Kabanata XLVIII: Ang Pasya Ng Kusinero












Kabanata XLVIII: Ang Pasya Ng Kusinero





--






Third Person's PoV



Isa-isa nang dumarating ang mga kasapi at pangkat ng organisasyon sa balay ng Rajah, sila'y magiliw na sinasalubong ng mga uripon na may ngiti sa labi. Naunang dumating ang mga itinuturing na higante ng organisasyon, ang may pasimuno ng pulong ngayong gabi. Sina Clauzmin Vin Trevor at Mask Conrad Vushku na lulan ng kani-kanilang pribadong maliliit na salipawpaw. Na sinundan ito ng pangkat nina Vano Collin kasama ang Mercado Brother's, si Zero at ang kasama nitong estrangherong binata.



"Siguraduhin mo lang na hindi magdadala ng gulo 'yang kasama mo," wika ni Red kay Zero. Binalingan ito ng binata, ngunit hindi ito nagsalita pagkat ayaw niya'ng makipagtalo pa sa pinuno ng kanilang pangkat.



"Why, Red? Are you afraid that something bad will happen? Red, here's my back, you are free to hide," panunukso ni Vano kay Red, at tinapik pa niya ang balikat nito. Hilig niya na talaga  tuksuhin si Red, dahil hindi niya ito maunawaan kung minsan.



"Tch!" Naibulalas na lamang ng binata, at sila'y nagpatuloy lamang sa paglalakad patungo sa Bulwagan ng balay.




Sunud-sunod pang dumating ang iba pa. Ang pangkat ni Percy Emocenzio, pangkat ni Sicatrose Fallaso ng Black Society, pangkat ni Knight Fuego ang lalaking may magandang ngiti ng Boss's group, pangkat ni Penelope Huggins ng White Society na walang kupas ang kagandahan. Halos lahat ay nakatuon ang paningin sa kanya, maliban kay Gabriel Richmen— ang pinuno ng Richmen's. At ang pinakahuling dumating ay ang pangkat ni Cyrus Nemesis, kasama ang mga pinsan nito na sina Vergel at Prince.



"Good evening, so you're all here," wika ni Cyrus. Nabaling ang paningin sa kanya ng lahat, lalo na ang estrangherong binata. Na tila may kidlat ang mga mata nito, na bumaling kay Cyrus.



"Paumanhin, Cyrus. Ngunit nasa balay ka ng Rajah kaya magtagalog ka," ani Penelope Huggins.



At tumawa ang mga higante ng organisasyon, dahil sa pananaway rito ni Penelope.



"Paumanhin, Binibini. Nakalimutan kong nasa balay pala ako ng Rajah," wika ng binata na nakangiti, upang bumawi sa pagkapahiya nito. Ngunit ang ngiti nito ay tila may ibang ibig ipa-kahulugan.



"Ang dami mo yatang kasamang tauhan, Cyrus," puna ni Penelope, at tukoy sa mga tauhan ni Cyrus sa likuran nito.



"Huwag mo na lang silang pansinin, Binibini," ani Cyrus sa babae.



Habang nagkukumustahan ang mga bagitong pinuno, ay tila tahimik naman ang magkakapatid na Mercado. Wari sila'y nagmamasid lamang sa paligid, na animo'y alam nila kung ano ang mangyayari sa magaganap na pulong.



Ang mga nakatatanda naman na pinuno na sina Mask Conrad at Clauzmin, ay tila nagpapakiramdaman ang awra sa isa't-isa. May iba sa mga ito— kung noon ay nagagawa nilang magpanggap at ngumiti sa bawat isa ngayon, ay halos hindi sila magkibuan. Abala si Mask Conrad sa paghithit ng kanyang tabako, habang nagmamasid sa paligid nakakatakot ang dating nito. At wala pang nagtatangka rito na lumapit kahit na sino, na nasa Bulwagan ngayon. At waring ganoon rin si Clauzmin, na mas dumilim pa ang pagilid nito.




"Halu! Halu! Mga papa! Kumusta kayo!?" Basag nito sa katahimikan ng dalawang higante. Na awtomatikong ngumiti sa kanya ang dalawa.



"Oh! Percy! Kaibigan, heto at maayos na maayos ako," ani Clauzmin, na nakangiti kay Percy.



"Nakikita ko nga, ang macho macho mo pa rin Clauzmin," saad ni Percy. At hinilig pa ang kanyang ulo sa balikat ni Clauzmin, tila wala itong takot o pakialam kung sino ang kanyang kaharap.



"At ikaw naman, Mask? Naku! Naku! Ikaw na lalaki ka, ha! May dini-date kang pagka sexy-sexy na babae, nakita ko 'yon," panunukso ni Percy kay Mask, na wala man lang pag-aalinlangan.



"Nakita mo pa pala 'yon, ano maganda ba?" Tanong ni Mask, na nakangiti kay Percy.



"Ay! Oo ang ganda no'n, pak na pak! Kinabog ang beauty ko!" Saad pa ni Percy, dahilan upang matawa ang dalawa.



Nabaling ang mga pares ng mata sa kanila ng ilang pangkat at pinuno. Nagtataka, kung sa paanong paraan ni Percy nakakausap at napapatawa ang mga ito— gayong mailap ang karamihan sa kanila sa dalawang matanda.





Sa kabilang dako naman ng balay habang abala sila sa Bulwagan, sa pakikipagtalastasan. Ang Ginoong Isagani naman ay nag-iisa at nakatanaw sa maliwanag na buwan, sa lugar na kung saan madalas ang Bai. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang kanyang kapatid, lubos siyang nag-aalala rito.




"Iloy, ito ba ang inyong kaloob sa akin? Ang maghirap ang aking damdamin? Sa pag-aalala sa aking kapatid? Iloy, huwag niyong pahintulutan na malagay sa panganib ang aking kapatid. Nawala na kayo sa akin, huwag naman sana si Huada. Siya na lamang ang nagpapa-alala sa akin sa inyo," panaghoy ng Ginoo, sa kanyang namayapang Iloy.



Tila ang damdamin nito ay punung-puno ng kalungkutan, dahil sa masasakit nitong pinagdaanan nang mga panahong nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ng Hara. Ang bukod tanging nagtanong at pumawi ng mga luha nito, ay ang nakababata nitong kapatid lamang na si Huada— at nakikita niya ang kanyang Iloy rito.



"Ginoo, paumanhin kung kayo ay aming nagambala sa inyong pag-iisa ngunit kayo ay ipinatatawag na ng Rajah," wika ng isang sandig nito na si Wano.



Pagdaka'y humarap ang Ginoo sa kanyang tatlong sandig at nagwika.



"Oo. Tayo na."



Pagdating nila sa silid, ay nakita nila na umuupo na ang mga kasapi ng organisasyon. At naroon na rin ang kanyang amang Rajah, kausap ang kaibigan nitong si Percy.


Kapansin-pansin ang katahimikan sa silid, at batid ng Ginoong Isagani na may hindi magandang nagaganap. Napansin niya si Cyrus Nemesis na nakaupo na sa harap ng mesa, na kanyang kalinya kung saan siya'y mauupo. Nais niya itong lapitan at tanungin ukol sa kanyang kapatid, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Hindi rin nakatakas sa paningin nito, ang isang estranghero na binata sa kabilang mesa— nakasombrero at tanging mga mata lamang nito ang nakikita.



"Ginoo, ayos lamang ba kayo?" Tanong ni Dado.



"Oo, Dado. Maupo na kayo at ako'y mauupo na rin," ani ng Ginoo. At ito ay nagtungo na sa kanyang upuan.



Nang makaupo na ang lahat ay lumakad na ang Rajah sa gitna, tumindig pa lamang ito ay nabaling na ang paningin sa kanya ng lahat. Sino ba ang hindi maaangkin ang atensyon sa kanya? Oo nga, at siya'y may edad na. Ngunit ang pangangatawan nito, ay tila hinulma na ng panahon. Ang mga batok nito sa kanyang katawan, animo'y naging palamuti at ang bawat isa rito ay may kahulugan.




"Magandang gabi sa inyong lahat, ang pulong ngayong gabi ay pangungunahan ng dalawang pinuno ng Clown's at ng Maskara's sina Clauzmin Vin Trevor at Mask Conrad Vushku. Mangyari lamang tumayo na ang unang magsasalita," panimula ng Rajah.



Nagtungo na sa unahan si Clauzmin at kinamayan ito ng Rajah.



"Maraming salamat, Rajah Bagani. Isang karangalan ang muling makatuntong sa iyong puod, ang totoo ay namiss ko lamang ang pagkain rito," pagbibiro nito. Na ikinatawa naman ng lahat, maging ang Rajah ay natawa rin habang patungo ito sa kanyang upuan.




"Nais ko lang kayong kumustahin muna" wika ni Clauzmin.



Ngunit hindi nito inaasahan na may magsasalita agad.



"Bakit hindi mo na lamang tumbukin, kung bakit ka nagpatawag ng pulong, Clauzmin? Huwag na tayo rito magpaligoy-ligoy pa," wika ng isang malalim na boses, halos lahat ay nabaling ang paningin sa kanya.



"Ikaw ang nagsabi niyan, gaya ng sinabi ni Mask huwag na tayo magpaligoy-ligoy pa rito... Gusto kong malaman kung sino na ang nakahanap sa taong pumatay sa ama ni Cyrus," wika ng matanda.



Nagkatinginan ang lahat, ngunit ang Mercado Brother's ay tahimik lamang at wala ni kahit na anong reaksyon sa mga ito.



Ngunit isang tawa naman ang kanilang narinig mula sa isang malalim muli na boses.




"Ang ibigsabihin ba nito, ay hindi mo pa nahahanap ang pumatay sa ama ni Cyrus?" Tanong ni Mask na nakangiti. Atsaka humithit ito sa kanyang tabako, tila insulto iyon sa paraan nito ng pagtatanong.



"Bakit, Mask? Nahanap mo na ba siya?" Balik na tanong ni Clauzmin.



"Ano sa palagay mo, Clauzmin?" Tanong ni Mask na may mapaglarong ngiti.



"Hindi ako nakikipaglaro sayo, Mask, sagutin mo ang tanong ko nahanap mo na ba ang taong pumatay sa tatay ni Nemesis?" Tanong muli ni Clauzmin.



Ang lahat ay nakatuon sa kanila, ang tagpong ito ay hindi nila maaaring palampasin.



"At bakit ko sasabihin sa'yo, Clauzmin?" Tanong ni Mask.



"Pinaglalaruan mo kami," ani Clauzmin, at tumutok ang iba't-ibang kalibre ng baril kay Mask.



Tumawa si Mask habang nasa bibig pa rin nito ang tabako, ang buong silid ay nabalot ng tensyon. Ang dalawang pangkat, ay tila hindi magpapa-awat habang ang iba ay nanatili sa kanilang mga upuan. At kalmadong naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari.



"Alam mo, Clauzmin. Nagugustuhan na kita, hindi ka nakababagot na katunggali," ani ng matandang lalaki. At may mga tumutok na baril kay Clauzmin na hindi na nito ikinagulat pa, isinawalang-bahala niya lamang ito.



"Sandali lamang mga, Ginoo. Kung maaari lamang ay ibaba ninyo ang inyong mga sandata," pagitan ni Ginoong Isagani, sa namumuong tensyon.



Gumuhit ang mga nakakikilabot na ngiti sa labi ng dalawang pinuno.



Samantala, habang may namumuong tensyon sa balay ng Rajah sa mansyon naman kung nasaan ang Bai Huada ay tahimik ang Bai na nakaupo at nakatali pa rin ito. Ngunit sa kanyang pag-iisa sa silid ay hindi inaasahan na may pumasok sa pinto, naibaling niya ang paningin rito



"Bacon? Ano at naririto ka? Tapos na ako maghapunan, kung kaya't bumalik ka na sa iyong ama baka mamaya ay hanapin ka pa niya"



Walang lumabas na kahit na anong salita sa bibig ng binatang kusinero, diretso lamang itong nagtungo sa kanya at siya'y nabigla sa ginagawa ngayon ng binata. Dahil kinakalagan siya nito ng tali.



"Ano ang iyong ginagawa, Bacon?" Nagtatakang tanong muli ng Bai



"Bai, di ba noong nakaraan gusto mo ko na maging tagaluto mo? Ito na 'yon, Bai. Nakapagdesisyon na 'ko na maging tagaluto mo," tugon ng binata.



Ngumiti ang Bai atsaka ito nagwika.



"At maging isa sa aking mga sandig..."



"A-ano, Bai?" Nagtataka naman na tanong ng binata.



"Sandali lamang, nasaan sila Nemesis?"



"Wala sila, Bai. Nasa meeting sila ng organization nila at mamaya pa 'yon sila makakabalik, kaya tara na Bai! Itatakas kita rito," anito.


Atsaka sila lumakad, at pagbukas nila ng pinto ay sinalubong sila ng dalawang bantay.



"Saan kayo pupunta ng Bai?" Tanong ng isa sa mga bantay.



Mabilis itong sinuntok ng binata sa mukha, at ang Bai naman ay mabilis na kumilos at ibinalibag sa sahig ang isang bantay— kahit na may kalakihan ito sa kanya ay nakaya niya ito pabagsakin. Kinuha ang baril nito na nasa tagiliran, tinapakan niya ang dibdib nito at walang anu-ano na binaril. Lumapit pa ito sa isang bantay na pinabagsak ni Bacon, atsaka kinuha niya ang baril nito at iniabot sa binata na kanyang kasama.



"Kunin mo." Abot ng Bai ng baril.



"Teka, Bai! Anong gagawin ko rito?" Tanong ng binata, na nakatingin sa hawak niyang baril.



"Gamitin mo kapag kailangan," wika ng Bai, at sila'y nagpatuloy sa pagtakbo.



May mga nakasalubong pa silang mga bantay, at hindi nagdalawang isip ang Bai na barilin ang mga ito. Napanganga na lamang ang kasama nitong binatang kusinero, nang makita na mabilis na bumagsak ang mga binaril nitong mga bantay. manghang-mangha ito sa kanyang nasasaksihang katapangan, at sa husay nitong humawak ng baril.



Habang abala ang Bai sa kanilang pagtakas. Ang mga sandig naman ng Rajah na sina Maliksi, Paragahin, Paratawag at iba pang kasamang mandirigma ay nasa labas ng mansyon, kung nasaan ang Bai ngayon. At naghihintay ng tamang pagkakataon, upang kumilos pagkat maraming bantay sa mansyon na ito



"Napakaraming bantay sa mansyon, tila tayo'y mahihirapan na pasukin ito," wika ni Paragahin, habang palinga-linga sa mansyon.



"Tamang pagkakataon lamang ang sagot riyan," wika ni Maliksi.



"Tama si Maliksi. Tamang pagkakataon lamang maililigtas rin natin ang Bai, lalo pa't nasa balay ng Rajah ngayon sila Nemesis," wika ni Paratawag



"Kaya dapat ngayong gabi ay mailigtas na natin ang Bai," wika ni Paragahin.



Habang sila'y nagmamasid sa paligid, ay lingid sa kanilang kaalaman na may dalawang sasakyan pa ang dumating sa bandang likuran ng mansyon. Kung saan mapunong bahagi at madilim.



"Ito na ba 'yon?" Tanong ni Azerine



"Oo, dahil ito 'yong itinuturo ng tracking device," sagot ni Hope. Habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop, atsaka niya ito pinatay.



"Ano pang ginagawa natin? Tara na!" Pag-aaya ni Azerine, gustong-gusto na nitong makita ang Bai.



"Huwag kang padalos-dalos Azerine. Nakita mo na nga'ng may mga bantay, tapos ang masama pa nito naririto sila Paragahin!" Ani Hope.



"Kaya nga, dapat maunahan natin sila," wika pa ni Jace, na nakaupo sa likuran ng sasakyan.



Kumatok sa bintanang salamin ang isa sa mga kasama nila at ibinaba naman agad ni Hope ang bintana ng sasakyan.



"Baba na! Anong hinihintay niyo? Pasko?" Tanong ni Tres.



"Masyado kang madaldal, banyaga ka ah!" Wika ni Azerine.




"Napaka ingay nga niyan sa kotse, kaya nga pinababa ko na," ani Winston, habang pinagmamasdan ang paligid ng mansyon.



"Paano ba naman magyosi ka ba naman sa loob ng kotse! Partida, nagd-drive pa! Sinong di magrereklamo? 'Yong usok langhap na langhap ko!" Pagmamaktol ni Tres.



Bumaba na ng kotse ang tatlo habang nagtatalo pa rin ang dalawa.




"Sa susunod huwag ka ng magyosi, habang nagd-drive! P*ta! Pati tuloy ako amoy usok ng yosi," ani pa ni Tres.



"Ah ganoon? Eh! Di huwag ka sumakay sa kotse ko! Diyan ka kay Hope sumakay ah!" Ani pa ni Winston.



"Taena niyong dalawa! Sumasakit ulo ko sa inyo! Ano magtatalo na lang kayo sa punyetang yosi na 'yan? Diyan na lang kayong dalawa! Magtalo kayo hanggat gusto niyo!" Ani Azerine, habang inaayos ang kanyang baril atsaka kinasa ito. Ganoon rin ang ginawa nina Jace at Hope.



"Tss! Tumahimik ka nga diyan, Azerine!" Pananaway ni Winston sa kaibigan.



Magsasalita sana si Azerine ngunit inunahan na siya ng kaibigan.



"Huwag ka na mag-aksaya ng laway, Azerine sa tomboy na 8 months nang bakante! Unawain mo na lang, walang lovelife eh!" wika ni Hope at pagpaparinig nito kay Winston.



"Gag*!" Asar na tugon ni Winston



"Pfft! Kaya pala mainit lagi ang ulo ng tomboy," panunukso pa ni Azerine. At lumakad na, nagsunuran rin ang iba sa kanya.



Habang patago silang lumalakad ay nakakita sila ng isang pultahan na bukas, at dito sila pumasok. Pagkapasok nga nila, ay may mga lalaki na humarang sa kanila at walang anu-ano na sinalubong nila ang mga ito.



Binaril ni Azerine ang dalawang lalaki, na humarang sa kanila. At ganoon din ang ginawa nina Winston at Hope, habang ang dalawa naman na sina Tres at Jace ay pinagsusuntok ang mga lalaking katapat nila. Waring humusay na ang mga ito sa pakikipagbuno, isang bagsak ng sipa sa leeg ang tumapos sa kalaban ni Tres. At ang katapat naman ni Jace, ay hinang-hina sa natamo nitong suntok sa panga galing sa kamao nito. At nagpatuloy sila sa pagpasok sa mansyon upang hanapin ang Bai.




Samantala, kumilos na rin ang mga sandig ng Rajah na sina Paragahin kasama ang mga mandirigma upang lihim na pasukin ang mansyon.



Pagkapasok pa lamang nila, ay sumalubong sa kanila ang maraming tauhan na mga naka amerikana. At nagsimula na ang isang madugong labanan sa pagitan ng mga tauhan ng Nemesis, at ng mga sandig at mandirigma ng Rajah. Walang sisinuhin ang mga ito, mahanap at mailigtas lamang ang anak ng kanilang Rajah. Ang pamamaraan ng kanilang pakikipaglaban, ay tradisyunal gamit ang kampilan ngunit sila'y may mga baril na gagamitin kung kinakailangan.




"Paragahin, limang beses ang bilang nila kung ikukumpara sa atin," wika ni Paratawag. Na nakataas ang kampilan nito, may mga talsik na ng dugo ang kanyang suot na amerikana maging pisngi nito.



"Tama ka, Paratawag. Ngunit mabagal sila kung kumilos kung kaya't kaya natin silang daanin sa liksi," ani Paragahin, at patuloy na nakikipaglaban gamit ang kampilan at ng baril.




Habang nakikipagsayaw sila sa tiyak na kamatayan, sa balay naman ng Rajah ay patuloy pa rin ang namumuong tensyon.




"Ginoong Isagani, ipaubaya mo na lamang ito sa amin," wika ni Clauzmin sa Ginoo. Hindi na tumutol pa ang Ginoo. Ngunit nagbaba nang sandata ang mga tauhan ni Clauzmin, bilang paggalang sa Ginoong Isagani at bumalik na ang Ginoo sa kanyang upuan.



"Clauzmin! Clauzmin! Huwag tayong maglokohan rito alam ng lahat kung sino ang maaaring pumatay sa ama ni Cyrus," makahulugang wika ni Mask.



"Batid ko iyan, kaya nga tinatanong kita kung nakuha mo na ba ang taong pumatay sa tatay ni Nemesis?" Tanong pa ng matandang si Clauzmin.



"Siguro, baka ngayon pa lang," wika ni Mask, at ang dalawa nitong tauhan ay nagtungo sa kinauupuan ni Vano Collin.



Pinanonood lamang sila ng Rajah Bagani, ngunit ito ay listo kung sakali man na may maganap na hindi maganda. Maging ang nasa likuran nitong mga sandig na sina Atubang at Aguila, ay tahimik lamang na nagmamasid sa paligid na handang kumilos sa utos ng Rajah.



Batid niya ang likaw ng bituka ng dalawang higante, pagkat salapi ang pinag-uusapan dito kung magkano ang ulo ng salarin.



"Oh! Do you think I killed Nemesis father?" Tanong ng binata na nakangiti. Kalmado lamang ito, at hindi kababakasan ni katiting na takot. Kumuha pa ito ng isang mansanas sa mesa, atsaka ito kumagat rito at ngumuya.



Binalingan ito ni Nemesis.



"Bakit anong sa palagay mo Vano? Na maloloko mo kaming lahat? Ibahin mo ang tulad kong matagal na pagdating sa trabahong ganito," wika ni Mask.



"So, meaning this meeting is about me, it's an honor," wika ng binata, na nakangiti atsaka uminom sa baso nitong may laman na alak.



"Kunin niyo na siya!" Utos ng matandang si Mask sa mga tauhan niya.



"Before you do that, Mask. First, show some evidence that I killed Nemesis father, but if you can't show anything, you'd better back off!" matapang na wika ng binata, habang diretsong nakatingin kay Mask at uminom pa ito ng alak at sabay lapag nito ng baso sa mesa.



"Matalino ka rin pala, Vano," wika ni Mask.



"Well, I'm not that smart, but! Im not stupid that you just take me! And give it to the demon you serve for the sake of money! Remember, I am the sole leader of Collin's and I will not allow my name to be lost in this organization," simpleng wika ng binata ngunit ito ay naging insulto at tila naging banta.




"Matapang ka bata..." Ani Mask, atsaka ito tumayo at bahagyang inalis ang tabako nito sa bibig.



"Sige, palalampasin kita ngayon, Collin. Dahil natutuwa ako sa ipinapakita mo, pero kapag may patunay na 'ko na ikaw ang taong pumatay sa tatay ni Nemesis hindi ako magdadalawang isip na kunin ang ulo mo," patuloy ng matanda, atsaka ibinalik nito ang kanyang tabako sa bibig.




Tumayo ang binata bago ito nagsalita.



"Scary, what about Clauzmin? I mean Tito Clauzmin, my dad's old friend I think you're also looking for the person who killed Nemesis father do you suspect me too?" Tanong ng binata, na nakatingin ng diretso sa matandang nakatayo sa harap.




Hindi ito nakasagot.



"I think this meeting is over, magandang gabi Rajah Bagani. At humihingi ako ng paumanhin, kung nagsalita ako sa wikang banyaga at paumanhin kung nabalot ng tensyon ang silid na ito. At salamat sa matamis na mansanas, hanggang sa muli, Rajah Bagani," paalam ni Vano. Yumukod pa ito sa Rajah, atsaka tumindig umagat pa ito sa hawak niyang mansanas at ngumunguya itong lumabas ng silid kasama ng kanyang mga tauhan.



Lihim na napangiti ang Rajah dahil sa ipinakitang katapangan ng binata.



"Paumanhin din, Rajah. Ngunit kung wala nang ibang pag-uusapan sa pulong na ito ay kami'y tutuloy na," pasintabi ni Jack na isa sa Mercado Brother's.



"Sige lang, malaya kayong lisanin ang silid na ito. At sa mga nais na magpa iwan malaya kayong manatili rito," wika ng Rajah.



Napansin naman ng Rajah na tumayo si Cyrus sa kinuupuan nito.



"Ginoong Nemesis, aalis ka na rin ba?" Tanong ng Rajah rito.



Nabaling rin ang paningin rito ng Ginoong Isagani.



"Hindi pa, Rajah. May tatawagan lang ako," tugon ni Nemesis, atsaka umanyo na ito. Ang hindi nito alam, ay may nakasunod sa kanya na isang estranghero.



Nasa labas na ito sa bakuran, at may kausap sa kanyang telepono nang biglang may sumuntok sa kanyang mukha at ito ay natumba.




"What the hell!? Sh*t!"



Nilapitan ito ng estrangherong lalaki, at siya'y kinwelyuhan nito.



"Who are you? Do I know you?" Tanong pa ni Nemesis rito.



"Nasaan si Huadelein?" Tanong ng estranghero.



"Oh! Ikaw pala yan!"



"Oo, kaya sagutin mo ang tanong ko! Nasaan si Huadelein? Saan mo siya dinala?" Tanong ng estranghero



"Where? In a place where you can't easily follow her," tugon nito, at muling nakatanggap ng isang suntok sa estranghero.




"Kanina pa 'ko nagtitimpi sa'yo na basagin 'yang mukha mo, pero ngayon baka mapatay na kita! Kapag hindi ka pa nagsalita, kung nasaan ngayon si Huadelein!" Ani na galit ng estranghero.



Narinig niyang tumawa si Nemesis, na mas ikinagalit ng estranghero.



"You know the woman you love will marry me, and live happily just the two of us and you... No one of you can be seen in the picture even your shadow! And all you can do is dream of being with her, and Huadelein... She's mine!" Wika ni Nemesis, at muling nakatikim pa ito ng suntok. Sa puntong ito ay may tumulo na dugo galing sa bibig nito.



"I don't have time to listen to your dream! All I want to hear from you is where Huadelein is right now!" Galit na ani ng lalaki, at muli nitong hinawakan ang kuwelyo ni Nemesis at tumawa ito.



"Nakakatawa ka! Do you know we had a good time especially when it comes to bed? She is so beautiful and very sexy, iyon nga lang mahilig magpahabol ang girlfriend mo," saad ni Nemesis.



"Do you think I'll believe you? Huadelein isn't that kind of woman, she's different from the women you think, moron!" tiimbagang na wika ng estranghero, at nagpakawala ng malalakas na suntok sa mukha nito.



Nakasalampak si Nemesis sa madamong lupa, at walang magawa sa binata na malayang sumusuntok sa kanya. Ngunit napahinto ang estranghero, nang mayroong putok ng baril siyang narinig. At siya'y napalingon dito, dahilan upang magkaroon ng pagkakataon si Nemesis na makaganti ito ng suntok. Aksidenteng natanggal ang suot nitong sombrero, na sa kanya'y nagkukubli. Napaupo ito.




"Tang*na!" Daing ng estranghero, tatayo sana ito ngunit may nakatutok sa kanyang baril.



"Who's that? Cyrus?" Tanong ni Vergel sa kanyang pinsan na hirap na makatayo.



"He was Huadelein's lover."



"What?" Biglang tanong ng pinsan nito, na hindi pa rin inaalis ang baril sa pagkakatutok nito sa estranghero.



"Coward, you can't beat me without the help of others," wika ng estranghero, atsaka nito inalis ang itim na telang nagkukubli sa kalahati nitong mukha. Atsaka nito idinura ang dugo galing sa bibig, bahagya pa niyang ipinasada ang kanyang dila sa ibabang labi.



"Where is your courage now?" Tanong ni Nemesis.



"Sabihan mo muna 'yang kasama mo, na ibaba ang hawak niyang baril tsaka ko kayo pagsasabayin na bugbugin," wika ng estranghero.



"Brave!" Ani ng pinsan nitong si Vergel.



"When scared, hold the trigger of the gun that's how you mafia's are," wika ng estranghero, at tila naasar rito si Nemesis.



"Vergel, kill him!"



"What? No! We are in the Rajah's house," tugon ng pinsan nito.



"He is my rival, so kill him!"



"But" sinamaan siya ng tingin ng pinsan niya, inilagay niya ang kanyang hintuturo sa gatilyo at—




"DOS!" Tawag ng isang pamilyar na boses, na tila naging pasigaw iyon.





Sa mansyon naman, kung saan nakikipaglaban pa rin ang Bai Huada kasama si Bacon upang makatakas. Ay nakarating sila kung nasaan ang mga sandig ng kanyang ama, na abala sa pakikipaglaban nang makita ng Bai ang isa sa mga ito ay agad niya itong tinawag.




"Paratawag!" Malakas na tawag ng Bai, sa pagitan ng maingay na mga putok ng baril at mga daing.




"Ang Bai!" Sigaw ni Paratawag, dahilan upang mabaling ang paningin ng mga mandirigma rito habang nakikipaglaban.




Tinapos ni Paratawag ang kanyang katapat na kalaban at mabilis na nagtungo sa Bai.




"Bai, umalis ka na rito," wika ni Paratawag sa Bai.




"Ngunit, paano kayo?" Tanong ng Bai.



"Kami na ang bahala rito, Bai. Pakiusap, Bai. Humanap ka ng daan, upang makalabas ka sa lugar na ito," anito.




"Oo. Paratawag, mag-iingat kayo. Tayo na Bacon!" Wika ng Bai Huada, at nagulat si Paratawag dahil may kasama pala ito.




"Sandali lamang, Ginoo..." Tawag ni Paratawag, sa kusinerong kasama ng Bai.




"Pakiusap! Ingatan mo ang aming Bai, itakas mo siya rito."




"O-Oo, iingatan ko ang Bai," tugon ni Bacon.




"Kung gayon, ay daghang salamat, umalis na kayo," ani Paratawag.



At sila'y tumakbo na, habang sila'y tumatakbo ay may nakasalubong sila at sabay-sabay silang napahinto habang nakataas ang mga baril.




"Wo-Woah! Woah! Boss!" Ani Azerine. Atsaka ito nagbaba ng baril, ngunit agad niya rin itong itinaas nang makita na may kasama ito.



"Sino ka?" Tanong ni Azerine, sa kasama ng Bai.



"Sandali lamang, Azerine. Iniligtas niya ako, kasama ko siya kaya ibaba ninyo ang inyong mga baril!" Utos ng Bai.



"At paano kami makatitiyak, Bai?" Tanong ni Jace, na nakatutok ang baril sa kusinero.



"Siya'y aking bagong sandig," nakangiting tugon ng Bai.



"ANO!?" sabay-sabay na tanong ng mga sandig nito.



"Wala ng oras! Ipaliliwanag ko na lamang sa inyo mamaya, kaya tayo na!" wika ng Bai.



Tumakbo na sila palabas sa likod ng mansyon, atsaka sila sumakay ng sasakyan.




"Teka! Teka! Boss! Dito ka sa'min sumakay!" Ani Hope.



"Pero sa'kin siya ibinilin ng isang lalaki, kaya sa Jeep ko siya sasakay," wika ng kusinero.



"Pero, boss—" dagdag pa ni Azerine, ngunit hindi na nito naituloy pa ang sinasabi.



"Azerine, ibinilin ako sa kanya ni Paratawag. Kaya sa kanyang sasakyan muna ako sasakay," wika ng Bai.



"Pero, boss sa am" tutol pa ni Azerine.



"Sige na! Sumakay ka na roon sa inyong sasakyan," wika ng Bai, at sumakay na ito sa sasakyang Jeep ng kusinero.





Wala nang nagawa pa sina Azerine at Hope, kundi pumasok na lamang sa kanilang sasakyan at sinundan ang Jeep na lulan ang Bai.




-------



Itutuloy...











-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top