Kabanata XVI: Ang Gabi Ng Kasiyahan

















Kabanata XVI: Ang Gabi Ng Kasiyahan







---






Azerine's PoV



Hinihintay na lang namin na lumabas ng kwarto si boss, takte! Ang tagal naman niya yatang ayusan. Narito kami ngayon sa isang Hotel dahil ito ang malapit sa venue at dito si boss aayusan at bibihisan.




Nahagip naman ng paningin ko si Jace na panay ang tingin sa malaking salamin.




"Mabasag 'yang salamin Jace papalitan mo 'yan," sabi ko.




Nilingon naman ako nito—




"Bakit Azerine? Pati ba naman salamin pinagseselosan mo? Huwag kang mag-alala sayo lang ako titingin," aniya,  sabay kindat.




At kailan pa lumakas ang loob ng lokong 'to para asarin ako? Magsasalita na sana ko nang magsalita si Tres.





"Jace, akala ko ba ako lang bebeloves mo?" sabay nguso niya.




Putcha! Kadiri!




"Pfft! Tuwing gabi Tres, jowa kita pero pag araw jowa ko si Azerine, di ba Azerine mylabs!" aakmain niya sana akong akapin pero umiwas agad ako.






Taena!





"Tang*na, Jace! Tigilan mo 'ko nakakapandiri," bulyaw ko.




"Ganoon ba, Jace, sige! Pwede ko rin naman jowain si Azerine pag araw di ba? Para patas naman di ba? Halika nga rito papa Azerine, pakiss nga muna pampa good luck lang sa trabaho ko mamaya," wika nito, nang aakmain akong halikan, putchaaa!




"Tigilan niyo kong dalawa!" Bulyaw ko sa kanila.




Dahil hawak nila ang magkabilang braso ko.




"Taena, Azerine! Di mo naman nasabi sa'min na bakla ka na ngayon," biglang wika ni Hope, na kararating pa lang at nakapamulsa, bihis na bihis 'tong dalawa ah.





"Pfft! At dala-dalawa pa! 'Yong isa power ranger, este! Porener pa!" segunda pa ni Winston.





"Taena niyong dalawa! Dumagdag pa kayo!" sabay tawa nilang apat!





Taena, talaga ng mga 'to! Ang lakas ng trip! Binitiwan ng dalawa ang braso ko, tsaka naman lumapit 'yong dalawang tomboy.





"Sino naman 'yang porener?" tanong ni Winston. Habang sinisindihan ng lighter ang yosi niya.




"Si Tres Westly, 'yan makakasama mo," sagot ko.




Nakita kong tumaas ang kilay niya at ganoon din si Hope.





" 'Yan? Makakasama ko? May alam ba 'yan?" tanong ni Winston, sabay hithit at buga niya sa usok ng yosi.





"Kilala mo, si boss," sagot ko.





Alam niyang hindi kukuha si boss ng walang alam.





"Okay, sige. Good luck, sa atin mamaya," ani Winston.




"Sa kanya ko sasama?" tanong sa'kin ni Tres.




"Oo nga,"sagot ko.




Kulit ng banyaga na 'to, parang bingi eh!





"Ayaw mo ba, banyaga?" tanong ni Winston kay Tres.





"Gusto syempre, buti nga di ako nag-iisa," sagot ni Tres.





"Sige, tingnan natin mamaya kung hanggang saan ang kaya mo," sabay hagis niya ng baril kay Tres, at salo naman nito.




Hindi na nagtanong pa si Tres, at itinago na ang baril sa suot na tuxedo niya.





"Ikaw! Hope, saan ka naka toka?" tanong ni Jace kay Hope.





"Sa puso mo" sagot nito.





Baklang tomboy, putcha!





"Talaga, Hope? Pakiss nga" ani Jace at akmang hahalikan si Hope pero—





"Putcha! Biro lang 'yon, Jace!" Ani Hope, na unti-unti nang lumalayo kay Jace.





"Walang biro biro sa'kin! Halika na Hope baby mylabs!" sabi ni Jace, habang hinahabol si Hope.





Anak ng putcha talaga! Hahahahaha!





"Taenaaa..." Si Hope, haha.





Hinahabol siya ni Jace nakatingin kami sa dalawa nang may lumabas sa pinto.





Napatitig ako sa kanya, at pati rin ang apat ay napalingon sa babaeng lumabas sa pinto.






Mula sa kanyang noo hanggang sa likod ng kanyang buhok, ay napapalibutan ng ginto na animo'y korona at pawang sinasabi kung ano ang katayuan niya sa kanyang banwa. Dagdag pa ang mahahabang gintong hikaw, at ang kanyang mga pulsuhan na pinalilibutan ng porselas na bilog na bulawan na hindi bababa sa bilang na sampu. Dagdag pa ang kanyang gintong kwintas na mahahaba, at may maninipis na hibla na hanggang sa kanyang pusod.




Ang kulay ng suot niya ay pulang satin, at kulay ginto na nagtatakip sa kanyang mga dibdib, maging ang mahaba nitong saya. Ang nagsisilbing sinturon sa kanyang baywang ay purong nangingislap na bulawan, kitang-kita ang mapuputi niyang balat at nakadagdag pa sa kanyang kaakit-akit na wangis. Ang kanyang buhok na tuwid na kulay itim, makintab at ang haba ay hanggang baywang.







"Huwag niyo akong tingnan ng ganyan," nagising ako sa sinabi ni boss.




Nakita kong nakanganga 'yong dalawang tomboy, at 'yong dalawang lalake naman ay nawala sa pagkakatitig kay boss nang marinig ang sinabi nito.





"Pfft! Woi! Hope! Winston! Taena! Gising!" Pinagbabatukan ko 'yong dalawa.





"Aray! Takte! Azerine, ang sakit no'n ah!" daing ni Hope, sabay hawak sa batok niya.





"Ang sakit nga, hayup!" saad pa ni Winston.





"Ano? Gising na kayo? Bai natin 'yan! Makatitig kayo parang ngayon niyo lang nakitang nagbihis Binukot si Huadelein," bulyaw ko sa kanila.





"Taena naman, Azerine! Ngayon ko lang kasi ulit nakitang nagbihis ng ganyan ang Bai," sagot na nakanguso ni Hope.





"Oo nga, ako nga rin eh!" sagot rin na nakanguso ni Winston.





"Mga nguso niyo!" bulyaw ko uli sa dalawa.





"Tama na 'yan, hali na kayo at magtungo na tayo sa kasiyahan," wika ni boss.





"Boss, e-este! Bai, maari ba na itakip ko muna sa'yo ang amerikana ko?" tanong ni Jace.





Kita kasi pusod niya eh, masyadong sexy.





"Huwag mo sirain ang iyong ayos, Jace. Ito ang kasuotan ng Bai kung kaya't huwag mo akong alalahanin," sagot ni boss.





"Masusunod, Bai," tugon ni Jace.





"Ano pang hinihintay niyo?" tanong ng Bai.





"Umpisahan na natin 'to!" wika ko.





At lumakad na kami na pinangunahan ni boss, na inaalalayan nina Jace at Tres kapag kinakailangan.


















Sagigilid Milan's PoV




Naghahanda ako ng hapunan ni Bai Hera, hindi siya pinasama ng Rajah sa kasiyahan sa kadahilanan nito na malayo ang kinaroroonan ng pagdarausan nito, at hindi rin maari na siya'y lumabas ng kanyang bukot.





"Milan! Ano't naririto ka pa? Ito ang gabi ng kasiyahan ng iyong Baing ipagkakasundo sa isang Ginoo" wika ni Sima.




"Sima, huwag kang maingay. Si Hope na tapat na kaibigan ng aking Bai ay nagsadya rito kahapon, at pinagbilinan ng aking Bai na huwag akong sumama sapagkat may panganib na magaganap," aking salaysay.





"At anong panganib itong sinasabi ng kaibigan ng iyong Bai?" kanyang tanong.




"Sapantaha ko'y itatakas nila ang aking Bai, mula sa Ginoong ipinagkasundo sa kanya."




"Ito ba'y masamang senyales?" tanong ni Sima.




"Hindi, Sima. Sapagkat ito'y mabuting senyales, ngunit nasa panganib pa rin ang aking Bai kung kaya't mananalangin ako kay Laon at sa mga Diwata na patnubayan ang aking Bai."














Zero's PoV



Kanina pa kami naririto sa venue at ang ibang mga kasama namin ay nasa table na, ang iba naman ay nakikipag-usap sa ibang mga bisita. Napakaraming panauhin para sa Engagement Party na 'to. Hindi sila ordinaryong mga tao lang, ang mga nasa unahan pakiwari ko ay mga sultan at mga Datu kasama ang kani-kanilang mga sandig.





Nakita ko ang ama ni Nemesis na kararating lang. Si Santiago Nemesis, na may tabako pa sa bibig nito kasama niya ang mga tauhan niya na hindi bababa sa bilang na tatlumpu.




Napansin ko ang mga mandirigma ni Rajah Bagani na nagkalat sa buong venue, kilala ko ang mga mandirigma ng Rajah kaya hindi ako malilito kung sino ang kalaban.




"Kuya Zero! Si Argo nga pala!" biglang sulpot ni Dos at pakilala sa kasama niya.





Teka may kasama pala ang isang 'to?




"Inimbita mo?" tanong ko.





"Ah hindi. Kuya, invited sila ng Tito niya rito sa party business man kasi tito niya," sagot ni Dos.




Sino naman ang kasosyo ng tito niya sa negosyo? Ang Delzado o Nemesis?




"Sinong ka sosyo ng tito mo sa negosyo?"  tanong ko.





"R-Rajah, 'yon ang tawag ni tito sa kasosyo niya sa business," sagot nito.




Marami talagang kasosyo sa nesgosyo si Rajah Bagani, magaling kasi magpalago ng kumpanya.




"Sige, kuya! Maglilibot muna kami," paalam ni Dos.




"Dos, 'wag ka masyado malibang sa mga babae ah," paalala ko pa.





"Pfft! Isang babae lang gusto ko kuya!" sabi nito.





"Sige, mag-gala muna kayo ni Argo, ui! Ingatan mo camera ko Dos!" paalala ko.





Sabay saludo nito sa'kin at talikod na nilang dalawa.





"Imbitado ka pala, Zero," wika ng babaeng nasa likod ko, at agad ay humarap ako sa kanya.






"Oo. Bai Helena, namiss mo ba 'ko?"

















Azerine's PoV




Saktong 7:30pm nang makarating ang sasakyan namin dito sa venue. Lumabas na kami ng kotse tatlong sasakyan ang dala namin, syempre! Kaming tatlong tomboy lang naman ang merong kotse eh! Gwapong bumaba ko ng kotse. At pupuntahan ko na sana si boss sa backseat, para sana alalayan sa pagbaba niya pero taena! Nauna na si Tres na banyaga, nakababa na kaming lahat nang magsalita si boss.





"Hanggang anong oras mo balak hawakan ang aking kamay Tres?" wika ni boss.





Pfft!





"Huli ka balbon!" sabi ng dalawang tomboy.





"Tyansing pa!" ani pa ni Jace.






Pfft! Hahahaha.






"S-sorry. Boss, di ko sadya," wika ni Tres.





At lumakad na kami papasok ng venue.





"May apatnaput limang minuto lang kayo para gawin ng tama ang trabaho na naaayon sa plano" sabi ni boss. "Mahalaga ang bawat minuto" dagdag niya, "kaya huwag kayong mag-aksaya ng oras" paalala niya.





"Yes! Boss!" Sabay-sabay naming sagot.





"Nais kong kasama kayo sa pag-alis sa lugar na ito, walang mahuhuli at walang maiiwan," wika ni boss.





Concern talaga ang Bai ko.





"Yes! Boss!" Sabay-sabay naming sagot ulit.




"Sa loob ng ilang minuto, ay magsisimula na ang tunay na kasiyahan," dagdag niya.






"Yown!" sagot ng dalawang tomboy dahil 'yan naman gusto nila, adventure!







--






"Azerine, lalakad na kami," paalam ni Winston kasama si Tres.




"Sige, dito lang ako," ani ko habang nakatanaw sa stage dahil nandoon na sina Huadelein at Cyrus Nemesis, umalis na ang dalawa sa harap ko.




Nahagip ng paningin ko ang grupo ng Boss's group na pinangungunahan ni Knight Fuego, at ang katabi nito ang grupo ni Sicatrose Fallaso ang Black society. Kasunod ang Clown's group ni Clauzmin Vin Trevor kasama si Nicho Peterson, ang dalawang grupong huling binanggit ko kapag katabi mo sila parang katabi mo na rin ang kamatayan.





Napansin ko rin si Vano Collin at si Gabriel Richmen kasama ang grupo nito.




Sana mapabilis ang pag off ng cctv's bilisan niyo Winston at Tres.
















Dos's PoV




Magkasama kami ni Argo na naglilibot sa venue at nasa itaas kami ngayon, mukhang mayaman talaga ang nagpa-party para sa engagement party na 'to. Ang daming bisita na halatang galing sa mayayamang pamilya, motif nga ng venue gold, red at white.




"Dos, may kilala ka ba sa mga tao rito?" tanong ni Argo, na nakatingin sa ibaba.




"Wala bukod kay kuya, inaya niya lang ako rito," sagot ko, sabay kuha ng picture gamit ng camera ni kuya.




"Siguro, ang ganda ng babaeng nasa stage," wika ni Argo.




"Pati ba naman babaeng malapit nang ikasal, Argo. Papatusin mo pa," sabi ko.





"Pfft! Hindi naman sa ganoon Dos, hindi ko kasi makita ng malinaw ang mukha ng babae dahil malayo tayo, kuhanan mo kaya," suhestiyon niya.





Talaga 'tong si Argo.





Sinunod ko naman ang sinabi niya na kunan ko ng picture ang babaeng nasa stage, at— teka! Ba't parang may kamukha 'tong babae, kinuhanan ko siya ng ilang litrato at nang i-zoom in ko ito—








"Tang*na, pare!"







"Bakit, Dos? Anyare sa'yo?"





Tiningnan ko uli 'yong picture para masigurado ko kung siya nga 'to.







Tang*na. Siya nga 'to!










"Si Huadelein, 'yong babae


















Jace's PoV






"Baby boy, nakikiliti ako" halinghing nito.





Nasa isang kwarto ako ngayon kasama si Penelope Huggins, magandang babae siya 'yon nga lang napakabilis bumigay! At ang mga tauhan niya nasa labas nitong kwarto.





"Baby boy pwede bang isa pa!"





"Walang problema, honey"





Sabay halik ko sa mga labi niya.





"Nasaan ba ang kaliwa mong kamay baby boy?" Biglang hinto niya.





"Nasa bewang mo" sagot kong nakangiti.





"Alam mo, gustong-gusto kong nagsasalita ka babyboy pero dito dapat ang kaliwa mong kamay." Bulong nito sa mga huling salita, sabay inilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya.





Iba rin talaga ang babaeng 'to napaka wild, hinalikan niya ako at siyang tugon ko naman.





Hanggang anong oras ko kaya gagawin 'to? Ang tagal ng hudyat.















Zero's PoV






"Sa palagay mo namiss kita Zero? FYI ni minsan hindi kita namiss 'no!" sagot niya, "At baka nakakalimutan mo kasintahan ko si Prince" dagdag niya.





Prince na babaero. Pero ang cute niya inisin haha.





Lumapit ako sa kanya atsaka bahagyang idinikit ang labi ko sa tainga niya.





"Alam mo ang problema sa'yo Bai Helena, hindi ka marunong pumili ng tamang lalake mas pinipili mo 'yong hindi ka pinahahalagahan," bulong ko sa kanya.





"Bawiin mo 'yang sinabi mo!" mariin niyang bulong.




"Hindi ko babawiin ang sinabi ko, dahil alam nating dalawa kung ano ang kalokohan ng kasintahan mong si Prince," sarkastiko kong sagot atsaka ngitian ko ito.




Nakita ko sa kanya ang pagkainis atsaka ko umalis. Ang sarap mo talagang inisin, Binibining Helena.





At narinig ko na ang emcee na nagsalita.





"Magandang gabi sa inyong lahat, nais kong ipakilala at banggitin ang mga nagpasimula ng kasiyahang ito"





"Ken, hintayin mo ang hudyat ko," sabi ko sa kabilang linya sa earpiece ko.





"Sige, Zero. Huwag kang mag-alala, pinatulog ko na ang mga bantay rito," sagot niya.







"Mabuti."















Dos's PoV




"A-ano? Baka namamalikmata ka lang Dos," anito.




Ipinakita ko sa kanya ang picture.




"Woah! S-si Huadelein nga a-ang Ganda putcha!" saad niya, pero nang mapansin niya na masama ang tingin ko sa kanya tsaka ito nanahimik. " Relax! Sa'yo si Huadelein, may Azerine na 'ko Dos," sabi nito, sabay tapik sa kaliwang balikat ko.







Ang malaking tanong ngayon, bakit? Totoo ba 'to? Sila at 'yong katabi niyang lalaki ang dahilan ng engagement party na 'to?





Tang*na! Iniisip ko pa lang 'yon umaakyat na ang dugo ko sa ulo! Baby ko si Huadelein, at walang ibang lalaking pwedeng ikasal sa kanya kundi ako lang!





"Dos! Okay ka lang?" tanong ni Argo.




"Hindi ako magiging okay hanggat katabi ni Huadelein ang lalaking 'yan!" sabi ko, habang nakatitig kay Huadelein.





"Dos, kung anuman 'yang iniisip mo huwag ngayon!" wika nito sa'kin.





Itinutok ko uli ang camera ko sa babaeng nasa stage.





Tumingin ka rito Huadelein...





Isang lingon lang sa'kin...






"Tumingin ka rito Huadelein, isang lingon" at saktong lumingon siya sa'kin dito sa itaas at sabay baba ko ng camera, sabay kaway ko.





"Anong ginagawa mo, Dos!" sabi ni Argo.




Itinutok ko uli ang camera kay Huadelein, at para bang sa hitsura niya ay nagtataka ito at nakatingin pa rin siya sa gawi ko, habang ikinakaway ko ang isang kamay ko.





"Dos, itigil mo 'yan!" pigil sa'kin ni Argo.




Nagsasalita ang emcee sa ibaba at malakas ang speaker, takte! Paano ako mapapansin ni Huadelein dito, eh ang layo ko!




Dali-dali akong tumakbo.





"Ui! Dos, putcha! Hintayin mo ko!" sigaw ni Argo, na agad ay sumunod sa'kin.





















Winston's PoV





"May bantay sa loob, sigurado 'yan," wika ni Tres.





"Eh, di patulugin!" sagot ko.




"Pagbukas ko ng pinto alam na," sabi ni Tres, sabay kasa ng baril nito, na ibinigay ko kanina lang.





Mukhang naturuan na 'to ni Azerine.





"Isa, dalawa, tatlo!" sabay bukas niya ng pinto, at tutok namin ng baril sa mga bantay sa loob at pinagbabaril ang mga ito.




"Asintado ka naman, Tara na! Gawin na natin 'to" ani ko, pero biglang may pumasok na anim na lalake.





Binaril ko agad ang isa, at tumumba naman ito agad.




"Ooohps! One down!" sabi ko.




Aakmain na lapitan ako ng isang lalaki pero hinarangan agad ito ni Tres gamit ng hawak niyang upuan, itinutulak din ito ng lalaki pero mas malakas si Tres kaya natumba ito at agad niyang pinilipit ang leeg ng lalaki.





May natitira pang tatlo, kaya pinagbabaril ko sila agad.




"Tara na! May hinahabol tayong oras," sabi ko, pero may pumasok pang tatlong lalaki.




"Tres! Maupo ka na diyan at gawin mo na ang dapat gawin, ako na ang bahala sa mga asungot na 'to," saad ko.




"Sigurado ka ba?" tanong niya.





"Oo. Kaya gawin mo na 'yan, mahalaga ang oras," sabi ko.




Sabay hampas ko sa ulo ng lalaki ng isang bote ng alak, meron pala nito rito?





"Sandali lang 'to, Winston. Madali lang 'to" wika niya, sabay kumindat pa ang loko sa'kin.





Anong akala niya sa'kin babae? Tsk! Tsk!


















Huadelein's PoV



Hindi ko batid ngunit may lalaking kumakaway mula sa itaas, hindi ko makita nang malinaw ang kanyang mukha dahil malayo ang distansya ko sa kanya.




Sino ba ang lalaking iyon? At tila ba ako ang kanyang kinakawayan.





"Is there a problem, honey?" tanong ni Nemesis.




Ngunit, nawala na ang lalaki sa itaas nang tumingin ako muli roon.






"Wala," tugon ko.





Ngunit may nakaagaw ng aking pansin, may dalawang lalaking tumatakbo.






"Nais kong ipakilala sa inyo ang" ani ng Emcee.





At tila ba na patungo sa akin ang isang lalaki, at naramdaman ko ang nakabibinging tibok ng aking puso nang mapagtanto kung sino ang lalaki.








"Dos..."







"HUADELEIN DELZADO!" sigaw niya ng aking ngalan.






Hindi ko batid ngunit naghahalo ang aking emosyon, nagagalak at kinakabahan.







"si Ginoong Cyrus Nemesis at " patuloy  ng Emcee.






Waring wala akong nakikita na ibang tao, kundi ang lalaking tumatakbo patungo sa akin.







"HUADELEEEEIN!!!" sigaw nito sa aking ngalan.







Napatayo ako sa aking kinuupuan, nais ko siyang salubungin.







"Huadelein Delzado" patuloy ng Emcee.






Paakyat na sana ito, at akin na sanang aabutin ang kanyang kamay nang magdilim ang buong paligid.
















Zero's PoV






"Ken, ngayon na!" utos ko.




"Masusunod, boss," sagot nito, at nagdilim na ang buong paligid.




"Pagkatapos ng tatlong minuto tsaka mo buksan ulit ang ilaw," sabi ko sa kabilang linya.




Ang misyon ko ngayon ay tiyakin na makakaalis ng ligtas ang Bai.



















Winston's PoV



Patuloy ang pakikipagbuno ko sa dalawang lalaki, pinatumba ko na 'yong isang kasama nila kaya dalawa na lang, pero anak ng panty! Ang tagal naman ni Jace sa ginagawa niya.




"Na access mo na ba?" tanong ko, habang nakikipagbalyahan sa dalawang kalabang lalaki.





"Ito na! Konti na lang" sagot niya.





"Pwede bang bilis-bilisan mo," sabi ko. Sabay suntok ko sa isang lalaki at sa isa pa.





"Na off ko na!"




Sabi niya at biglang namatay ang mga ilaw, binuksan niya ang flashlight sa cp niya at agad binigyan ng suntok ang dalawang lalaki.





"Tara na! Umalis na tayo rito" aniya.




















Hope's PoV



Nang mamatay na ang mga ilaw palapit na sana ako kay Azerine, pero may naaninag akong babae na papalapit sa kanya at may hawak na baril.




Nang itututok ko na sana ang baril ko sa babae bigla itong natumba na agad, at nakita ko si Zero na may hawak na baril na may silencer.





"Azerine! Maging alerto ka naman," sabi ni Zero, at para bang nagulat pa ito nang magsalita si Zero.




"Bakit may kalaban ba?" tanong ni tomboy.





"Oo, tumba na nga eh!" saad ko.




Sabay tingin niya sa paanan niya, pero pinigilan ko na ito dahil wala na kaming oras.




At mukhang nag-umpisa na ang laban sa pagitan ng mga grupo ng underground organization, dahil nakarinig na kami ng ilang putok ng baril.





"Kailangan niyo ng umalis dito, pumunta na kayo sa tagpuan niyo," ani ni Zero.




"Sige, hahanapin muna namin ang Bai" sagot ni Azerine.




"Hindi na! Ako na ang bahala, titiyakin ko na makakapunta ng tagpuan niyo ang Bai, kaya lumabas na kayo," aniya.





"Sige!" sagot ko.





"Hindi! Hindi ako lalabas hanggat di ko kasama ang Bai ko!" pagmamatigas ni Azerine.





"Huwag ka ng magmatigas, Azerine halika na!" Hila ko sa kanya, at tumakbo na kami, "Magtiwala ka kay Zero," sabi ko sa kanya.





"Saan kayo pupunta?" tanong ng isang lalaki.





Pero binaril ito agad ni Azerine at natumba, nakita ko na may mga kasama pala ito at mabilis itong pinagbabaril ng tomboy. Mainit ang ulo ah!


















Huadelein's PoV





Nang biglang dumilim ay may humawak sa aking braso.






"Babae..."






Dinig ko sa kilala kong boses, hindi ko siya maaninag dahil madilim.





"Gunggong?" pagti-tiyak ko.




Paglingon ko ay nakita ko si Gunggong, at nakatapat sa mukha nito ang ilaw na nagmumula sa kanyang telepono.





"Ikaw nga!"





"Ako nga Huadelein, kaya halika na ilalayo kita rito," anito.




At hinawakan niya ang aking kamay, tatakbo na sana kami nang may humawak sa kaliwa kong braso.




"At saan mo dadalhin ang mapapangasawa ko?" mariing tanong niya.




"Eh di! Ilalayo ko sa'yo! At ano ang mapapangasawa na pinagsasabi mo? Itong kamao ko, asawahin mo!" sabay suntok niya sa mukha ni Nemesis, at sinuntok niya pa ang kabila dahilan upang matumba ito.





Hinila niya agad ang aking kamay at agad ay umalis sa entablado. Tumatakbo na kami paibaba sa emergency exit nang bumukas ang mga ilaw. At huminto sa pagtakbo ang gunggong at sandaling pinagmasdan ako nito, hinubad niya ang amerikanang suot niya at ipinatong ito sa mga balikat ko.





"Napakaganda mo sa ayos mo ngayon. Huadelein, pero kailangan takpan," wika nito.




At nagpatuloy na kami sa pagtakbo, ngunit nang makababa na kami sa malawak na garahe ay may mga humarang sa amin na mga lalaki, na nasa bilang na lima.





"Dito ka lang babae, ako na ang bahala rito," nilapitan niya ang mga ito agad, at nakipagbuno siya sa mga ito.














Jace's PoV



Namatay na ang mga ilaw lahat-lahat pero narito pa rin ako sa isang kwarto kasama si Penelope Huggins, at nang saktong bumukas ang ilaw ay bumitiw agad ito sa'kin.





"Anong problema, honey?" tanong ko.



"Uutusan ko ang mga boys para alamin ang nangyari" sabi nito sabay haplos sa mga pisngi ko.




"Huwag, dito ka na lang" pero nagsalita ito agad.





"Okay, alam ko naman ang ginagawa mo eh" wika nito. Sabay halik sa labi ko, "masarap halikan ang mga labi mo, kaya hindi ako makikialam at ang boys ko sa gulo" bulong nito sa tainga ko, atsaka yakap nito sa'kin. "Sige na, tulungan mo na ang mga kasama mo marami pang araw na pwede tayong magkita babyboy." At sabay halik nito sa labi ko.





"Makakaasa kang magkikita pa tayo ulit," sabay halik ko sa kanya, at umanyo nang lumabas ng kwarto.
















Penelope's PoV





"Ma'am, nagkakagulo na po sa baba, tutulungan po ba natin sila Sir Nemesis?" tanong nito sa akin.




"Hindi tayo makikigulo sa kanila, ihanda ang kotse at aalis na tayo..." Utos ko.




"P-pero ma'am"




"Bingi ka ba? Ang sabi ko aalis na tayo! Ngayon din!" At lumabas na ako ng kwarto.





Ang gwapo kasi ni Jace makalaglag panty ang dating ng lalaking 'yon, alam ko naman na una pa lang nilalansi na niya ako pero masyado kasi siyang gwapo kaya bumigay agad ako. Magkikita pa tayo Jace...


















Winston's PoV




Narito na kami sa lugar kung saan kami magkikita-kita nila boss pero wala pa rin sila.




"Nasaan na kaya sila, boss?" tanong ko.




"Hindi ko rin alam, pero sana wala na siya sa stage," sagot ni Tres.




Kami ang nauna rito na dumating wala pa ang iba.




"Si Jace, na yata 'yon oh!" saad ni Tres.





Si Jace nga!





"Anong hitsura 'yan Jace?" tanong ni Tres.





"Pfft! Pinagsamantalahan ako ng magandang babae!" sagot nito.





Nakalaylay ang necktie niya at wala sa pagkakabutones ang ang polo niya. Putcha! Di man lang nag-ayos 'tong hayup na 'to bago lumabas.





"So, kumusta naman?" tanong ni Tres na ngiting-ngiti.





"Ang sarap, Tres! Tang*na, hahahaha," sagot pa ni Jace.




"Siraulo! Di mo man lang ako inaya," ani pa ni Tres.




Pinag-uusapan ng dalawang 'to? Tsk! Tsk!




"Di mo ba nakita sila Azerine sa loob?" putol ko sa usapan nilang dalawa.





"Hindi eh," sagot niya.





"Pumasok kaya tayo sa loob?" tanong ni Tres.





"Hindi tayo pwedeng bumalik sa loob, delikado dahil nagkakagulo na at kailangan natin maghintay rito, magtiwala tayo kay Zero at kay boss," wika ko.







-------




Itutuloy...













-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top