Kabanata IV: Heartbeat














Kabanata IV: Tibok Ng Puso





---




Huadelein's PoV



Maayos akong nakaupo sa isang nitso nakatanaw sa karimlan ng kalangitan na puno ng mga talang ngumingiti sa akin, at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim na paligid. Habang lakad nang lakad si Azerine sa aking harapan.



"Anong balak mo do'n sa magjowang mukhang nagpakalunod sa Glutathione?" Tanong niya, habang pasipa-sipa sa isang maliit na bato.



"Wala."



Ano naman ang gagawin ko sa dalawang iyon? Tss! Hindi ko naman sila kaaway, naiinis lamang ngunit kaunti lang. Hindi naman biro ang ipahiya nila si George sa harap ng mga kapwa namin mag-aaral, lalo na 'yong Mira. Tss! Ang talim ng kuko ah, makakalmot sa gwapong mukha ni George tila hindi nagkuko ng isang taon.




"Okay. Sige, eh! Pa'no kung hindi sila magbigay ng pera?"



"Magbibigay sila bukas, kung hindi nila ibig mapahiya."



Umiling-iling naman ang loko ng nakangiti, ano na naman kayang iniisip nito?



"Ibang klase ka talaga Huadelein siyangapala! Naalala mo ba 'yong mga nakalaban natin sa bar kagabi? Tauhan 'yon ng Nemesis."



Tauhan pala ng Nemesis?



"Nakatitiyak ka bang Nemesis 'yon?" Aking tanong, nais ko lang makatiyak.



"Oo naman, sigurado ako! Lahat kasi ng mga pinalinis kong kalat kagabi sa mga tauhan ko puro may tattoo na espada at may nakapulupot na ahas sa likuran"



Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa nabatid ko.



"Huadelein, may binabalak ka ba? Kilala ko 'yang ganyang ngiti mo eh," aniya.



"Wala."



"S-sa palagay mo? Anong pakay nila? Bakit nando'n sila sa bar kagabi?"



Tiyak ay ako ang kanilang hinahanap at pakay kagabi.



"Ako ang kanilang pakay," tugon kong nakangiti.




Nemesis...



--





Makalipas ang sampung araw...



Masaya kong pinanonood sila Georgia habang panay ang himas at kurot nina Whisky at Rica, sa pisngi nito. Na waring hindi sila makapaniwala na bumalik na  muli sa dating balat at kinis. Walang bakas ng anumang sugat o maliit na pilat. Nangingiti na lamang ako, sapagkat batid kong ayaw niyang ipahawak pa ang kanyang mukha.


"Ang kinis! Grabe!" Himas ni Rica sa kaliwang pisngi ni George.



"Oo nga. Awra! Naku ah! Parang mas lalo ka yatang gumanda bakla," ani Whisky, na nakakurot sa kanang pisngi ni George.



"A-ano ba mga bakla!? May mga mukha naman kayo ah! Atsaka 'wag kayong magulo 'no! Alam niyo naman dalawa na kung hindi dahil kay Huadelein/ Ganda ay hindi mawawala ang mga kalmot ng bruha sa fes ko!"



Nabigla ako nang may bisig na nagkulong sa akin mula sa likuran ko, tila ako'y nakuryente na ng maramdaman kong magdikit ang mga balat ng aming braso. Hindi ko dapat ito paka-isipin, ang dapat kong isipin ay paano? Paano ba ako tutugon nito? A-ang puso ko! Heto na naman, t-tila nawalan ako ng lakas— pinilit kong ngumiti kahit na grabe ang kabog ng puso ko. Kulang na nga lang ay lumabas ito mula sa dibdib ko dahil sa bilis at nakabibinging tibok nito.



Bahagya pang inilapit niya ang kanyang pisngi sa kaliwa kong pisngi, a-ang puso ko! D-delikado na talaga ko. Hindi pa siya nakuntento at idinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko. Na lalo pang nakadagdag sa kuryenteng nararamdaman ko ngayon sa aking braso, gusto ko sanang iiwas siya sa akin. Sapagkat baka naririnig niya ang malakas na kabog ng dibdib ko.




"Ganda, thank you ah! Thank you talaga!"




Alam kong sa tono niya ay nakangiti siya, ako man ay nakangiti rin. Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin bago niya ako pakawalan sa mga bisig niya.



"Wala iyon," tugon kong nakangiti.



"Mga bakla tara na! Tapos na ang break time oh!" Singit ni Whisky.



"A-awra na ang beauty ni baklaaaa!" Rinig kong wika ni Rica.




Nahagip ng paningin ko sina Ethan at si Mira, na mukhang nagulat nang makita ang grupo nila George. Nasa likuran lamang nila ako, diretso lang ang lakad namin hanggang sa makapasok kami ng silid-aralan. Kamag-aral ko sila sa dalawang asignatura sa A.P at MAPEH. Umupo na ako sa bakanteng upuan at ganoon din sila George, ngunit lumipat sila sa harap ng upuan ko. Naramdaman kong may umupo na isang tomboy na pawisan sa tabi ko, tss!




"Tsk! Grabe! Kahit pawisan ako, ang gwapo ko pa rin!"



Feeling gwapo na naman ang isang 'to.



"Tss! Feeling gwapo ang tanong may takdang-aralin ka na ba?" Natigilan siya dahil sa aking tanong, wala siguro siyang takdang-aralin na ginawa.



"Tss! Wala ka na nam" natigilan ako nang bigla siyang magsalita.



"Alam kong gwapo 'ko bosa! Kahit may pinupormahan akong pagkaganda-gandang sabon, at kahit maraming chiks na nag-aabang sa akin diyan sa hallway, tsk! May assignment 'to!" Sabay pogi pose at kindat niya, kung hindi ko lang talaga 'to pinagkakatiwalaan tiyak matagal na siyang may lapida! Daldal!




"Daldal!" Bulong ko at iwas ko ng tingin sa kanya sabay mudmod sa mesa.



Ngunit ano nga 'yong pinupormahan niya? Sabon? Baliw na talaga si Azerine tsk!



"Nakita mo ba 'yong tingin sayo ni Ethan, Georgia?" rinig kong tanong ni Whisky, na alam ko naman sa tono niya ay parang natutuwa ito.



"Oo nga, baklaaa! Mukhang tinamaan na naman si Ethan sayo ah, ay! Sandali nag-usap na ba kayo no'n?" Rinig kong tanong ni Rica.



"Mga bakla, paki gupit nga muna 'yong buhok ko pakiramdam ko kasi umabot hanggang talampakan ko eh. Yiieeeeh! Pero alam niyo mga bakla! Grabe, gusto ko 'yong tingin niya kanina pero syempre! Kunwari wala akong pakialam sa kanya." Hindi ko maunawaan ang ipinahihiwatig ni George, natutuwa siya na tila kinikilig? Iyon ba 'yong tawag doon? Kinikilig?



Ngunit bakit ganito? Waring hindi ko naiibigan ang pinag-uusapan nila waring nakararamdam ako ng inis.



"Sandali! Georgia, gusto mo pa rin si Ethan?" Tanong ni Whisky.



"Sandali lang bakla! Ako muna! 'Yong tanong ko sagutin mo Georgia, nakausap mo na ba si Ethan?" Singit ni Rica.



"Oo, nag-usap kami. Humingi ako ng sorry dahil sa nagawa kong patulan 'yong gf niya tapos ayon, friends na lang daw kami," wika niyang malungkot.


Mabuti naman magkaibigan na lang kayo. Hay! Ano ba itong reaksyon ko? Hindi ito nararapat, sapagkat dapat ay masaya ako para kay Georgia pagkat ayos na sila ni Ethan.



"Alam mo bakla, sa totoo lang ayoko na si Ethan para sayo eh! Pero kung mahal mo talaga siya, eh di gora lang! Kung makipag balikan man siya sayo, go!" Payo ni Whisky sa kaibigan, bakit ba hindi ako natutuwa sa kanilang pinag-uusapan? marahil ay nag-aalala lamang ako kay George.



"Alam niyo, sa totoo lang kung makipag balikan man siya sa akin ay tatanggapin ko pa rin naman siya, mahal ko eh!" Sagot ni Georgia, sa puntong 'to ay parang sasabog ako sa inis. Hindi ko talaga mabatid kung bakit, ngunit hindi talaga ako natutuwa!



"Boss! Andiyan na si ma'am Augusta! Baka isipin niyan natutulog ka"



Umupo ako ng maayos atsaka nakinig na lang kay Binibining Augusta, na mukhang puputok na ang ugat sa leeg. Maingay ang mga kapwa mag-aaral namin sa likuran, maging si Azerine ay napapakamot na lang sa kanyang batok. Tiyak akong naiirita na ang isang 'to, hindi ko na maintindihan ang ipinapaliwanag ni Binibining Augusta hindi ko marinig ang boses nito kahit nasa bandang gitna pa ako nakaupo. Mapapamura ka na lang sa inis.




"TAHIMIIIK!!!" At tumahimik na ang silid-aralan. Nagpatuloy si Ma'am Augusta sa kanyang leksyon.



Naramdaman kong natulala ang katabi kong tomboy sa aking ginawa.



--



Nagmamadali akong lumabas ng palikuran nang makapagbihis na ako ng P.E uniform, tumakbo ako patungo sa locker at doon inilagay ang uniporme at sapatos ko. Kasabay ko si Azerine sa paglagay ng mga gamit sa locker.



"Nagulat ako sayo kanina tomboy ah! Grabe, parang may pinanghuhugutan 'yong pagkasabi mo ng TAHIMIIIK!" saad niya, pati ba naman ganoong bagay kanya pang pinansin.



"Tss!" Tanging naibulalas ko.


"Ui! Sandali lang boss, Hintayin mo ko!" Rinig kong hiyaw niya, ang bagal-bagal kumilos.



Nakarating ako sa court kasunod ko si Azerine na hihingal-hingal pa, wala pa ang guro namin may ibang seksyon din na gumagamit nitong court tuwing oras ng P.E namin. Uupo na sana ako sa isang upuan nang mahagip ng paningin ko sina George at Ethan na nag-uusap. Naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit ako naiinis nang ganito! Parang gusto ko silang paghiwalayin na dalawa, ano ba namang puso 'to! Ano bang suliranin nito? Ang lakas lagi ng kabog! May sakit na ba 'ko?



"Boss, tubig oh!" Kusang inabot ng kamay ko ang tubig na ibinibigay ni Azerine, nilagok ko ito agad nang hindi inaalis ang paningin ko sa dalawang mukhang tuwang-tuwa pa habang nag-uusap. Ano bang pinag-uusapan nila? At tuwang-tuwa pa si George?



"Boss! Ayos ka lang ba?" Tanong ni Azerine. Paano ako magiging maayos kung nakikita kong magkasama sina George at Ethan?



"Ayos lang, bakit ba?" Tanong ko, nakakainis nakukuha pa magtanong nito ni Azerine.



"Mukha nga'ng ayos ka lang, durog 'yang mineral bottle eh!" saad nito atsaka umismid, sinamaan ko naman siya ng tingin hindi ko na talaga naiibigan ang ngiti ni Azerine.



"Tss!"



"May problema ba, boss? May nakita ka bang kalaban?" Tanong niya ulit, anong kalaban ba ang kanyang nasa isip? Kung minsan di ko maunawaan ang tomboy na 'to, wala naman akong binanggit na kalaban.



"Wala naman," naitugon ko na lamang, baka mamaya ay maisipan pa niyang magtanong o tuksuhin ako kay George.



"Mag stretching ka na boss, parating na si Ma'am" wika niya sa akin.



Natapos ang P.E class, kinuha ko ang bag ko sa locker para sa huling asignatura, paakyat na ako ng ikalawang palapag nang harangin ako nila Whisky sa hagdan.



"Ganda, sama ka! Bar tayo after class!" Paanyaya ni Whisky, ayoko sanang iiwas ang paningin ko kay George pero nagawa kong iiwas, kina Whisky at Rica ako nakatingin.



"Libre namin mamaya, kasama si Ethan," dagdag pa ni Rica na nakangiti.



Parang nainis na naman ako nang marinig ko ang pangalan ni Ethan, wala na ba silang alam na salita kundi Ethan?



"Sama ka na Ganda!" Paanyaya pa muli ni Rica, tipid akong ngumiti sa kanila.



"Oo nga, Ganda! Sama ka na ha? Hintayin ka namin okay?" Dagdag pa ni George.



Sa puntong ito hindi ako umiwas kay George at ibinaling ko ang aking paningin sa kanya, nakangiti ang mga mata niya na animo'y nagagalak.



"P-pasensya na ha, hindi ako makakasama sa inyo ngayon medyo masama kasi ang pakiramdam ko next time na lang siguro," tugon kong nagkukunwaring parang magkakasakit, sana gumana ang aking pagdadahilan.



"Sayang naman Ganda!" Pagmamaktol ni Rica at hinawakan pa ang aking kanang braso, na animo'y ako ay kanyang inaalo.



"Gusto ka talaga namin isama eh! Para kasing kasama ka na sa circle of friends namin." Dagdag pa ni Whisky na ipinulupot ang kanyang kamay sa aking kaliwang braso. Batid ko na ang kanilang paglalambing ay sapat na upang ako ay sumama, ngunit hindi ko nais na makasama si Ethan.



"Gusto ko lang kasi magpasalamat Ganda sa pagtulong mo sa akin eh, ito lang kasi 'yong way ko para makapag pasalamat sayo," wika ni George sa akin, nais kong makasama si George ngunit kung kasama si Ethan ay ibang usapan na iyon.



"Naku! 'Wag mo na isipin iyon oh! Sige na! Alis na 'ko may klase pa ako eh," ani ko sa kanila. Paumanhin George ngunit hindi ko ibig na makasama si Ethan.




Agad akong nagmadali na umakyat ng hagdan kahit na tinatawag pa nila ako ay hindi ko na iyon pinansin pa. Pumasok na ako ng silid-aralan, pabagsak kong ibinaba ang bag ko sa upuan.



"Woah! Boss! Anyare sayo?" Tanong niyang nakataas ang dalawang kamay, ewan ko kung nagulat ba siya ngunit tila siya'y sumusuko.



"Magpapacheck up ako bukas!" Naiinis akong umupo sa mesa ng upuan.



"Boss, umupo ka ng maayos baka mapa'no ka niyan, atsaka ako ang malalagot sa tatay mo kapag naaksidente ka sa maling upo mo niyan" pinutol ko ang kanyang sinasabi atsaka siya'y hinarap.



"Alam mo, OA ka rin 'no!" Tss! Pabagsak akong umupo sa salung-puwit, hanggang sa utak ko ay naririnig ko ang naka-uumay na ngalang 'Ethan'.



"Ano nga 'yong sinasabi mo kanina Boss? Magpapacheck up ka? Teka! Bakit?" Nagtataka niyang tanong sa akin.



"Basta! Paki schedule mo ako bukas na mag papacheck up ako, dahil baka malala na 'tong sakit ko," aking wika sa kanyang hindi nakatingin.



"Okay. Sige, magm-message na ko sa personal doctor ni Momshie." Habang nagt-type siya sa cellphone niya, ay bigla naman pumasok sa isip ko si George.



Paano kung okay na nga sila? Tapos ano? Magbabalikan sila ng bwisit na Ethan na 'yon? Tss! Pagkatapos ano? Masasaktan na naman si George? Ito pa ha! May Mira pa 'yong lalaki! Lintek na 'yan! Gagawin niya pang kabit si George.




"Boss! Boss!" Kalabit sa akin ni Azerine.



"Oh! Bakit?" Tanong ko.



"Classmate na nga pala natin 'yong mga heartthrob kuno nitong campus, at syempre kasama na do'n si Ethan," wika nito.



Ano naman pakialam ko?



"Wala akong pakialam! Namessage mo na ba 'yong doctor na sinasabi mo?" Nakaka-inip, tila hindi naman darating 'yong guro naming kalbo.



"Oo, namessage ko na, teka! Magc-cut class ka bukas?" Tanong niya.



Ano ba sa kanyang palagay? Tss!



"Oo, pero papasok pa rin ako."



"Tamang-tama, ang schedule mo bukas ay 10am aabot pa tayo sa 3rd subject," aniya, atsaka ko hinayaan ang sarili kong mamudmod sa mesa. Mayamaya lang ay naramdaman kong wala na 'yong katabi kong tomboy.



Tumayo ako at nakita kong kaunti lang ang naririto sa loob ng silid-aralan, hindi na siguro darating si kalbo. Lumabas ako ng silid upang magtungo ng palikuran, nasaan na naman kaya 'yong tomboy na iyon? Pinuntahan niya siguro 'yong sinasabi niyang sabon na pinupormahan niya. Tsk! Tsk! Pumasok na ako sa palikuran atsaka ginamit ang ikatlong cubicle.



May mga naririnig akong boses o wari na halinghing ng isang babae at boses ng lalaki, hay! Hanggang dito ba naman sa palikuran ay kaiinisan ko pa? Tsk! Bakit hindi na lang sila sa hotel tutal malapit na rin naman ang uwian. Hindi na siguro makapaghintay ang dalawang 'to, mabilis akong lumabas ng cubicle hindi ko nais pakinggan ang ganoong senaryo, tss!




Naglalakad na 'ko sa pasilyo nang maramdaman kong may humawak sa aking balikat. Agad kong hinawakan ang braso niya atsaka ko siya ibinalibag sa lapag, hindi ko pa binibitiwan ang kanyang braso samantalang ang paa ko ay nasa balikat niya nakadiin, sino naman ang gunggong na 'to?




"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.




"S-sandali b-bitiwan mo muna ko agh!" Idiniin ko pa ang paa ko sa balikat niya. "O-okay, a-ako si Dos! Classmate mo 'ko sa Filipino! Ako 'yong bago niyong classm" hindi ko na siya pinatapos pa magsalita. Mabilis kong inalis ang paa kong nakadiin sa kanyang balikat maging ang pagkakahawak ko sa kanyang braso, atsaka ako lumakad palayo sa kanya.




"Sandali!" Rinig kong hiyaw niya.



Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, tss! Ayoko mag aksaya ng oras sa tulad niyang gunggong!



"Sandali lang miss!" Nabigla ako nang hilahin niya ang braso ko, at mabilis na isinandal sa pader. Hindi ako nakapalag sa bilis niyang kumilos.



"Anong pangalan mo? Grabe parang sumakit katawan ko sa ginawa mo ah,"  aniya habang ini-stretch niya ang balikat, pinagmasdan ko lamang siya sa ginagawa niya. Atsaka nagsalita muli nang mapansin niyang wala akong balak magsalita. Sa puntong ito nakalapat na ang kanyang kaliwang palad sa pader, tsk! Tinitiyak niya talagang hindi ako makakawala ha.



"Anong pangalan mo?" Ulit niya sa tanong, wala pa rin akong balak tumugon. "Hindi mo sasabihin ang pangalan mo? Ang lakas rin ng loob mong pabagsakin ako ng ganoon lang 'no? Siguro wala kang boyfriend maganda ka pa naman sana" linyahan ng mga lalaking babaero, tss! "Iniwan ka niya 'no? Hindi niya kinaya ang lakas mo? Siguro laging bugbog 'yon tsk! Tsk! Kawawa naman 'yang boyfriend mo" naramdaman kong unti-unting nagsasalubong ang mga kilay ko, dahil sa sinasabi ng gunggong na 'to! "Naiinis ka? Siguro totoo ang mga sinabi koAgh! Sh*t!" 'Yan ang bagay sayo! "Hoy! Babae! Bumalik ka rito!"




Mabilis akong tumakbo paakyat ng hagdan, tamang-tama tatlumpung minuto na lang ay uwian na. Pagpasok ko ng silid-aralan ay kinuha ko agad ang backpack ko at isinukbit ito agad sa balikat ko, at mabilis na lumabas ng silid-aralan. Paglingon ko sa kaliwang pasilyo ay nakita ko 'yong lalaki na hawak ang ilong niya, iyan ang napapala mong gunggong ka! Tumakbo ako papuntang fire exit, nagmadali akong bumaba. Saan ba ako magtutungo nito? Napangiti ako sa iniisip ko, kung saan ako mananatili habang wala pa ang oras ng uwian.











Azerine's PoV



Masaya kong kinakanta ang Calla powder theme song, papasok pa lang ako ng room nang marinig kong nagmamaktol ang isa sa tropa ni Ethan, ay! Hindi lang pala basta tropa! Pfft! Lider kuno nila! Hahahaha, tang'na. Dumudugo 'yong ilong niya.



Nagtago ako agad at inilabas ko ang cellphone kong nakakonekta lagi sa earphones, atsaka isinalpak sa magkabilaang tainga ko. Syempre walang music.





"babae ang gumawa sa'kin nito! Kaklase natin!" Rinig kong sabi ng lider nila. Haha! Sino kayang bumasag ng ilong niya? Takte, haha ang lakas ng loob.



"Tang'na pre! Babae gumawa niyan sayo?" Kantyaw sa kanya ng isa nilang tropa, pfft!



"Eh! Kung basagin ko 'yang ilong mo ha Zailen? Wala ba kayong nakita na pumasok dito sa room?" Tanong ni Dos sa mga tropa niya.



"Sino ba kasi 'yong babae? Baka naman X mo 'yon na malaki ang galit sayo?" Singit pa ni Ethan.




"F*ck you! Di ako tulad mo dala-dalawa ang girlfriend! 'Yong isa bakla pa, atsaka hindi ko 'yon X! Mukhang hindi niya nga 'ko kilala eh."



Sabay-sabay na nagtawanan ang mga tropa niya, pfft! Maski ako ay natatawa na rin. Sino kaya 'yong babaeng nagpadugo ng ilong niya? Grabe! Ang lakas ah! Malamang hindi niya kilala si Dos, kasi kung kilala niya si Dos at kung ordinaryong babae lang 'yon dito sa campus— malamang kilig na kilig pa 'yon at nagpahalik pa sa kanya.




Well, kung pusong babae lang ako, talaga naman na may hitsura siya at talaga naman titilian ng mga babae dahil sa angking karisma nito. At ang isa sa the best asset niya ay 'yong pointed niyang ilong, pfft! Na talaga naman na napuruhan pa! Hahahaha.




"Grabe! Pare, may babae pa pala rito sa campus na hindi ka kilala pfft! Hahahaha," bawi ni Ethan sa kapwa niya malandi pfft!



Patuloy lang sila sa pagtawa at pagkantyaw sa tropa nilang si Dos.



"Kung hindi niya ako kilala malamang kayo rin hindi niya kilala, tumawa lang kayong apat! Tch! Pero nakasisiguro akong classmate natin siya, dahil nakita ko siyang lumabas dito sa room." Sa halip na tumahimik ang mga tropa niya, parang 'yon pa ang nagtulak para lalo pang tumawa ang mga siraulo niyang tropa, pfft!




"Hahahaha tang'na, pre! Kawawa naman ang babaeng 'yon, hindi niya kilala ang tulad nating gwapo, tsk! Tsk!" Singit ni Cleo.





"Lol!" Zailen




"Pakyu!" Argo




"Kayo lang di kilala!" Sabat ni Ethan.




"Sikat ka kasi dahil nagsabong 'yong babae at bakla mong gf!" Grabe 'tong si Dos, prangka magsalita.




Nag-aasaran na lang din naman sila pumasok na ako sa room, pumunta ako sa upuan ko at napansin ko ang katabi kong upuan— wala na 'yong backpack ni tomboy. Hindi kaya umuwi na 'yon? Hindi! Hindi pa 'yon umuwi, hindi nagpapalabas ang guard sa gate hanggat hindi pa oras ng uwian. Inaayos ko na ang gamit ko pero biglang—




"Hoy! Ikaw tomboy!" Syempre rinig na rinig ko siya. Wala naman kasing music na naka play sa cellphone ko, syempre dedma lang! Kunwari hindi ko siya naririnig. "Tomboy!"




"Pare may earphone sa tainga, hindi ka niya naririnig," sabi ng Cleo.



Nagulat ako nang may nagtanggal sa kanang tainga ko ng earphone, si Zailen. "Naririnig mo na ko tomboy?" Tanong ng Dos, tres, kuwatro, singko na 'to!



"Ha? Bakit?" Tanong ko, na kunwaring medyo nainis pero, pfft! Natatawa ko sa hitsura niya.




"Kilala mo ba 'yong babaeng maputi na classmate natin?" Tanong ni Dos.



Maraming maputi rito sa section namin pero sino sa kanila? Ang mga katabi ko mapuputi.



"Sa kanan o sa kaliwa ko?" Tanong ko.



"Hindi ko alam eh! Basta ibigay mo na lang ang pangalan ng katabi mong maputi!" Hindi ako sure kung sino ang tinutukoy niya pero sige na nga, ibibigay ko na nga ang pangalan.




"Jessielyn," sagot ko. Atsaka lumakad na ako palabas ng classroom.



Nasaan ka boss? Bakit nawala ka sa room? Malamang naboring 'yon Azerine, parang hindi mo naman kilala ang tomboy na 'yon, gwapo ko pa rin! Ayooon! Sila Whisky! Malapitan nga!



"Whisky! Whisky!" Tawag ko.



"Oh! Ikaw pala Azerine Emozencio na pogi... Ano ang maipaglilingkod ng beauty ko sayo?" Tanong niyang nakangiti, aba! Mukhang si Whisky tinatamaan na rin sa kagwapuhang taglay ko ah.



"Nakita mo ba si Huadelein? Wala kasi siya sa room eh," tanong ko.



"Eh baka umuwi na? Kasi sabi niya sa amin kanina masama ang pakiramdam niya, hindi nga siya makakasama sa amin mamaya sa bar eh," sagot ni Whisky, masama pakiramdam ni boss?



"Ganoon ba? Sige! Salamat Whisky ha!"



"Oo, sige you're welcome, pogi!"




Gwapo ko talaga! Sandali, mamaya ko na iisipin ang kagwapuhan ko. Naiiyak kaya ako! Agad kong kinuha ang phone ko, kahit naiiyak na 'ko ay dali-dali akong nagtype ng message para isend kay boss Huadelein.





To: Boss Huadelein'g ApakaAngas



Boss, malala na ba talaga sakit mo? T^T HUWAAAA!!! Boss, kailan pa? Kailan pa? Ang sakit boss! Hindi ko matatanggap kapag nawala ka boss T^T nasaan ka ba boss? HUWAAAA!!


message sent




Agad naman tumunog ang phone ko.




From: Boss Huadelein'g ApakaAngas


Hindi pa ko mamamatay gunggong ka! Punasan mo nga 'yang uhog mo! Kadiri! Narito ako sa garden.




Hindi na 'ko nag-abalang magreply pa, tatakbo na sana ako pero naisip ko lang! Paano niya nalaman na tumulo uhog ko? Manghuhula na ba si boss ngayon? Tsk! Tsk! Gwapo ko pa rin kahit may uhog! Haha.



Tumakbo na ako agad para puntahan si Huadelein sa garden, at nakita ko itong nakaupo sa damo at nakatingin sa kawalan.




"Boss!" Tawag ko sa kanya.



"Oh?" Tugon nito.



"Bakit andito ka sa garden?" Tanong ko.



"Tahimik dito," sagot naman nito.



Narinig ko naman na may tumunog na cellphone.



"May tumatawag yata sayo, boss." Nakita kong pinatay niya ang phone niya, as in Power off.




Mayamaya pa ay nag ring naman ang phone ko, sinagot ko ang tawag pero hindi ako ang gustong makausap ng Rajah kundi ang kanyang anak. Iniabot ko ng tahimik sa kanya ang phone at kinuha naman niya ito.



"Hindi ko kayo maunawaan ama, tsaka na lamang tayo mag-usap," atsaka niya ibinigay sa akin ang phone ko, at tumingin na naman siya sa kawalan.



"May sakit ka ba boss? Ano bang nararamdaman mo? Sabi kasi ni Whisky sa akin, masama ang pakiramdam mo eh at kasama ka nga raw sana sa" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang—




"Ang puso ko" puso? "Madalas ay hindi normal ang tibok, may sakit na yata ako sa puso," mahinang sabi niya na tama lang para marinig ko.



"Boss, paanong hindi normal?"




Ipinikit niya ang mga mata atsaka nahiga sa damo bago magsalita.



"Madalas pakiramdam ko, ay kakawala na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito dagdagan pa ang nakabibinging lakas ng tibok. Minsan nga gusto kong tingnan ang sahig dahil baka nakawala na ang puso ko sa pinaglalagyang kaliwang dibdib ko"



Hindi nakakapagtaka na nagmana talaga siya sa tatay niya kung paano ito magsalita. Malaman, pero alam ko naman kung ano ang ipinapahiwatig nito 'yon nga lang, eh! Hindi niya lang siguro talaga alam kung ano ang ibigsabihin ng sinasabi niya ngayon.




"dumagdag pa ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa inis ngayong araw na 'to, hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko pero masasabi kong parang may kirot malala na nga siguro ako, kaya kailangan kong magpa check up sa doktor baka kasi stage 4 na pala 'tong sakit ko sa puso."




Okay na sana kaso may salita pang magpacheck up eh! Stage 4 pa nais niya tsk! Tsk!




"Sige. Boss, sasamahan kita bukas magpacheck up baka malala na 'yang tama mo este! Malala na 'yang sakit mo dami mo nararamdaman eh!"




Minsan kailangan mo na lang sakyan ang boss mo, lalo na kung first time niya sa isang bagay. Pfft! Kung ibang lalaki lang ako siguro cute na cute na ko sa ipinapakita ni Huadelein. Lalo na 'yong tungkol sa puso niya, Haha partida! Magpapacheck up pa 'yan bukas! T*ng'na.











Georgia's PoV



Masaya akong umiinom habang katabi ko si Ethan, samantalang 'yong dalawang bakla ay nasa dance floor at nakikipagsayaw. Ayaw naman sumayaw ni Ethan kaya dito na lang kami sa table nagk-kwentuhan. Masaya na raw siyang kasama ako eh! Magpapabebe pa ba ako? Atsaka kami na ulit! Haba ng hair ko. Nakipagbreak na raw siya kay Mira sabi niya sa'kin. Oh! Di ba? Kinabog ng beauty ko si Mira!



"Hayyy! Grabe! Ang saya talaga sumayaw!" Ani Whisky, na kauupo lang sabay inom sa baso niya.



"Tama! Lalo na kung kasayaw mo pa ay isang cute guy, OMG! Kinindatan niya ko! Nakita niyo ba 'yon?" Ani Rica, na parang maiihi na sa kilig.



"Ay cute naman ng guy na 'yan! Rica!" Sang-ayon ni Whisky na kinikilig na rin.



Sandali! Parang may kulang?



"Woi! Mga bakla kayo! Nasaan si Ganda? Iniwan niyo sa dancefloor?" Tanong ko sa kanila.



Nakita ko naman na ang expression sa kanilang mukha ang pagtataka, na ano na naman 'tong dalawa?



"Anong si Ganda? Si Huadelein?" Tanong ni Whisky, pagkatapos uminom sa baso niyang may alak.



"Oo, si Huadelein si Ganda! Sino pa ba? Siya lang naman ang tinatawag nating Ganda! Huwag niyo sabihin sa'kin na hinayaan niyo siya makipag sayaw sa isang lalaki! Naku! Whisky at Rica ha! Malilintikan kayo sak" hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko, nang biglang sumingit si Whisky.




"Ano ka ba bakla! Hindi natin kasama si Ganda! Di ba nga masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakasama sa atin ngayon?"




"Ay! Oo nga pala! May sakit siya," tugon ko, at napabuntong hininga na lang ako.



"Sayang 'no! Kulang tayo hay! Wala si Ganda, ngayon lang umabsent 'yon sa gimik natin," wika ni Rica.



Tumingin ako sa kaharap kong upuan kung saan laging nakaupo si Huadelein, naalala ko tuloy 'yong nakatingin lang siya sa'kin habang nagk-kwento ako at ngiti lang ang sagot niya at tawa. Paminsan-minsang magsasalita pero kapag nagsalita siya, worth it pakinggan.




"Babe, okay ka lang ba?"



"Oo naman, okay lang ako."



"Tinatanong kita kung o-order pa ba tayo ng alak?" Tanong ni Ethan.



"Oo, sige order pa tayo," sagot ko.



Nakakalungkot naman wala si Ganda, hay!



-------


Itutuloy...











-Papeeeel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top