Kabanata LIX: Suspek











Kabanata LIX: Suspek




--




Hope's PoV


Ilang linggo na rin kami nag-iimbestiga tungkol sa aksidenteng nangyari kay Hara Delzado, at ngayon 'yong putyang Ranzo patagal pa buset! Hindi niya raw ako sisiputin hanggat hindi niya nakikita si boss. Chikboy talaga hayup!


Bigla naman may sumipa sa paanan ko, dahilan para mapabaling ako kina Winston at Azerine sabay nguso ni Winston kay boss para bang sinasabi ng tomboy na "boss mo, huhugot na ng kampilan!" Pinandalatan ko lang ng mata ang gag*.


"Ehem! Boss, baka naman pwede tayong maka order ng kape diyan!" Sabi ng unggoy na si Azerine.


"Winston, omorder kayo ng gusto niyo kainin," sabi ni boss, habang tinitingnan ang envelope na naglalaman ng files about sa aksidente ng mama niya.


"Yown! Ano pa hinihintay mo tomboy tawagin mo na 'yong waitress!"


"Oo, 'wag ka ng maingay diyan Azerine!" Bulyaw ni Winston. Pfft! At sumenyas na ang tomboy para tawagin ang waitress atsaka omorder na kami.


5 minutes lang ang lumipas naibigay na sa amin ang mga order namin na kape at cake. At si boss hindi man lang ginalaw ang kape niya naghihintay lang siya sa tao na darating, putyang Ranzo 'yan babangasan ko talaga 'yon nakakahiya na paghintayin si boss ng 30minutes.


Nagkatinginan na naman kami ng tatlong tomboy dahil mukhang malalim ang iniisip ni boss. Napansin pa namin na tumingin siya sa relo niya, taena mo Ranzo humanda ka talaga sa'kin mamaya pinaghihintay mo ng matagal ang napakaganda kong bossing.


"Ah, boss matanong ko lang nasaan 'yong tatlong itlog?" Tanong ni Azerine, na ang tinutukoy sina Bacon, Jace, at Tres.


"Itlog? Bakit omorder ba kayo ng itlog? --Winston!" Pagbabanta ni boss kay tomboy. Nakanamputya di niya na naman yata na gets.


"Pfft!" Pagpipigil ng tawa ni Azerine. Gago talaga ang isang 'to.


"Linawin mo kasi 'yang pagtatanong mo tang*na ka," bulong ni Winston kay Azerine panget. Atsaka nagsalita ulit siya para sagutin ang tanong ni boss, "ah, boss ang tinutukoy ni Azerine, eh sina Bacon, Jace at Tres."


"May pinagawa ako sa kanila, hindi ko nga alam kung bakit hindi pa rin ako nakatatanggap ng tawag galing sa kanila," wika ni boss.


"Ah, baka busy lang sila boss, ano bang pinagawa mo sa tatlong 'yon?" Tanong ko.


"Mamaya ay malalaman niyo rin, sa ngayon ay harapin muna natin ang Ranzo na sinasabi niyo," ani ni boss.


At mayamaya ay may pumasok na sa pinto ng restaurant atsaka dumiretso na ito sa table namin.


"Hi!" Bati niyang nakangiti.


"Ang tagal mo, hayup ka--" sabi ko, pero natigilan ako nang hindi ako pansinin ng kupal.


"Hi! Binibining Huadelein, ako nga pala si Ranzo kaibigan ni Chocklet-- aray!" Hinampas ko 'yong kamay niya, gamit ang platito ng cake. Napaka chikboy gusto pa mahawakan ang kamay ng boss ko. Napansin ko pang lihim na ngumingiti 'yong dalawang tukmol na tomboy, anak ng kamatis!


"Kumusta, Ranzo--"


"Ayos lang Binibini, kaso 'tong kaibigan mo salbahe--"


"Maupo ka na nga Ranzo, dami mong sinasabi," ani ko. Gag*ng 'to, tuloy 'yong dalawang panget inaasar na 'ko sa isip ko, nakikita ko na sa mga mata nila na tinutukso na ko ng dalawang sugpo!.


" 'Yong files Chocklet, pinakita mo na ba sa kanya?" Tanong ni Ranzo.


Chocklet amp!


"Oo, pinakita ko na," ani ko, na may pagbabanta dahil naaalibadbaran akong tinatawag niya kong Chocklet. Nakita ko naman ang pag ngiwi niya alam niyang tatamaan siya sa'kin kapag di niya tinigilan ang pagtawag sa'kin ng Chocklet.


"Didiretsahin na kita..." Wika ni boss, at napabaling agad si Ranzo kay Huadelein, ganoon din kami, "gusto kong tulungan mo kami hanggang sa matapos ang kasong 'to," wika ni boss.


"Walang problema, Binibini," tugon ni Ranzo, at kumindat pa ito. 'Yong dalawang tomboy parang uusok ang mga tainga dahil sa pagkindat nito sa Bai namin.


"May iniimbestigahan akong tao, na posibleng siya ang nakabanggaan na sasakyan ni Hara Delzado," wika ni Ranzo.


"May suspek na ba kayo?" Tanong ni boss.


"Sa ngayon wala pa," sagot ni Ranzo.


"May suspek ako," diretsong sagot ni boss. Lahat kami ay napalingon sa kanya, sino naman ang suspek niya?


"At sino naman 'tong sinasabi mong suspek mo?"


"Hanggat hindi pa 'ko sigurado, hindi ko pa sasabihin sa inyo," tugon ni boss.


Isa lang naman ang pwedeng maging suspek ni boss, kaso baka nagkakamali lang din ako.


Narinig naman namin na may tumunog na cellphone. At lahat kami napalingon kay Huadelein.


"Hello! Sige, papunta na kami," at ibinaba niya ang cellphone atsaka nagsalita, "tayo na, may mahalaga tayong pupuntahan." Atsaka tumayo na kami pati si Ranzo.


"Di pa ubos cake ko--" ani ni Azerine, atsaka hinila ko na siya.


"Mamaya na 'yang cake na 'yan!"










Bacon's PoV


Kasalukuyan na kumakain ngayon ang taong nakasagasa sa sasakyan ng iloy ni Bai Huada, nagugutom daw siya kaya nagpadeliver ng pagkain si Tres. Kanina pa nakatitig si Jace sa lalaking 'to parang gusto ng manakit.


"Tres, tinawagan mo na ba ang Bai?" Tanong ko.


"Oo, dahil mukhang hindi magsasalita ang taong 'to hanggat hindi nasisindak mukhang hindi natatakot sa'tin eh," sagot niya.


"Tingnan mo si Jace, parang gigil na sa lalaki," sabi ko.


"Kanina pa kasi siya nagtatanong sa lalaking 'yan, kaso hindi siya sumasagot ng seryoso-- eh si Jace wala pa naman pasensya sa ganyan," sagot naman niya.


Mayamaya lang, narinig namin na may pumasok na sa pinto. At nakita na namin sila boss at ang isang lalaki na hindi pamilyar sa'kin.


"Siya na ba 'yon?" Tanong ni Winston pagkapasok nila.


"Oo," sagot ni Tres.


Bahagyang lumapit si boss sa nakaupong lalaki.


"Ranzo, hindi ba nakalagay sa files na ibinigay sa'kin ni Hope na under maintenance ang mga CCTV camera sa daan kung saan naganap ang aksidente?" Tanong ni boss, habang pinagmamasdan ang lalaki.


"Oo. Tama ka, tsaka wala kaming nakuha na CCTV camera footage no'ng mga panahong 'yon dahil nga sa under maintenance ang mga iyon," tugon ng lalaki.


"Paano kung sabihin ko sa'yo na mayroong nakuhang CCTV footage ang isa sa mga sandig ko? At paano kung sabihin ko sa'yo na ang taong ito-- ay isa sa dalawang lalaki na nakita ko na bumaba ng sasakyan upang tingnan kung buhay pa ang kanilang nabangga?" Seryosong saad ni boss.


Mukhang tinutukoy ni boss ang cctv footage na nakuha ni Tres.




*Pagbabalik-tanaw*


"Bacon, tingnan mo 'to." Ipinakita niya sa'kin ang isang video.


"Sino 'yang mga 'yan?" Tanong ko.


"Ito 'yong inutos sa'kin ni boss no'ng nakaraan lang, na maghanap ako ng kahit na anong evidence sa aksidente ng mama niya, at ito ang nahanap ko, medyo nahirapan nga ko rito," sagot ni Tres.


*Pagtatapos ng Balik-tanaw*




"Ikaw, sinong nag-utos sa'yo para banggain ang sasakyan ng ina ko?" Tanong ni boss.


Bumaling ang lalaki kay Huadelein, "Wala kang makukuha sa'kin na sagot," sagot ng lalaki.


"Sige--" wika ni boss, at nabigla kami nang ilabas niya ang isang baril at itinutok sa lalaki dahilan para kapitan ito ng takot.


"Siguro naman magsasalita ka na ngayon, sampung taon ang nakararaan sinong nag-utos sa'yo para banggain ang sasakyan ng ina ko nakapapanganak pa lamang?" Tanong ni Bai Huada. Sa tanong ni Bai ay parang ako mismo sa sarili ko ay naging emosyonal.


"M-mags-sasalita ako-- p-pakiusap il-layo mo sa'kin ang baril na 'yan pakiusap!"


"Tinatanong kita, sinong nag-utos sa'yo?" Tanong ni Bai. Inilabas ni Bai Huada ang cellphone mula sa bulsa niya at ipinakita sa lalaki ang isang larawan. Hindi ko makita kung sino ang nasa picture medyo malayo ang pwesto ko.


"S-siya nga! Siya ang nag-utos sa'min-- b-binayaran niya kami ng malaking halaga, para banggain ang sasakyan ng babaeng kalalabas lang ng ospital-- maawa ka sa'kin, huwag mo 'kong p-patayin," pagmamakaawa ng lalaki.


"Anong pangalan ng babaeng 'to?" Tanong ni Bai.


"L-Lili--  Lilibeth Hillari ang pangalan niya!" Sagot ng lalaki.


Halos manginig ang kamay ni Bai Huada nang marinig iyon habang hawak ang kanyang baril, kitang-kita ang galit sa mga mata niya napansin kong iniligay ni Bai ang daliri niya sa gatilyo. Nanginginig pa rin ang kamay nito habang nakatitig sa lalaki na nagmamakaawa sa kanya.


Pero nagbigla kami nang mabilis niyang binigyan ng dalawang suntok sa mukha ang lalaki. Halos mamaluktot ito sa takot. Walang nagtangkang umawat sa'min.


"Patawarin niyo 'ko, huwag niyo kong papatayin! Huwag niyo 'kong papatayin!" Pagmamakaawa ng lalaki.


Ibinaba ni Bai Huada ang baril niya. Atsaka muling humarap sa lalaki.


"Hindi sapat ang salitang kamatayan sa'yo," wika ni Bai, at lumabas na ito ng chamber.









Azerine's PoV


Pagkalabas ni boss ng pinto ay para kaming mga unggoy na nakasunod sa kanya, at si Ranzo ay naiwan sa loob para tanungin ng ilang katanungan ng lalaki. Pero, sabi niya sa'min bago pa kami pumunta rito na isasama nila ng dalawa niyang kasama ang lalaki sa station nila para hindi na ito makawala pa.


Naabutan namin si boss na nakatalikod at hindi gumagalaw, hawak niya ang baril niya habang bagsak ang kamay nito. At narinig namin ang mahihinang hikbi niya.


Mabilis akong lumapit sa kanya at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa baril.


"Boss, akin na muna 'to ah," ani ko pagkakuha ko ng baril sa kanya.



Mas narinig pa namin ang mga hikbi nito, at bigla niyang pinagsusuntok ang pader na nasa harapan niya. Paulit-ulit niya rin sinipa-sipa ang isang couch na nasa kanyang tabi. Mabilis naming naawat si boss pero huli na rin dahil may mga sugat na ang kamao niya. Patuloy siya sa pagluha, alam ko na galit na galit siya sa lalaki at lalo na kay Lilibeth Hillari.


"Ang iloy ko... Ang iloy ko...!" Aniya, habang patuloy sa paghikbi.


"Boss, magiging maayos rin ang lahat," wika ni Winston.


"Pinatay ni Lilibeth Hillari ang pinakamamahal kong iloy, --anong karapatan niya upang gawin iyon!?" wika niya, halos sumigaw ito sa galit at pinagsusuntok niya ulit ang pader na may kaunting bahid na ng dugo galing sa sugat sa mga kamao niya. Mabilis siyang niyakap nina Hope at Winston, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon ko lang nakita si Huadelein na magwala ng ganito.


"Boss, tama na-- sinasaktan mo na sarili mo," ani ko, habang yakap siya ng dalawa at ako naman ay nasa harapan niya-- bahagya kong inayos ang medyo magulo na niyang buhok at hinawi ang pawis nito sa kanyang noo.


"Ang iloy ko... Ang iloy kooo... Waring hindi ko matanggap ang kanyang pagkawala magmula pa noon-- matatanggap ko pang namatay siya dahil sa di sinasadyang aksidente, ngunit hindi ko malunok na namatay ang aking ina dahil sa isang tao na sinadyang kitlan siya ng buhay..." Wika ni boss, habang bumabagsak ang mga butil ng luha galing sa mga mata niya. Hindi ko na rin napigilan ang mapaluha, nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan ang boss ko.


Hinawakan ko ang kamay niya na may mga sugat, "Boss, makukuha rin natin ang hustisya para sa Hara pero pakiusap Bai maging matatag ka, 'wag mo saktan ang sarili mo, tandaan mo nasa kalagitnaan pa lang tayo ng misyon," saad ko.


"Tama ka, makukuha rin natin ang hustisya para ina kong Hara, magbabayad si Lilibeth Hillari."








Third Person's PoV


Naglalakad ang Bai sa isang pasilyo dahil papasok na ito sa kanyang susunod na klase may nakabalot na bandage sa kanang kamao nito dulot ng magwala ito noong sabado. Habang naglalakad nga siya'y may lihim na sumusunod sa kanya. Naramdaman ni Huadelein na may nakasunod sa kanya kaya huminto ito.


"Sinong nariyan?"


Mabilis na nagtago ang isang misteryosong estudyante. Lumingon si Huadelein sa likuran niya ngunit wala siyang nakita at nagpatuloy na lamang siya sa kanyang paglalakad, dumaan siya sa locker kung saan naroon ang aklat na kanyang kailangan para sa kanyang susunod na asignatura. Nang siya'y nasa silid-aralan na ay binuklat niya ang aklat at may nakitang kapirasong papel mabilis niya itong binuksan, may nakasulat dito kaya naman ay binasa niya ito.





Hi! Sa napakagandang babae na babasa nito, ngumiti ka lang palagi. :)


Mr. G.



Mr. G. ? Sandali lamang, hindi ba siya ang nag-iwan ng bulaklak noon?


"Boss, ano 'yan?" Tanong ni Azerine.


"Isang sulat, galing kay Mr. G."


"Mr. G. ? Hindi ba 'yan 'yong nag-iwan sa locker mo no'ng nakaraan ng bulaklak?" Tanong niya.


"Oo, tama ka."


Bahagya itong sumilip sa sulat na hawak ng dalaga at napansin na hindi ito sulat kamay.


"Computerized na naman, hirap talaga tukuyin ng Mr. G na 'to!"


Napapaisip ang Bai kung bakit nag-iiwan ng sulat si Mr. G. Hindi niya lubos maisip kung sino ang taong iyon.









Huadelein's PoV


Panglima, panglimang beses niya na akong binabato ng papel-- hindi ba siya titigil sa kanyang ginagawa? O nais niyang mabalian ng buto ngayon!.


"Hindi pinapansin kagwapuhan ko ha," wika niya, siya'y nasa likod ng aking upuan. Kung hindi ka nga naman mamalasin ay matapos ang dalawang linggong bakasyon ay pakiramdam ko napakahaba niyon dahil sa dami nangyari, dagdag pa si Lilibeth Hillari.


May bumato muli ng papel sa uluhan ko. Inis akong humarap sa kanya at ibinalik ang lukot na papel nang hindi tumatayo.


"Kung maaari lamang, ibulsa mo ang iyong kalat hindi 'yong ibinabato mo sa iba!" Aking mariing wika sa kanya. Tila nagulat ito at hindi nakapagsalita sa aking inasal, at humarap na ako at nakinig kay Ginoong Quinis.



Ang akala ko ay mananahimik na ang Gunggong ngunit--


"Anong nangyari diyan sa kamay mo?" Tanong niyang pabulong sa kanang tainga ko.


Hindi ko siya pinansin at hinayaan na lamang siya sa katatanong.


Nang matapos ang klase ay lalabas na sana ako ng pinto nang may bumangga sa akin at napansin kong si Lyka iyon. Ang lakas ng loob na banggain ako, dapat siyang turuan ng leksyon! Mabilis akong kumilos at hinarangan siya.


"Oh! Anong problema mo diyan?" Tanong niya.


"Tinitingnan ko lang kung may mata ka, may mga mata ka naman pero bakit nabangga mo pa rin ako?"


"Hindi ko naman sinasadya--"


"Sinadya mo, may mata ka at kasya ang tatlong tao sa pinto kaya pa'no mo 'ko mababangga?"


"Sinabi ko na hindi ko sinasadya--"


Napansin ko si Azerine sa gilid na waring pinanonood kami.


"Tahimik! Banggain mo pa ulit ako at makakakita ka ng mga bituin, Lyka!" At nilampasan ko na siya, agad naman lumapit sa akin si Azerine.


"Akala ko boss tutuluyan mo na si Lyka, inaantay kong bangasan mo eh!"


"Hindi ko gagawin iyon---" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang mayroong humarang sa amin.


"Emozencio, pahiram muna ng Bai mo--" aniya.


Nais kong magprotesta ngunit narinig kong magsalita ang kasama ko.


"Okay, sige. Boss una na 'ko sa baba." At lumakad na ito, nais ko sana siyang tawagin ngunit waring nananadya si Azerine.


"Anong nangyari diyan sa kamay mo?" Tanong niya.


"Wala ka ng pakialam--"


"Pag di ka sumagot hahalikan kita--"


Ano at-- ako ba'y tinatakot niya?


"Wala ito--"


"Ano nga nangyari diyan? Di ka makakaalis hanggat di mo sinasabi--"


"Dala lamang ito ng sama ng loob, dahil sa aking nalaman patungkol sa aksidente sa aking iloy--"


"Sorry--" kinuha niya ang aking kamay at binigyan ito ng maliliit na halik. Bakit niya ba ginagawa ito? " 'Wag mo na ulit sasaktan ang sarili mo-- 'wag mo na gagawin 'yan okay?"


Hindi ako umimik, at inalis ko na ang aking kamay.


"Mauuna na 'ko." At lumakad na ako palayo sa kanya.


Walang puwang ang pag-ibig sa akin ngayon, ang nais ko lamang ay ang katarungan para sa ina kong Hara.









Georgia's PoV


Nag group study kami nila Ganda, pero di ako sure na group study itey ah-- mukhang chikahan lang ang pinunta namin dito sa isang 24hrs. Cafe, kasama ko sina Rica, Whisky, Ganda, Emozencio, Jace, Tres, Bacon at Ethan. Oo, tama! Kasama namin si Ethan, hindi dahil sa jowa ko siya huh-- kundi dahil inaya siya ng dalawang bakla. Naikwento na rin sa'kin ni Ethan ang nangyari sa kanila ni Mira medyo naawa ako sa part niya pero hindi ibigsabihin no'n na jojowain ko siya, excuse me! Hindi ko siya gusto maybe friends pero kung jowa? No way!.


"Ano bang sagot dito sa number 2?" Tanong ni Ethan na katabi ko. Napalingon si Ganda kay Ethan.


"Aklat na iyang hawak mo Ethan, kung maaari lamang ay basahin mo muli ang kwento-- kanina ka pa tanong nang tanong," sabi ni Ganda, nagulat ako sa reaksyon ni Ganda. Oo, kanina pa nagtatanong si Ethan pero hindi naman ganyan si Ganda. Mabait 'to eh.


"S-sorry naman Huadelein," ani ni Ethan.


"Labas muna ko," wika nito, at lumakad nga ito palabas ng cafe.


"Anyare kay Ganda?" Tanong ni Rica.


"Baka may dalaw lang si Ganda," ani naman ni Whisky.


"Pagpasensyahan niyo na lang si boss, may iniisip lang talaga 'yan," sabi pa ni Emozencio'ng pogi.


"Hayaan na lang muna natin si Huadelein, magpapahangin lang 'yon," saad pa ni Jace habang pinaglalaruan ang hawak niyang ballpen.


"Bukas gagawa ako ng Lasagna para kay Huadelein," wika naman ni Bacon, at humigop sa kape niya.


"Isali mo naman kami diyan!" Sabi ni Tres.


"Oo naman, pati sila Georgia hindi mawawalan," sagot niya.


Napakabait talaga nitong si Bacon. Nagkwentuhan sila habang nagsasagot sa pina assignment sa amin, ako naman ay tumayo para sundan si Ganda sa labas. Pagkalabas ko nga ay nakita ko si Ganda na nakaupo sa isang upuan sa may table.


"Ganda, ano okay ka lang ba?" Tanong ko pagkalapit ko, at naupo sa kaharap niyang upuan.


"Ayos lang ako Georgia, may iniisip lang," sagot niya, at umiwas ito sa'kin. Ito ang mahirap kay Ganda hindi ko mabasa ang iniisip niya.


"Mukhang hindi ka okay Ganda, pwede mong sabihin sa'kin kung anuman 'yan-- mas gagaan ang loob mo, pag nailabas mo 'yan."


Bahagya itong yumuko, at bumaling din sa'kin agad.


"Namimiss ko lang ang mama ko--"


Mama niya?


"Teka, nasaan ba ang mama mo?" Tanong ko.


"Ang mama ko... Matagal na siyang namayapa sampung taon na, namatay siya sa isang aksidente at hindi ko pa nakukuha ang hustisya para sa kanya," anito.


Namatay pala ang mama niya. Nakakalungkot naman, samantalang ako may mama at papa pa pero si Ganda wala na pala siyang nanay, parang napakahirap naman no'n. Ako nga na tuwing uuwi ng bahay si mama agad ang hinahanap ko, paano pa kaya si Ganda? Siguro naging napakahirap ng sampung taon para sa kanya.


"Alam kong napakahirap ng mawalan ng minamahal sa buhay Ganda, lalo na ang mawalan ng nanay ma-imagine ko lang na nasa ganoong sitwasyon ako ngayon parang hindi ko kakayanin, pero ikaw sampung taon na nakaya mo-- at hanga ako sa'yo dahil nakaya mo iyon." Hinawi ko ang butil ng luha sa kanang pisngi niya at parang nagulat pa siya sa ginawa kong 'yon.


"Teka, may luha ba ako?" Tanong niya.


"Oo, meron Ganda."


"Naku! Nakakahiya naman-- pasensya ka na kung naabala kita sa pagiging emosyonal ko Georgia."


"Naku, hindi naman big deal sa'kin syempre nag-aalala lang din naman ako sa'yo Ganda 'no!"


"Salamat."


"Tsaka, ipag-p-pray ko na makuha mo na at ng pamilya mo ang hustisya para sa mama mo, at alam kong mangyayari 'yon."


"Magdilang anghel ka sana Georgia."



Tumayo ako para yakapin siya, at ang bango bango niya-- kalerki! Baka mahalikan ko ang babaeng itey!.


"So, pa'no tayo na sa loob?"



"Sige."


"Magkape tayo, mas nakakarelax mag kape Ganda."










-------



Itutuloy...









-Tagal ko po nakapag update, sorry 😅






-Papel📝😎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top