Kabanata XLIX: Ang Bagong Sandig












Kabanata XLIX: Ang Bagong Sandig





--





Zero's PoV



Napansin kong wala na si Dos sa kabilang mesa kaya tumayo agad ako, nasaan na kaya 'yon? Hindi kaya sinundan niya si Nemesis? Talaga naman Dos!



Paglabas ko ng balay ay hinanap ko siya sa bakuran, at hindi pa man ako nakalalayo ay nakita ko si Vergel na may hawak na baril at nakatutok kay Dos. Tang*na!



"Dos!"  Halos pasigaw na tawag ko rito, at napalingon sa'kin ang magpinsan.



Mabilis akong tumakbo at lumapit sa kanila.



"Zero Acaia..." Rinig kong banggit ni Nemesis sa pangalan ko.



"Ibaba mo ang baril mo Vergel," utos ko. Tsk! Bakit ba padalos-dalos 'tong kapatid ko? Hindi talaga marunong makinig.


Ibinaba naman ni Vergel ang hawak niyang baril at tumayo naman si Dos.



"May pagkakahawig kayo..." Wika ni Nemesis, napansin ko naman na puro galos ang mukha nito.


Mukhang nakatikim ang isang 'to ng mabibigat na suntok ni Dos, tsk! Tsk! Kawawa.



"They are siblings," wika ni Vergel.



"Kapatid mo pala Zero, ang isang 'yan! Pasensya na kung hindi ko alam," saad ni Nemesis na nakangiti.



"Nice scene! I like your brother, Zero," wika ni Vano habang lumalakad papunta sa amin, akala ko umalis na 'to?



"Vano Collin, I can't quite figure out why you're still alive," wika ni Nemesis.



"Why? Nemesis, do you want me to die?" Tanong ni Vano.



"Tch! Let's go, Vergel! We still have more important things to do," wika ni Nemesis, na inayos pa ang coat niya atsaka sila lumakad na palayo.



"Sandali" ani Dos, pero pinigilan ko na siya.


"Dos! Kumalma ka, ano ka ba? Nasa balay tayo ng Rajah. Tama na 'yong nakaganti ka kay Nemesis," saway ko rito dahil mukhang gusto pa nitong humabol ng suntok.



"Hindi niya sinabi kung nasaan si Huadelein! Bwiset!" Aniya na bakas ang galit at pagkadismaya.



"Oh! Are you referring to the daughter of Rajah Bagani?" Tanong ni Vano.



"Oo, kilala mo siya?" Tanong ni Dos at baling rito.



"I only have seen her a few times," tugon ni Vano.



"Dos, sigurado ako na alam na ngayon ng mga sandig ng Rajah kung nasaan si Huadelein, kaya kumalma ka muna at huwag kang gagawa ng kahit na anong kalokohan," ani ko sa kanya.



"Ano? Maghihintay na naman ako? Paano kung may nangyari nang masama kay Huadelein, huh! Kuya? Hindi ako maghihintay na lang dito!" sagot pa ni Dos at umalis sa harap namin.



"Magkapatid nga kayo, Zero. I just have a question can I offer your brother to join my group?" Tanong ni Vano.




"No."




Masyado na naman 'tong natuwa kay Dos, gustong-gusto niya talaga 'yong mga siraulong mahilig sa basag-ulo!



"Okay, thank you! No, means yes!"  aniya.




"No! Vano! I will not allow Dos to join your group."




"We'll see, Zero..."




Tss! Talaga naman 'tong si Vano.












Ginoong Isagani's PoV



Nakikinig lamang ako sa usapan ng aking ama, kasama ang iba pang kasapi ng organisasyon nang tumunog ang aking telepono at dali-dali ko itong sinagot.



"Ginoo, paumanhin kung kayo'y aking nagambala. Tiyak ay nasa kalagitnaan kayo ngayon ng pulong ngunit nais kong ipabatid sa inyo na ang Bai ay" tuluy-tuloy nitong sambit at sandali itong huminto, napabuntong hininga ako at hinintay ang sunod na sasabihin nito.



"Ano na ang balita sa Bai? Paratawag?"  Aking tanong.



"Ang Bai, Ginoo ay ligtas na... Wala na rito ang Bai at nakatitiyak kami na nakalayo na siya sa lugar na ito," tugon ni Paratawag, na ikinaluwag ng aking dibdib.



"Mabuti naman kung gayon, kayo Paratawag? Kumusta kayo riyan?"



"Napalaban kami, Ginoo. Ngunit wala naman nalagas sa aming pangkat, kasalukuyan nga ay paalis na kami sa lugar na ito ngunit Ginoo may ilang sugatan," salaysay ni Paratawag.



"Kung gayon ay magbalik na kayo rito, ipatatawag ko na ang Punong Babaylan at kanyang mga Alabay upang pagdating niyo rito ay agad magamot ang mga sugatan," aking wika.



"Oo. Ginoo, daghang salamat."



"Mag-iingat kayo."



Daghang salamat Aba at dininig niyo ang aking panalangin, ligtas si Huada. Salamat, Iloy at hindi niyo pinabayaan si Huada.










Huadelein's PoV


Nasa balay na kami ngayon at nagpapahinga. Hindi ko na pinili pa na magtungo ng puod, pagkat naroon sila Nemesis dahil doon isinagawa ang pulong ng organisasyon.



Tinatanggal ko ang band aide patch na nasa aking sugat, nang mayroong tumabi sa akin sa sopa.



"Boss! Sino ba 'yong lalaking kasama mo?" Tanong ni Azerine.



Sino ba ang kanyang tinutukoy?



"Wala naman akong kasama o katabi ngayon na lalaki, Azerine. Kung kaya't sino ba ang iyong sinasabi?" Aking tanong.



Napahilamos ito sa kanyang mukha atsaka ito nagsalita.



"Boss, ang tinutukoy ko ay 'yong lalaking sinasabi mong bago mo na sandig na ngayon ay nagluluto sa kusina mo."



Ah... Si Bacon pala ang kanyang tinutukoy, ang akala ko ay may nakikita na si Azerine na hindi ko nakikita.



"Si Bacon," aking tugon.



"Nakakagutom naman ang pangalan niya, sandali lang Boss. Nakakahalata na 'ko ah, puro may hitsura ang mga sandig mo ah," saad niya.


"Malamang, Azerine, pagkat kayo'y may mukha," aking tugon.



"Oo nga, ikaw lang naman Azerine ang walang hitsura sa amin 'no!" Wika ni Hope.



"Aba! Nagsalita ang pinaglihi sa sugpo! Pero seryoso nga! Hindi ba, Winston? Di niyo ba nahahalata na puro may hitsura 'yong tatlong itlog?" Tanong pa ni Azerine.



"Hmm... Okay lang, mas lamang nga lang ako ng tatlong paligo," saad ni Winston. Bakit tila hindi ko sila maunawaan?



"Di niyo 'ko nage-gets eh!" Pagmamaktol ni Azerine, at ginulo pa ang kanyang buhok.



Yumuko ako at naghanap ng band aide patch sa ilalim ng salaming mesa, nang may makita ako sa isang kahon ay agad ko itong inilagay sa aking sugat.



"Anong nangyari diyan, Boss?" Tanong ni Azerine, at tukoy sa aking sugat.



"Daplis ng bala," aking tugon.



"Ano? Sino naman nagtangka sayo na barilin ka?" Tanong ni Azerine.



"Si Nemesis, noong magtangka ako kahapon na tumakas," aking salaysay.



"Nagtangka ka, Boss. Tumakas? Ibang klase ka talaga! Sigurado ibang bakbakan ang nangyari kahapon, ilan napatumba mo Boss aww!" Daing nito nang batukan ni Winston.



"Hindi na mahalaga iyon, Hope. Sapagkat hindi ko naman nagawang tumakas kahapon, dahil hinarangan ako ni Nemesis sampu ng kanyang mga tauhan at kanila akong tinurukan ng pampatulog," aking salaysay.



"Aba! Siraulong Nemesis 'yon ah!"



"Siyangapala, Boss. Si Dos, nasa puod niyo ngayon," saad ni Winston.



Nasa aming puod si Dos? Ngunit anong ginagawa niya roon?



"At ano ang kanyang ginagawa roon?"



"Tinawagan ako ni Zero kanina at nakibalita kung kumusta ka, at nabanggit niya ang naganap sa pagitan ni Nemesis at Dos" salaysay ni Winston.



"Anong naganap ang sinasabi mo, Winston?" Aking tanong at binalingan ko ito.



"Pinagsusuntok ni Dos si Nemesis dahil hinahanap ka niya, at hindi sinabi ni Nemesis kung nasaan ka kaya lalong nagalit si Dos mabuti nga dumating si Zero, dahil kung hindi nabaril na siya ni Vergel" salaysay ni Winston.



Ang Vergel na iyon dapat pala ay tinuluyan ko na iyon.



"Masama ito, hindi dapat sila nagkaharap pagkat may posibilidad na gamitin ni Nemesis si Dos laban sa akin."



"Iyan din iniisip ko, Boss," ani Hope.



"Mawawalan ng saysay ang aking paglayo kay Dos kung ganoon ang mangyayari, hindi dapat ito naganap, hindi dapat sila nagkita."



"Nangyari na, Boss. kailangan na lang natin mag-ingat, dahil sigurado hindi titigil si Nemesis na makuha ka," wika ni Winston.



"Tama ka, ngunit hindi dapat  mapahamak si Dos nang dahil lamang sa akin, hindi ko ito pahihintulutan."



"Iwasan mo muna si Dos, dahil mahirap na baka mamaya may nagbabantay sa bawat galaw niyo ni Azerine," wika ni Hope.



"Bai, luto na ang sopas kumain na kayo..." Wika ni Bacon, na may hawak na isang trey na may mga mangkok na naglalaman ng mainit na sopas.



"Aba! May pa sopas!" Wika ni Azerine, na lumapit na kay Bacon.



"Marunong siya magluto?" Wika ni Winston.



"Oo. Winston, pagkat siya'y di lamang isang sandig kundi tagapagluto rin," aking saad na bahagyang nakangiti. Ngunit nababakas ko sa reaksyon ni Winston ang pagkalito o sa kanya'y palaisipan. Kung minsan ay magkaparehas sila ni Azerine.



"Okay na, kotse mo Winston," rinig kong wika ni Jace, pagkapasok ng pinto ng balay.



"Ui! Ano 'yan? May naaamoy akong mabango!" Ani Tres, na kasunod na pumasok ng pintuan ni Jace.



"Sopas, brad! Kumain na kayo," paanyaya ni Bacon at nilapitan ang dalawa upang bigyan ng sopas.



"Ayos ka naman pala, teka ikaw nagluto nitong sopas?" Tanong pa ni Jace, kay Bacon.




"Oo," maikling tugon ni Bacon.



"Masarap naman kaya?" Tanong ni Tres.



"Wow! Ang sarap naman nito!" Rinig kong wika ni Azerine, habang patuloy sa pagkain ng sopas. "Bacon, meron pa ba nito sa kusina?" Hirit pa nito.



"Oo, marami pa," tugon nito.



Napansin kong sunod-sunod ang subo ng dalawa nang sabihin iyon ni Azerine.



"Ang saraaap!" Sabay na wika ng dalawa, at tuloy sa pagkain ng sopas.



Napasulyap naman si Winston sa dalawang kumakain.



"Hope, masarap ba talaga 'yang sopas?" Tanong ni Winston.



"Ewan, ngayon ko pa lang titikman eh," tugon nito, atsaka sumubo. Sandali nitong ninamnam ang pagkaing nasa kanyang bibig, at sumubo pa muli—



"Sandali lang, Azerine! Tirhan mo ko ng sopas!" At dali-dali itong tumakbo patungong silid-lutuan upang sumunod kay Azerine.



"Mukhang masarap nga" ani Winston, nangiti na lamang ako sa iwinika nito.



"Kumain na kayo Bai, baka maubusan pa kayo," wika ni Bacon, sa amin ni Winston.



"Ayos lamang, Bacon. Hayaan mo silang kumain nang kumain."



"Ui! Tirhan niyo 'ko!" Hiyaw ni Tres sa dalawa na nasa silid-lutuan ngayon.














Vergel's PoV



Pagkarating namin sa hideout ay napansin ko na tahimik ang paligid, parang may kakaiba. Iba ang katahimikan sa karaniwan nito.



"There is something strange here," wika ni Cyrus, at bumaba na ito ng sasakyan.



"I think so."



Bumaba na rin ako at lumakad kasama ang mga tauhan niya, pagpasok namin ng gate ay tumambad ang mga duguang katawan na nakahandusay sa sahig—



"What the hell is this!?" Galit na tanong ni Cyrus, at mabilis na umalis ang mga tauhan nito.



Anong nangyari rito? Si Huadelein, ang Bai!



"Cyrus, ignore those first, what you should pay more attention to now is Huadelein."



"Find your Bai, find that woman!" Aniya, na galit na gallit sa mga tauhan niya at nagmadali ang mga ito na umalis sa harap namin.



Mayamaya lang ay may mga tauhan niya ang lumapit sa amin.



"Young master, wala po rito ang Bai tiningnan na po namin ang mga kwarto pero wala po talaga ang Bai rito," saad ng tauhan niya.



"F*ck! F*ck! With so many guards here, it's impossible for her to get out of here just like that. I'm sure, someone helped her get out of here," aniya.



Maari rin naman mangyari iyon pero napakaraming bantay rito, hindi lang isang tao ang tumulong sa kanya posibleng may iba pa. Naglakad-lakad ako ng kaunti at may napansin akong kapirasong tela sa sahig, pinulot ko ito at tiningnan.



"I seem to know who helped, Huadelein."



When I said that he turned his gaze to me. I can't quite imagine that the Rajah would act to take Huadelein here. Does he want to have a mess between Nemesis and Delzado's? —I can no longer imagine what is on Cyrus mind right now.



"Clean up the mess, Vergel," he said, and walked away.










Hera's PoV



Nasa hapagkainan kami ngayon upang mag-agahan, napansin kong tila lukot ang mukha ng Dayang at kung ano ang ikinalamukos ng mukha nito ay siya naman ikinaaliwalas ng mukha ni Ubu Isagani. Ano kayang mayroon at tila may maliit na ngiti sa labi ni Ubu?



"Hera, hanggang kailan mo paghihintayin ang pagkaing nasa iyong harapan?" Tanong ni Umbo Helena.



Nawala ako sa aking iniisip at ibinaling ko ang paningin sa pagkaing nakahain.



"Kumain ka na, Bai. Nais mo ba ng Bilanghoy?" Tanong sa akin ni Sima.



"Oo. Sima, daghang salamat," aking tugon, at naglagay ito ng bilanghoy sa dahong saging na nasa aking harapan.



Ngunit tila gusto ko talagang mabatid kung bakit maaliwalas ang mukha ng aking nakatatandang kapatid, gayong magpahanggang ngayon ay wala pa rin balita ukol kay Bai Huada.



"Ubu Isagani, tila maaliwalas ang iyong mukha ngayong umaga," aking pagbati sa kanya.



Ngumiti ito atsaka tumugon.



"Lihim! Aking bunso, ngunit kung nais mo talagang malaman ay mamaya ko sa'yo sasabihin mag-agahan na muna tayo," aniya na nakangiti.



At dahil sa ngiti ni Ubu ay gumuhit rin ang ngiti sa aking labi.



Nang matapos kaming kumain ay hinatid ako ni Ubu Isagani sa aking silid.



"Ubu, ano na ang iyong sasabihin sa akin?"



"Munting Bai Hera, tila may pinagmanahan ka wari ay tulad ka na ng iyong Umbo Huada," wika nitong nakangiti sa akin.



Ang aking ubu Isagani talaga.



"Ubu, ano na nga ang iyong sasabihin? Pagkat ako ay nalilito sa iyong mga ngiti ngayong umaga."



"Sige na, sasabihin ko na sa iyo ngunit nais kong maging lihim ito, at huwag mo itong mabanggit sa Dayang," bilin nito.



"Oo, Ubu."



"Nais kong malaman mo, munting Bai. Na ang iyong Umbo Huada ay wala na sa kamay ni Nemesis, siya'y ligtas na" aniya, na aking ikinagalak.



"Talaga, Ubu? Nagagalak akong marinig iyan!"



"Ako man, Hera. Ngunit huwag mong kalilimutan ang aking ibinilin sa iyo," aniya, at ako'y niyakap at naramdaman kong halikan ako nito sa aking noo.












Huadelein's PoV



Katatapos lamang ng break time at kasama ko ngayon sina Georgia. Nangulila ako sa kanila.



"Kaloka! Ganda, akala ko binawalan ka na ng Amang Hari mo na pumasok eh," ani Georgia, at hinawakan nito ang aking kamay.



Amang Hari? Ngunit isang Rajah ang aking ama.



"Hindi, may mga bagay lang akong inasikaso sa probinsya," aking wika.



"Buti na lang pumasok ka na, Ganda ilang araw na lang sem break na," dagdag niya.



"Oo, buti na lang talaga nakauwi agad dito si Boss dahil kung hindi naku! Kukunot na naman ang noo ni ma'am Augusta," wika ni Azerine.



"Kaloka nga eh, daming pa assignment ng mga teacher ngayon! Hindi ko na keri!" Dagdag pa ni Whisky.



"Ay naku! Paano pa kaya ang teacher natin bakla sa English? Jusme! Sumasakit ulo ko sa poems!" Ani pa ni Rica.



"Matatapos din tayo sa mga gawain, tutal sem break na ano," ani pa ni Georgia.



"Bai! Bai!" Tawag sa akin ng isang kilala kong boses. Lumingon ako sa likuran at dali-dali naman silang tatlo nagtungo sa amin.



"Bai e-este! Boss, saan kayo pupunta?" Tanong nito sa akin.



"Paakyat na sana," aking tugon, "kayo? Saan kayo patungo, Bacon?" Aking tanong.



Maaasahan talaga ang ina ni Azerine, nakapasok na ngayong araw si Bacon sa paaralan kahit na inaasikaso pa ang ilang papeles nito.




"Paakyat na rin, Boss," tugon ni Bacon.




"Paakyat daw, eh kanina parang gusto niyo pa ni Tres man-chiks!" Ani Jace.



"Ui! Hindi 'yan totoo ah," sabay na ani nina Tres at Bacon.



"Ayan! Chiks pa!" Panunukso ni Azerine.



"Manchi-chiks pa kayo, eh narito naman kami," wika ni Rica.



"Oo nga, naman 'no!" Preskong ani Jace.



"Oh siya! Umakyat na tayo, ano! Baka ma late pa tayo," ani Georgia, ngunit kami ay natigilan nang magsalita si Whisky.



"Teka muna! Baka naman gusto niyo kami ipakilala sa gwapings na kasama niyo Jace," wika ni Whisky.



"Oo nga naman, Papa Jace," dagdag pa ni Rica na nakangiti.



"Sure! Girls, ito nga pala si Bacon, fresh transferee student," pagpapakilala ni Jace kay Bacon, at walang anu-ano ay nilapitan siya agad ng dalawa at napagitnaan.



"Hello! Papa Bacon, ako nga pala si Whisky," pakilala ni Whisky, at hinilig pa ang kanyang ulo sa balikat nito.



"Wow! Ang bilis mo bakla ah! Talagang papa agad!" Ani Rica.



"Ui, hindi naman, bakla!"



"Hello! Baby Bacon, I'm Rica but just call me baby," wika ni Rica, dahilan upang bahagya akong matawa pati na rin si Georgia.


"Ayan! Bakla, ah! Kasasabi mo lang pero ikaw tawag mo kay Bacon, baby!" Wika ni Whisky.



"Kahit anong itawag niyo sa'kin okay lang," wika ni Bacon sa dalawa.



"Ay! Ang bait naman ni Papa Bacon," wika ni Whisky.



"Di lang mabait, mabango pa!" Dagdag pa ni Rica.



"Ui! Kayong dalawang bruha! Tama na 'yan! Inubos niyo na 'yong amoy ni Bacon. Tayo na at umakyat!" Pag-aaya ni Georgia, umakyat na kami at nagtungo sa silid-aralan.



Natapos ang buong maghapon na klase at napansin ko man si Dos ay hindi ko na ito pinansin pa, ngunit kanina ay tila hindi sila magkakilala ng katipan nitong si Lyka.



Naglalakad na ako sa pasilyo nang mayroong mga bisig ang nagkulong sa akin mula sa aking likuran. Kilala ko ang kanyang alimusom dali-dali akong kumawala mula sa kanyang pagkakayapos at mabilis ko itong hinarap. Tila sumakit ang aking sugat dahil sa nasagi ito nang yakapin ako nito.




"Huadelein..."



Tila isang mahika ang pagbanggit nito sa aking ngalan dahilan upang ito ay aking balingan. Ang mga mata nito ay tila nangungusap at may gustong sabihin, ngunit iniwasan ko ito at ibinaling sa ibang dako ang aking paningin.



"Huadelein, anong nangyari sa braso mo? Siya ba ang may gawa niyan? Sabihin mo sa'kin," tanong nito.



Hinawakan ko ang aking braso na may sugat na natatakpan ng band aid patch, atsaka yumuko.



"Wala ka ng pakialam kung ano man ang nangyari sa aking sugat, kung maaari lamang ay aalis na 'ko."


Aanyo na sana akong tumalikod nang magsalita pa ito.


"Huadelein, masaya 'kong makita ka na okay ka," aniya, atsaka naramdaman ko ang palad nito sa aking ulo. Sandali ko itong sinulyapan atsaka ibinaling ang aking paningin sa ibang dako.



"Paumanhin, ngunit kailangan ko ng umalis hinihintay na ako nila Georgia," aking wika at tumalikod na. Nais ko man magtagal ngunit hindi maaari pagkat hindi pa tapos ang aking misyon. Hindi pa sa ngayon Dos.




--




Kasama ko sina Azerine, Hope, at Winston nakaupo kami at pinanonood sina Georgia na sumasayaw ngayon sa dance floor nang magwika si Hope.



"Boss, nagpadala ng kalatas si Ginoong Isagani."



Kalatas?



"Anong nilalaman ng kalatas, Hope?" Aking tanong, habang hawak ang isang  baso na naglalaman ng alak.



"Pagkatapos ng klase, sa araw ng sabado magtutungo tayo sa puod niyo may mahalagang sasabihin raw ang Ginoo sayo," wika ni Hope.











Ginoong Isagani's PoV



"Ginoo, tiyak na ba kayo sa inyong pasya?"




"Oo, Wano."




"Ngunit hindi kaya kagalitan kayo ng inyong amang Rajah, kung ipauubaya niyo ang mahalagang gawain yaon sa inyong kapatid?"



"Kabang, kung ako ang papipiliin ay nanaisin ko ang mahalagang gampaning yaon. Ngunit napakaraming gawain sa pangangasiwa sa kumpanya, at hindi ko ito maaaring iwanan maski isang araw," aking paliwanag.



"Kung gayon, Ginoo. Ay ipagkakatiwala mo talaga ang pinakamahalagang gawain ng isang Ginoo sa iyong kapatid na Binukot?" Tanong ni Dado.




"Oo, Dado."




------



Itutuloy...








Karagdagang kaalaman:

Alimusom- samyo, bango, halimuyak




Paumanhin kung ngayon lamang ako nakapag update mga Bai at Ginoo. Naging abala ako nitong mga nagdaang araw. Muli humihingi ako ng paumanhin.


Daghang salamat sa mga patuloy na sumusuporta kahit hindi ako magaling na manunulat. Sa mga nagbabasa po sa nobelang ito ay paumanhin kung sumakit ang ulo niyo sa pagbabasa, pagkat marami po itong grammatical errors, misspell etc. Ngunit asahan niyo na iisa-isahin ko ang bawat kabanata nito upang ma-edit at maging maayos. Muli daghang salamat.




-ScratchPaper📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top