Kabanata LXIV: BULAKLAK
Kabanata LXIV: BULAKLAK
---
Huadelein's PoV
Hindi maalis sa aking isipan ang babaeng abay ni Lilibeth Hillari, sa pakiwari ko'y tila nakita ko na ang mga mata na iyon noon.
"Si Ganda kaya lagyan natin ng make-up—" ani Rica.
"Oo nga, di ko pa nakikita si Ganda na may make-up eh!" Segunda pa ni Whisky.
"Ay hindi na 'no! Okay na ang natural beauty ni Ganda! Hindi na kailangan ng make-up," wika ni Georgia nang matapos talian ang aking buhok. "Oh! Ayan Ganda, cute di ba? Bagay lang sa maikli mong buhok." Tapat nito nang isang maliit na salamin sa akin.
"Salamat, Georgia."
"Walang anuman, Ganda!"
Bakit tila napakaganda ng ngiti ni Georgia ngayon? Siguro ay may nagpapasaya sa kanya kung kaya't ganyan na lamang ang kanyang ngiti.
"Georgia, tila kakaiba ang mga ngiti mo ngayon."
"Ay! Talagang kakaiba Ganda! Hindi mo naitatanong—"
Natigilan ito nang takpan ni Georgia ang bibig ni Rica.
"Hindi mo naitatanong Ganda, kasi tumama sa lotto ang tatay ko kaya ang saya-saya ko— di ba mga besh!?" Aniya.
"Ay! Oo. Kaya nga mamaya manlilibre 'yan si Georgia ng Bananaque!" Ani Whisky.
"Kung gayon, ay masaya ko para sa iyong ama Georgia."
Ngumiti ito sa akin habang takip-takip pa rin ang bibig ni Rica.
Bai Liwayway's PoV
Hmm! Nakatutuwa naman ang malaking bata-bata na ito na handog ni Bai Huada. Tiyak ay kagigiliwan ito ni Hera kapag nakita niya ito.
"Dayang Liwayway, tila kayo'y naaaliw sa malaking bagay na iyan," wika ni Milan.
"Sapagkat ay handog ito ni Bai Huada, oo nga pala! May ipinaaabot ang iyong alaga sa iyo Milan sandali lamang at kukunin ko."
Kinuha ko ang isang may kalakihang kahon. Ibinilin talaga ito sa akin ng Bai dahil hindi niya matagpuan si Milan noong sabado na kanilang pagbisita.
"Heto Milan, ang ibinilin sa akin ni Bai Huada para sa iyo."
"Sandali lamang Dayang, tila napakalaki naman ng kahon na ito— ano bang nilalaman nito?"
"Buksan mo Milan, nang makita mo kung ano ang nakatutuwang nilalaman nito."
Dali-dali niya itong binuksan at—
"Mga tsokolate! May mga pampaganda pa, at mga kasuotan pa na lubos na hindi makikita sa ating puod! Napakarami naman nito—"
"Para sa iyo 'yan Milan, ang sabi niya sa akin ay minsan ka lang raw niya mabigyan ng handog kung kaya't nilubos niya nang kaunti."
"Napakarami nito Dayang, at may mga bulawang alahas pa— ano naman ito?" Napansin namin ni Milan na mayroong sobre at dali-dali niya itong binuksan. "Mga salapi! Ang dami naman nito! Ano ba ang iniisip ng aking alaga? Hindi ko naman kaarawan," saad niya.
"Milan, nakatitiyak ako na karapat-dapat lamang ang mga bagay na ito sa iyo— kaya huwag ka na magtanong pa, mahal na mahal ka ng iyong alaga."
Kinuha niya ang isang maliit na sisidlan at binuksan ito, naglalaman ito ng isang bulawang kuwintas at may nakasabit na maliit na buwan. Na may mamahaling maliliit na bato.
"Hali ka Milan, at isusuot ko sa iyo."
Lumapit naman ito sa akin, at isinuot ko sa kanya ang isang napakagandang kuwintas.
"Dayang, tila hindi nababagay sa akin ang ganito kagandang kuwintas—"
"Huwag mong sabihin iyan Milan, kahit anong bagay na ibigay sa iyo ng iyong alaga ay tiyak ay babagay sa iyo— lalo na't totoo ang pagmamahal nito sa'yo." At niyakap ko ito.
"Hay naku! Ang alaga ko talagang si Huada," wika niya.
Nakatutuwa, mahal na mahal nila ang isa't-isa.
Argo's PoV
Kahahatid ko lang kay Ireah sa room nila, at naglalakad na 'ko sa hallway ng building namin nang makita ko si Emo. Ang nakakapagtaka lang may pinasok siyang bulaklak sa bag niya, para kanino kaya 'yon? Pero pinasok niya sa bag eh! Di kaya may nagbigay no'n sa kanya?
"Yo! Emo, paakyat ka na?"
"Malamang, nakikita mo naman di ba?"
"Tara sabay na tayo!" Sabay akbay ko.
"Kailangan talaga naka-akbay?"
Taena, parang habang tumatagal pabango nang pabango si Emo ah. Para 'kong natatakam, putya! Mukhang paiba-iba pa hairstyle niya pero astig pa rin.
"Malamang! Si Argo yata 'to! Matanong nga kita Emo, —para kanino 'yong bulaklak na pinasok mo sa bag kanina lang?"
"A-ano! P-para 'yon sa n-nililigawan ko!" Sabi niya.
Sabi na eh! Pero parang iba 'yong pakiramdam ko eh.
"Ah! Kay Kim?"
"O-Oo! P-para kay Kim nga!"
Para pala kay Kim.
"Sige, Argo! Una na 'ko!" Sabi niya, pero mabilis kong hinigpitan ang pagkaka-akbay sa kanya dahilan para mahila siya pabalik.
"Ano Emo? Di mo man lang ako namiss? Dalawang araw, na walang pasok sabado at linggo! Parang excited na excited kang pumasok sa klase niyo ah—"
"H-hindi naman sa ganoon, m-may Filipino subject pa mamaya! M-magkikita naman tayo ro'n!"
"Ayusin mo lang ah!"
"O-Oo! Teka! M-Maayos naman ako! Ewan ko lang diyan sa tuktok mo— bitiw na Argo! Mal-late ako sa klase, yari na naman ako kay boss—"
Tinanggal ko na ang braso ko, atsaka kumaripas siya ng takbo.
Ang babaeng 'yon. Para 'kong binabaliw.
Filipino subject.
Filipino subject na, pero di ko man lang nakita na nilingon ako ng tomboy. Parang may mali talaga eh! Panay pa dutdot niya sa cellphone niya. Sino bang ka chat niya? Baka si Kim.
"Munch! Bili mo 'ko softdrinks sa baba," paglalambing ni Ireah.
Tingnan mo 'tong babaeng 'to, kung kailan nasa kalagitnaan nang klase tsaka maglalambing. Hay naku! Mga babae nga naman.
"Sige, munch." Mabilis kong itinaas ang kamay ko para magpaalam kay sir Quinis na j-jingle ako. Pero dahilan ko lang 'yon para makabili ng softdrinks sa canteen. Di man lang lumingon talaga ang tomboy, dati naman pag naririnig niya boses ko lumilingon siya agad. Ngayon, parang hangin lang ako na di niya napansin.
Isa lang ako nagpaalam pero dalawa kami lumabas, kasama ko si Zailen na bumaba ng canteen para bumili ng softdrinks.
Pagkabili ko ng softdrinks nang saktong paglingon ko, nakita ko si Kim na papalabas nang canteen.
"Pre, sandali lang ah!" Sabi ko kay Zailen, at hinabol si Kim.
"Kim!?"
Lumingon naman siya.
"Yes!? Ikaw si Argo di ba?" Tanong niya.
"Ako nga."
"Hmmm... Bakit nga pala?" Tanong niya.
"Ah ano— binigyan ka ba ng bulaklak ni Emozencio?" Tanong ko. Ewan ko, pero parang iba talaga kutob ko sa bulaklak na ipinasok ni Emo kanina sa bag niya.
"Hindi," simpleng sagot niya.
"Hindi?"
"Oo. Hindi, bakit?"
"Teka! Di ba nililigawan ka niya?"
"Hindi. Halos 1week niya lang ako noon niligawan pagkatapos no'n tumigil na siya na hindi ko alam ang dahilan, sayang nga eh! Balak ko pa naman na siyang sagutin no'n," saad niya.
"Ganoon ba? Sorry huh, natanong ko pa," sabi ko.
"Okay lang, sige una na 'ko," paalam nito.
So, nagsisinungaling si Emo? Nagsisinungaling siya sa'kin? Bakit parang pakiramdam ko niloloko niya ko? Tama bang maramdaman ko 'to? Wala namang kami! Pero maski na! Nagsinungaling pa rin siya. Para saan pa at naging magkaibigan kami? Kung di siya nagsasabi ng totoo. May ibang babae ba si Emo na nililigawan? Kung ganoon, bakit di niya sa'kin sinasabi?
"Pre! Sino 'yon? Ganda ah!" Ani Zailen paglampas ni Kim.
"Si Kim, dating nililigawan ni Emo," sagot ko.
"Ah. Dati!? Eh di ba sabi mo sa'kin nililigawan 'yon ni Azerine hanggang ngayon?"
" 'Yon din ang akala ko, Zailen. Kaya nga tinanong ko si Kim kung binigyan ba siya ni Emo ng bulaklak— eh, nalaman ko na hindi siya binigyan—" napakagat ako sa ibabang labi ko. Di ko alam, pakiramdam ko pinagtataksilan ako ni Emo.
"Ba't mo naman naitanong kung binigyan siya ng bulaklak ni Azerine?"
"Kasi pare, nakita ko si Emo na may ipinasok na bulaklak sa bag niya kanina," sagot ko.
"Ba't naman niya ipapasok sa bag niya kung may nililigawan siyang babae? Eh kung ako 'yon, ipagyayabang ko pa 'yon, eh! Syempre magbibigay ako ng bulaklak sa babaeng nililigawan ko," saad niya. Dahilan para mag-init ang ulo ko. Taena! May mali talaga.
" 'Yan din ang tanong ko, Zailen. Bakit kailangan niya ipasok sa bag?"
"Hindi kaya— may nanliligaw sa kanya? At nahihiya siya na makita 'yon ng iba? Kaya ipinasok at itinago niya 'yon sa loob ng bag niya?" Wika ni Zailen.
Di nga kaya tama si Zailen? Na may nanliligaw kay Emo?
"Hindi ko alam—"
"Di naman malayo na may magkagusto kay Azerine na lalaki, eh gusto nga sulutin ni Cleo sa'yo yon eh!" Sabi ng gag*.
Tingnan mo 'tong ungas na 'to! Dinagdagan pa badtrip ko. Nabubura tuloy gandang lalaki ko eh.
"Gag*!"
Huadelein's PoV
Kalalabas ko pa lamang ng silid-aralan nang salubungin ako ni Georgia.
"Hi! Ganda! Tara na! Gora na tayo!" Aniya, hihilahin na sana ako nito nang maisip ko si Azerine.
"Sandali lamang, Georgia. Si Azerine pa—"
Di rin naman nagtagal ay nakita ko na si Azerine, at mabilis itong lumakad patungo sa amin.
"Tara na, boss! —Oh! Andiyan pala kayo Georgia, tara! Baba na tayo!" Paanyaya nito nang makalapit.
"Let's go!" Wika ni Whisky.
"Sayang, di 'ko na nasilayan ang mga papabols sa room niyo," ani Rica.
"Marami sa baba! Baklang 'to!" Ani Whisky.
Habang naglalakad kami ay namalayan ko na lamang na hawak na ni Georgia ang aking kaliwang kamay.
Pagbaba namin sa tarangkahan ng paaralan ay tila may hinahanap si Azerine. May nabanggit ito no'ng nakaraang araw na may service raw siya, baka iyon ang kanyang nililinga-linga.
"Ah! Boss. Una na 'ko, andiyan na sundo ko," aniya.
"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi," aking paalala.
"Sige, boss." At lumakad na nga ito, ngunit hindi ko makita ang sinasabi niyang sundo dahil maraming mag-aaral pa ang naririto ngayon. Marahil sa ibang pagkakataon ko na lamang alalamin kung sino at ano ang kanyang sundo.
"Tara na, maglakad na tayo nakaalis na si poging Azerine," paanyaya ni Georgia.
"Gusto mo kumain ng siomai, Ganda?" Tanong ni Rica.
"Oo. Gusto ko. Ngunit kayo, gusto niyo ba kumain?" Aking tanong.
"Oo naman, gorabells na 'yan!" Ani Whisky.
"Kumain ka ng marami Ganda huh, libre ko naman," ani Georgia.
"Hindi na Georgia, kawawa ka naman kung ililibre mo kami— nilibre mo na kami kanina ng Bananaque."
"Ganda, kailangan mo kumain ng marami para kasing nangangayayat ka," aniya.
Napatingin tuloy ako sa aking sarili. Pumayat nga ako. Sa dami ng aking iniisip minsan ay hindi na ako nakakain pa nang maayos.
Nasa bilihan na nga kami ng siomai, at nakita ko ang isang Ginoo na kumakain at itinigil niya ito nang ako'y makita niya.
"Magandang gabi, Binibining Delzado," pagbati niya nang makalapit sa akin.
"Magandang gabi rin, Ginoong Xeloxo," aking balik na pagbati.
"Ui! King! Binibini rin kami!" Protesta ni Rica.
"Paumanhin. Magandang gabi sa inyo mga Binibini," ulit niya sa kanyang pagbati. Kukunin sana ni King ang aking kamay upang halikan ngunit natigilan ito nang may pumalo rito.
"Hmmph! Bawal hawak, King!" Wika ni Georgia.
"Georgia, ano at inawat mo ang aking pagbibigay galang?" Tanong ni King, na tatawa-tawa.
"Bigay galang ka diyan! Nananantsing ka lang! Sa iba mo na lang gawin 'yan! Huwag kay Ganda!" Ani pa ni Georgia.
"Hahahahaha! Grabe naman. Tsantsing agad!"
"Huwag ako King!"
"Grabe siya oh!"
"Sige nga, halikan mo nga kamay ng dalawa!"
Tila naka-abang naman ang kamay nina Whisky at Rica. Dahilan upang ako'y lihim na matawa.
"Libre ko na lang kayo siomai!" Biglang wika ni King.
"Ay! Bastusan!?" Ani Whisky habang natatawa.
"Grabe King, ba't si Ganda gusto mo halikan ang kamay— magbigay galang ka rin sa'min," wika ni Rica.
"Hahahaha! Libre ko na lang kayo—"
"Wala!"
"Wala kang galang sa'min—"
Natawa na lamang ako sa kanila. Ngunit napansin kong nakatitig sa akin si Georgia, at ngumiti ito pagkuwan.
Ako yata ay may dumi sa mukha.
Napansin ko pa si Dos sa di kalayuan na nakatingin sa aming dako.
Argo's PoV
Palabas na kami ng gate habang lihim na sinusundan ko sina Azerine. Nagpaalam na nga siya kina Huadelein, teka! Putya! Mukha kong ninja sa ginagawa kong 'to. Aba! Ang gwapo ko namang ninja nito, haha!
Iniwan ko na sina Dos, mas mahalaga 'tong misyon ko. Si Emo ang pinag-uusapan dito, kailangan ko makita ang nililigawan niya. Napansin kong huminto si Emo sa tapat ng isang motor habang nakasakay rito ang isang lalaki na mukhang kasing-edad ko lang. Putya! Halata naman na mas magandang lalaki ako sa kasama niya.
Sinuutan niya ng helmet si Emo, at sumakay na siya. Bago pa man umandar ang motor inilagay ng lalaki ang kamay ni Emo sa katawan niya, ngayon nakayakap na si Emo sa kanya. At mabilis silang umalis.
Ba't may pagyakap? Ano 'yon? Ipagpapalit niya 'ko sa habal boy na 'yon? Tang*na! Ang gwapo ko magselos! Ako nagseselos? Oo, sabi ko nga nagseselos ako. Pero ang gwapo ko naman!.
Huadelein's PoV
Kinabukasan, ay maaga akong pumasok dahil nais ko magbasa sa silid-aklatan. Nang matapos akong magbasa ay nagtungo ako sa locker, pagkabukas ko nga nito ay may isang pumpon ng bulaklak.
At napansin kong may maliit na papel. At may nakasulat dito na...
Kumusta? Sa pinakamagandang babae na babasa nito. Gusto kong malaman mo na kahit anong ayos mo, napakaganda mo pa rin. At gusto kong sabihin na kahit anong problema na dumating sa'yo, sana ngumiti ka lang.
Mr. G.
Mr. G ? Napatingin ako sa aking kaliwat-kanan, ngunit wala naman ako ibang nakita na mag-aaral. Sino ka Mr. G. ? Ano at tila isa ka na sa gumugulo sa aking isipan?
Inamoy ko ang mga bulaklak, at may naamoy ako na tila kilala ko. Ngunit hindi ko matukoy kung kanino, o saan.
Mr. G. Sino ka nga bang talaga?
Bai Hera's PoV
"Ano at nakaupo ka na riyan? Hera?"
Ako'y tumayo at itinaas ang aking kampilan, na natatakpan ng tela ang kabuuan nito upang hindi ako masugatan habang nagsasanay kami ni Baba Digma.
"Ngunit Baba Digma, ako'y nahapo na—"
"Bai Hera, ang isang mandirigma ay hindi pumapayag na madaig ninuman," aniya.
"Iyon nga, Baba Digma! Hindi naman ako isang mandirigma kaya bakit kailangan ko magsanay gumamit ng kampilan?"
Tumawa ang aking inkong.
"Hera, aking apo. Paano kung may mangayaw sa ating banwa? Paano kung ang lahat ay abala sa pakikipaglaban? Paano ka? Sinong magtatanggol sa iyo?"
Tama si Baba Digma.
"Kung gayon, ay tayo na at magsanay Baba Digma!"
Third Person's PoV
Papasok sa isang magandang mansyon ang isang babaeng tila nabuhay muli mula sa kahapon. Dire-diretso lamang ito, tunog ng kanyang sapatos ang maririnig habang nilalakaran ang marmol na sahig.
Nagtungo ito sa silid ng kanyang pinaglilingkuran. Walang katok-katok, diretso lamang na pumasok sa silid at nagtungo sa taong nakaupo sa swivel chair at kumandong dito.
"how was your day, darling?"
"I'm fine, especially now that you're here." At hinalikan niya ito.
-------
Itutuloy...
-MasMagandaKaPaSaGabi🙃
-tara!ML!Let'sGo!
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top