Kabanata I: Ang Simula












Kabanata I: Ang Simula




---



Makulimlim ang langit at tila ba nagbabadyang bumuhos ang luha nito, luhang hahalik sa kalupaan tulad ng aking luha mula sa pagtangis. At matutuyo sa aking pisngi na walang pumapawi. Ako'y nahihiga sa isang mahabang upuan at nakatingin sa kalangitan, huwag naman sanang lumuha ka pagkat wala akong dalang pananggalang ngayon.




"Bai, tumatawag ang inyong amang Rajah."



Binasag ko na ang telepon ko noong nakaraan ah! Heto na naman ang mahilig sa babae kong ama, naupo ako at tumayo mula sa pagkakahiga atsaka kinuha ang cellphone sa sandig.



"Hindi ba't nabanggit ko na sa inyong mga sandig ng aking amang Rajah, na huwag kayong paparito lalo na't ganyan ang inyong kasuotan!"



Suot niya ang isang itim na amerikana, na hindi ko ibig makita!



"P-paumanhin, Bai"



Itinapat ko ang telepono sa aking kanang tainga.




"Hello? Tapos? Wala akong pakialam sige lang! Kung maaari lamang ako'y nasa paaralan tsk! Sinabi ko na sa inyo na huwag niyo ako gagambalain kapag ako'y nasa paaralan, at ang pang huli! Huwag niyong gamitin ang teleponong selular ng Amang Rajah!" Sabay baba ko sa tawag.




Naiinis talaga 'ko kapag kausap ko ang nakatatanda kong kapatid na babae.




Nais niyang humingi ng salapi at card ko ang kanyang gagamitin. Wala naman suliranin sa akin na manghingi sila ng pera, ang hindi ko lang naman gusto ay ginagamit nila ang telepono ng Amang Rajah. Para lamang sagutin ko sila, hindi ko maunawaan ang kapatid kong nakatatandang babae. Siya'y may pera naman, sa akin pa manghihingi.




"Itapon mo!" Utos ko sa mandirigma.



"B-Bai?"




"Ang sabi ko ay itapon mo iyang telepono."




At lumakad ako palayo sa kanya, ayoko nang mahabang paliwanagan. Naiinip ako, kapag sinabi ko, sinabi ko! Kapag inutos ko marapat na sundin agad, sapagkat kung hindi— ay ako mismo ang siyang gagawa ng aking inutos.




"Bai, hindi maaari na itapon itong telepono." Nakuha pa talagang habulin ako ng sandig na ito.




"At bakit hindi? Itapon mo iyan sapagkat utos ko!"




"Bai, hindi talaga maaari! Cellphone ko ito eh!"




Oo nga naman! Telepono niya nga naman iyon, atsaka lumakad na ako palayo.




Bakit ba narito ang mga sandig ng aking amang Rajah? Tsk! Nagkasundo na kami noon, halos itaya ko ang aking buhay upang makuha ang nais ko. Pagkatapos kong sundin lahat ng gusto niya ay magagawa ko na ang lahat ng ibigin ko. Isa na nga roon ang mag-aral ako sa isang pampublikong paaralan, at nasa usapan din namin na kapag nag-aral na ako rito ay hindi na niya ako pababantayan pa sa kanyang mga sandig.




Hindi ko gustong binabantayan ako, labing-anim na taon na 'ko, hindi na ako paslit upang bantayan pa— iyong may nagbibitbit ng bag at sisidlan ng makakain.




Nagpatuloy ako sa paglalakad, dalawang taon na ako rito sa paaralan at wala akong masyadong kakilala. Siguro nga ay hindi lang talaga ako pala kaibigan. At kung mapapansin mo rito sa pasilyo ay iba't-ibang mag-aaral ang iyong mapapansin.



Mayroong tahimik lang na naglalakad, mayroong grupo na nagtatawanan at ang karamihan na mapapansin ay may kapareha na. Ibigsabihin ay may katipan na, eh! Ako? Ako? Ako pa ba? Tiyak, Ay! WALA! Wala akong oras para sa ganyang bagay. Magmamahal na lang siguro ako ng binabae, o bakla. Kung may mapusuan man akong bakla, anak ng! Waring kaawa-awa ako nito sa aking isinasambit. Ngunit, tiyak! Ay imposible iyon, kung makikipag relasyon man ako, ay! Bakit hindi pa sa tunay na lalaki hindi ba?





"Ouch!"





Ouch!? Sandali lamang, may nabangga ba ako? Nakita ko na lang ang mga gamit na pampaganda na nagkalat sa sahig— agad akong yumuko upang pulutin ang mga iyon. Ang dami naman nito, iisipin kong isang modelo o make-up artist ang nagmamay-ari ng mga pampagandang ito.



"S-sorry girl ah, hindi ko sinasadya Dyosa lang ako nagkakamali rin," wika niya.



Katabi ko siyang nagpupulot, tiyak akong lalaki ang katabi kong nagpupulot dahil sa boses pa lang nito. Ngunit tonong babae? Na tila gay? Ewan, hindi ako tiyak.




"Ah! Hindi, kasalanan ko"




Sandali akong natigilan at animo'y tumigil din ang aking mundo nang lingunin ko siya, at ang tanging musika lang ang naririnig ko sa paligid.




The first time that I saw you, I knew you were the only one for me...🎶





—kasabay nito ang malakas na kabog ng dibdib ko.





Natulala ako






A-ang gwapo!






Gwapong—






Maganda...






Dali-dali akong nagpulot nang iba pang mga gamit niya, at ibinigay sa kanya.





"S-sorry ulit, girl."




Ang gwapo niya ngumiti.




"H-hello! Ayos ka lang ba ganda? Sorry ulit huh"




Bakit tila...



Bumalik ako sa katinuan nang ikaway-kaway niya ang kanyang kamay sa harap ko.




"A-ahm... W-wala 'yon, s-sige mauuna na 'ko." Bakit ako nautal? Anak ng! Ngayon lamang nangyari ito sa akin!.




Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, napahawak ako rito. Pakiramdam ko ang init ng mukha ko at ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko 'yong parang, nakabibingi. May hang over pa rin yata ako, tsk! Tsk! Makapunta na nga lang sa susunod kong klase.




--



Maayos akong nakaupo sa aking upuan, habang nakikinig sa matandang dalaga naming guro na inulit na lamang ang kanyang paksa ngayon. Noong nakaraang linggo, at tanda ko pa lahat iyon. At heto ako nakikipaglaban sa antok kapag mga ganitong panahon na dinadalaw ako ng antok sa gitna ng klase, ay nagiging mandirigma ako!.



Hindi ko na talaga malalabanan pa ang antok, mukhang matutulog muna ako. Hinayaan kong mamudmod ang aking mukha sa mesa, ngunit mukhang agad din napawi ang antok na nadarama ko. Nang makarinig ng mga boses.





"Andito na ang mga dyosa!"





"Hello World!"




At tila kilala kong boses...




"Hello Philippines!"




Dahilan upang mabaling ang aking paningin sa mga kapwa mag-aaral na kararating pa lamang. Hindi nga ako nagkamali, siya iyon! 'Yong gwapo kanina na nakabanggaan ko sa pasilyo, ngunit sandali lamang! Kamag-aral ko siya?




"Maupo na kayo, George! Jericho! Warren!" Utos ng guro namin sa kanila.




George? Jericho? Warren? Alin kaya roon ang kanyang ngalan? Sandali, bakit nga ba ako nagtatanong?




"Ma'am, it's Georgia not George."




Heto na naman, ang lakas ng kabog ng aking dibdib.



Halos matulala ako sa kanya, hanggang sa kanyang pag-upo ay hindi ko maialis ang aking paningin. Hindi ko alam na kamag-aral ko pala siya. Dalawang buwan na akong nasa ikaapat na baitang ng hayskul, ngunit hindi ko kilala ang aking mga kamag-aral. Ito ang napapala ng tulad kong walang hilig makipagkilala sa iba.




"Titig na titig, boss?" Maliban sa isang ito, na kilalang-kilala ko, agad kong inalis ang paningin ko sa lalaki nang magsalita si Azerine.



"Anong gusto mo? Ikaw ang titigan ko?" Aking tanong sa kanya. Napaka tsismoso talaga ng tomboy na 'to, lahat na lang ay kanyang pupunahin!



"Pffft! Sorry, boss. Pero hindi ako pumapatol sa mas lalaki pa sa'kin!"



Feelingerong tomboy! Anong akala niya ay gusto ko siya? Nawawala na yata sa sarili si Azerine, parehas kaming may dibdib! At may perlas! Ewan kung ano man ang tawag doon. Kung hindi ko lang pinagkakatiwalaan ang isang ito, tiyak ay matagal ko na siyang naibaon sa lupa.




"Parehas tayong may bundok! Ewan ko lang kung meron ka no'n Azerine, at malamang 'yong iyo hindi na perlas! baka divisoria na ang tawag diyan "




"T*ng'na, pinipili ko naman ang pinagbubuksan ko boss, hindi naman ako basta nagpapapasok secured 'to!" Aniya.




"Tumahimik ka Azerine, tss!" Napakadaldal talaga ng isang 'to.



"At correction lang boss, hindi perlas o divisoria tawag ko rito kundi JUNJUN!" Nakangiti niyang ani, akala mo naman ay mayroon siya no'n.




"Wala kang Junjun! Wala ka no'n!" Pangdidiin ko, wala naman talaga siyang junjun dahil siya'y babae!




"ANONG PINAG-UUSAPAN NIYO BINIBINING Delzado AT BINIBINING Emozencio?" Tsk! Ano ba 'yan! Nabanggit pa ang aking apelyido, naku naman!




"Ah ma'am, si JUNJUN!" Umayos ka Emozencio kung ibig mo pang mabuhay!




"Anong Junjun?" Tanong ng aming guro.




Nagtawanan ang aming kapwa mga kamag-aral, rinig na rinig ko rin ang boses ng nakabanggaan kong lalaki kanina. Nakakahiya!





"Gusto ko 'yan! Junjun!"




"Malaki ba si Junjun?"





Gusto ko na lamang maglaho na parang bula sa upuan ko, dahil sa kahihiyan. Anak ng tinapa!




"Pasilip naman!"




Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko, tsk! Naku naman nakakahiya, ayoko ng ganitong atensyon. Nakatuon pa naman ang paningin ng lahat nang aming kapwa mag-aaral.




"Ah ma'am, si Junjun po, pussy ko po!" Napatampal na lamang ako sa aking noo dahil sa kanyang itinugon.



Sa aking palagay, ay hindi tama na isagot niya iyon.



Mas lalong lumakas ang tawanan sa buong klase dahil sa sagot ni Azerine, pati ang mga kamag-aral naming mga lalaki ay tawa nang tawa. Sana ay maglaho na ako sa kinauupuan ko ngayon. Mga umalagad at kanunununuan ni Azerine kung maaari lamang, ay kunin niyo na itong inyong kaanak! Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.




"Ano ba naman 'yan Azerine! Humanda ka sa akin mamaya!" Bulong ko. Napangiwi naman siya sa aking sinabi, kahit kailan talaga itong si Azerine puro kalokohan ang kanyang nasa isipan.



"Mabait po 'yong pussy ko! Kahit itanong niyo pa po kay Delzado, Ma'am!" Turo niya sa akin.



Babanatan ko na talaga to eh, hindi ko alam kung bakit ito ay naging aking sandig.



"Ah o-opo. Ma'am, mabait po ang alaga niya at malambing," dagdag ko sa sinabi niya, ano bang kahangalan ito? Naku naman!



"Marinig ko pa kayong dalawa na nagda-daldalan! Palalabasin ko na kayo!" Singhal sa amin ni Binibining Augusta, dahilan upang makita ko na mangunot ang noo nito sa amin ni Azerine.




"Opo Ma'am Augusta, sorry po," sabay naming wika ni Azerine.




--




Mag-iisang oras na ako rito sa silid-aklatan, nang makita ko ang pangkat ng nakabanggaan ko kaninang lalaki. Bakit ba ang gwapo niya kahit naka blush on?



"Boss! Titig na titig ka naman, matunaw 'yan yari ka sa jowa ng mga 'yan," bulong niya, andito na naman si Emozencio sabay upo sa harap ko. Magpapa-aircon lang ang isang ito, hindi naman talaga siya nagbabasa kunwari lamang na may hawak siyang aklat.




"Bawal magpa aircon dito!" Bulong ko.




"Pwede, lalo na kung kasing gwapo ko!"




"Nasaan?" Aking tanong, nasaan ba ang sinasabi niyang gwapo? Minsan hindi ko maunawaan si Azerine.



"Wala! Sandali nga boss, sino ba tinititigan mo diyan?" Tanong niya sa akin. Napaka tsismoso talaga ng tomboy, pati ba naman ang sinusulyapan ko ay aalamin pa.



"Tss! Wala ka na roon, umalis ka na nga lang! Do'n ka sa mga chiks mo," ani ko sa kanya, habang nakatuon ang aking paningin sa aklat na aking binabasa.




"Ah si George..." Naibaba ko nang wala sa oras ang binabasa kong aklat, nang makita kong nakangiti ng nakakaloko ang gunggong. At agad kong ibinalik muli ang paningin sa binabasa ko.




"Huh? George?" Aking tanong, na nakatuon pa rin ang mata ko sa aklat. Nais kong malaman ang kanyang ngalan, ngunit baka tuksuhin ako ng tomboy.



"Eh sino ba kasi sa kanila? Ituro mo naman boss, bilis na! Kilala ko naman 'yang mga 'yan kaya ituro mo na sa'kin." Pangungulit nito.



Gusto kong malaman ang ngalan niya, kaya itinuro ko na kay Azerine kung sino ang sinusulyapan ko kanina pa.



" 'Yong pinakamatangkad sa kanila, matangos ang ilong, naka blush on at naka red lipstick, 'yong gwapo," bulong ko.



Gwapo at may hitsura silang tatlo ngunit 'yong nakabanggaan ko kanina, iyon ang malakas ang dating. 'Yong tipong mapapalingon ka talaga! Kung naging tunay na lalaki lamang siya, tiyak isa siya sa pinagkakaguluhan ng mga babae rito sa paaralan.




"Ah si George nga! Pero Georgia ang tawag sa kanya ng karamihan may jowa 'yan, boss. Pero sandali!" At ano ang suliranin ng isang 'to at kung makangiti... Hindi ko naiibigan.



"Boss, di mo naman sinabi sa'kin na ang tipo mo pala ay gay," nakangiti nitong ani.



Ang sirang 'to tsk! Tsk!




"Lalaki 'yan!"




"Mukha bang lalaki 'yan boss? Tingnan mo naman 'yong hitsura! Eh mas mukhang lalaki ka pa nga diyan eh! Bakla 'yan, boss! Bakla!" Aniya. Ano naman kung siya'y bakla? Hindi naman mahalaga iyon, kaya hindi niya kailangan ipamukha sa akin na bakla si George.




"Eh, ikaw? Tomboy! Tomboy! Tomboy!" Panunukso ko sa kanya bilang ganti, na ipamukha sa akin na bakla si George.




"Ah basta! Bakla siya!"






"Lalaki!"





"Bakla!"






"Lalaki!"






"Bakla!"






"Lalaki siya, dahil may Junjun siya at ikaw? WALA KA NO'N!" Bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya upang damang-dama niya ang sinasabi ko.



"Ouch! Boss! Ang sakit!" Dahan-dahan siyang kunwari na nahulog sa upuan, at nakahawak sa kanyang dibdib na akala mo ay nasasaktan.



Tumayo na 'ko pagkat ayokong madamay sa kahihiyang ginagawa niya.




Mayamaya pa ay narinig ko ang maingay na bell, iyan ang huli kong narinig bago pa tuluyan akong makalabas ng silid-aklatan.




-------



Itutuloy...










Karagdagang kaalaman:



Bai- prinsesa "Bai" ang tawag sa mga anak na Binukot ng mga Datu at Rajah.


Binukot- ay isang babaeng itinago o ikinubli at ikinulong sa isang silid na kung tawagin ay "bukot" na ang kahulugan ay "itago" o "ikubli" siya'y mananatili ng mahabang panahon sa kanyang silid. Hindi maaaring lumabas, hindi maaaring makita ng iba lalo na ng mga kalalakihan liban sa kanyang kaanak. Hindi maaaring tumapak sa lupa at hindi maaaring gumawa ng kung anuman na mabibigat na gawain.


Ang isang Binukot ay naisasalin sa kanila ang mga epiko, mga awitin, awiting bayan na ilang salinlahi na ang nagdaan. Siya'y makalalabas sa takdang panahon na kung saan ang isang Binukot ay makikipag-isang dibdib na sa isang maisog na Ginoo.







-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top