Kabanata LXI: Mapusok Na Paraan Ng Bai
Kabanata LXI: Ang Pagiging Mapusok na Paraan Ng Bai
--
Lyka's PoV
Malayo pa lang alam kong siya 'yon, sa tindig at kilos alam kong si Dos 'yon. Ngayon palang parang nanlalambot na 'ko, maganda siya'ng lalaki at siya ang pinapangarap kong boyfriend. First year pa lang ako crush na crush ko na siya. Sino bang di magkakagusto sa kanya? Matangkad, gwapo, matangos ang ilong, may mapupulang labi na kapag ngumiti kahit na sinong babae maaakit at manlalambot, bad boy, matalino, higit sa lahat mabango, dagdag pa na may mapupungay din siyang mga mata. Ika nga gwapings na gwapings!.
Kaya hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa'kin, lalo na nakikita ko na palagi niyang kinukulit si Huadelein talagang nagseselos ako. Ang babaeng 'yon! Tomboy na nga nakukuha niya pa ang atensyon ni Dos. At 'yong malanding si Ireah, na naghihintay lang din ng biyaya. Anong akala niya? Pakakawalan ko si Dos?
Paano nga ba naging kami ni Dos?
Simple lang, 'yong dapat na makakadate niya no'ng gabi na naghiwalay sila no'ng tomboy, kaibigan ko talaga ang na contact ni Cleo. Eh, na chika sa'kin ng babaeng friend ko na 'yon sabi ko...
~~Flashback~~
"Girl, baka pwedeng sa akin na lang ang friend ni Cleo? Crush na crush ko kasi 'yon—"
"My gosh! Girl! Type ko pa naman ang boylet na 'yon, pero sige na nga basta balitaan mo 'ko after niyo magdate ah—"
"Ikaw pa ba girl? Oh siya! Magre-ready muna ko para sa date ko—"
~~End of flashback~~
Well, no'ng una talaga ayaw sa'kin ni Dos pero syempre ginawa ko lahat para maakit siya no'ng gabing 'yon, 'yon nga lang--- wala talaga sa'min nangyari. Naging mag-on kami kahit na rebound lang ako.
"Anong sasabihin mo Lyka?"
Hindi ko man lang namalayan na nakatayo na pala siya sa harap ko, nakapamulsa ito at hindi man lang ako binabalingan.
Pa'no ko ba sasabihin? Na ayaw kong makipaghiwalay sa kanya? Nakipaghiwalay siya sa'kin sa chat lang. At 'yon ang hindi ko matanggap, ganoon na lang ba 'yon? Makikipaghiwalay siya sa'kin sa chat lang?
"Dos, about sa chat mo na breakup— nakikipag-break ka ba talaga sa'kin?" Hindi ko alam pero para 'kong desperada sa tanong ko.
"Oo," maikling sagot niya.
Literal na nasaktan ako sa simpleng sagot niya'ng "Oo". Ganoon lang ba talaga kadali 'yon sa kanya?
"Pero bakit? May nagawa ba 'ko na ayaw mo? —Simula no'ng nagbakasyon hindi muna ko pinansin—"
"Bago pa mag sembreak nakipag break na 'ko sayo— hindi ba?"
Naalala ko na.
~~Flashback~~
Huling araw ng pasok bago ang bakasyon...
Naglalakad kami sa hallway ng building namin sa may first floor nang maisipan kong hawakan ang kamay niya. Wala siyang reaksyon, nasanay na lang ako na ganoon siya palagi pero parang iba ngayon eh, may kakaiba sa kanya na hindi ko alam. Hindi niya kasi hinawakan ang kamay ko pabalik.
Ayain ko kaya siya kumain sa labas? O kumain ng kwek-kwek— pero di naman ako kumakain no'n, eeewww! Natanong ko lang sa mga kaibigan niya na kumain daw sila noon ni Huadelein ng kwek-kwek nang mag date sila minsan, so cheap!.
Sige na nga, maaya nga siya.
"Dos, gusto mo kumain sa labas—"
Natigilan ako nang bumitiw siya sa kamay ko. At malamig ang mga mata nito nang lumingon.
"Lyka, I'm breaking up with you..."
Ilang segundo bago nag sink in sa'kin ang sinabi niya...
"No."
"I'm sorry, Lyka— pero hanggang dito na lang—"
*End of flashback*
"Pero Dos, ayoko—"
"Lyka, babae ka at nirerespeto kita... Kaya sana respetuhin mo rin ang desisyon ko—"
Mabilis ko siyang niyakap, dahil natatakot ako— natatakot ako na makita ko na naman na kasama niya si Huadelein. Natatakot ako na mawala siya sa'kin at ang dahilan lang ang tomboy na 'yon.
"Ayoko Dos— ayokong maghiwalay tayo—"
"Lyka, sinubukan ko naman kalimutan siya— pero... Wala eh, only Huadelein owns my heart. I'm sorry Lyka, but I don't want to hurt you, so please let me go," aniya, dahilan para mawala ang pagkakayakap ko sa kanya.
Natahimik ako, at pakiramdam ko masyado akong desperada sa sitwasyon ko.
"It will be better for you..."
Makabubuti sa akin? Ngayon pa nga lang nasasaktan na 'ko, what more kung makita ko pa sila na magkasama? Oo, hindi ngayon— pero paano sa mga susunod na araw?
Tumalikod na ito sa akin at aanyo na...
"Dos... I love you..."
"I said, I love you..." Pag-uulit ko habang umiiyak, hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Siguro nga mukha na 'kong tanga sa ginagawa ko pero wala na 'kong pakialam!
Lumingon ito at nagulat ako sa isinagot niya...
"But, I love her..."
Dahilan na lalo pang ikinadurog ko. Matapos niya'ng sabihin 'yon ay lumakad na siya palayo.
Hera's PoV
"Bai, pagbuksan mo naman ako ng pinto—"
Ano at napakakulit ng isang ito? At umaga pa lamang ay naririto na sila ng kanyang kapatid?
"Hindi nga maaari! Ginoo, hindi tayo maaaring maglaro na magkasama—"
"Ganoon ba?—" Kanyang wika na tila malungkot.
"Ngunit maaari tayong mag-usap sa pagitan ng pintong ito—"
"Oo, payag ako! Oh! Ayan umupo na 'ko ah, dito lang ako," aniya, na masigla.
Ano at ako'y natutuwa sa Ginoong ito?
"Kung gayon, ay ako'y mauupo na rin, Ginoong Uno." Na siya ko naman ginawa. At pinakinggan ang sunod niyang sasabihin.
"Bai, marunong ka bang kumanta?"
Kumanta?
Third Person's PoV
Nag-aaliw ang mag-pipinsan sa paglalaro ng billiards sina Cyruz, Prince, at Vergel. Mapapansin na nahihirapan ang binatang si Vergel sa paglalakad dahil sa binti nito na dulot nang patamaan ni Huadelein ito ng bala. Waring pinagtatawanan naman ito ng dalawa.
"Dude, does your leg still hurt?" Panunukso ni Prince.
"What do you think?" Asar na tugon ni Vergel, matapos tumira atsaka inilagay ang tako sa tabi.
Pinagtawanan naman siya ng kanyang pinsan na si Prince.
"Alam mo Vergel, mahina ka— isang babae na nga lang 'yon naisahan ka pa—"
"Huwag mo siyang maliitin, anak siya ng Rajah—"
"Masyado ka sigurong nagpapadala sa Binukot na 'yon—"
"Hindi mo pa siya nakakaharap kaya huwag ka magsalita ng tapos diyan— why don't you just focus on your goal?" Aniya, sa kanyang nakatatandang pinsan.
"Enough." Malamig na ani ng isang boses.
Pareho silang natahimik at nagpatuloy si Prince sa paglalaro ng billiards.
"Someone worked for me, so you don't have to worry," anitong hindi kababakasan ni kahit na anong emosyon.
Samantala sa puod naman ay palakad-lakad ang abay ng Dayang na animo'y may hinahanap sa isang pasilyo, pabalik-balik ito at napansin ito ng dalawang bantay habang binabagtas nila ang pasilyong yaon na karaniwang malimit magawi ang mga tao roon.
"Binibini, ano ang iyong ginagawa riyan?" Tanong ng isang bantay, na hindi pa man nakalalapit ang mga ito.
"H-hinahanap ko lamang ang daan patungo sa silid ng Dayang— ng aking panginoon," tugon ng babae.
"Sa gawing iyon ang daan patungo sa Bulwagan, at pagkuwan ay magtungo ka sa ikalawang palapag— maaari kang magtanong sa aming mga kapwa bantay roon kung nasaan ang pinto ng silid ng Dayang," saad ng kasama nitong bantay.
"Kung gayon, ay daghang salamat." Agad na umalis ang babae. Ngunit tila may alinlangan ang isang bantay sa ikinikilos ng abay ng Dayang.
"Kataka-taka na siya'y nagawi rito," wika ng unang bantay. At sila'y umalis na rin at nagtungo sa kanilang gawain.
Bai Huadelein's PoV
Kanina ko pa hinihintay na lumabas ng convenience store ang lalaking kanina ko pa minamatyagan.
Napakatagal niyang lumabas. Ngunit mayamaya lamang nang mapansin ko na lumabas na ito ay mabilis akong nagkubli sa iskinitang kanyang dinaanan.
At nang maramdaman kong parating na siya ay mabilis kong pinasadahan ng isang suntok ang ilong niya, at agad ay pinadapa ko ito sa semento.
"S-sino ka?" Tanong nito.
"Wala kang pakialam kung sino ako, ngayon sumama ka sa'min!"
Naramdaman kong dumating na sila kaya pinaubaya ko na ang lalaki at mabilis nila itong isinakay sa sasakyan.
--
"Mukhang masarap ang tulog ng isang 'to ah!" Wika ni Jace.
"Nasuntok ba naman ni Bacon, sinong di makakatulog sa kanang kamao niyan—" natatawang saad ni Tres.
Ang sinasabi nila ay iyong kanina na habang nasa biyahe ay napakalikot at napakaingay ng lalaking ito kaya siya'y nasuntok ni Bacon kanina, lahat nga kami ay nabigla dahil tumumba ang asungot na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahihimasmasan.
"Hala!" Tila pasalungat na ani ni Bacon.
"Napalakas yata suntok mo Bacon," wika naman ni Azerine.
Habang sila'y nag-uusap ako naman ay hindi natutuwa, nais ko nang kasagutan mula sa lalaking ito.
"Hindi 'yan tulog," wika ni Ranzo na kararating pa lamang.
Napalingon ako sa kanyang sinabi kung kaya't tumayo ako mula sa sopa na inuupuan ko, at mabilis na nilapitan ang lalaki.
May mga salita naman na pumasok sa isip ko kung kaya't binanggit ko ito.
"Lilibeth Hillari... Hara Delzado..."
Agad na dumilat ang lalaki at animo'y nakakita ng multo nang makita ako nito.
"B-bakit buhay ka pa? Patay ka na!—" anito. At natumba pa siya kasama ng upuan dahil nakatali siya rito. Tinulungan naman siya nila Bacon upang bumalik sa dating pwesto ngunit waring takot ito nang muling bumaling sa akin.
"I-ikaw—"
"Ten years ago, may nakilala kang babae at ang pangalan niya ay Lilibeth Hillari! At ang babaeng 'to ang nag-utos sa inyo na patayin ang ina ko! Si Hara Delzado tama ba?"
Tila ang galit sa akin ay nabubuhay muli. Hindi ito umimik ngunit ang takot sa kanyang mukha ay hindi maikakaila.
"Sumagot ka!"
"O-Oo..."
Waring nagpanting ang aking mga tainga nang marinig iyon. Nais ko siyang gilitan ng leeg sa mga oras na ito.
"Ikaw 'yong lalaki na nasa video sa CCTV camera, na nakipagkita kay Lilibeth Hillari at binigyan niya ng pera!"
Muli ay hindi siya nakaimik.
"Ikaw ba ang lalaking iyon?"
"O-Oo, ako nga a-ang lalaking nakipagdeal sa kanya—"
Mabilis kong binunot ang baril sa aking likuran at binaril agad ang lalaki.
Hindi ko matiis na nabubuhay pa ang ganitong klaseng tao, pumapaslang alang-alang sa salapi!
"Ang nararapat sa'yo ay walang humpay na kaparusahan—"
Nakatutok pa rin ang aking baril sa lalaki habang dumudugo ang kaliwang balikat nito at halos mamilipit ito sa sakit. Hindi sapat iyan.
Hindi ko pa ibinababa ang baril nang—.
"Huada! Itigil mo iyan!"
Lahat ng aking mga kasama ay nabaling sa kanya.
Ano ang kanyang ginagawa rito?
--
"Sa iyong kilos, sa palagay mo ba'y mababawi mo pa ang buhay ng iyong ina, ha Huada?" Singhal sa akin ng aking Baba.
"Kung ang siyang pagkitil ng buhay ay siyang sagot, Ama! Ay siya kong gagawin—."
"Hindi iyan ang itinuro ko sa inyo Huada! Hindi nanaisin ng iyong ina na kumitil ka ng buhay alang-alang sa katarungan na iyong ninanais para sa iyong iloy—"
"Ngunit ang taong iyon ay kasapakat ni Lilibeth Hillari, sa pagpatay sa aking iloy! Hindi ninyo ako nauunawaan, Baba!"
"Nauunawaan ko kung saan ka nanggagaling, ngunit makinig ka Huada— itigil mo ang iyong mapusok na pamamaraan, at hayaan mong makamtan natin ang hustisya na hindi nababahiran ng dugo ng kaaway ang iyong mga kamay." At siya'y umanyo na.
--
"Boss, totoo ba 'yong narinig ko kanina na kikitil ka ng buhay kung 'yon ang sagot?" Tanong niya. Narinig niya pala ang usapan namin ni Baba.
"Dala lamang iyon ng bugso ng damdamin Azerine, hindi ko kayang pumaslang ng buhay ng tao kahit na may mabigat pa itong kasalanan sa akin."
"Sabi ko na eh! Dala lang talaga 'yon ng sama ng loob mo kanina, alam kong di mo magagawa 'yon boss," aniya, at ako'y inakbayan pa.
"Okay, kain na!" Rinig kong paanyaya ni Bacon, na may inilapag na isang malaking bowl sa mesa.
Dali-dali naman na nag-unahan sa mesa ang aking mga sandig, palagi ko na lamang silang nakikitang ganyan.
"Oh! Ako nauna!"
"Teka! Sandali—"
"Ano ba 'yan Tres, 'wag mo angkinin 'yong bowl!"
"Magtira naman kayo ng hipon!"
"Akin lang 'to!"
Sumasakit ang aking ulo sa kanila.
"Boss, kumain ka na uubusan ka na naman nila niyan," aniya.
Napalingon ako sa kanya.
"Ayos lamang Bacon, wala pa 'ko sa huwisyo upang kumain."
"Boss, huwag mo na muna isipin 'yon mahirap magutom ang tiyan kaya dapat ay lamanan mo 'yan sa oras," aniya.
"Tama ka, Bacon."
Hindi ko magagawang kitlan ng buhay ang dalawang tauhan na sangkot sa pagkawala ng aking iloy, hindi ko ibig mabaliwala ang katarungan na aking nais para sa aking ina.
Bai Hera's PoV
(A/N) (CCTO lyrics)
"—Bagay kaya ang bato sa buhangin?
Kay hirap unawain bawat damdamin,
Pangakong magmahal hanggang libing
Sa langit, may tagpuan din at doon hihintayin— itong bato sa buhangin..."
"A-ang ganda naman ng kinanta mo, ang old pero nagustuhan ko Bai, ang husay mo kumanta," aniya.
Nagustuhan niya?
"Kung gayon, ay ikaw naman ang siyang umawit, Ginoo."
"A-ako?"
"Oo. Ikaw ay umawit na Ginoo, nais kong marinig ang iyong tinig."
"A-ano, k-kasi— sige na nga, basta huwag mo ako tatawanan Bai ha?"
"Oo naman, hindi kita tatawanan ano—"
(A/N) (CCTO Lyrics)
"Okay sige Bai, Binibini sa aking pagtulog ika'y panaginip ko..."
Waring may kumiliti sa akin nang marinig ang kanyang pag-awit, siya'y mahusay.
"Panaginip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng purong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sayo~~"
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kanyang inaawit.
Ginoong Isagani's PoV
Ako'y pababa nang sasakyan, kagagaling ko lamang ng kumpanya dala ko ang isang pumpon ng bulaklak na aking ihahandog sa aking may bahay. Sana'y maibigan niya ito.
"Naku! Napakakisig ng ating Ginoo, mukhang tayo'y magkakaroon nang isang munting Isagani," wika ni Wano.
Napangiti na lamang ako sa iwinika nito.
"Mapagbiro ka talaga, Wano."
"Bakit Ginoo? Hindi niyo pa ba nais magkaroon ng isang munting supling?" Tanong pa ni Kabang.
"Kabang, nais ko ng munting supling ngunit ibibigay iyan ni Aba sa wastong panahon."
"Tama ka Ginoo," anito.
"Ginoo, sasamahan ko pa ba kayo sa inyong silid?" Tanong ni Dado, habang bitbit ang aking isang maliit na bagahe na naglalaman ng mga papeles.
"Hindi na Dado, nais kong makasarilinan ang aking maybahay kung kaya't ako na lamang ang siyang magbibitbit niyan," aking tugon.
"Sige Ginoo, galingan niyo." Bigla naman itong siniko ni Wano.
"Sige na, Ginoo. Pumasok na kayo sa loob. Magandang gabi, Ginoo," anila.
At ako'y tumuloy na.
Pagkarating ko sa pinto ng aming silid ay ako'y kumatok, at pagkabukas nga nito ay sumalubong sa akin ang isang napakagandang diwata.
"Magandang gabi, Liwayway."
"Magandang gabi rin, Ginoo," kanyang pagbati.
"Bulaklak para sa'yo,"
"Ang ganda naman ng mga bulaklak na ito, daghang salamat."
"Mas maganda ka pa sa mga bulaklak na iyan, naghapunan ka na ba?"
"Hindi pa, ngunit ako'y nakapagluto nang ating makakain sapagkat nabanggit sa akin ni Wano kaninang tanghali na ikaw ay uuwi, kung kaya't ako'y nagluto ng kaunti."
"Ano pa ang ating hinihintay? Tayo na! At nais kong matikman ang luto ng aking maybahay—"
"Ngunit hindi ka pa nakakapagpahinga, Isagani," aniya.
"Ako'y nakapagpahinga na nang makita ka, kaya tayo na mahal ko—" napansin ko ang maliit na ngiti nito, na lubos pa sa akin na nagpaligaya. Hinawakan ko ang kamay nito, at kami'y nagtungo na sa silid-kainan.
Third Person's PoV
Naglalakad-lakad ang Dayang habang kasama ang kanyang abay, nang sila'y magawi sa pinto ng silid-kainan kung saan naroroon ngayon ang mag-asawa na sina Ginoong Isagani at Dayang Liwayway masaya ang mga ito habang naghahapunan. Nakita ito ng Dayang Lilibeth dahil sa nakaawang ang pinto nito, pumasok ito kasunod ang kanyang abay. Waring nabigla naman ang magsing-irog sa taong umabala sa kanilang masaya na hapunan.
"Magandang gabi, Isagani, Liwayway, mukhang masaya kayo sa inyong hapunan," pagbati nito sa mag-asawa, na nakangiti na animo'y donya.
"Oo, Dayang. Pinagluto ko si Isagani ng masarap na pagkain," wika ni Liwayway.
"Kung gayon ay maaari ba akong sumalo?" Tanong ng Dayang.
"Paumanhin Dayang, ngunit nais kong makasarilinan—" pinigilan ito ni Liwayway sa pamamagitan na hawakan nito ang kamay ng Ginoo, dahilan upang matigilan ito.
"Oo, maaari Dayang, maupo kayo," magiliw na paanyaya ni Liwayway.
Napangiti naman si Lilibeth Hillari, habang si Ginoong Isagani ay itinago na lamang ang kanyang pagkadismaya sa Dayang.
-------
Itutuloy...
-Papel📝💪
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top