Kabanata XIX: Bai Helena
Kabanata XIX: Bai Helena
--
Jace's PoV
"Anong sa palagay mo bagay sayo si Huadelein?" Tanong ni Tres kay Dos.
"Sa palagay mo? Eh, mas bagay naman talaga kami kumpara sayo Tres," sagot naman ni Dos.
"Mas may hitsura ko sayo," sagot ni Tres.
"Mas gwapo ko at mas may dating! Kumpara sa medyo patpatin mong katawan," sagot naman ni Dos.
Kanina pa nagbabangayan ang dalawang 'yan sa harap ko.
"Anong sinabi mo? Eh ikaw mananatili kang babaero," sagot pa ni Tres.
"Anong sabi mo? Bawiin mo 'yang sinabi mo!" Ani pa ni Dos.
"Babaero!" Tres.
"Paano ka pa?" Dos.
"Ikaw!" Tres.
"Ano ha!?" Dos.
"Tagal..."
"Anong sinasabi mong matagal huh Jace?" Tanong ni Tres.
"Oo, nga!" Dagdag naman ni Dos.
"Tagal niyo magsuntukan! Tang*na niyo!" Bulyaw ko sa dalawa.
"Ayoko makipagsuntukan 'no! Kagagaling nga lang ng mga pasa ko," ani ni Tres.
"Ayokong makipagsuntukan sa walang laban sa'kin," wika ni Dos.
"Anong sinabi mo Dos?"
"Di ko na uulitin ang sinabi ko,"
"Ulitin mo sabi--"
Hay! Di na lang magsuntukan eh! Nag-aasaran pa, bigla naman may dumaan na babae at--
"Chiks!" Wika ni Tres at sulsap sa dumaan na babae.
Kumpirmado! Babaero!
"Babaero, tss! Di hamak na mas maganda diyan si Huadelein," wika ni Dos.
"Hi! Dos..." Kaway ng babae kay Dos at nilapitan siya nito sabay lingkis sa kanya.
Ang ganda naman nito.
"So, sinong babaero ngayon?" Tanong ni Tres.
"Pasensya na Miss, pero sino ka?" Tanong ni Dos sa babae. Hala! Di niya kilala? Samantalang kung makalingkis ang babae sa kanya akala mo, eh! Magkakilala sila.
"Hindi mo na ko naaalala? Hello it's me! Ireah..." Sagot ng babae.
Pero sa hitsura ni Dos parang nagtataka pa rin siya, putcha! Paka swerte naman ng Dos na 'to at nakakapit sa braso niya ang isang magandang babae.
"Pasensya ka na Miss, ayokong magmukhang walang galang sa babae pero hindi talaga kita maalala." Aniya sa babae, sabay tanggal niya sa kamay nito sa braso niya.
"Dos naman..." Ani ng babae pero lumakad na palayo si Dos.
At naiwan ang babae sa harap namin.
"Miss, jowa mo ba 'yon dati?" Tanong ni Tres.
"H-hindi," sabay walk out nito.
Hindi naman pala niya jowa dati, iba rin ang babaeng 'yon, kung makalingkis eh--
"Ganda 'no?" Tanong ko kay Tres pagka-alis no'ng babae.
"Oo, kaso ang hinahabol si Dos eh!"
"Hahahahaha marami naman iba diyan Tres,"
"Alam ko! Nakapila lang sila,"
Isa pa 'tong medyo mahangin.
"Pfft! Tara na nga! Baka mamaya hinihintay na tayo nila boss sa Cafeteria,"
Huadelein's PoV
"Akin 'to!" Wika ni Jace.
"Anong sayo? Akin 'yan!" Ani ng tomboy.
"Akin nga 'tong turon!" Ani pa ni Jace.
"Sabing akin eh!" ani ni Azerine.
Kumakain ako ng tinapay at kumakain rin si Tres, pinagmamasdan namin ang dalawa sa kanilang ginagawa.
"Pwede bang hatiin niyo na lang 'yan kaysa pag-agawan niyo," wika ni Tres.
"Ayoko ng may kahati!" Wika ni Azerine.
"Mas lalo naman ako!" Wika pa ni Jace.
Biglang kinuha ni Tres ang turon sa kamay nilang dalawa, at hinati ito agad at sabay abot sa dalawa.
"Bakit mo hinati?" Tanong ni Jace, habang tinitingnan ang hawak niyang turon.
"Oo, nga! Akin lang dapat 'to eh!" Wika ni Azerine.
Ang kulit talaga ng dalawang 'to.
"Ano bang problema niyong dalawa? Hinati ko na nga para di niyo na pag-agawan!" Saad ni Tres.
"Eh, ayoko nga ng may kahati! Gusto ko nga kasi buo!" Ani ng tomboy.
"Gusto ko rin buo! Dapat kasi nagbato-bato pik na lang tayo eh!"
"Eh, ikaw eh! Nakikipag-agawan ka pa--"
"Hindi kayo titigil?" Tanong ko sa dalawa habang nakatingin sa kanila.
"O-okay na boss, hehe," ani ni Azerine.
"B-biruan lang namin 'yon, boss," saad ni Jace.
"Pfft!" Narinig ko pang nagpipigil ng tawa si Tres.
Napansin kong nakatingin si Georgia sa aming dako, ngunit iniwas ko ang aking paningin. Akin pang napansin na tumayo si Whisky at lumapit ito sa amin.
"Ganda..."
Nahagip pa ng paningin ko si Azerine na natigilan sa pagkagat niya ng hawak niyang turon, at 'yong dalawang lalaki ay kapwa nakatingin kay Whisky.
"Whisky..." Aking sambit nang makalapit ito sa amin.
"Kumusta ka na Ganda? Hindi mo pa rin ba siya kakausapin?" Tanong nito.
Paano ko kakausapin muli ang isang tao na pinagtapatan ko ng pag-ibig? Gayong wala na akong mukha na maihaharap pa rito.
"Ayos lamang ako Whisky, at sa tinatanong mo ay hindi pa ako sigurado ngayon kung kaya ko na siyang harapin," aking tugon.
"Pero Ganda-- hanggang kailan mo siya iiwasan?" Tanong niya sa akin, habang nakahawak sa aking braso.
"Susubukan ko Whisky--" tugon ko.
At umalis na ito sa aking harapan...
Hindi pa ako handang harapin siya, ngunit ay aking gagawin kung ito ang kinakailangan.
Sagigilid Milan's PoV
Nasa balay kami ng aking malapit na kaibigan dahil may kasiyahan, nakipag-isang dibdib na ang aking kaibigan sa isang Timawa na mandirigma ng Rajah, at ngayon ay kasama ko si Sima.
"Milan, kumain kayo nang kumain ha at kung nais niyo uminom ng pangasi-- ay magsabi lamang kayo ni Sima." Ani ng aking kaibigan.
"Oo. Sinag, nagagalak ako para sa'yo sapagkat ikaw ay kasal na at nakatagpo ng isang Ginoo na magmamahal sayo," aking wika.
"Ganoon rin ako para sayo Sinag, sana nga ay makatagpo rin ako ng isang Ginoo na pakakasalan din ako," dagdag ni Sima.
"Maraming salamat sa inyo, alam niyo hindi malabo na makatagpo kayo ng isang Ginoo na magmamahal sa inyo, maghintay lamang kayo at darating din ang para sa inyo, oh siya! Mauuna muna ako ha, at aasikasuhin ko ang ibang panauhin." Paalam nito sa amin.
"Sige, Sinag"
"Milan, kumusta na nga pala ang Bai mo?" Biglang tanong ni Sima.
"Mabuti ang lagay ng aking Bai, nakatakas ito sa kasiyahan kung kaya't payapa na ang aking kalooban," tugon ko kay Sima.
"Ngunit hindi tayo nakatitiyak riyan. Milan, sapagkat hindi ba kaanak ni Lilibeth Hillari ang nakatakdang ipakasal sa iyong Bai?" Sa iwinika ni Sima, ay tila may bumara muli sa aking dibdib.
May punto si Sima, ngunit nais kong mapalagay ang aking loob na ligtas ngayon ang aking Bai.
"May punto ka, Sima--" aking tugon.
"Kaya kahit na anong oras o araw ay maaari muli mahila ang iyong Bai upang sapilitan itong ipakasal sa pamangkin nito," tuluy-tuloy na wika ni Sima.
Ngayon ay hindi na mapalagay ang aking dibdib.
"--Hanggat nasa puod ng Rajah ang Dayang-- ay hindi magiging ligtas ang Bai mo," wika niya.
Tama si Sima, hindi magiging ligtas ang aking Bai sa balay ng Rajah hanggat naroon ang Dayang.
"Tama ka. Sima, hali ka na at bumalik na tayo sa balay ng Rajah nang sa gayon ay makapagmatiyag tayo," mungkahi ko.
"Sige. Milan, magpaalam muna tayo kay Sinag--"
--
Kapapasok pa lamang namin ng Bulwagan ni Sima nang marinig na nag-uusap ang Rajah at ang Dayang, siya pala ay naririto na. Si Bai Helena ay narito rin kasama ang kanyang katipan.
"--Hindi ba binanggit ko na sa iyo Hillari, na wala akong kinalaman sa pagtakas ng aking anak?" Wika ng Rajah.
"How can I believe what you say, if you who are her father are the one who possibly helped your daughter escape," sa tono ng boses ni Lilibeth, ay tila ba na pinagdududahan nito ang Rajah.
"Pinagdududahan mo ba ko Hillari? Ikaw ay aking makaka-isang dibdib at hindi ko magagawa ang iyong iwinika, uulitin ko lamang sa iyo-- hindi ko hawak ang isip ng aking anak." Tugon ng Rajah.
"I will believe what you are saying now Rajah, but when I found out that you were one of those who acted to escape your daughter-- you know what will happen," mahina ang pagkakasabi niya sa Rajah, ngunit malinaw ko itong nadinig.
"Makakaasa ka Hillari," ani ng Rajah.
At lumabas ang Dayang ng Bulwagan, at lumapit naman ang katipan ni Bai Helena sa Rajah.
"Rajah, Can I talk to your daughter privately?" Tanong nito sa Rajah.
Bahagyang itinaas ng Rajah ang kanyang kamay upang sabihin rito na maaari.
"Come with me, Helena"
At sumama naman dito ang Bai Helena, umalis na kami ng Bulwagan ni Sima at nagtungo sa silid-lutuan.
Bai Helena's PoV
Ano naman kaya ang nakain ng boyfriend ko at gusto akong kausapin ng sarilinan? Hmm... Nambabae na naman siguro 'to, o di kaya naman ay may ginawa siyang kalokohan, o baka naman magp-propose na, sandali lamang! Hindi naman ako naging handa para rito! Oh my G!
Napunta kami sa isang balkonahe na maraming bulaklak at halaman, dito pa talaga sa paboritong spot ni Huadelein.
"Anong sasabihin mo Prince?" Bungad kong tanong.
"I have something to tell you Helena--"
Di pa talaga ko diretsohin ng lalaking 'to.
"Ano nga 'yon Prince?"
"Helena... I-I'm not sure for us--"
Okay, wala na bang iba siyang sasabihin sa'kin? Narinig ko na 'yan maraming beses na.
Pero bakit ganoon? Ang sakit pa rin kahit na, sanay na 'ko sa sinasabi niya na hindi siya sigurado sa'kin, sa aming dalawa. Iniisip ko nga kung pangit nga ba 'ko para hindi niya seryosohin, ngunit chine-check ko naman sarili ko sa salamin, maganda naman ako at sabi rin 'yon ni Huadelein 'yon nga lang, tanga ko!
"Na naman Prince? Hindi ka na naman sigurado sa'kin? Sa atin?" Tanong ko.
"I'm sorry-- I did everything Helena to reciprocate your love, I'm sorry-- but I'm only up to here..." wika nito.
Tiningnan ko lamang siya sa kanyang mga mata ngunit wala na akong nakikita pang kislap sa mga ito. Ang ibig ba ipa-kahulugan nito, ay wala na talaga? Gusto ko siyang murahin!
"Kapag sinaktan at iniwan ka ng lalaki, huwag mo siyang habulin, taas noo kang tumalikod sa kanya"
Pumapasok na naman sa isip ko ang kapatid kong bruhang Huada! Pati mga salita at kilos niya ay tumatakbo sa isipan ko.
"Talaga bang ginawa mo lahat? Kasi hindi ko naramdaman na may ginawa ka para sa'ting dalawa, ayaw mo na naman-- okay, sige! Ibibigay ko ang nais mo," Pigil-pigil ko ang mga luhang nagbabadya.
"Please! Helena, sorry, I'm sorry --forgive me--" aniya.
Kapal ng mukha! Patawarin siya? Para saan? Sa pag-iwan niya sa akin ngayon?
"Iniwan mo 'ko ulit! Tapos gusto mo patawarin kita? Ito na 'yong huling pagkakataon na magkakausap tayo, dahil hindi na kita papayagan pa na saktan ako ng ganito muli!"
"Helena--" Tatangkain niya sanang hawakan ang braso ko ngunit hinawi ko ang kanyang kamay.
Taas noo akong tumalikod sa kanya at lumakad palayo.
Isa akong Bai, anak ng isang kilalang Rajah, kaya walang sinuman ang may maruming kamay ang maaring dumampi sa aking balat.
Nang makalayo na ako ay tsaka na tumulo ang aking mga luha, bakit nga ba 'ko nag-aksaya ng dalawang taon sa taong iyon? Hindi nararapat ang isang tulad kong Bai sa tulad niyang mababa pa ang uri sa uripon. Hinawi ko ang aking luha, hindi siya nararapat tangisan.
Huadelein's PoV
Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magsalita, kapwa kami nakaupo sa iisang upuan ngunit malayo ang aming distansya. Naramdaman kong umurong siya palapit sa akin hindi naman sobrang lapit, at umurong rin ako palapit sa kanya, hindi rin ganoon kalapit.
"Ganda"
"Georgia"
Halos sabay naming wika.
"Mauna ka na magsalita" Saad ko.
"Kumusta ka na Ganda?" Tanong nito sa akin.
Nais kong tumugon na ayos lamang ako ngunit magsisinungaling ako kung sasabihin ko iyon.
"Ayos lamang ako."
"Ganda-- sorry..." Wika nito, dahilan upang mabaling ang aking paningin sa kanya.
"Hindi ka dapat mag sorry Georgia, kung iniisip mong nasasaktan ako ay alisin mo ito sa iyong isipan,"
"Hindi Ganda, hindi 'yan maaalis sa'kin dahil kaibigan kita Ganda, at hindi ko gustong masaktan ka dahil sa'kin," wika niyang tumutulo ang mga luha.
Hinawi ko ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi at nakangiti akong tumugon.
"Ikaw ang sinisinta ng aking puso Georgia, at hindi ko nais makita kang lumuluha sapagkat itinuturing pa rin kitang kaibigan, at ayaw kitang makitang lumuluha na ako ang siyang dahilan, kaya tahan na."
"Aaaw! Ganda naman, bakit ba ang lalim mo magsalita at ang tamis tamis pa, simula no'ng nagtapat ka sa'kin ganyan ka na magsalita," aniya.
"Pagkat ang taong umiibig ay likas na matamis kung magsalita," aking tugon sa kanya, hinawakan ko ang kanyang kamay at ginawaran ito ng isang maliit na halik.
"Bakit ba ganyan ka Ganda? Kahit na binasted kita nagagawa mo pa rin hawakan ang kamay ko at halikan,"
"Sapagkat nangulila ako sa'yo, Georgia, at nais kong magbalik tayo sa pagkakaibigan muli gaya ng dati,"
Niyakap niya ko at narinig ko ang kanyang paghikbi.
"G-Ganda akala ko talaga hindi mo na ko papansinin pa, akala ko tuluyan mo na kong iiwasan-- miss na miss kita Ganda," wika niya at nakayakap pa rin sa akin.
"Ang totoo niyan, kanina ay hindi pa talaga ako handang kausapin ka ngunit naisip ko, nais kong isalba ang pagkakaibigan natin, at ang pagtingin ko sayo ay hindi dapat maging hadlang sa ating pagkakaibigan."
"Salamat Ganda huh, basta friends na tayo ulit, huh! Baka mamaya o bukas di mo na naman ako pansinin," wika nito na kumawala sa pagkakayakap sa akin.
"Hindi mangyayari 'yan Georgia, malabong iwasan kita," tugon ko.
"Salamat Ganda! Mag bar na tayo ulit!" Sabi nito.
At sumulpot na ang dalawa.
"Uuui! Bati na sila," panunukso ni Whisky.
"Ano pang hinihintay niyo? Mag bar na tayo ulit!" Ani pa ni Rica.
"Mamaya pa, ui! Wala pang uwian mga bakla!" Wika ni Georgia sa kanila.
Niyakap nila kami.
"Namiss ka namin Ganda," ani ni Whisky.
"Namimiss na namin na kasama kang umawra Ganda," dagdag pa ni Rica.
Nagagalak ako at maayos na kami, nangulila ako sa kanila, sa aking mga kaibigan.
Argo's PoV
Filipino subject na at isa-isa nang pumasok ng room ang mga kaklase namin, nang mapansin ko ang isang bagong mukha ng babae na para bang may hinahanap, nakita kong papalapit ito sa direksyon namin.
"Hello! Pwede bang tumabi?" Tanong nito sa amin.
"Sige! Dito ka sa tabi ko baby," sabi ni Zailen singkit, chikboy talaga!
"Pwede ba sa tabi na lang niya?" Tanong nito at tukoy kay Dos.
Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Dos, pfft! Ayaw magpatabi niyan ng babae pwera na lang kung si Huadelein ang tatabi sa kanya.
"Kay Argo ka na lang tumabi, o di kaya kay Cleo at Ethan" sagot ni Dos, at sabay iwas ng tingin.
Tahimik ang babae na inilapag ang bag niya sa bakanteng katabi kong upuan, at naupo ito. Maganda naman siya.
Nakita ko pang napasulyap 'yong dalawang unggoy sa dulo sina Cleo at Ethan sa babae.
"Miss, anong pangalan mo?" Tanong ni Zailen.
"Ireah." Simpleng sagot nito.
"Argo, pwede bang umalis ka muna sa upuan mo at kakausapin ko si Ireah," Sabi nito sakin.
Gag*ng to! Parang di ko naman alam na lalandiin niya si Ireah.
"Off limits! Ang mga pakboy!" Simpleng sagot ko.
"Di ako ganoon! Taena mo, baka mamaya maniwala si Ireah sa pinagsasabi mo, Argo," ani ni Zailen.
Narinig ko naman tumawa si Ireah.
"--haha ang cute niyong dalawa," sabi ni Ireah.
"Ako na nagsasabi sayo Ireah, huwag kang lalapit diyan kay Zailen, lima-lima dini-date niyan," paalala ko kay Ireah.
"Taena mo, Argo! Ireah, 'wag ka maniwala rito-- siya talaga may type sayo, certified chikboy 'yan si Argo," Sabi ni Zailen.
Parang naman nambababae pa ko ngayon hayup!
"--hahaha kulit niyong dalawa lalo ka na Argo," ani ni Ireah.
Umupo na 'ko ng maayos atsaka kinausap si Ireah ng pabulong.
"Type mo si Dos 'no?" Tanong ko.
"Sino bang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Ang gwapo niya kaya," Sagot nito, at pasimpleng sinusulyapan si Dos.
"Taken na kasi puso niyan, Ireah," sagot ko.
"Ang alam ko single siya," sagot ni Ireah.
"Single siya, pero taken ang puso niya at mahirap labanan 'yon Ireah, ahahaha" Saad ko rito.
"Taken lang ang puso niya, pero single pa rin siya at pwede pa rin manakaw ang puso niya," Saad ni Ireah.
Iba rin si Ireah ah, mukhang palaban ah!
"Ireah, matanong ko lang naka ilang boyfriend ka na ba?" Tanong ko.
" 15 " sagot niya.
Tang*na dinaig pa ko ah, ako nga 7 lang naging girlfriend ko at hanggang ngayon hindi pa nasusundan.
"Bakit ka naman nagjowa ng 15 ano 'yan kada 3months nagpapalit ka ng boyfriend?" Tanong ko.
"Depende, kung tumatagal sa'kin 'yong lalaki-- pinaka matagal na 'yong 3months, 2months," sagot niya.
Para bang hindi siya nahihiyang sumagot.
"Eh, ikaw Argo? Naka ilang girlfriend ka na?" Tanong nito sa'kin.
Putcha! Haha baka magulat 'to 7 lang naging girlfriends ko eh.
" 7 tapos hanggang ngayon hindi pa rin nasusundan," sagot ko.
"Ah! Mahina ka!" Sabi nito.
Napataas ang kilay ko dahil sa sagot niya, kung may certified babaero, si Ireah mukhang matatawag kong certified Lalakero.
Napansin kong sumulyap sa'kin si Emo.
Azerine's PoV
At sino naman ang katabi nilang babae na mukhang bagong salta lang dito sa subject ni sir Quinis? At katabi pa ng baklang si Argo.
"May bago kayong kaklase si Ireah Hale, pakisamahan niyo siya ng maigi," Sabi ni Sir Quinis pagkapasok ng room. Ano siya santa para pakisamahan ng maigi? Anak ng congressman o di kaya anak ng presidente? Psh! Patawa talaga 'tong si kalbo eh!
Hindi man lang sinulyapan ni Huadelein ang babaeng bago lang daw namin na kaklase.
"Boss, di mo man lang tiningnan ang bago nating kaklase na katabi nila Argo," Sabi ko kay boss.
"Mag-aaksaya lang ako ng dalawang segundo kung tatapunan ko pa siya ng tingin," sagot nito sa'kin, na hindi man lang ibinaling sa akin ang tingin.
Si Huadelein talaga.
"Maganda kaya siya boss--" sabi ko pa.
"Maganda ka rin naman Azerine," tugon niya.
Ano bang sinasabi ni boss?
"Boss, hindi naman tungkol sa'kin ang sinasabi ko--" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang magsalita si boss.
"Hindi mo ba nakukuha Azerine? Siya ay tao rin at walang pinagkaiba sa ordinaryong tao," wika niya.
"Maganda nga kasi siya boss--" Sabi ko ulit.
"At maganda ka rin naman," sagot na naman niya.
"Ang kulit mo boss,"
Ang gulo at ang kulit kausap ni boss, 'yong babae nga tinutukoy kong maganda, hindi ako.
Huadelein's PoV
Nasa kalagitnaan na ng gabi nang tumunog ang telepono ko. At sino naman itong tumatawag sa kalagitnaan ng gabi? Unknown number, sinagot ko ito.
"Hello! H-Huadeleeeein!" Ani nang nasa kabilang linya.
Sa tono niya ay tila ba itong umiiyak, at kilala ko ang boses niya.
"Helena, ano ang iyong suliranin at inabala mo ang aking pagsulyap sa mga bituin?" Tanong ko sa kanya.
"Huadelein... W-wala na kami ni Prince huwaaa," at umiyak ito.
Ang sakit sa tainga.
"Huminahon ka nga Helena, maraming beses na kayong naghiwalay, ano pa ba ang bago?" Aking tanong rito habang nakatingin ako sa bintana ko na kitang-kita ang mga tala.
"Huadelein hiwalay na talaga kami ngayon, final na 'to! At ayoko na..." Ani nito.
"Siguro naman ngayon ay natauhan ka na," aking wika.
"Pero ang sakit! Sakit! Pa rin!" Saad nito.
"Hindi naman humuhupa kaagad ang sakit Helena, araw ang bibilangin bago ito humupa ngunit pakatatandaan mo na hindi lang siya ang lalaki sa buntalang ito,"
"Hindi na talaga ko pauuto pa sa lalaking 'yon," aniya.
"Mabuti iyan, at madali ko na tatapusin si Prince," aking wika.
"Talaga bang gagawin mo 'yon? Torturin mo kung kinakailangan ah," wika nito, halata pa rin na umiiyak pa rin ito at mukhang nakainom pa ng pangasi.
"Tama na ang inom ng pangasi, Helena, hindi iyan nakatutulong sa sakit ng puso," aking wika.
"At paano mo nalaman na umiinom ako ng pangasi?" Tanong ng nasa kabilang linya.
"Dahil amoy kita mula rito sa balay ko, Helena," tugon ko.
"Kainis ka talaga," ani nito.
"Itulog mo na iyan Helena... Bukas pag gising mo maligo ka at humarap sa salamin at sabihin mong malaya ka na muli, Helena," aking wika at pinatay ko na ang tawag.
Salamat mga Diwata at nagising na ang aking kapatid sa masamang panaginip.
Bai Helena's PoV
Umaga na at kailangan ko ng maligo marami akong dapat gampanan ngayon bilang isang Bai, nagtungo na ako ng palikuran at naligo, paglabas ko nang palikuran ay naghihintay ang aking sagigilid na may hawak na pantabon sa aking basang katawan, inilagay niya ito sa aking mga balikat.
Pinunasan ko ang aking katawan at nagbihis katulong ang aking sagigilid.
"Laya, nais kong mapag-isa,"
"Masusunod Bai" at lumabas siya ng aking silid.
Humarap ako sa salamin, at pinagmasdan ang aking sarili.
"Hindi ba't maganda ka? Ngunit paulit-ulit ka lamang sinaktan ng Prince na iyon, hindi siya nababagay sa tulad mong Bai na anak ng isang maisog na Rajah Bagani kung kaya't--" Hindi ko mapigilan ang maiyak.
"--Malaya ka na muli Helena..." Tumayo ako ng tuwid at hinawi ang aking mga luha."Ang isang Bai ay hindi dapat basta lang tumatangis."
-------
Itutuloy...
Karagdagang kaalaman:
Pangasi- alak na mula sa bigas.
-Papelet📝🍑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top