Kabanata XLII: Ang Paghaharap nina Huadelein at Ireah
Kabanata XLII: Ang Paghaharap nina Huadelein at Ireah
--
Zero's PoV
Kumakain kami ng lecheflan ni Uno habang nagk-kuwento siya tungkol sa babaeng nakita niya raw sa balay ng Rajah kanina.
"Ano ba kasi hitsura ng babae Uno? Puro lang kasi maganda sinasabi mo eh." Saad ko.
"Ano kuya eh, basta maganda! Ah ano-- mahaba ang buhok niya lampas bewang, tapos maputi siya tsaka may mga gold sa ulo niya na parang crown, tapos kuya cute siya, kita pusod." Mahabang saad niya.
Alam ko na kung sino ang sinasabi niya, tsk tsk! Uno.
"Ano pa?" Nagpipigil kong ngiti na tanong.
"Color red 'yong damit niya na makintab, na may mga halong gold tsaka nakamahabang palda, tsaka kuya naka paa siya, ang ganda niya kuya-- mukhang mas bata siya sa'kin kuya kasi medyo matangkad ako sa kanya eh." Saad pa niya, haha mukhang tinamaan ang batang 'to kay Hera, anak ng tokwa! Anong ibigsabihin nito? Mukhang may karamay na kami ni Dos mapugutan ng ulo ah.
"Welcome to the club!" Ani ko sa kanya at sa sabay tapik sa kanang balikat nito.
"Ano kuya?" Tanong nito sa'kin atsaka tumayo ako at inilagay sa sink ang platito ko.
"Wala. Sabi ko ang pogi mo kaso bingi ka." Wika ko.
"Kuya, kilala mo ba 'yong bata na babae na nakita ko?" Tanong niya sa'kin, tsaka sumubo uli ng lecheflan habang ako naman kumuha ng tubig sa ref, atsaka naglagay sa baso ko ng inumin.
"Kilalang-kilala!" sagot kong nakangiti atsaka ko uminom ng tubig.
"Talaga kuya? Kilala mo?" Biglang tanong niya sa'kin at napabitaw pa siya sa hawak na kutsara niya.
"Oo." Simpleng sagot ko pagkababa ko ng baso.
"Anong pangalan niya kuya?" Tanong niya sa'kin.
"Di ba gusto mo siya makilala? Eh di ikaw umalam." Ani kong nakangiti.
"Kuya naman... Ano nga kasi pangalan niya?" Tanong pa niya.
"Ikaw umalam Uno, dahil ikaw 'yong lalaki ako nga eh nagpakahirap ako na alamin pangalan ng girlfriend ko ngayon." Saad ko.
"May girlfriend ka kuya?" Tanong niya sa'kin.
"Oo, Binukot." Sagot ko.
"Binukot? Ano 'yon kuya?" Tanong pa nito.
" 'Yong batang babae na nakita mo sa balay ng Rajah? Binukot 'yon." sagot ko.
Nakita ko ang pagkalito sa mukha ni Uno at para bang nag-iisip ito.
"Ano ba 'yon kuya?" Ulit niyang tanong.
"Mamaya ko sayo e-explain, tapusin mo muna yang lecheflan mo tsaka huwag mo sasabihin kay mama 'yong sa pinuntahan natin kanina ah, secret lang natin 'yon." Sabi ko sa kanya.
"Oo kuya, eh kay kuya Dos? Pwede ko ba ikwento?" Tanong nito sa'kin.
"Oo pwede, basta huwag lang kay mama."
Bai Hera's PoV
Sinusuklay ni Sima ang aking buhok, nang sumagi sa aking isipan ang Ginoo kanina na aking nakita, habang tinataguan ko ang aking Baba Digma.
Sino kaya ang Ginoong iyon? nakatitiyak akong tagalabas iyon, sapagkat kitang-kita sa kasuotan niya kanina. Ngunit ano kaya ang ginagawa niya kanina sa loob ng aming balay? At may tinutukoy itong kuya, kung gayon ay hinahanap niya kanina ang kanyang nakatatandang kapatid. Ngunit sino? Sino ang kanyang nakatatandang kapatid na kanyang hinahanap? Ngunit tila may kamukha siya.
"Bai, may gumugulo ba sa iyong isipan?" Tanong ni Sima sa akin na huminto sa pagsuklay sa aking buhok.
"Oo. Sima, isang Ginoo na may kataasan sa akin, siya'y nakita ko habang tinataguan ko si Baba Digma kanina." Aking salaysay.
"Isang Ginoo?" Tanong niya.
"Oo. Sima, sa aking sapantaha nga ay kasing edad ko lamang ito at ang kasuotan niya ay tagalabas." Aking saad.
"Talaga Bai? Nakilala mo ba ang Ginoong yaon?" Tanong niya.
Humarap ako sa kanya bago magsalaysay.
"Hindi Sima, sapagkat itinaas ko ang aking kali kanina upang hindi ako nito malapitan, at ako'y tumakbo palayo sa Ginoo."
"Ngunit Bai, anong ginagawa ng isang batang Ginoo rito sa balay ng Rajah kanina?" Tanong niya at inilagay nito ang panuklay sa mesa.
"Hindi ko rin batid Sima, ngunit ayon sa isinambit niya kanina ay hinahanap niya ang kanyang kuya at siya'y naliligaw." Aking salaysay.
Napansin kong sandaling nag-isip si Sima atsaka nagwika rin ito.
"Kanino kaya kapatid ang batang Ginoong iyon?" Tanong ni Sima.
Hindi ko rin batid, ngunit hindi ko na lamang aalamin pa.
Huadelein's PoV
"Go Georgia! I-shoot shoot mo na 'yan!" Masayang sigaw ni Whisky.
Sapagkat naglalaro kami ng basketball sa isang arcade.
"Go Ganda! Kaya mo yarn, talunin mo si Georgia!" Masayang sigaw pa ni Rica.
Tuluy-tuloy lamang ako sa paghagis ng bola may pumapasok, mayroon din nagmimintis at malapit nang matapos ang oras at nakita ko na nga ang salitang times up.
"Ang galing mo Georgia." Aking ani.
"Mas magaling ka Ganda" aniya sa akin na nakangiti.
"Naka siyam na puntos lamang ako, samantalang ikaw ay 22." aking saad sa kanya.
"Okay lang Ganda, para sayo naman ang pagshoot ko ng bola." Aniya na nakangiti sa akin, at hinawakan nito ang aking kamay. Nahagip naman ng aking paningin ang tatlo kong sandig na kung saan, ay may akap-akap na teddy bear si Winston.
"Lapitan natin sila." Aking aya kay Georgia.
At ngayon ko lamang napansin na kanina lamang ay kasama namin sina Rica at Whisky, ngayon ay naroon na rin kina Azerine at nakikiusyoso.
"Ang daya naman ng machine na 'to!" Saad ni Hope at inis na pinagpipindot muna nito ang mga pindutan atsaka ito umalis.
"Oh! Ako naman ah" wika ni Azerine na sinubukan din ang laro.
"Malapit na pogi, ay sayang! Nahulog pa teddy bear na sana naging bato pa!" Ani ni Whisky.
"Ang daya ng machine na 'to nakakalimang token na ko ah!" wika ni Azerine.
"Masubukan nga iyan." Aking ani at hinulugan ni Azerine ng isang token ang butas ng makinang palaruang ito.
"Try mo boss ang daya ng machine na 'to eh!" Wika ni Azerine
"Namimili kasi 'yan ng pogi Azerine." Wika ni Winston, na ngayon ay pinaglalaruan ang teddy bear na hawak nito.
Napa-iling na lamang ako sa kanila at sinubukan ko na maglaro, napangiti na lamang ako nang makuha ko ang isang nakatutuwang teddy bear.
"Ang galing mo naman Ganda!" Ani nila.
"Hala! Ang galing mo naman boss." Wika ni Azerine.
Argo's PoV
Kumakain ako ng pop corn habang nanonood, nang may tumabi sa'kin.
"Pareng Dos upuan 'yan ni Ireah nag cr lang 'yon babalik din 'yon." Sabi ko.
"Nakakaboring dito pre, taena! Tara sa arcade ando'n sila Huadelein ang saya-saya nila do'n na naglalaro, samantalang tayo rito para tayong may pinaglalamayan." Wika ni Dos.
"Ba't pre? May kasama ka naman ah andiyan si Lyka ah." Saad ko.
"Si Huadelein gusto ko makita hindi si Lyka." wika ni Dos.
"Bibig mo naman Dos, baka marinig ka ng girlfriend mo." wika ko.
"Parang girlfriend ko ah?" Saad ni Dos.
Talaga naman 'to si Dos, oh! Hindi marunong mahiya sa chiks niya, andiyan si Lyka tapos iba naman hinahanap.
"So, nagsasawa ka sa malandi mong girlfriend na kung makakapit sayo parang toko?" Tanong ni Ireah na ngayon ay narito na pala.
Tumayo si Dos atsaka hindi sinagot si Ireah.
"Sundan mo na nga 'yong tropa mo na ang nguso puro Huadelein lang." Wika ni Ireah sa'kin.
"Sige, munch. Mamaya na lang ako bawi." Wika ko at binitiwan ko na ang hawak kong pop corn, at aakma na sanang tumayo nang hawakan ni Ireah ang kwelyo ng polo ko, putya.
"Ano? Aalis ka na lang ng wala man lang kiss sakin?" Tanong ni Ireah atsaka sinunggaban ang labi ko, taena naman men. "Oh sige na, alis na!" Wika nito nang magkalayo ang mga labi namin atsaka tumayo na 'ko.
"Mamaya na lang munch." Paalam ko at sinundan ko na si Dos.
Dos's PoV
Pagpunta ko ng arcade nakita kong masayang-masaya sila Huadelein, at ibinigay niya ang hawak niyang stuff toy kay Georgia. Nakita ko pang halikan nito si Huadelein sa pisngi, iba rin talaga 'tong si George dumiskarte, ah! Makahalik kay Huadelein sa pisngi ganoon ganoon na lang.
"Oh! Pre, ba't ganyan ka naman makatingin kina Huadelein?" Tanong ni Argo na kararating pa lang.
"Pa'no, eh iba rin dumiskarte si George a.k.a Georgia, kung makahalik sa pisngi ni Huadelein ano jowa lang?" Wika ko.
"Relax! Pre, si Georgia lang 'yan, bakla 'yang pinagseselosan mo tsaka kaibigan 'yan ni Huadelein." Saad ni Argo
"May bakla bang humahalik sa babae? Tsaka pre naman, alam kong may gusto 'yan kay Huadelein dahil kung paano niya tingnan, at ngitian si Huadelein ganoon din ako pre eh!" Mahabang saad ko.
"Pa'no ka naman nakasisigurado pre? Eh! Bakla si Georgia, ang gusto niyan lalake." Wika ni Argo.
"Lalake pa rin si Georgia, Argo." Saad ko at lumakad ako palapit sa kanila.
"Ui! Dos, teka lang saan ka pupunta?" Tanong ni Argo.
"May kakausapin lang akong Binukot." Wika ko at nilapitan ko na sila. "Pwede bang mahiram sandali si Huadelein?" tanong ko sa kanila at lahat sila nakatingin sakin.
"Ui! Hello! Papa Dos." Bati ni Whisky na nakangiti.
Huadelein's PoV
"Pwede bang mahiram sandali si Huadelein?" Wika ng kilala kong boses at nang mabaling ang aking paningin dito, ay nakita kong nakatingin ito sa akin. Ano na naman ang suliranin ng gunggong na 'to at gusto akong hiramin?
"Ui! Hello! Papa Dos." Bati ni Whisky.
"Hello. Whisky, hihiramin ko muna ang lakambini niyo ah." wika nito at nabigla ako nang hilahin niya ang aking kamay, at lumayo kami sa kanila atsaka kami huminto.
"Kausapin mo nga ko Huadelein, bakit ka nagpapahalik sa pisngi kay George, ha?" Tanong nito sa akin at napansin kong nakahawak pa rin ito sa aking kamay, at damang-dama ko ang init ng kanyang palad. Inalis ko ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito sa aking kamay.
"Anong suliranin mo Dos? At pati paghalik sa aking pisngi ng aking kaibigan ay tatanungin mo pa." Aking wika.
"Suliranin ko? 'Yong kaibigan mong si George, na iba rin kung dumiskarte sayo." Saad niya.
Hindi ko maunawaan ang kanyang sinasambit.
"Dos, hindi kita maunawaan." Aking wika.
"Pwede ba Huadelein wala naman tayo sa puod niyo, kaya kausapin mo 'ko sa paraan kung pa'no ko sayo makipag-usap, kasi dudugo na ilong ko sayo." Kanyang saad.
"Sige kung iyan ang iyong nais." Aking wika.
"Jusko po! Ang ilong ko, ano ba di mo ba talaga ko kakausapin ng maayos? Di mo ba nakukuha Huadelein? Si George may gusto sayo, at pasimple siyang dumidiskarte sayo." Kanyang saad.
"Oh! Anong mayroon kung may gusto siya sa akin? May problema ka ba roon?" Aking tanong.
"Anong klaseng reaksyon 'yan Huadelein? Hello Huadelein! Dumadamoves siya sayo--" wika niya na hindi na naituloy pa ang kanyang sinasabi.
"Ganda, tara na! Kakain na tayo." Aya sa akin nila Whisky na ngayon ay lumalakad na palayo sa amin.
"Oh! Saan ka pupunta?" Tanong nito at pigil sa aking kamay.
"Kina George." aking tugon. At inalis muli ang pagkakahawak nito sa aking kamay atsaka lumakad ako palayo sa kanya.
"Huadelein!" Rinig kong tawag niya sa akin. Ngunit hindi ko na ito pinansin pa, at pinagpatuloy ko ang aking paglalakad upang sundan sila Georgia.
Subalit sumagi naman sa aking isipan ang sinabi ni Dos, na may gusto sa akin si Georgia. Totoo nga kaya iyon? Ngunit malabo iyon sapagkat noon nga ay nabigo ako sa kanyang pag-ibig.
Nabigla ako nang mayroong kamay na kumapit sa aking braso.
"Ganda, doon tayo sa Mang Inasal" wika ni Georgia at masaya ako nitong hinila kasama nina Whisky at ng aking mga sandig.
Kung magkagayon nga'ng may gusto ito sa akin ay ayos lamang, ngunit hindi ko matutugunan ang pag-ibig nito sapagkat may ibang sinasinta ang aking puso. At hindi ko ibig na masaktan si Georgia sapagkat siya'y aking kaibigan.
"Kami na oorder ni Rica, tutal kami ang late na dumating pero KKB tayo syempre, di naman namin keri kung kami magbabayad ng kakainin nating lahat." Wika ni Whisky.
"Libre ko na kayo." Ani ni Winston at nag-abot ng pera kina Whisky.
"Ako na sa halo-halo." Mungkahi pa ni Hope at nagbigay rin ito ng pera sa dalawa.
Kukuha sana 'ko ng salapi sa aking kalupi nang may magsalita.
"Boss, hayaan mo 'yong dalawang tomboy manlibre, minsan lang tayo makakatikim ng libre ng dalawang tomboy na makukunat!" Saad ni Azerine.
"May sinasabi ka Azerine?" Biglang tanong ni Hope.
"Oo nga. Mukhang may sinasabi 'yong tomboy na pinaka panget ah!" Dagdag pa ni Winston.
Habang nag-aasaran ang tatlo ay umalis na ang dalawa sa kanilang harapan, upang magtungo sa loob at mag order ng aming kakainin.
"Ang sinasabi ko lang naman, hindi na kailangan maglabas ng pera ni boss, dahil nandiyan naman kayong dalawang panget na tomboy." Saad ni Azerine.
"Wow! Nagsalita ang tomboy na pinaglihi sa tsonggo." Sabay na wika nina Hope at Winston.
"Kingina niyong dalawang tomboy na pinaglihi sa sugpo!" Bulyaw ni Azerine sa dalawa.
"Ah gano'n ah!" Ani ni Winston.
"Suntukan na lang." Wika ni Hope.
At nagsuntukan sila na hindi naman tumatama sa kanilang mga mukha. Ang mga ito talaga.
"Oh! Girls easy! Huwag niyo kami pag-awayan." Wika ni Tres.
"Easy dalawa lang kami." Wika pa ni Jace.
"Ulok!" Wika ng tatlong tomboy.
Sabay tawa namin ni Georgia.
"Ang saya kasama ng mga kaibigan mo Ganda." Wika ni Georgia sa akin, ngumiti na lamang ako at muli napansin kong may kakaiba sa paligid, animo'y may mga pares na mata na nakamasid sa amin.
"Dito na lang din tayo kumain, andito sila Huadelein oh!" Rinig kong wika ni Argo kasama ang kanilang grupo, at napansin kong kasama na ni Dos ang katipan nito na nakakapit sa kanyang braso. Maging si Ireah ay napansin kong katabi na ni Argo.
Ngunit may nakita akong mga lalaki na tila pamilyar sa akin ang kanilang kasuotan.
"Excuse me Huadelein, gaano ba 'ko kaganda para tingnan mo?" Biglang wika ni Ireah dahilan upang mabaling ang aking paningin sa kanya, ano ang sinasabi ng babaeng ito na pinaglihi sa linta? Tila ako nagiging salbahe na.
"Sorry, pero hindi ikaw ang tinitingnan ko." Aking wika.
"Boom! Basag!" Ani ng tatlong tomboy.
Napansin kong napa irap si Ireah dahil sa reaksyon ng tatlo.
"Sure ako, na ako ang tinitingnan niya." wika pa ni Ireah na ang akala ko ay hindi na ito magsasalita pa.
"Huwag ka kasing masyadong assuming 'te, hindi lahat ng tao babalingan ka ng tingin." Biglang wika ni Georgia dahilan upang mabaling ang aking paningin dito.
"Excuse me Georgia, hindi ikaw ang kinakausap ko. So, shut up ka na lang o baka naman isa ka pang naiinggit sa kagandahan ko?" Wika ni Ireah.
"Excuse me!--" wika ni Georgia ngunit naputol dahil sa aking pag-awat.
"Georgia, huwag mo na siyang patulan." Aking awat.
"Hindi Ganda, para MALAMAN ng BABAENG 'TO na HINDI LAHAT ng TAO BABALINGAN SIYA ng TINGIN!" Saad ni Georgia na may diin sa bawat salitang binitawan nito, naku naman! Hindi ko gusto na nakikipag-away si Georgia.
"Inggit ka lang, dahil maganda ko." Wika ni Ireah.
"Ano naman kaiinggitan ko sayo? Eh mas maganda pa nga 'ko sa'yo!" Wika ni Georgia na hinawi pa ang mahaba nitong piluka, atsaka bumalik sa pwesto nitong pagkakapit sa aking braso.
"Talaga lang ha? Excuse me, bakla! Kahit gaano ka pa kaganda wala ka naman puke! At higit sa lahat hin--" Hindi na naituloy pa ni Ireah ang sinasabi nito nang dumating at magsalita si Rica.
"Ano may warlalu ditey?" Tanong ni Rica.
"Wala besh, may pinangaralan lang akong babae na may pinagmamalaking puke!" wika ni Georgia.
Tila sasakit ang aking ulo sa kanila.
"Sino ba 'yan? At nang mapangaralan ko rin, hihilut-hilutin natin at patutuwarin nang matuto." Saad ni Whisky.
"Naku! Huwag niyo ng alamin tsaka hayaan niyo na napangaralan ko na." Ani ni Georgia
"Okay sige, besh. Sabi mo eh, oh! Ano pang hinihintay niyo? Tara na sa table!" wika ni Rica at lumakad na kami.
"Georgia, huwag mo ng uulitin 'yon ah." Ani ko kay Georgia.
"Ay naku! Huwag mong isipin 'yon Ganda, sanay na 'ko sa mga gano'ng babae." Wika ni Georgia.
"Kahit na, basta-- hanggat maaari ay umiwas ka sa away." Aking paalala.
"Okay, Ganda. Para sayo." Wika niya na nakangiti at hinawakan ang aking kamay.
Ngunit napansin kong nakatingin sa amin si Dos at masama ang tingin nito sa akin, iniwas ko na lamang ang aking paningin sa kanya. At kami ay nagtungo na sa aming mesa kung saan kasama namin ang grupo ni Dos.
Sagigilid Milan's PoV
Ako'y nasa silid lutuan at naghahanda nang makakain ng Rajah at ng Dayang nang pumasok si Sima rito.
"Sima, nariyan ka na pala, sasalo ba si Hera sa pananghalian ng Rajah at ng Dayang?" Aking tanong.
"Oo. Milan, sasalo si Hera sa kanilang pananghalian." Tugon niya.
"Kung gayon ay dadagdagan ko ang pagkain." Aking wika, at nagdagdag ako ng pagkain pati na rin pinggan, at lalagyan ng inumin atsaka kumuha ako ng tubig sa tapayan.
"Sandali lamang Milan, may nabanggit sa akin ang aking Bai, na may nakita raw siyang isang batang Ginoo dito sa balay ng Rajah kanina habang tinataguan niya ang kanyang Baba Digma." Salaysay ni Sima.
"Batang Ginoo?" Aking tanong.
"Oo. Milan, may napansin ka ba kanina na batang Ginoo?" Tanong niya.
Naalala ko na!
"Ang batang Ginoo-- na kapatid ni Ginoong Zero, siya'y naligaw kanina sapagkat sa laki raw nitong balay ng Rajah, at hindi nito mahanap ang kanyang nakatatandang kapatid." Aking saad.
"Kapatid pala iyon ni Ginoong Zero?" Tanong ni Sima.
"Oo. Sima, sapagkat nabanggit ito sa akin ni Ginoong Zero bago sila lumisan ng puod kanina lamang, tila sila'y pinagbiyak na bunga, parehong magagandang lalaki." Aking wika.
"Talaga Milan? Sayang at hindi ko nasilayan ang batang Ginoo, ngunit alam mo ba kung ano ang kanyang ngalan?" Kanyang tanong.
"Oo. Sima, ang ngalan ng batang Ginoo ay Uno." Aking tugon.
"Uno, nakatutuwa naman ang ngalan ng batang Ginoo." Wika ni Simang na nakangiti.
"Tama na nga ang ating usapan, tayo na at tulungan mo ako na ilabas itong mga pagkain." Aking mungkahi at kinuha na niya ang ibang pagkain at lumabas na kami ng silid-lutuan.
Azerine's PoV
Ako lang ba o talagang nasobrahan na 'ko kakakape, at tensyonado ako ngayon. Pakiramdam ko kasi may mga nakamasid sa'min, di ko alam kanina ko pa napapansin na parang may kakaiba sa paligid eh.
"May nararamdaman ka bang kakaiba?" Tanong ko kay Hope.
"Wala, bukod sa nauutot ako, bakit Azerine? Natatae ka na 'no?" Tanong ni Hope, ang bagra talaga ng tomboy na 'to.
"Taena, hindi 'yon. Wala ka bang napapansin sa paligid?" Tanong ko.
"Meron, 'yon tipong may mga nakatingin sa'tin, tingin mo Azerine ilan sila?" Sagot at tanong niya sa'kin.
"Tantya ko mga sampu!" Sagot ko.
"Mali! Nasa 17 sila." Biglang singit ni Winston.
"Nasa 17? Ang dami naman." Ani ni Hope.
"Akala ko naman, nasa sampu lang sila." Wika ko.
"Kaya hindi dapat maalis sa mga paningin natin si boss" wika ni Winston.
"Areglado!" Wika ko.
"Areglado tayo diyan." Wika ni Hope.
"Ito na po ang dessert halo-halo!" Biglang ani ni Whisky.
Takte! Ang dami ko pa naman nakain na kanin, sarap ng mang Inasal eh.
"Woooh! Ito ang hinihintay ko halo-halo!" Wika ni Hope.
"Wow! Ang pahalo-halo ni Baby Hope." Wika ni Jace.
"Ulok! Baby ka diyan!" wika ni Hope habang inumpisahan ng lantakan ang halo-halo niya.
"Kanino na lang 'tong stick-O? Ayoko nito eh." Ani ni Tres.
"Akin na lang!" Ani ko.
"Oh, sayo na." Wika nito at pagkaabot sa'kin ni Tres agad ko 'tong kinagat.
"Ba't ayaw mo nito Tres? Ang sarap sarap nito eh." wika ko.
"Di ko type lasa, kapag ihahalo sa halo-halo." Saad ni Tres.
"Ah" wika ko.
"Munch order tayo ng halo-halo" rinig kong wika ni Ireah na naglalambing kay Argo.
"Munch, matatagalan kung ngayon lang tayo mag-oorder dapat kanina pa." Saad ni Argo.
"Munch naman." Wika ni Ireah.
Napaka! Napakabastos sa harap ko pa talaga naglambingan ampupu!
"Ireah, gusto mo ng halo-halo? Itong sa akin kunin mo na lang, di ko naman kakainin busog na 'ko." Alok ni boss kay Ireah.
Si boss talaga masyadong mabait, 'yon tipong may pakpak na nga, may halo pa sa ulo at nagliliwanag sa kalangitan.
"No thanks, kung galing din naman sayo baka may laway mo pa 'yan!" Wika ni Ireah, aba bastos.
"Hindi ko iyan nagalaw Ireah, kaya walang laway o kahit na anong bahid ng mikrobyo sa halo-halong iyan, depende na lang kung iyong hahawakan." Wika ni boss.
T-taena! Ngayon ko lang nakitang nagtaray si boss ng ganito. Astig niya!
"Savage!" wika ni Winston, na ikinainis ni Ireah haha gag* talaga 'tong tomboy na 'to.
"So, what do you mean Huadelein?" Tanong ni Ireah.
"It depends on you Ireah, how you understand it!" Wika ni boss, putcha napa english ang boss ko, lahat kaming mga sandig niya napalingon sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng halo-halo mo iyong-iyo na 'yan!" Ani ni Ireah.
"Ang arte naman... Ikaw na nga ang binibigyan ikaw pa nag-iinarte!" Wika ni Georgia.
"Huwag kang makisawsaw baklang kabayo!" Ani pa ni Ireah, napansin kong nabaling ang paningin ni boss kay Ireah dahil sa sinabi nito.
"Kanina ang arte-arte mo pang magrequest kay Argo ng halo-halo, ngayon ayaw mo na, itong binibigyan ka ni Ganda." Wika ni Georgia.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo baklang kabayo, kaya tumahimik ka diyan tsaka GANDA tawag mo kay Huadelein? Ewww! Eh, mukha nga'ng tomboy 'yan kasama ng mga tropa niyang tomboy rin!" Wika ni Ireah.
Aba! Iba rin ang bibig!
"Aba! Aba! Bastos ang bibig ah!" Rinig kong wika ni Rica.
"Kanina pa yang bibig mo 'te, umayos ka!" Rinig kong wika ni Whisky.
"Ako na mga besh, kalma lang kayo, Ireah ano naman sayo kung GANDA ang tawag ko, o tawag namin kay Huadelein? Bakit big deal ba sayo? O baka naman naiinggit ka kasi 'yong mga tindera lang sa palengke ang tumatawag sayong Ganda? Alin sa dalawa?" Tanong ni Georgia habang nagsasalamin ito.
"Wala, ako? Maiinggit sa kaibigan niyo ewww! Di hamak na mas maganda ko sa kanya 'no! At sa inyong tatlong baklang kabayo kahit isama niyo pa mga tropa ni Huadelein na mga tomboy!" Anini Ireah na parang pang-iinsulto na.
Grabe! talagang dinamay kami? Napansin kong nabaling ang tingin ng dalawang tomboy sa tabi ko kay Ireah, mukhang di na nila nagustuhan ang sinabi ni Ireah.
"Aba't talaga--" wika ni Rica, na tumayo na sa kinauupuan nito na pinigilan ni boss na ngayon ay nakatayo na.
"Ireah alam mo ba ang salitang RESPETO?" Biglang tanong ni tomboy na ngayon ay binalingan na ng tingin si Ireah patay! Naka Binukot mode na po siya.
"Ah boss, relax ka lang--" awat ko dahil sigurado mapapahiya si Ireah.
"Alam ko ang ginagawa ko Azerine, uulitin ko ang tanong, alam mo ba ang salitang RESPETO?" Tanong niya ulit kay Ireah patay! Wala ng makakaawat sa kanya.
"Oo naman, pero syempre irerespeto ko ang mga karapat-dapat lang na irespeto!" Wika ni Ireah.
"Hindi mo alam ang ibigsabihin no'n, nirerespeto mo lang ang mga taong gusto mong irespeto, at nirerespeto ka lang ng mga taong nasa harap mo kapag kaharap ka nila, pero kapag nakatalikod ka na, ang tanong nirerespeto ka pa ba nila?" Tanong ni Boss.
Taena! Minsan ko lang makita na ganito si Huadelein, hindi ko maiwasan na kabahan at humanga.
"Wala akong oras para makinig sa mga litanya mo!" wika ni Ireah.
"Hindi pa ko tapos kaya tumahimik ka! Uripon!" Singhal ni boss, lahat kaming mga sandig niya natigilan dahil tinawag niyang uripon si Ireah, p*ta!
Ayaw niya kasi talaga sa lahat ang hinahamak ang isa sa mga kaibigan niya, hindi talaga siya papayag na hindi makaganti sa sumalbahe rito.
"Boss!" Sabay-sabay naming sabi.
"Boss, wala ka sa puod!" Bulong ko.
"Wala akong pakialam, ang mga kaibigan ko anumang kasarian mayroon sila, ay tanggap ko at nirerespeto ko sila maging sa harap o nakatalikod man, dahil ang salitang RESPETO hindi napupulot ito ay inaani, at hindi basta basta salita lamang na kung iwika ng iba ay ganoon na lang. Wala kang karapatan Ireah na manghamak ng tao, kaya kung ako sayo ay mag sorry ka sa kanila." Mahabang speech ni boss.
"S-sorry..." Wika ni Ireah.
"Lakasan mo nang marinig nila!" Utos ni boss, naku! Naging mandirigma mode na siya.
"S-sorry!" At pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumakbo siya palabas.
"Ireah!" Tawag ni Argo sa girlfriend niya.
Sorry, Argo. Hindi na kasi tama ang mga sinasabi ni Ireah.
-------
Itutuloy...
Karagdagang kaalaman:
Tapayan- malaking sisidlan na gawa sa luwad na iniimbakan ng tubig, alak o maaring pagkain.
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top