Kabanata LX: Talaksan













Kabanata LX: Talaksan



----



Huadelein's PoV


Kapapasok ko pa lamang ng paaralan at hawak ko ang isang pumpon ng bulaklak habang naglalakad sa pasilyo, patungo sa madalas na tagpuan namin nila Azerine at ng iba pa.


Pumasok ako ng cafeteria at naaninag ko agad sila Georgia, kasama ang iba ko pang mga sandig. Ako'y nagtungo agad sa kanilang dako.


"Boss, ba't may bulaklak ka? Kanino galing 'yan?" Bungad sa akin ni Azerine, na waring sinusuri ang bagay na aking hawak.


"Oo nga, sino nagbigay sa'yo niyan Ganda?" Sunod na tanong pa ni Whisky.


"May nag-abot lamang nito sa'kin, pinibibigay raw ni Mr. G."


"Mr. G. ? As in 'yong mysterious guy na nag-iwan din sa'yo ng bulaklak at note?" Tanong ni Azerine.


"Oo, Mr. G raw eh."


"Sandali nga boss, parang iba na 'yan ah," wika ni Tres.


Ako'y napaisip sa iwinika ni Tres. Anong ibig niyang sabihin?


"Sino ba 'yang Mr. G na 'yan? ---baka kasi mamaya may ibang agenda sa'yo 'yan boss," ani pa ni Jace.


"Oo nga, di natin masasabi na okay ang Mr. G na 'yan kahit may pa-bulaklak pa,"  saad pa ni Bacon.


"Tama sila Ganda, kaya ingat ka sa Mr. G na 'yan," wika ni Georgia na aking binalingan.


"Oo naman Georgia, mag-iingat ako," aking wika.


Lumapit sina Rica at Whisky sa akin at tiningnan ang hawak kong bulaklak.


"Pero bilib ako kay Mr. G ang gaganda ng mga roses na itey, red, white and pink," saad ni Whisky.


"Sino nga kaya si Mr. G ano?" Tanong ni Rica.


Sino nga kaya si Mr. G. ? Sino ka ba Mr. G na nagkukubli sa isang iyong maiikling sulat at sa iyong mumunting bulaklak?












Bai Helena's PoV


Kanina pa panay ang sulyap sa akin ni Zero, habang kami'y nasa bulwagan kaharap sina Baba at ang Dayang. Nasa aking tabi naman si Prince habang hawak ang aking kamay. Wari naman ako'y masunurin na anak sa harap ng aking ama, nais ko man umalis ay hindi ko magawa dahil sa hiling ng lalaking ito sa aking Baba na lubos kong hindi maibigan.


"Ano sa tingin mo mahal kong Rajah? Kailan ang kanilang kasal?"


Napabaling ako sa Dayang na bruha katabi ang bago niyang tagasilbi na may tabon sa mukha, at halos mata lamang nito ang iyong makikita. Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang babaeng ito upang magsalita ng ganyang mga bagay. Sino siya sa akala niya?


"Aking ipauubaya ang kasagutan riyan sa iyong pamangkin mahal ko, ---anong sa iyong palagay Prince?" Tanong ng aking ama sa aking katabi.


Hindi pa man tumutugon ang lalaking ito ay lubos na ang aking sama ng loob. Hindi siya ang nais kong makaisang-dibdib.


Ngumiti siya atsaka tumugon, "nais kong maganap ang aming kasal sa lalong madaling panahon, Kapunuan."


Nais kong tumutol.


"Kung gayon, ay magbigay ka ng buwan at araw kung kailan ito gaganapin,"


Nakita kong napakalapad ng ngiti ng Dayang dahil sa iwinika ng aking ama. Siya'y waring manunundo ng kamatayan sa kanyang ngiti.


"Nais kong maganap ang aming kasal sa ika-dalawampu't walo ng Disyembre ngayong taon," kanyang tugon.


Tila kumirot ang aking puso nang marinig iyon, anumang oras ay babagsak ang aking mga luha. Hindi ko nais makasal sa lalaking ito.


"Kung gayon, ay masusunod ang iyong nais," ani ni ng aking ama.


Napansin kong waring walang reaksyon si Zero ngunit ang kanyang kamao ay nakakuyom.


Zero... Hindi ko ibig makipag-isang dibdib sa kanya. Pakiusap, huwag mo akong bibitiwan.


"Daghang salamat mahal na Rajah," wika ni Prince.


"Sandali lamang, Baba--- tila napakaaga naman ng aming kasal---"


"Helena, may dalawang buwan at isang linggo ka pa upang maghanda hayaan mo at tutulungan kita, wala kang dapat alalahanin," aniya ng Dayang, na nakangiti.


"Ngunit---"


"Helena, narinig mo ang Dayang wala kang dapat alalahanin ang iyong paka-isipin ay ang iyong kasal," wika ng aking ama.


Hindi na ako nakaimik pa at bumaling na lamang sa dako ni Zero ngunit paglingon ko'y wala na siya roon.









Hope's PoV



"Chocklet--- dali na--- ba't ayaw mo pa rin?"


"Namo! Ranzo, 'wag ako baka di ka na abutin ng alas dos pag lumapit ka pa sa'kin---"


"Huwag mo naman ipahiya kagwapuhan ko sa mga ka kosa ko mamen---"


"Ayoko--- putya, ba't ko gagawin 'yon?"


"Birthday ko naman eh--"


" 'Raulo, maghanap ka ng susuot ng two piece na 'yan, o baka gusto mo ikaw na lang--- nyemas ka!"


"Minsan lang eh---"


"Di mo ba nakikita? Sa gwapo kong 'to magsusuot ako niyan? Eew! Manigas ka diyan pulis patola ka---"


"Grabe ka naman Chocklet---"


"Huwag kang lumapit sa'kin--- baka makalimutan kong birthday mo ngayon Ranzo---"


Taenang pulis 'to, kaibigan ko 'to pero pag di ko 'to matantya baka mawala bigla si Cardo Dalisay--- hayup, makatawag pa ng Chocklet feeling babae pa 'ko. Napilitan lang ako pumunta rito dahil sa file na pinapakuha sa kanya ni boss, kung wala lang pinapakuha si Huadelein siguradong di ako pupunta rito.


"Woi! Ranzo, hindi ikaw pinunta ko rito kundi 'yong file--- kung maaari lang ibigay mo na sa'kin---"


"Easy Chocklet, suotin mo muna 'to--- u-ui! Ano gagawin mo?" Tanong niya, nang kunin ko ang cake sa mesa na katabi ko--- talagang tatama 'to sa mukha niya pag di ako nito tinantan.


"Ano? 'Yong file---"


"Ito na--- ikaw naman di mabiro---"


"Namo---"


"Labyu to--"


"Makyu!"


"Ngongo ka na ngayon?"


"Gwapo naman---"


"Maganda---"


"Alis na ko---" atsaka ko ibinaba ang cake.



Bwiset, daming alam.










Bai Hera's PoV


Waring naging laro na ang pagsasanay namin ni Baba Digma ng paghawak ng kampilan--- dahil tinataguan ko na naman siya. Hindi ko talaga ibig humawak ng sandata ngunit si Baba Digma ay nais niya ako matuto nito. Hindi ko talaga maunawaan ang aking inkong.


"Sandig, napansin niyo ba ang Bai Hera?"


"Hindi, Rajah Digma---" kanilang pagsisinungaling, kahit na batid nila na ako'y nagkukubli sa likod ng malaking tapayan.


"Gayon ba--- marahil ay nagkukubli ang inyong Bai sa kung saan---"


"Baka nga, Rajah Digma---"


At narinig ko ang mga yabag ng paa nito na palayo na kung kaya't ako'y tumakbo muli upang magkubli--- ngunit hindi sinasadyang makita ko ang isang Ginoo na waring may hinahanap. Bakit naririto ang Ginoong iyon? Kailangan kong magkubli.



"Ui! Bai! Sandali--- hintay!"


Naku! Napakakulit pa naman ng isang ito.










Huadelein's PoV



Oras ng Breaktime nang saktong dumating si Hope, pang umaga naman ang kanyang klase kung kaya't nakisuyo na ako na kunin ang file sa kanyang kaibigan na si Ranzo.


Iniabot sa akin nito ang isang brown envelope, at isang maliit na USB.


"Tres, tingnan mo ang laman ng file na ito mamaya kapag may oras ka." At aking Iniabot sa kanya ang envelope at USB.


"Yes, boss noted."


"Wala ba kayong pagkain diyan boss? Nagugutom ako eh," sabi ni Hope.


"Bacon---" aking tawag kay Bacon.


"Oh, lasagna Hope para sayo talaga 'yan---"


"Salamat, Bacon."


"Ui, birthday ngayon ni Ranzo ah---" sabi ni Azerine.


"Oh! Ano naman sayo panget?"


"Wala ka man lang Sharon?"


"Sharon?" Aking tanong.


"Balot ba boss---" tugon ni Azerine.


"Anong balot?"


Lahat sila'y nagtawanan nang marinig nila iyon sa akin, anong suliranin ng aking mga sandig?


"Boss, sa'yo ba 'yang rosas na hawak mo?" Tanong ni Hope.


"Oo."


"Ayos ah! Sino nagbigay?"


" 'Yong si ano--- si Mr. G  'yong mysterious guy na sinasabi ko sayo," Tugon ni Azerine.


" Ah, oh ano na nga pala balita ro'n? Nakilala niyo na ba?" Tanong ni Hope.


"Hindi, imbestigahan mo na kaya," wika ni Azerine.


"Ba't ako? Bakit di ikaw ang gumawa?" Balik na tanong pa ni Hope, sabay subo ng lasagna.


"Eh, ikaw magaling diyan eh---"


"Ikaw nandito---"


"Tumigil nga kayong dalawa riyan, walang pag-iimbestiga na magaganap ang kailangan natin pagtuunan ngayon ay ang hustisya para sa aking iloy---."


Nais ko man malaman kung sino si Mr. G ngunit hindi ito ang aking unang prayoridad.


"Ito kasing panget na Azerine, gusto masunod eh---" rinig kong bulong ni Hope.


"Manahimik ka na diyan sugpo, baka gusto mong maging buttered shrimp ngayon---" ganti pa ni Azerine.


Ang dalawang ito nga naman.


"Bai, tingnan mo 'to---" wika ni Tres, at ipinakita niya sa akin ang isang video.


Lilibeth Hillari, uunahin ko ang iyong pamangkin at isusunod kitang isilid sa bilangguan.









Third Person's PoV



Isang babae ang kasama ni Lilibeth Hillari na waring may tabon sa mukha nito, ito ang kanyang bagong alipin galing sa labas ng puod--- lagi itong nakabuntot sa Dayang, at tila ingat na ingat na hindi matanggal ang telang nagkukubli sa kanyang mukha.


"Sima, masdan mo ang kasama ng Dayang sa aking pakiwari ay hindi tagarito ang bago niyang abay," wika ni Milan sa kanyang kasama.


"Napansin ko nga Milan, sa iyong palagay mabuti kaya siya?"


"Hindi ko batid Sima, sapagkat hindi ko pa naman siya nakikilala o nakausap man lang."


"Lagi siyang nakasunod sa Dayang ano? Waring 'di humihiwalay sa kanyang panginoon---"


"Tama ka, pala-isipan sa akin kung ano ang nakakubli sa likod ng tela na nasa kanyang mukha---"


"Hindi kaya'y napakaganda niya---"


"Sa aking hinuha ay napakabata pa ng kasama ng Dayang tantya ko nasa labing-walo ito."




Habang nagpapalitan ng kuru-kuro sina Milan at Sima, ang Dayang at kasama nito na bagong abay ni Lilibeth Hillari ay may sarili rin na paksa.



"Nakita mo ang dalawang sagigilid kanina? Isa roon ang tagasilbi ni Huadelein," saad ng Dayang.


"Si Milan," tugon ng babae.


"Tama, si Huadelein ang pinakamailap na anak ni Bagani--- at si Milan ay isang tapat na tagapagsilbi, hindi mo siya mabibili," ani ng Dayang, atsaka pumustura at humarap sa nakayukod na babae.


"Malapit na ako sa rurok ng tagumpay kapag naikasal na si Prince kay Helena, ay wala na akong iisipin pa---" ngumiti ang Dayang sa kanyang mga bagay na iniisip na sadyang hindi kanais-nais, mga bagay na pansariling kapakanan lamang--- gagamitin ang mga taong nasa kanyang paligid upang makuha ang gusto.




Samantala, sa paaralan naman ay pilit na nagpipigil ng emosyon si Apollo nang makita na may hawak na isang pumpon ng rosas ang Bai na si Huada. Nais niyang malaman kung sino ang nagbibigay no'n sa kanya waring siya'y may lihim na karibal sa dalaga.



"Dos, kalma---" wika ng kanyang kaibigan.


"Pa'no ako kakalma Cleo? Kung may hawak na bulaklak si Huadelein? At hindi ko alam kung sinong putang*nang hudas ang pumuporma sa kanya!"


"Pare, si Huadelein walang boyfriend 'yan at sigurado ako na ikaw pa rin ang mahal niya," wika ng isa niya pang kaibigan.


"Wala akong pinanghahawakan ngayon sa kanya, Argo--- kaya hindi ko magawang kumalma--- ayoko siyang mapunta sa iba, ang gusto ko sa akin lang siya---"


"Selos si pareng Dos---" wika pa ng isa niya pang kaibigan.


"Selos na kung selos, tang*na," wika ni Apollo habang nakakuyom ang mga kamao nito.


"Pag-ibig nga naman," wika ni Cleo.


"Ui! Cleo, balita ko may tropa ka raw na panget ah? ---Si Melody..." wika ni Ethan.


"Ako lang may karapatan na tumawag ng panget sa babaeng 'yon, kaya manahimik ka diyan, betlog," sagot ni Cleo sa kaibigan.


"Aba, aba! Property mo ba tol?" Segunda pa ng isa.


"Hindi, basta--- ako lang pwede tumawag sa kanya ng panget, shut up ka na lang Zailen," aniya.


"Alam mo Dos, iba na yata 'yang pag-ibig mo kay Delzad---"


"Dos, pwede bang mag-usap tayo?" Tanong ng babaeng kararating pa lamang dahilan upang matigilan si Zailen. Waring napahiya ang kaibigan ni Apollo roon.


"Anong pag-uusapan natin Lyka?" Tanong nito sa babae.


"Pwede bang makausap ka in private?"












Helena's PoV


Wala akong mukhang maihaharap kay Zero, ngunit kailangan ko siyang makausap lumalalim na ang gabi ngunit wala siyang ni isang tawag. Ako'y lubos na nag-aalala na mula nang lisanin niya ang puod kanina.


May narinig akong kaluskos mula sa dungawan kung kaya't mabilis akong pumaroon, at sa pagkabigla'y kamuntik na akong matumba nang makita ang isang pigura at mabilis ako nitong nasalo.


"Dahan-dahan Binibini---"


"Zero---" mabilis ko itong inakap.


"Bakit Helena? May nangyari ba?"


"Pakiusap Zero, huwag--- huwag mo akong bibitiwan---" sa aking pagkawika niyon ay umagos ang aking mga luha.


Niyakap ako nito ng mahigpit na lalo pang nagpaluha sa akin, hindi ako papayag na mawala pa ang mga yakap na ito sa akin. Ang mga bisig na ito ang siya kong nais.


"Tulog na, mahal ko..." Tila lalo lamang tumulo ang aking luha nang marinig ko itong umaawit habang hinahaplos ang aking buhok.


"Zero..."


"Hayaan na muna natin ang mundong ito--- lika na, tulog na tayo---"







-------



Itutuloy...








Karagdagang kaalaman:

Talaksan- payl (file)






Medyo maikli lang ang kabanata na ito, pasensya na kung ang tagal po ng update. 😅


-PapelKayoDiyan📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top