Kabanata LXII: Ang Damdamin ni Liwayway











Kabanata LXII: Ang Damdamin ni Liwayway




--




Third Person's PoV


Isang napakaganda at kaibig-ibig na gabi, ngunit waring ito'y nasira nang makisalo ang Dayang sa magsing-irog.


"Heto Dayang, iniluto ko iyan para kay Isaganitikman ninyo," nakangiting paanyaya ni Liwayway, at iniabot ang pingganan ng isang tradiyunal na lutong adobong manok sa tila pihikang Dayang.


"Salamat" anito, kumuha siya nang kaunti atsaka kinuha ng kanyang abay ang pinggan at inilapag sa mesa.


Tinikman ng Dayang ang pagkaing inihain ni Liwayway. Sa pagnguya pa lamang nito ay mababakas sa kanya na hindi niya gusto ang pagkaing nasa kanyang bibig.


"Kulang sa alatkung maghahain ka ng pagkain sa Ginoo ay marapat na ito ay masarap Liwayway, sapagkat mas nakukuha ng babae ang isang lalaki sa pamamagitan ng kanilang tiyan," wika ng Dayang.


Nabigla si Liwayway sa isinambit ng Dayang, ngunit hindi niya ito ipinakita bagkus ay ngumiti atsaka—


"Sa susunod ay pag-iigihan ko na lamang daragdagan ko pa ng panimpla o di kaya'y toyo, daghang salamat sa inyong iwinika Dayang."


"Hindi mo na kailangan gawin iyon, aking Binibini sapagkat ang iyong bana ay hindi mahilig sa maalat na pagkain, tama lamang ang timpla nito para sa akin," aniya sa kanyang may-bahay, dahilan upang umaliwalas ang mukha nito.


"Paano na lamang kung may biglang sumalo sa atin na mga kaibigan ng iyong Baba? O isang mataas na tao, alam mo naman ang iyong Baba Isagani, madalas ay may panauhin," saad pa ng Dayang. Habang inis niya'ng hinihiwa ang karne ng manok sa kanyang pinggan.


Sa iwinika ng mistisang babae ay waring natinik ang loob ni Liwayway, iniisip niyang may punto ang Dayang.


"Dayang, kung ano ang nakahain sa hapag ay kakainin ng panauhin sapagkat wala naman silang ibang pagpipilian, at higit pa roon ay tiyak kagigiliwan nila ang luto ng aking may-bahay," wika ni Isagani, na ikinaluwag ng dibdib ni Liwayway.


Waring nabasag na pinggan si Lilibeth, nang ipagtanggol niya ang asawa at sabihin iyon ni Isagani. Hindi niya akalain na siya'y mapapahiya sa sariling bitag.


Pilit na ngumiti ang Dayang atsaka—.


"Tama ka, Isagani."



--




Matapos ang hapunan ay, nasa silid si Liwayway at lumuluha, iniisip niya ang sinabi ng Dayang kanina habang sila'y nasa hapag. Tila durog ang puso nito, kahit na siya'y ipinagtanggol nang kanyang asawa ay hindi maalis sa kanyang isipan ang sinabi nito matapos ang kanilang hapunan.



~Pagbabalik-tanaw~


Habang nagliligpit si Liwayway nang kanilang pinagkainan, ay sinadya siya ng Dayang kasama ang abay nito.


"Liwayway..."


"Dayang, ano at naririto kayo?"


"Nais ko lamang sabihin, na husayan mong magluto dahil kung hindi mo mapunan ng masarap na pagkain ang sikmura ng Ginoo, ay baka ito ay magsawa sa iyo, at tumikim ng luto ng iba..." Anito.


~Pagtatapos ng Balik-tanaw~




Patuloy ito sa pag-iyak, at hindi namalayan na maka-ilang ulit na kumatok ng pinto si Milan at pumasok na nga ito ng silid.


"Dayang Liwayway, ilalagay ko na lamang rito ang iyong mga kumot" ngunit natigilan ang tagasilbi nang marinig na may umiiyak.


Dali-dali nitong hinawi ang kurtina, at nadatnan ang Dayang na lumuluha.


"Ano't kayo'y lumuluha, mahal kong Dayang? Sino ang walang puso na sa inyo'y nagpa-iyak?"


Humarap ito kay Milan.


"Paumanhin, kung ako'y iyong nakitang lumuluha Milansapagkat hindi ko lamang mapigilan, naiisip ko pa rin ang sinabi niya"


"Sino? Sinong niya? At ano ang kanyang sinabi sa iyo?"


Isinalaysay ni Liwayway ang naganap kanina, at ito ang kanyang naging reaksyon.


"Ang Dayang Lilibeth, hindi niya dapat sinabi iyonngunit sinabi mo nga na ikaw ay ipinagtanggol ni Ginoong Isagani, wala kang dapat ipangamba Dayang Liwayway. Mabuting tao, ang Ginoo at batid ko na hindi niya magagawang tumingin sa iba," saad ni Milan, at niyakap ito ni Liwayway.


"Daghang salamat, Milan. Lubos mong napagagaan ang aking loob," aniya.


" Tahan na, tila kapareha mo ang aking alaga, masyadong malambot ang puso," ani Milan, habang hinahaplos ang buhok ng Dayang Liwayway.









Georgia's PoV



Paano ko ba sasabihin na gusto ko si Ganda? —Ang hirap naman, parang mas mahirap pa 'to kaysa maglagay ng make-up sa fes ko. Kalerki! Makapag retouch nga.


"Woi! Bakla, parang maya'tmaya na lang kita nakikita na nagreretouch huh," ani Rica.


Baklang 'to oh! Etchuserang frog!


"Mainit kasi gurl, nahuhulas ang make up ko," sabi ko.


" 'Yon nga eh, ang init na nga naka extension pa 'yang pilik-mata mo," saad pa ni Rica.


"Gurl, kailangan 'to para sa bebeloves kong si Ganda, para pag tumingin siya sa mga mata ko awra na awra!" Sabi ko pa.


"Hahahaha bakla, pa'no pag nag lips to lips kayo ni Gandaeh, imbes na mauna 'yang nguso mo, mukhang mauuna pa ang pilik-mata mo, hahahaha," sabi ni  Whisky na tumatawa. Tapos nakitawa na rin ang bruhang si Rica.


"Di ko alam kung kaibigan ko kayong dalawa, o mga dark witches sa buhay ko eh!"


"Georgia" ehem! Speaking, andito na si Ganda. Mabilis kong itinago ang make-up ko, at bumaling kay Ganda na kalalapag lang nang bag sa upuan niya.


"Ganda, andiyan ka na pala" bungad ng beauty ko, at bahagya ko pang kinurap-kurap ang mga mata ko para mapansin niya ang mga eyelashes ko.


"Kumusta Georgia? Mas gumanda pa ang 'yong mga mata," aniyang nakangiti.


"Salamat, ikaw rin naman Ganda habang tumatagal yata lalo kang gumaganda," sabi ko.


"Hindi ko naman nararamdaman na ako ay gumaganda, parang ordinaryo lamangngunit salamat pa rin, " sabi niya. Naupo na siya sa upuan niya at nagdatingan na rin ang iba naming mga kaklase.


"Besh, siyanga pala nag-aaya sila Ethan sa bahay-bakasyunan nila Cleo next next week," wika ni Whisky sa'kin na pabulong.


"Ano naman ganap do'n? Tsaka sino mga kasama?" Tanong ko.


"Eh di syempre, ang buong grupo nila," sabat ni Rica.


Buong grupo? So, meaning kasama 'yong mga bruhang sina Ireah at Lyka.


"But wait gurl! Kasama si Ireah," dagdag ni Whisky.


"Huwag na lang ano! Alam mo naman hindi kami close ng Ireah na 'yon 'no!"


"Gaga! Sumama ka! Dahil inaya na ni Cleo ang boys" saad ni Whisky.


"Boys?" Tanong ko.


"Oo. Sina Jace, Tres, at Baconhello! Gurl? Malamang sa alamang, kasama si Ganda!" Ani pa ni Rica.


"At may nakarating sa'kin na may something pala sina Dos at Ganda at matagal na raw 'yon!," saad ni Whisky.


"Ano!?"


Napalingon ang ilang classmate namin sa gawi namin. Napalakas yata boses ko, kasi naman eh!


"Bunganga mo bakla, baka nakakalimutan mong nasa harap lang natin si Ganda nakaupo," wika ni Rica.


"Nabigla ka 'no?" Tanong ni Whisky.


"Teka! Paano? Sandali nga" naguguluhan kong sabi. Naguguluhan na ko ngayon, pa'no nangyari 'yon? Eh, kami-kami lang naman ang palagi na magkakasama kaya paano nangyari 'yon? Paanong nasulot si Ganda nang hindi ko nalalaman? At isa pa, wala naman siyang sinasabi sa'kin o sa amin nila Whisky.


"Gurl, kung ikaw nabigla paano pa kaya akis? Parang imposible kasi di ba?" Tanong pa ni Whisky.


"Talagang imposiblehindi ko alam," sabi ko na lang, habang ang paningin ko na kay Ganda na nakatalikod sa'kin.


Bakit parang feeling ko nasulot sa'kin si Ganda? Parang ang sakit-sakit isipin. Na si Ganda, nagkaroon ng relasyon kay Dos. Bakit? Hindi naman kami pero bakit ganito? Ang sakit besh!?


"Bakla, ui! Huwag mo dibdibin ah, di pa naman natin sure eh," sabi ni Whisky.


"Oo nga, kaya chillax ka lang diyan besh," wika ni Rica.


Hindi ko alam, pero nasasaktan ako sa nalaman ko.








Bai Liwayway's PoV


Sariwang hangin ang siya'ng sumalubong sa akin, sa isang napakagandang halamanan na may sabi-sabing dito madalas si Bai Huada. Tama nga si Milan, maaliwalas sa gawing ito. Ako'y naupo sa isang tila siso na upuan.


Ang aking bana ay nasa labas ng puod at doon ay naghahanap-buhay. Naaalala ko na naman sinabi ng Dayang, ngunit kailangan ko itong iwaksi sa aking isipan. Dalisay ang pag-ibig sa akin ni Isagani, kung kaya't wala akong dapat alalahanin.


"Maaari bang makiupo, Dayang Liwayway?" Ako'y nabigla sa boses na yaon, at pagkuwan ako'y napakurap sa Bai na aking kaharap ngayon.


"O-Oo, Oo naman, Bai Helena, maupo ka," aking paanyaya.


Nakikita ko sa kanyang mga mata, na may  mabigat siyang pasanin.


"Napakaganda rito, hindi ba Dayang? Waring nawawala ang iyong mga iniisip," wika niya, na nakapikit ang mga mata atsaka humingang malalim. At bumaling sa akin.


"Tama ka, Bai Helena, si Milan ang nagsabi sa akin ukol sa lugar na ito kung kaya't ako'y nagawi rito."


"Mabuti talaga si Milan," aniya. At siya'y tumingin sa malayo.


Tila napakalalim ng kanyang iniisip.


"Dayang Liwayway, may itatanong ako sa'yo"


"Ano iyon?" At ako'y napalingon sa kanya.


"Kung ikaw ay nakatakdang maikasal sa taong hindi mo iniibig, ikaw ba'y magiging masaya?" Tanong niya.


Ano at naitanong niya ito?


"Tiyak ay hindi ako magiging masaya, sapagkat hindi naman siya ang itinitibok ng aking puso"


"Ngunit, ikaw ay nagpakasal sa aking kapatid na ni minsan ay hindi mo pa nakita," saad niya. Ako'y napangiti sa kanyang sinabi.


"Ako'y may aaminin sa iyo, ngunit sa atin lamang ito ha, nakadaupang-palad ko ang iyong ubu Isagani bago ang oras ng tawaran ng bugay at aaminin ko nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya," aking salaysay.


"Nakatutuwa naman na marinig iyan, Bai"


"At iniisip ko pa nga noon, na ako'y makikipag-isang dibdib na kung kaya't dapat ko siyang iwaksi sa aking isipan, ngunit nang makita ko ang iyong Ubu sa silid at mabatid na siya ang aking makakaisang-dibdib ay ako'y lubos na nagalak."


"Dahil siya'y iyong iniibig, Dayang, napakagandang kuwento ng pag-ibig," aniya na tila malungkot.


"Bakit Helena? At tila ikaw naging malungkot?"


"Mapalad ka Dayang, ngunit ako ay hindi kasing palad mo sa aking makakaisang-dibdib"


"Ano ang iyong nais ipakahulugan, Bai Helena?"









Third Person's PoV


"Mahal na Rajah, ano ang inyong balak sa Dayang?"


"Kung si Lilibeth ang iyong tinutukoy, ay ipinauubya ko ito kay Huada ngunit ang kanyang mga kilos ay naging mapusok waring isang tigre ang aking anak na nagising mula sa kanyang paghimbing, tila siya'y hindi ko makilala sa kanyang mga kilos ngayon, Atubang," wika ng Rajah.


"Sang-ayon ako sa inyong iwinika Kapunuan, ngunit tiyak ay mapagtatanto rin ng Bai Huada kung ano ang dapat niyang gawin," ani Atubang, at uminom sa pangasi nito.


"Nais niyang makamtan ang katarungan para sa kanyang Iloy, sapagkat batid niya kung ano ang ginawa ni Lilibeth  sampung taon ang nakararaan," saad ng Rajah.


"Hindi mo ba nais ang katarungan, Kapunuan para sa Hara?"


"Atubang, batid mo na nais ko ang katarungan para sa aking nasirang Hara, kung kaya't pinakikisamahan ko ang aking kaaway sa aking sariling balay," saad ng Rajah.


"Kung gayon Kapunuan, ay magtiwala tayo sa kakayanan ng iyong anak na Bai at sa kanyang mga balakin"


"Tama ka, Atubang. Ngunit batid mo na nag-aalala ko sa aking anak."









Huadelein's PoV


Ano kaya ang aking dadalhin na pasalubong kay Dayang Liwayway? Dalhan ko kaya siya ng aklat? O isang malaking manika? O tsokolate? Ako'y nalilito kung ano ang aking ipapasalubong bukas.


Sa aking paglalakad ay ako'y may nakasalubong pa. Ako'y napahinto nang harangin ako nito.


"Binibining Delzado, ano ang iyong ginagawa sa mahabang pasilyong ito habang nasa kalagitnaan nang klase ang lahat?"


"Galing akong palikuran"


"Saan ka na pupunta ngayon?"


"Sa aming silid-aralan, sandali lamang King anong ginagawa ng isang mag-aaral, na tulad mo sa pasilyong ito habang nasa gitna nang klase ang lahat?"


"Hehe, syempre gaya mo a-ay galing akong p-palikuran, hehe," aniya.


"Sabi mo eh, mauuna na 'ko Ginoong King," aking paalam. At ako'y nagsimula nang maglakad, ngunit—


"Binibining Delzado"


Ako'y napalingon at hindi ko inaasahan na naka ismid ito. At waring nauwaan niya sa kung paano ko siya lingunin.


"Ingat." At ito'y kumindat pa.


Matapos niyang sabihin iyon, ako'y tumalikod na.


Si King Xelozo talaga.








Georgia's PoV


Habang nasa gitna ako ng klase, eh parang lutang ang beauty ko. Nalelerki na akis, sa kakaisip na nagkaroon ng relasyon si Ganda at si Dos. Parang iniisip ko pa lang perfect couple sila, bakit? Si Ganda, tahimik, mabait, cute, maganda, at cool. Habang si Dos? Hambog, rumble is life, maingay, nag-uumapaw sa kagwapuhan, at higit sa lahat LALAKI!. Paano naman akis di ba? Lugi ako mga baks, MAGANDA lang ako. Huhunesss! Paano na itey?


"Woi! Besh, anong iniisip mo diyan? 'Wag mo sabihin sa'kin, na iniisip mo pa rin sina Dos at Ganda," sabi ng katabi kong bakla.


"Galing mo gurl Whisky, tanong mo sagot mo, Malamang, na 'yon nga iniisip ko. Hay! Nakakaloka."


" 'Wag mo kasi masyado isipin 'yan, nasa gitna tayo ng klase eh! Ini-stress mo sarili mo."


"Baks, pa'no ko di mas-stress 'yong gusto kong babaenaging karelasyon nang notorious na estudyante ng school na 'to!"


"Sa bagay, kung ako rin siguro nasa kalagayan mo, eh! Talagang maloloka 'ko," aniya.


At napansin kong pumasok nang room si Ganda. Ang cool niya talaga tingnan sa gupit niya. Minudmod ko na lang ang mukha ko sa mesa.


Nakakalokang pag-ibig 'to.









Ireah's PoV


Isang napakainit na hapon na naman, kagagaling ko lang sa cr para mag retouch kaso 'tong pawis ko sa noo— eh! Panay ang tulo, mukhang mahuhulas na naman ang MAC foundation ko. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko. At tingnan mo nga naman kung sino pa 'tong makakasalubong ko.


"Oh! Nag-iisa ka yata Ms. LANDI"


"Syempre, hindi naman ako tulad ng iba diyan! Naghahanap ng mabibingwit kahit may current boyfriend siya," sabi niya.


Ang tapang.


"Oooh! So, you mean bf mo pa rin si Dos? Sa pagkakaalam ko kasi break na kayo"


Itchuserang malandi 'to, akala niya siguro na hindi ko alam na wala na sila ni Dos.


"Ano naman pakialam mo kung break na kami?"


"Oooh! Kawawa naman, gusto mo tulungan kita maghanap ng bagong bf?'yong aso namin single"


"Alam mo Ireah, ingat-ingatan mo si Argo dahil pag nagtanggal nang helmet  'yan siguradong luhaan ka, kaya 'wag kang magyabangdiyan ka na—."


Lumakad na siya palayo, ang malanding 'yon! Ako? Magiging luhaan? Pag iniwan ni Argo? In her dreams. I am Ireah, at hindi ako iiyak para sa isang rebound lang.








Bai Liwayway's PoV


"Ano ang iyong nais ipakahulugan, Bai Helena?"


Huminga siyang malalim bago tuluyang magsalita. "Dayang, ako'y nakatakdang ipakasal sa pamangking hilaw ni Lilibeth sa mga susunod na buwan," wika niya.


"Ano? Sa pamangkin ng Dayang Lilibeth?"




-------

Itutuloy...









-Papel'et📝😆

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top