Kabanata XLI: Ang Mensahe Sa Aking Sandig




Kabanata 41: Ang Mensahe Sa Aking Sandig

--


Azerine's PoV

Natapos basahin ni Argo ang tula niya at putcha literal napanganga ko, pakiramdam ko kasi para sa'kin yung tula niya pero baka assuming lang ako? putcha para naman akong babae nito sa sinasabi ko pero ewan ko ba, bigla akong kinabahan pero anak ng! panira nga lang yung pangalang binanggit sa dulo!

Napalingon ako nang magtanong si Ginoong Quinis kay Argo


"Ginoong Frenta para kanino ba talaga ang tulang ito?" tanong ni Ginoong Quinis kay Argo


"S-sir?" nauutal na balik na tanong ni Argo


"Iba kasi ang nakalagay na pangalan--" Hindi naituloy ni Sir Quinis ang sinasabi niya ng lumapit si Argo sa kanya at may ibinulong sa tainga nito

Lahat ng mga kaklase namin nabaling ang paningin sa kanila maging ang katabi kong tomboy


"Batid ko kung para kanino ang tula ni Argo" wika ni tomboy sa tabi ko


"Para kanino boss?" usisang tanong ko nakita kong ngumiti si boss


"Nauunawaan ko na Ginoong Argo nais mo bang sabihin ko?" tanong ni Ginoong Quinis kay Argo na naka ngiti


"Huwag sir, huwag naman sir" wika ni Argo


"Joke lang, maupo ka na bago pa magbago ang isip ko" wika ni Ginoong Quinis na naka ngiti


"Sir ha" wika ni Argo na parang nagpapa-alala kay Sir


"Sunod Antone" tawag ni Ginoong Quinis sa magbabasa at pumunta na si Argo sa upuan niya at naupo


"Boss, sino nga?" tanong ko


"Azerine ano at sadyang napakamanhid mo?" tanong ni boss na naka ngiti


"Si boss naman... Sino nga boss?" tanong ko at pangungulit ko pa


Di ako matatahimik kapag di ko nakuha ang sagot ni boss


"ikaw Azerine" sagot ni boss na hindi lumilingon sakin






Ginoong Isagani's PoV

Kasalukuyan ay naglalakad-lakad kami ni Atubang sa labas ng balay sinadya ko talaga ito sapagkat nais kong magpasalamat sa kanya


"Ginoong Isagani may nais ka bang sabihin sa akin?" tanong ni Atubang


"Oo Atubang nais kong magpasalamat sa iyong pagtatanggol sa akin sa aking Baba kanina lamang" aking wika


"Wala iyon Ginoo batid kong abala ka sa pangangasiwa ng inyong negosyo kaya nahihirapan ka humanap ng oras upang maghanap ng Binukot na iyong mapapangasawa kaya nauunawaan kita" wika nito


Mabuti talaga si Atubang ilan taon na itong naglilingkod sa aking Baba at sa puod kung kaya't batid kong kilala niya ako at saksi ito sa aking mga gawain sa paloob o labas man ng puod


"Tama ka Atubang abala ko sa aming negosyo batid kong namamayagpag ang aming kumpanya at nais kong manatili ito kung kaya't nakatuon lamang ako rito at maging paghahanap ko nga ng Binukot na aking mapapangasawa ay hindi ko na nabigyang pansin" aking wika


Lubos akong abala sa pangangasiwa ng aming kumpanya kung kaya't halos wala na akong oras upang maisingit ang paghahanap ko ng isang Binukot upang maiharap sa aking ama at aking mapangasawa


"Ginoo, may tiwala akong mahahanap mo ang Binukot na iyong mapapangasawa at maihaharap sa Rajah" wika nito at tapik sa aking balikat


"Sana nga Atubang" tanging naiwika ko na lamang


Sana'y magdilang anghel ka Atubang







Huadelein's PoV

"Magaling, sunod Ginoong Zeryozo" tawag ni Ginoong Quinis kay Dos lahat ng aming kamag-aral ay nabaling ang paningin sa kanya lalo na ang kasalukuyan nitong katipan na si Lyka na ngiting-ngiting nakatingin kay Dos

Nagtungo na si Dos sa harap at inumpisahan na nitong basahin ang kanyang tula


"Ang tula ko ay pinamagatang 'Para sa aking Bai na lilimutin na' "

Mabilis na nabaling ang aking paningin dito at hindi sinasadyang magtama ang aming mga paningin at agad ko rin ibinaling ang aking paningin sa ibang dako upang iwasan ito







Georgia's PoV

"Ma'am may I go out po?" tanong ko kay Ma'am, eeeeh! Baka mamaya hindi ko maabutan ang recitation ni Ganda eh gusto ko pa naman marinig ang gawa niyang tula


"Sige basta bilisan mo" sagot ni ma'am na parang may regla at ayon ang dalawang bakla nakayukod at nagmamadaling pumuslit sa pinto at mabilis rin akong lumakad palabas ng room


"Grabe na itey nagawa nating lumayas sa subject ni ma'am na hindi man lang tayo napapansin bakla" wika ni Whisky kay Rica nang makalayo na kami ng room


"Syempre bakla kailangan natin samahan si Georgia alam mo naman inlababo ang bakla yiiiiieeh" wika ni Rica na tinutukso ako


"Enebenemen keye mge bekle 'weg nemen keyeng genyen kinikilig akis oh" wika ko at may pahawi-hawi pa ng buhok ko sa gilid ng tainga ko


"Halalala ang landi ni bakla oh" Saad ni Rica


"Serep kurutin sa singit ang landi-landi!" Dagdag pa ni Whisky


"Ay teka lang baka haggard na ko retouch muna" wika ko sabay labas ko ng foundation ko at dagdag ng foundation sa fes ko


"Ano mga bakla okay na ba hitsura ko?" Tanong ko sa dalawa


"Oo okay na yan" wika ni Whisky


"Dagdag ka lang ng konting lipstick" dagdag pa ni Rica


"Ay oo nga pala!" mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang red MAC Matte lipstick ko at dali-daling nagdagdag ng lipstick sa labi ko


"Ayan okay na bakla!" Wika ni Whisky


Tumingin muna ko sa salamin ng foundation ko atsaka ng makita kong okay na at pak na pak na ang beauty ko ay agad kong ibinalik sa bulsa ko ang foundation ko at lipstick ko


"Gora na tayo mga bakla!" Aya ko sa kanila ng bonggang-bongga! At gumora na nga kami, awra!







Huadelein's PoV


"Para sa iniibig na Bai,
Na siyang aking lilimutin na
Pangako nya sa akin binali
At ako ay kinalimutan na

Na ani mo ay walang nangyari,
Parang kahapon lang ang paglisan
Ngayo'y iba na nag-mamay ari
Puso ngayo'y sakit pasan-pasan

Di alam kung paano nginigiti
O maibalik ang dating saya
Na nadama sayo Binibini
Na naging siyang aking ligaya

Tinuruan paano magmahal,
Di inaral kusang naramdaman
Paglimot sayo paano mahal?
Puso'y ikaw pa rin nilalaman

Limutin ka'y turuan mo naman,
Sapagkat puso'y durog na durog
Gagawin ay hindi na malaman
Sapagkat puso'y iyong binusog

Ng 'yong pagmamahal na pangako
Na siyang nadama aking sinta
Sa huli pangako mo'y napako
Ako'y nilisan mong nag-iisa

Nasaan ang sinabing tiwala?
Na sayo ay aking inasahan
Parang ikaw naglaho na bola
Pinaniwala mo at sinaktan

Ano ba ang aking kasalanan?
Kulang ba pagmamahal at lambing?
Pag-ibig na di pinaglaanan
Pansin mo sa'kin walang kahambing

Ngunit ngayo'y aking lilimutin
Pagkat ako'y iniwang sugatan
Iba'y sumalo upang gamutin
Sugat ko ay kanyang nilapatan

Upang sakit ay kanyang pawiin
Kanyang ngalan kahali-halina
At ako sa kanya ay win na win
Ang aking Binibining si Lyka"


Wika nito sa mga huling salita ng kanyang kathang tula na naka ngiti, tila may bumara sa aking dibdib na tila may bumaon na balaraw sa aking puso hindi ko batid ngunit ako'y nasasaktan pagkat batid kong ako ang pinatutungkulan ng tula nito na sa kanya ay nang-iwan at nanakit sa kanya


"Mahusay Ginoong Zeryozo pero may bago ka na pala sayang kayo ni Binibining ehem! Sunod--" tinawag na ni Ginoong Quinis ang susunod na magbabasa


Iniwas ko na lamang ang aking paningin at ikinubli ang aking nasasaktan na damdamin ngayon, nasasaktan ba ako dahil sa mga sinabi ni Dos sa akin sa kanyang tula? O dahil sa nalaman ko na ang bago nitong katipan ay si Lyka? Sa aking sapantaha ay pareho nasasaktan ako dahil sa mga sinabi nito sa akin at nasasaktan ako dahil mayroon ng bagong nagpupuno sa puso nito ngunit masisisi ko ba si Dos? Na batid kong ako ang siyang may sala kung bakit nasaktan ang lalaking pinakatatangi ko


"Boss ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin


"Ayos lamang ako Azerine, bakit?" aking tanong ng hindi ko ito nililingon nakatauon lamang ang aking paningin sa aking papel kung saan nakasulat ang aking kathang tula


"Boss, sabihin mo sa'kin kapag di mo na kaya pwede kitang takpan basta iiyak mo lang 'yan" wika nito


At ng dahil nga sa kanyang sinambit ay nagbadya ang aking luha ngunit agad ay pumikit ako upang pigilan ang nagbabadya nitong kumawala mula sa aking mga mata mabilis rin akong nagmulat at itinuon muli ang aking paningin sa aking papel


"Ayos lamang ako Azerine huwag mo akong alalahanin" aking wika


"Basta boss nandito lang ako ah" wika nito


Lumipas pa ang ilang kapwa mag-aaral namin bago ako tinawag ni Ginoong Quinis


"Sunod Binibining Delzado" tawag ni Ginoong Quinis sa akin at lumakad na ako patungo sa harap



"Ang aking kathang tula ay pinamagatang 'Ang aking mensahe sa aking sandig' " aking wika na sandaling pinakatitigan ang Ginoong aking itinatangi at may nagmamay-ari ng iba







Georgia's PoV

"Ayan na mga bakla si Ganda na susunod" Sabi ko


Pumunta na si Ganda sa harap at sinabi na ang title ng tula niya


"Ang aking kathang tula ay pinamagatang 'Ang mensahe sa aking sandig' " wika ni Ganda


"Ano daw sandig? Ano ibigsabihin no'n?" tanong ni Whisky


"Di ko rin alam bakla ikaw Georgia alam mo?" tanong sakin ni Rica


"Hindi ko rin knows mga bakla" Sabi ko atsaka nakinig na lang sa tula ni Ganda, di ko rin talaga knows ang meaning ng sandig na sinasabi ni Ganda



"Aking sandig, ito'y 'yong pakapakinggan,
Ngalan sa iyo'y hindi nais linisan
Nais lamang na ikaw ay malinawan
Patawad kung ikaw ay aking nilisan

Paglisan sa iyo'y hindi ko ninais,
Batid mong pagtatangi sa iyo'y labis
Na walang sinuman ang makaaalis
Tanging pag-ibig mo ang siya kong nais

Sandig, na di ko makakayang limutin
Paglalambing mong pumupuno sa akin,
Mga kataga mo'y aking mamatamisin,
Ala-ala mo ay aalalahanin,

Kahit kay bilis na ako'y pinalitan
Ayos lamang dahil aking kasalanan
Dahil sa aking maaga na paglisan
Sa'yo, sa akin di ka mapapalitan

Siguro nga'y tiwala mo ay nasira
Sa Bai'ng binigay mo buong tiwala
Baka sa dahilan di ka maniwala
Ako'y may misyong sa'kin nakatalaga

Irog, na kinakailangan kong tupdin
Sa paglisan sayo'y ako'y patawarin
Sapagkat may kailangan na unahin
Ito ay napakahalagang gawain

Pati damdamin kailangan isugal
Ako sana'y iyong unawain mahal
Pag-iwan sa iyo'y ako'y naging hangal
Ngunit ikaw ay aking ipagdarasal

At kung ito sa iyo ay pagkabigo
Paano pa ang sakit ng aking puso
At kung iyong damdamin ay nasaktan ko
Ituring mong siya ko rin pagkabigo

Pag dumating panaho'y di makilala
Sayo'y aking muling ipaaalala
Kung saan binaligtad aking buntala
At ikaw ay aking unang nakilala

Ngayon sa malayo'y lihim iibigin
Saan man dalhin ikaw ang nanaisin
Kung may pagkakataon pa para sa'tin
Siyang panaginip at mamatamisin"


Pinakinggan ko ng maigi ang tula ni Ganda at alam kong hindi ako ang tinutukoy niya sa tula kasi nilisan niya di ba? Eh ako yung nambasted kay Ganda so meaning hindi talaga para sakin yung tula niya may karelasyon si Ganda na iniwan niya pero sino?


"Bakla mukhang may iniwan sa probinsya na boylet si Ganda" wika ni Rica


"Oo nga bakla mukhang di ikaw pinapatungkulan sa tula ni Ganda" sang-ayon ni Whisky kay Rica


Aray naman! Talagang pinamukha pa sa akin ha mga bruhang itey


"Walang mga preno mga bakla? Talagang pinamukha niyo pa sakin dalawa tsaka alam ko naman mga bakla na hindi ako yung nasa tula ni Ganda" wika ko atsaka lumakad na ko palayo sa room nila Ganda ewan ko ba parang na hurt ako sa narinig ko


"hintayin mo naman kami Georgia" habol ni Rica


"Sightseeing ka pa kasi bruha" rinig kong wika ni Whisky kay Rica


"Syempre andun kaya yung grupo nila Dos" rinig ko pang wika ni Rica


"Ang popogi 'no" Saad pa ni Whisky


"Georgia? bakla? Ba't ang tahimik mo?" tanong ni Rica


"Oo nga anyare sayo 'te?" dagdag pa na tanong ni Whisky


Hindi ba obvious sa kanila na nahurt ako sa narinig ko na binasa na tula ni Ganda?


"Nagtatanong kayong dalawa o nang-aasar kayo?" tanong ko sa dalawa kanina pa sila di ba sila makaramdam?


"Ano ka ba bakla na hurt yata ang lola mo sa narinig na tula ni Ganda" wika ni Rica


"Ay oo nga pala sorry bakla nawala sa isip ko, ito kasing si Rica puro papabols nasa isip" wika ni Whisky


"Anong ako? Ikaw nga yon bruhang 'to" ani pa ni Rica


"Sa ating dalawa ikaw mahilig sa papabols 'no" wika ni Whisky


"woi mas mahilig ka 'no" wika pa ni Rica


At nagtalo na sila at ako na etchapwera na naman dahil sa papabols kuno nila


"Tumigil nga kayong dalawa! Ako 'tong nasasaktan oh respeto naman sa baklang nasasaktan dito oh" ani ko sa dalawa dahilan para mapahinto sila


"Ito kasi eh" Rica


"Ikaw nga yon bakla" Whisky


"Hep! Hep! Hep! Tumigil na kayo! Tsaka tara na baka mamaya hinahanap na tayo ni ma'am" Aya ko sa dalawa


Etchapwera talaga ko sa dalawa pag nagtatalo


"Ikaw kasi--" Rica


"Anong ako--" Whisky


parang mas sumasakit yata ulo ko kaysa puso ko ngayon







Huadelein's PoV

Kalalabas ko pa lamang ng silid-aralan nang makita kong naglalakad patungo sa akin si Dos, sa akin nga ba o sadyang ako lang ang nag-iisip ng bagay na iyon



"Woi Dora!" ako ba ang kanyang tinatawag? Tumingin ako sa likuran ko dahil baka naroon ang kanyang tinatawag ngunit pagkaharap ko ay napansin kong napatampal ito sa kanyang noo


"Anong nililingon-lingon mo sa likuran mo ikaw tinutukoy ko" wika nito


"Malay ko ba" aking simpleng tugon at hindi ito binalingan ng tingin


"Gusto ko lang sabihin na ang ganda ng tula mo" wika nito at naramdaman ko ang palad nito sa aking ulo ngunit may narinig akong ibang boses kung kaya't para kong biglang nagising


"Sweety tara na hinihintay na tayo nila Cleo" wika nito at inilagay pa nito ang kanyang kamay sa kanang braso ni Dos


"Boss tara na! Hinihintay na tayo nila Georgia" tawag sa akin ni Azerine dahilan upang maialis ko ang aking paningin kina Dos


"Oo tayo na!" aking wikang naka ngiti at lumakad na ako kasabay ni Azerine at hindi na pinansin pa ang magsing-irog sa aking gilid


"Sakto ba boss pagtawag ko sayo?" tanong ni Azerine na naka ngiti habang kami ay naglalakad


"Oo Azerine" aking tugon


"Buti boss di napagtripan bag mo?" tanong ni Azerine


"Buong klase ay nasa aking likuran ito at tiniyak ko na bago tayo mag-uwian ay maayos ang aking bag walang nadagdag walang nabawas" aking wika


"Goods 'yan boss" wika ni Azerine


"Hinihintay nga ba tayo nina Georgia ngayon?" aking tanong


Sapagkat baka mamaya ay gumawa lamang ito ng paraan upang mai-iwas ako kay Dos


"Oo boss balak kasi magmall nila Georgia bukas at kasama tayo" wika nito


Mall? Himala at hindi bar ang kanilang naisipang puntahan bukas


"Wala naman akong gagawin bukas kaya maaari akong sumama" aking wika


"Boss si Georgia ba wala na bang puwang sayo?" biglang tanong nito sa akin


"Ano ang iyong nakain Azerine at naitanong mo iyan?" aking natatawang tanong


"Wala lang boss" tugon nito


Hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Azerine at nagtungo na kami sa waiting area kung saan naghihintay sa amin sila Georgia


"Andito na sila Ganda tara na at umuwi" wika ni Rica


At lumakad na nga kami kasabay nila


"Infairness Ganda ang ganda ng tula mo kanina" wika ni Whisky


Sandali lamang naroon sila kanina? At napakinggan nila ang aking tula na aking binigkas?


"Sandali napakinggan niyo kanina ang tula ko? Naroon kayo sa oras ni Ginoong Quinis?" aking tanong


"ah oo Ganda may nasaktan pa nga eh a-aray!" daing ni Rica


"Oh anong nangyari sayo?" aking tanong dahil bigla itong napa daing


"May kumagat lang na langgam sa tagiliran ko Ganda at oo nando'n kami kanina pero umalis na rin kami pagtapos mo basahin yung tula mo nag ala ninja lang kami kanina para makatakas kay ma'am" wika ni Rica


"Pero bakit niyo iyon ginawa? Baka napagalitan kayo ng guro niyo" aking wika


Baka mamaya ay napagalitan sila ng kanilang guro para lamang magtungo sa aming silid-aralan kanina


"Ay hindi Ganda 'no nagpaalam naman ako kanina na magc-cr kami okay lang 'yon" wika ni Georgia


"huwag niyo ng uulitin iyon ha" aking paalala sa kanila


"Makakaasa ka Ganda" tugon ni Georgia at hinawakan nito ang aking kamay


"Oh basta bukas ah 10:30am kailangan nasa mall na" wika ni Whisky


"Oo kami pa ba ni boss" wika ni Azerine na akbay-akbay ni Whisky






Sagigilid Milan's PoV

Kapapasok ko pa lang ng balay ng Rajah nang makasalubong ko ang dating Rajah Digma at may hawak itong kali at animo'y may hinahanap ito kasama nito ang kanyang mga mandirigma at ang kanyang Abay


"Nakatatandang Rajah Digma tila kayo ay may hinahanap?" aking tanong dito habang ako'y nakayukod


"Hinahanap ko ang aking apo na si Hera sapagkat ako'y tinakasan nito sa gitna ng aming pagsasanay na gumamit ng kampilan, siya ba'y napansin mo Milan?" tanong ng dating Rajah sa akin


"Paumanhin Rajah ngunit kararating ko pa lamang ngayon sapagkat galing ako sa tanimang gulayan hayaan niyo at sasabihin ko po sa inyo kapag nakita ko ang munting Bai" tugon ko


"Salamat, tumuloy ka na sa iyong gawain" wika ng Rajah at ako'y umanyo ng tumuloy sa aking paglalakad patungo sa silid-lutuan.

Ano at sinasanay ng dating Rajah ang munting Bai sa pag gamit ng kampilan? tila nakikita ko si Bai Huada noong maliit pa ito at ito'y kanyang sinanay rin na humawak ng kampilan







Bai Hera's PoV

Hawak ko ang isang kali at tinataguan ko ang aking Baba Digma sapagkat nais ko lamang makipaglaro sa aking ingkong nang may marinig ako


"ssst! ssst!"


Sino iyon? At kung makasitsit ay animo'y pusa ang sinisitsitan nito. Luminga-linga ako ngunit wala naman akong makita


"Woi bata" lumingon ako sa aking likuran dahil galing doon ang boses nito at nakita ko ang isang lalaki na may kataasan sa akin, napatitig ako rito sapagkat ano at mayroong batang Ginoo na nakapasok sa aming balay?


"Oh ano tititigan mo na lang ako? anong pangalan mo? Naliligaw ka ba? Kasi ako rin naliligaw hindi ko rin mahanap si kuya" wika nito na animo'y ayos na ayos lang sa kanya makipag usap sa ibang tao


"Woi bata magsalita ka naman pipi ka ba? Tara sama ka sakin hanapin natin si kuya kasi naliligaw na talaga ako" wika nito


Ano at tinatawag niya akong bata? Napansin kong palapit ito sa akin kung kaya't bahagya akong lumayo at itinaas ko ang aking kali


"Woah! Wala akong gagawin sayo bata" wika nito


"Lumayo ka sakin a-at ako'y may ngalan at hindi bata" at ako'y kumaripas na ng takbo palayo


"Woi bata! Baka maligaw ka" dinig kong hiyaw nito sa akin ngunit nagpatuloy lamang ako sa aking pagtakbo








Huadelein's PoV

Ano at kasama namin ang pangkat ni Dos? Pati ang kanilang mga babae hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa aking pagkakabatid ay kami-kami lamang nila Georgia ang magkakasamang pupunta ng mall


"Boss ba't salubong 'yang kilay mo?" tanong sa akin ni Tres


"Ano sa iyong palagay Tres?" aking tanong


"Siraulo ka talaga nagtanong ka pa talaga kita mong alam mo naman kung bakit di ba?" wikang pabulong ni Jace kay Tres habang nakatingin ito sa pangkat nila Dos


"Ay oo nga, sorry boss" wika nito at nagpeace sign sa akin


"Ang tagal naman ng dalawang bruha" wika ni Georgia na ang tinutukoy ay sina Rica at Whisky


"Nasaan na daw sila?" tanong ni Tres


"Malapit na daw sila eh, dalawang 'yon talaga oh ang tatagal magpaganda akala mo may mga vilat" wika ni Georgia


vilat? natawa na lamang ako sa aking iniisip si Georgia talaga kung minsan walang preno magsalita


"Mauna na kami ah" wika ni Argo


"Oo sige mauna na kayo sa loob hihintayin pa namin yung dalawang bakla eh" tugon ni Georgia


At lumakad na nga sila papasok sa loob ng mall


"Oh! Azerine ba't di ka pa sumunod kay Papa mo?" tanong ni Jace


"Ano?" Balik na tanong ni Azerine


"I mean sa papa Argo mo ba't di ka pa sumunod do'n?" tanong muli ni Jace


Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa si Tres at si Georgia ay narinig kong natawa


"gag*!" bulyaw ni Azerine kay Jace


"Hahahaha oo nga naman Azerine ba't di ka sumunod?" dagdag pa na tanong ni Tres


"Isa ka pang kumag ka!" wika ni Azerine


"Ba't anong meron sa inyo pogi ni Argo? Infairness pogi din si Argo at bagay kayo" wika ni Georgia kay Azerine


"w-wala huwag ka magp-paniwala sa dalawang kumag na 'to" wika ni Azerine


"Denial" wika ni Jace


"siraulo!" bulyaw ni Azerine kay Jace


Samantala habang abala sila sa panunukso kay Azerine ay nakita ko na sina Whisky at Rica na lumalakad palapit sa amin


"Sorry mga besh! Na traffic kami" wika ni Rica habang nagpupunas ng pawis gamit ang panyo nito


"Natraffic daw, natraffic kayo sa mga papabols eh" wika ni Georgia


"Tara na sa loob" wika ni Whisky


Lalakad na sana kami ng may marinig kaming mga boses


"Boss!"


"Boss hintay!" wika ng dalawang boses at paglingon ko ay nakita ko ang aking dalawang sandig


"Ano ang inyong ginagawa rito?" aking tanong sa dalawa


"inaya kami nila Georgia tsaka ni Azerine" tugon ni Hope


"ako nag-aya sa kanila mas masaya kasi pag marami tayo eh" wika ni Georgia


"Tara na sa loob" Aya ni Winston na mukhang init na init na at sabik na sa lamig ng aircon


Tumuloy na nga kami sa loob ng mall at nagpunta ng sinehan, pagkapasok namin ng sinehan ay wala naman masyadong tao siguro dahil hindi naman ganoon kaganda palabas rito ngunit may kadiliman ay nakita ko ang pangkat nina Dos sa may bandang gitna at kami nga ay naupo sa kanilang likurang bakanteng mga upuan na kung saan kung hindi ka nga naman tinamaan ng malas ay katapat ko pa ang magsing-irog na si Dos at Lyka at dinig na dinig ko ang hindi kaaya-aya nilang paglalambingan


"Sweety parang ikaw yung bidang babae magkasing ganda kayo" wika ni Dos dito


"Talaga sweety pakiss nga--" wika ni Lyka


Nakapandidiri ngunit tila may kakaiba kong napapansin sa paligid


"Boss ayos ka lang?" tanong ni Azerine na ngayon ay may nguya-nguya na pop corn


"Ayos lang ngunit hindi ko gusto ang palabas nakasusuya" aking tugon


At naramdaman ko na lamang na hinawakan ni Georgia ang aking kamay at bahagya ako nitong nginitian


"Di ko type yung palabas" wika ni Georgia


"maging ako man nakasusuya hindi ba?" aking tanong na nakangiti


"Oo Ganda nakakaumay"


"Tara labas tayo?" aking naka ngiting aya rito


"Tara bilis!" wika nito at tumayo kaming dalawa mula sa aming kina-uupuan


"Teka boss saan kayo pupunta?" tanong ni Azerine


"Lalabas" aking simpleng tugon


"Sama ko!" Wika nito na humabol sa amin






Zero's PoV

Nasaan na ba yung batang 'yon? Sabing doon lang siya sa silid tanggapan eh, umalis pa rin


"Hinahanap mo ang iyong kuya?" dinig kong tanong ni Milan sa kung saan man


"Opo, di ko na rin po alam kung paano bumalik doon sa pinag iwanan niya po sakin kanina eh" wika ng kilala kong boses at agad ay pinuntahan ko sila


"Uno, nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" Saad ko sa kanya


"Eh kuya hinanap kasi kita di ko alam na maliligaw ako rito ang laki nitong bahay eh" ani ni Uno


"Ikaw pala ang kapatid ng munting Ginoo na ito Ginoong Zero" wika ni Milan sa akin atsaka nabaling ang paningin ko rito


"Oo Milan daghang salamat at paumanhin kung ikaw ay nagambala ng aking kapatid" wika ko


"Wala iyon Ginoong Zero magkapatid nga kayong dalawa magkamukhang magkamukha kayo" wika ni Milan sa amin


"Sige Milan mauuna na kami ng aking kapatid " wika ko


"Sandali lamang ano ang iyong ngalan munting Ginoo?" tanong ni Milan kay Uno


"Uno po tsaka huwag niyo na po akong tawagin na Ginoo hindi ko naman po kasinlaki si kuya" tugon ni Uno


"Nakatutuwa ka naman Ginoong Uno sige na humayo na kayo mag-iingat kayo mga Ginoo" wika ni Milan na naka ngiti sa amin


"Oo Milan mauuna na kami, daghang salamat" paalam ko at lumakad na kami


"Kuya may ikkwento ko sayo may babae akong nakita--"



-------

Itutuloy...






Karagdagang kaalaman:

Sandig- isa sa may mataas na katungkulan na mandirigma sa puod ng Rajah o Datu. Maaasahan at malalapitan ng Rajah o Datu

Suya- umay, pagkasawa

























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top