Kabanata XLIV: Ang Pagkawala ng Bai II
Kabanata XLIV: Ang Pagkawala ng Bai II
--
Huadelein's PoV
Pumasok kami sa isang mansyon at nakatali pa rin ang aking kamay, at may nakapulupot pa rin sa aking katawan na tali. Huminto kami sa isang pinto at binuksan ito ng isang tauhan niya.
"Pasok!" tulak sa akin ng isang tauhan niya kanina pa 'tong kalbo na 'to ah bibigwasan ko na 'to, sinamaan ko ito ng tingin.
"Hindi ka na makakapag-asawa pa," aking wika at tinuhod ko ang kaselanan nito.
"Argh!" rinig kong daing nito na animo'y musika sa aking tainga, "ikaw!" Wika pa nito sa akin at susunggaban sana ako nito ng suntok ngunit may pumigil sa kanya.
"Stop! She's Nemesis fiance do you want Nemesis to kill you when he finds out you hurt that Binukot, stay away from her!" Wika ng isang lalaki at agad ay lumayo sa akin ang tauhan ni Nemesis, at napansin ko naman tila lumalakad ito palapit sa akin.
"Are you alright, Bai?" tanong nito sa akin
"Mas magiging maayos ako kapag nakaalis ako rito," aking wika habang pinagmamasdan ang kabuuan ng malaking silid.
"Sorry, Bai. But you can't leave here" wika nito "by the way I'm Vergel" pagpapakilala niya sa akin.
"Sana kinalagan mo muna ko bago ka nagpakilala," aking saad na hindi man lang ito binalingan.
"Oh! I'm sorry--" wika niya, at agad itong nagtungo sa aking kinatatayuan upang kalagan ang tali na nakapulupot sa akin.
"Isa pang beses na kausapin mo ako sa wikang banyaga ay hindi kita iimikin." Aking wika.
Natanggal na ang tali na nakapulupot sa aking katawan, at ngayon naman ay tinatanggal niya ang tali na nasa aking pulsuhan.
"Sige Bai, kinalagan kita ng tali pero hindi ibigsabihin nito na makakatakas ka na," wika nito na nakabaling sa akin
"Hindi ako magtatagal dito" atsaka binalingan ko ito.
"Maraming bantay ang nakapalibot sa mansyon na 'to, at hindi sila magdadalawang isip na barilin ang binti mo kapag tinangka mong tumakas," wika niya sa akin at tumalikod na, "bantayan niyo ng maigi ang Bai walang maaaring pumasok sa inyo sa loob ng kwartong 'to." Wika nito sa mga tauhan ni Nemesis at lumabas na ito ng silid.
Hindi ako maaaring magtagal dito, nakita ko ang lubid na nasa sahig na kanina lang ay nakapulupot sa akin, pinulot ko ito.
"Magagamit kita sa ibang pagkakataon"
Azerine's PoV
Nagmamaneho si Winston habang ako nakaupo sa passenger seat at papunta kami ngayon sa puod ng Rajah, nakita ko si Tres na panay ang tingin niya sa salamin.
"Na ano ka Tres at panay ang tingin mo sa salamin?" Tanong ko, ano feeling pogi?
"Chini-check ko lang ang kagwapuhan ko," wika nitong nakangisi.
Aba! Aba! Hindi na nga 'to nangalahati sa kagwapuhan ko nakuha pang maging presko tsk!
"Sus! Tres ang salitang gwapo ay nasa mukha ko" wika kong nagmamalaki at hinipo-hipo ko pa ang baba ko.
"Wala bang tracking device na inilagay si Hope kay boss?" Tanong ni Winston, habang nakatuon ang paningin sa daan at nasa manibela ang mga kamay niya
Tracking device? Oo dati may mga gamit si boss na nilagyan ni Hope ng maliliit na tracking device pero ilan lang 'yon, sa damit sa relo sa clip sa buhok ano pa ba? hikaw!
"Hikaw!" Bulalas ko
"Hikaw?" takhang tanong ni Winston
"Oo. Hikaw may suot si boss na hikaw, pero hindi ako sure kung 'yong hikaw na 'yon eh isa sa mga nilagyan ni Hope ng tracking device." Ani ko, di ako sure kasi maliit na bilog na black ang hikaw ni boss kanina.
"Hikaw, pero parang sobrang liit naman ng hikaw ni boss kanina para lagyan ng tracking device" wika ni Tres.
Oo nga, masyadong maliit 'yon.
"Iba pang bagay Azerine, isipin mo kayo ang magkasama lagi ng Bai kaya isipin mo ng maigi" wika ni Winston.
Ano pa bang mga bagay ang laging di nakakalimutan ni boss pag narito sa labas.
*Pagbabalik-tanaw*
"Boss, anong oras na?" Tanong ko.
Tumingin ito sa relo na palagi niyang suot kahit saan magpunta, pero pag nasa puod do'n niya lang inaalis.
"Alas diyes pasado na at wala pa rin ang dalawang tomboy" tugon nito.
*Pagtatapos ng balik-tanaw*
"Relo! 'Yong relo ni boss lagi niyang suot 'yon" sagot ko.
"Sige, tawagan mo na si Hope," wika ni Winston sa'kin at kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko, at mabilis na nagdial ng number ng tomboy.
"Problema mo? Nagmamaneho ako!" Bulyaw sa'kin ng nasa kabilang linya, amputcha sakit sa tainga ng tomboy.
"Easy! Pumapanget ka Hope" pang-aasar ko haha.
"Kung wala kang sasabihin puta ibaba ko 'to, Azerine!" Bulyaw niya uli pfft! pikoning tomboy.
"Huwag mo isuko ang Bataan tomboy--" wika ko pa pfft.
"Ibababa ko 'to nagmamaneho ako, Azerine," bulyaw pa niya.
"Huwag mo ibaba Hope, ibigay mo kaya sa katabi mo 'yong cellphone mo at i-loudspeaker mo" wika ko.
"Ayan na pinahawak ko na kay Jace, ano ba 'yon?" Tanong niya.
"Naalala mo yung nilagyan mo dati ng tracking device yung mga gamit ni boss?" Tanong ko.
"Oo." sagot niya
"Naalala mo naman pala eh! Itrack mo ngayon 'yong tracking device ni tomboy" ani ko.
"Sige, Jace kunin mo nga 'yong laptop ko sa backseat--" pfft! may utusan ang tomboy.
"Sige mamaya na lang Hope, tawagan mo lang kami pag may update ka na." Wika ko at ibinaba ko na ang tawag
"Nasaan na kaya si boss ngayon?" Tanong ni Tres.
"Sana walang gawing hindi maganda si Nemesis kay boss" wika ni Winston.
Subukan niya lang at makikita niya ang hinahanap niya, pero kung nasaan ka man ngayon boss sana okay ka lang. Di ko alam pakiramdam ko parang kasalanan ko, nagpabaya ako.
"Azerine, alam kong nag-aalala ka sa Bai pero kung iniisip mo na nagpabaya ka kasama mo kaming nagpabaya rin, sa ating tatlo nila Hope ikaw pa naman ang pinaka iyakin kaya nag-aalala ko sayo." Wika ni Winston, namuo ang mga luha sa mata ko at pilit kong pinigilan umiwas ako sa kanya ng tingin at agad din akong humarap sa kanya.
"Talaga Winston nag-aalala ka sa'kin?" Tanong kong natatawa, tawa na lang para takpan ang totoo kong nararamdaman.
"Oo, kasi iyakin ka kapag umiyak ka diyan mahahawa ako Azerine, kaya pigilan mo," wika nito na nakatuon ang paningin sa daan.
"Di naman ako iyakin si boss kaya 'yon" ani ko pa, taena ayoko magdrama rito.
"Ilang taon na tayo sa trabaho natin na kasama si boss, ang akala ko nasanay na ko pero hindi pa rin pala." Wika ni Winston.
"Heart to heart talk na ba 'to?" Biglang singit ni Tres at napalingon kaming dalawa ni Winston sa kanya.
"Ba't puro chikinini 'yang leeg mo Tres?" Tanong ni Winston.
Ngayon ko lang napansin, oo nga 'no may chikinini siya sa leeg pfft! Ano kayang ginawa nito kanina, haha. Pero alam kong umiwas lang si Hope sa kalokohan na tanong ni Tres.
"Syempre, dumiskarte ako sa isang magandang admin para magawa ko ang trabaho ko pfft! 'yon nga lang pinapak ako ng halik, hahahaha!" Kwento niya.
"Gag*" wika namin ni Winston at natawa kami parehas dahil itinuloy pa ni Tres ang kwento niya.
Sagigilid Milan's PoV
Nasa Bulwagan ang Rajah at mga sandig nito at hinihintay ang pagdating ng mga sandig ng aking Bai.
"Wala tayong gagawin na hakbang, Atubang." Wika ng Rajah kay Atubang.
"Ngunit Kapunuan, ang Bai ay batid niyong maaaring malagay sa panganib" wika ni Atubang sa Rajah.
"Rajah, mawalang galang na ngunit tama si Atubang maaring malagay sa panganib ang Bai kung hindi tayo kikilos agad." Ani ni Aguila.
"Aguila, Atubang, mga sandig, batid kong nag-aalala kayo sa aking anak maging ako man, nais ko man gumawa ng hakbang ngunit hindi ko magawa. Dahil kung tayo'y gagawa ng isang hakbang upang kunin ang aking anak ngayon--" sandaling huminto ang Rajah, "baka magbuwis tayo ng mga mandirigma na hindi ko nais mangyari, batid niyo kung ano ang kayang gawin ni Nemesis, at batid ko na hindi magagawang saktan nito ang aking anak, sapagkat kapag lumapat ang palad nito sa balat ng aking anak ipatitikim ko sa kanya ang digmaang walang katulad." Wika ng Rajah sa kanyang mga sandig.
Nauunawaan ko kung saan nanggagaling ang Rajah, malungkot man ako dahil walang magagawa ang Rajah ngayon ngunit batid kong hinding-hindi niya pababayaan ang kanyang anak.
"May punto ka Kapunuan, sang-ayon ako sa inyong pasya." Wika ni Atubang
"Salamat Atubang" wika ng Rajah.
"Ngayon ko lamang nakuha ang inyong punto mahal na Rajah, gaya ng sinabi ni Atubang ay sang-ayon rin ako sa inyong iminungkahi." Wika ni Aguila.
"Unawain niyo ako hindi lamang bilang isang Rajah ng ating puod, kundi bilang ama ng isang Binukot," wika ng Rajah.
At nakita kong tumango sina Paratawag at Paragahin senyales na sila ay sang-ayon din sa Rajah.
"Mangyari lamang ay hintayin natin na dumating ang mga sandig ng aking anak," wika ng Rajah.
--
"Kinuha ni Nemesis ang aking anak ganoon ba ang nangyari?" Tanong ng Rajah sa mga sandig ng aking Bai.
"Ganoon na nga mahal na Rajah, ngunit sa nakita ko sa cctv ay parang may sinabi si Nemesis upang mapilitang sumama ang aming Bai sa kanya." Saad ni Ginoong Tres na sandig ng aking Bai.
Mahabaging Aba!
"Sa aming sapantaha Kapunuan, marahil binalaan niya ang aming Bai na kung hindi ito sasama sa kanya ay may madadamay," dagdag pa ni Winston.
Ganoon na nga marahil ang nangyari, sapagkat ang aking Bai ay kaya niyang isakripisyo ang kanyang sarili huwag lamang malagay sa kapahamakan ang kanyang mga minamahal.
"Marahil ganoon na nga ang naganap Kapunuan, sapagkat kilala ko ang inyong anak hindi ito basta sasama na lamang sa isang kaaway kahit ito ay makakaisang-dibdib pa ng Bai." Ani ni Atubang.
"Tiyak ay ganoon na nga ang nangyari Atubang, mga sandig ng aking anak ang inyong Bai ay nangangailangan ng tulong, ngunit nais kong sabihin sa inyo na huwag kayong gagawa ng kahit na anong hakbang upang hanapin ang inyong Bai. Ipaubaya niyo na lamang ito sa mga nakatatanda." Wika ng Rajah.
"Ngunit Kapunuan ang aming Bai ay--" wika ni Azerine, ngunit hindi na nito naituloy pa sapagkat nagsalita ang Rajah
"Ito ay utos mula sa inyong Rajah, at hindi maaaring baliin ninuman sa inyo na mga sandig ng aking anak," wika muli ng Rajah.
"Ngunit bakit Mahal na Rajah?" tanong ni Ginoong Jace.
"Sapagkat batid niyo kung ano ang kayang gawin ni Nemesis, at baka maging ang inyong Bai ay malagay sa kapahamakan kung kaya't iminumungkahi ko sa inyo na kanyang mga sandig, na huwag gumawa ng kahit na anong hakbang, at upang maiwasan na rin ang pagdanak ng dugo." Mungkahi ng Rajah.
"Masusunod, Mahal na Rajah." Tugon ni Azerine, na nangingilid ang luha kung kaya't tumayo ako upang lapitan ito at aluin.
"Masusunod mahal na Rajah." Sunud-sunod na tugon ng mga sandig ng aking Bai at ako ay naluha, sunud-sunod rin na tumugon ang mga sandig ng Rajah, pati na rin ang mga mandirigma na naririto ngayon, at sandaling nabalot ng katahimikan ang Bulwagan.
Ngunit ang tahimik na pagluha ay siyang namayani, akap-akap ko si Azerine na tahimik na lumuluha sa aking balikat batid ko ang nararamdaman nitong pagkabigo, sapagkat ang kanilang pagkabigo ay siya ko rin pagkabigo bilang uripon ng aking Bai, na nag-alaga sa kanya mula maliit pa ito. At ngayon ay hindi tiyak kung nasaan ito kung nasa maayos ba ito ngayon, hindi namin alam, nais ko man kumilos at hanapin ang aking alaga, ngunit wala akong kakayahan upang gawin iyon, at ang pag-asa na aking inaasahan na lamang ay ang himala ni Aba.
Jace's PoV
Umiiyak si Azerine at hanggang ngayon dinadamayan pa rin siya ni Milan, ako nga rin kanina para na kong maiiyak pakiramdam ko kasi ang laking kabiguan nito sa amin, na hindi man lang namin nabantayan ng maigi ang Bai tapos ngayon hindi pa kami pwede kumilos. May punto ang Rajah sa mga sinabi niya kanina, tama naman siya kung kikilos kami baka mapahamak si Huadelein, eh siraulo pa naman si Nemesis.
Napansin kong umiiyak na rin sina Winston at Hope at nakita kong abutan ng panyo ni Tres si Winston.
"Mga sandig ng aking Bai, nais kong sabihin sa inyo na karamay niyo ako sa kabiguang ito kung kayo nga ay nasasaktan, paano pa kaya ako na halos kasama niyang lumaki kaya magpakatatag kayo, tayo-- sapagkat batid ko na makakasama muli natin ang ating Bai." Wika ni Milan sa amin.
Magdilang anghel ka sana Milan.
"Oo, tama si Milan kaya bilis-bilisan niyong umiyak-- teka bukas 'yong laptop mo Hope?" Tanong ni Tres, napansin ko nga sa loob ng kotse ni Hope na parang bukas nga ang laptop niya, iniwan nga pala naming bukas 'yon pero ba't may pulang ilaw?
"Teka, 'yong tracking device" biglang bulalas ni Hope, at mabilis na tumakbo at pumasok sa kotse niya na sinundan ko naman, pagkapasok ko sa loob ng kotse mabilis niyang na zoom in ang may pulang dot.
"Ang layo nito" wika ni Hope, atsaka mabilis na hinawi ang luha niya atsaka nag type sa keyboard.
"Tracking device 'yan ni boss?" Tanong ko.
"Oo, pero ang layo nito sa'tin" sagot niya.
"May kotse ka naman, kayang-kaya natin 'yan puntahan" wika ko.
"Kaya naman natin 'tong puntahan pero pinagbawalan tayo ng Rajah," wika niya
Iisipin pa ba namin na pinagbawalan kami ng Rajah? Kung kapalit naman na puntahan ang itinuturo ng tracking device ay makita si boss bakit hindi di ba? Wala naman masama kung susubukan.
"Pero walang masama kung susubukan natin, Hope." Ani ko sa kanya, habang nakatutok pa rin ang paningin niya sa screen ng laptop niya.
"Anong pinagtatalunan niyo diyan?" Biglang tanong ni Winston.
"Na track na namin ang device ng Bai," wika ni Hope.
"Ano pang hinihintay natin?" tanong ni Winston.
"Siraulo, di ba pinagbawalan tayo ng Rajah?" Tanong ni Hope.
"Walang masama kung susubukan natin Hope, kaya tara na!" Wika pa ni Winston.
"Teka susuwayin natin ang utos ng Raj--" Hindi na nito naituloy ang sinasabi ni Hope, nang umalis agad si Winston para tawagin si Azerine, at nagpaalam na sila kay Milan at mabilis na pinuntahan kami ni Winston.
"Magpaalam kayo kay Milan, sabihin niyong uuwi na tayo huwag kayo magpapahalata," wika ni Winston sa amin at bumaba naman kami ni Hope para magpaalam kay Milan.
"Aalis na kami Milan sa susunod na lamang muli, daghang salamat" wika ko.
"Mauuna na kami Milan." Paalam ni Hope at umakap pa ito may Milan.
"Mag-iingat kayo" wika ni Milan sa amin.
At sumakay na kami ng kotse ganoon din sila Azerine.
Huadelein's PoV
Ano at kakatwa ang aking relo? Bakit umiilaw ng kulay mabaya? Ngunit ako'y naiihi na wala bang palikuran dito? Inilibot ko ang aking paningin, ngunit wala akong makitang ibang silid dito kaya naman ay nagtungo ako ng pinto atsaka ako nagsalita.
"Buksan niyo itong pinto! Walang palikuran rito!" Hiyaw ko, ano at tila sila ay bingi? "Mga binging sunud-sunuran sa amo niyong hilaw! Walang palikuran dito! Buksan niyo ito!" Aking muling hiyaw, at kalampag sa pinto at bigla naman itong bumukas.
"Anong problema mo Bai?" Tanong ng isang bantay.
"Walang palikuran sa silid na ito," tugon ko.
Pumasok ito sa silid at nagtungo sa isang dingding at nakita kong bumukas ito.
"Dito ang palikuran Bai" Saad niya.
Lalakad na sana ako patungo sa palikuran nang magsalita ito.
"Sandali Bai, patingin ng relong suot mo." Wika nito, at mabilis niyang hinawakan ang aking pulsuhan at kinuha nito ang aking relo.
"Sandali lamang iyan ay aking relo! Ibalik mo sa akin iyan!"
"Pasensya na Bai pero hindi pwede" atsaka mabilis itong lumabas ng silid, anong suliranin ng isang iyon? At kinuha ang aking relo? Marahil ay naiinggit siya sa kulay mabaya nitong umiilaw, makaihi na nga.
Vergel's PoV
Iyon pala ang anak ng Rajah si Huadelein, I can say she is beautiful and the word Binukot suits her perfectly pero hindi ko masasabing bagay sila ng pinsan ko.
I was drinking wine while looking outside when someone came.
"Boss, may nakita akong tracking device sa Bai," wika nito.
"Tracking device?" I asked as I turned to him.
I noticed he was holding a black watch and it had a red light flashing.
"Yes, boss. Itong relo may tracking device." Wika nito, at kinuha ko sa kanya ang hawak niyang relo at tiningnan. May tracking device nga 'tong relo, bilib rin ako sa mga sandig ng Bai akalain mong may alam sila sa mga ganitong bagay masyado mo yata kong pinapahanga Bai, napangiti na lang ako sa iniisip ko.
"Ano gagawin natin diyan boss?" Tanong niya.
"Ako na ang bahala rito, kakausapin ko muna si Nemesis," wika ko.
--
"Let's play with Huadelein's guards, take that tracking device away so they can get lost, because I'm sure they'll follow that tracking device that they'll think Huadelein is in the place where you leave that thing." Wika ni Nemesis habang tinitingnan ang relong hawak nito
"Nakukuha ko ang plano mo Cyrus" ani ko.
Inihagis niya sa'kin ang relo at sinalo ko naman.
"Let's go!" ani ko sa mga tauhan niya
Pasensya na Bai pero kailangan kong gawin ang trabaho ko.
Hope's PoV
Sinusundan namin kung nasaan ang tracking device pero biglang nag iba 'to ng kinaroroonan, tang*na ano ba 'to? Ba't nag iba ang daan? Putcha naman!
"Tang*na!" Bulalas ko at mabilis akong nag menor.
"Bakit Hope?" Tanong ni Jace, pagkahinto ko ng kotse.
"Nag-iba ang location ng tracking device, putcha kanina nasa iisang lugar lang 'to eh, ngayon papunta na sa ibang direksyon." Sagot ko.
Tinitigan ko ng maigi ang screen ng laptop ko, at bahagyang zinoom in ang location kung saan papunta ang tracking device Mapayapa, Lungti street.
Agad ko inistart ang kotse atsaka mabilis na nagmaneho.
"Taena, Hope! Sana sinabi mo man lang na bibilisan mo ang pagpapatakbo mo," wika ni Jace.
"Wala ng oras kailangan natin mahabol kung nasaan ang tracking device," ani ko habang nasa daan ang paningin ko at nagmamaneho.
Azerine's PoV
Biglang huminto ang kotse ni Hope kaya napahinto rin si Winston sa pagmamaneho.
"Problema ni Hope? Bakit siya huminto?" Tanong ko.
"Hindi ko rin alam, pero isa lang nasisiguro ko baka nag-iba ang tinuturo ng tracking device," wika ni Winston.
Hindi rin naman nagtagal at umandar na ang kotse ni Hope, pero mabilis ang takbo niya kaya pag start din ni Winston ng kotse niya, eh mabilis rin siyang nagpatakbo, ang mga tomboy na 'to.
"Taena, Winston masyado naman yata tayong mabilis" ani ko.
"Oo nga, Winston papatayin mo ba kami?" Tanong ni Tres na nasa backseat.
"Naghahabol tayo Tres, kaya kailangan bilisan." Ani ni Winston na seryosong nakatuon ang paningin sa daan.
Parang masama ang kutob ko rito.
Hope's PoV
Narating namin ang tinuturo ng tracking device at pagkarating namin doon ay madilim, at wala man lang ni isang bahay o building, kinuha ko ang flashlight na nasa glovebox at bumaba kami ng kotse, atsaka ko binuksan ang flashlight nakita kong parating na rin sila Winston.
"Mukhang na trick tayo," ani ko habang inililibot ko ang flashlight sa paligid.
"Wala naman katao-tao dito Hope nasaan ang Bai? Ito ba talaga 'yong tinuro ng device?" Tanong ni Jace habang nakatingin sa paligid.
Saan nila dinala ang Bai kung wala rito?
"Oo ito, wala dito si boss pero 'yong tracking device naririto lang," wika ko.
Napansin kong naglalakad-lakad na si Jace.
"Huwag kang lumayo Jace!" Ani ko.
Hindi niya ba 'ko narinig? Tumakbo pa ito palayo at sa madilim na parte pa, at nabigla ako nang may humawak sa balikat ko.
"Hope, ano ng balita?" Tanong ng kilala kong boses
"P*ta ka Azerine papatayin mo ba ko sa gulat?" Tanong ko.
"Kape pa!" wika ni Azerine, itong tomboy na 'to napaka mapang-asar kahit nasa gitna kami ng seryosong sitwasyon.
"Nasaan si Jace?" Tanong ni Winston.
"Tumakbo siya palayo," sagot ko.
"Kita niyang ang dilim-dilim dito, ba't siya lumayo? Baka mamaya nandito lang ang mga tauhan ni Nemesis," ani pa ni Winston, ayan mainit na ang ulo ng tomboy mong lolo na 8months ng bakante, wala kasing jowa kaya laging seryoso eh.
"Tinawag ko siya pero parang di niya 'ko narinig" ani ko.
Jace's PoV
Hindi ako bumalik kahit tinawag ako ni Winston, may parang kakaiba kasi sa malayo pagtutok ng flashlight ni Winston kaya tumakbo ako at binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko, at may nakita ko.
Kinuha ko ito at mabilis na tumakbo papunta kina Hope.
"Ano yan Jace?" Tanong ni Hope pagkalapit ko sa kanila.
"Ah... Teddy bear?" Sagot kong patanong.
"Oo nga, pero saan mo napulot 'yan?" Tanong ni Hope.
"Doon. Tsaka tingnan mo ito oh" Sabi ko at abot ko ng Teddy bear, at relo kay Hope.
"Teddy bear" wika ni Hope.
"Hindi lang 'to basta teddy bear" wika ko at kinuha ang papel na nasa bulsa ng teddy bear.
"Don't even look for your Bai, she is in good hands -Nemesis" basa ni Winston sa nakasulat sa papel.
"Paano nangyari na nasa mabuting kamay si boss, eh hawak mo Nemesis. Napaka kupal mo, dapat sinabi mo she is in... in-- masamang kamay!" Wika ni Azerine, na di malaman ang kasunod ng pag-e-english niya pfft!
"Pfft!" Rinig kong pigil ng tawa ni Tres.
"Ipapaalam ba natin 'to sa Rajah?" tanong ko.
"Oo, dahil kailangan" ani ni Winston.
"Naku! Baka pag initan tayo ng Rajah pag sinabi natin na tinangka natin hanapin si boss," wika ni Tres.
"Hindi na bali na pag-initan tayo ng Rajah, ang mahalaga masabi natin sa kanila at maipakita itong teddy bear, relo at itong sulat." wika ni Winston.
"Sige tara na" ani ni Hope.
At sumakay na kami ng kotse at nilisan ang madilim na lugar.
Ginoong Isagani's PoV
Pagpasok ko pa lamang ng Bulwagan ay tahimik ang lahat tila may nangyari na hindi ko nababatid.
"Ginoo, may ginawa ba kayo?" Tanong ni Wano.
"Ano ang iyong sinasabi Wano? Buong araw tayong magkakasama sa opisina" aking tugon.
"Ang tahimik kasi dito Ginoo, ano kayang meron?" Tanong ni Wano.
"Baka naman may surpresa sila sa iyo Ginoo" wika pa ni Kabang.
Ngunit isa sa kanilang iniisip ay wala sa aking isipan.
"Hindi Kabang, sa aking pakiwari ay may naganap na hindi natin nababatid" aking wika sa kanila.
"Ano kaya iyon Ginoo? Ano kayang nangyari habang wala tayo rito sa puod?" Tanong ni Dado.
"Iyan ang ating aalamin,"
"Magandang gabi Baba" aking pagbati sa aking amang Rajah.
"Mabuti at nakauwi ka na Isagani, may nais akong ipabatid sayo" wika ng aking ama.
Tila kung ano man ang sasabihin nito ay hindi ko magugustuhan.
"Ano iyon Baba?" Aking tanong.
"Ang iyong kapatid na Bai si Huada, ay kinuha ni Nemesis" wika ng aking ama.
Kinuha ni Nemesis?
"Kinuha ni Nemesis ang aking kapatid ngunit hindi pa sila naikakasal Baba, at ano pang ginagawa ng inyong mga sandig at mandirigma? Ano at naririto pa rin sila? Hindi ba dapat ay hinahanap na nila ang aking kapatid?" Aking tanong, na hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses.
Lubos akong nag-aalala sa aking kapatid lalo't si Nemesis ay isang kaaway.
"Huminahon ka Isagani, tayo na sa loob at ipaliliwanag ko sayo," wika ng aking ama at siya kong sinunod naman ang kanyang sinabi.
Huadelein's PoV
Ika pito na ng gabi at kumakalam na ang aking sikmura, wala bang kahit na anong makakain dito? Hay! Kung may silid-lutuan lamang dito ay kanina pa 'ko nakapagluto ng aking hapunan, hindi naman nakabubusog ang panonood sa telebisyon. Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na higaan, at narinig kong bumukas ang pinto at may isang lalaki na pumasok, na may tulak-tulak na kung anumang bagay na may takip, bumangon ako agad atsaka tumayo.
"Sino ka?" Aking agad na tanong.
"Ah taga hatid ng pagkain mo" tugon nito.
"Ang ngalan mo, siya kong tinutukoy." Aking wika.
"B-Bacon Monte" tugon niya.
"Bacon? Hindi ba't pagkain iyon?" aking tanong.
"Opo, B-Bai" tugon nito.
"Tila nagutom ako lalo sa iyong ngalan," aking wika.
Masarap pa naman ang bacon sa tinapay.
"B-Bai, ito pagkain-- alam ko gutom ka na kanina ka pa rito eh." Aniya.
"Hindi ko kakainin iyan, baka may lason pa iyan," aking wika, at naupo ako sa mahabang malambot na salung-puwit.
"Hindi Bai, walang lason 'to ako naghanda nito eh, tsaka nakakasigurado ako na walang lason 'to papatayin ako ni boss pag ginawa ko 'yon," wika niya
Mukha naman nagsasabi siya ng totoo.
"At paano ako makatitiyak na walang lason iyan?" Aking tanong.
"Kung gusto mo Bai kakain ako nito sa harap mo tutal marami naman 'to" wika nito.
"Payag ako, ngunit nais ko munang makita ang pagkain." Aking wika at binuksan niya ito.
"Ano iyan?" Aking tanong, nang makita ko ang pagkain.
"Paella" wika nitong nakangiti at inilagay na nito sa mesa ang dala nitong pagkain.
Mukhang masarap ngunit baka mamaya ay may lason.
"Mukha naman masarap, ngunit sasaluhan mo ako gaya ng iyong sinabi," aking paalala sa kanya.
"Oo naman, Bai." Wika nito.
"Mabuti, tayo na at kumain," aking paanyaya, at kinuha ko ang malaking lalagyan ng pagkain na paella, at hinati ko ito atsaka inilagay ko ang kalahati sa plato na para sa kanya.
"Iyan ang sa iyo, at ito ang sa akin" aking wika.
Ngunit tila mangha itong nakatingin sa akin.
"Bai, diyan kayo kakain sa lalagyan?" Tanong nito.
"Oo." Aking simpleng tugon, at inumpisahan ko ng sumubo, ano at napakasarap ng pagkaing ito? Kumuha ako ng tahong at isinubo ang laman nito sa aking bibig.
Ngunit nakatingin pa rin sa akin si Bacon, ano ang suliranin ng isang 'to?
"Ano pang hinihintay mo Bacon? Kumain ka na riyan"
"O-opo, Bai" wika nito atsaka kumain na rin ito.
Tila pahirap sa akin ang magkutsara kung kaya't nagkamay na ako, at binalatan ang mga hipon at magana ko itong kinain, ang sarap ng pagkaing ito masarap ang Valencia ngunit mas masarap itong paella.
"Bai, nagkakamay ka?" Biglang tanong nito sa akin.
"Oo, ngayon ka lamang ba nakakita ng tao na nagkakamay habang kumakain?" Aking tanong.
"Hindi Bai, n-namangha lang ako" wika nito.
Nakamamangha na ba ang magkamay habang kumakain? Sa aking pagkakabatid normal lang ito.
-------
Itutuloy...
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top