong sinipa ni Dos ang isa niya'ng kalaban sa batok, at nang may magtatangkang buksan ang pinto ng kotse...


"Huwag mong lapitan si Huadelein, dito ka at magharap tayo!"  Mariing wika ni Dos sa lalaki, at pinagsusuntok ito at tinadyakan muli, tulog na naman ang kalaban pero may mga sumunod pa.







Huadelein's PoV


Ako ay nagising dahil sa isang kalabog sa pinto ng kotse, ano bang suliranin ng mga ito at hindi magpatulog!? Ngunit tila ba may naaninag akong nagbubuno. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tuluyang napadilat, nang makita kong nakikipagbuno ang Gunggong sa dalawang lalaki, at napansin kong ganoon rin sina Azerine, Jace at Tres.


Agad ay binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas kahit tila inaantok pa, agad kong sinipa ang lalaking sana ay susugod kay Gunggong at sinuntok ko ito sa mukha.


"Huadelein ilag!" Ani ni Dos.


Agad akong yumuko, at paglingon ko isang lalaki sa likod ang sisipain pa sana ako muli, ngunit nahawakan ko ang binti nito at agad ay pinabagsak ko ito.


Nakita kong pinagbabaril nila Azerine ang mga kalaban, sinipa naman ng Gunggong ang isa pang lalaki at ako naman ay sinuntok ang ilong ng sumunod pang kalaban at pinaluhod ko ito.


"Luhod!" Utos ko sa lalaki.


"Gunggong, pahiram ng baril na hawak mo," ani ko, at agad ay iniabot niya sa akin at agad kong itinutok ito sa lalaki.


"Sino ang nag-utos sa inyong maaari niyong gambalain ang aking pagtulog?" Mariing tanong ko sa lalaki.


"Pfft!" Rinig kong pagpipigil ng tawa ni Azerine.


"Pfft! Hahahaha, taena! Lupet ni boss!" rinig kong tawa at wika ni  Tres.


"Hahahaha!" Rinig kong tawa rin ni Jace.


Samantalang si Dos ay tila naghihintay ng susunod kong gagawin sa lalaki dahil hindi pa rin ito sumasagot.


"Tahimik!" Saway ko sa kanila.


At natahimik naman sila sa kanilang pagtawa.


"Sino? Sinong nag-utos sa inyo? Sagot!" Mariing tanong ko sa lalaki, umiinit ang ulo ko dahil nagambala ang pagtulog ko.


"S-sagot na 'ko! H-huwag mo kong p-patayin-- B-Binibini," sagot nitong halata sa kanya ang takot.


"Bilisan mo! Naghihintay ako ng iyong tugon, bibilang ako ng tulo! Isa..." Pag-uumpisa kong magbilang.


"Duwa!"


"S-si Nemesis B-Binibini!" Sagot nito.


Nemesis!


"Kung gayon, ay nais kong magbalik ka sa iyong panginoon at ibalita sa kanya kung ano ang naganap dito! Alis!" Mariin kong utos sa kanya.


Halos madapa-dapa ito sa kanyang pagtakbo at agad ay sumakay ito ng kotse at umalis na.


"Tara na Azerine! Gusto ko na matulog!" Sabi ni Tres.


"Ako rin! Taena! Inaantok na rin ako may mga umepal pa sa daan." Reklamo ni Jace.


"Azerine, huwag mo muna iuwi ang Bai niyo sa bahay niya baka kasi masundan tayo ng mga tauhan ni Nemesis," mungkahi ni Dos.


At sino ang nagpahintulot sa Gunggong na ito na maaari siyang makialam kung saan ako uuwi?


"Sa bahay ko na lang," Suhestyon ni Jace.


"Oo, di kasi tayo pwede sa boarding house ko mapapagalitan ako ng landlady," sabi ni Tres.


"Sige, sa bahay mo na lang Jace." Pagsang-ayon ni Azerine.


"Doon na lang din ako matutulog ngayon, wala akong tiwala sa dalawa," wika ni Dos.


Ano ang sinasabi ng Gunggong?


"Hiyang-hiya naman ako sayo Dos," wika ni Tres.


"Iba rin si Zeryozo," dagdag pa ni Jace.


At agad naman akong nagsalita.


"At sinong nagpahintulot sa inyo na maaari niyo akong diktahan kung saan ako uuwi?" Tanong ko sa kanila.


"Pero Bai, may punto naman kasi si Dos," ani ni Jace.


"Oo, boss-- para masiguro natin na hindi tayo masundan ng mga tauhan ni Nemesis," dagdag pa ni Azerine.


Tahimik ko silang tiningnan isa-isa.


"Huwag kang magmatigas Huadelein," ani pa ni gunggong, sandali ko itong binalingan ng tingin atsaka sumakay na ako na ng kotse.


At sunud-sunod na silang pumasok ng kotse.



--



Sa biyahe ay hindi na ako nakatulog pa, kailangan kong makainom ng kape nang mawala ang bigat ng aking ulo. Tinutumbok na ng kotse ang daan sa village nila Gunggong, bakit hindi pa bumaba ang isang 'to? Sinilip ko ito sa salamin, nakita kong tulog 'yong dalawa at ang Gunggong ay nagkasalubong ang mga paningin namin sa salamin na agad kong iwas.



"Bakit hindi ka pa bumaba?" Tanong ko, habang nakatingin ako sa daan.



"Sasamahan kita kung saan ka matutulog ngayon," tugon nito.


Na batid kong nakatingin sa akin sa salamin.


"Isa ka na ba ngayon sa aking mga sandig upang ako ay iyong samahan?"  Tanong ko.


"Kung kinakailangan bakit hindi? Mabantayan lang kita," simpleng tugon nito.


Hindi na ako nagsalita pa at nanatiling nakatuon lamang ang aking paningin sa daan.


Mayamaya pa ay nasa harap na kami ng bahay ni Jace.


"Woi! Jace! Gising!" Gising at yugyog ni Azerine kay Jace.


"Oh bakit Azerine?" Tanong nitong nag-uunat.


"Andito na tayo sa tapat ng bahay mo!" Saad ni Azerine.


Agad ay bumaba ng kotse si Jace at binuksan ang gate ng bahay niya, bumaba na rin ako at ganoon din sila Azerine.


"Bahay mo 'to Jace?" Tanong ni Tres.


"Oo bahay ko 'to, nabili ko na 'to," sagot naman ni Jace.


Pumasok na kami sa loob ng bahay halos kasinlaki ito ng balay ko, naupo ako sa isang malambot na salung-puwit.


"Dami mo na palang gamit dito Jace eh," saad pa ni Azerine.


Nagk-kwentuhan sila nang maisipan kong magtanong.


"May kape ka ba rito Jace?" Isinandal ang aking ulo sa sandalan ng upuan.


"Meron, boss," sagot nito.


"Mabuti, gusto ko ng kape," aking wika.


"Pagt-timpla kita boss," rinig kong boluntaryo ni Azerine.


Mabigat talaga ang ulo ko at tila babagsak na ang talukap ng aking mga mata, mayamaya pa ay kinalabit ako ni Azerine.


"Boss, kape mo, pagtapos mo inumin 'yan tsaka ka matulog para bumaba amats mo," Sabi nito.


Kinuha ko ang isang tasa ng kape na nasa maliit na salaming mesa, nakatutuwa lamang dahil may naka guhit ditong pusa, hinipan ko ito atsaka humigop.


"Saan nga pala kami matutulog?" Tanong ni Azerine.


"Sa taas sa kabilang kwarto, tara samahan ko kayo," ani ni Jace at sumunod kami tumayo ako habang hawak ang tasa ng kape, nasa likod ko naman ang Gunggong.


Nang makaakyat kami binuksan ni Jace ang pinto at bumungad sa amin ang dalawang malalaki, at malalambot na higaang nakalatag sa sahig.


"Di ka naman siguro ready 'no Jace?" Tanong ni Azerine.


Humigop uli ako sa kape at pagkatapos ay agad akong humiga, sa malambot na higaan at ipinikit ang mga mata.


"Para talaga sa mga bwisita 'tong kwartong 'to, feel at home, haha." Rinig kong tugon ni Jace.


Naramdaman kong may nagtatanggal ng suot kong rubber shoes.


"Ui! Dos, ako na gagawa niyan," rinig kong sabi ni Azerine


Ibigsabihin si Gunggong ang nagtatanggal ng rubber shoes ko?


Ginalaw-galaw ko ang paa ko dahil hindi niya trabaho ang ginagawa niya, gusto kong bumangon para pigilan siya sa kanyang ginagawa ngunit tila wala akong lakas upang bumangon pa at magtanggal ng rubber shoes.


"Ako na, --huwag kang malikot babae!" Sabi pa nito habang tinatanggal ang medyas ko.


Nang matapos ito sa pagtanggal ng aking medyas ay kinumutan ako nito ngunit inalis ko ito.


At naramdaman kong may humiga sa aking tabi.







Azerine's PoV


Nakahiga na 'ko nang makita kong pumasok ng pinto sina Jace at Tres at may mga dala itong unan at kumot, sinara ni Tres ang pinto at inilapag ni Jace ang unan niya sa tabi ni Dos ganoon rin si Tres, katabi ko si boss na ngayon ay tulog na tulog na.


"Matulog na tayo!" Sabi pa ni Tres, at pinatay na ang ilaw at ang natirang bukas na lang ay ang lampshade.


Nakapikit na ang mga mata ko nang marinig kong tumunog ang phone ko, kinapa ko ito sa bulsa ko at agad tiningnan ko kung sino ang istorbong tumatawag, pagkakita ko...



Argo Calling...



At agad ko itong sinagot


"Hello!"


"Ba't naman galit ka pwapwa Emo?" Tanong ng nasa kabilang linya.


Taena naman ng baklang 'to.


"Paano ko di magagalit? Patulog na kaya ko Argo!" Sagot ko sa kanya, na medyo naiirita.


"Putcha! Sorry pwapwa Emo! Kala ko kasi di ka pa nakauwi eh," sagot nito, na halata naman na nakangiti ang bakla!


"Di naman talaga ko nakauwi eh! Andito kami sa bahay nila Jace," sagot ko.


"Anak ng putcha! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong nitong parang nag iba ang tono.


"Si Argo 'yan?" Tanong ni Dos na napatingin sa'kin.


"Oo, si Argo 'tong kausap ko," sagot ko kay Dos.


"Anong sabi mo Emo?" Tanong ni Argo sa kabilang linya.


"Sinagot ko lang tanong ni Dos, kung ikaw kausap ko!" Bulyaw ko kay Argo.


"Kasama niyo si Dos?"


"Oo nga--"


"Ikaw nga kumausap dito Dos, inaantok na ko eh!" Sabi ko, at abot ng cellphone ko kay Dos.


"Hello Argo--" rinig kong tawag ni Dos sa kabilang linya.


"Magkakasama kayo ngayon?" Tanong ni Argo.


Putcha! Naka loudspeaker pa!


"Oo nga! Sumama ko sa paghatid kay Huadelein, kaso napa trouble kami sa daan-- nakasalubong namin 'yong mga tauhan ni Nemesis."


" 'Yong lalaking fiance ni Huadelein?" Tanong ni Argo.


"Tang*na, binanggit pa talaga! Hindi niya 'yon fiance Argo! Pinagkasundo lang!" Bulyaw ni Dos sa kabilang linya.


"Hahahaha galit na galit Dos ah! Nagkabarilan ba?" Tanong ni Argo.


"Malamang!" Sagot nito.


"Eh di knight in shining armor ka na naman niyan Dos?"  Sabi ni Argo sa kabilang linya.


"Kupal ka talaga Argo! Ibibigay ko na 'to kay Azerine," sabi ni Dos at abot sa'kin ng cellphone ko.


"Hello, Emo--" tawag sa'kin ni Argo sa kabilang linya.


"Oh?" Sagot ko habang nakapikit ang mga mata.


"Alabya pwapwa Emo..."


Nagulat ako sa sinabi niya dahilan para mapadilat ako at mapa upo, tang*na nakalimutan kong naka loudspeaker nga pala cellphone ko.


Sinilip ko 'yong tatlo dahil baka mamaya narinig nila.


"--Alalahanin mo 'yong nangyari sa'tin kanina--" dagdag pa nito at nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.


Pinindot ko ang loudspeaker off atsaka ko sinagot si Argo.


"Putcha ka Argo! Napaka ingay mo!"


Narinig ko pang tumawa ito.


"Sige na goodnight na pwapwa Emo, Alabya!" Aniya.


"B-bye!" Sabi ko At ibinaba na nito ang tawag.


Hihiga na sana ko nang marinig kong humagalpak ng tawa 'yong dalawa. Amputcha!


"Hahahahaha! tang*na Azerine! May lihim pala kayong relasyon ni Argo ah hahahahaha," ani ni Jace habang tumatawa.


At nakaupo na pala silang dalawa!


"At ano nga 'yon Jace? Anong sabi ni Argo?  'Alalahanin mo 'yong nangyari sa atin kanina?'  Hahahahaha taena! --may nangyari na pala sa inyo Azerine ah! Hahahaha."  Dagdag pa ni Tres.


Taena, umiinit na ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya! Putchaaa...


"Hahahahaha, tapos ano pang sabi? 'ALABYA! PWAPWA EMO'? Hahahahaha--"  dagdag pa ni Jace.


Parang gusto ko na lang maglaho, taena naman ni Argo!


"Hahahaha malupet si Argo! Nabingwit ang sniper na si Azerine!" Sabi ni Tres.


Tawa sila nang tawa.


"Tang*na niyo! Mali kayo ng pagkakaintindi!" Bulyaw ko sa dalawa.


"Ah mali ba? Mali 'yong pagkakarinig namin ng 'Alabya pwapwa Emo' ?" Tukso pa ni Jace.


"Kaya pala nawala ka kanina Azerine, dahil magkasama kayo ni Argo-- hahahahaha!" Dagdag pa ni Tres at tawa pa rin nang tawa.


Nakakahiya putcha!


"Mga siraulo! Mali kayo ng iniisip!" Bulyaw ko sa dalawa.


Patuloy pa rin sila sa pagtawa.


"Hahahahaha"


"Hahahahaha"


"Hindi ba kayo magpapatulog?" Rinig naming tanong ni boss.


Agad naman nagsipagkumot 'yong dalawa at nahiga, si Dos mukhang tulog na at nakaharap kay Huadelein ang pwesto nito, auto guard talaga ang isang 'to.


Nahiga na 'ko at ipinikit na ang mga mata, pero narinig ko pang humahagikhik 'yong dalawa.


Tae! Nakakahiya talaga dahil narinig pa nila ang kabaliwan ni Argo'ng bakla.








Someone's PoV


Dumating ang apat na tauhan ni Cyrus na puro pasa ang mga mukha at halatang bugbog ang mga ito.


"Bakit kayo na lang?" Tanong ni Cyrus sa mga tauhan niya.


"B-boss Nemesis, p-pinabalik ako ng Binibini rito--" Hindi naituloy nito ang sinasabi nang magsalita si Cyrus.


"Ang Binibini na tinutukoy mo si Huadelein tama ba?" Tanong ni Cyrus.


"Opo, boss, pinabalik niya ko para ipaalam sa inyo ang nangyari," saad nito.


"Pinabalik ka niya para ipaalam sa'kin na hindi niyo siya nakuha at mga talunan kayo!" Sigaw ni Cyrus.


"Boss, may mga kasama siya at 'yong isang kasama niya boss talagang malakas kayang-kaya niya kami patumbahin!" Sagot ng tauhan niya.


"Isang babae lang ang pinapakuha ko sa inyo! Sa dami niyo hindi niyo sila nagawang labanan? Ilan ba sila huh!?" Pasigaw na tanong ni Cyrus sa mga tauhan niya.


"Lima sila boss! Kasama ang Binibini," sagot ng tauhan.


"Lima lang sila, ilan kayong nagpunta roon?" Mariing tanong ni Cyrus.


"14 po, boss," sagot ng tauhan.


"Lima laban sa 14! Nag-iisip ba kayo huh?" Tutok niya ng baril sa apat na tauhan niya.


At kitang-kita sa mga tauhan niya ang takot.


"Sa susunod sasama na ko! Para makita ang sinasabi mong malakas na kasama niya!" Mariing saad ni Cyrus.


Pinagbabato niya ang mga bote ng alak na nasa mesa.


"Hindi ako nagkulang ng paalala sayo," wika ko sa kanya.


"Sa susunod na hanapin ko siya, isasama kita," Sabi nito sa'kin.


"Walang problema," tugon ko at uminom ng alak.








Bai Helena's PoV


Gabi na at patulog na ako nang may marinig akong kaluskos sa may balkonahe ng aking silid, tumayo ako at sumilip ngunit wala naman akong napansin kaya tumalikod na ako. Ngunit pagtalikod ko ay may nagtakip ng aking bibig, nanlaki ang aking mga mata at sisigaw na sana ngunit naamoy ko ang pabango nito. Dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya at inalis ang kanyang palad sa aking bibig.


"Anong ginagawa mo rito? Hating gabi na," tanong ko sa kanya na pabulong.


Saan na naman kaya umakyat ang isang ito?


"Sssh!" Senyas nito sa akin.


"Sagutin mo ko ui!" Ani ko, na bumubulong pa rin.


"Mamaya ko na sasagutin 'yan, di mo muna ba 'ko patutuluyin sa silid mo?" Nakangiti nitong tanong.


Pinapasok ko ito at isinara ang pinto ng balkonahe at inayos ang kurtina nito.


"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, sa mahinang boses.


Nakangiti itong pinagmamasdan ako at tila walang balak ito tumugon.


"Woi! Ang tanong ko, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko muli sa kanya.


"Ano ba sa tingin mo?" Tanong nito habang nakangiting nakakaloko.


Binuksan ko ang maliit na ilawan na hindi ganoon kalakas ang liwanag nito. Hindi ko talaga maintindihan ang isang 'to minsan.


"Woi! Ginoong Zero hindi ako manghuhula! Kaya sagutin mo ang aking tanong," saad ko.


"Wala lang, gusto lang kitang makita," tugon nitong nakangiti.


At may inilabas pa itong isang pulang rosas.



-------


Itutuloy...









-Papel📝🍑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top