Kabanata LV: PAMAMANGKAW
Kabanata LV: Pamamangkaw
--
Huadelein's PoV
Kaharap ko ang Amang Datu ni Bai Liwayway sa labas ng balay ng mga Binukot, sa pagkakataong ito ako ang siyang haharap at makikipagkasundo sa ama na Binukot, na makakaisang-dibdib ni ubu Isagani.
Upang maging ganap ang aking pakikipagkasundo ay inihanda ko na sampu ng aking mga sandig ang mga bugay, na ihahandog para sa kanyang Amang Datu at para na rin kay Bai Liwayway.
Marami nang tao na nais masaksihan ang pamangkaw ngayong umaga, tila kay bilis na kumalat ang balitang may magaganap na pamamangkaw sa balay ng mga Binukot, animo'y kilalang-kilala nila ang anak ni Datu I-tim. Hindi na ako nagtataka pa pagkat tiyak ay alam nang lahat ng mga tagarito na isang magandang Bai, at mabuti ang anak ng Datu. Naririto rin ang mga nakatatandang lupon na tiyak ay mga kaibigan, at kaanak ni Datu I-tim.
Ngayon ay handa na akong humarap sa Datu. Ang aking mga sandig ay nasa likuran ko lamang sina Azerine, Hope, at Winston lamang ang maaaring pumanhik sa balay.
Ako'y nagsimula nang humakbang pasulong.
"Datu I-tim, ama ni Bai Liwayway naparito ako bilang kumakatawan sa aking kapatid na si Isagani na tagapagmana ni Rajah Bagani, sampu ng aking mga sandig upang hilingin ang ang pahintulot na pamamangkaw sa inyong anak."
"Mahal na Bai Huada, kumakatawan sa kanyang kapatid na Ginoong Isagani na anak ng Rajah Bagani, malugod kong ipinagkakaloob sa iyo ang pahintulot, Bai" tugon ng Datu.
"Kayong lahat na naririto ngayon, ay sinamo upang saksihan ang unang pamamangkaw ng Bai Huada, na siyang kumakatawan sa kanyang kapatid na Ginoo, anak ng kapunuang Rajah Bagani kay Bai Liwayway anak ni Datu I-tim." wika ng isang matandang lalaki na galing sa lupon ng mga nakatatanda.
"Datu I-tim, nais kong hilingin kami ay patuluyin sa inyong balay" aking wika.
"Ang hagdan paakyat ay malaya sa inyo'y ibibigay" tugon ng Datu.
Ibinaba ng mga nakatatandang babae ang hagdan paakyat. Atsaka lumakad pasulong si Winston hawak ang bangkaw at tinudla ang lupa malapit sa hagdan.
"Kasiyahan nawa ni Aba ang unang pamangkaw ngayong umaga ni Bai Huada, na kumakatawan sa aming Ginoong Isagani kay Bai Liwayway." Wika ni Winston.
Atsaka na kami umakyat sa hagdan.
--
"Datu Itim, ngayon na nagkasundo na kayo ng inyong anak na makipag-isang dibdib sa aking kapatid ay naririto ang aming pa-unang bugay. Sandig!" Aking wika at tawag sa aking sandig.
Inilabas ng aking mga sandig ang apat na sisidlan ng mga bugay.
"Bai, hindi mo ako madadala sa mga nakasisilaw na mga bagay, ngunit nais kong sabihin sa iyo na ako ay sasama patungo sa inyong puod, sampu ng aking mga kaanak at ilang lupon ng mga nakatatanda upang makatiyak na ang aking anak ay nasa kanyang tamang pasya." Saad ng Datu.
Maisog talaga ang Datu na ito. At ito ang aking ikinalulugod pagkat sa kabila ng kanyang pagiging matigas, ang kanyang anak na Binukot ang kanya rin kahinaan.
"Datu, isasama talaga kita sa pagbalik sa aming puod kasama ang inyong anak, upang doon isagawa ang ikalawang pamamangkaw at inyo rin makaharap ang aking Baba, at ang aking kapatid na si Ubu Isagani."
"Mainam, ngayon ay may kasunduan na tayo, Bai."
Bahagya lamang ako ngumiti sa Datu bilang tugon.
"Saraw, tawagin mo na si Liwayway" utos ng Datu.
Lumabas ang Bai na suot ang tradisyunal na kanilang kasuotan. Nakikita kong tila handa na siya makipag-isang dibdib kay Ubu Isagani. Ngunit habang ako'y nasa magandang pag-iisip ay may narinig kami na kalabog.
"Hope! Gising!" Rinig kong palahaw ni Azerine dahilan upang ako'y mapalingon sa likuran, maging ang Datu at sina Bai Liwayway, Saraw at isang matandang lupon.
"Hope, gising!" Rinig ko pang hiyaw ni Winston.
"Huwag kang pupunta sa liwanag! Pakiusap!" Ani pa ni Azerine.
"Anong nangyari Bai?" Tanong sa akin ni Bai Liwayway.
"Langit... Napakaganda niya... Napaka..." Wika ni Hope nakahiga sa kawayang sahig.
"Ganyan talaga siya kapag nakakakita ng maganda" aking tugon.
"Napakaganda..." Rinig ko pang ani ni Hope.
"G-gayon ba?" Tanong ng Bai.
"Ipagpaumanhin niyo na lamang ang aking sandig, ngunit mayamaya lamang ay magiging maayos na rin siya." Aking wika.
Ginoong Isagani's PoV
"May balita na ba sa iyo ang iyong kapatid Isagani?" Tanong sa akin ng aking amang Rajah at uminom ito ng pangasi.
Kami ay nasa Bulwagan kasama ang mga sandig ng aking amang Rajah.
"Ikinalulungkot ko Baba, ngunit wala pa sa akin balita ang aking kapatid na Bai." Aking tugon.
"Tila kakatwa na wala pa rin balita si Huada sa iyo Isagani, magta-tatlong araw na mula noong lisanin ni Huada ang puod kasama ang kanyang mga sandig." Saad ng aking amang Rajah.
"Kapunuan, maghintay lamang tayo tiyak ay hindi bibiguin ng Bai ang kanyang kapatid. Kilala naman natin si Huada" wika ni Atubang.
Maaasahan talaga si Atubang, hindi niya ako hinahayaan na mapahiya.
"Sana nga Atubang, ay may maiharap na sa akin si Huada pagkat ako'y naiinip na sa paghihintay." Ani ng aking Ama.
"Umasa ka Baba, na may maihaharap ako sa inyo na Bai na aking makakaisang-dibdib sa tulong ni Huada." Aking wika.
"Marapat lamang Isagani, sapagkat ikaw ay aking tagapagmana."
Mayamaya lamang ay narinig kong tumunog ang aking telepono. Atsaka sinagot ito.
"Napatawag ka Winston na sandig ng aking kapatid?"
"Ginoo, ipahanda niyo ang matutuluyan ng Bai na inyong makakaisang-dibdib, kami'y magbabalik riyan ngayong hapon, kasama ang kanyang ama at ilang kaanak" wika nang nasa kabilang linya.
"Nakatutuwang marinig iyan Winston, daghang salamat" at akin nang ibinaba ang tawag.
"Baba, magbabalik na si Huada kasama ang Binukot na aking makakaisang-dibdib."
Ngumiti si Atubang at bahagyang napasinghap ang aking Baba.
"Mga uripon! Ihanda ang matutuluyan ng Binukot na makakaisang-dibdib ng inyong Ginoo, at ng kanyang mga kaanak!" Utos ng aking Ama.
Vergel's PoV
Galit na galit si tita Lilibeth na pumasok ng mansyon.
"Nemesis! Prince! Where are you? Get down here now! You two cousins are spoiled brats!"
"Tita, calm down, what happened? Why are you so angry?"
"And you even got me to really ask why?"
"Of course tita, because every time you come here you are always angry, what's the problem?"
"Iyang dalawa mong pinsan! At kasama ka na! Hinayaan niyo makatakas ang Huadelein na 'yon! Ngayon? Ano pang panghahawakan natin?" My tita asked me.
"What's the commotion here?" Prince asked as he went down the stairs.
"Isa ka pa! Nasaan si Nemesis?"
"Why tita?" Tanong ni Nemesis na halos kasunod lang ni Prince na bumaba ng hagdan.
"Why? Hinayaan mong makatakas si Huadelein, ang sabi mo sa'kin hindi makakaalis dito ang babaeng 'yon!"
"Tita--"
Hindi naituloy ni Nemesis ang sasabihin niya nang magsalita si tita Lilibeth.
"Look. Huadelein is now in Panay and looking for a wife for Isagani. I wanted to introduce a woman to Bagani for Isagani to marry, but he immediately rejected me. And now we can't hold him by his neck!"
"There is another way, tita" said Nemesis confidently.
Ano na naman kayang nasa utak nitong pinsan ko? Hmm... I know he's planning something again.
"Really Nemesis? Just make sure you don’t ruin what you’re planning! Because when that goes wrong I might be the one to act!"
"Just relax tita, there is a corpse that will rise and disturb Huadelein's life now." Said Nemesis and Grinned.
"I look forward to your word, Nemesis. And what about you Prince?" She said and turned to Prince.
"I'm already doing my part, tita"
"Napakabagal mo kumilos! Kaya naiisahan ka na ni Zero--" Saad pa ni tita.
"Tita, pwede bang maupo ka at kumalma ka muna, let's drink wine first--" Sabi ko pero agad rin siyang nagsalita.
"You three fix your jobs! Don't make the mistake of making me angry again. Goodbye!" She said and frowned as she left the living room.
"So boys, fix your jobs" I said to my two cousin's.
Tsk! Iniinda ko pa nga ang daplis ng bala sa binti ko na gawa ni Huadelein, tsk! Ang Bai'ng 'yon. Kung hindi lang siya maganda tch!
Huadelein's PoV
Mula sa balay ng mga Binukot, inilabas ang isang duyan na gawa sa tela at lulan ang Bai, siya'y natatakpan. Kasama ang kanyang amang Datu at mga kaanak, kami ay bumabiyahe ngayon pabalik nang aming puod. Kasama ko sa sasakyan ang Bai Liwayway ang kanyang ama, at ang aking tatlong mga babaeng sandig.
"Bai Huada, napakaganda pala sa labas" kanyang saad na nakatingin sa salaming bintana ng sasakyan.
"Oo. Bai Liwayway, kaya nga ninais kong makawala sa aking Bukot nang sa gayon ay masilayan, at maransan ko ang buhay sa labas ng aking puod." Aking wika.
"Oo nga, bakit ka nga pala wala sa iyong Bukot? At maikli ang iyong buhok?" Kanyang tanong.
"Mahabang salaysayin Bai Liwayway, hayaan mo minsan ay ikukwento ko sa iyo kung bakit ako nasa labas" aking wika.
"Aasahan ko iyan, Bai"
"Bai Liwayway, pagdating natin sa aming puod ay huwag kang mahihiya, huwag kang mag-alala mayroon kang tagasilbi roon na siyang gagabay sa iyo." Aking wika.
"Sayang nga Bai, pagkat hindi sumama sa akin si Saraw ngunit nauunawaan ko naman siya, pagkat siya'y may edad na." aniya na tila lumamlam ang kanyang mga mata.
"Huwag kang mag-alala Bai, pagkat naroon ang aking tagasilbi na tumatayo na aking pangalawang ina, Milan ang kanyang ngalan at tiyak ay makakasundo mo siya. Siya muna ang titingin sa iyo at magiging punong-gabay at mag-aalaga sayo."
"Kung gayon ay daghang salamat, Bai."
"Huwag kang mag-alala Bai Liwayway, naroon din naman kaming mga sandig ng Bai --aray!" Ani ni Hope at kanyang daing pagkat siya'y nakutusan ni Winston.
"Huwag ka nga'ng magsalita ng ganyan Hope, batid mo naman na hindi pa maaaring lumabas si Bai Liwayway pagdating niya ng puod, baka mamaya umasa ang Bai sa sinasabi mo." Wika ni Winston.
"Bai Liwayway, maaari mo naman kaming makausap --aray naman!" Daing pa ni Azerine.
"Isa ka pang kuto ka! Manahimik ka nga riyan!" Ani pa ni Winston pagkapukpok ng isang yantok sa ulo ni Azerine.
"Grabe ka talagang tomboy ka, yari ka talaga sa'kin mamaya makauwi lang tayo ng puod." Rinig kong bulong ni Azerine na tila mangiyak-ngiyak.
"Bai Huada, malayo pa ba tayo sa inyong puod?" Tanong ni Datu I-tim.
"Malapit na Datu, nakikita ko na ang unang tarangkahan ng aming puod."
Third Person's PoV
Kararating pa lamang ng Dayang na si Lilibeth Hillari nang madatnan niyang abala ang lahat ng tagasilbi, lakad rito at lakad paroon. Hindi niya alam kung ano, kanino siya magtatanong kung anong kaganapan ang mayroon sa balay ng Rajah. Pinagmamasdan niya ang paligid nang mayroong uripon na dumaan sa kanyang harapan, ay agad niya itong tinanong.
"Uripon, anong nangyayari at parang abala yata ang lahat" tanong ng Dayang.
"Magandang gabi Dayang, ang lahat ay abala pagkat pauwi na ang Bai Huada kasama ang Binukot na makakaisang-dibdib ni Ginoong Isagani." Tugon ng uripon.
"Kung gayon, makakaalis ka na." Pumustura ang Dayang at animo'y di maipinta ang kanyang hitsura. Gayon na nalaman niya na pauwi na ang Bai, at kasama nito ang Binukot na nakatakdang ikasal kay Ginoong Isagani, ay halos siya'y sumabog sa kanyang pagtitimping nararamdaman na inis.
Sa kabilang dako ng balay, sa isang silid kung saan ay abala si Milan na tila siya ang Punong abala sa kaganapang ito.
"Tama na ang mga kasuotan na ito, si Bai Huada ang pumili ng mga kasuotan na nasa sisidlan para sa Bai na makakaisang dibdib ng ating Ginoo. Kung kaya't alisin niyo na lamang ang maiinit na kasuotang ito, pagkat hindi ito magagamit" ani ni Milan sa apat na tagasilbi.
"Ngunit Milan, hindi kaya ay kagalitan kami ng Dayang pagkat siya ang nagpalagay ng mga kasuotang iyan dito." Saad ng tagasilbi.
"Ako ang bahala, kapag nagalit siya'y isaad mo sa akin."
Lumakad na ang uripon dala ang mga kasuotan na ibinilin ni Milan, habang lumalakad ang uripon ay nakasalubong naman niya ang Dayang.
"Uripon, tila kilala ko ang mga damit na iyan, iniligay ko ito sa silid ng mapapangasawa ni Isagani, ano at dala mo iyan?" Tanong ng Dayang.
"Paumanhin, Dayang. Ngunit ito ay inutos na alisin sa silid na yaon pagkat hindi raw ito magagamit ng Bai na makakaisang-dibdib ng Ginoo."
"At sinong nagsabi na hindi iyan magagamit?" Tanong ng Dayang.
"Si Milan, Dayang."
Tila, lalong nangunot ang noo ni Lilibeth Hillari nang marinig iyon, pagkat si Milan ang nagsabi, abot langit ang kanyang pagkasuklam sa tagasilbing ito. Pagkat siya rin noon ang dahilan kung bakit nagkagulo noon sa balay ni Rajah Digma.
"Milan..." Bulalas ng Dayang.
"Akin na ang mga damit na iyan" hablot nito sa mga damit na dala ng uripon. At pagkatapos nga niyon ay dali-daling nagtungo ang Dayang sa kanyang silid, at padabog na isinara ang pinto.
Sa kanyang sama ng loob ay pinagtatapon niya ang mga damit.
"Humanda ka sa'kin, Milan!" Tiimbagang na wika ng Dayang na bakas sa kanya ang galit.
Sa dako ng Bulwagan ay nakaayos na ito, nakahanda na rin ang malaking silid-kainan para sa mga kaanak ni Bai Liwayway. Ang mga tagasilbi ay kasalukuyan na inihahanda ang mga masasarap na pagkain na tiyak ay bubusog sa mga panauhin.
Samantala, ang Rajah Bagani naman ay tila hinihintay na lamang ang pagdating ng Binukot na makakaisang dibdib ni Ginoong Isagani, at mga kaanak nito.
"Kapunuan, handa na ang mga bugay" wika ng Paragahin ng Rajah.
"Mainam, nang sa gayon ay maaaring bukas maganap ang tunay na pamangkaw o ngayong gabi" ani ng Rajah.
"Tila napakahusay ni Huada hindi ba Kapunuan? Siya ay nakahanap ng isang Binukot na makakaisang-dibdib ng ating Ginoo" wika ni Atubang.
"Atubang, tsaka lamang ako hahanga sa aking anak kapag nakita mismo nang aking mga mata, ang kaanak ng Binukot na pakakasalan ni Isagani." Tugon ng Rajah.
Hindi na umimik pa ang Atubang dahil ayaw niyang humaba pa ang kanilang usapan.
Mayamaya lamang ay may narinig silang makina ng sasakyan.
"Aguila, tingnan mo kung sino ang dumating" utos ng Rajah.
"Masusunod Mahal na Rajah"
Ilang sandali pa ay nakita na nila ang Bai Huada kasama ang kanyang mga sandig, mga kaanak ng Bai Liwayway, atsaka ang Binukot na lulan ng duyan na nagkukubli sa isang malapad na kayo. Na ang nasa magkabilang dulo ng kawayan na siyang tangan ay sina Jace at Tres dala nila ang Bai.
"Magandang gabi, Ama" pagbati ni Bai Huada at nagbigay ito ng papugay sa kanyang amang Rajah kasama ang kanyang mga sandig.
"Sila na ba ang kaanak ng Bai na makakaisang-dibdib ni Isagani?" Tanong ng Rajah.
Tumingin ang Bai sa kanyang ama, tila nais niyang ipahiwatig na siya'y nagtagumpay sa kanyang mahirap na gampanin.
"Oo. Ama, naririto si Datu I-tim ang ama ng Bai na makakaisang-dibdib ni Ubu Isagani."
"Magandang gabi, Rajah Bagani. Ako si Datu I-tim ama ng Binukot na makakaisang-dibdib ng inyong anak na Ginoo." Wika ng Datu sa Rajah.
"Matagal din tayong hindi nagkita, kaibigan, kumusta ka Datu I-tim?" Tanong ng Rajah atsaka bahagyang lumapit sa Datu.
"Ako'y mabuti, Rajah Bagani. Ngunit nagambala ito ng iyong anak na Binukot" ani ng Datu, na tila papuri sa Bai na anak ng Rajah.
Bahagyang ngumiti ang Rajah sa Datu.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan, kung hindi ang aking anak na Ginoo ang siyang nagtungo sa inyong puod, ngunit mamaya na natin ito pag-usapan--"
"Ama, paumanhin..." Pagitna ng Bai sa Rajah at Datu. "Ngunit maaari ba na magtungo na ang Bai sa kanyang silid? Tiyak siya'y nahapo sa aming biyahe" wika ng Bai Huada.
"Maaari, Milan! Inyo ng samahan ang inyong Bai sa silid na tutuluyan ng anak na Binukot ni Datu I-tim." Pagka-utos niyon ng Rajah ay dali-daling lumakad ang mga tagasilbi at iginiya ang Bai Huada, at ang Bai'ng lulan ng duyan.
"Aking Bai, maligayang pagbabalik" pagbati ni Milan sa kanyang Bai Huada.
Huadelein's PoV
Matapos kong ihabilin si Bai Liwayway kay Milan ay nagtungo na ako sa kanyang silid upang magpaalam, pagkat ako'y magtutungo sa aking inkong Digma.
Napansin kong pinagmamasdan ng Bai ang kanyang sarili sa salamin. Tila siya'y naninibago sa kanyang kasuotan.
"Bai Liwayway" aking pasintabi.
"Bai Huada, n-nariyan ka pala--" kanyang wika nang ibaling niya ang kanyang paningin sa akin.
"Bagay sa iyo ang iyong kasuotan" aking saad.
Bahagyang ngumiti ang Bai.
"Bai, paumanhin, ngunit ako'y naninibago sa kasuotang ito pagkat kita ang aking tiyan" kanyang saad.
"Masasanay ka rin, Bai. Bai Liwayway, ako sa iyo'y magpapaalam muna..."
"Magpapaalam? Aalis ka Bai?" Tanong muli ng Bai.
"Oo. Bai, ngunit sandali lamang ako roon dadalawin ko ang aking Inkong Digma, huwag ka mag-alala Bai inihabilin na kita kay Milan."
"Kung gayon Bai ay mag-iingat ka" wika ni Bai Liwayway.
"Makakaasa ka Bai, pa'no paalam na muna Bai" binigyan niya ako ng isang mainit na yakap atsaka ako'y umanyo na.
--
Sinalubong kami ng mga mandirigma ni Baba Digma, tila nakapagtataka lamang pagkat kakaunti lamang ang mga mandirigma na naririto sa labas ng balay ng aking inkong.
"Mga mandirigma, may kaganapan ba sa likod-balay ng aking inkong?" Aking tanong.
"Mayroon Bai, kasama ng Rajah Digma ang kanyang mga panauhin." Tugon ng isang mandirigma.
"Mga panauhin?" Aking bulalas.
Nagpalitan ng mga tingin ang aking mga sandig.
Nagtungo kami sa likod-balay ng aking mga sandig at aking nakita ang mga kilala kong Ginoo, na tila nakikipagtagisan ng husay sa paggamit ng kampilan. Masayang hiyaw ng mga mandirigma ang aking naririnig ngayon.
Patuloy sa pakikipagtagisan ang Ginoong tila hindi padadaig sa kanyang katunggali. Paano siya humusay sa paggamit ng kampilan? At ano ang kanyang ginagawa rito?
"Bai, bakit naririto sila?" Tanong ni Jace.
"Hindi ko rin batid, Jace"
Napansin kong inilabas ng aking tatlong mga lalaking sandig ang kani-kanilang kampilan, atsaka nagtungo sa dalawang nagtutunggali sa gitna. At tila mas lumakas pa ang hiyawan ng mga mandirigma na saksi.
Tumingin sa akin ang isang Ginoo ngunit nawala rin agad ang kanyang paningin sa akin nang siya'y sugurin ng isa sa aking mga sandig.
"Putya! Mukhang magandang laban 'to! Kanino ka pupusta Hope? Sa Zeryozo boys o Delzado boys?"
"Pusta ko sampu! Sa Delzado's ako" Tugon ni Hope.
"Ikaw Winston?" Tanong pa ni Azerine.
"Ngayon lang 'to ah, doon ako sa Zeryozo boys nang maiba naman, 20k!" wika ni Winston.
"Aba! Gumaganyan ka na ngayon Winston ah! Delzado's ako, 20k!" Ani pa ni Azerine.
Tila sumakit ang aking ulo sa kanila, pati ba naman ito ay pagpupustahan pa nila.
"Kayong tatlo..." Aking pagbabanta.
"H-hehe Boss, peace!" Ani ni Azerine.
-------
Itutuloy...
Karagdagang Kaalaman:
Pamamangkaw- Pamamanhikan
Kayo- tela, malapad na tela
Bugay- regalo, regalo ng isang Ginoo o regalo pamilya ng Ginoo para sa kanyang Binukot na pakakasalan.
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top