Kabanata XV: Halik

















Kabanata XV: Halik







---






Jace's PoV




Mag-aalas kwatro nang hapon at nasa hallway kami— ako, si Azerine at Tres, pinag-uusapan namin ang plano para bukas at ang naka toka sa cctv camera room, si Tres.




"Medyo kinakabahan ako pero sige gagawin ko ang best ko" ani Tres.




"Siguraduhin mong mapapatay mo ang lahat ng cctv camera," wika ni Azerine.




"Basta gagawin ko, ngayon pa lang ako matotoka sa gantong gawain," ani pa ni Tres.




"Ikaw, Jace may itotoka ko sayo--" sabi nito sa akin.




May ibinigay siya sa'kin na picture ng isang babae.




"Ano 'to? Anong gagawin ko rito?" tanong ko.




"Diyan ka nakatoka, 'yan ang bagong lider ng White Society, si Penelope Huggins 27 years old. Mahilig sa gwapong lalaki," saad ni Azerine.





Anong misyon ko rito? Ang lumandi sa isang babaeng mas matanda pa sa'kin ganoon ba?




"Anong gagawin ko?" tanong ko.




"Alam mo na 'yon hanggat hindi pa nailalayo ang Bai kay Nemesis, ang gagawin mo lang ay lansihin siya para hindi niya mautusan ang mga tauhan niya sa gitna ng laban," saad ni Azerine.




Kuha ko na, madali lang naman ang ipinapagawa niya.




"Sige, ako na ang bahala kay Penelope Huggins," sagot ko.




" 'Yong mga suit niyo ibibigay ko mamaya dahil nasa bahay 'yon ni tomboy," dagdag ni Azerine.





"Eh! Ikaw, Azerine? Anong gagawin mo?" tanong ni Tres.




"Magmamatiyag sa paligid, at hihintayin ang hudyat sa pag-uumpisa sa pagsira ng party," sagot ni Azerine.




"Ganoon lang? Madaya! Di ka magbibihis babae?" tanong ni Tres.





Pfft! Langya!





"Pfft! Hahahaha! Taena! Tres, ibang klase ka rin magpatawa ah! Hahahaha," sabi ko habang tumatawa may punto naman kasi si Tres.




"Bakit hindi ba? Formal party 'yon, ang babae dapat naka dress hindi naka tuxedo," dagdag pa ni Tres.





Hahahaha iba rin ang isang 'to mang-asar.





"Oo nga naman, Azerine. Magbihis babae ka kahit naka men hair cut ka," dagdag ko pa.




"Tang*na, niyong dalawa!" bulyaw niya sa amin.




"Hahahahaha," sabay naming tawa ni Tres.




Pulang-pula na ang mukha ni Azerine sa inis, sabay napahilamos ito sa mukha niya.




"Taena, kung di lang inutos ni boss at kung ako lang masusunod, di ko kayo pagagawan ng tuxedo," ani Azerine.




"Salamat Azerine, labyu," panunukso ko pa.




"Hayup talaga" ani pa ni Azerine.




"Ang galing talaga ni Azerine, pa halik nga" dagdag pa ni Tres.




Taena!




May itinatago rin pa lang kalokohan 'tong si Tres, buti nga dumating 'to sa grupo dahil kung hindi mananatili akong pinagt-tripan ng tatlong tomboy.




"Tang*na niyo! Mga buset! "




"Hahahahaha!" sabay tawa namin ni Tres, habang si Azerine lumakad na palayo sa amin.



"Isa pa lang 'yan Tres, hindi mo pa nakikita 'yong dalawang tomboy," ani kong nakangiti.



"Ganoon ba? Eh di mas masaya! May dalawa pa tayong pagt-tripan," aniya.




"Baka ikaw pa pagtripan ng mga 'yon, lalo na kapag magkakasama ang tatlong amasona," sabi ko.




"Hahahaha ganoon ba? Eh di! sakyan natin," nakangisi niyang sagot.













Zero's PoV




"Kuya Zero, di ka pa ba uuwi?"  tanong nang nasa kabilang linya.



Namimiss na naman ako nito.




"Bakit, Dos? Miss mo na 'ko? Haha!"



"Syempre! Namimiss kita, kuya pero si mama kasi namimiss ka na no'n, kuyabakit di mo na lang kasi sundin si mama na sa bahay ka na lang umuwi," aniya.




Kapatid ko si Dos sa ama, paano nga ba nangyari na ang mama ni Dos ang kasama ng papa ko ngayon? Maharot kasi nanay ko noong kabataan niya, hayon! Nabuntis nang hindi alam ni papa. At 6years old ako nang makilala ko si papa at kapapanganak pa lang ni Dos. Ang mama niya, napakabait hindi ako itinuring na iba, napakalambing at maasikaso, buhay prinsipe ako kapag nasa bahay pero syempre kailangan ko magtrabaho.




"Uuwi rin ako" sagot ko.




"Uuwi! Sus! Pinapaasa mo lang kami ni mama," sagot naman niya.




Hindi naman sa pinapaasa ko sila pero may trabaho kasi ako na dapat kong gawin.




"Ganito na lang, sumama ka sa'kin bukas" sabi ko.




"Saan naman?"




"Sa isang engagement party"




Isasama ko na lang siya bukas, may plano 'ko.




"Kuya, may gusto akong babae" anito.




Heto na naman po siya, may gusto na naman siyang babae.



"Lagi ka naman may gustong babae, Dos! May bago pa ba do'n!"




"Kuya naman, iba naman ngayon malakas yata ang tama ko sa babaeng 'to," sagot niya.




Inlab ang lokong 'to! Ngayon lang 'to nagsalita nang ganyan tungkol sa babae. Inilipat ko sa kanang tainga ko ang cellphone ko, nang mapakinggan ko ng maigi ang sasabihin niya.





"Eh di! Ligawan mo," simpleng sagot ko.





"Paano ko liligawan? Eh! Hindi nga man lang ako tapunan no'n ng tingin parang hindi tinatablan sa'kin, tapos may bantay pang mga bakla at isang tomboy," sagot niya.




" 'Yon lang! Hindi makakalusot ang tulad mong lokoloko sa mga kaibigan niya," sabi ko pa.




"Pero kuya, gusto ko talaga 'yong babaeng 'yon kahit medyo parang tomboy"



"Hinaharas mo yata kasi huwag mo kasi harasin," ani ko.




"Isang beses ko lang naman ginawa 'yon"



Taena talaga! Kapatid ko nga 'to.




"So, ginawa mo nga! Loko ka talaga oh! Basta bukas ah, sasama ka sa'kin. Ihahatid ko susuotin mo tapos diretso na tayo sa party," paalala ko.




"Anong oras tayo aalis?" tanong niya.




"Mga alas kwatro medyo malayo eh," sagot ko.




"Sige kuya!"




Ayos!




"Sige, baba ko na 'to baka andiyan na teacher niyo, ikumusta mo 'ko kay mama," paalam ko.




Ikaw ang may mahalagang papel bukas Dos, wala akong tiwala kay Red kaya sa'yo ko na lang iaasa ang trabaho na 'to.













Sagigilid Milan's PoV




Abala kami sa pagkuha ng mga bungang kahoy nang magtanong si Sima.




"Hindi ba't bukas na ang malaking piging para sa pagkakasundo nang iyong Bai?" tanong niya.




"Oo, Sima. Ngunit hindi pa umuuwi ng balay ang aking Bai," aking tugon.




"Kung gayon, baka hindi na sumipot pa ang iyong Bai sa kasunduan," tugon nito.



"Huwag kang maingay, Sima," tumingin muna ako sa paligid dahil may mga dumaraan na mandirigma. "panalangin ko nga, na huwag nang dumating ang aking Bai sa kasiyahan" aking wika, ngunit agad din itong naputol nang magsalita si Sima.




"Anong sinasabi mo, Milan? Siya'y iyong Bai, hindi ba dapat ay matuwa ka, sapagkat siya'y ipagkakasundo na sa isang Ginoo?" aniya.




"Batid kong hindi ito kagustuhan ng aking Bai, sapagkat noong maliit siya palagi niyang sinasabi sa akin na magpapakasal siya sa wastong gulang. At sa taong tunay niya lamang na minamahal kaya't batid ko ang kanyang damdamin, ang kanyang pag-uugali ay kabisado ko."




"Kung gayon, bakit siya'y magpapakasal? Balita ko nga sa aking Bai, ay mamadaliin ang pagpapakasal ng kanyang kapatid na Bai Huada," wika ni Sima




Mamadaliin?



"Bakit ngayon mo lamang ito iwinika sa akin, Sima? Ang aking Bai ay nasa panganib."




"Anong panganib ang iyong sinasabi, Milan?" Kanyang tanong.




"Tiyak ako na may nangyayaring panggigipit sa Rajah, kung kaya't ito ay minamadali," tugon ko.




"Ngunit, sa anong dahilan, Milan?" tanong nito sa akin.




"Iyan ang hindi ko pa batid, Simakung kaya't ipagpatuloy mo lamang ang pakikipagtalastasan sa iyong Bai," aking tugon.





"Oo, Milan," kanya naman tugon.




"Panatilihin mong lihim ang ating pinag-usapan, Sima. Tayo na, at ipagpatuloy na lamang natin itong pagkuha ng mga bunga," aking wika sa kanya.




At nagpatuloy na sa aming ginagawa.





Hangad ko ang iyong kaligtasan aking Bai, nawa ay pakinggan ni Aba ang aking panalangin.














Dos's PoV



Nakakailang text na 'ko sa tomboy, pero hindi pa rin siya nagrereply. Tsk! Masyado niya naman yatang pinaghihintay ang gwapo, kanina pa 'kong breaktime nagtext hanggang ngayon wala pa rin reply. Teka, teka! Last subject ngayon ah? At Filipino time, ibigsabihin! Kaklase ko siya ngayon, hahahaha! Lagot ka sa'kin ngayon, Huadelein Delzado.





"Pre! Wala pala si Sir Quinis ngayon," sabi ni Cleo.




"Anak ng! Kaya pala Hindi ko nakikita" Hindi ko na itinuloy pa sinasabi ko.




"Bakit Dos? 'Yan naman gusto mo di ba maaga ang uwi!?" dagdag pa ni Argo.



Kaya pala hindi ko nakitang pumasok si Delzado rito sa room dahil alam niyang wala si Sir Quinis, nasira tuloy ang pangarap, este! Ang pagd-day dreaming ko.




"Bakit ganyan hitsura mo, Dos? Para kang nalugi?" Tanong ni Argo.




"Paanong di masisira? Di ko makikita ang pangarap, este! 'Yong babaeng may utang sa'kin," sagot ko, sabay upo sa armchair.



"Sino ba 'yang tinutukoy mo?" tanong ni Argo.




"Si Delzado," sagot ko.




Pero biglang may pumasok sa isip ko.




"Ui! Argo! Di ba close kayo ni Emozencio?" tanong ko.





"Oo. Bakit? Huwag mo sabihin na gusto mo si Emo, sa'kin 'yan si tomboy," pabulong na ani sa huli niyang mga sinabi.



"Baliw! Hindi 'no! Tanungin mo kung nasaan si Huadelein Delzado ngayon, at sisingilin ko ng utang," bulong ko.





"Sige! Sige, tatanungin ko," sabi nito.




At lumakad na papunta kay Azerine.




"Pwapwa! Emooo," malanding tawag niya kay Emozencio.
   



Taena!




"Ano na naman problema mo, Argong bakla!?" Bulyaw sa kanya ni Emozencio, habang nakatutok ito sa cp nito.



"Pa kwiss muna pwapwa Emo" rinig kong sabi ni Argo, na parang bakla kay Azerine.




Hindi ko na pinakinggan pa ang kalandian ni Argo, at tiningnan ko na lang ang cellphone kong wala pa rin reply ni tomboy.



Mayamaya pa ay lumapit na sa'kin si Argo.




"Nasa garden daw, si Huadelein," wika nito.




"Sige, salamat pre," ani ko.



Agad kong kinuha ang bag ko at sabay sukbit sa kanang balikat ko, at lumakad papuntang Garden.










Huadelein's PoV



Napansin kong nanginginig ang telepono ko at si Azerine pala ang nagtext, kanina pa text nang text 'yong gunggong na magkita kami dahil sisingilin niya raw ako.






Binasa ko ang text ni Azerine.


From: Azerine

Boss, hinahanap ka ni Dos.





Sabay patay ko sa telepono, sinisira nila ang pagd-drama ko—





"Narito ka lang pala, babae!"





Uupo na sana ko nang may marinig akong boses dahilan upang mapalingon ako.




"Ano naman sa'yo kung narito ako?"




Inilapag niya ang bag niya sa tabi ng bag ko.




"Hindi mo 'ko nirereplyan kaya pinuntahan na kita rito," aniya.




Ano bang suliranin ng isang 'to? At hindi matigil-tigil.




"Kapag hindi mo 'ko binayaran ngayon, dodoble na utang mo sa'kin," wika nito.




Sandali? Ako ba'y pinagbabantaan ng isang 'to?




"Binabayaran kita ayaw mong tanggapin," aking wika.




"Umupo ka babae, ikaw ang may utang! Kaya huwag kang bastos," anito sa akin.




Seryoso ba siya sa kanyang sinasabi? Umupo ako mula sa pagkakahiga.




"Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?"













Dos's PoV



"Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?" tanong niya sa'kin.




"Oo, seryoso ko!" sagot ko.




Pero napansin ko na parang medyo namumula ang mga mata niya parang galing sa pagkaka-iyak.




"Umiyak ka ba?" tanong ko.




Tang*na! Sino nagpaiyak sa babaeng 'to?




"H-huh? Hindi ako umiyak, bakit naman ako iiyak?" tanong niya, sabay tingin sa ibang direksyon.




"Hindi ka magaling magtago, babae. Kaya sino ang putang*nang nagpaiyak sa'yo!?"




Parang nagulat siya dahil sa tanong ko, napalakas yata boses ko pero agad din nagbago ang ekspresyon niya.



"Bakit ka ba nagagalit?" tanong niya, at tumingin na naman sa ibang direksyon.




"Dahil umiyak ka, galit ako dahil may nagpa-iyak sa'yo!"




Sa pagkakataong ito ay lumingon siya sa'kin, at tinitigan niya ako nang matagal pero lumingon na naman siya sa kawalan.





"Bakit, Dos? Ugali niyo rin namang mahihilig sa babae, ang magpa-iyak," wika niya.





Babaero ako, pero trip trip lang hindi ako nagpapa-iyak ng babae, wala pa naman akong iniiwan. Nakikipag date ako pero hanggang do'n lang 'yon, pagkatapos no'n wala na.




"Hindi ako ganoon, Huadelein. Oo, nakikipag date ako pero hanggang do'n lang 'yon, hindi dumating sa punto na nagpa-iyak ako ng babae kaya nagagalit ako dahil umiyak ka may gag*ng nagpa-iyak sa'yo!"




Humarap siya sa'kin, at sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti.




"Kung gayon, ay ibigay mo na lamang ito sa akin, sapagkat ako lang ang siyang dapat humarap sa suliranin kong ito," sagot niya.





S-sandali, ano?





"A-ang lalim mo naman magsalita, babae" sabi ko, pero—




Nabigla ako nang hilahin niya ang P.E shirt kong suot, dahilan para mapalapit ako sa kanya at nabigla ako nang maglapat ang mga labi namin. Hindi ako nakatugon agad, pipikit na sana ako nang ilayo niya ang labi niya.





Atsaka nagsalita ito. "B-bayad na 'ko, p-paalam!" sabay kuha sa bag niya, at takbo palayo sa'kin.






"HUADELEIN! Bumalik ka rito! BABAE!" Hiyaw ko at hinabol ko siya.







Langya! Ang sarap ng halik kahit smack kiss lang!














Azerine's PoV




Kakukuha lang nina Jace at Tres ng mga tuxedo nila, at ngayon nasa kabilang kwarto na sila dahil bukas sabay-sabay kaming aalis papunta sa venue. Inaayos ko na ang hihigaan ko nang mapansin kong tahimik si tomboy.




"Boss, kung iniisip mo ang magaganap bukas huwag kang mag-alala maayos na ang lahat" sabi ko, pero naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita ito agad.




"Hindi iyan ang iniisip ko, Azerine"



Ano na naman kayang iniisip niya?



"Kung hindi 'yon ang iniisip mo, boss. Eh! Ano bang iniisip mo?" tanong ko.







"Halik..." sagot niya.






Ano raw? Halik? Taena! Nabibingi talaga 'ko pag ganto eh.




"Ano, boss? Sorry, boss medyo nabibingi ako eh," tanong ko ulit.





"Halik  halik! Azerine," sagot niya.




Putcha! Halik nga!




"A-anong meron sa halik, boss?" tanong ko.





"Hinalikan ko ang isang lalaki," sagot niya.




Nagulat ako sa isinagot niya.




"A-ano, boss? Hinalikan mo ang isang lalaki? Naku naman! Boss, isa kang Bai hindi ka dapat basta basta nang nanghahalik lang! Pero, teka! Sino 'yong maswerteng lalaki na hinalikan mo?" tanong ko.




Para kong mababaliw sa sinabi boss na may hinalikan siyang lalaki.





"Si Dos."





Anak ng babaero! Nginaaa!





"Anak ng tupa! Bakit naman kay Dos pa? Takte naman, bosssa babaero pa talaga"




Natigilan ako nang magsalita ito.





"Si Dos ang una kong halik. Kaysa naman isang taong masama ang maging una kong halik, hindi ko iyon masisikmura kaya mas mabuti nang si Dos ang unang nakakamit ng aking mga labi," sagot niya.




"May punto ka naman, boss, pero taena! Babaero pa rin 'yon," sabi ko, na para kong mababaliw.





"Tumigil ka nga sa ginagawa mo, Azerine," saway nito sa'kin.




Pfft! Naglulumpasay kasi ako eh, tumigil ako sa ginagawa ko dahil mukhang inaantok na si tomboy.





-------



Itutuloy...














-Makuha ka sa isang halik! Bwahahahahaha.

-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top