Beyond Boundaries

Third Persons POV

Walang takot na pumasok si Mary sa Butchers Den ang area na pinaka restricted sa lahat. Sinasabi nila na restricted raw ito sapagkat gusto nila na walang mga bacteria at mga foreign particles ang makakapasok rito. pero ang hindi alam ng iba, bukod sa mga sinasabi nila,, may mas malalim pang dahilan kung bakit nila ito ginawang restricted.

habang si Mary ay naghahanap ng daanan papunta sa butchers den, hindi nya alam na may nakamasid pala sa bawat kilos nya.......

Mary's POV
Sinubukan ko na lahat ng possibleng daanan patungo sa Butchers den pero wala parin. Baka, hindi nga ako makaka pagpractice neto.
habang naglalakad ako, hindi ko namalayan na bummanga na pala ako sa isang malaking haligi. Nung una, hindi ko pa ma gaanong makita ang nakasulat pero may kutob ako na nakarating na ako..... ito na iyon ang BUTCHERS DEN.

Papasok na sana ako ng may narinig akong mga sigaw at hiyawan mula sa dinaanan ko. Hababang  papalapit ang ingay, nagsimulang mag ilawan ang mga ilaw na may tintang pula. Nagtago ako dahil baka ma-expelled ako sa eskwelahang ito dahil sa pagpasok ko sa restricted area.

Baste's POV
ako si Baste Babayro, isang anak ng Chef dito sa F Buffet. Hindi man ako nagaaral dito pero, mas marami pa akong alam kesa sa mga estudyante rito. Noong una ko palang pagyapak sa eskwelahang ito, alam ko nang may mali.

Pinapunta ako ng dad ko rito para mag-observe sa mga gawain nya. After all, sya kasi ang Head Chef ng School na ito kayat ganyan nalang syang ka demanding saakin. Pag pumupunta ako rito, nagpepretend nalang ako na na-eenjoy ako sa mga nakikita ko pero actually hindi. Nagsimula ang aking pagtataka nung may isang Chef akong nakita na nakatago sa Trash Room.

Habang akoy naglalakad papunta sa may cottage malapit sa Trash Room, May narinig akong ingay, para bang baboy na kumakain pero yung baboy na gutom na gutom. Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala na mayroon palang ganito sa eskwelahang ito! Ang Chef na assistant ni Dad ay kumakain ng Kamay ng tao.

Isa isa nyang hinigop ang mga karneng nakadikit sa buto ng bawat daliring kinakain nya tapos hinihigop pa nya ang dugo na umitim na dahil sa matagal na itong patay! Nakakadiri at Nakakatakot talaga! Tatakas na sana ako ngunit nakaapak ako ng plastic bottle.... Napalingon sya sa ingay ng plastic bottle. Muntikan na nya akong makita ngunit salamat sa Dyos at nakatago ako sa taas ng puno ng acasia. Sinubukun nya akong hanapin ngunit hindi na nya ako nakita.

2 months na ang nakalipas simula ng nagsimula akong mag-investigate. walang alam ang Dad ko sa mga baho ng eskwelahang ito sapagkat tagaluto lang sya at ibinibigay lang sa kanya ang mga ingredients. Wala na akong pakealam sa mga pwedeng mangyari saakin bastat mailigtas ko lang si Dad.

Marami akong natuklasan sa school na iyon kasama na ang kanilang pagbibili ng mga taong kinikidnap tapos ang kanilang Blood Factory na nasa pinakailalim ng eskwelahan. Habang nangongolekta ako ng ebidensya laban sa school ay may estudyanteng pumasok. Hindi ko alam kung ano ang pakay nya rito pero alam kong delikado ang kanyang mga ginagawa kayat sinundan ko sya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top