Kabanata XII: Ang Munting Bai Hera
Kabanata XII: Ang Munting Bai Hera
---
Jace's PoV
Isang linggo na mula nang mag umpisa akong magtrabaho kay Huadelein, at hindi 'to madali dahil buwis buhay! Pero mas gugustuhin ko na rin 'to, dahil malaki ang ibinibigay na pera ng boss ko. Hindi ko akalain na ganoon karangya ang buhay na meron si Huadelein, naikwento sa akin ng tatlong tomboy kung anong merong pamilya ang boss ko. At anong mga pagsubok ang pinagdaanan niya bago nakuha ang kalayaang gusto niya.
"Alam mo, maswerte ka— dahil naging tauhan ka ni boss," wika ni Winston.
Magkasama kami ngayon sa kotse dahil ihahatid niya 'ko sa school, syempre wala ako sariling sasakyan. Obligado raw siya na ihatid ako, dahil siya ang nag training sa'kin at sinabi rin ni boss.
Nakinig lang ako sa sinasabi niya.
"—pihikan si Huadelein sa pagkuha ng tauhan, kung mapapansin mo puro kami tomboy, alam niyang medyo tamad kami pero pag nag trabaho siguradong may aasahan siya sa amin," saad ni Winston.
Oo nga, pansin ko nga dahil tatlo silang tomboy na tauhan ni Huadelein.
"Ibigsabihin, tatlo lang kayong tauhan ni Huadelein?" tanong ko.
"Mismo!" Tugon nito.
"Pero teka, bakit? Eh! Bakit ako kinuha niyang tauhan? Na kayo puro..." Hindi ko itinuloy ang sinasabi ko baka kasi ma-offend ko siya.
"—puro tomboy, gaya ng sinabi ko hindi basta basta kukuha ng tauhan si tomboy na walang potensyal," sagot niya.
Ibigsabihin nakita niyang may potensyal ako? Eh, nadukutan ko lang naman siya ng cellphone eh, pero teka! Tomboy si Huadelein?
"Tomboy ba si Huadelein?" tanong ko.
Kailangan kong makasigurado.
"Pfft! Hahahaha! Hindi siya tomboy 'no! Tawag lang namin 'yon sa kanya, dahil minsan para siyang lalaki kung magalit," sagot niya.
Ah! Akala ko tomboy, sayang naman kung magiging tomboy si boss.
"Ah... Siyangapala, magkano sinasahod niyo kay boss?" usisa ko.
Naitanong ko lang naman, curious lang ako.
"Pfft! Hahahaha! Wala kaming sinasahod, di namin kailangan 'yon," sagot niya, habang nasa manibela ang mga kamay nito at diretso ang tingin sa daan.
"Eh, paano kayo—" Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang magsalita ito.
"Paano kami nagt-trabaho kay boss? Ang tatay ni Huadelein ay maraming kaibigan at kaalyado na negosyante, kabilang ang mga magulang namin nina Azerine at Hope. At ang tawag sa tatay niya ng mga malalapit sa kanya ay Rajah, Rajah Bagani," paliwanag niya.
Ibigsabihin galing sila sa mayayamang pamilya? At kaalyado ng mga magulang nila ang tatay ni Huadelein? Nakakamangha, pero medyo nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni Winston ah.
"—at siya ang tinatawag namin na Big Boss kung minsan, dahil isa siya sa pinaglilingkuran natin, pero ang pinaka trabaho natin ay protektahan ang ating Bai," aniya pa.
Ang tatay ni Huadelein. Hindi ko pa siya nakikita pero ngayon pa lang kinikilabutan na 'ko at ano ang sinasabi niyang Bai?
"Anong 'Bai' ang sinasabi mo?" tanong ko, dahil hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin no'n.
"Ibigsabihin prinsesa," sagot niya
Prinsesa?
"Prinsesa? Ibigsabihin prinsesa si Huadelein?"
Prinsesa nga ba ang boss ko? Aba! Talagang big time si Huadelein kung ganoon!
"Oo. Bakit? Hindi ba nasabi sa'yo ni Huadelein?" balik nitong tanong sa akin, dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"Hindi. Wala naman siyang sinasabi sa'kin, malimit lang naman kasi siya magsalita," tugon ko.
Wala naman kasi talaga nabanggit si Huadelein na isa siyang Bai o prinsesa. Pero napansin ko na rin 'yon noong nakaraan, dahil iba ang pag-galang ng momshie ni Azerine at no'ng lalaki na Zero kay boss.
"Ganoon talaga si tomboy— kaya huwag ka magtaka ka kung bakit iginagalang siya ng mga tao na talagang nakakakilala sa kanya," sabi niya.
"Hmm... Dahil isa siyang—" Hindi naituloy ang sasabihin ko.
"Ipapaliwanag ko sa'yo, Bai ang tawag sa mga binukot noong panahon ng mga ninuno natin, hindi sila pwedeng makita ng kalalakihan maliban sa kanyang ama at kaanak. Naglalagi sila sa kanilang bukot sa mahabang panahon ni hindi maaring tumapak sa lupa, dahil sumasagisag ito sa kanyang kalinisan , puri at katayuan," mahabang paliwanag niya.
Parang dudugo ang ilong ko sa malalim na pagtatagalog niya.
Nakakapagtaka lang, kung isa siyang binukot— bakit siya nakakalabas ng bahay nila? At nag-aaral pa sa public school?
"Eh! Kung isa siyang binukot, bakit siya nakalabas ng bukot niya nang bahay nila?"
"Hindi ba naikwento na namin sa'yo, na ginawa lahat ni Huadelein para magawa niya ang gusto niya? Ayaw niyang manatili sa apat na sulok ng silid niya, kaya ginawa niya ang lahat ng kondisyon ng tatay niya kahit pa buhay niya ang nakataya," tugon nito.
Grabe ang ilong ko!
"—kaya ang kalayaang tinatamasa ngayon ni Huadelein, ay pinaghirapan niya," dagdag niya.
Hanga ako sa boss ko, dahil nalampasan niya ang lahat ng kondisyon ng tatay niya. Kung gaano man iyon kahirap hindi ko alam.
Pero parang dudugo na talaga ang ilong ilong ko, taena! Kinapa ko ang ilong ko, at nakita kong napataas ang kaliwang kilay ni Winston.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito.
"Chini-check ko lang ilong ko! Baka kasi dumudugo na dahil sa lalim mo magtagalog," ani ko.
"Pfft! Masasanay ka rin, haha," sagot nito.
Azerine's PoV
Ang tagal naman yata ng dalawang panget na sina Winston at Jace! Malapit na magsimula ang klase eh, wala pa rin sila. Mukhang naiinip na si tomboy sa paghihintay sa dalawa. Nasa waiting area kasi kami, nakaupo si Huadelein habang ako naman ay nakatayo sa harap niya.
.
"Nasaan na sila?" tanong ni boss.
"Sabi ni Winston malapit na raw sila, eh! Kanina pa 'yong malapit niya eh!" sagot ko.
Napansin kong may kinukuha si boss sa bag niya.
"Woah! Teka! Bakit may dala kang baril, boss?" Putcha! Itinaas at itinutok niya sa akin ang hawak niyang baril, taena! Ano na naman ang topak nitong Bai?
"Gagawin ko kayong tatlo na pataba ng lupa! Ang usapan ay alas-onse!" sabi niya.
Hindi niya pa rin ibinababa ang hawak niyang baril, taena! Tinutoyo na naman ang boss ko.
"Boss. Hindi ko naman kasalanan kung late 'yong dalawa kaya ibaba mo na 'yan, baka may makakita pa sa'yo," sabi ko.
Itinutok niya sa ibang direksyon ang hawak niyang baril, at pagpihit niya ng gatilyo...
"Pfft! Ano 'yan boss? Pellet gun?"
"Oo," sagot niya.
"Binili mo?"
"Hindi. Nakita ko lang 'tong pinaglalaruan ng maliliit na bata kanina," sagot niya, habang nakatingin sa pellet gun na hawak niya.
"Tapos kinuha mo?" tanong ko.
"Oo. Sinabi ko na hindi dapat sila naglalaro nito, noong una ayaw nila ibigay sa akin dahil sa kuya raw nila ito, pero noong sinabi kong babarilin ko ang kuya nila sa ulo binitiwan nila itong pellet gun," sagot niya.
"Pfft! Ang salbahe mo naman, boss!"
Minsan talaga si Huadelein, may pagkasalbahe rin hahahaha.
"Nauuhaw na 'ko, boss. Inom muna 'ko tubig, ay! Wala pala 'kong dalang tubig!"
Binuksan niya ang bag niya, at kinuha ang isang tumbler at iniabot sa'kin na agad ko naman kinuha.
"May itatanong ako sa'yo, noong nakaraan ko pa nais itanong 'to sayo," sabi niya.
Ano kayang itatanong niya?
"Ano 'yon, boss? Itanong mo na at nang masagot ko," sabi ko, habang binubuksan ang tumbler ni boss at sabay lagok dito.
"Ano 'yong condom?"
Napaubo ako dahil sa narinig ko.
A-ano raw?
"Ayos ka lang ba, Azerine?" tanong niya, habang hinihimas ang likuran ko.
Nasamid ako dahil sa narinig ko, pero baka mali lang ako ng dinig.
"Ayos lang, boss. N-nasamid lang, ano nga ulit 'yong tanong mo?"
Tinakpan ko ang tumbler at ibinalik sa kanya.
"Ang tanong ko, ano 'yong condom?"
Anak ng pusa! Saan niya napulot ang salitang 'yan?
"A-ano 'yon— boss, c-candy! Oo, tama! Candy 'yon!" sagot ko, anak ng pusa naman!
"Candy?"
"Oo. Boss, candy 'yon! Teka saan mo ba nakuha ang tungkol sa candy na 'yon?" tanong ko.
"Kay Dos," sagot niya.
Kay Dos? Lokong Dos 'yon ah! Binabiharan niya ang pagiging inosente ng Bai ko!
"Meron ba sa tindahan no'n Azerine?" tanong niya ulit.
"Alin, boss?"
" Iyong condom," sagot niya.
Anak ng pusa talaga!
"Boss. Limited lang kasi 'yong candy na 'yon, kaya hindi mo 'yon mabibili sa ordinaryong tindahan lang," sagot ko.
Anak ng! Sana gumana ang palusot ko.
"Ganoon ba?"
"Oo, boss. Kaya huwag ka na maghanap no'n— dahil hindi madaling maghanap no'n," sagot ko.
Sana gumana 'tong pagpapalusot ko.
"Yo! Boss," bungad ni Winston.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni boss sa dalawa.
Buti na lang dumating 'tong dalawa at nawala na ang usapang condom!
Sagigilid Milan's PoV
Halos kararating pa lamang ng isang babaeng kasama ng aking panginoon. Sa postura nito ay animo'y nabibilang sa maharlikang angkan, ngunit hindi niya mapapantayan ang ganda ng namayapa kong Hara.
"Siya ang bunso mong anak?" tukoy niya kay Bai Hera.
"Oo, Lilibeth. Nais mo ba siyang makilala?" nakangiting tanong ng Rajah sa babae.
"Bakit naman hindi? Napakaganda niya, kumusta ka munting Binibini?" pagbati nito sa munting Bai.
"Ako'y mabuti. Sino siya Baba?" tanong ni Bai Hera, sa kanyang amang Rajah.
"Siya ang iyong tita Lilibeth," tugon ng Rajah sa munti niyang anak.
"Wala akong kaanak na nagngangalang Lilibeth, kung kaya't sino siya, Baba?" tanong muli ng munting Bai.
Batid ko, na batid niya na ang kasama ng kanyang ama ay katipan nito. Ngunit mausisa talaga si Bai Hera at hindi ito mapaglalalangan.
"Anak, siya ang aking katipan at nakatakda kaming magpakasal," wika ng Rajah sa kanyang anak.
"Ang aking iloy, ay susubukan mo muli palitan, Baba?" tanong ng Bai.
"Hindi mahal kong anak, magdaragdag lamang tayo ng magmamahal sa atin," tugon ng kanyang amang Rajah.
"Ang aking iloy— ay hindi mapapalitan ninuman," tugon ng Bai.
"Hera, munti kong Bai, hindi natin papalitan ang iyong ina sapagkat nais ko lamang ay mahalin kayo ng iyong ama," wika ng babae sa munting binukot.
Niyakap nito si Bai Hera, ngunit hindi gumanti ang munting Binibini.
--
Abala kami sa pag-aasikaso sa silid-lutuan dahil maghahapunan na ang aming mga panginoon, kasama si Lilibeth ang panauhing pandangal ng Rajah. Kasama ang mga kapanalig nito na tiyak, ay ipakikilala niya si Lilibeth sa mga panauhin.
"Ano't nariyan ka lamang Sima? Halina! At kailangan na natin ilabas ang mga pagkaing ito," aking wika sa kanya, siya'y namamanglaw sa oras ng aming paglilingkod.
"Ako'y namamanglaw, Milan. Sapagkat tumatangis ang munti kong Bai," tugon niya.
"Ano't siya'y tumatangis, Sima? Kailangan niya nang mag-ayos sapagkat maghahapunan na, kasama ang mga panauhin ng Rajah," tugon ko, habang abala sa pag-aayos ng pagkain.
"Hindi niya naiibigan ang katipan ng ating Rajah, kung kaya't siya'y nananangis. Ayaw niyang kumilos upang mag-ayos ng kanyang sarili, tiyak akong iniisip niyang mapapalitan ang kanyang iloy," kanyang salaysay.
Tiyak nga'ng ganoon na nga ang iniisip ng munting Bai, ngunit kailangan niya itong tanggapin pagkat ito ay katipan ng Rajah.
"Ikinalulungkot ko, Sima. Ang pamamanglaw ng iyong munting Bai, ngunit kailangan mo na siyang ayusan— dahil kung hindi ay tayo ang makagagalitan ng Rajah, kapag hindi niya nakita ang kanyang munting Bai sa piging."
"Oo. Sige, Milan. Pupuntahan ko na ang aking Bai," aniya.
Lumabas na siya ng silid-lutuan, at pinagpatuloy ko ang aking mga gawain.
Makalipas ang isang oras ay nasa malaking silid-kainan na ang Rajah, ang kanyang panauhing pandangal at ang kanyang mga panauhin. Masaya silang nag-uusap at nagkukumustahan nang magsalita ang Rajah.
"Batid ko ang kasiyahan sa inyo, ngunit nais kong putulin ito sandali, ibig kong ipakilala sa inyo ang aking makakaisang dibdib. Si Lilibeth Hillari."
Hinawakan nito ang kamay ng babae at nakangiti itong humarap sa mga panauhin ng Rajah. At nagbigay ng papugay ang lahat.
"Binabati ka namin Rajah," pagbati ng isang negosyante.
"Napakaganda ng iyong magiging kabiyak," dagdag pa ng isang panauhin.
"Salamat," ani Lilibeth.
At nagbigay pa ng iba't-ibang papuri ang ibang panauhin, patungkol sa magiging kabiyak ng Rajah.
"Maraming salamat sa inyong pagtanggap," ani Lilibeth.
"MABUHAY ANG RAJAH!" sigaw ng sandig.
"MABUHAY!" tugon ng lahat.
"Mabuhay ang makakaisang dibdib ng Rajah!" Sigaw muli ng sandig.
"MABUHAY!!!" tugon ng lahat.
Masayang nagpupugay ang lahat, ngunit ang munting Bai ay nanatiling tikom ang bibig. Samantalang ang mga nakatatanda niyang kapatid na sina Ginoong Isagani at Bai Helena ay nakikiisa sa pagpupugay.
Tila hindi maganda ang aking kutob sa Lilibeth Hillari na ito.
Bai Hera's PoV
Katatapos lamang ng piging, naroon man ako kanina ngunit hindi ako nakiisa sapagkat hindi ko kinalulugdan ang mga nagaganap. Kailangan itong mabatid ni Bai Huada.
Papasok pa lamang ako ng aking silid nang marinig kong may kausap ang babaeng makolorete sa mukha, na si Lilibeth Hillari sa telepono.
"Hindi pumunta rito ang fiance mong si Huadelein, magagawa ko ang mga plano ko dahil sa palagay ko ay wala naman kalaban sa paligid— alam ko naman matutulungan mo ako—"
Plano? May binabalak siyang masama? Unang tingin ko pa lamang sa kanya ay hindi na maganda ang aking kutob.
"—Makakaganti na rin ako kay Hara—" patuloy niya.
Ngalan iyon ng aking namayapang iloy, ano't nais niyang makaganti sa namayapa kong ina? Gayong wala na ito sa mundo nang mga may hininga, kailangan itong mabatid ng aking kapatid.
--
"Aking Bai, naririto na si Milan," wika ni Sima at tukoy sa kanyang kasama.
"Sagigilid, batid kong tapat ka sa aking kapatid, kaya't nais kitang isugo—"
"Ano at nais niyo ako isugo, Bai Hera?" tanong niya sa akin.
"Sapagkat nais kong ipaabot mo ito sa aking kapatid," at aking iniabot sa kanya.
"Isa itong kalatas," kanyang wika, pagkaabot ko ng isang kalatas.
"Nakapaloob sa kalatas na iyan ang mga naganap kagabi, pakaingatan mo ito at tiyakin mong mababasa niya ito agad," aking bilin.
"Masusunod. Bai Hera, makakaasa kang maiaabot ko ang kalatas na ito sa aking mahal na Bai, ngunit paano ang Rajah?" tanong nito sa akin.
"Magpaalam ka sa kanya, na ikaw ay aking inuutusan na bumili ng pabango at karagdagan kong kasangkapan upang ikaw ay kanyang payagan na lumabas ng puod. Narito ang salapi, nang sa gayon ay magampanan mo ito ng mahusay." At iniabot sa kanya ng salapi.
"Susundin ko ang inyong sinabi, Bai," wika nito.
"Nasa Bulwagan ang tapat na kapanalig ng aking kapatid upang ikaw ay samahan."
--
"Mahal na Rajah," bati niya sa aking ama.
Nakasilip lamang ako sa malapit kasama ang aking sagigilid.
"Anong kailangan mo sagigilid?" tanong ng aking ama kay Milan.
"Ako ay inuutusan ng inyong anak na si Bai Hera, upang bumili ng kanyang pabango at karagdagang gamit," wika ni Milan sa aking ama.
"Nagpapaalam ka, sapagkat ikaw ay lalabas ng puod upang magtungo ng pamilihan?" tanong ng aking amang Rajah.
"Ganoon na nga, mahal na Rajah," tugon ni Milan.
"Pinahihintulutan kita, kaya't humayo ka," tugon ng aking ama.
Jace's PoV
Halos magsalubong ang kilay ng boss ko dahil kay Azerine. Nakatingin ito sa mga kasama niya, narito kami ngayon sa bahay ni boss dahil holiday pero ang hindi inaasahan ni Huadelein, ay may darating pala siyang mga bwisita, este! Bisita!
"Sige na, boss! Ngayon lang 'to pramis!"
"Ano pa ang magagawa ko, Azerine? Narito na sila sa loob ng balay ko!" Mariing bulong ni Huadelein, na dinig na dinig namin tatlo. Ako, si Winston at Azerine.
"Hehe! Boss, huwag ka naman magalit, gagawa lang kami ng pinapagawa ni kalbo, este! Sir Quinis," ani pa ni Azerine.
"Bakit kailangan pang dito sa balay ko? At hindi sa balay mo?" tanong ni Huadelein.
"Malayo kasi bahay ko, boss. Eh! Baka magreklamo 'yang mga 'yan eh," sagot pa ni Azerine.
"At sa palagay mo? Maiibigan kong naririto sila?" ani boss.
Napangiwi naman si Azerine sa sinabi ni boss.
"Boss, naman. Bawi na lang ako sa'yo sa susunod," wika ni Azerine kay boss, na nakanguso.
Naiinis na nagligpit si boss ng pinag-gamitan niya sa paglalaba, katatapos lang niya kasing maglaba ng mga damit niya at magsampay.
"Ayusin mo lang na hindi magkalat 'yang mga kasama mo rito sa balay ko! Dahil kung hindi ikaw ang maglilinis," madiing sabi ni Huadelein.
"Aye! Aye! Captain!"
Lumabas nang kusina si Azerine at pinuntahan sa sala ang mga ka grupo niya. Pinagmasdan ko na lang si boss sa ginagawa niya, isinuot niya ang kulay maroon na apron. Inilabas niya sa ref ang isang Tupperware na naglalaman ng karne.
"Maari bang huwag mo akong tingnan, Jace—" wika nito sa akin, atsaka kumuha ng kusilyo at chopping board.
"P-pasensya na, boss," sabay iwas ko ng tingin sa kanya, ayaw niya talagang tinitingnan.
"Kumusta ang pagsasanay mo?" tanong niya sa akin, na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Maayos na maayos, boss!" singit ni Winston.
"Hindi ikaw, ang tinatanong ko Winston, si Jace," ani boss, na hindi man lang nilingon si Winston.
Natahimik naman si Winston at sabay munimuni nito sa gilid.
"Okay naman, boss. Medyo nahirapan lang, pero kaya naman," sagot ko.
Ngayon ay naghihiwa siya ng sibuyas, at bawang para bang alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Kahit na isa pa siyang Binukot marunong siyang maglaba at magluto, kahit na dapat ay hindi siya gumagawa ng gawaing bahay.
"Kung gayon, ay mabuti. Handa ka na siguro sa susunod mong misyon sa susunod na linggo," sabi ni boss.
"Sa susunod na linggo?" tanong ko.
Buwis buhay na naman ba 'to?
"Oo, sina Azerine at Winston na lang ang bahalang magsabi sa'yo," wika pa ni boss.
"Narito ka pala, Jace!?" biglang sulpot ni Dos.
Bakit ba kasama pa ang ungas na 'to sa ginagawa nila Azerine?
"Ano at naririto ka sa kusina, Dos? May kailangan ka ba?" tanong ni Huadelein, habang naghihiwa ng bawang.
"Wala naman, kaso ang init kasi sa sala, wala bang aircon?" tanong nito kay boss.
Ang arte naman ni Dos, okay naman kahit electric fan lang nakabukas.
"Bukas ang bintilador! Kaya't ano ang inirereklamo mo?" sa palagay ko naiinis na si boss.
"Kulang eh! Ang init pa rin, tsaka may pagkain ba kayo diyan?" tanong pa ni Dos.
"Maghintay ka! Dahil lulutuin pa! Halika, rito lalake! Nang matigil 'yang pagrereklamo mo!" ani boss. At binitiwan niya ang hawak niyang kutsilyo at lumabas ng kusina kasunod si Dos, sumunod rin ako sa kanila.
"Azerine! Upuan!" Agad-agad ay kumuha ng upuan si Azerine sa utos ni boss.
Tumuntong dito si Huadelein at binuksan ang aircon.
"Ayoko nang makarinig pa ng reklamo," aniya. Habang pababa nang upuan, na inalalayan ko naman agad.
Putcha! Ang lambot ng kamay, binitiwan ko agad ang kamay niya.
"Oo, ba! Basta ba— may pagkain eh!" hirit pa ni Dos.
Sabay upo nito sa couch na parang feel at home, bakit ba pinagbibigyan ni Huadelein ang ungas na 'to!?
"Azerine, bigyan mo sila ng makakain muna nila habang hindi pa 'ko nakakapagluto," ani boss.
" 'Yan ganyan!" saad ni Dos.
Putang*n*! Talaga ng isang 'to!
"Sige, boss— Argo! Di ba ang sabi ko, ako ang magsasabi ng susulatin mo!? Bakit nakikinig ka sa Zailen na 'yan!?" sabay kotong ni Azerine kay Argo.
"Taena! Emo! Ang sakit ng kotong mo! Buset!" reklamo ni Argo, na himas-himas ang ulo niya.
"Bakit? Azerine? Mali ba mga pinasulat ko kay Argo sa Manila papaer?" tanong ni Zailen.
"Oo! —MALI! Sabi kasing sa'kin ka makinig Argo!" bulyaw ni Azerine kay Argo.
"Naku! Emo! kundi ka lang babae—"
"Ano? Mas lalaki pa ko sa'yo, Argo! Makinig ka na lang sa'kin at magsulat ka na lang!" ani Azerine.
Sabay buklat niya ng isang libro.
"Dito ka na lang, huwag ka nang sumunod sa kusina," sabi ni boss sa'kin.
"Sige, boss," sagot ko, at naupo sa couch katapat si Dos.
"Parang may kakaiba sa inyo ni Huadelein—" wika ni Dos sa'kin.
Problema nito?
Huadelein's PoV
Katatapos ko lang magluto ng adobong manok, at magsaing nang pumasok ng silid-lutuan si Winston.
"Boss, gwapo no'n ah!" wika nitong may nakakalokong ngiti. Madalas man itong seryoso ngunit kung minsan ang pagiging maligalig nito ay nasosobra naman.
"Ha? Sino?" tanong ko, dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
" 'Yong, Dos!" tugon nito.
Gwapo ba iyon? Tss!
"Hindi ko naman, napansin," aking tugon.
"Boss, feeling ko may gusto sayo 'yon!"
Tss! Paano magkakagusto ang isang lalaking laging may kadate? Pambihira talaga itong si Winston.
"Boss! Gate boss!"
Narinig kong may tumatawag sa akin mula sa labas.
"Pakitingnan mo ang pultahan Winston, tila boses ni Hope ang tumatawag sa akin sa labas—" aking utos.
"Puntahan ko na, boss."
Dali-dali siyang lumabas ng silid-lutuan at pagbalik niya ay—
"Boss, ang iyong sagigilid—" wika ni Winston.
"Milan?" aking nakangiting bati.
"Malipayong adlaw, mahal kong Bai—" Bati nito sa akin at yumukod, hinawakan ko ang kamay nito upang ito ay mag-angat ng paningin sa akin at ito ay tumayo.
"Natutuwa akong makita ka Milan. Ano at naparito ka?" aking tanong sa aking sagigilid.
"Nagtulak ako rito, kasama ang iyong kaibigan na si Hope, Bai. Isinugo ako ng iyong kapatid na si Bai Hera, upang ibigay sa inyo ang kalatas na ito," aniya.
Kinuha ko ang kalatas na kanyang iniabot sa akin.
"Ano na ang balita sa ating banwa?" aking tanong.
"Bai. Ang inyong amang Rajah, ay naghanda kagabi ng isang piging para sa nakatakda niyang pakikipag-isang dibdib kay Lilibeth Hillari—" salaysay nito.
Hindi na ako nagulat pa sa ibinalita ni Milan.
"Hindi na ako nagulat pa, Milan. Sapagkat batid kong ito'y magaganap."
"Ngunit Bai, ang inyong kapatid na si Bai Hera ay hindi naiibigan ang babaeng nakatakdang makaisang dibdib ng inyong amang Rajah," saad niya.
"Batid ko iyan, sapagkat walang makapapalit sa aming iloy na namayapa na."
Kailanma'y hindi mapapalitan ng kahit na sinong babae ang aking iloy.
"Bai, maari bang basahin niyo na ngayon ang nakapaloob sa kalatas, sapagkat kabilin-bilinan sa akin ni Bai Hera ay dapat mabasa mo ito kaagad," aniya.
"Kung gayon, ay siyang dapat maganap."
Binuksan ko ang kalatas at binasa ang nakasulat dito.
Bai Huada,
ᜊᜁ̍ ᜑ̱ᜀᜇ
Magandang araw, nais ko man maging mabuti ang iyong araw ngunit sa mababasa mo ngayon sa kalatas na ito, ay baka ito pa ang ikasira.
Nais kong ipabatid sa iyo na ang ating amang Rajah ay nakatakda nang makipag-isang dibdib, sa isang babaeng nagngangalang Lilibeth Hillari. At nabatid kong may masama siyang balakin, pagkat narinig ko siyang may kausap sa kanyang telepono at narinig ko ang kanilang buong pag-uusap. Masama siyang babae Bai Huada, sapagkat nais niyang gumanti sa ating inang Hara na namayapa na. Ito ang hindi ko mabatid, kung ano ang kanyang dahilan upang gumanti sa ating ina.
Hera
Nais niyang gumanti sa aking ina? Kung gayon, ay bakit? Sa anong dahilan?
"Hope!" aking tawag sa aking sandig.
"Bai?"
"Nais kong magbalik kayo kaagad ni Milan sa ating puod, matapos niyong gampanan ang iba pang utos ng aking kapatid," aking utos.
"Masusunod, Mahal na Bai," tugon ni Hope.
"Bai, ano ang nakapaloob sa kalatas?" tanong ni Milan.
"Matapat kitang kapanalig Milan, kung kaya't sasabihin ko sa iyo. Ang aking ama at mga kapatid ay nasa panganib, isang kaaway si Lilibeth Hillari— nais niyang makaganti sa aking namayapang ina."
"Hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng nakatakdang makaisang dibdib ng iyong amang Rajah, ngunit bakit nais niya makaganti sa namayapa kong Hara?" tanong ni Milan. Halata sa kanyang reaksyon na siya man ay hindi natutuwa.
"Iyan ang dapat kong alamin Milan, ngayon ay nais kong magpatuloy ka lamang magmatiyag, at bantayan ang aking nakababatang kapatid."
"Masusunod, Bai," tugon ni Milan.
"Hope, humayo na kayo at magpatuloy sa inyong gampanin," aking utos.
"Masusunod, Bai," tugon ni Hope, at kasabay nito ang pagyukod ni Milan.
"Patnubayan kayo ng mga diwata sa inyong pagbalik sa ating puod," aking paalam, at aking niyakap si Milan bago pa sila umanyo.
Kailangan kong alamin kung sino si Lilibeth Hillari, at ano ang kanyang dahilan upang gantihan ang aking inang namayapa na.
"Huadelein, may pagkain ka na ba diyan? Gutom na talaga ko—"
Biglang sulpot ng gunggong.
"Maupo ka riyan! At ipaghahain kita!"
Bakit ba lagi na lang umi-eksena ang lalaking ito?
Ngunit bago pa ako tumalikod ay nakita kong kinausap ni Dos si Winston.
"Psst! Ikaw!" tukoy nito kay Winston.
"Ako?" tanong ni Winston.
"Oo. Ikaw! Pwede bang masolo ko muna ang babaeng 'to?" tukoy niya sa akin, na aking ipinagtatakha.
"Aba! Syempre! Walang problema! Boss, sibat muna ko," paalam nito sa akin na agad ay lumabas nang silid-lutuan. Tatawagin ko pa sana ito, ngunit waring nananadya itong aking sandig na malakas ang topak.
Tumalikod na lamang ako, upang sana ipaghain na ang gunggong— ngunit ako'y nagulat nang biglang may humapit ng aking baywang, mistulang nakayapos siya sa akin.
"Ano ang kailangan mo?" aking tanong.
"Kailangan ko? Gutom ako, Delzado..." Aniya, nang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
"Nagugutom ka pala bakit hindi ka maupo roon, at ipaghahain kita!" aking iwas. Ngunit hinigpitan nito ang pagkakayakap sa aking baywang.
"Tapos ng maihain, baka naman pwedeng patikim..." Hinawi niya ang buhok ko na lumalaylay sa aking noo, gamit ng kanyang mga daliri sa kaliwang kamay. Ang kanyang mga mata'y tila nangungusap at ang mga labi niya'y waring nanunudyo. "—gutom na ko, gusto ko nang kumain," bulong niya sa huling mga salita sa aking kaliwang tainga.
Tila nakaramdam ako ng kakaibang kiliti, pagkat halos dumikit ang mga labi nito sa balat ng aking tainga.
Agad ay lumayo ako sa kanyang pagkakayapos, gumuhit ang ngiti sa kanyang labi na wari ba nanunukso ito.
Ano bang suliranin ng gunggong na ito?
"Maupo ka na roon!" sinunod naman niya ako. Naupo siya sa tapat ng isang mesa rito sa silid-lutuan, at bago pa ako tumalikod ay napansin ko ang bahagyang pagkagat nito sa kanyang ibabang labi. Ako naman ay kumuha na ng kanyang makakain.
Ano at nakakaramdam ako ng kakaibang bagay? Na ngayon ko lamang naramdaman— ang kanyang mga tingin sa akin ay tila hindi normal.
Ano bang mayroon? Gumising ka Huadelein!
"Bakit hindi ka sa sala maupo?" Aking tanong, nang matapos akong magsandok ng kanyang kanin at ulam.
"Mas gusto ko rito, nandito ang masarap kong pagkain—" wika nitong nakangiti, at diretsong nakatingin sa akin.
Bakit waring may kakaibang hatid ang mga ngiti nito sa akin?
Inilapag ko sa harapan niya ang kanin at ulam kasama ng kutsara at tinidor, agad siyang sumubo.
Ngumunguya pa ito nang magsalita.
"Ang sarap mo naman pala—"
Ako'y napalingon sa kanyang sinambit.
"I mean ang sarap mo naman pala magluto," wika niya.
Tss!
Naupo ako sa bakanteng salung-puwit sa kanyang harapan.
"Pagkatapos mong kumain, tumahimik ka na sa kadaldalan mo," aking wika.
Hindi siya nauubusan ng kanyang sasabihin. Tss!
Sunod-sunod ang subo niya ng kanin, talagang gutom ang isang 'to.
"H-Huadelein, t-tubig—" napansin kong tila nabubulunan siya kaya naman ay agad akong kumuha ng tubig sa ref, naglagay agad ako ng tubig sa baso at iniabot sa kanya.
"Ayos ka lang ba?"
"Ayos na—" tugon nito.
"Ang siba mo kasi! Iyan ang napapala mo," aking wika.
"Gutom lang—" aniya, tsaka umismid. Ngunit naging seryoso rin ito agad, "Delzado, huwag mo na ulit ipapahawak ang kamay mo kay Jace—"
Natigilan ako sa kanyang sinambit, ano ang suliranin ng gunggong na ito? At pati si Jace na aking sandig ay pakikialaman niya?
Nanatiling tikom ang aking bibig.
"—Makita ko pa uli na hawakan ni Jace ang kamay mo, lagot siya sa'kin," anito.
"Ano at parang nagbabanta ka riyan?"
"Di ako nagbabanta, totoo ang sinasabi ko Delzado—" aniya pa.
"Yo! Boss! Nakaluto ka na pala—" sulpot ni Azerine kasama ang mga kaibigan ni gunggong.
-------
Itutuloy...
Karagdagang Kaalaman:
Sagigilid- hindi malaya, walang sariling tahanan, walang ari-arian at hindi maaaring mag-asawa ng walang pahintulot, itinuturing na pag-aari ng kanyang panginoon o pinaglilingkuran.
Tandaan: Si Milan ay aliping sagigilid o itinuturing man na uripon. Ngunit hindi ito nangangahulugan na siya'y walang kalayaan. Sa puod ng Rajah Bagani, ang mga sagigilid ay kasambahay na maituturing ngunit may kalayaan gawin ang kanilang nais sa araw ng kanilang pamamahinga. Kung araw ng kanilang trabaho, ay kailangan nilang magpaalam sa Rajah kung sila'y lalabas ng puod para sa mahalagang gampanin.
Mapaglalangan- maloloko, maisahan, isahan.
Pultahan- Gate.
-Papel📝🍑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top