Kabanata LVIII: Ang Pag-iisang Dibdib II









Kabanata LVIII: Ang Pag-iisang Dibdib II




--





Huadelein's PoV



Hindi ko alam kung ako'y matutuwa dahil dumating ang gunggong na ito, ngunit baka nga pinatatawag ako ng aking inkong hindi ko mabasa ang kanyang nais mangyari-- sa aking nababakas sa kanyang mukha ay pagkainis sa taong kaharap niya ngayon.



"Paumanhin, Nemesis. Ngunit hindi ko mapauunlakan ang iyong nais na sumama sa iyo ngayong gabi," aking wika.


Lumingon ito sa aking gawi at nagwika.



"Hindi Mahal ko, sasama ka sa'kin--" natigilan ito nang may magsalita.



"Paumanhin, Ginoong Cyrus ngunit hindi ko maaaring salungatin ang nais ng aking ama na makasama ang kanyang apo, mangyari lamang ay hayaan na lamang natin si Huada," wika ng aking amang Rajah, dahilan upang lumuwag ang aking dibdib.



Isang masamang tingin ang ibinaling ni Cyrus sa binatang kaharap namin ngayon.



"Tayo na Bai," wika ni Dos sa akin.


"Hahayaan niyo na ang lalaking iyan na kasama ng inyong anak, Rajah?" Tanong ni Nemesis.


"Siya'y panauhin ni Baba Digma kung kaya't wala akong karapatan upang tutulan ito," wika ng aking ama.



"Huadelein--" tatangkain sana ako nitong hawakan nang biglang may humarang sa aming pagitan.


"Aalis na kami ng Bai, tayo na Bai Huada!"


Paanyaya sa akin ni Dos, at habang naglalakad nga kami ay tahimik lamang ito hanggang sa makarating na kami sa dako nila Baba Digma. Nagtungo ito sa aking inkong at may ibinulong dito kalaunan ay tumayo ang aking Baba Digma pati na ang mga sandig at mandirigma nito, ganoon din ang aking mga sandig.



Hindi ko maunawaan bakit waring magkasundo ang aking inkong at si Dos?


"Huada, aking apo tayo na at umuwi."



Pagkabanggit niyon ng aking Baba Digma ay napangiti ako atsaka hinawakan ang braso nito, ngunit bago pa man kami ay lumakad ay nakita ko sina Ubu Isagani at Dayang Liwayway na papalapit sa amin.



"Baba Digma, Huada, saan kayo paroroon?" Tanong ni Ubu.



"Isagani, kami ay uuwi na ng balay pagkat malalim na ang gabi," tugon ni Baba Digma.



Batid ko na hindi ito ang kanyang dahilan, nakatitiyak ako na sinabi ni Dos ang tungkol kay Nemesis.



"Oo nga, Baba Digma, mayamaya nga rin kami ay magpapahinga na-- tiyak ay nahapo na rin ang aking kabiyak sa maghapon," wika ni Ubu Isagani.



"Hindi naman aking Ginoo, ayos lamang ako," ani ni Dayang Liwayway. "Bai Huada, nais mo bang ipagbalot kita ng kakanin o matatamis?" Pagmamagandang-loob ni Dayang Liwayway.



"Maraming salamat na lamang Dayang, ngunit huwag ka ng mag-abala pa-- binabati kita Dayang Liwayway nawa'y maging maligaya kayo ng aking kapatid."


"Daghang salamat Bai Huada."


"Na siyang magaganap Huada, mag-iingat kayo," paalam ni Ubu Isagani.



"Magandang gabi, binabati ko kayo-- oh siya! Mauuna na kami, inaasahan ko na ang aking apo sa tuhod Isagani," wika ni Baba Digma.



"Makakaasa ka Baba Digma," tugon ni Ubu.



Atsaka nagpaalam na rin ang aking mga sandig kina Ubu Isagani at Bai Liwayway, at umalis na kami at nagtungo sa balay ni Baba Digma.









Azerine's PoV



Tang*na, kanina pa may sundot nang sundot sa balikat ko eh, sino ba 'tong gag*ng 'to na sundot nang sundot? Naglalakad na kami papunta sa balay ni Baba Digma.



May sumundot sa balikat ko.



Tang*na, lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Cleo, nasa magkabilang gilid niya sina Argo at Ethan, Zailen. Tapos nasa likuran nila ang mga mandirigma. Napansin ko ang mga hawak na bangkaw nila Argo, ang kay Argo na hawak ay may balot na tela ang tulis samantalang sa ibang kasama niya ay wala.


Sige, sumundot ka ngayon at malalaman ko na kung sino 'yang boy sundot na yan! Sige sundot, tang*na ka.



May sumundot. Hindi matalas o matulis meaning may tela, huli ka balbon!



"Isa pang sundot mo Argo, tang*na ka ibabaon ko na sayo 'yang bangkaw na 'yan!"



"Sige ibaon mo! Sa puso ko! Siguraduhin mo lang na walang alisan ah! Dahil kapag ginawa mo 'yan iyong-iyo lang 'to!" Ganting sagot ng gag*!



At narinig ko pang naghiyawan ang mga kaibigan niya at mga mandirigma-- narinig ko rin ang pagtawa ni Baba Digma, tang*na nakakahiya lasing yata si Argo, hayup.



" 'Yan ang bata ko!" Pagmamalaki ni Baba Digma.



"Ano? Emo? Di ka maka-imik diyan?" Tanong pa ng loko, at ang lakas pa ng boses niya.


Sino ba naman di matatahimik sa sinabi niya? Una nakakahiya, pangalawa di ko naman inaasahan na sasagot ang Argo'ng bakla! Pangatlo, tang*na may jowa siya!



"Gag*! Itulog mo 'yan!" Yan lang naisagot ko.



"Oo, basta ba tabi tayo!"



P*ta!



Dahil sa sagot niyang 'yon lalong naghiyawan ang mga mandirigma, dahilan para maramdaman ko na uminit ang mga pisngi ko. Petengene.



"Naku! Mukhang may magtatabi mamaya sa pagtulog," ani ni Baba Digma.



Tang*na.



"Boss, tulungan mo naman ako." Bulong ko kay boss.



"Wala rin akong alam riyan Azerine, atsaka hayaan mo na lamang na magsalita si Argo parang ikaw rin iyan makulit kung nakainom," wika niya.



"Boss naman..."



"Emo, maghanda ka na--"



Tang*na talaga.



"Ikaw maghanda, dahil yari ka sa'kin mamaya hayup ka!" Ganti ko.



"Kanina pa ko naka kondisyon Emo," sagot niya. At nagtawanan naman ang lahat pati 'yong mga katabi kong tomboy.



"Gag*!" Bulyaw ko.



"Azerine, mukhang may bubukang perlas mamaya ah," bulong ni Hope, at narinig ko pang humagikhik sina boss at Winston.



"Tarantado!" Bulyaw ko. Kinakabahan na 'ko sa mga pinagsasabi ni Argo



"Azerine, di ko alam na boyfriend mo pala si Argo Frenta." Bulong ni Bacon.



"Di ko boyfriend 'yan!"



Tang*na! Kunin niyo na 'ko!









Third Person's PoV



Isang napakagandang gabi, ang kalangitan ay napupuno ng mga tala ang buwan ay waring nakangiti. Isang napakagandang silid ang kinaroroonan ngayon ng Ginoong Isagani, habang ito ay nasa balkonahe at pinagmamasdan ang mga tao sa ibaba na nagsasaya. Ang Ginoo ay hindi makapaniwala na siya'y kasal na sa isang napakagandang babae.



"Ginoong Isagani..."



Lumingon siya sa gawi ng kanyang kabiyak, maayos ang damit nito at tila ba lalo pang naging maganda ito sa kanyang paningin.



"Liwayway, para sa iyo." Ibinigay niya ang isang pumpon ng pulang rosas.


"Napakaganda, ngayon lamang ako nakatanggap ng bulaklak mula sa isang Ginoo," kanyang wika na nakangiti.


"Mula ngayon ay asahan mo, palagi kang makakatanggap ng bulaklak."



Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Liwayway, na nagpabilis ng tibok ng puso ng Ginoo. Ang ngiti nito na lubos niyang iniibig.



"Batid ko na ito ang ating unang gabi bilang mag-asawa, at pulot-gata-- ngunit nais kong alisin mo ito sa iyong isipan Liwayway aking kabiyak, hindi dahil sa mahina akong lalaki-- ngunit dahil sa lubos ang aking paggalang sa iyo, at ang aking nais ay magkakilanlan tayo at makapagpalagayan ng loob." Wika ng Ginoo.



Namangha si Liwayway sa Ginoo, batid niya na mabuti at maginoo si Isagani ngunit tila ngayong gabi ay lalo pang pinatunayan nito na malinis ang intensyon nito sa kanya. Namuo ang tubig sa kanyang mga mata.



"Bakit Liwayway? Bakit ka lumuluha? May nasabi ba 'kong hindi mo naibigan? Kung gayon ay paumanhin--"



"Hindi Ginoo, wala kang nasabi na mali o hindi ko naibigan sapagkat lalo mo akong pinahanga, tunay nga'ng mabuti ka, maginoo, nagagalak lamang ako sapagkat napunta ako sa lalaking may puso," saad ni Liwayway.



"Liwayway aking Binibini, aking tala, isa akong Ginoo, at ang tulad kong Ginoo ay marapat lamang na may puso."



"Hindi lahat ng lalaki ay gaya mo Ginoong Isagani, sabihin mo lamang ang iyong nais at ibibigay ko at gagawin ko," wika ng Dayang Liwayway.



"Isa lamang ang aking nais Liwayway, mahalin mo lamang ako at araw-araw kitang liligawan," wika ng Ginoo, at kinuha ang kamay ng kabiyak atsaka niya ito ginawaran ng isang halik.



"Na siyang mangyayari aking Ginoong Isagani..."










Huadelein's PoV



Kanina pa sila nagp-picture ni Baba Digma, magkakalahating oras na sila nakababad sa kamera ng Gunggong. Kung kailan hatinggabi na tsaka pa nagp-picture.



Gusto kong magpasalamat sa Gunggong dahil sa ginawa niya kanina upang hindi ako maisama ni Nemesis, kung hindi siya dumating tiyak ay sapilitan ako nitong isinama kanina.



Napansin kong may kumislap na liwanag dahilan upang ako'y mapalingon sa kanan ko.



"Huwag mo nga kong kuhanan ng litrato!"



"Ganda nga ng kuha ko sayo eh, nagrereklamo ka pa," aniya, habang nakatingin sa kamera niya.



"Eh kung basagin ko 'yan? Sa palagay mo ba ay magiging maganda pa iyan!"



"Subukan mo, kay kuya Zero 'to," aniya.



Iniwas ko ang aking paningin sa kanya, tumingin na lamang sa kalangitan. Ngunit naramdaman ko na lamang na tumabi ito sa akin.



"Salamat nga pala sa ginawa mo kanina," aking wika.



Ngunit waring wala siyang narinig.



"Huadelein, di ako papayag na maangkin ka ng iba, kaya magsawa ka sa pagmumukha ko," diretso niyang wika.



"Ano bang sinasabi mo riyan Gunggong?"



"Sinasabi ko lang, na akin ka lang!"



Sa puntong ito ay napalingon ako sa kanya.



"Huwag ka ng umangal, basta akin ka pa rin, maghihintay ako," aniya.



Hindi ko batid ngunit waring nagagalak ang aking puso na marinig iyon. Bakit ba hindi nabibigo ang lalaking ito na patibukin ang puso ko sa ganitong paraan? Bakit kahit na pinutol ko na ang ugnayan naming dalawa, ay tila may kung anong majika ang nagdudugtong sa amin?



Ako itong pilit na nagmamatigas ngunit bakit kapag siya ang nagbitiw ng salita ay hindi siya nabibigong palambutin ang puso ko? Anong bang mayroon sa Gunggong na ito?



"Kahit hindi ka magsalita, alam kong mahal mo 'ko," wika niya.



Ang kapal ng mukha! Iyan ang kinaiinisan ko sa kanya, iyong pakiramdam na umaakyat ang dugo ko sa inis at may kasamang galak. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nagkakaganito ako pagdating sa lalaking ito.



"Ikaw!" Pagbabanta ko. "Ikaw, Hambog ka!"



Napatayo ito mula sa kinauupuan naming punong-kahoy.



"Mahal din kita Huadelein!" Aniyang nakangiti na nanunukso.



"Napaka presko mong Gunggong ka!"



"Oo, alam ko-- ako pa rin nagmamay-ari ng puso mo!"



Ang gunggong na 'to!



"Lumayo-layo ka sa'kin Gunggong, dahil baka mahugot ko ang kampilan!"



"Kahit hugutin mo 'yan, akin pa rin 'yang puso mo," aniya.



Atsaka hinugot ko ang aking sandata mula sa sisidlan, atsaka ito tumakbo palayo sa'kin.



"Pa may-ari, may-ari ka pa-- takot naman pala!"



Bumalik ako sa pagkakaupo sa punong-kahoy at tumingin sa kawalan, nang maramdaman kong tila may tao sa mula sa aking likuran.



"Pa iskor!" At naramdaman ko ang kanyang labi sa aking pisngi.



"Gunggong kaaaaa!!!"



"Haha! Mahal din kita!"











Azerine's PoV



"Pssst! Hali ka na rito Emo malabs!"



Tang*na, di ba siya titigil sa katatawag sa'kin? Nasa isang kubo kami as in kaming dalawa lang! Kanina pa nangungulit ang tukmol na 'to. Napakagag* naman kasi ng mga tomboy di raw kami kasya sa isang kubo kaya narito ako ngayon, naman eh! Akala ko nga walang tao rito 'yon nga lang kanina na realize ko na si Argo pala ang kasama ko, at huli nang malaman ko dahil mukhang kinandato ng mga tomboy ang pinto sa labas, nyemas!.




Relax Azerine, hanggang bukas ka lang naman magsusumiksik dito sa gilid ng kubo inhale... Exhale... Relax, walang mangyayari, walang magaganap maniwala ka! Manalig ka lang, at ngayon huwag mo ng pansinin ang Argo'ng bakla okay?



"Baby Emo... Tara na rito,"



Tang*na.



"Pwede bang matulog ka na lang Argo? Palipasin mo na lang 'yang amats mo buset ka!"



"Gusto kita katabi, Emo..."



Taenaaa, kunin niyo na ko Aba! Mga ninuno ko! Gusto ko lang naman matulog ng tahimik bakit naman kasi nakasama ko pa rito ang kumag na 'to eh.


Hindi ko na siya narinig pang magsalita at pipikit na sana ko nang bigla akong umangat, at napagtanto na buhat ako ng bakla, buset!



"Woi! Argo! Anong ginagawa mo?"



"Ano pa? Eh di magtatabi tayo matulog, tsaka huwag kang maingay!"



Inilapag ako nito sa sahig ng kubo atsaka siya humiga sa tabi ko sa kanan at mabilis na ikinulong ako sa mga bisig niya, nauunanan ko ang braso niya at nasa pagitan ako ng mga hita niya.



"Ui Argo! Taena! Walang yakapan!" Protesta ko.



Pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. Inay ko po!



"Huwag ka nga'ng maingay! Matulog na!"



"Pa'no ko matutulog? Eh, nakayakap ka sa'kin!"



Naramdaman kong amoy-amoyin niya ang buhok at pisngi ko. Pa'no ko di mararamdaman? Eh may tunog 'yong pag-amoy niya.



"Ba't ang bango mo Emo? Bakit amoy baby ka?"



"Pinagsasabi mo?"



"Nakakaadik."



A-ano?



"Emo?"



"Oh?"



"Emo, gusto ko magka-anak, gusto ko pito!"



"Pfft! Kawawa 'yong bubuntisin mo ginawa mong inahing baboy ang babae ahahaha!"



"Emo..."



"Ano?"



"Bakit ang sexy mo?"



"Gag*!"



"Nagsasabi ako ng totoo, ang sexy mo nga."



"Itulog mo na 'yan!"



"Ikaw patutulugin ko, pikit na mata."



"Teka ba't ako? Di naman ako lasing ah!"



"Syempre, ikaw ang malabs ko kaya patutulugin kita."



"Grabe ispiritu ng alak, wala ko masabi!"



"It's late in the evening she's wondering what clothes to wear, she puts on her makeup and brushes her short black hair--"



"Mali naman lyrics mo eh--"



"Bakit blonde ka ba? Long hair ka ba?"



Ako ba pinatutungkulan niya sa kinakanta niya?



"Hindi--"



"Kaya 'wag ka nangengealam sa kanta ko, makinig ka na lang --Oh and then she ask me do I look alright? And I said yes, you look wonderful tonight..."



Naramdaman kong hinalikan nito ang pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon pero hindi ko na lang pinansin.



"We go to a party and everyone turns to see this beautiful lady --that's walking around with me-- Oh, and then she asks me, 'Do you feel all right?' And I said yes, I feel wonderful tonight..."



At naramdaman ko ulit na tatlong beses ako nitong hinalikan sa pisngi. Taena men!




-------


Itutuloy...









-Azerine, ikalma mo!🤣


-Papel📝❤️🤣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top