Kabanata XLV: Ang Sisidlan Ng Nakaraan Ni Atubang












Kabanata XLV: Ang Sisidlan Ng Nakaraan Ni Atubang




--




Huadelein's PoV


Katatapos ko lamang ubusin ang aking paella, at ako'y busog na busog sa dami ng aking nakain tila nais kong uminom ng isang softdrinks ngunit wala naman yata ganoon dito.



"Sige, Bai. Liligpitin ko na 'tong pinagkainan," aniya, at akma na itong tatayo---.



"Sandali lamang, katatapos pa lamang natin kumain maupo ka muna." Aking pigil sa kanya.


"Okay, sige Bai," aniya, at naupo muli sa salung-puwit at napansin kong waring nag-iiwas ito sa akin ng tingin.


"Ano at hindi ka makatingin sa akin, Bacon? Tama ba ang aking sapantaha--- na may lason ang pagkain na ating kinain?" Aking tanong sa kanya, bigla naman nabaling ang paningin nito sa akin atsaka ito tumugon.


"Hindi, Bai. Walang lason ang pagkain na kinain natin 'no, hehe," anito, at bahagyang tumawa.


Anong suliranin ng isang ito? At kung makatawa---.


"Kung gayon, ---ay bakit hindi ka makatingin sa akin? Alam mo Bacon, kung may lason ang pagkain hindi ako mangangamba sapagkat may kasama akong tutungo ng sulad," aking wika sa kanya na nakangiti.


Hindi naman talaga ako nag-aalala kung may lason ang pagkain, pagkat kung ako ay mamamatay ay may karamay akong maagang magtutungo ng sulad.


"A-ano? " Tanong niya, sa halip na ako'y tumugon ay nginitian ko na lamang ito.


"Sabihin mo sa akin Bacon, ano at hindi ka sa akin makatingin?"


Nais ko lamang malaman, baka mamaya ay tama ang aking sapantaha.


"A-ano--- kasi B-Bai..."


"Ano?"


"A-ang--- g-ganda m-mo kasi---" aniya.


Ang akala ko ay kung ano na.


"Ang akala ko ay kung ano na, sandali lamang may itatanong ako sayo---"


"Ano iyon, Bai?" Tanong niya, at mabilis nabaling ang paningin nito sa akin.


"Ang iyong amo ba na si Nemesis--- ay madalas sa lugar na ito?"


"Oo, Bai. Ngunit minsan ay umaalis siya pumupunta siya sa company nila," tugon niya.


"Ito ba'y kanyang balay?" Aking tanong.


"Hindi, Bai. Isa 'tong hide out at malayo 'to sa bahay niya at isa lang 'to sa mga pag-aari nila," tugon niya.


Hideout? Hindi ba ang mga taong kriminal lang ang mga may ganoon? Hindi rin ako tiyak pagkat napapanood ko lamang iyon sa telebisyon.


"Kung gayon, ay---" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang may kumatok sa pinto.


"Sandali lang Bai, bubuksan ko lang ang pinto," aniya, at tumayo ito at nagtungo na sa pinto at pagbukas nito ay...


"Ang tagal naman yata ng Bai kumain?" Tanong nito kay Bacon, siya na naman si kalbo? Kapag ako talaga nakatakas dito ay babarilin ko ang binti niya!.


"Tapos na, magliligpit na lang ng pinagkainan,"saad niya, atsaka nagtungo ito sa mesa na aking kaharap at kinuha ang aming pinagkainan at inilagay niya ito sa tulak-tulak.


"Bukas na lang, Bai," paalam nito sa akin, na nakangiti.


"Oo, daghang salamat." At lumabas na ito, tulak ang tulak-tulak na bakal na lalagyan ng pinagkainan.










Azerine's PoV



"Hindi kayo nakinig sa aking utos!" Singhal sa'min ng Rajah.


Tinatawag ko po lahat ng poon, patron o ano pa man, maawa po kayo sa gwapong tulad ko. Alam kong malupet si Huadelein pero mas malupet magalit ang tatay niya.


"Ngunit Rajah, ito ay magsisilbi nating daan upang matunton ang Bai," wika ko sa Rajah, anak ng pating! Sinamaan ako ng tingin ng Kapunuan.


Putya.


"Azerine, batid kong nag-aalala lamang kayo sa inyong Bai ngunit huwag niyong suwayin ang aking utos--- hindi ba't sinabi ko na sa inyo na ipabauya niyo na lamang ito sa mga mas nakatatanda?" Tanong ng Rajah sa amin, ang lupon ng mga nakatatanda nakatingin sa'min pati na si Lolo Digma--- I mean Lolo ni Huadelein.


"Ngunit, Kapunuan---" wika ni Winston, na hindi na naituloy dahil nagsalita ang Rajah, putcha supalpal talaga kami.


"Hindi niyo ba naisip na kayo ay iniligtas ng inyong Bai? Nang kusang loob ito sumama kay Nemesis? Hindi niyo ba iyon naiisip? Kayo ang kanyang mga sandig at batid ko na mahalaga kayo sa aking anak, ano na lamang ang sasabihin sa akin ng inyong Bai--- kung kayo ay napahamak roon kanina? At matuklasan nito na kayo ay napahamak? Mababalewala ang sakripisyo ng inyong Bai, at tiyak ay magagalit ito at maging ako na kanyang ama ay kasusuklaman niya," saad ng Rajah.



Tama ang Rajah, mababalewala ang sakripisyo ni boss kung pati kami napahamak rin kanina. Paano kung natambangan nga kami? Siguradong kahit patay na 'ko sasabihin ni boss "pag namatay ka Azerine papatayin kita!" Putcha, naiisip ko pa lang 'yon, parang mas nakakatakot si tomboy.



"Paumanhin, Kapunuan. Kung kami ay naging mapusok sa aming mga gawi," wika ni Hope at yumukod.


"Patawad, Kapunuan," wika nina Jace at Tres, at nagsipag-yukod kami, yukod na lang gaya-gaya na lang ako.


"Ayoko na itong mauulit pa, hayaan niyo ang aking mga sandig at mandirigma ang magtrabaho sa bagay na ito," wika ng Rajah.


"Kung gayon, Rajah ay---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang magsalita si Ginoong Isagani.


"Oo, tama ang iyong narinig Azerine--- ang mga sandig at mga mandirigma ng Rajah ang magt-trabaho sa bagay na ito kaya hindi niyo na kailangan kumilos pa at huwag niyo ng babaliin ang mahigpit na utos ng Rajah," wika ni Ginoong Isagani, na ikinatuwa ko pero hindi ko gusto ang salitang 'hindi na namin kailangan kumilos'



"Humayo na kayo," wika ng Rajah sa amin.


Medyo masama ang loob ko, pero ano bang magagawa namin? Utos ng Rajah pero iba pa rin kapag kami ang nagtrabaho. Taena, Azerine, huwag ka ng pumalag Rajah 'yan baka makalimutan niyan na kaibigan niya si momshie at mapugutan ka ng ulo!.










Huadelein's PoV



Ako ay naalimpungatan sa aking paghimbing, nang mayroong tila may humawi ng aking buhok na lumalaylay sa aking pisngi dahilan upang ako'y mapamulat--- at naramdaman kong hawakan nito ang aking baywang mabilis akong nagbangon, at agad itong hinarap.


"Lapastangan! Wala kang karapatan na gambalain ang aking pagtulog maging ako'y iyong hawakan sapagkat hindi kita katipan o ni bana!" Aking wika sa kanya, habang siya'y nananatiling nakaupo sa malambot na higaan na animo'y wala lang sa kanya ang aking sinasabi.


"Huadelein... You are here in my place so I will be the one to follow here, come here honey, let's start this--- don't make me wait," anito sa akin, na hindi ko naiibigan.


"Start mo mukha mo! Lumayas ka sa aking harapan Nemesis, baka hindi ako makapagpigil at mapaslang kita!"


Mapapaslang ko talaga ang isang 'to, karima-rimarim ang kanyang ikinikilos.


"Tsk! Tsk! Honey, you don't have a weapon here... So, stop your heroic stunts there and come to me," aniyang nakangiti sa akin.


"Hindi ako lalapit sa'yo, kahit mawalan ka pa ng hininga riyan!"


Anong akala niya sa akin mauuto niya?


"Why are you so stubborn? Come to me Huadelein! Or do you want me to come to you---" bigla itong kumilos, at hinila ang aking braso, ako'y pabagsak nitong itinulak pahiga sa malambot na higaan. Pinilit kong magbangon ngunit masyadong malakas si Nemesis, hawak nito ang aking magkabilang bisig at nauupuan niya ang aking mga hita.


"You are too elusive Huadelein, you should be punished!" Anito, dahilan upang manayo ang aking balahibo sa katawan.


Tatangkain na sana ako nitong halikan, nang biglang tumunog ang isang telepono at siya'y napalingon dito--- atsaka umalis ito sa aking mga hita at narinig kong sagutin niya ito.


"What? Yeah--- yes, ---she is with me now, tita," rinig kong wika ni Nemesis.


Tita? Tiyak ay ang kanyang tiyang hilaw ang kanyang kausap!


"IYANG PAMANGKIN MONG HILAW! TINANGKA AKONG HALIKAN!" Aking hiyaw, tiyak ay maririnig ako ng kanyang tiya.


"Yes--- of course not tita--"


"IPARATING MO SA AKING AMA ANG AKING SINABI LILIBETH HILLARI!" Aking wika, at nilakasan ang aking boses.


"Yeah--- I'm sorry tita, ---okay bye," aniya, at ibinaba na nito ang telepono.


"Magpustahan tayo, ang iyong tiyang hilaw ang tumawag sayo," aking wika.


Wari ba itong dismayado, sandali ako nitong binalingan atsaka ito lumabas ng silid. Hindi na ako maaaring magtagal pa rito.








Hope's PoV


Hinihintay ko ang isang tao at 15 minutes na 'kong naghihintay rito, hanggang anong oras ba 'ko paghihintayin ng taong 'yon!?.


"Miss!" Tawag ko sa isang waitress.


"Yes po, sir?" Tanong nito sa'kin.


"1 chocolate coffee," ani ko sa waitress.


"Okay po, sir," wika nito, at umalis na sa harap ko pero hindi rin nagtagal bumalik ang waitress dala ang chocolate coffee ko.


"Thank you," sabi ko, at agad ko rin binayaran ang kape sa kanya "keep the change." Atsaka kinuha ko ang mug ng kape, hinipan ito atsaka ako humigop. Mayamaya pa ay dumating na ang taong hinihintay ko, at may inilagay itong isang envelope sa mesa.



"Ano yan?" Tanong ko.


"Envelope, bulag ka ba?" Tanong niya sakin, aba gag* 'to ah.


"Nakikita kong envelope 'yan, gusto mo ihampas ko sayo 'yan?"


"Easy! Chocklet," anito, na nakataas pa ang dalawang kamay atsaka naupo siya sa kaharap kong upuan.


"Ba't ngayon ka lang? Alam mong mahalaga sa'kin ang oras," sabi ko sa kanya, at kinuha ko ang envelope na nakalapag sa mesa.


"Alam mo namang pulis 'tong kaibigan mo, syempre sikat sa chiks yata 'to tsaka pahirapan pa na makuha ko 'yan," wika niya, habang ako busy sa pagtingin ng laman ng envelope.


"Di mo ba 'ko ipag-oorder ng kape Chocklet?" Tanong niya


King*na, walang suspek? Namatay ang Hara na walang man lang nanagot? Inilipat ko ang papel at, teka! ---Ano 'tong van?


"Chocklet?"


"Isa pang tawag mo ng Chocklet, tatama sa'yo ang sarili mong bala Ranzo," sabi ko sa kanya.


Chocklet! Nang Chocklet eh!


"Order mo na kasi ako ng kape, Hope," aniya.


Napansin kong katatapos lang magbigay ng kape ng waitress sa isang customer kaya tinawag ko siya agad.


"Miss!" Tawag ko sa waitress at agad naman itong lumapit sa'min.


"Isang Americano, tsaka 1piece chocolate cake," wika ko sa waitress


"Okay copy po, sir," ani ng waitress na kinindatan pa ni Ranzo, kupal talaga napaka chikboy hayup! Nang lumakad na palayo sa'min ang waitress itinuon ko uli ang paningin ko sa papel na may litrato ng isang sasakyan.


"Ano 'tong sasakyan?" Tanong ko kay Ranzo


" 'Yan? Narecover 'yan pagkatapos ng aksidente, nakita sa isang bakanteng lote," saad niya.


"May iba pa ba kayong narecover?" Tanong ko.


"Bakit di mo tingnan 'yong ibang pictures," aniya.


Ililipat ko na sana ang picture pero iniisip ko talaga 'tong sasakyan na 'to, hindi naman pwedeng ito 'yong sasakyan na ginamit ng Hara dahil sigurado convoy ang dalang sasakyan nila, teka! Baka ito 'yong sasakyan ng nakabangga.


"Teka, ito bang sasakyan na 'to ito ba 'yong sasakyan ng nakabangga sa convoy ni Hara Delzado?" Tanong ko sa kanya.


"Oo, 'yan nga, teka bakit mo ba tinatanong? Tsaka anong gagawin mo diyan close case na 'yan eh," wika ni Ranzo.



"Kailangan kong malaman kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan na nakabangga sa convoy ni Hara Delzado," sabi ko, habang tinitingnan ang anggulo ng sasakyang nakabangga sa convoy ng Hara.


"Sige, iche-check ko bukas off ko ngayon eh," sabi niya, at sakto naman na dumating na ang waitress at may dalang kape at chocolate cake, "sa ngayon magkape muna tayo at kumain ng chocolate cake," aniya pa, atsaka hiwa ng cake gamit ng tinidor at sabay subo sa bibig niya.


"Pwede bang samahan mo 'ko kung nasaan ang sasakyan na 'to?" Tanong ko.


"Oo ba, basta ba may kape at may chocolate cake eh--- pero bukas pa kita masasamahan ah," wika niya.


"Bubuhayin natin ang kasong 'to," ani ko sa kanyang nakangisi.


"Woi! Hope! Adventure na naman 'yang nasa utak mo, baka nakakalimutan mo ilang taon ka na sa high school 17 years old ka na po," saad niya, talaga 'tong isang 'to oh.


"Ini-enjoy ko lang buhay ko, Ranzo," wika ko, habang nakatingin sa mga pictures.


"Enjoy na puro bagsak ang grades," wika niya.


"Bakit pasado pa rin naman ang 75, 76 at 78 ah!" ani ko


"Pfft! Di ko nga alam kung bakit kita naging kaibigan pero--- woi! Hope, baka naman mapahamak ka sa ginagawa mong 'yan sa pagkalkal ng kasong 'yan ah," sabi niya.



"Eh di mas masaya, ang tanong masasamahan mo ba 'ko sa adventure ko ngayon?"


"Lagi ako napapahamak sa adventure mo Hope," wika niya, sabay higop ng kape.












Third Person's Point of View



Magtatakip-silim na at namamanglaw ang Atubang ng Rajah habang nakatanaw sa kalangitan.





Ang Nakaraan ni Atubang Isog...


Isang bilanggo noon ang nakapiit sa isang kilalang bilangguan sa bansa, siya'y sinentensyahan ng sampung taon hanggang dalawampung taong pagkakakulong--- kahit hindi naman niya sinasadyang makapatay. Limang taon ang nakalipas na siya'y nakapiit, wala ni isang kaanak o asawa ang dumalaw sa kanya--- sa kanyang isipan tila siya'y kinalimutan na ng lahat. Ang isinakdal sa kanya ng hukuman wari ay naging salamin upang mabatid nito kung sino ang totoo sa kanya na nagmamahal. Ngunit sa kanyang isipan ay wala walang nagmamahal sa kanya, mabuti nang siya'y nasa loob ng bilangguan pagkat nabatid nito na maging kanyang asawa ay tinalikdan siya.



Ang anim na taong gulang na nitong anak nais niya itong kumustahin, ngunit hindi niya magawa sapagkat siya'y nakapiit sa salang hindi niya sinasadya.



Isang araw isang lalaki ang bumisita sa bilangguan, mahaba ang buhok nito, may putong sa ulo at may batok o tatoo--- mula pisngi, leeg hanggang mga braso nito, pormal ang pananamit niya at tila ang lahat siya'y iginagalang, abala si Ivalin Henereza sa pagpinta nang may marinig itong boses.



"Napaka ganda ng iyong ipinipinta, isang ina at isang batang lalaki--- saan ka humugot ng inspirasyon upang iyong maipinta itong magandang katha?" Tanong niya kay Ivalin, habang nakatuon ang paningin sa ipinipinta nito.



"Sa asawa't anak ko na nakalimutan na yata ako," tugon ni Ivalin, at itinago ang lungkot nito sa pamamagitan ng kanyang mapait na ngiti.


"Ikinalulungkot kong marinig iyan, kaibigan--- ngunit maitanong ko lamang, ano ang iyong kaso na kinakaharap?" Tanong ng lalaki sa kanya.


"Homicide," tipid na sagot ni Ivalin.


"Ilang taon ka na rito?" Tanong muli ng lalaki.


"Limang taon na, kayo ho ba may asawa at mga anak na ho ba kayo?" Tanong ni Ivalin.


"Mayroon may asawa ko at may tatlong anak," tugon ng lalaki.


"Maswerte ho kayo, ako ho yata after 20 years wala na talaga yata kong babalikan kahit nga sarili kong pamilya ay kinalimutan na 'ko," nakangiting wika ni Ivalin, ngunit ang mga mata niya'y hindi maikukubli ang lungkot.



"Nais mo bang makalaya sa bilangguang ito?" Tanong ng lalaki sa kanya.



"Oho, kaso parang malabo na rin 15 years pa ho ang gugugulin ko rito sa bilangguan," tugon ni Ivalin.


Ngumiti ang lalaki sa kanya, makalipas ang ilang araw ang ipininta ni Ivalin ay naipagbili sa halagang tatlong milyon--- noong una ay hindi ito makapaniwala dahil sa kanyang isipan hindi naman ganoon kaganda ang kanyang ipininta, nais niyang malaman kung sino ang nakabili ng kanyang katha. Ngunit hindi raw ito nagpakilala, kaya nanatiling palaisipan kay Ivalin ang nakabili sa kanyang ipininta.


Makalipas ang tatlong araw, ay bumalik ang lalaki na may batok sa katawan at ito ay nagwika kay Ivalin.


"Kung ikaw ay makakalaya, ano ang iyong unang gagawin?" Tanong ng lalaki kay Ivalin.


Nakangiti si Ivalin, ngunit nang maisip nitong wala na siyang babalikan pa ay naglaho ang mga ngiti nito sa kanyang labi.


"Magpapasalamat sa maykapal, pero ano bang silbi na makalaya ako wala na akong babalikan sa labas," wika ni Ivalin.


"Kung gayon, ay bukas ang aking puod para sayo," wika ng lalaki, na nakangiti kay Ivalin, lumisan ang lalaki.


Makalipas pa ang ilang araw ay nakalaya si Ivalin sa tulong ng lalaki, at siya'y sumama rito sa sinasabi nitong puod na kung saan bukas ito para sa kanya. Ngunit si Ivalin ay nagtaka sa lugar, at sa mga taong nakapaligid sa kanila ng lalaki at hindi na nito napigilan pa magtanong.


"Sandali lang ho, nasaan ho tayo? Tsaka bakit ho parang nasa ibang kabihasnan ho tayo? N-naka bahag ang mga lalaki rito atsaka ang mga babae parang nasa sinaunang panahon ang pananamit nila," ani Ivalin, habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid.



"Masasanay ka rin, Isog," wika sa kanya ng lalaki, at tinapik pa siya nito sa kanyang balikat.


"Sandali lang ho, ano ho bang pangalan niyo? Ang tagal na ho natin magkakilala pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niyo," wika ni Ivalin.


"Tawagin mo akong Rajah Bagani," wika ng lalaki sa kanya.


"R-Rajah Bagani?" Tanong ni Ivalin.



"Oo, mandirigmang Isog, isa ka na ngayon sa aking mga mandirigma," wika ng Rajah sa kanya. Hindi ito makapaniwala sa kanyang mga nasasaksihan, naguguluhan man ito ngunit tila naging masaya si Ivalin sa ipinahayag ng Rajah Bagani.



"Wooooh!"



"Wooooh!" Hiyaw ng mga mandirigma at sandig ng Rajah, bilang pagtanggap at papugay sa isang bagong mandirigma ng Rajah.



Lumipas pa ang dalawang taon ay napatunayan ni Ivalin na siya'y tunay na mandirigma, at mapagkakatiwalaan ng Rajah. Hindi nga nagtagal ay siya ang napiling maging kapalit ng matandang Atubang at napili rin ng Rajah.



"Atubang Tanda, may napili ka na bang hahalili sa iyo?" Tanong ng Rajah sa matandang Atubang.


"Mayroon Kapunuan, siya'y nasa paligid lamang," wika ng matanda, na nakangiti sa Rajah, at maging ang katabi nitong si Ivalin o Isog ay nais malaman kung sino ang tinutukoy ng matandang Atubang.


"At sino ito Atubang?" Tanong ng Rajah.


"Walang iba kundi si Isog," tugon ng matandang Atubang.


Si Isog ay hindi makapaniwala sa narinig nito mula kay Atubang Tanda, kung kaya't ito ay napawika sa matanda.


"Atubang Tanda, huwag kayo magbiro sa Rajah ako ay isang dayo lamang..."


"Anak, hindi mahalaga kung saan ka galing--- ang mahalaga ay ang iyong kakayahan, kailangan ng Rajah ang isang tulad mong maisog, may karunungan at may pusong mapagkandili, ikaw lang ang nakikita kong hahalili sa akin Isog," wika ng matandang Atubang.


"Ngunit Atubang Tanda---" Hindi naituloy ni Isog ang kanyang iwiniwika nang magsalita ang Rajah.


"Isog, huwag mong tanggihan ang isang matandang Atubang, sapagkat siya'y matagal nang nanungkulan sa puod--- pakinggan mo ang kanyang sinasabi at nais ko rin na ikaw ay aking maging isa sa aking mga sandig bilang Atubang."


"Ngunit Kapunuan, magtatatlong taon pa lamang ako sa puod at---" wika ni Isog na naputol.


"Hindi naman bumabase ang tawag ng tungkulin Isog kung ilang taon ka ng namalagi sa ating puod, sa iyong puod," wika ng Rajah na tila humaplos sa puso ni Isog.


"Tiyak ay napamahal ka na sa mga tao, ng ating puod Isog kaya huwag mong tanggihan ang tawag ng tungkulin," wika ng matandang Atubang.


Sandaling nag-isip si Atubang atsaka nagwika ito.


"Kung gayon, ay tinatanggap ko ang tungkulin na iniaatang sa akin," wika ni Isog.


"Magaling Atubang, binabati kita Atubang Isog," wika ng Rajah.


"Mabuhay ka bagong Atubang Isog!" Wika ng matandang Atubang sa kanya.



"MABUHAY ANG BAGONG ATUBANG!" Sigaw ni Aguila.



"Mabuhay!" Sigaw ng mga mandirigma.



"MABUHAY ANG BAGONG ATUBANG!" Sigaw muli ni Aguila.




"MABUHAY!" Sigaw ng lahat.



Nang araw na rin iyon, ay isang batang babae ang kanyang nakita sa balay ng Rajah na waring nagkukubli.



"Ano ang iyong ginagawa riyan Bai?" Tanong ni Atubang Isog sa munting Bai, na nagkukubli sa isang sulok.


"Huwag kang maingay Isog, ang ibig kong sabihin ay Atubang Isog," wika ng Bai.


"Batid mo na pala ang patungkol riyan," wika ni Atubang.


"Oo, Atubang. At binabati kita--- nariyan na si Baba Digma! Maiwan muna kita Atubang, paalam!" Paalam ng munting Bai, at kumaripas na ito ng takbo at napangiti na lamang si Atubang dahil sa kapilyahan ng Bai.




Lubos na nag-aalala si Atubang sa Bai na anak ng Rajah, itinuring niya itong anak kung kaya't hindi niya maiwasan ang mag-alala sa Bai. Batid niya na nasa puder ito ng kaaway ngayon, at may inatasan na mga mandirigma ang Rajah upang hanapin kung nasaan ang Bai ngunit si Atubang ay inutusan ng Rajah na manatili sa puod. Sapagkat kapag si Atubang ang inatasan ng Rajah, tiyak ay hahanapin nito ang Bai saan man sulok--- kahit sino pang mabangga nito ay wala siyang sisinuhin, kahit ikapahamak pa niya matagpuan lamang ang Bai.


"Ano at namamanglaw ka Atubang Isog?" Tanong ng isang matandang babae, at napalingon sa kanya si Atubang.


"Kayo pala Uray Da-an, ano at naririto kayo?" Tanong ng Atubang.


"Atubang ako ang siyang unang nagtanong," wika ng Uray.


"Wala ito, Uray Da-an," wika ng Atubang.


"Batid kong malapit ka sa Bai, tiyak ay ito ang iyong iniisip--- sasagutin ko naman ang iyong tanong, naririto ako sapagkat pinatawag ako ng Rajah upang mag-alay ng panalangin para sa Bai," wika ng Uray Da-an.


Ngumiti si Atubang atsaka nagwika.


"Tama kayo, Uray. Ako ay nag-aalala sa Bai at nais ko man itong hanapin, ay hindi ko magawa sapagkat pinaiwan ako ng Rajah dito sa ating puod," wika ni Atubang.


"Sapagkat kilala ka ng Rajah, na tunay na maisog at tiyak ay hahanapin mo ang Bai," wika ng Uray.










Azerine's PoV



"Aray ko! Putcha naman! Paa ko 'yan Winston," reklamo kong pabulong, dahil natapakan niya paa ko, eh! Naka tsinelas lang pa naman ako, taena.


"Ang bagal mo kasi lumakad, kita mong hinihintay ko sumenyas 'yong isang tomboy eh," wika ni Winston, na pabulong rin.


"Mukha tayong mga magnanakaw sa ginagawa natin ngayon," ani ko kay Winston na pabulong.


"Eh, ewan ko ba kay Hope, ang akala ko pa naman sanggang dikit sila 'nong pulis--- tapos ngayon, putcha mukha tayong mga ninja turtle rito," bulong ni Winston.


"Woi! Tara na!" Tawag sa'min ni Hope.


Teka! Pwede pala lakasan boses? Putcha, kanina pa kami bulungan nang bulungan ni Winston, tiniis ko pa ang mabahong hininga ng tomboy. Tumuloy na kami sa isang malaking garahe na puro sasakyan at nakita kong nakatayo si Hope sa tapat ng isang itim na van.


"Saglit lang tayo rito ah, hindi tayo pwede magtagal," wika ng pulis na si Ranzo.


"Oo, sige." Wika ni Winston.


"Ano naman gagawin mo Hope sa sasakyang 'yan?" Tanong ko.


Di ko talaga alam kung bakit kami nandito.


"5minutes lang tayo rito, kaya mamaya ko na ipapaliwanag--- ichecheck natin ang van na 'to at ang dating convoy ng Hara," wika ni Hope, "picturan niyo lahat ng anggulo o kung anuman ang bagay na makita niyo," dagdag niya.


"Huhulaan ko may kinalaman 'to sa pagkawala ng Hara 'no?" Tanong ko.











Huadelein's PoV


Pangalawang araw ko na sa lugar na ito, at hindi ko pa rin alam kung paano ako makakaalis. Gabi na at narinig kong tumunog ang aking tiyan, nagugutom na 'ko. Kumusta na kaya ang aking mga sandig? Ano na naman kaya ang kalokohan ang kanilang ginagawa ngayon? Si Hope kaya? Nagawa niya kaya ang aking ipinag-uutos? Si Azerine tiyak, ay may kabaliwan na naman iyon na ginagawa.


Narinig kong bumukas ang pinto, atsaka pumasok si Bacon na muli ay may tulak-tulak.


"Magandang gabi, Bai," bati ni Bacon na nakangiti.


"Magandang gabi rin Bacon, kumusta ka?" Aking tanong.


"Ayos lang Bai, ikaw Bai? Hindi ka ba naboboring dito?" Tanong nito, habang binubuksan niya ang isang takip ng pagkain at inayos niya na ito sa mesa.


"Ako ay nababagot na rito, Bacon," aking wika sa kanya, puro na lamang panonood sa telebisyon ang aking ginagawa ang nais ko ay makaalis na sa lugar na ito, ngunit paano ko iyon gagawin? Kung ako lamang ay nag-iisa at napalilibutan pa ang lugar na ito ng mga bantay.


"Maupo ka na rito, Bai," anito, na ipinaghila pa ako ng upuan at ako ay naupo rito.


"Maupo ka na rin Bacon," aking wika, at naupo ito sa upuang aking kaharap napansin ko ang pagkain na tila bago sa aking paningin--- mukhang masarap ito ngunit ang nais kong kainin ay kanin.


"Bai, kain na! Magugustuhan mo 'yan masarap 'yan---"


"Mukha nga'ng magugustuhan ko, ngunit wala ka bang kanin? Kahit bahaw? Tsaka kahit tuyo? Kaninang tanghali wala rin kanin na hinatid sa'kin 'yong babae," aking salaysay.


"Hehe! Sige, Bai. Bukas ipagsasaing kita tapos ipagp-prito kita ng tuyo o di kaya---"


"--Daing! Tinapa, tuyo, kahit ano do'n! Basta may kanin mga limang gatang saingin mo," ani ko, gusto ko na talaga kumain ng kanin! Kahit bahaw pa iyan ay kakainin ko.


"Ang dami naman Bai, ikaw lang naman ang kakain," aniya.


Marami ako kumain ng kanin at dalawang araw na akong hindi nakakakain ng kanin! Tiyak, mapapadami ang kain ko, at ano ang kanyang sinasabi?


"Malungkot ang kumain mag-isa, kaya sasaluhan mo 'ko lagi--- wala akong paki sa amo mong hilaw atsaka huwag mo na papuntahin 'yong babaeng naghatid ng pagkain dito kaninang tanghali, ayoko siyang kausap," aking wika, nakababagot kasama iyon tinatanong ko lang naman kanina kung nasaan si Bacon sinungitan ba naman ako.


"Sige, Bai."


"Mabuti! Tayo na at kumain!"


Nang matikman ko ang pagkain ay napakasarap nito.


"Napakasarap naman nito Bacon, anong tawag sa pagkaing ito?"


"Lasagna, Bai."


"Ikaw ang gumawa nito tama ba?"


"Oo, Bai---"



"Napakasarap! Kahanga-hanga--- kapag ako nakaalis sa lugar na 'to, babalikan kita upang gawing tagaluto at maging isa sa aking mga sandig---"


"Naku! Bai, imposibleng makaalis ako rito kapag umalis ako rito mawawalan ako ng trabaho tsaka papatayin ako ni Mr. Monte," tugon nito.



Mr. Monte? Hindi ba't Monte rin naman siya? Kaya bakit niya tinatawag na Mr. Monte ang kanyang ama? Tila nagulumihanan ako sa kanyang sinambit.


"Sandali lamang Bacon tila nagulumihanan ako sa iyong sinabi--"




-------




Itutuloy...







Karagdagang Kaalaman:

Mapagkandili- Mapagkalinga, mapagtangkilik

Atubang o Agorang- matatanda o may karunungan; nagbibigay payo sa Datu o Rajah








-Papel📝😅

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top