Kabanata LXX: Ang Mahabang Gabi
Kabanata LXX: Ang Mahabang Gabi
---
Huadelein's PoV
"Ganda..."
Nang marinig ko ang kanyang tinig ay awtomatikong ako'y napalingon.
"Ganda, pwede bang tumabi?"
Tumango na lamang ako, dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Batid kong nasaktan ko siya sa aking mga nasambit sa kanya kanina lamang ngunit— ako'y nasaktan rin sa hindi ko inaasahan na kanyang pag-amin. Siya at si Mr. G. Ay iisa.
Inilapag niya ang baso sa aking kaharap na maliit na mesa, atsaka nagwika...
"Ang galing talaga nila kumanta 'no?"
Isang maliit lamang na ngiti ang itinugon ko, tila ako ay naiilang pa dahil sa naganap kanina.
"Ahm— Ganda, p-pasensya ka na kanina ha, alam kong nabigla ka. Ako, ako rin naman nabigla sa usapan natin kanina, alam kong gusto mo siya— pero kahit alam ko 'yon, umamin pa rin ako." Mabilis niyang hinawi ang luha na nagbabadya tumulo.
Pinakinggan ko lamang siya, kahit ako ay nagpipigil ng aking mga luha.
"Umamin ako, Ganda— dahil ayaw ko na masapawan ako ni Dos sa'yo..."
Naipagsaklop ko ang aking mga palad atsaka tumalikod sa kanya, upang hindi makita ng iba ang mga luha ko na tumutulo sa sakit. Tila ang puso ko'y dinudurog sa kanyang pagluha at sa kanyang mga sinasambit ngayon, na waring mga matatalim pana na tumatagos sa akin.
Georgia...
"Ayaw ko man masapawan, at sa takot ko na mawala ka sa'kin umamin ako— pero ang totoo— alam ko sa puso ko na talo 'ko! Dahil alam ko, siya ang nag-mamay-ari ng puso mo. At wala na 'kong puwang, kaya naisip ko no'ng una na magpanggap si Mr. G. Para maibaling mo ang isip mo sa iba, nagtagumpay ako sa ideya na 'yon... Pero talo pa rin ako, dahil siya ang gusto mo," aniya.
Pilit kong pinipigilan ang aking paghikbi. Hindi ko alam ang itutugon sa kanya.
"Ganda, kahit anong mangyari nandito lang ako gugustuhin ka, gugustuhin kita, kahit di mo 'ko pansinin, o ipagtabuyan mo 'ko gugustuhin pa rin kita." At naramdaman kong hinalikan ako nito sa aking ulo, at batid ko na lumakad na ito palayo.
Georgia, paumanhin. Ngunit hindi ko alam kung sa papaano ako tutugon sa iyong mga sinambit. Nasasaktan ako ngayon, dahil kaibigan kita.
Third Person's PoV
Hating gabi na, ngunit wari ang lahat sa puod ng Rajah ay gising pa rin at tila walang balak magpahinga ang Kapunuan.
"Kapunuan, nagising na ang Bai Helena mula sa kanyang pagkawala ng malay kanina lamang," wika ng isang mandirigma.
"Mainam, si Lakay?"
"Siya po ay nasa tabi ng Bai, at binabantayan ito," tugon ng mandirigma.
"Humayo na kayo, at tumuloy sa inyong gawain," wika ng Rajah.
Humayo na nga ang mga ito.
"Tila napakahaba ng gabi na ito, Atubang," aniya.
"Tama kayo, Kapunuan. Aking Rajah, huwag sana kayong magagalit sa aking iwiwika. Sa aking sapantaha, ay mabuti na rin na si Helena ay makipag-isang dibdib kay Lakay," wika niya.
"At bakit mo naman nasabi iyan, Atubang?"
"Marami nang napatunayan si Lakay na siya'y mabuti, at kailanman ay hindi kayo tinalikuran wala akong nakikita upang tutulan ang pag-iibigan ng dalawa at isa pa, sila'y nasa hustong gulang na upang magpasya sa kanilang naisin sa buhay," wika ng Atubang.
"Ngunit Lakay, nakatakda ikasal si Helena kay Prince sa pamangkin ni Lilibeth—"
"TAMA! Kaya hindi ako makapapayag na ikasal si Helena sa Zero na 'yon! Tanging sa pamangkin ko lamang siya nakalaan!" Biglang Singhal ni Lilibeth.
Sa pagkabigla ay hindi nakaimik si Atubang.
"Mauuna na 'ko, Kapunuan," paalam ng Atubang.
"Lilibeth..."
Azerine's PoV
Naglalakad ako papuntang cr ngayon, tang*na! Tinamaan na 'ko sa iniinom namin tapos 'yong mga tomboy ang gugulo pa! Ipinipilit na gusto ako ni Martin.
Maalala ko nga lang kanina habang kumakain siya ng barbeque...
~~Flashback~~
"Sarap naman nito," sabi niya, habang kumakain ng barbeque.
"Syempre! Kami yata ni boss ang nagtimpla ng sauce nito 'no," sabi ko.
"May napapansin ako, Azerine," aniyang seryoso. Ano naman kaya 'yon?
"Ano 'yon?"
"Ang cute mo lalo pag pinagpapawisan," sabi niya.
Natahimik ako sa sinabi niya, at parang uminit ang pisngi ko.
~~End of flashback*
Tapos kanina nabigla ako, kasi panakaw niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi naman ako pumalag. Anong meron? Bakit di ko siya tinutulan? Ibigsabihin ba no'n? Gusto ko 'yong ginawa niya? Okey naman siya. Kaya lang after no'n, parang nagsungit si Argo.
Pagpasok ko ng cr, isinara ko ang pinto at diretso umupo sa bowl pero nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto ng banyo, sa halip na tumayo ako sa pagkabigla. Eh! Nanatili akong nakaupo di pa 'ko tapos umihi eh!
"Taragis ka! Anong ginagawa mo rito!?" Bulyaw ko.
Sa halip na sagutin ako nito mabilis 'tong lumapit sa'kin at niyakap ako.
"Woi! Ano ba!? Hindi pa 'ko tapos umihi! Bitiw!"
"Ayoko! Dito lang ako!"
"Isa!"
"Kahit magbilang ka pa 1 to 100! Hindi ako bibitiw at aalis rito! Dito lang ako!"
"Tang*na! Baka mamaya may pumasok rito at makita na ganito tayo—"
"Naka lock 'yan! Kaya dito lang ako, Emo may labs!"
"Tang— Argo naman! Pa'no 'ko itataas pantalon ko nito!?"
"Oh! Hayan!" Aniya.
Niluwagan niya konti ang pagkakayakap sa'kin. Pero!
"Makikita mo pwet ko! Nag-iisip ka ba!?"
"Eh ba't ka pa mahihiya!? Makikita ko rin naman lahat 'yan soon!" Sabi niya.
Napahilamos na lang ako dahil sa sinabi niya. Tang*nang Argo na bakla 'to!
"Pikit! Pumikit ka na lang!" Sabi ko.
"Ba't ako pipikit?"
"Basta pumikit ka na lang, putang—"
"Ito na! Ito na!" Sabi niya, sinunod naman ang sinabi ko.
At mabilis kong itinaas ang pantalon ko, at nag flash pero kakaflash ko lang nang bigla akong isandal ng bakla sa pader.
Petengene!
"Argo— Ano ba!?"
"Anong, ano ba ha!?"
"Amats ka na naman! Di mo na lang itulog 'yan!"
Nabigla ako nang ibagsak niya sa pader ang palad niya.
"Matutulog ako kung katabi kita! Pero tang*na! Ba't ganoon, Emo!? Ba't pinahawak mo kamay mo sa kanya!?"
Nakita niya ba 'yon?
"Ano!? Ba't di ka makaimik!?"
"Wala 'ko ipapaliwanag sa'yo, Argo!"
"Pinagtataksilan mo na 'ko ganoon? Ganoon ba 'yon, Emo!?"
Gag* talaga ang isang 'to.
"Ano bang sinasabi mo diyan!?"
"Emo! Alam mo kung ano ang sinasabi ko ngayon!" Aniya, amoy na amoy ko 'yong pabango at alak sa katawan niya.
"Wala lang 'yon, huwag mo bigyan ng malisya 'yon! Tropa lang kami," sabi ko. At hahawiin ko na sana siya pero— bigla niya inilapit ang mukha niya.
"Tropa!? Hmmp! Ganoon ka na pala ngayon tumanggap ng tropa!?" Sabi niya at ismid. Parang kinabahan naman ako bigla sa baklang 'to dahil sa pag ngisi niya.
"Huwag mo 'ko subukan, Emo. Baka hindi ka na rito makalabas ng virgin pa," sabi niya.
Halos manayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Tengene! Seryoso ba siya sa pinagsasabi niya!? O dala lang ng espiritu ng alak!? Kasi kahit nakainom siya kakabahan ako eh. Eh may kargada siya eh!
Napalunok na lang ako sa iniisip ko.
"Hehe! Argo, relax! Pramis! Tropa lang kami ni Martin! Tsaka siya nga hawak lang ng kamay pero ikaw halos gahasain mo na nga 'ko eh—"
" 'Yon nga punto ko eh! Akin ka na! Magpapang angkin ka pa sa iba!? Tang*na, Emo! Akin ka lang! Walang iba pwedeng umangkin sa'yo! Kundi ako lang!"
"Sus! May Ireah ka, ui!" Sabi ko at umalis sa harap niya pero— hinila ako nito pabalik pagkasabi ko no'n!
"Anong sinasabi mong Ireah!? Hindi ko kilala 'yon!" Sabi niya at mabilis ako nitong sinunggaban ng halik.
Tang*na.
Huadelein's PoV
Matapos ang aking pag-iyak ay ibinaling ko na lamang ang aking sarili sa pangasi na aking kaharap ngunit...
Nabigla ako nang may bumato sa ulo ko. Tansan? Takip ng soft drinks lang pala! Kasabay no'n ng may...
"Pssst!"
"Pssst!"
"Pssst! Pssst! Lika na!" Sabi ng isang boses.
"Lika na, tulog na tayo, tama na 'yan," sabi niya pa, papalapit sa'kin.
Inaninag ko siya. At akalain mong magandang ginoo pala ito.
"T-tayo!? Matutulog?"
"Oo. Lika na," aniya.
Sandali lamang, sino ba ang taong 'to!? Napangisi na lamang ako.
"Hahahaha! Tayo matutulog!? Di pa 'ko tapos sa pangasi ko oh!" Sabay pakita ko ng bote.
"Wala kong pake. Halika na, matulog na tayo, bukas na ulit," sabi niyang nakangiti at kalmado.
"Haha! Bukas ulit? Bakit hindi pa ngayon?" Tanong ko. Tama naman hindi ba?
"Kasi gabi na, ang mga baby pag gantong oras dapat tulog na," aniya na may paglalambing, atsaka hinawakan niya ang aking bisig.
"Ako baby? Ang akala ko ay malaki na 'ko, at hindi na sanggol—"
"Pfft! Baby kita. Ang cute cute mo Delzado, k*ng*na!," aniya. "Hali ka na, tabi tayo matutulog ha, WALANG E-EPAL!!!" aniya, at pinagdiinan na WALANG E-EPAL.
"Baby mo ko?"
"Oo. Baby kita."
"Ako? Ba-by mo!?"
"Oo nga. Baby kita, ikaw lang baby ko. K*ng*na, Delzado! Huwag mo naman ako pakiligin ng ganto," aniya.
"Ibigsabihin sanggol pa nga ako."
"Pfft! Hahahahaha! ILOVEYOU TO, Delzado!"
King's PoV
Tangna ng Dos na 'to! Bantay salakay sa Binibini ko.
"Bacon, matanong ko lang. Ganyan ba talaga 'yang Dos na 'yan?"
"Oo. Feeling sandig ni Huadelein, feeling tagabantay ng Bai namin," tugon ni Jace.
"Masanay ka na lang, brother," segunda ni Bacon.
"Ngayon, saan niya dadalhin ang Bai niyo!?" Tanong ko.
"Tingnan na lang natin," sabi ni Tres.
Georgia's PoV
Sobrang nagseselos ang bakla ngayon, inaamo ngayon ni Dos si Ganda para tumigil na sa pag-inom dahil halos maubos niya na kasi ang napakalaking bote ng alak. Ni wala man lang pumigil sa kanya na inumin 'yon mag-isa, pero si Dos talagang nakabantay siya kay Ganda.
"Besh, okay ka lang ba?" Tanong ni Whisky.
"Oo. Okay lang ako," sagot ko na lang.
"Georgia besh, hayaan mo na muna si Dos para kay Ganda ha, dahil hindi natin siya mapapaamo ngayon. Nararamdaman ko, sobrang lungkot ngayon ni Ganda," wika ni Rica.
Parang kinurot na naman tuloy ang puso ko.
"Oo. Pero, ang sakit pala kapag nakikita ko na sa personal kung gaano sila kalapit sa isa't-isa. At ako, parang ako 'yong panira sa kanila—" Hindi ko mapigilang ani, habang pinanonood sila sa di kalayuan.
"—Ako, 'yong unang nakilala niya. Ako, 'yong unang nagpatibok ng puso niya, ako 'yong una niyang kaligayahan, ako 'yong una niyang heartbreak, pero ang lalaking 'yan— siya, ang huling nakilala. Siya, ang nagnakaw ng puso ni Ganda. Siya, ang kasiyahan ng babaeng gusto ko ngayon, at siya ang bumuo sa Ganda na sinaktan ko..."
"Bakla, naman..." Ani Rica.
Hinimas naman ni Whisky ang likuran ko.
"Masakit pero kailangan kong tanggapin, na hindi na ako ang gusto niya, kundi ang palos na nagnakaw ng puso niya."
Ireah's PoV
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko matanggap na nasabi 'yon ni Argo. Ready naman ako, pero hindi ko inaasahan na dito pa mismo pa sa rest house nila Cleo siya makikipag break sa'kin.
~~Flashback~~
Magkaholding hands kami ni Argo dito sa veranda, kahit alam ko na 'yong tomboy 'yong kinantahan niya kanina, okay lang sa'kin. Tuloy pa rin ako sa pagiging clingy ko sa kanya ngayon.
"Ireah, may sasabihin ako sa'yo," aniya, at bumitiw sa kamay ko. At humarap sa'kin.
"Ano 'yon? Munch? Gusto mo, munch time?" Paglalambing ko.
"Ireah, alam mo sa sarili mo na never tayo nag sexy time or sex time," aniya.
Alam ko. Ayaw niya eh! Kapag dumarating na kami sa punto na 'yon, agad siyang tumitigil.
"Argo, pa'no tayo magkaka sexy time!? Eh, ayaw mo! Ako nga 'tong gumagawa ng paraan para dumating tayo sa point na 'yon, halos ibigay ko na nga sarili ko sa'yo," sabi ko.
"At bakit mo naman ibibigay ang sarili mo? Sa isang REBOUND lang!?"
"Dahil gusto ko!"
"Gusto mo lang!? Hindi normal 'yon, Ireah!"
"Normal 'yon! Dahil boyfriend kita! Lahat ng gusto ko gagawin ko para sa ikasisiya ko!"
"Ikasisiya mo!? Tama! Dahil rebound mo lang ako. —Ireah... Pwede bang ako naman!? Pwede bang pagbigyan ko naman ang sarili ko!?"
"Anong ibig mong sabihin, Argo?"
"Ireah, nakikipag break na 'ko sa'yo—"
~~End of flashback~~
Bakit ganito? Para kong nasasaktan, di ba dapat hindi? Rebound ko lang siya.
-------
Itutuloy...
-Sorry po, sa napakatagal na Update. Sorry na talaga. Patawarin niyo na 'ko.🤧
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top