Kabanata XLVII: KUSINERO












Kabanata XLVII: KUSINERO




--




Huadelein's PoV



"I-Iloy... Iloy! Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba't nasa saad na kayo?"


Anong ginagawa ng kanyang kalag rito?


"Oo, aking Munti, ngunit ang aking anak ay tila nangangailangan ng tulong," wika niya, at hinaplos ang aking buhok.


"Iloy, patawad kung pinutol ko ang aking buhok


Pagkat baka mamaya ay magalit ito na pinutol ko ang aking buhok.


"Bakit ka humihingi ng tawad, anak? Maganda ang iyong buhok, maikli man ito o mahaba," ani Iloy na nakangiti.


"Hindi kayo galit, iloy?"


"At bakit naman ako magagalit? Iyan ang iyong nais aking Munti, walang dahilan upang tumutol ang iyong Iloy pagkat maganda pa rin ito. Ngunit ipagpaumanhin mo na lamang ang iyong Baba, batid mo naman na likas itong maisog at sumusunod sa alituntunin ng ating puod," saad niya, habang hinahaplos ang aking buhok, pagkuwan ay pinasadahan ng mga daliri nito ang aking pisngi.


"Iloy..." Aking naisambit na lamang, at niyakap ito at ako'y hinagkan rin niya. Matagal na akong nangungulila sa kanyang mga yakap, at nais kong manatili sa mga bisig nito.


"Iloy... Maaari ba na dito na lamang ako? Sa inyong tabi?"


"Ano at tila naglalambing pa ang aking Bai? Gayong may iniibig na itong Ginoo?" Aniya.


Ako'y nabigla sa iwinika ni Iloy, kaya't bigla akong kumalas sa pagkakayakap nito at ibinaling ko ang aking paningin sa kanya.


"Iloy! Ano ang inyong sinasabi?"


"Hindi mo man sabihin sa akin, ay batid ko kung sino ang Ginoong yaon," aniya, na nakangiti at hinagkan pa ang aking babà.

Ano at tila nahawa na si Iloy kay Azerine na tsismosa?


"Tsismosa na rin ba kayo ngayon Iloy?" Tumawa ito atsaka tumugon.


"Ikaw talaga Huada..." Pagkawika niyon, ay siya'y tumayo at tatalikod na sana nang aking hawakan ang kanyang kamay.


"Iloy, sandali lamang maaari ba na kayo ay manatili pa kahit sandali?" Aking pigil sa kanya.


"Hindi maaari anak, sapagkat kailangan mo nang magmulat, batid kong nahihirapan ka ngayon ngunit pakatatandaan mo na palaging mayroong pag-asa at palaging mayroong dahilan upang magbangon, kaya gumising ka na anak, ang iyong paghimbing ay sapat na..."  At naramdaman kong halikan ako nito sa aking noo, atsaka unti-unti itong naglaho sinubukan ko pang hawakan ito ngunit siya'y tuluyang naglaho na.


"I-Iloy! Iloy!" Aking tawag at ako ay tuluyang nagising.


Pagmulat ko ay naaninag ko si Bacon.


"Bai! Mabuti gising ka na! Kanina ka pa nagsasalita habang tulog," saad nito.


Kikilos na sana ako nang maramdaman kong hindi ako makakilos, at napansin kong may nakapulupot na tali sa akin. May sugat na nga ako, nakuha pa talaga akong itali! Duwag talaga!.



Masakit ang aking kaliwang braso.


"Dahan-dahan Bai," anito, at ako ay kanyang inaalalayan upang makaupo.


Napansin kong ako'y nasa ibang silid.


"Bacon, nasaan tayo?" Aking tanong, habang iniinda ko pa ang sugat na aking natamo sa daplis ng bala.


"Andito ka pa rin Bai, sa hideout ni sir Nemesis at Bai napanood ko sa cctv camera kung anong ginawa mo, at ang astig no'n!" Wika nitong nakangiti na animo'y namamangha.


"Ano ba ang iyong sinasabi riyan Bacon? Hindi ako nakalabas sa lugar na ito kaya walang nakamamangha roon."


Mas maganda kung nakaalis ako sa lugar na ito, ngunit hindi nangyari.


"Bai kumain ka na muna, para makabawi ka ng lakas tsaka para makainom ka nang gamot," aniya, habang inaayos ang mesa na nasa aking harapan.


"Sandali lamang Bacon, anong oras na ba?" Nais ko man kusutin ang aking mga mata, ay hindi ko magawa pagkat nakatali ang aking mga kamay.


"Alasais na ng gabi Bai," tugon nito.


Tila natagalan ang aking paghimbing.


"Kung gayon, ay anim na oras ako nahimbing..."


Masakit ang aking sugat, daplis lamang ito ng bala ngunit tila ako ay mahihirapan pa rin kumilos nito.


"Oo, Bai," tugon nito.


"Nasaan si Nemesis at ang pinsan niyang pakilamero?"


Ang Nemesis na iyon! Tinurukan ako ng pampatulog!


"Nandito sila sa mansyon Bai, kung saan silang magpinsan madalas," tugon niya, habang inihahanda ang pagkain.


"Dapat pala ay tinuluyan ko na ang pinsan niya, nang sa gayon ay si Nemesis na lamang ang iisipin ko na aking tatakasan."


"Oo nga, nakita ko nga 'yon Bai kung paano mo binaril ang binti ni sir Vergel— ang tapang mo pala Bai!" Saad ni Bacon.


"Kung hindi ako magiging matapang walang mangyayari, Bacon."


"Kumain ka na Bai," paanyaya niya.


Nais kong kumain ngayon ng maraming kanin, ngunit kung walang dalang kanin si Bacon ay muling magtitiis ang aking tiyan.


"Kung walang kanin ay magtatampo na 'ko sa iyo, Bacon" atsaka iniwas ko ang aking paningin sa kanya.


"Meron Bai, may sugat ka kaya ipinagluto kita ng sinigang na baboy para makahigop ka ng sabaw tsaka nagsaing ako ng marami para sayo, kaya kain na!" Saad nito. Dahil sa sinabi niyang iyon ay nabaling ang aking paningin dito.


"Kung gayon, ay ano pang hinihintay mo? Tayo na at simulan na natin kumain!" Ngunit naisip ko lamang, paano ako makakakain kung ako ay nakatali?


"Bacon, paano ako kakain kung ako ay nakatali?"


"Ay! Oo nga, pala! Engot ko! Tatanggalin ko muna ang tali Bai," anito, at dali-daling nagtungo sa akin at kinalagan ako ng tali. Mabilis ko naman  kinuha ang kutsara at tinidor nang matanggal ang tali, atsaka kumuha ng kanin at sumandok ng ulam na sinigang na baboy. Tinikman ko ang sabaw nito at nilasap ang maasim nitong lasa.


Ang sarap ng pagkakaluto nito! Hindi talaga binibigo ni Bacon ang aking dila!


"Ang sarap nito, Bacon! Tayo na at kumain! Ano pang ginagawa mo riyan?" Aking tanong, pagkat nakatingin lamang ito sa akin.


"N-natutuwa lang ako sayo Bai, sige Bai sasabayan kita kumain," aniya, at kumuha na ng pagkain at napansin ko pa ang maliit na ngiti nito.


Ano kaya ang nginingiti-ngiti nito? Hmm... Bahala nga siya riyan, basta ako'y kakain na! Ang sarap talaga nito!


Matapos namin kumain, ay uminom ako ng gamot para sa aking sugat nang may marinig akong kumatok sa pinto.


"Sandali lang Bai, bubuksan ko lang" wika ni Bacon, at pinagbuksan ang kumakatok. Pagkabukas niya'y pumasok rito ang isang lalaki na iika-ika kung maglakad at lumapit sa akin.


"Magandang gabi, Bai," bati nito.


"Walang maganda sa gabi, kung nakikita pa rin kita," aking wika at baling ng aking paningin sa ibang dako.


Bakit nga ba binuhay ko pa ang isang 'to? Dapat ay tinuluyan ko na ito eh!


"Bai, you impressed me so much pero mas bibilib ako sayo kung nagawa mong makatakas tsk! Tsk! So that's why my cousin likes you, apart from the fact that you're beautiful you're very brave what else can you show? I was excited." aniya, na tila sarkastiko iyon.


"Uubusin ko ang mga tauhan niyo, hanggang sa kayong dalawa na lang ng pinsan mong hilaw ang matira!"


"Scary," anito, at pinasadahan ng mga daliri niya ang aking pisngi.


"You are so beautiful Huadelein, it's a pity because you will go to my cousin" halos pabulong nitong wika, iniwas ko ang aking pisngi sa marumi niyang kamay. "Bacon, itali mo ang Bai! Para hindi siya makatakas," utos nito kay Bacon.


"Pasensya na Sir Vergel, pero hindi ko ho trabaho 'yanang trabaho ko lang ho ay ipagluto ang Bai at pakainin," wika ni Bacon.


"Tch! Alright my guard will do it," aniya.


"Isa ka rin ba na natatakot mamatay gaya ng pinsan mo? Mga lahi kayo ng duwag! Nag-iisa na nga lang akong babae, kayo'y natatakot pa at ngayon ipatatali niyo pa ako, nakakahiya kayo"


"Sinisigurado lang namin Bai, na hindi ka makakatakas ulit," wika nito, at pumasok ang isang tauhan niyang lalaki atsaka ako pinuluputan ng isang tali.


"Mga duwag!" Aking hiyaw.


Pagkatapos akong ipulupot sa tali, ay lumabas na sila ng tauhan niya. Napansin ko naman si Bacon na nakatingin sa akin.


"Huwag mo akong tingnan ng ganyan Bacon... Ituloy mo na lamang ang iyong gawain," aking wika. At kumilos na ito upang ligpitin ang aming pinagkainan.










Third Person's PoV


Kagagaling pa lamang ng binatang kusinero sa silid ng Bai, at kasalukuyan ay nasa kusina ito nag iisip-isip habang ang kanyang ama at mga kasama ay abala sa paghahanda ng hapunan ng kanilang mga amo.


Nasaksihan ni Bacon sa cctv camera kung paano lumaban ang Bai, at siya'y namamangha roon hindi ito nakatakas pagkat maraming kasamang tauhan si Nemesis dagdag pa na may natamo itong sugat. Gayonpaman, ay kahanga-hanga ang Bai sa kanyang paningin.



Sasama ba siya sa Bai?



Noong nakaraang gabi niya pa ito iniisip, isang napakalaking desisyon nito sapagkat ay pipili siya sa pagitan ng Bai at ng kanyang kinikilalang ama ngayon. Mahal niya ang kanyang ama na si Mr. Monte ngunit gusto niya rin ang alok ng Bai, na maging tagaluto nito dahil lubos itong nagpakita ng kabutihan sa kanya, at hindi naging iba ang tingin sa kanya nito.


Nagising siya sa kanyang bagay na iniisip, nang isang takip ng kaldero ang pumukpok sa ulo niya.


"Aray ko naman, Paps!" Daing nito na himas-himas ang kanyang ulo.


"Ikaw bata ka! Ang tagal mo na naman sa silid ng Bai!" Wika ng kanyang ama, atsaka inilapag nito ang takip ng kaldero sa mesang kaharap nila kung nasaan ang mga putahe na kanilang lulutuin.


"Naku Master! Nawiwili 'yan sa Bai ang ganda kasi, maputi tsaka mukhang masarap!" Saad ng kasamahan nitong kusinero na si Patrick, na tatlong taon ang tanda kay Bacon.


"Woi! Tumahimik ka nga diyan boy PATong!" Saway nito sa kaibigan.


"Hindi naman sobrang ganda, sakto lang," wika ng babae, na noon ay naghatid ng tanghalian ng Bai. At ito ang nakasalubong nito na maghahatid sana sa kanya ng meryenda nang tangkain tumakas ng Bai kanina.


"Isa ka pa Wendy! Sinungitan mo ang Bai nang hatiran mo siya ng tanghalian noong nakaraan, akala mo hindi ko malalaman ah," salaysay ni Bacon, sa Babae dahilan upang dapuan ito ng hiya.


"Wendy, anong itinuro ko sa inyo?" Paalala ni Mr. Monte.


"Rule no. 5, huwag susungitan o sisimangutan ang isang customer mas importante sila kaysa sa pagkaing ihahain, dahil kung walang customer wala rin pagkain na ihahain, sorry Master," tugon ni Wendy na nakayuko.


"Ayoko ng mauulit pa 'yan, at ikaw Bacon mag-uusap tayo," wika ni Mr. Monte, at iniwan nila ang mga kusinero sa kusina at nagtungo sa storage room.


Habang namimili ng mga gulay at karne si Mr. Monte ay nagsalita ito.


"Anong gumugulo sa isipan mo Bacon?" Tanong ng ama nito, habang abala sa pamimili ng gulay.


"Paps, noong nakaraang gabi ko pa kasi 'to iniisip" panimula ng binata.


"Tungkol ba 'yan sa Bai na pinaglilingkuran mo ngayon?" Tanong ng kanyang ama.


Hindi na nabigla pa ang binata sa itinanong ng kanyang ama, lubos nga siya'ng nitong kilala.


"Opo. Paps, gusto niya 'kong gawin tagaluto niya at nangako siya na babayaran niya ko ng sapat," saad ni Bacon.


"Tapos? Anong isinagot mo sa kanya?" Tanong ng ama, na hindi siya binabalingan.


"Ano Paps sabi ko hindi kita kayang iwan aray!" Daing nito, pagkat siya'y napukpok nito ng isang upo.


"Anong sinabi ko sayo Bacon pagdating sa pagdedesisyon?"


"Kung anong bagay na gusto ng puso ko, ay sundin ko dahil iyon ang pinakamagandang desisyon," tugon ni Bacon.


"Alam mo naman pala eh, ang tanong gusto mo ba ang desisyon mo na manatili kasama ko rito?" Tanong ng ama niya.


"Opo. Paps, pero may parte sa'kin na gusto kong sumama sa Baihindi ko maiwasan ang isipin ang alok niya sa'kin," tugon ng binata.


"Magdesisyon ka para sayo Bacon, ayos lang ako rito kasama ang iba basta ba kapag may natitira kang oras pumunta ka ng restaurant at tumulong," wika ng ama nito.


Batid ng binata kung anong ibig ipa-kahulugan ng kanyang ama at hindi niya ito inaasahan.


"Paps, wala pa naman akong sinasabi na sasama ko aray! Paps, naman!" Daing nito nang pukpukin siya muli nito ng isang malaking carrots.


"Huwag mo na 'kong isipin anak, ang mahalaga ang gusto mo," wika ni Mr. Monte, habang kumukuha ng karne ng baka. "Bukas aalis sila Nemesis, may meeting sila sa organization nila iyon ang tamang pagkakataon para matulungan mo ang Bai," wika ng kanyang ama.


Pinakatitigan ito ng binata, hindi ito makapaniwala sa kabutihan na ipinapakita ni Mr. Monte gayong likas naman talaga ito sa kanyang ama.


"Master! I love you! I love you Paps!" Wika ni Bacon, na tuwang-tuwa at bigla niyang niyakap ang kanyang ama kahit nakatalikod ito at abala sa pagpili ng tamang karne ng baka atsaka hinalikan pa ito sa pisngi.


"Ano ka ba naman bata ka!" Saway rito ni Mr. Monte.


"Mahal na mahal mo talaga 'ko Paps!"


Napangiti na lamang ang ama nitong banyaga, dahil sa inaasal ng kanyang anak.


"Kumuha ka nga roon ng leeks!" Utos ni Mr. Monte, at kumawala na ang binata sa pagkakayakap rito.


"Opo, Paps!" Mabilis itong kumilos at kumuha ng ipinakukuha ng kanyang ama.




Sa kabilang dako naman ay nakahiga ang Bai Huada sa kanyang silid at nag-iisip, iniisip nito ang binatang kanyang itinatangi. Itinatanong sa sarili kung kumusta na ito, kung ayos lamang ba ito? Kung hinanap ba siya nito ngayong araw? Ngayong wala siya, at hindi nakapasok ngunit natigilan siya sa pagtatanong sa sarili nang maalala na may kasintahan ito, si Lyka.



"Siya ba'y iniibig mo Dos?" Bulong ng Bai sa sarili.


"At ano ang aking karapatan upang magtanong? Gayong hindi ka naman sa akin na Ginoo, aking sandig... Ang ibig kong sabihin ay aking dating sandig," wika nito na nakatingin sa kisame.


"Nakakatawa at kinakausap ko ang aking sarili..." Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng Bai, ngunit naalis rin iyon at inisip ang susunod niyang hakbang upang tuluyang makatakas.










Azerine's PoV


Mula pa kahapon mabigat pa rin ang pakiramdam ko, at maalala ko lang si Dos. Naku po! Sabi na eh! Isa pa 'yong magtatanong kung bakit wala si boss kahapon. Syempre, ako naman 'tong tomboy— nagdahilan, pero anak ng itlog na bugok naman! Ayaw maniwala sa'kin ng masugid na umiibig kay boss sa dahilan ko.


Ano nga ba ang dinahilan ko? Syempre, malupet ang dinahilan ko ang sinabi ko may dalaw si boss! Eh, kaso— di talaga sa'kin naniwala si Dos hayp na 'yan!


Tapos bad news pa! May meeting pa mamaya ang buong organization sa puod pa ng Rajah, tsk! Tsk!

Habang naglalakad ako, napansin kong parang may nakabuntot sa'kin halos magkadikit na kasi kami. Lumingon ako para makita kung sino ang sumusunod sa'kin at nakita kong...


"Anong ginagawa mo ba't nakasunod ka sa'kin?" Tanong ko.


"Huwag kang malikot, Emo! Tinatakpan lang kita!" Sagot nito na bumubulong.


"Bakit ka nga nakasunod? Tsaka anong sinasabi mong tinatakpan mo?" Tanong ko pa.


"Gagi! May tagos ka, Emo!" Halos pabulong na pagkakasabi niya, dahilan para mahiya ako putya naman! Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko. Lintek na dalaw 'to! Ngayon pa talaga!


"A-Argo, takpan mo 'ko! Hanggang makapunta ko ng cr!" Sabi ko, at iyon naman ang ginawa niya.


Namumula ko sa kahihiyan ngayon putek!


"Oo, bilisan na lang natin baka mamaya magka red sea na rito," wika nito.


"Siraulo—"


"Pfft!" Dinig kong nagpipigil ng tawa nito.


Mabilis kaming nakapunta ng cr at hinihintay ko si Argo, na bumibili ngayon ng napkin dahil wala akong dalang napkin at extrang pants.


"Emo!" Pagkarinig ko ng boses niya, ay binuksan ko ang pinto ng cubicle at nakita ko na may hawak itong isang plastic ng napkin.


"Emo, oh! ito na napkin, tsaka ito extra kong pants gamitin mo na!" Aniya, at inabot sa'kin ang mga dala niya sabay iwas nito ng tingin.


Pfft! Wala na kasi akong suot na pantalon,  pero mahaba naman uniform ko hanggang kalahati ng hita ko.


"Ba't ang daming napkin?" Tanong ko.


"Huwag ka na magtanong!" At binagsakan ako nito ng pinto.


Bastos 'tong siraulong 'to! Napansin ko naman na may dalawang panty na kulay pink kasama ng mga napkin, anong gagawin ko rito?


"Woi! Ba't may panty rito?" Tanong ko.


"Malamang magpapalit ka, alangan naman na gamitin mo pa 'yong panty mo na puro na regla!" Sagot niya.


"Wala bang brief?"


"Walang tindang brief sa canteen, panty lang! Dahil di naman nireregla ang mga lalake maliban lang sayo!" Sagot niya.


"Pero brief ginagamit ko eh!"


"Kung gusto mo itong brief ko na lang Emo, willing naman akong ipahiram sayo 'to! Kaya lang may pawis-pawis na 'to eh!"


Nabigla ako sa sinabi niya, anak ng butiki talaga 'tong si Argo, bahala na nga!


"Huwag na lang, okay na 'tong panty kahit kulay pink mapagtiya-tiyagaan na 'to"



Inay ko po! Kulay pink!.



Pagkatapos kong magpalit at ayusin ang gamit ko ay lumabas na 'ko ng cubicle, at napansin ko na nakatayo si Argo sa labas ng cr at nakapamulsa.


"Ang bilis mo magpalit ah," wika niya, tsaka sumabay sa'kin sa paglalakad.


"Syempre, nakakahiya naman kung magtatagal ako sa cr na may naghihintay sa'kin," sagot ko.


"Tsk! Tsk! Next time Emo, magdadala ng napkin huh!" Wika nito na nang-aasar.


"Sorry naman, di ko naman alam na tatagusan ako"


"Ba't di mo alam menstrual cycle mo?" Tanong niya


"Hindi..."


"Pfft!"



Eh sa hindi ko alam eh...!










Ginoong Isagani's PoV


Kasalukuyang naghahanda na kami para sa gaganaping pagpupulong ngayong gabi, kahit na hindi ko ibig na ganapin ito ngayon dito sa aming balay, ay wala naman akong magagawa. Sapagkat kasapi kami sa organisasyon, at dito ibig ganapin ang pulong ng mga pinuno ng pangkat ng Clown's at Maskara's.


Hindi ko matiyak kung para saan ang pagpupulong mamaya, maging ang aking ama ay walang alam ukol rito. Iniisip ko si Huada pagkat hindi pa rin ito nahahanap ng mga sandig ng aking ama.


"Ginoo, tila malalim ang inyong iniisip," wika ni Milan.


"Iniisip ko lamang si Huada, pagkat wala pa rin balita sa akin sina Maliksi."


"Ako man Ginoo, ay hindi mapalagay ngunit umaasa ko kay Aba na nasa mabuting kalagayan ngayon ang aking Bai," wika ni Milan.


"Sana nga Milan..."


"Ako'y mauuna na sa inyo, Ginoo. Ipagpapatuloy ko na ang aking gawain sa silid-lutuan," paalam nito, at umanyo na.


Ibinaling ko ang aking paningin kina Abay, na ngayon ay abala sa pag-aayos ng mga upuan at mesa dito sa malaking silid-kainan at ang iba pa. Alam talaga nila kung paano aayusin ang silid na ito kapag may mahahalagang okasyon.


Nawala ako sa aking iniisip, nang marinig kong tumunog ang aking telepono at agad itong sinagot.


"Ginoo!" Tawag sa akin nang nasa kabilang linya.


"May balita na ba kayo Maliksi?"


"Oo. Ginoo, at naririto kami sa harap ng isang mansyon ngunit kami'y nakakubli," saad ni Maliksi.


"At anong ginagawa niyo riyan?"


"Ginoo, may kakatwa sa mansyon na ito pagkat labas-pasok ang mga lalaking naka amerikana rito at nakita namin ang pinsan ni Nemesis na si Vergel— na pumasok sa mansyon lulan ng isang sasakyan," salaysay nito.


Kung gayon, ay maaaring naroon si Huada.


"Kung gayon, ay pagbutihin niyo pa ang pagmamatiyag sa mansyon na iyan"



"Oo, Ginoo. Iyan ang aming gagawin." At ibinaba ko na ang tawag.


Sana'y naroon ka sa mansyon na sinasabi ni Maliksi, Huada nang sa gayon ay mailigtas ka nila.










Zero's PoV


Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan mamaya sa meeting, dahil biglaan nga ang meeting mamaya at kagabi lang naman 'to sinabi.


"What are you thinking now, Zero?" Tanong ng lalaking nakaupo sa swivel chair, na kaharap ko ngayon habang pinaglalaruan ang baso niya ng alak.


"I was just wondering what to talk about in the meeting later"


"You wonder WHO they will talk about in the meeting later" He clarified what I said.


"What do you mean Vano?"


"Let's just say they're looking for the demon that killed Cyrus father."


I got his point.


"It will be difficult for them to identify and find the person who killed Cyrus father, because they will not find any evidence," I said.



Wala silang makikita kahit na anong maliit na ebidensya, kilala ko magtrabaho ang mga tao ni Vano. At nang mga oras na 'yon naka off na ang mga cctv camera sa venue.


"It's just fun to play with those giants."


"How long will you play hide and seek with those crocodiles?" Jin asked, while looking out the wide glass window.



In Mercado brother's, Jin is the only one who understands Vano, all I know is that their parents know each other and they have been friends ever since.



"Until they discover that I am what they are looking for," Vano replied with a smirk.



Narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko, at nabaling ang paningin sa'kin ng dalawa.



"I'll just answer this call" at bahagya akong lumayo sa kanila.


Pagka accept call ko ay narinig ko agad ang boses nito.


"Kuya, nasaan ka?" Tanong ng nasa kabilang linya.


"Bakit?" Tanong ko.


"Umuwi ka kuya Zero, sasama ko sa meeting ng organization niyo" sa tono ng boses niya ay parang seryoso siya.



"ANO?"


Tanong ko na napalakas ang boses ko.


Paano nalaman ng lokong 'to na may meeting ang organization ngayon? At ano na naman ang pumasok sa kokote niya at gustong sumama sa meeting mamaya?



"Babasagin ko lang ang mukha ni Nemesis!" Aniya.


Tsk! Talaga 'tong si Dos may pinagmanahan talaga.


"Nababaliw ka na ba"


"Basta umuwi ka na lang, kuya Zero" atsaka ibinaba niya ang tawag.


Bastos na bata! Tsk!


"Is there a problem, Zero?" Tanong ni Jin, na nakatingin sa akin ngayon.


"Nothing, my brother just called."


Nagpaalam na rin ako sa kanila at umalis, kailangan kong kausapin si Dos dahil siguradong alam na niya na kinuha ni Nemesis si Huadelein— pero sinong nagsabi sa kanya?











Azerine's PoV


"King*na! Bakit ngayon niyo lang sinabi? Kaya pala no'ng sabado hindi ko na nakita si Huadelein na lumabas ng Mall dahil nakuha na pala siya ni Nemesis!" Halos pasigaw na wika ni Dos.


Ano? Hinintay niya ba si Boss na lumabas no'n?


"Bakit naman namin sayo sasabihin? Eh wala naman na kayo ni Huadelein!" Wika ni Jace.


Biglang sinuntok ni Dos si Jace, at agad naman pumagitna si Argo para awatin ang kaibigan niya pero hindi ito nagpa-awat— kinwelyuhan niya si Jace at pwersahang isinandal ito sa pader.


"Gag* ka ba Jace? Oo, wala na kami ni Huadelein sariling desisyon niya 'yon, but I still keep an eye on her from afar because I still love your Bai, even though she left me"


P*ta ba't ganoon? Parang ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Dos pero may Lyka siya di ba?


"Paano mo nagagawang sabihin na mahal mo ang Bai namin? May Lyka ka di ba?"  Tanong naman ni Tres, na nakapamulsa sa gilid.


At napansin ko si Lyka na narito na pala.


"I just used Lyka to make your Bai jealous... Pero parang wala lang sa kanya," saad ni Dos, at binitiwan na niya ang kwelyo ni Jace.



Nakita kong tumakbo na palayo si Lyka na mukhang umiiyak na ngayon. Sino bang hindi masasaktan kapag sinabi ng taong mahal mo na ginamit ka lang para pagselosin ang X niya?


Pero alam kong alam ni Lyka na ginamit lang siya ni Dos at alam niya, na mahal ni Dos si Huadelein— pero kahit alam mo 'yong totoo masakit pa rin ang marinig 'yon.


Nag-uuwian na ang mga kapwa namin estudyante samantalang kami naririto pa rin sa building.


"Hindi dapat 'to ang pinag-uusapan natin ngayon, mas mahalaga ang kaligtasan ng Bai," ani ko para matigil na ang usapan.


"Uuwi na ko, magkita-kita na lang tayo sa puod nila Huadelein," wika ni Dos, at lumakad na kasama si Argo.


Bigla naman tumunog ang cellphone ko, at halos mataranta pa 'ko na kapain 'yon sa bulsa ko— at pagkakuha ko ng cellphone ko ay sinagot ko ito agad.


"Hello Hope, ano? Sige! Sige! Paalis na kami!" At ibinaba ko na ang tawag.


"Tara na! May pupuntahan tayo..." Sabi ko sa dalawa, at sumunod naman sila sa akin.











Hope's PoV



Binuksan ko ang Laptop ko, at nagbakasali na may masasagap akong kahit na anong tracking device ni boss— pero wala talaga. Iniwan ko ang laptop ko na nakabukas atsaka nagtimpla ng kape, pagbalik ko sa harap ng laptop ko ay may nakita ako na may red dot.


"Ano 'to? Kaninong tracking device 'to?"  


Zinoom-in ko ito, at ang pangalan ng tracking device ay "Huade'De" at ang lugar ay malapit lang kung saan namin nakita ang isang teddy bear.


Hindi kaya kay boss 'to? Hindi! Kay boss nga talaga 'to!



Nagmamadali akong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Azerine.




-------


Itutuloy...







Karagdagang kaalaman:


Iloy- inay, nanay.

Saad- langit.


Kalag- mataas na espiritu.







-Papel📝🤜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top