Kabanata II: PAK! GANERN!












Kabanata II: PAK! GANERN!





----






Azerine's POV



Eksaktong breaktime nang dumating ang tomboy na 'to, na kinukulit ako ngayon para pauwiin ng puod si Huadelein.



"Magagalit ang Rajah, kapag hindi siya umuwi ng puod mamaya ako ang malilintikan nito, Emozencio," sabi nitong halatang nag-aalala sa buhay niya, pfft!



"Parang hindi mo naman kilala si Huadelein, hindi 'yon uuwi malamang, mas gugustuhin pa no'n mag punta ng sementeryo kaysa makita ang ipapakilalang babae ng tatay niya!" Sagot ko, sabay bato ko sa yosi na kanina ko pa hinihithit.



"Sandali! Pa'no mo nalaman na may ipapakilala ang Rajah, na babae kay Huadelein? Wala pa naman akong binabanggit ah," tanong nito pfft! Ganoon naman ang Rajah, pauuwiin si Huadelein pag may ipapakilalang babae.



"Tch! Ganoon naman ang Kapunuan, pauuwiin si Huadelein kapag may babae siyang ipapakilalasibat na! Baka ikaw pa mapatay ni Huadelein kapag nakita ka niya rito."



"Pero Azerine, gusto ko pang mabuhay 'no! Kaya gumawa ka ng paraan para umuwi si Huadelein."



Hindi ako nag-aalala na mapatay siya ng Rajah, mas nag-aalala pa nga 'ko na makita siya rito ni Huadelein mas matindi magalit si tomboy eh.



"Pfft! Kung ako sayo Hope, bumalik ka na ng puod at sabihin mo na hindi makakarating si Huadelein dahil ayaw niya alam na ni Rajah Bagani 'yon kaya 'wag kang matakot mas matakot ka kapag nakita ka ni Huadelein dito, sibat na!"



Sumakay na siya agad sa kotse niya at umalis na.



Lumakad na 'ko palayo at patungo nang school garden malamang ando'n na naman si Huadelein natutulog, wala naman kasing hilig 'yon mag sightseeing sa mga people.




Teka!



Si Huadelein ba 'yon? Bakit doon siya? Nakatambay— sa hallway? Ang matindi pa! Ngiting-ngiti ang lola mo! Ano kayang tinitingnan nito?



Pagtingin ko...




PUTSPA! Kina George pala nakatingin! Na naglalaro ng PAK! GANERN! 'Wag niya naman sabihin na inlove siya sa bakla!? O baka naman gusto niya sumali sa larong PAK GANERN? Pwede naman kami na lang maglaro, tsk! Nahiya pa!.



"Boss! Gusto mo sumali?"



Sinamaan niya ko ng tingin at hindi ko pinansin.



"Dapat sinabi mo sa'kin agad na gusto mo pala maglaro ng ganyan, makikipaglaro naman ako sayo eh!"



Binigyan niya ako ng isang pamatay na tingin dahilan para mapalunok ako.



P*ta! Mas lalong hindi ko pinansin, kahit natatakot na 'ko sa mga tingin niya.




"Tara! Laro tayo, boss!"



Tapos lumakad siya palayo, patay!



Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko mamaya, baka isang malamig na bangkay na 'ko bago umuwi!



Alam ko na!




"GEORGIA! Gusto sumali ni Huadelein sa inyo!"  Hiyaw ko kina Georgia.



Napahinto siya sa paglalakad, hehe! Yari na talaga ko mamaya RIP sa'kin, double kill! Triple kill! Double double dead! Tinatawag ko po ang lahat ng mga Santo, nawa'y gabayan niyo po ang gwapong tulad ko.



"Haha! Sige, sali kayo!" Sabi ni Jericho sa'min.



"Boss, tara na!" Hindi niya nagawang bigyan ako ng death glare.



"Paano ba laruin 'yan?" Tanong ni Huadelein haha, walanjo! Siya pa talaga ang nagtanong. Tinuruan nila kami kung paano laruin ang Pak! Ganern!



Naglaro kami kahit alam kong haha, nakakahiya! Patawarin sana ako ng patron ng mga Lesbian.



"Pak! Pak Ganern! Pak! Pak! Ganern! Ganern!"



"Pak! Pak! Ganern!"



Pffft! HAHAHAHA! Hanep kumembot si Huadelein, babaeng-babae.



"Sandali! Hindi masyadong kumikembot si Azerine..." Walang emosyon niyang sabi langya! Gumaganti ang lola mo.



"Woi! Ikembot mo 'yan Azerine, huwag kang madaya!" Saad ni Warren sa'kin.



"Si Huadelein ang galing kumembot! PAK! Na PAK!" Pfft! Nakita ko naman na namula si Huadelein. Haha, pinuri ba naman ni Georgia eh!



"Pfft! Oo na! Sige na! Kekembot na!" Kembot lang pala eh!





"Pfft! HAHAHAHAHA!" Tawa ni Georgia.




"Ang pangit! Para kang tuod!" Dagdag pa ni Warren.



"Ayan na 'yon? Hahahaha parang hindi kembot ah!" Sabi pa ni Jericho.



Anong nakakatawa? Eh sa 'yon na 'yong kembot ko eh, napakamot na lang ako ng ulo.



Narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko.



"Sandali lang huh, sagutin ko lang 'to," paalam ko sa kanila habang tawa nang tawa! Ang saya lang ni Huadelein.




"Hello!"



"Hel bastos! Biglang pinatay!"




Wrong number yata, hindi naman sinagot.




(1 message receive)



Unknown number...




Sino naman kaya 'to? Ma-open nga.



Hello Felicity, I am one of Mercado Brother's, I just wanted to ask you if you saw our young lady? Because someone told us she came out of Casper High.


-You can tell us when you saw her.

-Jin




Si Jin. Kinikilig ako. Pfft! Joke lang! Ano na naman kaya nangyari sa babaeng 'yon? Nasaan naman kaya siya?



Tsk! Wala pa naman akong number ng babaeng 'yon.



"May problema ba?"



"Ay! Tomboy! Nanggugulat ka naman boss!"



Nanggugulat naman kasi 'tong tomboy na 'to.



"Sagutin mo ang tanong ko, may problema ba?" Ulit niya.



"May number ka ba ni Josephina?" Tanong kong kakamut-kamot ng ulo.



Sinamaan niya 'ko ng tingin, problema nito? Alam kong ayaw nila sa isa't-isa pero number lang naman ang tinatanong ko.



"Parang hindi mo naman yata alam? Na hindi maaari ang gadgets sa Casper High."



Ay! Oo nga pala! Nawala sa isip ko at hindi rin naman talaga pala gamit ng gadget si Joey.



"Kung ano man ang meron si Josephina, wala na 'kong pakialam doon," wika niya.



Ano bang problema ng tomboy na 'to kay Josephina?



"Ano? Paano kung kailangan niya ng tulong mo? Natin?" Tanong ko.



Kahit papaano nag-aalala ko kay Josephina kahit siraulo 'yon.



"Tss! Masamang damo 'yon! Matagal mamatay tulad mo," sabi niya. Paanong napunta sa'kin ang usapan? Tsk! Parehas silang may sayad ni Josephina.



Lumakad naman siya palayo.



Napa-iling na lang ako atsaka nagreply sa number ni Jin na hindi ko nakita si Joey o napansin.










Huadelein's PoV



Hindi ko na suliranin si Josephina, tss! Ang babaeng 'yon. Papasok-pasok ng Casper High, tiyak akong hindi niya kaya ang kalakaran ng paaralan na yaon. Tiyak ay tumakas siya.



"Ehem! Hello Miss," at sino naman 'to?



Tsk!



"I'm Ethan," dugtong niya.



At dahil sa wala naman akong pakialam, hindi ko na lamang pinansin. At lumakad ako palayo kasabay noon ang makita kong nilapitan ni George 'yong lalaking nilampasan ko lamang.



"Hello Baaabe!" Masaya niyang bati at pulupot sa bisig nito, magkakilala silang dalawa?


"Ahm hi! Georgia," wika ng lalaki kay Georgia.



"Ui! Mga bakla! Si Ganda oh! 'Yong kalaro natin kanina!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko iyon, kasabay noon na nilapitan ako ng isa sa mga kaibigan ni George. "Huadelein, right?" Tanong niya.



"Ah! Oo" tugon ko. Hindi ko batid kung anong reaksyon ba ng mukha ko ngayon. Tsk! Nakangiti si George habang nakapulupot ang kamay niya sa bisig ng lalaki, na tila di ko maunawaan ang hitsura nito. Wari siya'y nadudumi o ano man.



"Sama ka sa 'min mamaya! Magb-bar kami," wika sa akin ng kaibigan ni George, na abot tainga ang ngiti. Nakapulupot pa sa braso ko, anak ng tokwa! Matutuwa pa 'ko kung si George ang pumulupot sa akin. Pero hayaan na nga, kaibigan niya naman.




"Hindi kasi ako mahilig sa ganyan," aking wika.



Malaking kasinungalingan ang sinasabi ko ngayon.



"Sama ka na! Ganda, libre naman namin eh! Kaming bahala sayo," dagdag pa ng isa niyang kaibigan. Ano bang suliranin ng mga ito? Bakit nila 'ko tinatawag na Ganda?



"Sama ka na Huadelein, please!" Tsk! Huadelein don't forget your rules... Pero si George? Nag please... Ano ba ang itutugon ko? Binalingan ko si George at nakita kong nakangiti ito sa akin.



"Sige..."



Anak ng! Nasambit kong sige?



"Yessss! Hintayin ka namin after class, okay?" Sabay kindat ni George.



Ang puso ko! Tiningnan ko ang sahig dahil baka nakalabas at nahulog na ang puso ko nang hindi ko namamalayan.



"Hintayin ka namin mamaya, bye bye na!" Paalam nila.



And now... I broke my own rules... Sandali bakit ba ako nagsasalita ng wikang banyaga?



Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko, nariyan ka pa naman aking puso hindi ba? Ano bang nangyayari sa iyo ngayong araw na ito ha?



"So, una na 'ko mamaya sa pag-uwi? Mukhang may date ka ah!" tss! Patayin ko kaya 'tong tomboy na ito? Tsismoso.



"Tss!" Atsaka ko siya nilampasan.



"Fire! Apoy ka talaga!" Bulong niya na narinig ko naman.




--




Nagmamadali akong lumabas ng silid-aralan, ang tagal naman kasi magpalabas ng kalbong iyon tsk! Baka mamaya hindi na 'ko nahintay nila George. Haissst! Mabuti na lamang wala akong nakikitang mga mukha ng sandig ng aking ama. Nasabi sa akin ni Azerine na pinauuwi ako ng puod ng Rajah, tiyak ay may ipakikilala siyang babae NA NAMAN!



Nahagip ng paningin ko 'yong lalaking tila nadudumi kanina, 'yong pinuluputan ni George! Ah basta! Iyon na 'yon! May hinalikan siyang babae.



Bakit parang nakaramdam ako ng inis? Tsk! Hindi ko dapat pansinin ang mga ganyang tao. Sa katatakbo ko ay nakita ko na sila George at mayamaya lang ay dumating na rin 'yong lalaki, tss! Nagtungo na kami agad sa bar.




--



"Ano sa inyo?" Tanong ni Warren.



"Beer lang ako, ikaw babe?" Tanong ni George kay Ethan, tss!


"Kahit ano," tugon ni Ethan na nakatingin sa ibang dako, naroon siguro ang kanyang kausap. Ngunit napansin kong napasulyap ito sa akin.


"Ikaw, Ganda? Ano sayo?" Tanong sa akin ni Jericho.



Oh! Hindi ba? Biglang alam ko na ang mga ngalan nila. Nagkaroon ng introduce yourself portion habang papunta kami rito sa bar, biro lamang! Ipinakilala lang nila ang kanilang mga sarili sa akin. Nahalata kasi ni Jericho na hindi ko mabanggit ang kanilang mga pangalan.




"Vodka," tugon ko.



Naglabas ng pera si Georgia at 'yong si Ethan na hinihintay kong mag-aabot din ng salapi, napangisi na lamang ako dahil wala itong iniabot ni piso. Kinuha ni Warren ang pera ni Georgia, at pumunta nang bar counter agad naman akong tumayo upang sumunod kay Warren.



"Oh! May order ka pa ba?" Tanong ni Warren.



"Ah! Oo, Warren eh"



"Huwag mo na 'kong tawaging Warren, Whisky na lang," sagot niyang nakangiti, "Oh! Ano pa order mo?" Tanong pa niya.



"Dagdagan na lang natin 'yan."



Mabilis kong inilabas ang credit card ko, habang hindi nakatingin si Whisky.



"Ah ma'am, lahat po ba ibawas ko na po rito?" Tanong ng lalaki.



"Ah, Oo. Itago mo na lang 'yong cash," aking tugon.



"S-sure po ba kayo?" Tsk! Mukha ba akong nagbibiro? Anak ng!



"Yeah!"



Pagkakuha ko ng credit card ay agad ko itong itinago. At sakto naman ang paglingon ni Whisky ay nag-aya na itong magtungo sa pwesto namin, ngunit pagkarating namin doon ay wala 'yong si Ethan.



"Oh! Nasaan si Ethan?" Tanong ni Whisky.


"Nag cr lang, malay mo nagre-ready na para mamaya," ngiting-ngiti na wika ni George, tila kakaiba ang kanyang ngiti. Ngiti na makikita mo ang tunay na galak at kilig, kung kilig nga ba ang tawag doon.


"Ay ganern? Buti ka pa may Papa Ethan! Kami ni Whisky, wit! Ligwak ang mga beauty namin!" Ani pa ni Jericho na sa pinaikling salita ay "Rica"


"Hay na ko! Marami diyan sa tabi-tabi! Manghila ka lang diyan!" Sagot ni  Whisky, "di ba Ganda?" Baling niya ng atensyon sa akin, tumango na lamang ako bilang tugon. "Pero! Hindi ka namin ibebenta Ganda, huh! Babae ka pa man din! Kailangan ka namin alagaan dito!"



Alagaan? Sus! Parang hindi naman ako nagpupunta ng bar sa sinasabi ni Whisky, pero sa bagay nasabi ko rin naman na hindi ko hilig ang ganitong lugar ngunit— ang order ko Vodka.



Ngumiti na lang ako bilang tugon. Paumanhin, hindi lang talaga 'ko masalitang tao. Nakita 'kong may lumapit kay Whisky na lalaki, tss! Ano pa nga ba? Bar 'to eh. Asahan na ang dapat asahan.



"Bakla! May kasama tayong babae ah!" Wika ni Rica, na tamang hiyaw lamang upang marinig sa pagitan ng maingay na musika.



"Hindi ko siya it-take out, okay...!" Hiyaw pabalik ni Whisky.



Dumating na ang order namin na mga inumin, ngunit 'yong Ethan wala pa rin. Ano 'yon? Doon na siya nanirahan sa palikuran? May lalaki naman na tingin nang tingin sa akin, tss! Sandali, sa aking pakiwari ay may kakaiba. Kinuha ko ang isang baso na may laman na Vodka, atsaka nilagok ito. Parang may mali...




"Woi! Ganda! Hindi 'yan tubig!" Baling sa akin ni George.



Nabaling ang paningin ko sa hawak kong baso na wala ng laman, naubos ko. Anak ng! Baka mahalata ako nito eh! Itinatago ko nga ang pagkatao ko, tapos tila hindi pa ako nag-iingat ngayon.



"Hahahaha! Ganyan siguro pag baguhan sa alak," ani Rica.



Akala mo lang iyon Rica, pagdating sa inuming alak, ako rin ay mandirigma.



"Naku! Madali kang maboboom-boom niyan! Bakla ka! Kaya hinay-hinay lang, " paalala ni George na nakatitig sa akin, habang nakangiti ang mga mata. Ang puso ko— ang lakas ng kabog... Nakabibingi sa lakas, nais ko sanang tingnan ang sahig dahil baka nahulog o kumawala na ang puso ko.




Magpapatingin na nga ako dahil baka may sakit na ako sa puso. Ngunit mamaya ko na iisipin iyon ang malaking tanong ngayon ay—




Ano 'yong boom boom?




"H-huh? Anong boom boom?" Aking tanong, nais ko lang malaman kung anong kahulugan niyon.



"Ahm ano pag nalasing ka, tapos baka alam mo na! Matripan kang iuwi sa bahay o isama ka sa hotel ng isang lalaki tapos mabo-boom I mean baka mabuntis ka pagkatapos no'n," paliwanag ni George.




"Ah..." Iyon pala 'yon! Ngayon ay alam ko na.



"Ganoon, kaya hinay-hinay lang sa inom lalo na kapag wala kang kasama sa mga gantong lugar." Dagdag niya.



Iyon pala ang ibigsabihin ng boom boom sa kanila.



Mayamaya pa nag-umpisa na siyang magtanong sa akin, kung ilan taon na 'ko kung may boyfriend na ba ko, at ako? Hindi ako nagtanong ng kahit ano sa kanya. Siya na mismo ang nagsasabi sa akin ng mga bagay sa buhay niya. Nabatid ko rin na katipan niya si Ethan, akala ko naman ay kaibigan niya lang o manliligaw— iyon pala ay katipan niya.



At sa pagk-kwentuhan namin ni George ramdam ko na may mga matang nakatingin sa amin. Nagpaalam ako kay George na magc-cr lang ako sandali.



Ang lokong Ethan! Hindi na bumalik sa pwesto namin, simula nang nag cr siya. Nakatitiyak akong narito lang iyon sa bar, tinataguan si George habang namba-babae siya. Ganoon naman talaga ang mga lalaki.


Bago pa 'ko makapunta nang tuluyan sa palikuran nakita ko si Ethan na may kahalikang babae, nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. That's one of my thousands of reasons I don't want to have a boyfriend, they're f*ck*ng cheat! Behind you.



Pagpasok ko ng palikuran may apat na pinto, bukas ang tatlong pinto na magkakasunod samantalang sarado naman ang pang apat sa dulo. Pumasok ako sa ikatlong pinto, kanina ay hindi ko pa napansin ngunit ngayon ay naging malinaw na sa aking pandinig. Habang itinataas ko ang pantalon ko.



Hindi ako maaaring magkamali— ang tao sa ika apat na cubicle ay nag aassemble ng baril. Malamang may target ang taong 'to! Pero sino? Mabilis akong nag flush ng toilet, at kasabay noon ang pag hinto ng ingay na pag-aassemble ng baril.




Sino ba ang nasa kabilang cubicle?




Bakit siya huminto?




Tiyak akong hindi pa puno ng bala ang magazine niya tsk! Kung kalaban man ito, mapalad siya pagkat wala akong dalang baril ngayon.





Tinanggal ko ang locked ng cr, at dahan-dahan kong binuksan ang pinto at naaninag kong ganoon din ang kabilang cubicle. Paglabas ko ay siya rin paglabas niya at tutok ng baril sa akin—






-------



Itutuloy...







Karagdagang kaalaman:


Puod- kaharian.













-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top