Real or Hoax???
Jv's POV
hay salamat! Natapos na rin ang lahat ng paperworks ko! sino ba naman ang mag-eexpect na magiging madali lang ang trabaho ko dito! After all, 6 students lang naman ang hinahandle ko tapos air-conditioned pa ang mga Classrooms! what more could I ask for! May bonus pay pa kami kapag natapos namin ang mga grades ng students on time! ang cool talaga!
Ipinasa ko na sa commitee ang mga grades! kinabahan talaga ako sapagkat, nakakatakot talaga ang President ng mga teachers na si Ninz Patriz Elniz. Parang masusunog ang mga mata mo kapag tinitigan mo sya tapos, pagtumingin sya sayo ay parang nilalamon nya ang kaluluwa mo! Ganyan talaga awra nya at pagnagalit sya sayo, magdasal kanalang sa mga santo kasi sasantohin ka talaga nya!
"Ma'am, heto napo ang grades na rank ko na po ang mga students at tapos ko na pong e fill up ang mga report card!" pa confidence kong sabi.
Tinignan nya isa isa ang cards at ang grades. Parabang hinahanapan nya ako ng mali at ang nakakaloka pa ay..... tumingin sya saakin pero may iba sa tingin nya... isa ba itong himala ngumiti sya! hay salamat naman talaga at wala syang nakitang mali...
(Lumipas ang 1 buwan)
Holloween na at, excited natalaga ang mga students sa aming upcoming annual Holloween Parade and Holloween homecoming. Lahat ng mga estudyante ay nagsuot ng magagara at nakakatakot na mga kasuotan. Sa event na ito Maganda sana si Snow White kung, wala lang syang saksak sa dibdib nya hahahaay nako!
Habang papunta ako sa teachers Washroom, may malansang amoy akong napansin, parang galing iyon sa leftwing males washroom. Napakabaho talaga parang may namatay na aso pusa oh dikayay tao! napasigaw ako sa takot sa nakita ko! hindi ako makapaniwala! Si Manong Bradex (janitor) nakahalay sa 3rd stall ng kubeta, walang malay at duguan! parang bago pa sya pinatay. Puno ng saksak ang mukha nya tapos kinuha pa ang mga mata nya at ang bituka nya! Parang ginawang smiley face ang mukha nya na may mga uod na naka dikit sa karne ng kanyang tyan! Dyos mio, mga erehes talaga ang gumawa nito! Tumakbo ako papuntang faculty para i sumbong ang nangyari pero parang wala lang sa kanila ang nangyari! ang mas nakakatakot pa ay, nakangiti si Pres. Ninz Patriz Elniz.
Sinubukan kong pilitin sila na totoo ang mga nakita ko pero sinabihan lang ako ni Pres. Ninz na walang nangyari at walang namatay.
hinila ko sya papuntang washroom pero pagdating namin doon, wala na ang bangkay ni Manong Bradex! Hindi ako makapaniwala na wala ang bangkay ni Manong Bradex! paano nangyari iyon! sigurado talaga ako sa nakita ko at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko kasi nakita ko sy eh, nakahalay sya sa kubeta, patay, at duguan!
"Oh, nasaan na ang sinasabi mong Manong Bradex!" Pa kalamang sabi ni Pres. Ninz
Sinabi pa nya na wala nga rawng Manong Bradex. Naloloko naba ako ano na ba ang nangyayari! Mayroon ba talagang Manong Bradex oh nag iilusyon lang ako!
Sinamahan ako ni Pres. Ninz sa clinic. Pinagpahinga muna nya ako roon sapagkat baka raw na trauma lang daw ako sa mga Horror movies na pinapanood ko. Hindi ko na talaga alam.
"Alam ko, naranasan ko narin ang nangyari sayo"
Nagulat talaga ako sa mahinanag boses na kumausap saakin. Si Nurse Yna Faith pala iyon! Akala ko talaga kung sino.
Sinabi nya saakin na naranasan na raw nya ang nangyari saakin. Ang dati raw nyang boyfriend na bumisita sa School na iyon nakita nya raw sa playground na katapat lang ng clinic, naka handusay sa slide duguan at basag ang skull. nagkalat raw ang utak nya sa ilalaim ng swing. napasigaw raw talaga sya at nagmadali syang tumakbo papunta sa faculty pero sa halip raw na tulungan ay, pinagtawanan lang. Sinamahan rin daw sya ni Pres. Ninz doon pero, nawala lang bigla ang boyfriend nya. pinaimbestigahan panga raw ang nangyari pero hindi raw nag eexist ang boyfriend nya! wala rawng taong nagngangalang Baykyan Byun na nakatira sa Dumaguete City.
Malunkot rin talaga ang nangyari kay nurse pero up untill now, hindi parin sya naniniwala na wala talagang Baykyan Byun sa Dumaguete City.
Dito nagsimula ang aking pagdududa sa paaralang ito!
Pagkatapos kong magpahinga ay lumabas na ako. Saktong sakto lang talaga na paglabas ko ay dumating narin ang mga students galing sa Holloweens parade. Binilisan kong magbihis sapagkat first time kong sumali sa ganitong event. pero hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari sa Washroom talagang hindi ko makakalimutan ang kababalaghang iyon.
Pagkatapos kong magbihis, dumiretso na kaagad ako sa gymnasium. habang papunta ako sa gym, dahan dahan kong pinunasan ang aking mata at ngumiti. nawala ang lunkot ko ng makita ko ang lahat ng mga estudyante na nakasuot ng ibat ibang holloween costume. mayroong nagsusuot ng barbie, superman, spiderman, aflatoon at marami pa!
sinimulan na ang pinakainaabangan na contest ng gabi ang Mr. and Mrs. Kababalaghan 2017. Lahat ng mga estudyante ay rumampa ng walang takot sa gitna ng entablado. Linakasan ko ang aking palakpak ng lumabas na ang aking mga students ng Section Condiments! nagulat nalang ako ng may humila saakin papunta ng stage! hindi ako nakagalaw sapagkat lahat ng camera at mga ilaw ay nakatutok saakin tapos narinig ko na inanunsyo ang pangalan ko bilang adviser ng Section Condiments! Sa halip na tumayo lang ginalingan ko ang pagrampa sa stage. Mas nabuhayan pa ang loob ko ng bigla nalang lumakas ang palakpak nila saakin. Para talagang artista ang feeling ko!
Pagkatapos ng Contest ay ipinalabas na ang Buffet of the evening. Nadoon lahat ng mga pagkaing pang 5 Star hotel! simula sa mga ordinaryong Cuisin katulad ng Kalamuangbasa, Pretoix Ixda at iba pa papunta sa Babycowribs ala king at Chicken Happy!, nandoon na lahat!
Hinanap ko ang aking mga students. Sila ay nakaupo sa table 8 pero ang pinagtataka ko lang ay bakit wala si Mary at si Allysah? Nandito lang naman sila kanina saan ba sila pumunta. Hinanap ko sila sa Cafeteria pero wala sila! naghanap ako at naghanap hanggang sa nakita ko sila malapit sa door ng Restricted area. Parang sinusundan ni Allysah Abdul si Mary at ang lalaki... naku! kailangan ko silang pigilan sa pagpasok sa restricted area!
Allysah's POV
Saan kaya sila papunta? Teka lang parang papunta ito sa restricted area! hala baka mag mo MOMOLING sila! Kailangan ko lang silang sundan! pero teka, bakit parang maydala silang malaking bag! ano ba iyan! ha baka mga TOYS???? hahahaah ang dirty ng utak ko! pero anyways kailangan ko silang sundan para malaman ang mga sikreto nilang dalawa! this is gonna be so much FUN!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top