Kabanata XLVI: Ang Tangkang Pagtakas
Kabanata XLVI: Ang Tangkang Pagtakas
--
Third Person's PoV
"Sandali lamang Bacon— tila nagulumihanan ako sa iyong sinambit, hindi ba si Mr. Monte ay iyong ama?" Tanong ng Bai.
Natigilan ito, at binitiwan ang hawak niyang kutsara't tinidor atsaka ngumiti ng mapait.
"Bai, hindi ko totoong ama si Mr. Monte ampon niya lang ako," tugon niya.
Kung siya'y ampon, paano iyon nangyari?
Kumuha pa ng Lasagna ang Bai sa malaking lalagyan, atsaka naglagay sa kanyang pinggan at agad din itong sumubo. Mabilis niya itong nginuya atsaka nagtanong muli.
"Paano na— naging ampon ka ni Mr. Monte? Bacon? Nasaan ang iyong mga magulang?"
Kumuha nang Lasagna ang binata atsaka naglagay sa kanyang pinggan.
"Ang totoo Bai, galing ako sa may kayang pamilya at kilala— pero ni minsan hindi ako naipakilala bilang anak ng magulang ko—"
"Nakalulungkot marinig iyan, Bacon."
*Pagbabalik-tanaw*
Pitong taon ang nakararaan...
Pangalawa sa apat na magkakapatid si Bacon, ang tingin sa kanya ng kanyang ama ay pinakamahina, pinakalampa, at pinaka failure.
Isang hapon ay umuwi ang ama nito, at naabutan sila ng kanyang ina habang masayang nagluluto sa kusina.
"Kent! Nagluluto ka na naman!? Halika rito'ng bata ka!" Hinila niya ito habang nasa paligid ang kanilang mga kasambahay.
"Daddy—"
"Philip! Philip! Huwag mo naman gawin ito sa anak mo— sa harap ng mga maids, ano ka ba! Kauuwi mo lang—" pag-susumamo nito sa asawa.
"Tumigil ka Karina! Kaya hindi natututo ang batang 'to dahil kinukunsinti mo!" Galit nitong turan. Inalis niya ang kanyang sinturon na nasa kanyang baywang, at ipinalo ito nang walang anu-ano sa kaawa-awa niyang anak.
"Daddy, tama na po! Daddy, Daddy!!!" Palahaw ng bata. Nakasulyap naman ang kapatid nito at walang pakialam sa kanilang kapatid.
"Philip! Tama na!" Awat sa kanya nang kanyang may-bahay.
"Ikaw Kent! Tutukan mo ang pag-aaral mo, hindi puro pagkain at pagluluto ang inaatupag mo! Anong gagawin ng pagluluto na 'yan sa kumpanya? Wala!" Anito sa anak, atsaka binitiwan nito ang bata at natumba ito sa madamong lupa.
Lumuluhang tumayo ang bata, atsaka pinunasan ang kanyang luha.
Siguro nga walang mapapala ang pagluluto sa kumpanya ni Dad.
*Pagtatapos ng balik-tanaw*
"Nakakainis ang iyong ama, Bacon. Sa aking palagay ay hindi tama na sabihin niya iyon sa'yo sa mura mong edad," wika ng Bai.
"Oo, Bai. Ganoon naman talaga ang tatay ko dahil business minded siya balewala ako sa kanila, kahit sa mga kapatid ko— aanhin naman daw ng tatay ko ang tulad kong mahilig lang kumain at magluto sa business nila— magmumukha lang akong patapon," saad ng binata.
Tila hindi ko gusto ang ama ni Bacon, siya'y nagtataglay ng dikanais-nais na dila.
"Pagkatapos? Paano ka napunta kay Mr. Monte?" Tanong ng Bai, atsaka sumubo muli ng Lasagna, sarap na sarap itong kumain ngunit hinahanap-hanap niya pa rin ang kanin.
*Pagbabalik-tanaw*
Nasa ikalimang Baitang ng elementarya ang batang si Kent...
Siya'y umuwi ng kanilang bahay, at ipinakita ang kanyang card sa kanyang ina. Tuwang-tuwa ito, dahil matataas ang nakuha nitong marka maliban lamang sa matematika. Gayon pa man, ay siya'y kinagigiliwan pa rin nito. Ngunit hindi ang kanyang ama.
Dumating ito at nalaman na nakuha na ang report card nito, at mabilis niya'ng kinuha ito sa kamay ng anak. Takot naman na pinagmasdan ni Kent ang kanyang pilantropong ama, iniisip niyang siya'y papaluin na naman nito.
"Hindi ka pa rin nagtitino! Ang baba ng mga grades mo! I don't know, how I had a child like you!"
"Don't talk like that in front of your child, Philip!" Sabi ni Karina, na kanyang asawa.
Muli ay pinalo niya ang bata, walang awa niya itong hinagupit ng sinturon nang paulit-ulit sa harap ng iba niyang mga anak.
"
Failure..." Bulong ng nakatatanda niyang kapatid sa kanya, matapos siyang paluin ng kanyang ama.
Maglalayas ako. Wika ni Kent sa kanyang sarili.
Nang gabing iyon, ay naglayas ang batang si Kent. Nagpalaboy-laboy sa kalsada ng ilang linggo, namalimos siya, nagkalkal ng basura upang maitawid ang kanyang gutom. Isang araw, ay nagawi siya sa likod ng isang restaurant at doon naghanap ng makakain sa basurahan. Ngunit ay may sumita sa kanya na malaking lalaki.
"Anong ginagawa mo riyan?" Tanong ng lalaki. Nadatnan niya na nagkakalkal ng basura ang isang bata.
"Na naghahanap lang po ng makakain—"
Sandali siyang sinulyapan ng lalaki, at pumasok ito sa pinto ngunit ilang segundo lamang ay lumabas ito at may dalang pagkain.
"Ito— pagkain, huwag ka na mangalkal riyan, baka magkasakit ka pa kung diyan ka kukuha ng makakain— Hali ka, maupo ka rito," paanyaya ng lalaki.
Dali-dali naman na lumapit si Bacon dito, at kinain ang dalang Lasagna ng lalaki. Ilang linggo ang lumipas na siya'y pinakakain ng libre, ay kinupkop na siya na nito at pinatuloy sa restaurant.
*Pagtatapos ng Balik-tanaw*
"May restaurant pala si Mr. Monte?" Tanong ng Bai.
"Oo. Bai, isang malaking restaurant tapos binigyan niya ako ng uniform— nagtrabaho ako sa kanya naging assistant niya 'ko sa kusina at legally inampon niya ako—"
"Nakatutuwa naman, at legal kang naging anak ni Ginoong Monte," wika ng Bai na nakangiti.
"Ang totoo niyan Bai, hindi ko alam kung anong ginawa niya— pero napalitan niya ang pangalan ko ng Jordan Bacon Cuisine Monte— nagustuhan ko ang bago kong pangalan, dahil related sa kusina tapos pinag-aral niya ako. Iyon nga lang pagdating ng first year high school hindi na 'ko nagpatuloy at heto ako kasama si Mr. Monte," salaysay nito.
Sa aking sapantaha ay isang banyaga si Ginoong Monte, hula ko lamang dahil sa ibinigay nito na pangalan kay Bacon.
"Sa aking palagay, si Mr. Monte ay isang banyaga," ani ng Bai.
"Tama ka Bai, ikaw Bai? Sa pagkaka-alam ko fiance mo si sir Nemesis, huwag mo naman sana masamain ang itatanong ko Bai, magpapakasal ka ba talaga kay sir Nemesis?" Tanong nito.
Kahit kailan hinding-hindi ko nanaisin magpakasal sa isang kaaway!
"Kailanman ay hindi ko ninais makipag-isang dibdib sa tulad niya," tugon ng Bai.
"Pero, bakit ka naririto Bai?"
"Ang iyong among hilaw, ay sapilitan lamang ako isinama rito kaya nga may mga bantay sa pinto, hindi ba? Hindi ko nga alam kung paano ako makakatakas rito kung paano ako makakaalis," anito.
Gusto ko na talaga makaalis sa lugar na ito ngunit paano?
Ito ang nasasaisip ng Bai, ngunit paano niya gagawin ang pagtakas? Kung siya'y nag-iisa lamang?
"Anong ibig mong sabihin Bai? Ibigsabihin ba, dinukot ka ni Nemesis at ng mga tauhan niyang busabos?"
"Ganoon na nga, Bacon. Kaya kung maaari lamang kapag nakatakas ako sa lugar na ito— ay babalikan kita upang maging aking tagapagluto, pangako ikaw ay babayaran ko ng sapat, kaya sana ay pumayag ka," wika ng Bai.
"Pasensya ka na Bai, hindi ko pwedeng iwanan ang amang tumanggap sa'kin," aniya.
Nauunawaan ni Huadelein si Bacon kung saan ito nanggagaling, itinakwil siya ng kanyang totoong ama at may tumanggap sa kanyang isang butihing ama— na hindi man siya nito kadugo ay buong puso siyang tinanggap.
"Kung gayon, ay nauunawaan kita Bacon."
Wala akong karapatan na magpasya para kay Bacon, sayang lamang sapagkat napakasarap niyang magluto—nais ko pa naman sana itong maging isa sa aking mga sandig.
"Bai, isa kang Binukot tama ba?" Tanong nito sa Bai.
"Oo. Ganoon na nga, bakit Bacon may suliranin ba kung ako ay isang Binukot?"
Nagtatakha ang Bai, kung bakit ito biglang naisipan tanungin ng binata.
"Wala Bai, nagresearch kasi ako patungkol sa Binukot at nagtataka lang ako kung bakit maiksi ang buhok mo," wika nito.
"Mahabang salaysayin, kung ito ay isasalaysay ko pa Bacon."
"Sige, Bai. Magtatanong na lang ako, ano ang tatay mo Datu, Sultan—" pinutol na agad ng Bai ang sinasabi ni Bacon.
"Isang Rajah, ang aking ama, isang Rajah na malaki ang pagmamahal sa aming puod."
Napansin ng Bai na napalunok ito.
"R-Rajah? Hindi ba Bai mas mataas 'yon sa mga Datu?"
"Oo, tama ka Bacon..."
Hindi alam ng Bai na may kabatiran pala si Bacon sa ganoong bagay, ngunit nabanggit nga niya na nagsaliksik ito.
"Ibigsabihin, nasa maharlikang angkan ka nabibilang Bai?" Tanong nito.
"Oo, Bacon," tugon ng Bai, at biglang yumukod ang binata nang marinig iyon. "Sandali lamang— ano at bigla kang yumukod?"
"Nakakahiya Bai, isang pangkaraniwan lang ako at mali na tingnan kita habang nakataas ang noo ko," wika nito habang nakayukod.
"Hindi mo na kailangan gawin iyan Bacon, sapagkat wala naman tayo sa aming puod kung kaya't itigil mo na ang iyong ginagawa, tayo na at magpatuloy sa pagkain," wika ng Bai.
At nag-angat ito ng paningin, atsaka nagpatuloy sa pagkain.
"Bai, siguro magkasing ganda kayo ng mama niyo," biglang wika nito.
Naalala ko tuloy ang aking ina.
"Mas maganda ang aking iloy, Bacon... Ngunit siya'y namayapa na..." Wika ng Bai na nakangiti.
"S-sorry, B-Bai..."
Bai Hera's PoV
Nasa hapagkainan na kami kasama ang aking mga nakatatandang kapatid, at sina Baba at ang Dayang na punong-puno ng kasinungalingan. Nais ko man ipakita ang aking galit sa kanya, ay hindi ko magawa sapagkat nasa aming harapan ang aking Baba.
"Ano at hindi pa kayo kumakain?" Tanong ni Baba, sapagkat wala pa ni isa sa amin ang nagsisimulang kumain at wala pang nagtatangka na dumampot ni kapiraso sa mga nakahain sa hapag.
"Oo nga naman, kumain na kayo masamang nagpapalipas ng gutom," wika ng Dayang, kunwari pa itong may pakialam sa amin.
"Helena, Isagani, Hera tayo na at kumain hindi tayo maaaring magpadala sa ating kinakaharap na suliranin ngayon, lalo't mas kailangan tayo ng inyong kapatid," wika ni Baba.
Tama si Baba, ngunit tila nawawalan ako ng gana kapag nakikita ko ang Dayang.
"Tama si Baba, tayo na at kumain," saad ni ubu Isagani, na hindi kababakasan ni katiting na ngiti. Kumuha na ito ng pagkain ganoon din si Umbo Helena, at nagsimula na silang kumain ganoon din sina Baba at ang Dayang. Ngunit, ako ay tila wala talagang gana pang kumain.
Kumusta na kaya si Umbo Huada? Siya kaya'y kumain na? Ayos lang ba siya? Nakatutulog kaya siya ng maayos?
"Hera, ano at hindi ka pa kumukuha ng pagkain? Nais mo bang ipaghain kita?" Ani ng Dayang, dahilan upang maalis sa aking isipan ang mga bagay na aking iniisip. Tatayo na sana ito nang ako ay magsalita.
"Hindi na kailangan Dayang, wala pa akong gana kumain. Tayo na Sima—" aking aya kay Sima, at tatayo na sana ngunit biglang nagsalita ang aking Baba.
"Maupo ka Hera! Si Lilibeth ay nagmamagandang loob lamang sa iyo, kaya ano at tumatanggi ka?" Tanong ng aking ama.
"Mahal ko, huwag kang magtaas ng boses baka matakot si Bai Hera," wika ng Dayang sa aking ama.
"Maupo ka na Hera, at ipaghahain kita," nakangiting ani ng Dayang sa akin, at lumapit pa ito sa aking kinauupuan ngayon at ako'y ipinaghain.
"Hindi mo kailangan gawin iyan Dayang," aking ani, kung nalalansi niya ang aking ama— ay ibahin niya ako pagkat di niya ako madaling mapaglalalangan.
"Ngunit kailangan munti kong Hera, kailangan mong kumain pagkat may problema tayong kinakaharap ngayon— kailangan mo ng lakas kaya kumain ka," nakangiti muli nitong wika, atsaka bumalik na ito sa kanyang kinauupuan sa tabi ng aking Baba.
Hinding-hindi mo ako malalansi Lilibeth Hillari. Nagsimula na akong kumain upang hindi mapahiya ang aking ama.
"Helena, magmula pa noong nawala si Huada tila ay wala kang imik?" Baling ni Baba, kay Umbo Helena.
"Ano ang inyong nais na gawin ko Baba? Ang tumangis? Upang maipakita sa inyo na lubos akong nag-aalala sa aking kapatid?" Tugon ni Bai Helena.
Hindi ko nga narinig si Umbo Helena na magsalita ito, mula noong nawala si Umbo Huada ngunit batid kong nag-aalala rin ito hindi naman matigas ang puso ng aking kapatid.
"Wala akong sinasabing ganyan Helena, nagtataka lamang ako," wika ni Baba.
"Baba, Helena— tayo'y nasa hapag kung kayo ay may balak magtalo ay huwag sa harap ng hapagkainan," wika ni Ubu Isagani na seryoso. Magmula noong nabalitaan niya na kinuha ng pamangkin ng Dayang si Umbo Huada ay walang ngiting sumilip sa mga labi nito tila siya'y nag ibang anyo.
Napansin ko naman si Milan na nagmamadaling magtungo sa amin.
"Mawalang galang na, Mahal na Rajah. Kung gagambalain ko ang inyong hapunan, ngunit nais ko lamang magtanong kung may balita na ba kayo sa aking Bai?" Tanong ni Milan.
Tiyak ay labis na itong nag-aalala pagkat ang mga mata nito ay mugto, kwento sa akin ni Sima ay tumatangis ito habang iniisip kung ano na ang kalagayan ng kanyang alagang Bai. Maging ako man ay hindi ko rin maiwasang tumangis sa pag-aalala.
"Sa kasamaang palad, ay wala pa rin Milan— ngunit kapag mayroon nang balita tiyak ay isa ka sa unang makababatid nito," wika ni Baba.
"Daghang salamat, Mahal Rajah," wika ni Milan, madilim ang mukha nito na nilisan ang silid.
"Totoo kayang nag-aalala si Milan sa kanyang Bai?" Tanong ni Lilibeth.
"Oo. Dayang, sapagkat alaga niya ang aking kapatid mula pa ito ay maliit pa tiyak ako na nag-aalala si Milan kay Huada," saad ni Ubu Isagani.
"Tunay ang kanyang pag-aalala, hindi gaya ng iba riyan huwad!" Aking wika, at sumubo ng pagkain.
Napansin kong sandaling binalingan ako ng Dayang, at agad ay bumaling ito sa aking ama.
"Kumain ka pa, Mahal ko..." Wika nito sa aking ama.
Azerine's PoV
Ang bigat ng pakiramdam ko, 'yong pakiramdam na tinatamad ka... Ayoko nang ganitong pakiramdam— parang gusto ko na lang umuwi at maghapon humilata sa higaan.
Pumasok ako ng cafeteria, atsaka naupo sa may bakanteng upuan at yumuko sa mesa. Taena, namimiss ko na si tomboy, kumusta kaya ngayon si boss? Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Kahit gusto ko siyang hanapin hindi naman pwede, may mga mandirigma na nakasunod sa amin. Nasa labas nga sila ng gate ngayon eh, naka disguise akala nila di ko sila makikilala, psssh!.
Naramdaman kong may umupo sa harap ko.
"Ui! Azerine! Andiyan 'yong mga mandirigma ng Rajah sa labas ng gate nakita mo ba?" Tanong ni Jace.
"Malamang nakita ko sila, kaya wala tayong takas hindi talaga tayo makakaporma nito para hanapin si tomboy—"
"Eh di, iligaw natin sila." Rinig kong wika ni Tres.
"Balak mo pa lang iligaw sila, di mo alam ikaw na 'yong naligaw!" Sabi ko.
Umayos ako ng upo at binalingan ang dalawang nasa harap ko.
"Namimiss ko na si boss," wika ni Tres, na nakanguso at nakatingin sa cellphone niya. Sigurado, picture ni boss ang tinitingnan nito tsk! Tsk! Inlove pa rin ang isang 'to kay tomboy.
"So, anong gagawin natin? Ganito na lang tayo? Wala tayong gagawin? Hindi natin hahanapin si boss?" Tanong ni Jace.
Hindi ko rin naman 'to gusto, pero syempre pag may pagkakataon tsaka kami kikilos.
"Ano pa nga ba Jace? Pero syempre tayo ang sandig ni Huada di ba?" Nakangisi kong tanong.
"Parang— kilala ko 'yang ngiti mo Azerine, may pumapasok na naman na kalokohan diyan sa tuktok mo 'no?" Tanong ni Tres.
Sasagot na sana ko nang may marinig kaming mga boses.
"Hello Papa Tres! Hello Pogi!"
"Hello! Whisky," ani ko, habang nakangiti.
"Hello! Papa Jace!" Wika ni Rica, sabay beso niya kay Jace habang nakaupo ang loko.
"Teka! Parang kulang kayo? Saan si Ganda?" Tanong ni Georgia.
Patay! Ano na naman kaya idadahilan ko rito?
Ginoong Isagani's PoV
"Kung ganoon, ay hindi niyo pa rin nahahanap ang aking kapatid," aking wika sa kabilang linya.
"Oo. Ginoo, ngunit binabagtas namin ngayon ang lugar kung saan nakita ng mga sandig ng Bai ang isang manika, pagkat maaari na malapit lamang rito kung nasaan ngayon ang Bai," saad nito.
"Mabuti. Ipagpatuloy niyo lamang ang inyong ginagawa Maliksi, at huwag kayong titigil hanggat hindi niyo natatagpuan ang Bai."
"Masusunod, Ginoo."
Ibinaba ko na ang tawag.
"Ginoo, sa aming narinig tila wala pa rin balita sa inyong kapatid," wika ng isa sa aking mga sandig.
"Tama ka Wano, sana ay mahanap na nila si Huada sapagkat lubos akong nag-aalala sa kanya."
"Ginoo, nauunawaan kita pagkat ako man ay may kapatid na babae at lubos na kasundo ko," salaysay ni Kabang.
"Pantay ang aking pagmamahal sa aking mga kapatid, ngunit si Huada ay sumasalamin sa aming ina— lahat ng katangian ni iloy ay nakuha ni Huada, lalo na ang katigasan ng ulo nito ngunit mapagkalinga."
"Kaya pala ganoon na lamang ang inyong pag-aalala sa Bai," wika ni Dado.
"Hindi ba Ginoo? Kinuha ang inyong kapatid ng Ginoong nakatakda sa kanya ipakasal?" Tanong ni Wano.
"Oo, at batid niyo na ito ay isang kaaway," aking tugon.
"Nasa panganib nga ang Bai kung gayon!" Wika ni Dado.
Isang kaaway si Nemesis, ang angkan nila ay lubos na masama. Sila'y pumapaslang alang-alang sa salapi, madali silang masilaw sa mga bagay na kumikinang.
Cleo's PoV
Mukhang magpapasa pa 'tong suntok sa mukha ko ng asungot! Taena, ako pa pinagbintangan na umupak sa kasama nilang lalampa-lampa! Di ako bumubugbog nang mas mahina pa sa'kin!.
Ba't wala kong nakikitang mga chiks ngayon dito sa hallway? Oo nga pala, nasa kalagitnaan ng klase ngayon ang mga magagandang dalaga tsk! Tsk! Patuloy lang ako sa paglalakad nang may marinig akong umiiyak, iyak ng babae halata naman kasi sa boses.
Paglakad ko pa nang kaunti nakita ko ang babaeng umiiyak sa hagdan. So, ito pala ang umiiyak? Malapitan nga, pagkalapit ko inilapit ko ang mukha ko para makita ko nang malapitan ang mukha niya— pero natatakpan naman 'yon ng mga kamay niya kaya tinanggal ko ang kamay niya atsaka tumigil siya sa pag-iyak. At nagpakurap-kurap ang mga mata nito na nakatingin sa'kin.
Bago pa niya maisipan magtanong inunahan ko na siya. Kala niya!
"Ui! Panget! Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.
Tapos umiyak siya ulit, ngayon mas malakas ang iyak niya. Tinakpan ko ang magkabila kong tainga, ang sakit sa eardrums!.
"Ui! Bakit ka umiiyak? Panget ka na nga, umiiyak ka pa! Eh di, mas lalo kang pumapanget niyan!" Ani ko sa kanya.
Mas lalo pa siyang umiyak.
"Gag* kaaa...!!!" Sabi niya'ng umiiyak.
Aba nagmura pa!
"Ui, sagutin mo 'ko panget! Nagtatanong ako!"
"Ano ba 'yon?" Tanong niya, atsaka bumaling sa'kin.
Kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko, atsaka iniabot sa kanya.
"Oh! Panyo, punasan mo 'yang sipon mong tumutulo," sabi ko at sabay iwas sa kanya.
Panget na nga, umiiyak pa! Narinig ko pang suminga siya.
"Salamat sa panyo, kahit siraulo ka," rinig kong wika niya
"You're welcome! At Correction lang! Gwapong siraulo!" Pagtatama ko, inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at napansin ko pa ang butil ng luha sa gilid ng mata niya.
Ayoko talaga nakakakita ng babaeng umiiyak.
"Bakit ka nga pala umiyak?" Tanong ko, at bahagyang umiwas ng tingin sa kanya.
"Kasi di ako crush, ng crush ko! Iba ang gusto niya huwaaaa...!!!" Tapos umiyak siya ulit.
"Kasi nga, panget ka!"
"Gag* ka talagaaaa...!!!"
Sakit talaga sa tainga!
"Sandali— ang sakit sa tainga, putya! Baka di na kayanin ng eardrums ko! Anong pangalan ng crush mo?"
Tapos bigla siyang huminto sa pag-iyak.
"Dominic Manuel, 'yong matalinong gwapo," sagot niya.
Kilala ko ang sinasabi niya, 'yong taga section 2.
"Eh, ikaw panget? Anong pangalan mo?"
"Grabe ka, makapanget ah! Melody Reymundo," sagot niya.
Huadelein's PoV
Kailangan ko nang gumawa ng paraan, bahala na kung anong mangyayari, ngunit sana ay gumana itong aking gagawin. Lumapit ako sa pinto atsaka kumatok.
"Buksan niyo itong pinto! Pakiusap! Lubhang masakit ang aking tiyan!"
Patuloy akong kumatok sa pinto, hindi ako titigil hanggat hindi nila ito binubuksan ngunit tila wala silang balak buksan ito, kaya malalakas na katok pa ang aking ginawa.
"Pakiusap! Buksan niyo na ito! Napakasakit ng aking tiyan! Pakiusap! Mamatay ako sa sakit nito—"
Nang bubuksan na ang pinto, ay mabilis akong humiga sa sahig at nagkunwaring namimilipit sa sakit.
"Anong nangyayari sayo, Bai?" Tanong ng lalaking bantay.
"Hindi mo ba nakikita? Namimilipit na ako sa sakit ng tiyan! Kapag ako namatay rito papatayin kayo ni Nemesis!" Aking singhal.
Dali-dali naman silang lumapit sa akin, nang buhatin na ako ng isang bantay ay mabilis kong kinuha ang baril sa tagiliran nito atsaka mabilis na binaril ang kasama nitong bantay sa tagiliran at binti. Bago pa kumilos ang bantay na may buhat sa akin ngayon, ay agad kong inilabas ang isang lubid atsaka mabilis akong kumilos at ipinulupot sa leeg nito, atsaka ako tumalon patungo sa likuran niya habang hila-hila ang lubid— at paglapag ng aking paa sa sahig ay mahigpit ko pang hinila ang lubid sa leeg nito, sa aking pagbaling rito ay wala na itong hininga maging ang isang bantay.
Kinuha ko ang kanilang mga baril atsaka lumabas ng silid, lumakad ako sa malawak na pasilyo at nakasalubong ko ang babaeng mukhang maghahatid pa ng aking meryenda.
"P-paano—" Hindi ko na pinahintulutan pa na magsalita ito.
"Ano? Paano ko nagawang makalabas? Itikom mo ang iyong bibig, at magkunwari ka na walang nakita." Atsaka nilampasan ito.
Mabilis akong tumakbo sa malawak na pasilyo, at may nakasalubong akong mga tauhan ni Nemesis— agad kong pinagbabaril ang mga ito gamit ng hawak kong dalawang baril. Nang matumba ang mga ito ay nilampasan ko sila at nagpatuloy sa pagtakbo.
Nasaan ang lagusan palabas? Malaki itong lugar kung kaya't hindi ko matiyak kung saan ang daan patungo palabas. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at muli, ay may humarang sa aking daan— walang anu-ano ay pinagbabaril ko ang mga ito, paubos na ang bala ng hawak kong mga baril kailangan ko nang makalabas!
Sa aking pagtakbo ay may muling humarang at agad kong itinutok sa kanya ang hawak kong baril.
"Pararaanin mo ako o kakalabitin ko itong gatilyo?" Aking tanong sa aking kaharap.
"Bai Huada, iyan ba ang paraan mo ng pagbati na magandang tanghali?" Tanong nito sa akin na nakangiti, tila hindi sila nagkakaiba ng kanyang pinsan na si Nemesis.
"Tinatanong kita Vergel, kaya sumagot ka!"
"Sa palagay mo ba matatakot mo ako ng baril— ugh! Sh*t!" Daing nito matapos kong patamaan ang binti nito.
"Iyan ang napapala mo!" At ako'y tumakbo na.
"Sir! Ano nangyari sa inyo?" Rinig kong tanong nang isa mga tauhan nila na kararating pa lang.
"Nakatakas ang Bai! Habulin niyo siya! Bilisan niyo!" Rinig kong sigaw at utos nito sa mga tauhan.
Tumakbo ako nang tumakbo at may mga humahabol na sa akin, sandali akong lumingon at pinagbabaril sila gamit ng isa pang hawak kong baril. Ngunit, ilang kalabit ko lamang ng gatilyo ay hindi na ito pumutok pa kung kaya't ibinato ko na ito sa mga humahabol sa akin.
Habang tumatakbo ako, ay napansin ko ang isang tarangkahan at malapit na sana ako rito nang maramdaman kong may humawak sa aking braso. Hinila ko ang braso nito, at buong lakas na ibinagsak ito sa lupa— at ngayon ay napalilibutan ako ng limang lalaki. Wala akong magagawa pa, kailangan ko nang gamitin ang natitira pang bala ng hawak kong baril ngayon.
"Ikamusta niyo ako kay Magwayen!" At sila'y aking pinagbabaril, ngunit may natira pang isang nakatayo, mukhang mapapalaban pa ako.
Bumunot ito ng baril, at itututok na sana sa akin ngunit mabilis akong kumilos at naagaw ko ang hawak nitong baril.
"H-huwag mo kong p-patayin m-maawa ka sa'kin," anito.
"Hindi ka naawa sa'kin kung kaya't mauna ka na sa sulad!" At binaril ko ito, ngunit pagkabaril ko sa kanya ay may naramdaman akong kung ano sa aking kaliwang braso, at paglingon ko sa likuran ay nakita ko ang isang mukha ng kaaway.
"Take her!" Utos nito sa mga tauhan niya.
Ngunit kinalabit ko ang gatilyo, dahilan upang tamaan ang mga binti ng ilang kasama nitong tauhan, at naramdaman kong may malakas na puwersa na tumabig sa akin mula sa aking likuran dahilan upang ako ay mapaluhod. At may humawak sa aking magkabilang braso, at ako ay sapilitang pinatayo kahit na nakararamdam na ako nang panghihina marahil dulot ng daplis ng bala.
"Good afternoon honey, where do you plan to go huh?" Tanong nito sa akin, habang nakapalibot ang mga tauhan nito.
"Hindi mo ko kaya mag-isa Nemesis..."
"Tsk! Tsk! Do you think you can escape here? Honey, this is my territory— and I am the law here, so no matter what you do, you can't escape here my staff will catch you," saad niya.
"Matapang ka lang, dahil may kasama kang tauhan—" Lumapit ito sa akin, atsaka pinasadahan ng mga daliri nito ang aking pisngi.
"You impress me so much honey with your courage, but now it's time for you to rest," anitong nakangiti sa akin, atsaka may naramdaman akong tumusok na karayom sa aking kanang braso.
"Ano iyan?" Aking tanong, at nagpupumilit pumiglas sa mga tauhan nito.
"It will make your sleep better, honey," aniya na nakangisi.
"Makakaalis rin ako rito, magsaya ka lamang ngayon."
"You cannot escape from me Huadelein, you are mine."
Nanghihina na ako dulot ng sugat na aking natamo, at marahil na rin sa itinurok sa aking braso.
"Take this lady, to her new room," utos nito sa mga tauhan niya.
Wala na akong lakas upang magpumiglas pa, at habang naglalakad ay unti-unti ko nang naramdaman ang pamimigat ng aking mga mata.
Vergel's PoV
That woman I didn't think she would continue to shoot me, it's a good thing she only hit me in the leg, pero hindi naman ako makalakad ng maayos ngayon.
She was so good when it came to fighting it could not be denied that she was the daughter of a Rajah, napabagsak niya ang 13 na tauhan ni Cyrus nang ilang minuto lang.
"How is Bai now?" I asked him as he drank the wine.
"She's sleeping now."
"Increase her guards lest she escape again."
"No need, she's tied up now so she can't escape again," he replied as he shook his glass of wine.
"I'm sure, the Rajah's warriors are looking for her now."
"Yes, you are right there but— the Rajah will not act if he doesn't want us to get into trouble."
"Paano kung malaman ng Rajah na sinaktan mo siya? Na nadaplisan ng bala ang Bai?" Tanong ko.
"He would not know about it, as long as Huadelein was here," he replied.
"And I have something to say, the organization has a meeting tomorrow and good news! The Rajah will certainly attend," He said with a grin.
"Anong binabalak mo?"
Ginoong Isagani's PoV
Gabi na, at wala pa rin akong natatanggap na balita mula kina Maliksi. Nawa ay may maibalita na sila sa akin mamaya.
Pinagmamasdan ko ang mga Babaylan, na nag-aalay ng panalangin ngayon dito sa labas ng balay. Magmula nang mawala si Huada ay gabi-gabi nila itong ginagawa, upang gabayan ni Aba at ng mga umalagad ang aking kapatid, at mailayo ito sa kapahamakan.
"Ginoo, tila magmula kaninang tanghali ay wala pang tumatawag sa inyo," wika ni Dado.
"Tama ka Dado, sana nga ay may maibalita na sa akin sina Maliksi mamaya."
Pagkat habang tumatagal ay mas lalo akong nag-aalala kay Huada lalo na ngayon.
Narinig kong tumunog ang aking telepono tanda na may dumating na mensahe, binuksan ko ang mensahe at binasa ito. Nang mabasa ko ang mensahe, ay dali-dali akong lumakad upang magtungo kay Baba.
"Ginoo! Sandali! Ginoo! Hintayin mo kami!" Rinig kong tawag sa akin ni Wano, at sumunod sila sa akin.
Pagkarating ko sa bulwagan ay nakita ko si Baba kausap ang Dayang, ako'y yumukod atsaka nagwika.
"Baba, paumanhin kung nagambala ko ang inyong pag-uusap ng Dayang, ngunit may dumating na mensahe galing sa organisasyon."
"At anong mensahe ito?" Tanong ni Baba.
"Magsasagawa ng isang pagpupulong bukas ang buong organisasyon, na pangungunahan ng Clown's at Maskara's at dito nila nais ganapin," aking tugon.
Bumuntong hininga ang aking ama.
Huadelein's PoV
Naramdaman kong may humahaplos sa aking buhok, at may narinig akong tinig na animo'y ako ay hinehele— tila pamilyar ang tinig nito at napakasarap pakinggan.
"Munti kong Bai Huada, aking pinakamamahal na Huada— magmulat ka anak..."
Iminulat ko ang aking mga mata, atsaka nakita ko ang isang napakagandang Dayang.
"I-Iloy..."
-------
Itutuloy...
Karagdagang kaalaman:
Magwayen- Si Magwayen ay isang diwata na taga sundo ng dungan (kaluluwa) ng isang namayapa na at tagahatid sa lalangban (Espiritwal na ilog) patungo sa sulad (purgatoryo)
Ang sinuman na sunduin ng diwatang si Magwayen ay sumakabilang buhay na.
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top