Kabanata XIV: Ang pagkabigo ng Bai


















Kabanata XIV: Ang pagkabigo ng Bai







---






Someone's PoV




Alas-nuwebe nang gabi at naglalakad na ako pauwi, nang madaanan ko ang playground. Madalas akong dumadaan dito para lang magpahangin, dahil wala naman akong daratnan sa dorm. Nang lumalakad na 'ko papunta kung nasaan ang mga swing ay may napansin akong babae na naka p.e uniform, na katulad ng suot ko ngayon. Sa tingin ko para itong tulog, nakaupo sa swing at nakasandal ang ulo sa kadena nito. Nilapitan ko pa siya at napansin kong may bote ng alak sa paanan niya.




Mukhang nakainom ang isang 'to amoy na amoy ko 'yong alak. Pagkalapit ko sa kanya ay sinubukan kong gisingin ito.





"Miss! Ui! Miss gising!"




Iniangat ko bahagya ang chin niya, at napalunok ako.





Tang*n*! Ang ganda naman ng babaeng 'to, 'yon nga lang amoy alak! Sinubukan ko uli siyang gisingin.





"Miss! Gising! Miss! Hindi ito ang tamang lugar para matulog ka"




Pero mukhang tulog na tulog talaga ang babaeng 'to, nagulat ako nang magsalita siya.




"Hindi pa ito ang oras upang gumising, Azerine" sabi niya, akala ko gising na siya pero nakita kong nakapikit pa rin ang mga mata nito.





Nagsasalita ng tulog?





"Naku naman! Miss, magpapakalasing ka na nga lang dito pa talaga sa playground" 





Mukha naman hindi sasagot ang babaeng 'to. Anong gagawin ko ngayon? Hindi ko naman pwedeng iwanan 'to ng ganito lang, baka mamaya mapaano pa 'to kargo de konsensya ko pa!




Isama ko na nga lang 'to sa dorm, tutal gabi naman na at hindi makikita ng land lady dahil tulog na 'yon pag gantong oras.






Inalalayan ko siya para makatayo...















Zero's PoV





"At paano ang ama ni Nemesis!?" tanong ni Red.




Nagtatalo na sila patungkol sa misyon, atras-abante kasi si Red hindi maintindihan kung tutulong ba o hindi.





"Kami na ng bahala" sagot ko sa kanya.





"Nahihibang ka ba, Zero? Ako ang leader ng Red organization, kaya wala kang karapatan na pangunahan ako sa desisyon," singhal sa'kin ni Red.





"Hindi natin pwedeng pabayaan ang Binukot ni Rajah Bagani," sagot ko.





"Kung iniisip mo pa rin ang utang na loob sa Rajah, matagal na 'yon Zero,"  anito.




Di talaga makaunawa 'tong Red na 'to.





"Anong gusto mo? Talikuran ang Delzado's? Utang ko ang buhay ko sa kanila, at habang buhay kong tatanawin na utang na loob 'yon, hindi ko sila pwedeng pabayaan na lang gaya nang iniisip mo," sagot ko.





Wala akong pakialam kung siya pa ang lider, bakit? Co-leader niya ako dapat niya akong pakinggan, sabi nga ni Rajah Bagani ang tunay na pinuno ay marunong makinig sa naaahopan niya.





"Tama na 'yan, kailangan natin magkaisa rito" putol ni Ma'am Percy.





"We will help, we are your allies in this battle," wika ni Vano Collin.




"Salamat, Vano. Alam kong maaasahan kita sa laban na ito," ani Ma'am Percy.





"Hindi ba kayo nag-iisip? Ang tatay ni Nemesis ay isang matinik na sindikato," wika ni Red.





"Bakit? Naduduwag ka ba?" tanong ni Jack, na kapapasok lang ng room at sabay upo nito sa upuan na dumikwatro pa. Kasama niya sina Jin at Jade— ang Mercado Brother's.




Nakatayo lang si Jade, at si Jin nakasandal sa pader at nakatungo.




Ngayon, nadagdagan na ang mga kapanalig lalo na kasama pa ang matitinik na Mercado Brother's. Mukhang magandang misyon 'to.





"Mercado Brother's" wika ni Red.




"Don't even think about Nemesis father, leave it to me," ani Vano Collin.





Sigurado akong may dahilan si Collin kung bakit siya ang bahala sa tatay ni Nemesis, dahil namatay ang tatay niya sa Collin's Nemesis battle noon. At sigurado ako na kilala niya kung sino ang pumatay rito.




"Kami na ang bahala sa iba," wika ni Jack.





"Sa hudyat ko, magsisimula ang pagsira ng engagement party," wika ko.





"Talagang pangungunahan mo pa!" ani sa'kin ni Red.




Siraulo talaga ang isang 'to.





"Kung naduduwag ka Red pwede naman na huwag ka nang sumama," singit ni Jade sa usapan.






"Hindi ako duwag!"





"Hindi ka pala duwag eh! Eh di pangunahan niyo 'to ni Zero,"  ani Jade.





Nagtagis ang mga bagang ng katabi kong si Red.




"How about the Maskara's?" tanong ni Vano Collin.




"Kami na ang bahala," ani Jade.




"Maayos na ang lahat kaya simulan na natin ang pagpa-plano," wika ni Ma'am Percy.




"Mukhang magandang laban 'to!" rinig ko sabi ni Winston.





"Depende kung maraming kalaban" dagdag pa ni Hope.





Talaga 'tong dalawa, mas excited kapag maraming kalaban tsk! Tsk! Mga bata pa talaga.













Azerine's PoV



Kanina pa 'ko kinakabahan dahil hindi umuwi ng bahay ang Bai ko, putcha naman. Huadelein, nasaan ka ba? Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi sa pag-uusap nila ni Georgia.





"Hindi ko macontact si boss," sabi ni Jace.




"Paano mo mako-contact? Eh! Na sa'kin bag niya di ba? At nandito cp niya" ani ko, sabay pakita ko sa kanya ng bag ni tomboy.




"Kaya pala, walang sumasagot," sabay higop nito sa tasa ng kape niya.




"Tang*n*! Jace, ano gagawin natin? Papatayin tayo ng tatay niya kapag nalaman 'to," saad ko.




Maaga akong pumunta ng bahay ni Huadelein pero pagkarating ko roon wala siya, at naka locked pa ang gate ng bahay niya kaya dumiretso na lang ako rito sa bahay ni Jace.





"Hindi dapat 'to malaman ng tatay niya, magdahilan ka muna Azerine kapag tumawag sa'yo ang tatay ni boss," suhestyon ni Jace.




"Ano pa nga ba? Wala na 'kong ibang maiisip pa na gawin kundi magdahilan hanggat di pa natin alam kung nasaan si tomboy," sagot ko.




"Tawagan mo kaya si Winston tsaka si Hope? Baka alam nila," suhestyon ni Jace.



Magandang ideya nga 'yon kaso baka tulog pa mga 'yon, dahil inabot na sila ng gabi sa meeting. Pero wala naman masama kung susubukan.




Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Hope.





"Hello!" agad na sagot nang nasa kabilang linya, na halata sa boses nito na kagigising pa lang.





"Hope!"






"Oh! Bakit, Azerine? Problema mo?"




"Napansin mo ba si Huadelein kagabi?" tanong ko.




"Taena mo, Azerine! Kayo ang magkasama ng Bai lagi, bakit sa'kin ka nagtatanong? Alam mo naman nasa meeting ako kagabi" sagot nito, na parang nagising dahil sa sinabi ko. Putcha! Minsan di sila nagkakaiba ni Winston, akala mo laging may regla.




"Taena! Magtatanong ba 'ko sa'yo Hope kung alam kong nasaan ngayon si Huadelein?" tanong ko pabalik.




"Putcha ka! Azerine! Huwag mong sabihin na nawawala ang Bai?" balik na tanong niya.




Para akong kinabahan sa tanong ni Hope.




"Wala kasi siya sa bahay niya, kagagaling ko lang do'n" ani ko, na naputol dahil nagsalita agad ang tomboy.




"Eh di! Nawawala nga ang Bai!" sabi nitong pasigaw, sakit sa tainga!




"Anong gagawin natin?" tanong ko pa.



"Eh di hanapin mo! Putcha! Alam mong hindi lang ikaw ang mananagot, apat tayong mapupugutan ng ulo!"  aniya.




Tang*naaa!




Kinilabutan ako sa sinabi ni Hope, taena! Ini-imagine ko pa lang na magagalit ang Rajah parang nababahag na ang buntot ko.





"Oo. Hahanapin namin, pero basta magdahilan ka muna sa Rajah kapag hinanap niya o kinamusta niya si Huadelein sayo—" pagpapaalala ko.




"Ano pa nga ba, Azerine? Ayoko pa mawala sa mundo," sabay baba niya sa tawag.





"Hindi niya rin alam" wika ni Jace, na nakatingin sa'kin sabay higop niya sa tasa ng kape niya.





Di naman kaya nagbar si Huadelein kagabi? Tapos do'n na siya nakatulog sa bar.




"Hanapin kaya natin sa malalapit na bar dito?" suhestyon ko.




"Pwede, tara na! Umpisahan na natin maghanap," aniya, sabay tayo mula sa pagkakaupo niya sa couch.















Huadelein's PoV



Nag-uunat ako nang mapansin kong tila ako'y nasa ibang lugar, sandali! Hindi ito ang aking silid. Nasapo ko ang aking ulo dahil masakit ito atsaka naupo ako, aalisin ko na sana ang kumot na nakabalot sa akin nang may magsalita.





"Hang over? Ito kape,"  wika nito, habang hawak ang isang tasa ng kape.




Ako'y napabaling sa aking sarili nang wala sa oras, baka mamaya ay may nabago sa suot ko. Mapapaslang ko ang isang ito, kapag nagkataon na ganoon nga ang nangyari.





"Oh! Wala 'kong ginawa sa'yo ah, pinahiga lang kita diyan kagabi at kinumutan," saad niya.






"Sino ka?" tanong ko.





"Ako dapat ang magtanong sa'yo, sino ka? At anong ginagawa mo kagabi sa playground? At mukhang doon ka pa nagpakalasing" tuluy-tuloy na kanyang tanong.




Nasa playground ako kagabi? Naalala ko na, doon pala 'ko nag-iiyak kagabi.




"Ako si Huadelein Delzado, at Oo. Nag-inom ako kagabi, pero wala akong maalalang may kasama ako kagabi na lalaki."




Hindi ko maalala na ako'y may kainuman kagabi.




"Well, hindi mo naman talaga 'ko kasama kagabi nakita lang kitang tulog sa swing at mukhang lango ka sa alak. At hindi naman kakayanin ng konsensya ko kung iiwanan kita do'n kaya dinala kita rito," kaswal nitong salaysay.




"Kung gayon, ay salamat," atsaka ako'y tumayo.




"Kape?"  Kinuha ko ang iniaabot niyang kape sa akin, at higop dito agad.




"Mainit, dahan-dahan, Miss" paalala nito.



"Huadelein na lang," aking wika.





"Mas okay kungMiss Lein," wika nito.




A-ano raw? Miss Lein?




"Huwag mo nang lagyan ng 'Miss' ,"




"Pero parang hindi bagay, dahil parang hindi ka ordinaryong babae lang," aniya.





At ano ang kanyang sinasabi? Mukha na naman ba akong alien gaya ng iniisip sa akin noon ni Jace? Tsk! Tsk! Ano bang suliranin ng mga tao ngayon?




"Isa lang akong pangkaraniwang babae sandalianong pangalan mo?" aking tanong.




Sa aking sapantaha ay may lahi siyang banyaga, nagtungo siya sa isang computer at doon siya ay naupo sa harap nito.




"Wala kang Facebook account..." saad niya, habang nakatingin sa screen ng computer.





"Anong pangalan mo?"  tanong ko muli.




"Ako si Tres Westly," tugon niyang hindi ako nililingon.




"Isa kang banyaga




"Half Canadian," tugon nito, tama nga ako isa siyang banyaga.




"Wala akong tiwala sa mga banyaga"




"Banyaga nga 'ko, pero sa puso't isip ko Pilipino ako, tagalog ako magsalita at dito ako ipinanganak, dito ako lumaki" tugon nito.




Napansin ko na may ginagawa siyang kung anong bagay sa screen ng computer na pamilyar sa akin.




"Yesss! Napasok ko rin!" rinig kong wika nito.




"Hacker!" 




Bigla itong bumaling sa akin.




"Paano mo nalaman ang ginagawa ko?" 





"May kaibigan akong marunong pagdating sa bagay na iyan," aking tugon, atsaka ako'y humigop ng kape.




"Ito ang bumubuhay sa akin,"  wika niya.




"Pero masama ang ginagawa mo"




"Binabayaran ako para gawin 'to, at kung hindi ko naman gagawin magugutom ako" wika niya.





"Tatapatan ko ang presyo mo" aking wika.




Sandali itong natigilan at napalingon sa akin, habang ako ay nagpatuloy sa paghigop ng aking kape.















Azerine's PoV


Hinihintay ko kung papasok si Huadelein ngayon, dala-dala ko pa ang bag niya. Hinanap na rin namin siya sa iba't ibang bar na malapit lang, pero wala talaga siya.




"Baka naman nasa room na 'yon,"  saad ni Jace.




"Paanong nasa room? Eh! Kanina pa tayo rito sa waiting area wala naman na dumaan na Huadelein," ani ko.




"Baka lang naman, Azerine. Azerine! Tingnan mo 'yon! Si Huadelein 'yon oh!" sabay lingon ko naman.




Nakita ko si tomboy na naglalakad na papunta sa amin pero, teka! Bakit may nakasunod sa kanyang lalake?




"Huadelein! Buhay ka! Huwaaa!" yakap ko sa kanya pagkalapit niya sa amin, pero pfft! Bakit naka shades ang tomboy na 'to?




"Tumigil ka nga, Azerine. Malamang buhay na buhay ako, ano bang iniisip mo?" sagot nito, sabay bitiw ko sa pagkakayakap sa kanya.




"Baka kasi napaano ka na ganoon, pero mukhang okay na okay ka naman, boss," sabi ko





Pero sino ang kasama niya na mukhang foreigner?




"At sino naman ang kasama mo, boss?" tanong ni Jace.




"Siya si Tres Westly," sagot ni Huadelein. "Tres, sila ang makakasama mo," dagdag pa ni boss.




Makakasama? Teka! Makakasama namin? Panibagong tauhan niya? Nakakahalata na ko ah, puro may hitsura kinukuha ni tomboy.





"Boss, akala ko ba ayaw mo sa banyaga" bulong ko, at agad naman nagsalita si Tomboy.




"Iba siya, mabuti siya kahit may dugo siyang banyaga," aniya.





Sa bagay, si boss pa ba? Hindi naman kukuha 'yan ng isang sandig kung hindi mabait at walang potensyal, kaya tiwala ako kay boss.





"Mabuti naman, hindi na ako nag-iisang lalaki," wika ni Jace.




Anong ibigsabihin nitong si Jace?




"Bakit Jace? Naliliitan ka ba sa'kin huh? Ano suntukan na lang?" paghahamon ko.





"Pfft! Joke lang 'yon, Azerine." 




"Nice meeting you guys," wika ni Tres.




"Ganoon din ako, par!" Nag shakehands sila sabay tapikan sa balikat.





"Ganoon din ako, Tres," ani ko at nakipag shakehands din sa'kin, at sabay tapikan sa balikat.




"Tama na 'yan, tayo na!" ani tomboy, pero kating-kati na dila ko magtanong kung bakit siya naka shades.




"Tomboy, bakit ka naka shades?" tanong ko.



Nilingon ako nito atsaka sumagot.




"Ang dami mong napapansin, Azerine," wika nito, pero hindi ko pa rin siya tinigilan.




"Bakit nga kasi, boss?" tanong ko pa.




Makulit na kung makulit! Pero di ako matatahimik hanggat di ko nalalaman kung bakit naka shades si boss.




"Namamaga kasi ang mata niya," sagot ni Tres.




Namamaga?




"Bakit namamaga?" tanong ko.



Sana mali ako ng iniisip.




"Maaari ba na huwag ka nang magtanong pa, Azerine," wika niya, atsaka lumakad na.




Takte talaga ang damot sa sagot!







--






Pagdating ng time ni ma'am Augusta, napansin kong tahimik lang si tomboy. Kahit nga pagdating nila Georgia hindi man lang niya nilingon, hindi ko alam kung anong nangyari sa usapan nila kagabi, di kaya broken hearted si tomboy?



Naiisip ko pa lang 'yon, parang ako nasasaktan para kay boss. Bahagya ko siyang nilingon pero nakatingin lang ito kay ma'am Augusta habang nagpapaliwanag, buti nga hindi pinansin ni ma'am ang shades ni tomboy eh.




"Kung anuman ang iniisip mo ngayon Azerine, tama ka ng iniisip" sabi nito, na hindi man lang ako nililingon.




Tang*naaa! Broken hearted nga boss ko!




"Huwag mong tanggkain na tumangis diyan nakakahiya, tomboy. Makikita nila uhog mo!" wika pa nito.




Alam na alam niya talaga kung anong gagawin ko, taena! Kasalanan ko 'to eh! Sana di ko na siya pinush na magtapat eh.




"At huwag mong tangkain na sisihin ang sarili mo," dagdag pa nito.




Nakita kong bahagya siyang ngumiti, pero 'yong ngiti niya halatang nasasaktan siya.











Hope's PoV



Kararating ko pa lang ng balay ng Rajah dahil pinapatawag niya ako, takte! Mabuti na lang nagtext na ang kupal na si Azerine na pumasok nang school ang Bai at kasama na nila.



"Nariyan ka na pala kapanalig ng aking Bai, hinihintay ka na ng mahal  na Rajah sa kanyang tanggapan," wika ni Milan.




"Maraming salamat, Milan. Maari bang samahan mo ako paroon," ani ko.





"Oo, tayo na," giya nito sa'kin.




Sinamahan ako ni Milan na pumasok ng balay ng Rajah, at umakyat kami sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid tanggapan nito.




"Maari na kayong pumasok," ani abay.



Pumasok kami ni Milan sa pinto, nakita kong kasama ng Rajah si Lilibeth Hillari kapwa sila nakaupo.




"Malipayong adlaw, mahal na Rajah," pagbati ko.




"Hope. Ang tapat na kapanalig ng aking anak, pinatawag kita sapagkat nais kong magsadya ka sa iyong Bai upang siya'y sunduin bukas sa kanyang balay na tinutuluyan, nang makapaghanda sa darating na mahalagang kasiyahan," wika ng Rajah.




Taena! Di magpapasundo 'yon araw pa lang ng biyernes bukas, sa sabado pa ng gabi gaganapin ang engagement party. Sisipain ako ni boss palabas ng bahay niya kapag nagkataon, sasabihin pa no'n nagmamadali ako.




"Mahal na Rajah, paumanhin ngunit hindi ko magagawa ang inyong utos dahil tiyak ako na hindi magpapasundo ang inyong anak na Bai," sagot ko.



Tiningnan niya ako tsaka nagsalita ang Rajah.




"Ikaw ang nakakakilala sa iyong Bai, kung gayon kailan mo siya maaring sunduin?" tanong nito sa akin.




"Sa takdang oras, Kapunuan," tugon ko.




"Kung gayon, maraming salamat, humayo ka na," wika nito.




"Masusunod, kapunuan," tugon ko.





Sinamahan ako ni Milan palabas ng balay, mabuti na lang at goodmood ang Rajah kung hindi pipilitin niya na sunduin ko ang Bai.














Georgia's PoV




Narito kami sa Cafeteria ngayon, minamasdan si Ganda sa malayong pwesto nilang mesa. Kanina pagpasok namin sa room ng time ni ma'am Augusta, nakita ko siyang naka shades siguro umiyak siya nang umiyak kagabi.



"Bakla! Bakit tumutulo 'yang luha mo?" tanong ni Rica.




A-ano raw?



"Oo nga, bakla! Georgia, na ano ka te?" tanong ni Whisky.



"H-huh?" Hinawakan ko ang pisngi ko at may luha nga.




Hindi ko man lang namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.





"Bakla, okay ka lang ba?" tanong ni Rica.





"Oo, a-ayos lang ako," sagot ko, habang hinahawi ang luha ko.





"Naalala niya siguro si Ganda," wika ni Whisky.




"Binasted mo na 'yong tao, iniiyakan mo pa," wika ni Rica.




Bruhang 'to talaga, napakaprangka talaga kung magsalita.




"Hindi ko maiwasan, kasi alam kong nasaktan ko siya pag binabalikan ko 'yong usapan namin kagabi parang lalo akong nasasaktan," saad ko. Ano ba itey? Cryola talaga 'ko mula pa kagabi, hindi ko mapigilan ang maiyak.





"Oh! Umiiyak ka na naman," ani Whisky.



"Eh! Kung magtapat ka na lang kaya? Kaysa nagkakaganyan ka bakla," wika naman ni Rica.




Hindi ko naman pwedeng gawin 'yon, dahil hindi pa naman sure ang beauty ko kung gusto ko nga bang talaga si Ganda.




"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, Rica. Whisky," sabi ko.




"Eh! Kung ganoon? Bakit ka nagd-drama diyan? Aber!" saad ni Rica.




"Tumigil ka na nga, Rica. Huwag muna natin i-intriga si bakla" wika ni Whisky.




Hindi na 'ko nagsalita pa at pinunasan ko na lang ang luha ko, nahagip ng paningin ko, na wala na sila Ganda sa mesa nila.












Azerine's PoV


Bigla na lang nawala si boss sa mesa namin sa cafeteria, kaya hinahanap ko siya ngayon. Nasa garden lang 'yon. Lumakad na 'ko papuntang garden, hindi pa man ako nakakalapit ay kitang-kita ko na si boss na nakahiga sa damo at naka shades pa rin siya.




Paglapit ko...




"Boss" tawag ko sa kanya.




"May kailangan ka ba, Azerine?" tanong nito, ang mga kamay niya nasa likod ng ulo niya parang inuunanan ganoon.




Lumapit ako sa kanya at humiga rin ako sa damo.



"Ano bang meron, boss, sa ulap? At gustong-gusto mo tingnan 'yan?" tanong ko.




Ginaya ko ang pagkakahiga niya sabay di-kwatro ko.





"Mapayapa ang langit, Azerine," sagot nito.





"Boss, alam kong hindi ka ayos ngayon... Pero gusto kong sabihin sa'yo na karamay mo 'ko, karamay mo 'ko lagi" sabi ko.




"Alam ko, Azerine. Kaya huwag mong isipin na kasalanan mo, dahil nagpapasalamat pa nga ako pagkat naranasan ko ang mga ganitong bagay, ang magtapat at masaktan sa unang pagkakataon sa pag-ibig," wika nito.





"Pwede ka maglabas ng sama ng loob boss"




"Hindi masama ang loob ko, Azerine, sapagkat batid ko na bahagi ito kapag umibig ka, ang masaktan... Totoong mahal ko si Georgia kung kaya't nagpaubaya ako at mananatili akong kaibigan niya," sagot ni boss.




Hindi lahat kaya ang ginawa ni boss, 'yong iba kahit ayaw sa kanila ng tao ipagpipilitan pa rin ang sarili nila.




"Pero boss, bakit hindi mo pinapansin kanina sila Georgia?" tanong ko.




"Sapagkat tinanggap ko man ang pagkatalo ko nasasaktan pa rin ako, at hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Azerine, kailangan kong dumistansya upang hindi mag hangad ang puso ko ng tugon mula kay George," sagot niya.





Nakita ko ang mga luha sa gilid ng pisngi niya.





"Naiintindihan kita, boss. Iiyak mo lang..."




Narinig ko ang mahihina niyang hikbi, hindi nagtagal ay umupo ito at ganoon din ako. Inalis niya ang shades niya at sabay akap sa'kin, tsaka siya umiyak nang umiyak at napaiyak na rin ako, takte! Nakakahawa ang iyak ni tomboy.





Mayamaya pa ay nagsalita ito habang umiiyak.





"Bakit ka umiiyak, Azerine?" tanong niya habang nakayakap pa rin sa'kin.




"Dadamayan kita sa lahat ng bagay, boss" at lalo pa siyang umiyak.





"Siraulo ka talaga Azerine" aniya, sa pagitan ng mga hikbi niya.







-------




Itutuloy...













-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top