Kabanata L: Ang Mahalagang Gawain na Iniatang Sa Bai
Kabanata L: Ang Mahalagang Gawain na Iniatang Sa Bai
--
Huadelein's PoV
Binuksan ko ang aking locker at napansin ko ang isang bugkos ng pulang rosas, at may nahulog pa mula rito na isang maliit na papel. Pinulot ko ito sa sahig at sandali ko itong minasdan at ibinuklat mula sa pagkakatupi nito, at binasa ang nakasulat.
Hello Miss Beautiful,
Sana magustuhan mo itong rosas na kasing Ganda mo.
Mr. G.
Ano? Mr. G.? Sandali lamang, sino naman ang magbibigay sa akin ng bulaklak? Tila wala akong maisip maliban sa Gunggong. Ngunit bakit nga ba ang Gunggong ang naiisip ko? Hindi, malabo iyon! Mr. G ang nakalagay sa sulat. At hindi Dos at tiyak hindi maglalagay ng rosas ang gunggong na iyon, lalo na ngayon.
Kinuha ko ang bugkos ng rosas at sandali itong pinagmasdan, kay gandang mga rosas... Ibinulsa ko ang sulat at isinara ang locker at lumakad na patungong silid-aralan.
--
"Oh! Boss. Kanina pa kita hinahanap, buti na lang di papasok si Ma'am Augusta ngayon kundi yari tayong mga late, hahahaha," wika niya.
"Kung kailan huling araw na, ay tsaka pa hindi papasok si Binibining Augusta," aking wika, naupo na ako at inilapag ang bugkos ng rosas sa aking kaharap na mesa.
"Oh! Boss, kanino naman galing 'yang rosas? Sa'yo ba 'yan?" Tanong nito.
"Oo. Azerine, nakita ko na lamang ito sa loob ng locker ko at may kalakip itong sulat."
"Oh, kanino galing, Boss? Kilala mo ba kung kanino galing?" Tanong muli nito.
"Hindi, Azerine. Sapagkat paano ko naman makikilala ang naglagay nito sa locker kung Mr. G lamang ang inilagay sa sulat," aking saad, at ipinakita sa kanya ang sulat na kanya naman kinuha.
"Oo nga 'no! Ang mahirap pa nito, Boss. Computerized ang pagkakasulat kaya mahirap hulaan kung kanino galing 'to," aniya.
"Oo. Azerine, kaya nga dinala ko na lamang ang mga rosas na ito baka sakaling makita niya ako na hawak ito at kanya akong lapitan."
"May punto ka rin, Boss. Pero Mr. G lang ang pakilala niya eh, ibigsabihin Boss ayaw niyang magpakilala sa'yo," paliwanag niya.
"Ganoon ba, iyon?"
"Oo. Boss, may mga lalaki kasi na pa-mysterious effect! At karamihan sa mga ganyan Boss, naku! Mga mahiyain tapos gwapo! 'Yon nga lang sa huli di sila nagkakatuluyan," wika nito.
Ano bang sinasabi ng tomboy na 'to? Wala naman akong sinabi na makakatuluyan ko si Mr. G ah.
"Paano mo naman nasabi na hindi sila nagkakatuluyan, Azerine?" Aking tanong.
"Marami na kasi akong nakitang mga ganyan, Boss, pero huwag kang mag-alala hindi naman lahat." Aniya.
"Ah..."
"Bakit? Boss? Interesado ka ba kay Mr. G?" Tanong nito.
At ano ang sinasabi ng tomboy na ito?
"Hindi sa ganoon, Azerine. Ngunit nais ko lamang malaman kung sino ang taong nagbigay sa akin ng mga rosas na ito, iyon lamang."
"Ah! Akala ko, Boss. Interesado ka na kay Mr. G eh," aniya.
"Ui! Ganda! Andiyan ka na pala! Akala namin di ka na naman papasok eh," ani Rica, pagkalapit sa amin ni Azerine kasama niya sina Georgia at Whisky.
"Teka! Parang may napapansin ako, Ganda— kanino galing 'yang mga bulaklak na iyan?" Tanong ni Whisky.
"Hindi ko rin alam, Whisky. Nakita ko na lang ito sa locker ko," aking tugon.
"Ay! Oo nga, bongga ng nagbigay sa'yo ah! Mukhang mahal 'yan, Ganda," wika ni Rica, na aking nginitian na lamang.
"Sino kaya ang nagbigay sa'yo niyan Ganda?" Tanong ni Whisky.
"Maski sa'kin palaisipan eh, huntingin ko na kaya, Boss?" Tanong ni Azerine.
"Tumigil ka nga riyan, Azerine."
"Huwag niyo na nga intrigahin si Ganda," singit ni Georgia.
"Paanong di namin iintrigahin, eh! Ang ganda ganda nitong mga rose, kalerki! Siguro ang gwapo gwapo ng papabols na nagbigay nito kay Ganda," saad ni Rica.
"Eh! Kung gwapo, eh di gwapo! Wapakels na tayo ro'n 'no!" Ani Georgia.
"Kaloka! Sana may mag effort din sa'kin ng ganito," wika ni Rica.
"Mangarap na lang tayo, besh! Di tayo kasing ganda ni Ganda kaya sorry na lang tayo haha," wika ni Whisky.
Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang usapan, hindi ko maunawaan, ngayon lamang ako nabigyan ng bulaklak ng isang lalaki. Kung lalaki nga ba siya.
Bai Hera's PoV
Tumakbo ako nang makita ko siya, isa nga siyang Ginoo na taga labas. Ang kanyang wangis ay tila aking naaalala, ngunit ano ang kanyang ginagawa rito sa aming puod?
"Ui, Bai! Bai, raw ang tawag sa'yo sabi 'yon ng kuya ko, kaya magpakita ka na sana, maliligaw na naman ako nito," wika niya. Ngunit nanatili akong nagkukubli sa likod ng isang malaking tapayan.
"Bai... Bai..." Muli niyang tawag sa akin.
Bakit ba hindi na lang niya lisanin itong aming balay? Nang sa gayon ay makalabas na ako sa aking pinagtataguan.
Ngunit mayamaya lamang ay...
"Bulaga!"
Sa aking gulat ay pinaghahampas ko ito ng kali na aking hawak.
"Sandali! Aray! Aray! Masakit 'yan Bai, aray ko! Tama na—" kanyang sambit, habang ipinansasalag ang kanyang bisig mula sa aking paghampas ng kali sa kanya. Ako'y tumigil at sandali itong sinulyapan.
"Ayos ka lang ba?" Aking tanong.
Natatakpan ng kanyang bisig ang kanyang mukha, at dahan-dahan itong humarap sa akin. Ngunit ako'y nagulat nang ngumiti ito.
"Kumusta?" Aniya na nakangiti, at tila hindi ininda ang natamo nitong mga hampas. Kikilos sana ito ngunit inunahan ko na ng isang hampas.
"Aray!" Daing muli nito.
"Iyan ang nababagay sa iyo!" aking wika. At aambaan ko pa sana ito ngunit kanyang napigilan, at nakahawak na ito ngayon sa aking kali.
"Sandali, Bai. Ang sakit na ng braso ko sa kahahampas mo, di naman sa'kin nasabi ni kuya na sadista pala ang mga Binukot," kanyang wika.
Ano ang sinasabi ng Ginoong ito? Hindi ako sadista ano!
"Hindi ako sadista!"
"Hindi raw, pero nakaamba pa rin 'yang arnis mo sa'kin," kanyang saad.
Sandali akong tumingin sa aking kali na sa kanya ay nakaamba pa rin. Kaya ibinaba ko na ito.
"Good girl!" aniya na nakangiti. Dahilan upang ako ay mainis, ano at tila nakakainis ang kanyang maganda, ngunit mapaglarong ngiti?
"Ikaw—" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin, nang makita si Maliksi sa di kalayuan. Tiyak ay pinahahanap ako ni Baba Digma, pagkat tumakas ako sa aming pagsasanay. Dali-dali akong tumakbo palayo sa Ginoo.
"Sandali! Bai, saan ka pupunta?" Tawag nito sa akin. Ngunit hindi ko na ito nagawang lingunin pa at tuluyan na akong lumayo.
Argo's PoV
"Tang*na! Sino naman kaya ang gag*ng pumuporma kay Huadelein?" Tiimbagang na wika ni Dos, at sinuntok pa ang locker niya.
Paano, nakita niya si Huadelein kanina na may hawak na isang bouquet ng red roses. Syempre! Malamang may nagbigay no'n kay Huadelein, di naman na ako magtataka kung may pumorma sa kanya. Sa ganda ba naman niya di ba?
Napansin kong nayupi 'yong locker niya. Galit na galit ang pareng Dos ah.
"Dos, muntik na masira," sabi ko.
"Sino ang pumoporma sa kanya!?" Tanong niya ulit.
"Baka si King," sabi ko.
Bumaling siya sa'kin na masama ang tingin.
"Di rin naman ako sure, baka lang naman," saad ko. Pfft! Nakakatakot parang anytime pwede niya sapakin.
"Hindi maglalakas loob si King na bigyan ng bulaklak si Huadelein, alam niya na kaya kong basagin ang mukha niya pag ginawa niya 'yon!" wika ni Dos.
"Alam mo, Dos. Kaya kong makipagbasagan ng mukha kapag 'yong babaeng gusto ko na ang pinag-uusapan," saad ko.
Pagkasabi ko no'n ay sinuntok niya pa ulit ang locker niya, put*! Naaawa 'ko sa locker niya. Araw-araw na nga 'yang napupuno ng love letter binugbog niya pa, tsk! Walang awa.
Napansin ko naman na dumaan ang isang lalaki na laging kasa-kasama nila Jace, nabanggit sa'kin ni Emo na may bagong sandig si Huadelein.
"Ui, bago ka lang?" Tanong ko.
"Oo," sagot naman niya, at lumingon sa amin ni Dos.
Huadelein's PoV
Buong oras ng asignaturang Filipino ay hindi ko pinansin si Dos, kahit ilang beses ako nitong hinarangan, kinalabit, binato ng papel, at tinawag ay aking binalewala. Hindi ko makuhang siya'y sulyapan, pagkat hanggang ngayon ay inuusig pa rin ako ng aking tanlag sa pag-iwan sa kanya.
Hawak ko pa rin ang isang bugkos ng rosas, at buong araw ko man itong dala-dala ay walang sinuman ang lumapit sa akin. Walang Mr. G na lumapit sa akin.
Pababa na ako ng hagdan, at kung hindi ka nga naman mamalasin, ay pinaglinis ni Ginoong Quinis ang buong klase kaya heto at nagmamadali akong bumaba. Si Azerine naman ay nauna nang bumaba pagkat naiihi na raw siya.
"Huadelein!"
Ang boses na iyon, dali-dali ako lumakad paibaba ng hagdan.
"Huadelein! Huadelein, sandali!" Tawag muli nito sa aking ngalan.
Ngunit hindi ko ito nilingon, narinig ko ang mga yabag nito na tila tumatakbo kaya naman ay binilisan ko ang pagtakbo. Nang makakita ako ng isang malapad na pader ay nagkubli ako rito.
"Nasaan na 'yon?" Rinig kong wika nito at hangos.
Nang makalampas na ito sa aking pinagkukublihang pader, ay siya naman labas ko mula sa aking pinagtataguan. At dali-daling nagtungo sa kinaroroonan nina Georgia.
"Oh! Boss, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Azerine.
"Oo," aking tugon na humahangos.
Ngunit napansin ko na naman ang Gunggong na tila may hinahanap, at napalingon ito sa aming kinaroroonan.
"Andiyan na pala si Ganda eh, gora na tayo sa bar!" Wika ni Rica.
"Oo, tayo na! bilisan natin," aking wika, habang nakasulyap sa Gunggong na mukhang palapit sa amin. Mabuti na lamang at mabilis kaming nakalabas ng paaralan.
--
Masayang nagsasayaw sina Georgia kasama sina Bacon, tila gustong-gusto nila si Bacon kung sa bagay mabait naman talaga si Bacon at madaling pakisamahan.
"Boss, si Dos tinatakasan mo kanina 'no?" Tanong ni Azerine.
At paano niya nalaman na si Dos ang aking tinataguan?
"Oo. Tama ka, Azerine," aking tugon.
"Hanggang kailan mo siya Boss iiwasan?" Tanong nito.
"Hanggang sa matapos ang misyon na ito," aking tugon, at nilagok ang natitirang alak sa aking baso.
"Boss, alam kong mahirap pero siguro wala naman masama kung minsan kausapin mo si Dos," kanyang wika.
Gusto ko ang iminungkahi ni Azerine ngunit ako ay natatakot, natatakot na baka ako ay masaktan sa sasabihin sa akin ni Dos. Hindi ko mailarawan sa aking isipan na siya'y hindi na makita na nangungulit sa akin. Iniisip ko pa lamang iyon ay naninikip na ang aking dibdib, batid kong may katipan na ito ngunit siya pa rin ang Ginoo na sinisinta ng aking puso.
"Natatakot ako, Azerine..."
"Boss..."
"Natatakot ako sa posible niyang sabihin sa akin, kung kaya't hanggat maaari lamang ay iiwasan ko si Dos."
"Boss... Naiintindihan kita..."
Naramdaman ko ang pamumuo ng tubig sa aking mga mata ngunit pinilit ko itong pigilan.
"Boss, mahal kita," wika ni Azerine.
"Mahal din kita, Azerine. Ngunit ang iyong uhog tila di na mawawala gaya ng pagmamahal ko sa iyo," aking wika na bahagyang nakangiti.
"Boss, naman."
"Ayos lang ba kayong dalawa rito?" Tanong ni Georgia at naupo sa aking tabi.
"Oo, chillax na chillax!" Tugon ni Azerine, at sabay lagok sa baso nitong may laman na alak.
"Ikaw, Ganda? Okay ka lang ba rito? Hindi ka naboring?" Tanong sa akin ni Georgia.
"Naku, hindi Georgia," aking tugon na nakangiti.
At naramdaman kong hinawi ni Georgia ang aking buhok na nasa aking tainga.
Jace's PoV
Habang sumasayaw kami nina Whisky at Rica, ay nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan lang sa kabilang side ng bar. Kung saan naroon sila Dos kasama ang grupo niya.
Lumakad ako papunta sa kanila.
"Oh! Narito pala ang gwardiya ni Huadelein," wika ni Zailen.
Iba rin ang gag*!
"What do you need, Jace?" Tanong sa'kin ni Dos, habang iniikot-ikot ang baso ng alak niya. Mukhang badtrip ang isang 'to nakapag English eh.
"Wala akong kailangan, pero kakailanganin mo ang impormasyon na meron ako ngayon, kung saang lugar kami magpupunta ngayong bakasyon ng Boss ko," saad ko.
Pagkasabi ko no'n ay huminto siya sa pag ikot-ikot sa hawak niyang baso, at nilagok ang laman nitong alak.
"Huwag kang maniwala sa sinasabi niyan, Dos," wika ni Zailen. Kanina pa 'tong singkit na 'to ah.
"Shut up," simpleng wika ni Dos na ikinatahimik ni Zailen. "Continue," aniya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
Matapos kong sabihin kung saan kami magpupunta, sa hitsura ni Dos parang hindi pa rin siya kumbinsido. Di ko alam kung ano ba nangyayari sa kanya ngayon, pero wala na 'kong pakialam basta sinabi ko na kung saan kami magpupunta ngayong bakasyon. Nasa sa kanya na lang kung susundan niya si Huadelein.
"Nandito ka lang pala, Jace."
"Ah! Oo. Tres, pero pabalik na rin ako sa table natin," wika ko at napansin kong kasama niya si Bacon.
"You!" wika ni Dos, na hindi man lang binalingan kami ng tingin.
"Huadelein's new guard, do you like her?" Tanong ni Dos.
"She is just my Boss," tugon ni Bacon.
Aba nag e-english rin pala 'tong si Bacon?
"Good," wika ni Dos, sabay lagok niya sa baso niyang may alak.
"Tara na, Jace! Baka hinahanap na tayo nila Boss," pag-aaya ni Tres.
"Oo sige, mauna na kami," paalam ko kay Dos at lumakad na kaming tatlo.
"Sino ba ang lalaking 'yon?" Tanong ni Bacon.
"Sino?" Balik na tanong ni Tres.
" 'Yong lalaking nagtanong kung gusto ko ang Bai," wika ni Bacon.
"Si Dos..." Sagot ko.
"X ni Huadelein," dagdag pa ni Tres.
"X? Nagka boyfriend na pala ang Bai?" Tanong ni Bacon.
"Oo, at hanggang ngayon hindi niya tinatantanan si Huadelein," saad ni Tres.
"Oh! Saan kayo galing?" Tanong ni Azerine pagkalapit namin sa table.
"Nang chiks!" Sagot ko.
"Ba't di niyo ko isinama?" Tanong niya pa.
"Ayaw namin, tinuturuan nga namin man chiks 'tong si Bacon tapos isasama ka pa namin," sagot ko.
"Aba! Ako ang mas makakatulong kay Bacon makahanap ng chiks 'no! Ikaw, Bacon! Huwag kang nagpapa-uto sa dalawang 'yan, magugulang 'yan!" Wika ni Azerine.
"Ah! Kaya pala iniwan nila ko sa babae kanina na di ganoon kaganda," wika ni Bacon.
"Ui! Hindi totoo 'yan!" Pagsalungat ko.
"Oo nga! Grabe ka naman, pareng Bacon," wika pa ni Tres.
"Oh! Hindi ba? Iniwan ka nila sa panget! Tapos ano 'yong kanila? Ang gaganda at ang sesexy, di ba?" Wika pa ni Azerine with hand gestures pa 'yan.
"Oo. Tama ka, Azerine!" Ani Bacon.
"Oh! Di ba?" Wika pa ni Azerine.
"Hayaan mo, Azerine. Igagawa kita sa susunod ng lasagna," wika ni Bacon.
" 'Yon oh! 'Yan ang gusto ko sa'yo, Bacon eh!" Wika ni Azerine.
"Boss, baka sakaling mapakiusapan mo pa si Bacon na ipagluto rin kami ng lasagna," sabi ko kay Boss, at tumabi pa 'ko rito.
"Oo nga, Boss. Ikaw lang malakas kay Bacon eh," wika pa ni Tres, na hinawi pa si Georgia para tumabi kay Boss.
"Ngunit hindi naman ako si Bacon, kung kaya't si Bacon ang inyong pakiusapan," saad niya.
"Booosssss!" mangiyak-ngiyak na'ming ani Jace, na nakakapit sa braso ni Boss.
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" Tanong ni Boss.
"Lasagnaaa!!!" Mangiyak-ngiyak namin na wika ni Tres.
"Lasagna?" Tanong ni Boss.
"Pfft! Bwahahahaha," rinig kong tawa ni Azerine, at pati sina Whisky at Rica ay tumatawa na rin.
"Bacon, kapag nagluto ka huwag mo bibigyan sina Jace at Tres ah," wika ni Azerine.
"Oo naman! Kayo lang ni Boss," wika ni Bacon.
"Huwaaa! Booossss," sabay naming wika ni Tres.
Pero parang inosente pa rin si Boss at walang reaksyon.
"Masarap ba talaga ang luto ni Bacon?" Tanong ni Georgia.
"SOBRANG SARAP!!!" Tugon naming sabay-sabay na hindi ko inaasahan.
Huadelein's PoV
Kararating pa lamang namin ng puod nang kami ay salubungin nina Ubu Isagani at Atubang, kasama ang ibang mandirigma.
"Ubu Isagani, Atubang," aking pagbati.
"Huada, ako ay nagagalak na makita kang muli at kayo rin mga sandig ng inyong Bai," wika ni Ubu Isagani.
Ngumiti ang aking mga sandig kay Ubu Isagani at isa-isa silang nakipagkamay rito.
"Masaya kong makita ka, Bai Huada," wika ni Atubang at nakipagkamay sa akin.
"Masaya rin akong makita ka, Atubang," aking balik na pagbati.
"At mukhang may bago kayong kasama," ani Atubang, na batid kong si Bacon ang kanyang tinutukoy.
"Oo. Atubang, si Bacon ang aking bagong sandig, ang dahilan upang ako ay makaalis sa pugad ng kaaway," aking saad. At binigyang hudyat ko ito upang lumapit sa amin.
"Kung gayon, ay isang maisog na mandirigma ang iyong bagong sandig Bai, ikinararangal kong makilala ka Ginoo," wika ni Atubang, at nakipagkamay si Atubang kay Bacon.
"Sa akin ang karangalan, Ginoong Atubang," wika ni Bacon, na bahagyang nakangiti.
"Huwag mo na akong tawaging Ginoo, Atubang na lamang," wika ni Atubang.
"Mamaya na ang kuwentuhan mga, Ginoo. Tayo na, sa loob at kumain," wika ni Ubu Isagani.
At nagsimula na kaming lumakad patungo sa loob ng balay. At habang naglalakad nga kami ay nilapitan ako ni Ubu Isagani.
"Tila nadagdagan ang iyong mga sandig," aniya.
"Oo. Ubu, hindi lamang siya isang sandig kundi talagapagluto rin," tugon ko.
"Kung gayon, ay tiyak ay masarap siyang magluto," aniya.
"Oo. Ubu, ngunit sandali lamang— Ubu bakit mo ako pinapunta rito?" Aking tanong. Pagkat hindi ko talaga alam kung bakit ako pinapunta rito ni Ubu Isagani.
"Mamaya na natin iyan pag-usapan Huada, sa ngayon ay kumain na muna tayo tiyak ay magugustuhan mo ang aking ipinahain ngayon sa hapag-kainan," kanyang wika.
Nagtungo na kami sa malaking silid-kainan at doon ay sinalubong ako nina Milan, Hera at Helena. Dali-dali na nagtungo sa akin si Hera at ako'y inakap.
"Bai Huada, nagbalik ka na! Nagagalak akong makita ka," aniya'ng pagbati, habang ako ay akap-akap nito.
"Nagagalak rin akong makita ka, munti kong Bai," aking pagbati, at kumalas ito mula sa pagkakayakap sa akin. Ngunit bago pa man ito lumayo sa akin, ay hinaplos ko ang mahaba nitong buhok.
Si Milan naman ang lumapit sa akin at agad ay aking inakap.
"Natutuwa akong makitang ligtas ka, Bai," anito sa akin, animo'y isang ina na nag-alala sa kanyang anak.
"Nagagalak rin akong makita ka, Milan." Atsaka kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin.
"Tiyak ay nagugutom ka na, kumain ka na muna, Bai," aniya, na nakangiti.
Ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang Dayang na batid kong hindi natutuwa na ako'y makita.
"Natutuawa akong makita ka, Huada. Halina at kumain na tayo, maupo na kayo mga sandig ng inyong Bai," wika ni Umbo Helena.
Uupo na sana ako nang marinig kong magsalita muli si Umbo.
"Ano at tila lukot ang iyong mukha, Dayang?" Tanong nito sa babaeng nakapostura
"Hindi, nagulat lamang ako na narito si Bai Huada," wika ni Lilibeth.
"Ano ang nakakagulat doon, Dayang? Si Huada ay nakatira rito, kaya anumang oras o araw ay maaari siyang umuwi sa kanyang balay," wika ni Ubu Isagani.
"Tama ka, Isagani," wika ng Dayang n nakangiti.
Mapaglaro talaga ang Dayang na ito. Naupo na ang aking mga sandig. Samantalang ako ay nanatiling nakatayo.
"Kumusta, Dayang?" Aking pagbati.
"Ako ay mabuti, Bai Huada," tugon niyang nakangiti. At naupo na sa kanyang upuan, ngunit narinig kong magsalita pa ito.
"Ikaw, Huada... Kumusta kayo ng pamangkin ko?" Tanong nito sa akin na nakangiti.
"Kami ay mabuti, Dayang. Kami ay masaya," tugon kong nakangiti.
"Talaga? Kung ganoon, bakit hindi mo siya kasama ngayon na magpunta rito?" Tanong ng Dayang.
Mapaglaro talaga ang babaeng ito.
"Pagkat siya'y abala, Dayang. Sa kanyang mga gawain, sa kanyang negosyo, inuunawa ko na lamang si Cyrus," akin pang saad.
"Ganoon ba? Hayaan mo at sasabihan ko si Cyrus na samahan ka sa susunod, nang sa ganoon hindi ka mag-isang paparito," aniya.
"Kahit hindi na, Dayang, pagkat kasama ko naman ang aking mga sandig. Huwag na natin abalahin pa ang aking mahal na magiging bana," aking tugon, atsaka kumuha nang isang mansanas at kumagat dito.
Kung kaya mong makipaglaro Dayang, ay kaya ko rin sabayan kayo ng inyong pamangkin sa larong inyong pinasimulan. At titiyakin ko na sa huli, ako ang siyang magwawagi.
"Grabe ang sarap nito," ani Bacon na aking katabi ngayon.
"Inasal iyan, Bacon. Kumain lang nang kumain," aking wika.
"Parang nagugustuhan ko na ang puod niyo, Bai," aniya, habang ngumunguya.
"Tiyak iyan, Bacon."
Jace's PoV
"Ang ganda rito," wika ni Bacon, inililibot kami ngayon nina Azerine, Hope, at Winston sa buong balay ng Rajah at kanina pa kami manghang-mangha.
"Gagi! Mas maganda ang mga babae rito, makikita mo ang Pinay beauty," wika ni Azerine.
"Oo nga, pansin ko 'yan Azerine. Mas gusto ko pa nga ang mga babae na walang kolorete sa mukha eh, gaya ni Bai Huadelein," wika ni Bacon.
"Ehem! Narinig mo ba 'yon, Jace?" Tanong sa'kin ni Tres.
"Mukhang may dadagdag pa sa listahan ko sa mga pangalan na nagkakagusto sa Bai ah," wika ni Hope, at may inilabas na pagkahaba-habang papel.
Teka! Listahan 'yon?
"Aba! May gusto ka sa Bai? Huh? Bacon?" Tanong ko.
"W-wala 'no," tugon naman niya.
"Imposibleng wala," wika ni Tres na umiiling-iling pa.
"Pa'no! Tinamaan ka agad kay Huadelein kaya mo nasasabi 'yan, di ba tama 'ko, Tres?" Wika ni Azerine.
Pfft! Buking ang gag*! Iba rin talaga 'tong si Azerine.
"Ui! Wala akong sinasabing ganyan, Azerine, ah," pagsalungat ni Tres.
"Naku! Sa iba ka na lang mag deny, Tres," ani pa ni Hope.
"Oo nga, huli ka na balbon!" Ani ko pa.
"Sus! Isa ka rin eh! Na may gusto sa Bai," ani pa ni Hope.
At paano sa'kin napunta ang usapan?
"Ui, aminado akong nagkagusto ako sa Bai pero ngayon paghanga na lang 'no," sagot ko.
"Paghanga! Ganoon pa rin 'yon, gusto mo pa rin ang Bai," wika ni Azerine.
"Oo nga!" Dagdag pa ni Hope.
"Ui, magkaiba ang salitang paghanga sa salitang gusto 'no," ani ko pa.
"Sus!"
"Sus!"
Sakit talaga sa ulo ng mga tomboy na 'to.
"Tumigil na nga kayo sa kalokohan niyo," saway ni Winston.
"Ikaw tumigil, Winston! Siyam na buwan ka ng bakante kaya tumahimik ka diyan!" Bulyaw ni Azerine dito.
Pfft! Natatawa na lang ako sa kanila.
"Single pala si Winston," wika ni Bacon.
Huadelein's PoV
"Ubu Isagani, tiyak ka ba sa iyong sinasabi ngayon?" Aking tanong, pagkat hindi ko maunawaan kung bakit niya pa sa akin iaatang ang pinakamahalagang gampanin ng isang Ginoo.
"Oo. Huada, sapagkat ikaw lamang ang aking maaasahan, batid mo na hindi ko kayang iwanan ang ating kumpanya kahit na isang araw lamang," kanyang wika.
"Ngunit, Ubu. Ikaw dapat ang siyang maghanap sa Binukot na iyong mapipiling mapangasawa—"
"Huada, hindi ko kayang ipaubaya sa iba o sa ating kaanak ang ating negosyo, ako lamang ang may kakayahang mangasiwa nito ng tapat," wika ni Ubu.
Nauunawaan ko ang aking nakatatandang kapatid kung saan ito nanggagaling.
"Nauunawaan kita, Ubu Isagani. Ngunit paano kung hindi mo maibigan ang Binukot na aking mapipili para sa iyo?"
"May tiwala ako sayo, Huada."
"May tiwala ka sa akin, Ubu. Ngunit paano ang ating amang Rajah?"
"Huwag mong isipin ang ating Baba, ako na ang bahala sa kanya," aniya.
Inaalala ko lamang ang maaaring sabihin ng aming Baba.
"Kailan kami tutulak upang maghanap ng Binukot?" Aking tanong.
"Bukas," tugon niya.
"Bukas!?" Asking bulalas.
Kay bilis naman.
"Oo. Pag bukang-liwayway ay mag-uumpisa na kayo lumakad patungong Panay," wika ni Ubu.
Sa Panay, kung saan ang karamihan sa aming ninuno ay nahanap ang kanilang mga Binukot, na kanilang napangasawa.
"Ngunit ngayon, ay bago magdilim nais kong magtungo kayo sa balay ng mga Babaylan, upang magkaroon ng basbas at patnubay ni Aba sa inyong paglalakbay," aniya.
-------
Itutuloy...
-Papel📝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top