Kabanata VI: PUOD













KABANATA VI: PUOD




--





Huadelein's PoV



Halos umiwas ng tingin sa akin ang katapat ko ngayon, habang nakaupo ako at umiinom ng alak. Katapat ko ang lalaking may tatlong band-aid sa mukha katabi si George na nakakapit sa braso niya. Tss! galing umacting! Wala akong masambit, kung nakapapaslang lamang ang titig marahil ay napatay ko na ang Ethan na ito. Kanina ay nagtatanong si George hindi niya masabi na ako ang gumawa niyan sa kanya, tsk! Tsk!








*Pagbabalik-tanaw*



Halos kasabay kong pumunta ang puro pasa sa mukha na si Ethan sa waiting area, nakapag palit na rin ako ng damit. Syempre! Hindi naman maaaring magtungo ako ng bar na amoy pawis. Kahiya iyon ano! Lahat kami ay nakapag-palit na at wala nang naka p.e uniform. Pagkalapit no'ng Ethan ay siya ang agad na napansin ni George.



"Hello babe— babe! Anong nangyari sa face mo? Sino gumawa niyan sa'yo?" Tanong ni George na nag-aalala.



"Sus! Wala 'yan! Harutan lang namin 'yan nila Cleo kanina, ayon! Napasobra," tugon niyang pagsisinungaling. Hindi niya masabi na ako ang gumawa niyan sa mukha niya. Hindi niya matawag na babe si George rito ah.



"Naku naman babe! Sa susunod naman mag ingat kayo, nagkagalos ka tuloy at nagkapasa," nag-aalalang ani Georgia.



Sus! Kulang pa nga iyan, eh! Tss! Hindi ko na pinakinggan at pinanood pa ang eksena nilang dalawa. Ang nais ko na lamang ay umuwi ng balay, kaya lumakad na lang ako palayo ngunit bigla na lamang



"Saan ka pupunta Ganda?" Akbay sa akin ni Whisky,"Hindi ka pa aalis sasama ka pa sa amin sa bar," wika nito.



"Ay! Perfect! Andito na rin si Ganda!" masayang saad ni Rica.



Tss! kanina pa 'ko nasa harap niyo ngayon niyo lang napansin? Tsk!


*Pagtatapos ng balik-tanaw*






"Huadelein, baka gusto mo pang uminom?" Nakangiting inaabot sa akin ni Ethan ang bote ng alak, tss! Hindi ko tipo ang ibinibigay niya. Hindi niya ba nakikita? Ang dami pang laman nitong bote ng Vodka.


"Hindi. Salamat na lang, kuntento na ko sa Vodka," simpleng tugon ko.



"Sayaw tayo, babe!" Aya ni George kay Ethan, at nakakapit pa ito sa braso nito.



"Babe, wala ko sa mood sumayaw ngayon eh."



"Babe naman eh! Kagabi rin hindi tayo nagsayaw tapos ngayon, hindi na naman halika na babe," naglalambing nitong aya sa katipan, arte ng Ethan na 'to ah.




"Babe sor"




"don't say sorry, pagbigyan mo siya inaaya ka ng girlfriend mo," ani ko, na hindi man lang binalingan si Ethan sabay lagok ko ng alak na nasa baso ko.




"Okay, finelet's dance babe," aniya, na halata naman labag sa loob.



Tumayo sila at pagtalikod naman nila sa akin, ay nilingon ako ni George at mahinang sinenyasan ng—




"Thank you!"




Ngumiti na lamang ako tulad ng aking nakagawian, nakatalikod ako sa dancefloor— dito talaga ko umuupo hindi ko nais makita ang mga taong nagsasayaw na halos naghihipuan na. Napa-iling na lamang ako sa aking iniisip sabay lagok ko sa baso, gusto ko sanang tumingin sa likuran ko ngunit batid ko naman na masaya siya habang nakikipagsayaw sa gunggong. Sunud-sunod ang lagok ko ng alak, medyo tinatamaan na rin ako— tiyak ay tulog ako nito kaagad pagdating ng balay.




Iinumin ko na sana ang alak na nasa baso, nang may biglang kumuha ng baso sa kamay ko.




"Tsk! Tsk! Masama sa babae ang nagpapakalasing," sabay lagok niya sa baso ko.




Anak ng gunggong! Tsk!




"Wala kang pakialam, tsk!" Nag-order pa 'ko ng vodka, atsaka hindi pinansin ang maingay na lalaki.




"Woi! Babae! Tama na 'yan, ang dami mo na yatang nainom." Ano bang pakialam ng gunggong na 'to?



"Pakialam mo? Ikaw ba umiinom? Tss!"



Pakilamero ang gunggong na 'to.



"Tingnan mo nga 'yang mga mata mo, namumungay na!" Kinuha niya ang bote ng Vodka sa mesa, talaga naman! Sumusobra na ang isang 'to.



Hinila ko ang damit niya upang marinig ng gunggong na 'to ang sasabihin ko.



"Dos! Hindi ko sinabing pakialaman mo ako! Iinumin ko kung anong gusto ko inumin, at wala kang pak" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil biglang dumating sina George, Ethan, Whisky, at Rica.



"Anong nangyayari ditey?" Tanong ni George, napabitiw na lang ako sa damit ni Dos. Hindi ko alam kung galit si George o sadyang ganoon lang siya dahil ang akala niya ay pinaglalaruan ako ni Dos.




"Ui! Dos, anong ginagawa mo kay Ganda?" Sunod din niyang tanong.




"Hoy! Dos! Huwag mo itulad sa ibang babae si Ganda na pwede mong isama sa hotel, ha! Naku ka! Malalagot ka talaga sa'min!" Sunod din na wika ni Rica.



Ganito ba talaga nila ako protektahan? Tsk! Tsk! Nakatutuwa naman.



"Ano ba kayo girls, hayaan niyong magpaliwanag ang gwapo kong kaibigan," singit ni Ethan.



Tumahimik naman ang tatlo.



"Grabe kayo sa'kin! Kahit magandang lalaki ako! Marunong naman ako gumalang ng babae 'no!"



Kanya-kanyang bigay ng reaksyon naman ang tatlo.



"Talaga lang ha?" George.



"Sus! Maniwala sayo," wika naman Rica.



"Lakas ng aircon, paki patay nga," dagdag pa ni Whisky.



"Alam niyo, nakita ko lang naman 'tong kaibigan niyo rito sa bar! Mag isang umiinom! Hindi lang halatang lasing 'yan pero tingnan niyo 'yong mga mata niya namumungay na! Atsaka babae 'yan uuwi pa 'yan sa bahay nila, isipin niyo nga!" Paliwanag ng gunggong na parang uusok na ang ilong.




"Wow, pare! Ang ganda ng speech mo, ikaw na!" Ani ng gunggong na si Ethan.



"Tch! Pakyu!" Bulyaw ni Dos sa kaibigan.




Parehas silang mga gunggong!




"Ganda! Ano ginawa sayo niyan?" Tanong ni George sa akin sabay upo nito sa upuan.



"Wala naman, kinuha niya kasi 'yong bote ng Vodka ko eh! Ayaw niya ibigay," aking wika, sabay kuha ko ng isang baso na may laman na alak at lagok dito. Hindi ko alam kung kanino iyon basta ininom ko na lamang.




Ang totoo ay nahihilo na talaga ko. Ngunit hindi ko maunawaan minsan kung bakit kahit ako'y may tama na ay, gusto ko pa rin uminom ng alak.



"Eh! Pangawalang bote mo na 'to Ganda, tama na! 'Wag ka ng uminom," ani Georgia, habang hawak ang bote ng vodka na puno pa ng alak.



Takte! Tila babagsak na ang talukap ng aking mga mata, ang aga ko naman yatang antukin.



"Okay, sige." Aking tugon. Sinikap kong maging maayos ang aking boses at hindi tonong naka inom.



"Inom tayo pare!" Rinig kong aya ni Ethan sa tropa niyang pakilamerong gunggong.



"Sige, pero konti lang, ayoko tumulad sa isa diyan! Lasing na!" Ako ba ang pinariringgan ng gunggong? Napakahusay! Tutugon na sana ako ngunit biglang narinig ko ang isang kilala ko na boses.




"Yo! People!" Bungad niya. "Woah! Huadelein, 'nga pala, hinahanap ka na sa inyo halina at umuwi!" Ligtas na naman ako.



Tumayo ako atsaka nagpaalam na sa kanila, sinikap ko na hindi maging tonong naka inom.



"Una, na 'ko," aking paalam sa kanila, atsaka sinikap kong lumakad ng maayos.



Noong nakatalikod na 'ko narinig ko pa 'yong boses ng Dos.



"Galing! Parang di lasing."



Sarap batuhin ng bote ng gunggong na 'yon ah!



Pagkasakay ko sa kotse ni tomboy ay agad din bumagsag ang talukap ng aking mga mata, ngunit bago pa man ako tuluyang humimlay sa pagkakatulog ay narinig ko pang nagsalita ang tomboy.



"Mukhang nalasing ka boss ah," sa tono ng boses niya ay halatang nakangiti ito.













Azerine's PoV



Maaga akong nagising dahil may lakad talaga ang gwapo ngayon, hinihintay ko lang magising si boss Huadelein. Syempre! Nakapagluto na 'ko ng agahan 'no! E-ewan ko lang kung magustuhan ni boss hehe, napakamot na lang ako sa ulo. Habang nagtitimpla ako ng kape naalala ko ang mga sinabi ni boss kagabi habang tulog siya sa kotse.











*Pagbabalik-tanaw*



Habang nagddrive ako pauwi sa condo biglang nagsalita si Huadelein.



"Subukan mo lang talagang saktan 'yan, papatayin talaga kita Ethan"



Nilingon ko siya kung gising pa ba siya pero, tulog naman! Napa-iling na lang ako, hay! Hanggang sa panaginip si Georgia pa rin boss? Pakiramdam ko maraming nangyari kay Huadelein ngayong araw.




"Boss... Lakas yata ng tama ng alak sa'yo ngayon ha?" Asa naman akong sasagot 'yan. "Hanggang sa panaginip si Georgia pa rin, 'yon! Doon talaga malakas ang tama mo!" Saad kong nakangisi.




"Hindi pa nga ko lasing! Akin na nga 'yang vodka ko..." Rinig kong sabi nito.



"Hahahaha! Hanep, boss! Sino ba 'yang mukhang umagaw ng vodka mo? Patayin ko na ba?" Sasagot kaya siya? Hahahaha.




"Wala kang paki! Ako 'yong umiinom! Sinabi ko bang pakilaman mo ko ha? Dos?" Sabi nito, habang nakapikit ang mga mata.



Pfft! Hahahaha, alak pa boss!



"Langya! Boss, si Dos ang umagaw? Aba! Iba rin ang loko 'no?" Tanong ko, kahit alam kong hindi siya sasagot.



"Anong tinatawa-tawa mo tomboy? Gusto mo bang ibaon na kita sa lupa?"
Halos tumayo ang balahibo ko sa katawan nang marinig iyon, agad ko siyang nilingon pero mukha naman malalim ang tulog niya. Nakahinga ako ng maluwag atsaka itinuon ang paningin ko sa daan.


*Pagtatapos ng balik-tanaw*






Nakangiting umiiling ako, nang biglang may sumulpot sa harap ko.



"Ano 'yang niluto mo?" Tanong niya.



"Scrambled egg boss! 'Yan lang kasi alam kong lutuin eh!"  Sagot ko.



"Hindi ako kumakain ng sunog na itlog, at masyadong mamantika na sinangag! Tss!" Kinuha niya ang sinangag at pumunta sa kitchen. "Halika ka nga rito tomboy! Ganito ang tamang pag prito ng itlog na HINDI SUNOG!" Nagbasag siya ng apat na itlog, binati ito ng maigi at nilagyan ng kaunting asin. Ibinuhos ang binating itlog sa mainit na mantika sa kawali, mayamaya pa ay binaliktad niya ito at kinuha. Inilagay sa plato sinunod niya ang sinangag na mamantika! "May kanin ka pa ba riyan?" Tanong niya.




"Meron pa boss, sandali kukunin ko lang," sagot ko.



Kinuha ko ang rice cooker at iniabot sa kanya, inalis niya ang mantika sa kawali na pinagprituhan ng itlog atsaka inihalo ang tirang kanin sa rice cooker sa sinangag na niluto ko. Na ngayon ay nasa kawali na, mayamaya ay hinain niya na ito.



"Wow! Boss, iba ka talaga! Ako hindi man lang kayang magprito ng hindi nasusunog ang itlog at magsangag ng kanin," saad ko.



"Kaya mo, kung gugustuhin mo" sagot ni boss, habang naglalagay ng ketchup sa ibabaw ng sinangag na nasa plato niya.



"Naku! Malabo 'yan boss! Kaya nga kapag nag-asawa ako ang pipiliin ko talaga 'yong marunong magluto."



"Tss! Maaari rin lalaking kusinero..." Ani boss.



"Lalaki, boss? Babae, ang gusto ko! Hindi lalaki."




"Lalaking magaling magluto, at tiyak akong kahit wala kang alam sa pagluluto ay mamahalin ka pa rin, tss! Baka nga sambahin ka pa kahit medyo tamad kang ilagay ang medyas mo sa basket mo," wika niya.



Ang labo kausap ni Huadelein, tsk! Atsaka babae ang gusto ko hindi lalaki. At paano napasok ang medyas ko rito?



Ay! Putek! Nakakalat pa pala 'yon sa sahig ng kwarto ko.



"Boss! Matanong ko lang si Georgia ba magaling magluto?" Tanong ko.



"At paano napasok sa usapan si Georgia, ha?" Tanong naman niya pabalik.



Talaga 'tong si Huadelein ang sungit, parang ang damot? Alam niyo 'yon? 'Yong tipong nagtanong lang ako ayaw magbigay ng sagot, anak ng! Ang gulo ko!



"Dali na Huadelein, sagutin mo naman ako! Ano nga? Magaling ba siya magluto?"



"Hindi ko alam, hindi ako ang katipan niya para ipagluto ako ibigsabihin! Hindi ko pa natitikman ang luto niya, at mas lalong hindi ko alam kung nagluluto nga ba siya." Hindi naman pala madamot eh, kailangan lang pilitin hahaha.



"Ah boss, Hanggang anong oras ka pa rito?" Tanong ko.



"Pagkatapos kong kumain." mabilis niyang sagot.



Ayos! Makakapagpa pogi pa ko nito.



"Okay, boss."




"Bakit mayroon ka bang lakad?" Tanong niya.



"Meron akong date ngayon boss," sagot ko naman.



"Talaga? Kanino?" Usisang tanong niya.




"Kay powder, boss!" sagot ko.




"Maaari ba na sagutin mo ako ng maayos?" Tanong nito.



Seryoso na 'yan! Anak ng! Hindi talaga mabiro eh!




"May date kami ni Calla, 'yong nililigawan ko, boss?"




"Tapos, sino si Powder?"



Ay putek! Hindi niya ba gets? Calla Powder! 'Yong commercial sa tv.




"Boss! Si Powder at Calla ay iisa, tinatawag ko lang siyang powder kasi kapangalan niya 'yong kinu-commercial sa tv na Calla powder"



Sana naman naintindihan niya na.





"Hindi ko maunawaan." sabay layas niya sa harap ko, at inilagay sa sink ang plato niya pati na rin ang pinaglagyan ng sinangag. Wow! Ang dami no'n! Ang takaw! Eh, ako nga, hindi pa natatapos sa kinakain ko eh.











Georgia's PoV



Nakahiga at nag uunat pa lang ako ay amoy na amoy ko ang mabangong sinangag at tuyo, kaya naman agad akong napabangon lumabas nang kwarto. At bumaba ng hagdan nagtungo sa kusina, at naabutan ko si pudra na naghahain na ng agahan.




"Maganda pa 'ko sa umaga!" Masayang bati ko kay pudra.



"Alam kong maganda ka anak, pero magmumog ka muna bago ka humarap diyan sa mesa at kumain," sabi ni pudra.




Si pudra talaga! Tuwing umaga niya na lang akong sinasabihan ng ganyan, pero lab ko 'yan! At lab din ako niyan. Gulat kayo 'no? Parang ang lambing niya sa'kin? Tanggap niya ako mga bakla! Tanggap niyang ganito ako! Bata pa lang ako sinabi ko ng iba ako sa mga kalaro kong lalaki. Hayon! Sabi ni Mudra at pudra alam daw nilang sirena ako. Ang buong akala ko nga magagalit sila, pero hindi! At masaya ako dahil tanggap ng pamilya ko na isa akong sirena at dyosa.




"Opo, pudra! Ay! Sila mama pala nasaan?" Tanong ko.



"Gising na ang mama mo, naliligo lang, 'yong dalawa mong kapatid, hayon! Tulog pa, napuyat sa kapapanood ng k-drama," sagot ni papa.



Naghilamos at nagmumog na ako at pagkatapos ay dumiretso na ako sa hapagkainan.



"Oh, paano ba 'yan? Una na ako anak ha, maaga ang pamamasada ko ngayon," paalam ni pudra.



"Eh! Kumain na ba kayo pudra?" Tanong ko ritong naglalambing.



"Oo naman, anak. Aba'y! Ang aga'ng ayain ako ng mama mo kumain aray! Mama naman!" Sabi ni papa na nakangiti pero bigla siyang binato ni mama.



"Hoy! Florencio! Ano na naman 'yang pinagsasabi mo sa anak mo? Ang aga-aga eh!" Singit ni mama, pinulot naman ni papa ang suklay na ibinato sa kanya ni mama.



Haha para silang mga teenager.



"Anak di ba? Wala naman sinasabi ang papa?" Tanong ni papa sa akin.



"Opo, ma! Wala naman po talaga eh! Bukod po sa sinabi ni pudra na maaga niyo siyang inayang kumain" sagot ko.



"Florencio Princesa!" Nagbabantang tawag ni mama sa pangalan ni papa.



"Hehehe! U-una na ko! Ba-bye anak ba-bye mama!" Mabilis na lumabas nang pinto ng bahay si papa.



Hahahaha naiwan akong kumakain at si mama naman, ay haha nakita kong pasimpleng ngumiti.










Huadelein's PoV



Pagkagaling ko sa bahay ni tomboy ay umuwi ako agad ng balay. Naligo, nagsipilyo  at nagpalit ng damit dali-dali akong kumilos at kinuha ang isang baril, mabilis kong isinara ang pinto ng balay. Wala akong oras na dapat aksayahin, agad akong pumasok sa kotse at nagdrive automatikong nagsara ang gate. Kailangan kong makausap ka ama.



Pagkarating ko ng Puod ay bumungad sa akin ang mga mandirigmang bantay, hindi naman sila nagtangka na ako ay harangin pagkat batid nila na ako ang anak na Binukot ng Rajah na nag-aaral sa labas. Sa aking pagpapatuloy na pagpasok ng Puod, ay naabutan ko sa daan ang mga batang naglalaro ng kanilang mga kampilan, na gawa sa kawayan. Na tiyak ay gawa ng kanilang mga Baba. Napangiti na lamang ako, kapag nakikita ko ang mga bata sa aming puod ay hindi ko maiwasang mainggit, pagkat hindi ako nagkaroon ng buhay tulad nila.



Sa aking patuloy na pagmamaneho, ay nakita ko pa ang mga mandirigma na mukhang kagagaling pa lamang ng balay ng Rajah. At ang mga Ginang na may dala-dala ng kanilang mga labahin, na tiyak na magtutungo ng ilog upang doon ay maglaba. Ang mga Alabay at mga Babaylan na hindi tumitigil na umikot sa puod upang tingnan ang bawat balay kung mayroong sakit ang mga mamamayan.



Ang ilang mga bata na namimitas ng mga bunga sa isang mayabong na puno, at ang aming mga Sagigilid ay napansin ko pa. Tiyak ay dadalhin nila ang mga bunga na kanilang pinipitas sa balay ng aking Amang Rajah. Wala pa rin pinagbago ang puod, payak at payapa pa rin ang pamumuhay rito na siya kong binabalik-balikan.



Sa balay ng aking amang Rajah ay naabutan ko ang kapatid kong mukhang paalis. Saan na naman kaya ang lakad nito? Mas matanda pa siya sa akin ngunit tila bata kung mag-isip! Bumaba ako ng sasakyan, at nilapitan ang aking kapatid bago pa siya makapasok ng kotse niya ay agad ko siyang pinigilan.




"Saan ka magtutungo? Helena?" Mariin kong tanong.



Itong babaeng 'to bibigyan ko 'to ng  Pinaka Utu-utong Babae, na titulo! Bakit? Nagpapakatanga 'to sa lalaking hindi naman siya iniibig! Kaya lang naman naging sila dahil gusto siya ng lalaki sa katangahan niya! Niloloko na nga siya— heto! Sila pa rin! Ewan ko ba kung ilang helmet ang nakapatong sa ulo nito at hindi mauntog-untog.




"Saan pa ba? Eh di sa mall! Duh! Let me go!" wika niya.




Puro na lang mall? Puro waldas ng salapi!



"Hindi, hindi ka aalis! Pumasok ka sa loob ng balay! O kakaladkarin kita?" Maniwala kayo o sa hindi, kahit mas matanda siya sa akin at mas matangkad kayang-kaya ko siyang kaladkarin papasok ng balay. Ilang beses ko nang nagawa iyan! Kulang na lang ay ikadena ko 'yan sa kama niya.




"Isusumbong kita kay Baba!" pananakot niya sa akin! Anong akala niya natatakot ako? Tss!




"Magsumbong ka! Sasamahan pa kita!" Padabog siyang pumasok ng balay, nakita ko naman ang bata kong kapatid na naglalaro ng bata-bata niya. Nginitian ako ng mga namamahay na bantay sa kanya. Sampung taong gulang na siya at ang paglalaro ay malaking parte ng kanyang buhay, ngunit mabibigla ka sa dami niyang nalalaman. Sa aming mga magkakapatid siya ang pinaka matalino, at dahil sa katalinuhan nga ng kapatid kong iyan ay muntik na siyang hindi makapag kindergarten. Ngunit nakiusap si ama sa namamahala ng paaralan, dahil kailangan ng aking kapatid mamulat sa ganoong kapaligiran. Ngunit hindi rin iyon nagtagal at dito sa balay na lamang siya nag-aral, may guro na lamang na nagtutungo rito upang siya'y turuan.




"Bai Huada, narito pala kayo ang inyong nakatatandang kapatid na lalaki at ang inyong amang Rajah ay parating na, mangyari lamang ay hintayin niyo sila sa tanggapan ng inyong ama," wika ni Abay.




"Daghang salamat, Abay," atsaka nagtungo na 'ko sa tanggapan ng aking ama kasunod si Helena.




"Ano? Hindi ka pa rin nauuntog?" Panimulang tanong ko sa kanya.




"Tch! If it's all about Prince! My God sis! how many times do I have to tell you that I love him? And alam kong alam mo na mahal niya ko," wika nito, heto na naman siya sa pagsasalita ng wikang banyaga.




"Oh! here we go again, telling in front of me! That you love him! Look Helena! that f*cking guy you've said, you love! --doesn't love you! Wake up! Hayan! Nag ingles na ako masaya sa ka na? Helena! maraming beses mo na nahuli iyon na may kasamang ibang babae!"



Nakakapag salita talaga ako ng wikang banyaga kung minsan dahil sa kanya.




"Bakit ba hindi mo 'ko magawang suportahan, ha? Im your big sister!" Aniya.




At paano ko siya susuportahan sa pagiging aanga-anga niya?




"Bakit naman kita susuportahan sa pagiging tanga mo sa lalaking iyon? Tigilan mo nga ang pagsasalita ng wikang banyaga nasa puod at nasa balay ka ng Rajah at sige! Nasa sayo nga ang titulong "Umbo" ngunit wala eh! Tila mas matanda pa 'ko sa iyo kung mag-isip, Umbo Helena!"



"Hindi ka ba nag-iisip? Pinsan siya ng magiging fiance mo! Maganda ang pangalan nila" wika nito.




Pangalan lang ba ang mahalaga sa kanya?



"Iyan lang ba ang tangi mong iniisip? Ang magandang pangalan? Alam mo mas gugustuhin ko pa na magkaroon ka nang mandirigmang katipan! Alam mo kung bakit? Dahil mas tiyak pa 'kong mamahalin ka ng mandirigma na yaon, kaysa sa gag*ng 'yan! At ang babaw ng pagmamahal mo! Dahil lang sa may pangalan kaya di mo mabitiwan? Tss! Lumang tugtugin na iyan Helena, ngunit binabalaan na kita ngayon pa lamang. Papatayin ko 'yang si Prince!" Mariin kong wika.





Hindi siya naka-imik at lumabas na ng silid, lumipas ang sampung minuto bago bumukas ang pinto at pumasok ang aking amang Rajah at ang aking isa pang nakatatandang kapatid na si Ubu Isagani.




"Himala at wala ang iyong mga sandig, ama," aking panimula.




"May pinagawa lamang ako sa kanila, mayamaya rin ay narito na rin sila, bakit naparito ka nga pala anak ko? Kumusta? Handa ka na ba sa gaganaping kasiyahan?" Tanong ni Ama.




"Tungkol riyan Ama, hindi ko nais maging fiance si Nemesis," aking wika.




"Bakit? Gusto mo na ba siyang mapangasawa kaagad? Anak naman, kailangan niyo munang maikasal huwag kang" Hindi ko na pinahintulutan pa si ama na magsalita.




"Ama! Batid niyo ang tinutukoy ko, alam niyong hindi ko ibig magpakasal sa kanya"




Naramdaman ko ang biglang pagkapit ng nakatatanda kong kapatid sa aking braso, dahilan upang ako ay matigilan, batid kong sinasaway niya lamang ako.




"Anak, hindi ko magagawang tanggihan ang tita Lilibeth mo, pagkat pagkatapos ng kasal niyo ay ikakasal din kami," tugon ng aking Amang Rajah.




May napansin akong surveillance camera sa paligid. Itinikom ko na lamang ang aking bibig atsaka inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak ng aking kapatid.




"Paumanhin ama, mauuna na ko," aking paalam sa kanila.



Dali-daling lumabas ako ng silid, at napansin ko ang aking tapat na tagasilbi.




"Milan."



"Bai, nagagalak ako at nagbalik ka sa ating puod," bati niya sa akin na nakangiti, at ito ay yumukod bilang papugay.




"Naparito lamang ako upang kumustahin ang aking ama, may nais akong iutos sa iyo Milan"



"Ano iyon Bai?" Kanyang tanong.




"Nais kong magmatiyag ka, sa babaeng makakaisang dibdib ng aking ama at iulat mo sa akin ang malalaman mo ukol dito. Mahigpit kong inuutos sa iyo na walang sino man ang makaalam nito."



"Maaasahan niyo ako, mahal  kong Bai."


--




Nasa kalagitnaan ako ng klase ni Binibining Augusta, ngunit wala akong nauunawaan sa sinasabi at itinuturo niya. Ako'y naririndi sa usapan nila George na puro patungkol kay Ethan ang kanilang paksa. Tss! Araw pa lamang ng martes ngayon ngunit tila tinatamad na akong pumasok, at ang isa pang bagay na pumapasok sa aking isipan ay ang engagement party.




"Boss! Boss!" Tawag niya sa akin.




"Bakit? May problema ba?" Aking tanong.




"Wala naman boss, eh! Ikaw boss, ayos ka lang ba? Tapos na 'yong time ng subject ni Ma'am Augusta, oh! Nakaupo ka pa rin diyan, ano bang tinitingnan mo diyan sa blackboard? Bukod sa kulay green 'yan" wika nito.




Napatayo ako dahil sa sinabi ni tomboy, isinukbit ko agad ang backpack ko sa aking kanang balikat, lumakad ako palabas ng silid-aralan.




Hindi ko man lang namalayan ang oras.



"Boss! Ayos ka lang ba?" Tanong niya muli habang naglalakad kami.




Ayokong matali sa taong hindi ko gusto at iniibig, kailangan kong gumawa ng paraan, hindi maaari ang gusto nila.





"Boss!"





"Boss!"





Napahinto ako sa paglakad nang humarang sa harap ko si Azerine.




"Boss! Ano ba!? Bakit parang lumilipad 'yang isip mo? Dalawang araw ka ng ganyan ah, may problema ka ba?" Tanong nito sa akin.



Gusto kong sabihin kung ano ang aking suliranin, at tiyak akong magugulat siya sa aking sasabihin sa kanya.



"Boss, noong huli kitang nakitang ganyan no'ng gusto ka ipasok ng tatay mo sa training roomkaya sigurado akong may problema ka..." Halos maiyak na wika nito, napaka-iyakin talaga ng tomboy na 'to!




"Uhog mo! Kadiri!" Iwas ko ng tingin sa kanya.




--





"ANO!? IKAKASAL KA KAY NEMESIS?" Gulat niyang tanong.




"Sinabi ko bang lakasan mo ang boses mo? Tss! Baka nakakalimutan mong nasa loob tayo ng paaralan?"




"Sorry naman, t-teka! Kailan ang kasal?" Tanong niya.




"Pagkatapos ng dalawang taon, at tiyak naman akong pagkatapos iyon ng ikalabing-walo kong kaarawan," aking tugon.



"Senior high na tayo no'n ah! Seryoso ba talaga ang Rajah na ipapakasal ka kay Nemesis?" Tanong nito.



"Mukhang seryoso siya pero alam mo noong naka-usap ko sila mayroong maliliit na surveillance camera sa loob at labas ng sasakyan, meron ding tatlong itim na kotse na nakasunod sa sasakyan ng ama ko," aking saad.




"Anong ibig mong sabihin, boss?" Tanong niya.



"May duda akong minamanipula ng Lilibeth na iyon si ama, dahil maging mismo ang opisina ng tatay ko sa balay ay may mga surveillance camera na noon naman ay wala," aking tugon.




Tiyak ako may nangyayari sa aking ama ngunit kailangan ko itong alamin.




"Base sa mga sinabi mo Huadelein hindi basta basta ang Lilibeth na sinasabi mo, hindi lang siya ordinaryong babae na dinadala at pilit na ipinapakilala sa inyo ng Rajah, anong balak mo ngayon?" Tanong nito.



"Kailangan ko ng impormasyon, tungkol sa Lilibeth na 'yon ngayon ko lang siya nakita," aking tugon.



"Kung tita siya ni Nemesis, ibigsabihin isa siyang Nemesis?" Tanong nito.



"Tiyak, mag tiya nga sila hindi ba?"



"I mean, kasama siya sa grupo nito, at posibleng kinuntsaba ni Nemesis ang tita niyang si Lilibeth, para makuha ka at dahil nga sa makapangyarihan ang Lilibeth na iyon ay kaya niyang paikutin sa palad niya ang Rajah." Nakuha niya rin.




"Tama ka!" Aking tugon.



"Mukhang mahaba-habang misyon 'to ah!" Nakangiti niyang wika.



"Una na ko," paalam ko.



"Boss? Seryoso ka? Magc-cutting k" Hindi na naituloy pa ni Azerine ang kanyang sinasabi.





"HUADELEEEEIN!!! GANDAAAA!!!"





Kilala ko ang boses na iyon, ah... Malayo pa lang kilalang-kilala ko na. Hihingal-hingal siyang huminto sa harap namin ni tomboy.




"Ganda! 'wag kang mag c-cutting!" hinihingal pa rin niyang saad, tsk! Tatakbo-takbo kasi! Pwede naman lumakad lang.



"'Wag kang mag c-cut! Bad 'yon! Halina at umakyat!" Tiningnan ko si tomboy na ngiting-ngiti, siya siguro ang nagsabi na magc-cut ako ngayon. Wala naman akong sinabi kina George tsk!




"Huadelein inaaya ka na ni George, hindi ka ba nahihiya? Sinundo ka niya pa rito sa waiting area." Kung maaari ko lang siyang murahin ngayon, haissst! Sinamaan ko siya ng tingin dahilan upang manahimik siya.




"Halika ka na George, iwan natin ang tomboy," aya ko kay George.




"Halika na bilisss!" Nakangiti niyang ani, sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin.



At naramdaman ko na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko.




-------


Itutuloy...











-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top