CHAPTER SEVEN

"Zero over zero is undefined, di'ba?"

Napatingin sa akin si Reese dahil sa tanong ko saka humagalpak ng tawa. Tangina neto. Nagtatanong ng maayos, eh. Kumunot ang noo ko saka siya hinambaang tutusukin ng toothpick galing sa siomai. Kapal ng mukhang tumawa.

"Zero over zero is zero. Zero over one is undefined." Pinakita niya pa sa akin ang notebook niya kung saan ito nakasulat. Punyeta kasi, eh. Nalilito ako. Hindi naman 'to kailangan kapag nagtitinda na ako ng kwek-kwek. "Ayan, hindi ka nakikinig, eh."

"Dzai, sinong magtya-tyagang makinig 'dun? Parang puyat ampochi." Nginatngat ko pa ang toothpick dahil inubos niya 'yung siomai. Share lang kasi kami 'dun.

First year sa highschool, first quarter pero parang gusto ko na mag-back out. Mabuti na lang at matalino si Reese kaya medyo nakakapagpaturo ako. Pero syempre, hindi ko sasabihin sa kanya 'yun. Hindi naman siya gold.

"Sus. Ang sabihin mo, ayaw mo lang makinig." Saad niya saka tinungga 'yung toyo. May kalamansi naman 'yun. "Pa'no ba 'yan? Pataasan tayo sa quiz mamaya?"

"Pass! Bahala ka magpataasan." Inirapan ko siya na siya namang ikinatawa niya. Nasanay na talaga siguro siya sa pagtataray ko. "Ay, may groupings mamaya sa science. Kapag bilangan, maglipat ka ng upuan, ha? Para magkagrupo tayo! Ayoko maging kagrupo 'yung iba, wala akong kinabukasan sa mga 'yun."

"Oo na." Saad niya. Ngumiti naman ako. Mabuti naman. Mabilis naman pala kausap 'to, eh. "Ayaw mo sa grupo ni Hades?"

Si Hades 'yung isa pang magaling na kaklase namin. Magaling nga, hindi naman ata binigyan ng talento sa linya ng leadership. Gusto niya, siya ang gumawa ng lahat tapos kapag tinanong kami kung anong ambag namin, syempre wala kaming masasagot! Bida-bida kasi masyado. Sarap ipatiris, eh. Magto-tropa nga ako ng fourth-year para may mantiris sa kanya.

"Naku, pass ulit. Baka hindi ako makapagtimpi 'dun." Sagot ko. Pareho kaming Carnation ni Reese. Pangalawang section sa Anthurium. Seatmate din kami kaso magkahiwalay pagdating sa Filipino. Ang layo kasi ng Aracosa sa Jaravata. "Basta. Ikaw naman ang gagawing leader, malamang. Sagot mo na ako, ah?"

"Ayan, kinaibigan mo lang ako kasi may pakinabang ka." Mukha namang hindi siya seryoso sa sinabi niya pero tinamaan ako. Inirapan ko na lang ulit siya.

"Sadboy ka na niyan? Gago, hindi bagay sa'yo."

Nagtagal pa kami ng ilang minuto 'dun bago namin mapag-isipang bumalik na sa classroom. Recess lang naman 'yun kaya hindi matagal. Binigyan lang kami ng time ma-stress sa quiz.

"Ay, oo nga pala. 'Yung tropa mong si Blake, kagrupo din natin 'yun, ah?"

Si Blake na kaklase naming medyo tahimik. Medyo magkalapit sila ni Reese kapag Filipino time na kaya hindi nakapagtatakang magiging magtropa sila. Sana siya na lang ang katabi ko kapag Filipino, hindi 'yung walang'yang July na 'yun. Kabaho-baho ng lumalabas sa bibig, punyeta.

"Bakit?" Napatigil pa siya saka ako hinarap. Inirapan ko naman siya saka pinagkrus ang mga braso ko.

"Duh! Magaling siya sa Science saka magaling din siya mag-defend ng IP. Madali lang sa kanya kapag reporting na." Tukoy ko sa Investigatory Project namin. "Pero kung hindi kaya, edi hindi." Tumawa pa ako saka nagpatuloy maglakad. Sumabay naman siya sa akin, pinaglalaruan ang ID na nakasabit sa leeg. "Basta, mas maganda kung sa'tin siya mapupunta."

Pero hindi gan'on ang nangyari. Nakakainis! Apat na grupo kami. Kagrupo ko si Reese na siyang leader namin. Ginawa ba namang leader ni Ma'am si Blake! Si Hades, Reese, Blake at Karina ang leaders. Apaka-malas.

"Okay. So, the book says that in Activity 1, you have to..." At ka-chuchuhan. Tinatamad akong makinig kasi hindi niya naman binibigyan ng buhay ang boses niya. Itatanong ko na lang kay Reese mamaya kung anong sabi. Buti pa 'yun, mas naiintindihan ko magpaliwanag. "Proceed to your group now."

"Okay, siguro naman alam niyo na 'yung gagawin, noh? May mga module naman kayo na hawak kaya iga-guide ko na lang kayo kung pa'no." Nilabas niya pa ang mga kandila at posporo. Conduction eme-eme kasi ang pinag-aaralan namin. Pasilip lang daw sabi ni Ma'am.

"Para tayong nag-o-orasyon." Hindi ko mapigilang maisatinig. Natawa naman ang mga groupmates ko pero nakatanggap lang ako ng sama ng tingin kay Reese. Ganyan 'yan eh kapag may groupings. Dapat hindi ka magjoke.

"Sayang ang segundo, Ashanti. Tumulong ka na lang." Inirapan ko na lang siya dahil sa kasungitan niya. "Ito ang kandila mo. Sindihan mo na 'yan, baka ikaw ang silaban ko."

"Ma'am si Reese po, bully!"

"Huy, hindi, Ma'am! Si Lorelei kasi..." Kita mo na, kung ano-anong pinagtatawag sa akin. Hindi niya ako madalas tawaging Lola sa loob ng klase. Kapag sinabi kong Lola na lang ang itawag sa'kin, sabi niya ayaw niya daw kasi ipinangako niya kay Papa na siya lang ang makaka-alam ng nickname ko. Duh! Alam 'yun ng mga kaklase ko sa Mindoro.

Dahil nga mabait na leader si Reese, siyempre, kailangan lahat kami may gagawin. Ako na nagpresintang maggawa ng presentation namin. Ako lang naman may maayos na sulat. Magse-secretary na lang ako ng President of the Philippines.

"Sinong magrereport? Huwag ako!" Agad kaming napatingin kay Fatima. Heh! Hindi naman talaga siya ang pagre-report-in namin. Babasahin niya lang 'yun panigurado.

"Si Jaravata."

"Luh, gago, Reese seryoso ka ba?" Napahawak ako sa dibdib ko. Naramdaman ko agad ang panginginig ng tuhod ko. Nakakatakot kayang magisa sa harap! Nakakakaba pa kapag tinitingnan ka ng guro. "Ayoko, uy! Hindi ako marunong. Baga bumagsak lang tayo. Sayang effort."

"Hayaan niyo na." Tiningnan niya pa ako ng seryoso. Alam ko na 'tong mga tingin na ganito, eh. Hindi ako pwedeng tumanggi sa kanya kapag ganito na siya kaseryoso. Sa utak ko na lang siya pinaulanan ng mura. "Ikaw ang magrereport, Ashanti."

"Oo na. Kung ano-ano na tinatawag mo sa'kin, eh. 'Wag niyo akong sisihin kapag hindi ko nasagot ng maayos 'yun, ah." Itong Reese na'to. Alam na ngang wala akong lakas ng loob sa pagsasalita sa harap. Buwiset talaga.

"Okay. Time is up! Leaders of the group, kindly approach me. Magbubunutan na lang tayo kung sino ang unang magrereport." Agad naman sa sumunod ang apat na leader. Ipinapanalangin ko na lang na sana, hindi kami ang una. Hindi din sana kami huli.

"Based on the experiment my group mates have done, we can say that steel conduct much heat than woods which is already given since steel is a metal and we all know that metal conducts much heat." Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko. Nagsasalita ako habang nakatingin sa kisame, pinaglalaruan ang ID ko at tinatapik ang paa sa sahig. Atleast nakapag-present di'ba? "That's all, thank you." Hindi ko na hinintay na paupuin ako. Heh! Bahala sila sa buhay nila!

Mabuti na lang at hindi naman gan'on kababa. Hindi kami ang pinakamataas pero atleast, hindi din kami ang pinakamababa. Okay na rin 'yun! Nairaos namin.

Mamaya talaga 'to sa'kin si Reese. Ang unfair! Ako na nga nagsulat, ako pa pinag-report! Kung akala niya, nakalimutan ko na 'yun, aba! Hindi! Bibitibitin ko 'yun hanggang sa mauna siyang mabilaukan!

"Lola, ComShop tayo! Magpapa-print ako ng assignment." Inirapan ko na lang siya saka kinuha ang bag ko. Siyempre, kailangan ko ding magprint. Nakakaumay 'yung Filipino. Buod-buod ng Ibong Adarna. Tumatawa naman siyang sumunod sa akin.

"Libre mo ako, ha? Kasalanan mo kaya sira ang araw ko." Umakbay siya sa akin. Pawisan na siya pero ang daya kasi gan'on pa din ang amoy niya. Sana all, Downy.

"Oo na."

"Sus! Pinalusot mo pa 'yung assignment, eh, makikipaglaro ka lang naman ng COD. Ako pa niloko mo. Ako Reese, ha? Magsasaing pa ako." 'Nung huling beses kasi na niyaya niya ako sa ComShop, alas sais na ba naman umuwi!

"Oo na. Tutulungan na lang kitang mag-ayos mamaya." Muli niya na namang dinikit ang sarili sa akin.

Walking distance lang naman ang layo ng ComShop sa school kaya wala ng masyadong hirap. Medyo malayo nga lang sa bahay namin pero ayos lang. Sana lang ay hindi masyadong maglaro si Reese ngayon kasi iiwan ko talaga.

Nang makapasok, agad naman siyang binati ng mga kasamahan niya. Ang ingay-ingay nila kaya napatingin sa kanila 'yung mga ibang nagc-computer. Tangina ka talaga, Reese.

Sa huli, syempre, ako na ang nagprint ng assignment namin. Siya naman magbabayad kaya ayos lang. Sasabihin ko na lang na mahirap maghanap ng buod. Hindi naman siguro masama kung pareho kami ng assignment, di'ba? Saka, pareho lang naman talaga ang buod ng Ibong Adarna, duh!

"Panis! Sharp-shooter, ata 'to!"

Napatingin ako kay Reese. Ang bilis niya magpindot sa keyboard. Sobrang lapit ng mukha niya sa computer, nakakagat pa ng labi habang hinahanap ang target niya. Napaisip tuloy ako kung saulo niya ba ang keyboard. Ang likot din ng mata niya at kung ano-anong salita ang lumalabas sa bibig. Hindi ko maintindihan. Alien language, ata.

"One game pa, Reese!"

"Pass, boy! Uuwi na ako! May gagawin pa ako sa bahay. Nice game!" Nakipag-apir pa siya sa kasama niya saka humalakhak. "Tara na, Lola. Boy! Mauna na kami! Bukas ulit."

Hindi niya na hinintay na sumagot ang lalaki at agad niya ng sinukbit ang bag niya at hinila ako palabas. Nag-abang lang kami ng sasakyan sa labas.

"Kumpleto 'to? Kasama na mga characters at roles?" Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang ini-scan 'yung printed materials.

"Oo naman. Pareho lang naman tayo ng assignment." Sabi ko saka pinagkrus ang braso at tinapik-tapik ang paa ko sa lupa, naiinip na. "Sigurado ka bang may dadaang trike dito?"

"Huh? Oo naman. Maghintay ka lang kasi. Tutulungan naman kita sa gawaing bahay mo, eh." Tumawa pa ito saka basta na lang sinuksok 'yung bondpaper sa loob ng bag niya.

"Hala, tanga, amputa. Malulukot 'yan! Akin na nga!" Inagaw ko na sa kanya saka nilagay sa portfolio ko. "Ito, bitbitin mo." Sinimangutan niya naman ako sa ngumisi at tinanggap ang portfolio.

"Ang cute mo kapag nakasimangot."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top