Kabanata LXVIII: Si Zero ang Katipan ni Helena












Kabanata LXVIII: Si Zero ang Katipan ni Helena.





--






"Baba, ako'y may katipan na!"





"Katipan? Ano itong sinasabi mo, Helena!?"









Azerine's PoV



Abala kami sa pag-inom ng alak nang mapansin ko, na hindi pa rin nakikita ng magaganda kong mata ang anino ni boss. Nasaan kaya 'yon?



"Woi! Winston, hindi ko pa nakikita si boss, nasaan na ba 'yon?" tanong ko.



Tumingin naman sa'kin ang dalawang tomboy.



"Andiyan lang 'yon, masyado ka nag-aalala lalo ka tuloy pumapanget," sagot niya.



Napakamot na lang ako sa ulo, sabay linga kung saan-saan baka sakali makita ko si boss. Saan ba nagpunta 'yon?



"Alam mo, Azerine. Itagay mo na lang 'yan, buset ka! Hayaan mo 'yon si boss, nagpahangin lang 'yon," sabi ni Hope na broken hearted!


Itong mga 'to, basta talaga alak ang kaharap hindi na makatayo. Sure ako, tinatamad na 'tong mga 'to maghanap kay boss.



"Cheers!" ani nina Rica at Whisky, sabay taas ng mga baso namin.



Napansin ko naman na papalapit sa amin si Georgia at nang makalapit siya.



"Woi! Kumusta, Georgia? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Rica.



Napansin ko lang, bakit parang maga ang mata nitong si Georgia?



"Wala, galing ako cr," sagot niya.



"Kung galing ka sa cr, anyare sa'yo gurl? Bakit parang maga mata mo? Para kang umiyak?" saad ni Whisky.



"M-may n-nangyari lang k-kasi sa bahay, pero okay na nagawaan naman nang paraan," tugon nito. "Ah! Anong ganap niyo?" Tanong niya.



"Ito! Dinadamayan si Hope na ipinagpalit sa boylet! Kaya gurl! Join na ditey! Walwal time!" wika ni Rica.



"Mukhang kailangan ko nga nito ngayon!" Ani Georgia, at binigyan siya ni Winston ng baso na may alak at diretso itong ininom. "Party!!!" anila.



Nakakapagtaka lang, parang may kakaiba kay Georgia.




Napansin ko naman na nakasulyap sa dako ko si Martin, at nahagip pa ng paningin ko sina Argo at Ireah na magkatabi. Magkaiba kasi kami ng mesa kami nila Winston, Hope, Rica, Wisky, at Georgia nasa iisang mesa lang. Nasa gitna naman ang mesa nila King, Jace, Tres, Bacon, at Martin. Ang group naman ni Dos, nasa unahang mesa katapat ang videoke sina Dos, Lyka, Argo, Ireah, Cleo, Ethan, at Zailen.




Bigla naman may sumiko sa tagiliran ko.




"Ikaw nga, Azerine. Jowa mo ba 'yang Martin?" tanong niya.



"H-hindi ko siya jowa, nasisiraan ka na ba ng ulo, Hope? Lalaki 'yan di kami talo," sagot ko.



Pero ang totoo kasi...



"Pero! Nililigawan ka," singit ni Winston.



"Ano? Nililigawan ka ni poging Martin? Ha? Pogi?" Tanong ni Georgia bigla, na parang nabuhayan.




"Huwag kayo maingay!" Senyas ko.




"Okay, pero totoo nga? Pogi?" Tanong ni Rica.




Nakatingin sila sa'kin, at naghihintay nang isasagot ko.




"Aah! A-ano, h-hindi ko masasabing ganoon, kasi wala naman siya sinasabing ganoong bagay na "ligaw" na 'yan," sabi ko.



Nakita kong sinulyapan ni Georgia si Martin na ngayon ay nakatingin sa'kin. Nginitian ako nito, nginitian ko rin siya pabalik.




"Pero iba siya kung makatingin sa'yo, Emozencio'ng pogi! At 'yong mga ganoong tingin, sign 'yan na inlove siya or may something special ka sa kanya," wika ni Georgia.




"Agree!" Whisky.




"Korek!" Rica.




"Tama!" Hope.




"Oh right! May nalilitong Azerine ngayon," ani Winston.




"H-huh!?"




Ganoon ba 'yon? 'Yong simpleng pagbibigay niya ng bulaklak? Chocolates? Pagkindat niya, at pagkurot sa pisngi ko? At madalas sabihin na cute ako? 'Yong paghahatid-sundo niya sa'kin sa school na walang bayad? At yong minsan na isama niya 'ko sa mga rides niya na kaming dalawa lang?




Pagpapakita ba 'yon ng panliligaw?



Napahigop ako sa papaitan, na nasa harap ko. Ang sarap naman nito.












Third Person's PoV




"Ano ba, Lyka? Kanina ka pa, kung pwede lang lumayo ka sa'kin," aniya na pabulong sa dalaga, na pilit nagsusumiksik sa kanyang tabi.



"Dos, naman! Gusto lang naman kita makatabi," tugon ng babae.




"Hindi pwede, walang tayo, Lyka. Kung pwede lang, lubayan mo 'ko," ani Dos.




Ngunit mabilis nitong ikinawit ang kanyang kamay sa braso ng binata.



"No! Dos, Ayoko! Dito lang ako sa tabi mo," pamimilit nito.



"Lyka, pasensya ka na mahal ko siya, at ayokong magkaroon ng bad record pa sa paningin niya," wika ng binata.



"Pero Dos, mahal kita! At siya wala naman pakialam sa'yo, kaya bakit hindi na lang ako? Mas maganda 'ko sa kanya, mas higit ako sa babaeng 'yon," saad niya.



"Huwag mo siyang ikumpara sa'yo, dahil ibang-iba siya! Higit pa ro'n hindi mo siya kilala," wika ni Dos.



"Ano bang nagustuhan mo sa tomboy na 'yon!? Ang weird weird niya! Hindi siya maganda, maliit siya! Mas lalaki pa nga yata sa'yo! Hindi siya bagay sa'yo!" saad ng dalaga na galit ngunit mahina ang boses.



"Tumahimik ka, huwag mo siyang insultuhin sa harap ko. Wala kang alam at karapatan, hindi kayo magkasing uri, tandaan mo 'yan," ani Dos at tumayo, tsaka umalis sa kinauupuan nito.



Paakyat siya ng hagdan papuntang rooftop nang makita ang isang dalaga, na nag-iisa na nakaupo sa hagdan. Ngunit nang mapansin niya na may paparating na anino, mabilis niyang hinawi ang mga luha sa pisngi at tumayo. Aanyo na sana ito nang mabilis na hinigit ng binata ang kanyang braso.






"Huadelein..."










Samantala sa puod ng Rajah.




"Ano itong sinasabi mo, Helena!?"




"Paumanhin, Baba. Ngunit totoo ang aking sinambit," wika ni Bai Helena, na maluha-luha.




"Helena!!!" Tiimbagang na wika ng kanyang amang Rajah.



Mabilis na lumakad si Lilibeth Hillary habang nakasunod sa kanya ang kanyang alalay, upang habulin si Bai Helena ngunit hindi niya na nagawa. Siya'y huli na, sapagkat nabanggit na ng Bai na siya'y may katipan na.




"Mahal ko! Anong nagaganap dito?" Tanong ng Dayang.



"Kung maaari lamang, Lilibeth. Ay tumabi ka muna, tuturuan ko lamang ng leksyon ang Bai kong anak! Na nuknukan ng katigasan ang ulo," nangangalit na wika ng Rajah.



"Sandali lamang, mahal ko! Huwag mong kagalitan ang iyong anak sa harap ng ibang tao, ito'y magiging kahihiyan"




"Hindi pa ba kahihiyan? Na sabihin niya na siya'y may katipan na!? At hindi na maaaring makipag-isang dibdib sa iyong pamangkin!?"




Nabigla si Lilibeth, ngunit sa kanyang isipan ay kailangan niya itong gawan ng paraan upang matuloy ang kasal ng kanyang pamangkin at ni Bai Helena.




"Magsalita ka, Helena sino ang iyong sinasabing katipan!? Banggitin mo ang kanyang ngalan!" Singhal ng Rajah. Hinawakan ng Kapunuan ang braso ng kanyang anak na babae, at pagkuwan ay halos itulak ito sa lupa sa harap ng lahat ng mga mandirigmang naroon.




"Kilala niyo siya, Baba!" Diretsong tugon ni Bai Helena. Natatakot man siya sa nangangalit niyang ama, ngunit mas takot siya na maikasal sa taong may masamang balak sa kanilang puod.




"Sino itong sinasabi mo na kilala ko, Helena!?" Tiimbagang na tanong ng Rajah.




Mabilis na pumagitna si Lilibeth dahil batid niya anumang oras ay maglalaho ang kanyang plano.




"M-mahal ko, huwag mo itong gawin sa iyong anak. Ayos lamang 'yan, maaayos natin ito kung maaari lamang tayo-tayo na lamang ang mag-usap sa loob, tayo na, mahal ko"




"Paumanhin, mahal ko. Ngunit hindi ko palalampasin ang kahihiyan na ito na dulot ng sarili kong anak," aniya. Halos matulala si Lilibeth sa pagbalewala sa kanya ng Rajah.




"Ngayon, Helena! Sino ang lalaki na sinasabi mo na iyong katipan!? Magsalita ka!!!"




Napansin ng Kapunuan na dumako ang paningin ng Bai sa mga mandirigmang naroroon.





"S-si"




"Sino!!?" Singhal ng kanyang ama muli.





"S-si"




"S-si Zero..."




"Mga MANDIRIGMA!!!" utos ng Rajah, dahilan upang tumutok sa binata ang maraming bangkaw ng mga mandirigma.



Nabigla naman ang katabi ni Zero na si Vano Collin, na pinipigilan bumuga ang tuwa sa mga labi nito. Iniisip niyang...




"This crazy guy are really want to die! Ang aga ko magiging bestman nito."




Matikas na lumuhod si Zero, habang nakatingin kay Bai Helena dahil may nakatutok rito na kampilan at mga bangkaw.




"Kapunuan, huwag niyong saktan si Helena, ako na lamang," wika ni Zero, habang nakatingin ng mataman sa Rajah.





"LAKAY!!!" aniya'ng galit kay Zero.












Huadelein's PoV





"Huadelein..."




Ako'y nabigla nang yakapin ako nito. Mabilis ko itong itinulak palayo.




"Huadelein, sandali! Gusto lang kita kausapin"




"Para saan? Sa anong dahilan?"




"Huadelein, pwede bang bumalik ka na sa dati? Hindi ikaw 'yan," anito.




Ano ang kanyang ibigsabihin? Na hindi ako ito?




"Ako pa rin ito, kung maaaring lamang ay aalis na" mabilis nitong pinutol ang aking sinasabi. At hinarangan ang aking sana'y daraanan.




"Hindi ka aalis, Huadelein! Hindi ka aalis, hanggat wala akong nakukuhang maayos na sagot sa'yo, ngayon lang kita nalapitan ng ganito ulit kaya hindi kita papayagan na lampasan mo lang ako ngayon," anito.



"Itigil mo na ang iyong kahibangan, Dos, kung maaari lamang"




"Kahibangan!? Kahibangan!? Na mahal kita? Na mamiss ka? Na mabaliw sa'yo? Kahibangan na hinihintay pa rin kita!? Siguro nga kahibangan 'tong nararamdaman ko sa'yo!" Atsaka ito'y umismid.




"Pero gusto ko 'tong kahibangan na 'to," aniya, atsaka ngumiti ng mapait.




Dahilan upang mabasag ang aking damdamin.





Dos...




Natuklasan ko pa lamang kung sino si Mr. G ngunit bakit ngayon pa ito sumabay? Pilit kong pinatutulog ang aking puso, ngunit ang lalaking ito... Bakit sa isang iglap nagagawa niyang gisingin ang damdamin na dapat ay manatiling nahihimbing?




"Paumanhin, Dos. Hindi ko mapagbibigyan ang kahibangan na nais mo." Halos mamaos ang aking boses nang sabihin iyon, tila sinasaktan ko lamang ang aking sarili. Nais kong lubayan niya ako, ngunit habang nakikita ko siyang tinatanggap lamang ang aking sinasambit ay tila napupunit ang puso ko.




"Alam kong nagsisinungaling ka, Huadelein."




"Mananatili ka sa aking puso... Ngunit ang pag-ibig ay walang puwang sa akin ngayon. Kung kaya't sana'y itigil mo na ito."



Tila lalo lamang ako nadurog, nang bitiwan ang mga salitang iyon.



"Huadelein, tingnan mo 'ko gaya ng datidahil sobrang miss na kita," aniya. Napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi dahil hindi ko alam ang aking sasabihin,"miss na kita, tang*n* lang ng puso ko, ayaw kang tigilan! Kung pwede ko lang 'to utusan, kung pwede ko lang 'to ibenta tang*n*, ginawa ko na!" aniya.




Pilit kong iniwas ang aking paningin. Hindi ko siya maunawaan.




"Dos..."




"Kahit ibenta ko 'to walang tatanggap nito, dahil nakapangalan na 'to sa'yo, lintek lang!"












Azerine's PoV




"Ano? Azerine? Nalilito ka na 'no?" Pang-aasar ni Winston. Tingnan mo 'tong tomboy na 'to, parang nasa hot seat ako ngayon ah.



"Paano hindi malilito 'yan? Eh, may papa Argo pa siya!" sabi ni Hope, sabay lagok sa baso niya.




"Oh! My! So, meaning! Love triangle itey!?" Saad ni Rica.



"Ganoon na nga, beshie!" sang-ayon ni Whisky.




"Kaloka! Ang haba ng hair ni Poging Emozencio," wika ni Georgia.




"Sheeesh! Sheeesh! 'wag niyo na idamay si Argo, tsaka huwag kayo maingay baka may makarinig eh," putol ko sa mga sinasabi nila.



"Ano naman kung marinig nila? Masisi mo ba 'yong dalawang Adan kung magkagusto sa'yo? Azerine, mukha ka kasing babae kaya ka nila nagustuhan!" ani Winston. Sumusobra na talaga ang tomboy na 'to. Ako mukhang babae? Anak ng tutya!




"Tama! Mukha kang pabebe girl! At hindi tomboy! Like us!" Gatong pa nitong Hope.




"Sinong pabebe girl na sinasabi niyo ha!? Suntukan na lang!" Paghahamon ko.





"Pabebe girl!" Sabi nilang sabay-sabay.




Anak ng! Nakagat ko na lang ang kamao ko sa gigil, dahil sa kaswal nilang sinabi. Tang*n*! Kailan pa 'ko nagmukhang babae at pabebe girl? Sa gwapo kong 'to?




"Tsaka halata naman kay Argo, na gusto ka niya, pogi!" Ani pa ni Georgia.




Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Hindi kami pwede ni Argo, may Ireah siya. Mananatiling tropa lang ako.




Atsaka narinig ko ang malamig na boses na kumakanta sa videoke.




"Ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya..."




"Woohooo!!! May hinaharanang tomboy!" Hiyaw ni Hope.




Gag* talaga!




Napayuko na lang ako, buset!





"Hope, pakiusap lang manahimik ka! Baka makalimutan kong broken hearted ka!" sabi ko.












Helena's PoV



Kami ay nasa silid pampanauhin, kapwa ay tahimik kami ni Zero na nasa harap ng aking amang Rajah. Si Lilibeth naman ay nakatayo malapit sa aking ama, kami lamang ang naririto kasama ang mga sandig at iilang bantay.



"Hindi ko lubos akalain, na may relasyon kayo ng aking anak, Lakay!" Sandaling huminto ang Rajah. "Ikakasal na si Helena, sa pamangkin ni Lilibeth na si Prince. Ano ang ibigsabihin nito, Lakay? Nasa iisang organisasyon lamang kayo, ikaw ba'y nagtraydor? O ako ang iyong sinaksak patalikod?" Tanong ng Rajah.




"Kapunuan, kailanman hindi ako nagtaksil kay Prince, dahil hindi ko naman siya naging kaibigan," tugon ng binata. "Higit pa roon, hindi ko kayo sinaksak patalikod. Kaibigan, at higit pa sa isang ama ang turing ko sa inyo, ngunit naaalala niyo ba noong panahon na iniligtas ko kayo? At binibigyan niyo ako ng gantimpala..."








Third Person's PoV



*Pagbabalik-tanaw*



Apat na taon ang nakararaan...



Sa isang paghamon ni Santiago Nemesis. Isang gulo ang pumutok sa organisasyon, ang malaking pangkat ni Santiago ay sumugod sa unang tarangkahan ng puod ng Rajah Bagani. May nais itong kamkamin, isang kayamanan na may malaking halaga at tiyak ay may malaking ambag sa bansa.




"Huwag silang hayaan na makapasok ng puod!" Utos ni Paragahin sa mga mandirigma.




"WOOOH!!! tugon ng mga mandirigmang nakikipagsagupaan sa mga tauhan ni Santiago.



Sa pagitan ng mga palitan ng bala. Ang Rajah, ay naipit sa panganib ng kamatayan, si Santiago ay may inilabas na pampasabog sa pagtangka na tuluyang paslangin ang Kapunuan.



"Mukhang ito na ang huli nating pagkikita, Bagani! Paalam! Kaibigan."



Mabilis na binaril ng isang binata na kararating pa lamang ang kamay ni Santiago, dahilan upang mabitiwan nito ang mapaminsalang pampasabog.




At mabilis nitong nilapitan ang Rajah, at inakay upang takasan ang napipintong pagsabog.




Isang malakas na pagsabog ang narinig sa lugar na yaon. Dumating ang mga kasapi ng organisasyon, dahilan upang umatras ang pangkat ni Santiago.




"Dito! Madali! Ang Rajah!" Sigaw ng binata sa tabi nito.




"Sino ka? Ano ang ngalan ng nagligtas ng aking buhay?" Tanong ng Rajah na nanghihina sa pagod at sa mga natamo nitong sugat.




"Zero, ang aking ngalan, dakilang Rajah," tugon nito.




"Tila mas mabuti kung tawagin kitang, Lakay, ang nagligtas ng aking buhay..." Anito.




Nang araw na iyon, sa Bulwagan ng Rajah.




"Isang karangalan ang makasalo ka sa piging na ito, Lakay..."




"Sa akin ang karangalan, Mahal na Rajah, daghang salamat sa pag-imbita," tugon ni Zero.



"Huwag kang magpasalamat, Ginoo. Utang na loob namin sa iyo ang pagligtas mo sa buhay ng aming Kapunuan, kami ang dapat na magpasalamat, daghang salamat, Lakay," saad ni Atubang, at silang mga sandig ay yumukod bilang pasasalamat sa Ginoo.




"Wala iyon, kahit sino ay gagawin ang ganoong bagay kung nasa panganib ang isang tao," saad ng binata.



Ngumiti ang Rajah.



"Lakay, bilang pasasalamat ko sa iyo ay humiling ka ng kahit ano at ibibigay ko bilang gantimpala," wika ng Kapunuan na tila nawili sa binata.



"Kapunuan, hindi na kailangan sapat na itong pangasi," tugon ni Lakay.



"Hindi matatawaran ang pagliligtas mo sa akin, kaya't humiling ka kahit gaano pa ito karami o kalaki ay ibibigay ko," saad ng Rajah.



"Nakakahiya, naman yata, Kapunuan."



"Nakatutuwa ka, Lakay. Mamalagi ka rito sa aking puod..."



Namalagi si Zero ng dalawang buwan sa puod, sa kagustuhan ng Rajah. At sa kanyang pamamalagi nga rito ay marami siyang natutunan, lalo na sa pamumuhay rito. Siya'y nagtungo rin sa balay ni Baba Digma.




"Baba Digma, kakaiba ang pamumuhay rito, nais kong manatili sa puod na ito kung ako ang papipiliin," wika ng binata.



"Kung gayon, ay mag-asawa ka rito, magaganda ang mga dilag dito," wika ng matanda.



"Si Baba Digma naman, ay sadyang mapagbiro! Ako'y bata pa upang mag-asawa," anito.




Nang siya'y bumalik sa balay ng Rajah, siya'y may naaninag na magandang dalaga sa balkonahe.




"Paumanhin, Dado. Sino ang babae na iyon? Na nasa balkonahe?"



"Iyan ba, Lakay? Si Bai Helena iyan! Mailap na anak na binukot ng Rajah, maganda ano? Nakabibighani ang kanyang ganda, hindi ba?" Wika ng tagasunod ni Isagani.




"Maaari mong hingin ang kanyang kamay, ibibigay ko ang aking basbas ngayon pa lamang, Lakay," wika ni Ginoong Isagani.




"Ginoong Isagani, huwag kang magbiro ng ganyan hindi ko nais na makuha ang kanyang loob ng sapilitan," wika ni Lakay.



"Hindi na 'ko nagtataka, kung bakit gusto ka ng aking ama, Lakay. Mabuti kang tao, tiyak ay mapapabuti ang aking kapatid sa iyo," wika ng Ginoo.




"Ginoo, wala akong sinabi na hihingiin ko ang kanyang kamay."




Napangiti na lamang si Ginoong Isagani sa tinuran ni Lakay.




Gaya ng sinabi ni Dado, ay mailap nga ang dalaga. Dahil ilang beses niya na itong nakikita nang malapitan ngunit hindi siya nito pinapansin.



Kaya't nang may isang pagkakataon na makasalubong niya ito, ay nagdala siya ng isang pirasong rosas. Alam niya kung anong oras ito lumalabas at bumabalik ng silid, kung kaya't hinintay niya ito sa pasilyong daraanan nito sa unang palapag.




Nang maaninag ang dalaga ay nagmadali ito, upang salubungin ang napaka ilap na binukot.





"M-magandang hapon, Bai," aniya pa na tila kinakabahan.




Anak ng maganda! Ngayon lang ako kinabahan dahil sa isang babae.





"Magandang hapon, Ginoo," tugon ng dalaga.




"Rosas nga pala, Bai. Paumanhin kung iyan lamang," wika ng binata.




Hindi niya alam kung kukunin ito ng dalaga ngunit pagkuwan ay kinuha ito ng Binukot.




"Daghang salamat, sa rosas," atsaka siya nito nilampasan.




Tila nawalan ng pag-asa ito ngunit... 





"Paumanhin, ngunit ano ang iyong ngalan, Ginoo?"




Humarap ang matikas na Lakay sa magandang binukot.




"Zero, o tawagin mo na lamang akong Lakay. Binibining Helena," wika ng binata atsaka kinuha ang kamay ng dalaga at hinalikan ito.





-------



Itutuloy...











-Tagal ko di nag-update, patawarin niyo na.

-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top