Kabanata LXIX: Si Zero ang Katipan ni Helena II











Kabanata LXIX: Si Zero ang Katipan ni Helena II





--





Humarap ang matikas na Lakay sa magandang binukot.



"Zero, o tawagin mo na lamang akong Lakay. Binibining Helena," wika ng binata, atsaka kinuha ang kamay ng dalaga at hinalikan ito.



Hindi nagtagal ay, nagkaroon nang matamis na pagtitinginan ang Ginoong Lakay at Bai Helena sa isa't-isa.



Tuwing hapon bago bumalik sa kanyang bukot si Bai Helena galing sa pook dalanginan, ay nagkakaroon sila ng maikling sandali upang makapag-usap. Napakaikling oras, ngunit ito'y sapat na upang makita ni Lakay ang Bai.



Ngunit dumating ang panahon na natapos ang pamamalagi ni Zero sa puod ng Rajah, kinailangan niya nang umalis dito. Sa huling araw ng kanyang pamamalagi rito, ay dito niya sasabihin ang kanyang nais na gantimpala.



Ang hingin ang kamay ni Helena, at pakasalan ito sa tamang panahon.



Ngunit nang siya'y magtutungo sa Rajah bago pa man ito magtungo sa bulwagan, ay nakita niya si Prince at Helena sa pasilyo na waring nagkakaunawaan.



Matiyagang naghintay ang binata hanggang sa makaalis si Prince, atsaka niya nilapitan ang Bai.




"Helena"




Tinawag niya ito ngunit tila hindi siya narinig dalaga.



"Helena! Mag-usap tayo." Harang niya sa dalaga.



"Paumanhin, Zero, ngunit wala akong oras na sa iyo'y makipag-usap pa," wika ng dalaga.




"Dahil ba kay Prince?"



Hindi nakaimik ang Bai.




"Ano 'yong nakita ko, Bai Helena?" Tinitigan ng Ginoo ang Bai sa mga mata nito, ngunit hindi ito makatingin sa kanya.




"Bakit? Hindi ka makasagot?"




"Paumanhin, Lakay, ngunit naghayag ng panliligaw si Prince sa akin," saad ni Bai Helena.




Halos matinik ang damdamin ng Ginoong Lakay nang marinig ang sinabi nito, ngunit hindi niya akalain na nanliligaw pala si Prince kay Bai Helena.



Para kay Zero ay kahibangan ang sinabi ni Helena, pagkat batid niya na kailanman ay hindi niya nakitang matino ang Prince na yaon pagdating sa babae.




"At ano ang iyong itinugon, aking Binibini?" Tanong ng Ginoo.



Matagal bago tumugon ang dalaga, tinitigan niya si Zero sa mga mata nito na nangungusap.



"Ako'y pumayag, na ako ay kanyang ligawan sapagkat batid ko na gusto ko siya," tugon niya.



Nasaktan si Zero sa itinugon ng dalaga, ngunit pinanghahawakan pa rin nito ang kanilang pagtitinginan. Batid niya na gusto siya ng Bai, ngunit ngayon ay bakit bigla ito nag-iba?




"Ngunit, Bai Helena, sa aking pagkakabatid ay tayo'y may pagtingin sa isa't-isa ano ito na iyong sinasabi na gusto mo si Prince?" Bulalas na tanong ng Ginoo.




"Marahil ay hanggang dito na lamang tayo, Ginoong Lakay, paumanhin ngunit hindi ko nais na ikaw ay paasahin," tugon niya, atsaka siya ay lumakad palayo sa Ginoo.




Hindi na hinabol pa ni Zero si Helena, batid niya na gusto nito si Prince sa kung anong dahilan ay hindi niya batid.




"Salamat, Helena... Ang mga ngiti mo na lang ang babaunin ko..."




Bulong niya sa hangin, atsaka basta na lamang binitiwan ang rosas na kanina pa nakasuksok sa kanyang bulsa.




Nakahanda na siyang lisanin ang puod kasama ang kanyang pusong sugatan nang magtungo siya, sa bulwagan ng Rajah upang magpaalam kung saan naroon ang lahat pati na si Ginoong Isagani at mga tagasunod nito.




"Lakay, aking kaibigan, hindi ka pa rin ba hihiling? Ganito na lamang bibigyan kita ng tatlong kahilingan, magwika ka," wika ng Rajah sa binata.




Sa pagkakataong iyon, ay pumasok sa kanyang isipan si Bai Helena. Ngunit...




"Ang aking unang kahilingan, Kapunuan, ay maisalba ang kumpanya ni Red," wika ni Zero.




Nabigla si Ginoong Isagani sa iwinika nito, sa kanyang palagay ito ay isang pagkakamali lamang. Batid niya kung ano ang kahilingan lamang nito.




"Baba, aking Amang Rajah, tila nagkakamali ng iwinika ang aking kaibigan na si Lakay," bulalas na wika ni Ginoong Isagani.



Bahagyang umiling si Zero, at maunawaan ito ng Ginoo.



"Ano iyon, Isagani? Batid mo ba kung ano ang hihilingin ni Lakay?"




"Wala, Baba, kalimutan niyo na lamang," tugon ng Ginoong Isagani.



Lingid sa kaalaman ng lahat, ang dapat sana'y kahilingan ni Zero ay hingin ang kamay ni Helena.




Ngunit, sadyang mabuting tao lamang ang binata sa labis na pagmamahal sa dalaga. Ay hinayaan niya ito sa kamay ng isang lalaki na hindi mapagkakatiwalaan.



Ginawa niya ito, sa ikasisiya ng babae na kanyang pinaka itinatangi-tangi.




"Isang kabulaanan ang iyong hiniling, Lakay, bakit hindi mo inihayag ang totoo na hingin ang kamay ng aking kapatid?"




"Batid kong ibibigay iyon ng Rajah, kung aking hihilingin ngunit hindi ko nais makulong si Helena sa piling ko na hindi naman siya masaya," aniya.



"Hindi ba't kayo'y may pagtingin sa isa't-isa? Kaya ano ang iyong sinasabi, Lakay?"



"Gusto ng Bai si Prince, at hindi ko maaaring tutulan iyon, Ginoo," tugon ni Zero.



"Paumanhin."



"Hindi ka dapat humingi ng paumanhin, Ginoo, hanggang sa muli!" Atsaka lumisan na ito.



Dala ang puso niyang pira-piraso.



~~Pagtatapos ng balik-tanaw~~











Third Person's PoV



"Kung gayon, ay noon pa man ang kamay ng aking anak ang iyo sanang hihingin, ang kamay ni Helena," wika ng Rajah.



"Tama kayo, Kapunuan," tugon ni Zero.



"Kung noon mo sana iyan hiniling, ay walang anu-ano ibibigay ko sa'yo ang kamay ni Helena, ngunit Lakay iba na ang kaganapan ngayon!" Wika ng Kapunuan.



"Nauunawaan ko, Kapunuan, ngunit iniibig ko si Helena, wagas ang nararamdaman ko sa kanya walang nagbago ni katiting mula pa noon," saad ni Zero.



"Sa iyong palagay, ay sapat iyan na dahilan!?" Singhal ng Rajah.



"Baba, huwag ho kayong magalit kay Lakay, pagkat mahal ko siya! Iniibig ko siya! Ako na lamang ang kagalitan niyo," pagitna ni Helena.



"Helena! Tumigil ka riyan! Sa pagitan lamang namin ito ni Lakay!"



"Ngunit, Baba!"



"Mahal na Rajah, ngayon ko na hihilingin ang ikalawa at ikatlo kong kahilingan" natigilan ang Rajah nang sambitin iyon ni Zero.



"Ang ikalawa kong kahilingan ay hingin ang kamay ni Helena, at ang ikatlo ay siya'y pakasalan dito sa inyong puod," mapangahas na wika ni Lakay.




"Zero..." Halos mawala sa sarili na bulalas ng Bai sa pagkabigla.




"Lakay! Lapastangan!" Bulalas ng Rajah.




"HINDI! HINDI MAAARI IYAN! Si Helena ay ikakasal kay Prince! Sa pamangkin ko!" Biglang pagitna ni Lilibeth Hillary.




"Tama si Lilibeth, si Helena ay nakatakda na ikasal sa kanyang pamangkin," pagsang-ayon ng Rajah.



"Naniniwala ako na may isang salita ang Rajah, walang dahilan o tutulan ang isang kahilingankailanman hindi ko pa nakita na sinira ng Rajah ang kanyang salita," matalinong saad ni Zero.




"Tama, si Lakay, Kapunuan," sang-ayon ni Atubang.



"At Baba, ako'y makikipag-isang dibdib kay Zero pagkat sa pagitan namin ay may naganap na!" Maanghang na wika ni Helena.




Nabigla ang binata sa sinabi ng katipan, sapagkat ang totoo ay wala pa naman nagaganap sa kanilang dalawa pagkat lubos ang paggalang niya sa Binibini.





"Lakay!!!" Singhal ng Rajah.




Halos lihim na matawa si Vano sa narinig. Oo, kasama sa silid na ito ang binatang Collin pinapasok siya ng Rajah bilang saksi sa pag-uusap na ito.




Tsk! Tsk! I can't believe this man! Aniya sa kanyang malikot na isipan.




"Kapunuan, sa aking palagay ay hindi niyo na kailangan pag-isipan pa ito," payo ni Atubang.




"Nakikita ko nga, Atubang," wika ng Rajah.




"Bagani!" Bulalas ni Lilibeth.











Huadelein's PoV



Nag-iisa 'ko umiinom, habang pinagmamasdan ang lahat na nagsasaya pati na 'yong gunggong, na animo'y nabuhayan matapos ako nitong pwersahin kausapin.



"Bakit? Nag-iisa ka yata? Bakit hindi ka dumikit sa mga tropa mo?" Tanong ng isang boses. Atsaka ito uminom sa kanyang hawak na bote.



"Gusto ko lang mapag-isa, at ikaw? Bakit hindi ka luminya kay Lyka? Ha, Ireah?" tanong ko.



"Hindi kami magkatulad ni Lyka, hindi ako mahilig sa tira-tirang biyaya," aniya.



"Tira-tira, na gusto mo pa rin ngayon," simpleng saad ko. Atsaka lumagok sa iniinom ko.




"Anong sinabi mo!?"



"Bakit galit ka? May nasabi ba 'kong totoo?"



"Ikaw! Headelein, simpleng maldita ka rin!," aniya.



"Kailanman, hindi ako nagmaldita, depende na lang kung ano ang dating ng sinabi ko sa'yo,"



Atsaka 'ko tumayo sa kinauupuan ko at lumipat ng ibang pwesto.



Nakita kong masaya na nag-iinom sila Georgia, mabuti naman kahit paano nagawa niya pa rin ngumiti sa kabila ng mga nasabi ko sa kanya kanina lamang.





"Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit..."




Nang marinig ko ang boses na iyon, ay naramdaman kong dumako sa akin ang mga pares ng mga mata. Anong suliranin nila?



Tss! Oo. Alam ko, ang gunggong ang kumakanta.




"Kapag naaalala ka, wala naman akong magawa... Umuwi ka na baby..."




"Umuwi ka na baby! Hindi na ako sanay ng wala ka mahirap ang mag-isa..."




Sabay-sabay nilang awit kasama ng mga sandig kong tila ako'y tinutukso, ang mga buwesit na 'to!




"UMUWI KA NA RAW, BOSS!" Hiyaw ni Azerine.




Sinenyasan ko ito, na tatamaan siya sa'kin. Tatamaan talaga sila sa'kin mamaya mga buwiset.



Napansin ko naman ang pag-irap sa akin ng dalawa na nilalang na Eba! Tss! Akala ba nila ay gusto ko ang pag-awit ni Dos? Sa kanila na ang gunggong na iyan!




Bigla naman may lumapit sa gawi ko.




"Natutuwa ka siguro ngayon na kinakantahan ka ni Dos," wika niya.



"Kung gusto magpalit na lang tayo ng posisyon, Lyka," simpleng saad ko.



"Hindi na, kung ikaw lang din naman," aniya.



"O kung nais mo ay paghatian niyo ni Ireah si Dos." Atsaka ako tumayo at kinuha ang isang malaking alak na bote sa gitna ng mesa nila Azerine.




Masarap yata ang pangasi na ito.



"Woi! Boss! Binili ko pa 'yan sa puod niyo!" Ani Winston.



Ikinaway ko ang alak pagtalikod ko, tsaka pumunta sa kabilang bahagi ng pool.




"Ganda..."



-------



Itutuloy...








-Grabe init ng panahon, pati pag ud ko apektado.🤧🥵

-Papel📝🤧

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top