Kabanata LI: Sa Balay Ng Mga Babaylan










Kabanata LI: Sa Balay Ng Mga Babaylan



--




Huadelein's PoV


Hapon na at nakapag-gayak na kami sa aming pag-alis, at ang mga bugay na ihahandog para sa Binukot na mapipili ay nakahanda na rin. Handa na ang lahat, maging ang aking mga sandig na makakasama sa paglalakbay.



"Naging mala-adonis na naman ako, tsk! Tsk!" Rinig kong wika ni Tres.



"Sigurado, makakahanap tayo agad ng Binukot na mapapangasawa ni Ginoong Isagani," saad pa niJace.



"Syempre! Mapapa Oo natin agad ang isang Binukot, lalo na kung kasing kikisig natin ang haharap!" Wika ni Hope.



"Naku! Hindi mangyayari iyan!" Singit ni Azerine, habang inaayos ang kampilan na nasa kanyang tagiliran.


"Paano mo naman nasabi iyan, Azerine?" Tanong ni Bacon.



"Tsk! Tsk! Ikaw na nga magpaliwanag, Winston," ani Azerine.


"Hindi talaga mangyayari 'yon, dahil ang Bai lang ang maaaring makakita sa  Binukot na mapipili," wika ni Winston.



"Ganoon? Ah! Nakuha ko na! Hindi maaaring makita ng iba ang isang Binukot, liban na lang kung siya'y ipagkakasundo na sa isang maharlikang Ginoo," saad ni Bacon.



Kay dali niyang naunawaan ang mga bagay na aking sa kanya'y sinabi noon. Mahusay, Bacon.



"Oo nga, 'no!? ngayon ko lang naalala ang bagay na 'yan," wika ni Jace.



"Sayang!" Bulalas ni Tres.



"Anong sinasabi mong sayang?" Tanong ni Hope.



"Sayang! Dahil hindi niya masisilayan ang Adonis na 'to!" Pagmamalaki ni Tres.



"Bai, matalim ba 'tong kampilan?" Tanong ni Bacon sa akin.


"Oo, kaya nitong putulin ang iyong buhok," aking tugon.



"Pfft! Teka, di na pala 'to kailangan hasain," ani Jace.



"Oo, tayo na! Subukan natin kay Tres!" Wika ni Bacon, at akma nitong hihilahin ang kampilang nasa kanyang baywang. Ano ang kanyang gagawin? Huwag niyang sabihin na—



"Oo! Tayo na, Bacon! Paslangin na ang dapat paslangin!" Hiyaw ni Jace, at nakahawak na rin ito sa kanyang kampilan.



"Patawan ng parusa, ang dapat patawan!" Saad pa ni Bacon.



"Woi! Anong gagawin niyo?" Tanong ni Tres, at tila handa na ang dalawa na siya'y lapitan. Ano ang kanilang binabalak na gawin?



"Patay, kung patay!" Biglang wika ni Azerine, na nakalabas na ang kanyang kampilan.



Ano bang nangyayari sa kanila? Hindi ko maunawaan.



"Para sa paghihiganti ng ating kapatiran!" Rinig kong sigaw ni Hope, na nakalabas na rin ang sandata.



"Kung ganoon, ilabas ang inyong mga sedula at punitin!" Rinig kong sigaw ni Winston.



Sedula? May mga sedula sila?



"Gag*! Iba 'yon!" Biglang wika ni Azerine.



"Ay! Iba ba? Akala ko 'yon, na 'yon eh!" Ani Winston.



"Pfft! Ano pang hinihintay natin? Sugod mga kapatid!" Hiyaw ni Hope.




"Sugoood!" Kanilang sabay-sabay na wika.




Sugod? Si Tres ba ang kanilang susugurin? Kung gayon ay kailangan ko silang mapigilan! Hindi maaaring dumanak ang dugo rito sa aming balay.


Sinugod nila si Tres, at napansin kong waring naglalaro lamang sila ngunit hindi pa rin maaari! Sapagkat mapanganib kapag sila'y masugatan.



"Ah! Labanan pala ang gusto niyo ah!" Rinig kong wika ni Tres, habang sinasalag ang mga kampilan ng limang kapwa niya sandig.



Kailangan ko silang pigilan, ngunit bago ko pa ibuka ang aking bibig ay biglang may nagsalita.



"Tila nagkakatuwaan kayo," wika ni Ubu Isagani, at inilabas ang kanyang kampilan at nakisali sa kanila.



"Ginoong Isagani!" Wika nila, at iwinasiwas agad ni Ubu ang kanyang kampilan. At mabilis itong nasalag ni Jace gamit ang kanyang sandata, gumuhit ang ngiti sa labi ni Ubu.



Tila hindi paaawat ang aking Ubu, kahit batid niya na nagkakatuwaan lamang aking mga sandig. Kung nagkakatuwaan nga ba sila, ngunit mabuti na rin nang dumating si Ubu pagkat napigilan ang kanilang pagsugod kay Tres.


Nagsasalitan ang aking mga sandig sa pagharap sa aking nakatatandang kapatid, hindi alintana kung may matatamong sugat. Mahusay na hinarap ni Winston si Ubu, kamuntik siyang masugatan sa kanyang baywang, ngunit kanya itong nailagan. Ang sumunod ay si Bacon, na madalas ay kamuntik masugatan ngunit mabuti na lamang at maingat si Ubu. Sa kanyang bawat galaw ay ipinapakita niya ang posibleng mangyari sa kanila sa gitna ng labanan.



Hindi pa rin siya nagbabago, siya'y mahusay pa rin. Si Jace ay muling humarap at nagpamalas nang liksi na animo'y ikinatutuwa ni Ubu, si Tres naman ang pagiging maparaan nito sa bawat kilos at galaw, na kung saan nariyang nililito niya ang aking Ubu, at kanya itong naiisahan.



Sina Hope at Azerine naman, ay tila humasay na sa kanilang paghawak ng kampilan sabay nilang sinugod si Ubu ngunit hindi nila matatalo ang Ginoong kanilang kaharap. Kahit na magsalitan sila'y hindi nila ito nagapi.



"Mahusay! Mga sandig ng inyong Bai," wika ni Ubu Isagani, inilagay niya ang kanyang kampilan sa sisidlan nito.



"Grabe! Ginoo, ang husay niyo!" Wika ni Jace.



"Oo nga, di ka talaga namin matatalo," ani Hope.


"Mahusay na kayo mga, Ginoo, para sa inyong edad, hanggang sa muli nating paghaharap mga sandig." Nakangiting ani Ubu Isagani.



"Oo naman, Ginoo! Makakaasa ka," wika ni Jace.



"Kung gayon, ay aasahan ko 'yan," ani Ubu.



Nilapitan na ako ni Ubu Isagani atsaka nagwika ito.



"Huada, mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay."



"Oo. Ubu, nawa ay makahanap ako ng Binukot na naaayon sa iyo."



"Nakatitiyak ako riyan, batid kong hindi mo ako bibiguin, Huada."




Tila napakalaki ng tiwala sa akin ni Ubu, ngunit hindi pa rin nawawala sa akin ang pangamba, na baka ako ay mahirapan sa paghahanap ng isang Binukot, o di kaya'y mahirapan ako na kumbinsihin ito. Sapagkat ako'y isang Binukot rin na babae, na dapat ay si Ubu Isagani ang siyang gumawa ng gampaning ito. Gabayan ninyo ako Laon.



Mayamaya lamang ay may dalawang mandirigma ang lumapit kay Ubu.



"Ginoo, ang mga baroto ay nasa pampang na," wika ng isang mandirigma.



"Kung gayon ay samahan niyo na ang inyong Bai sa pampang, kasama ang kanyang mga sandig," wika ni Ubu.



"Paalam, ubu."



"Sa muli nating pagkikita, ay kasama mo na ang Binukot na aking makakaisang-dibdib," wika ni Ubu.


"Umaasa ako na magagawa ko ang gampaning ito."



Pagkasabi ko niyon ay ngumiti ito.



"Magpatuloy na kayo sa balay ng mga Babaylan," aniya, at isa-isa nang nagpalaam kay Ubu ang aking mga sandig.



Nagtungo na kami sa Pampang, at doon ay naghihintay ang tatlong baroto at ang mga piloto ng mga ito.


Inilagay na nina Jace at Tres ang anim na sisidlan ng mga bugay sa dalawang baroto, at kami ay sumakay na rito. At nagsimula nang magsagwan ang mga piloto, maging ang aking mga sandig.



Kasama ko sa baroto sina Hope at Azerine, sa ikalawang baroto ay sina Tres at Winston, at sa ikatlong baroto naman ay sina Bacon at Jace na kapwa nagsasagwan.



"Boss, kailangan ba natin dumaan sa balay ng mga Babaylan?" Tanong ni Azerine.



"Oo. Azerine, upang mag-alay ng panalangin sa ating gampanin at para na rin humingi ng basbas," aking tugon.



"Hindi ba pwedeng tayo na lang ang magdasal, boss?"  Tanong muli ni Azerine.



"Hindi maaari, Azerine. Sapagkat nakagawian na ito ng puod ang dumulog sa mga Babaylan bago magpasya, bago gumawa ng isang mahalagang gawain, o humingi ng panalangin at kung anu-ano pa."



"Alam mo, Azerine, dapat yata mag Alabay ka eh! Para alam mo ang sinasabi ng Bai," wika ni Hope.



"Ay! Hindi na 'no! Ayoko nga, okay na ko sa pagiging sandig" wika ni Azerine. "Sa tingin ko, dapat 'yong siyam na buwan nang bakante ang dapat mag Alabay," pagpapatuloy nito.



"Taena! Pa'no ko nadamay sa usapan niyong mga kuliglig!" Rinig kong wika ni Winston sa kabilang baroto.



"Ay! Ang lakas ng pandinig!" Rinig kong ani Hope.



"Syempre! Basta usapang BAKANTE malakas pandinig niyan!" Wika pa ni Azerine.



"Mga gag*!" Rinig kong bulyaw ni Winston.



At sabay-sabay na tumawa ang aking mga sandig.



Lumipas lamang ang ilang minuto at nakarating na kami sa lugar ng mga Babaylan. Bitbit ng aking mga sandig ang mga sisidlan ng bugay, at naglakad na kami.



Isang maliit na pamayanan ang aming nasilayan mayroong mayayabong na puno, at kahit saan ka lumingon ay mga halaman ang iyong makikita. Hindi nakapagtataka na mga Babaylan nga ang nangangalaga sa pook na ito. Hindi pa man kami tuluyan nakararating sa balay ng mga Babaylan ay may isang batang babae akong napansin, sa bihis nito batid kong siya'y isang Alabay.



Pagkarating namin sa balay ng Babaylan ay sinalubong kami ng ilang nakatatandang Babaylan.



"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Bai Huada ang anak na Binukot ng Rajah Bagani," wika ng isang matandang Babaylan.



"Ako nga, nais ko sanang malaman kung naririto ang Punong Babaylan."



"Sa aking pakiwari ay may naghahanap sa akin na isang Binukot," wika ng isang boses.


"Punong Babaylan," aking sambit, at nilingon ito.



"Tila batid ko na ang sinasabi mo, Halili," wika ng Babaylan. "Ano ang iyong sadya, Bai at naririto ka?" Pagpapatuloy nito, na nakangiti sa akin. At napansin ko ang batang babae na aking nakasalubong kanina lamang, waring nagtatago ito sa likod ng Babaylan.


"Uray Da-an, nais ko sanang humingi ng panalangin at basbas sa inyo."



"At para saan, Bai?"



"Sa aming paglalakbay, sa paghahanap ng Binukot na mapapangasawa ni Ubu Isagani."



"Kung gayon, ay nasaan ang Ginoo? Nasaan ang iyong nakatatandang kapatid?" Tanong muli nito.



"Uray Da-an, ako at ang aking mga sandig lamang ang maglalakbay patungong Panay upang maghanap ng Binukot makakaisang-dibdib ng aking kapatid."


"Ngunit isa kang Binukot, paano mo mahihikayat ang isang Binukot na sumama sa iyo, upang mapangasawa  ng iyong kapatid na Ginoo? Kung ikaw ay isang Bai," wika ni Uray Da-an.



"Kaya nga ako naririto, Uray, upang humingi sa inyo ng panalangin at basbas pagkat batid ko, na ako ay mahihirapan sa gampaning ito."



"Tiyak iyan, Bai, pagkat haharap ka sa ama at kaanak ng Binukot na iyong mapipili at hindi magiging madali iyon, kahit pa na kilala ang iyong amang Rajah," wika ni Uray Da-an.



May punto ang Punong Babaylan, kahit pa sabihin na kilala ang aking ama sa Panay ay hindi pa rin magiging madali na makuha ang puso ng isang Binukot.


"Batid ko iyan, Uray. Ngunit wala akong magagawa pagkat abala si Ubu sa pangangasiwa ng kumpanya, kaya sa akin niya iniatang ang napakahalagang gawain na ito."



"Kung gayon ay lubos kang pinagkakatiwalaan ng Ginoo," wika ni Uray Da-an. "Tabing, ihanda niyo ang mga gagamitin sa pag-aalay ng panalangin para bukas," pagpapatuloy ng Uray, na aking ikinatuwa.


"Masusunod, Uray Da-an," ani ng Babaylan na si Tabing.


"Tumuloy kayo sa aking Balay, Bai." Paanyaya ng Uray sa amin.


At tumuloy na ang aking mga sandig sa loob ng balay.




--



Mapayapa ang gabi at ako'y nakatanaw lamang sa mga tala sa kalangitan.



"Napakaganda ng mga tala, hindi ba?" Wika ng isang boses.



"Kayo pala, Uray..."



"Ano at hindi ka pa namamahinga, aking Bai? May bumabagabag ba sa iyo?" Tanong ng Uray Da-an.



Tila pumasok muli sa aking isipan ang gampanin bukas.



"Oo. Punong Babaylan, ngunit kahit na ako ay nag-aalangan sa gampanin na iniatang sa akin, ay kailangan ko itong harapin, kailangan kong makahanap ng isang Binukot."



"Batid kong mahirap ang gawain na nakaatang sa iyo, Bai. Sapagkat ilang ulit na ako nakasaksi ng mga Ginoong naghahanap ng kanilang Binukot na mapapangasawa," wika niya."Kaya nauunawaan ko kung iniisip mo pa rin ito, ngunit maniwala ka lamang kay Laon, at ipagkakaloob niya ang iyong hinihiling, " kanyang pagpapatuloy.



"Tama ka, Uray Da-an."



"Oh siya! Maiwan na muna kita Bai, ngunit kung ikaw ay nangangamba pa rin, ipatawag mo si Nana Mata," kanyang mungkahi atsaka umanyo na.



Ngunit isang batang babae naman ang nakatayo sa aking tabi at nilingon ko ito upang tanungin.




"Hindi ba ikaw si Halili?" Aking tanong.



"Oo, Bai," kanyang tugon at yumukod ito bilang papugay sa akin.



"Hindi mo na kailangan yumukod, munting Alabay, isa lamang akong mandirigma ngayon, masdan mo ang aking wangis hindi ako nakabihis Binukot," aking wika na nakangiti.



"Ngunit isa ka pa rin Binukot at maharlika" wika nitong nakayuko pa rin.



"Tumayo ka na riyan, munting Halili, isipin mong hindi ako iba sa iyo," at nag-angat na ito ng paningin atsaka ito tumayo.



"Halili, maaari ko ba malaman kung bakit ka naririto sa balay ng mga Babaylan?"Aking tanong.



"Wala na akong mga magulang, Bai," kanyang tugon.



"Ikinalulungkot kong marinig iyan, Halili."



"Ayos lamang, Bai. Nariyan naman ang mga nakatatandang Babaylan upang gumabay sa akin."



"Kung gayon ay mabuti, kung nasa hanay ka nang mga Babaylan maaari mo bang tingnan ang aking palad? Upang malaman ang aming kapalaran sa aming paglalakbay bukas."



"Paumanhin, Bai. Ngunit hindi ako mahusay sa paghihimalad," kanyang wika.



"Ganoon ba..."


"Ngunit si Nana Mata ay mahusay sa paghihimalad, sandali lamang at siya'y aking tatawagin," kanyang wika, at dali-dali nang tumakbo palayo sa akin.



"Bai!" Tawag sa akin ng aking isang sandig.



"Ano at hindi pa kayo natutulog?" Aking tanong sa kanila.



"Hindi ako makatulog, Boss, ang ingay kasi ng dalawa," wika ni Bacon.



"Pa'no 'yong isa diyan, nanghahatak ng kumot! Akala mo siya lang ang nilalamok!" Wika ni Tres.



At sino naman ang kanyang tinutukoy?



"Ah! Ako ba, pinariringgan mo?" Wika ni Winston. "Kasalanan ko ba kung hindi ganoon kalakihan ang kumot na ibinigay sa'tin!" Wika ni Winston.



"Oh! Saan ka pupusta?" Rinig kong wika ni Hope sa pagitan ng sagutan ng dalawa.



"Talagang kasalanan mo, gusto mo sa'yo lahat eh!" wika ni Tres sa sagutan nila ni Winston.


"Doon sa foreigner na manok! Nang maiba naman," wika ni Azerine kay Hope.



"Malamang! Ang lamig kaya!" Wika ni Winston kay Tres.



"Sige! Doon na ako sa matapang na tomboy, na hindi ipinaglaban kaya bakante!" Wika ni Hope.



"Pwes! Ako nilalamok!" Wika ni Tres kay Winston.



"Pfft! Hahahaha," rinig kong tawa ni Jace.



"Wala akong pake kung nilalamok ka!" wika ni Winston.



"Oh ikaw Jace! Kanino ka pupusta?" Tanong ni Azerine.



"Pwes! Sa iba ka tumabi!" Wika ni Tres.



"Doon ako sa foreigner na tropa ko," wika ni Jace.



"Ikaw mag-adjust! Basta akin ang kumot!" Wika ni Winston na tila di patatalo.



"Ikaw Bacon?" Tanong ni Hope.



"Hindi pwede 'yon!" Ani pa ni Tres.



"Doon ako sa tabla!" Wika ni Bacon.



"Oh! 3k 'to ah!" Wika ni Hope.



Habang pinanonood namin na nagtatalo ang dalawa, ay lumapit sa amin si Halili kasama ang ilang mga Babaylan.



"Bai, naririto na si Nana Mata," wika ng munting Alabay.



"Daghang salamat, Halili," aking wika.



"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Bai?" Tanong ng babae, ito na marahil si Nana Mata.



"Kayo ba si Nana Mata?" Aking tanong.



"Ako nga, Bai. May nais ka bang ipagawa, Bai?" Kanyang tanong.



"Oo. Nana Mata, nais kong malaman kung ano ang aming magiging kapalaran  sa aming paglalakbay bukas."



"Kung gayon, ay akin na ang iyong palad Bai," wika nito. Iniabot ko ang aking kanang kamay at binuksan ang aking mga palad.



Waring mga bata naman na naglapitan ang aking mga sandig. Animo'y nagmamasid kung ano ang sunod na gagawin ng Babaylan, at aking napansin sa di kalayuan ang ilang mga Alabay na kami ay pinanonood.



"Isang magandang Binukot ang iyong matatagpuan Bai," panimula ni Nana Mata. Dahilan upang ako ay mabuhayan.



"Isang magandang Binukot?" Aking tanong.



"Mayroon itong mapuputing balat, mahaba ang itim na magandang buhok nito, na tila aalon-alon na dagat," saad ni Nana Mata.



"Ay maputi! Maganda nga!" Rinig kong wika ni Jace.



"Sigurado, sexy 'yan!" Dagdag pa ni Tres, na sinamaan ng tingin ni Winston atsaka tumikhim ito.



Sa sinasabi ni Nana Mata ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.



"May nakikita ka pa ba, Nana Mata?" Aking tanong.



"May mapupungay itong mga mata, at sinumang Ginoo ay maiibigan ang kanyang mga ngiti ngunit Bai, may balakid sa inyong pagparoon" wika ni Nana Mata, atsaka bumaling sa akin.



"Ano ang balakid na iyong sinasabi?" Aking tanong.



"Kailangan mo paghandaan ang pagparoon, hindi sila madaling mahihikayat at batid mo kung bakit," kanyang wika.



"Pagkat ako'y isang Binukot?"



Tumango lamang si Nana Mata.



"Mungkahi ko, Bai, ay samahan mo ng panalangin ito kay Laon," wika ni Tabing.



"Mag-alay ka ng prutas, Bai, kasabay ng panalangin at pagbabasbas bukas," mungkahi ng isa pang Babaylan.



"Sundin mo, Bai, ang sinasabi nina Babaylan Tabing at Babaylan Silang," wika ni Nana Mata.



"Susundin ko ang inyong mga sinabi mga Babaylan, daghang salamat sa inyo."



Napansin ko si Halili na nakangiti sa akin, at nakita ko sa di kalayuan ang ilang mga alabay na tila kanina pa sila naroon at kami ay pinanonood.



"Paumanhin, Nana Mata, bakit tila kanina pa tayo pinanonood ng mga Alabay?" Aking usisa na tanong.



"Sapagkat nais nilang masaksihan ang paghihimalad ni Nana Mata, si Nana Mata ang pinakamahusay sa aming hanay pagdating sa paghihimalad," wika ni Babaylan Silang.



"Kung gayon ay lubos dapat akong magpasalamat sa inyo, pagkat mahuhusay na Babaylan ang aking mga nilapitan," aking wika.



"Tsaka ka na magpasalamat, Bai. Kapag naiuwi mo na ang Binukot na makakaisang dibdib ng Ginoo," wika ni Babaylan Tabing.



Bahagya na lamang akong ngumiti.



--




"Laon, mga umalagad, mga Diwata gabayan niyo ang Bai at ang kanyang mga sandig sa kanilang paglalakbay. Ang gampaning paghahanap ng isang Binukot, upang makaisang dibdib ng aming Ginoong Isagani." Panalangin ng Babaylan.



"Bigyan mo ng lakas ng loob ang Bai upang harapin ang mahalagang gampaning iniatang sa kanya, at nawa ay pagbigyan mo ang kanyang kahilingan, Mahal na Laon," kanyang pagpapatuloy.



"Sa pamamagitan ko Laon, bilang kasangkapan mo sa pagbabasbas, binabasbasan kayo, kasama ang mga pinagsisidlan ng mga bugay na ito. Nawa, ay maghatid sa inyo ng liwanag upang ang magandang kapalaran sa inyo, sa gampaning ito ay hindi maging mailap, Mahal na Laon."



At pinausukan niya ang mga sisidlan ng bugay.



"Tapos na ang pagbabasbas, ang pag-aalay mo ng pangasi at prutas Bai ay magiging malaking tulong upang ikaw ay kasiyahan nina Laon, ng ating mga umalagad at ng mga Diwata," wika ng Punong Babaylan.



"Sana nga, Punong Babaylan,"



"Humayo na kayo, at magpatuloy sa inyong paglalakbay upang hanapin ang Binukot na nakatadhana sa Ginoo. Nawa, ay makisama ang panahon sa inyong pagparoon at hindi maging dahilan ng pagpaliban, kayo ay aming isasama sa aming panalangin," wika ng Punong Babaylan.



"Gabayan kayo ni Laon, ng mga Diwata, at ng ating mga umalagad," wika ni Nana Mata.



"Hanggang sa muli at mag-iingat kayo," wika ni Uray Da-an.



Unti-unti nang sumisilip ang liwanag nang kami ay nagpatuloy na. Sumakay kami muli ng baroto patungong puod ng aking Inkong, kung saan ay naroroon ang sasakyan na aming gagamitin patungong Panay. Ilang minuto lamang ang itinagal, at kami ay nakarating na sa pampang at kami ay lumakad na patungo sa balay ni Baba Digma.



Isang mapayapang puod ang sumalubong sa amin, bawat madaanan namin ay kami ay binabati ng mga tao.



"Magandang umaga!" Bati ng isang babae sa amin.



"Magandang umaga rin po," balik na pagbati ni Bacon na nakangiti. At patuloy na kami lumakad patungong balay ni Baba Digma.



Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang aking Ingkong kasama ang mga mandirigma nito. Kinawayan ko ito ng buong galak.



"Baba Digma!" Aking wika habang palapit sa kanya na nakangiti.



"Huada. Aking apo, kanina ko pa kayo hinihintay," kanyang wika, pagkalapit namin. Agad ko itong niyakap at nagbigay papugay naman ang aking mga sandig.



"Baba Digma, nangulila ako sa inyo," aking wika, nang bumitiw sa aking pagkakayakap sa kanya.



"Ako man aking apo, tayo na at pumasok muna" kanyang paanyaya na aking pinutol na.



"Paumanhin. Aking Mahal na Inkong, ngunit hindi na namin mapauunlakan ng aking mga sandig ang inyong paanyaya, pagkat kailangan na namin maglakbay patungong Panay," aking wika.



"Nauunawaan ko, aking apo," kanyang wika na nakangiti "Abay!" Kanyang tawag kay Abay.


Lumabas ang mga mandirigma na may dalang mga bila-bilao na pagkain na may balot ng dahon ng saging. Kahanga-hanga talaga si Baba Digma.


"Iyan ang aking pabaon sa inyo, kasama na riyan ang mga kakanin na ibibigay mo sa Binukot na iyong mapipili, Huada," wika ni Baba Digma.



"Napakabuti mo, Baba Digma." At niyakap ito.



"Maliit na bagay lamang iyan, Mahal kong apo. Sige na, tumuloy na kayo sa inyong paglalakbay," kanyang wika. At kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.



"Oo. Baba Digma, daghang salamat."



"Daghang salamat, Rajah Digma," sabay-sabay na wika ng aking mga sandig.



"Walang anuman mga, sandig ng aking apo, magkikita tayong muli mag-iingat kayo," kanyang paalam.



At nagsimula nang ipasok sa dalawang sasakyan ang aming mga dadalhin.












Argo's PoV


Halos paliparin na ni Cleo ang mini Van na minamaneho niya ngayon, at sinusundan ang kotse ni kuya Zero. Hinila kami ni Dos na pumunta ng puod nila Huadelein. Kagabi nagdadalawang-isip pa siya kung pupunta siya pero ngayong umaga pinagsusundo niya kami para lang sumama sa kanya, pero okay lang! Makikita ko naman si Emo.



"Desperado talaga 'tong kaibigan natin, grabe ang bilis magpatakbo ni kuya Zero," wika ni Cleo.



Pero mayamaya lang ay huminto ang sasakyan nila Dos at sinita ng mga lalaki na nakabahag.



May lumapit na lalaki sa bintana ni Cleo at ibinaba niya ang salaming bintana.



"Sino kayo!?" Tanong nito sa'min. At tinutukan kami ng isang sibat."Hindi kayo mga taga puod!"



Anak ng putya! Dito na ba mamamatay ang kagwapuhan ko? Takte! Di pa 'ko ready!




-------


Itutuloy...










Karagdagang kaalaman:


Babaylan- Isang babae na may mataas na tungkulin sa isang puod o pamayanan, may malawak na karunungan. At siya'y halos kapantay ng isang Rajah. Siya'y pinagkakatiwalaan ng Rajah o Datu, sa Babaylan dumudulog kapag may pagpapasya o mahalagang gagawin ang ang isang Rajah o Datu. Siya rin ang tagahilom ng mamamayan sa kanyang puod. Tagapag pagaling ng may sakit, may sugat, o alin man karamdaman. May kakayanan na makipag-usap sa mga Diwata, at makapasok sa mundo ng mga kaluluwa o espiritu. Ang Babaylan kung minsan ay tagatanggol rin, at isang makatwirang babae.



Baroto- bangka.







-Papel📝⚔️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top