CHAPTER TWO
"I'm home."
Tinanggal ko na lang ang sapatos ko at umakyat na sa taas. Alam kong narinig nila ako pero wala naman silang pake. Kelan ba nagkaroon?
"Kumusta naman ang grades mo, Xia? Ayokong makarinig ng kahit anong masama d'yan sa school niyo, ha. Ayokong mapahiya." Napapikit ako dahil sa monotonong boses ni Papa.
Okay lang naman ako, Pa. Baka lang naman.
"Maayos naman ho ang grades ko and don't worry, I won't ruin your name." Pinilit kong hindi magtunog sarkastiko ang boses ko. After all, he is my father. He raised me, fed me and let me go to school. It's my responsibility to respect him.
"That's good to hear." He said. Naramdaman ko naman na 'yun na ang tamang pagkakataon para umalis. Tuloy-tuloy akong umakyat sa kwarto ko.
Pagkakita ko pa lang sa grey bed ko, parang gusto ko ng mahiga. Kaso may aaralin pa ako. Hindi dapat ako bumagsak. I can ruin his family in just a failing grade.
Nilagay ko na lang sa study table ang mga gamit ko. Mga aklat, notes at ballpen na gagamitin para sa pag-aaral.
Sanay na rin naman ako. Kapag nasa school nga lang ata ako nakakapagpahinga. Magkaiba ang buhay ko sa school at sa bahay. And I always wish na nasa school na lang ako lagi.
Lumaki akong kailangang may patunayan. I grew up with expectations. Na iniisip nilang magaling ako at hindi ako bumabagsak. Na ako si Xia. Isang matalinong bata na kahit kailan, hindi bumagsak.
Ang iba, natutuwa na kahit walang line of nine, basta walang line of seven. Ako? Parang bawal akong bumaba sa line of nine. Na bagsak na ako kapag nakakuha ng 85. Bagsak ba 'yun? Ewan ko.
Nadi-disappoint na rin ako kapag may line of eight ang grade ko. Siguro nga, maging ang sarili ko, mataas na rin ang expectation sa akin.
"Ate..."
Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ang tawag. Si Ben, bunsong kapatid ko.
"Mm?" Tanong ko rito. Pumasok naman siya sa loob bitbit ang isang bondpaper at lapis. Napabuntong hininga ako. Magpapatulong na naman siya sa akin.
"Assignment..." Tinaas niya pa ang bondpaper niya saka tumawa. Kung hindi lang ito pitong taong gulang at kung hindi ko lang ito kapatid, nasampulan ko na toh.
"Anong assignment niyo?" Tanong ko. Umupo naman toh sa lap ko saka sinabi sa akin ang gagawin.
Ako na ang nagghuhit ng pinapa-drawing niya at sinabi kong siya na lang ang magkulay. Pumayag naman siya. Nahihirapan kasi ako magkulay. Feeling ko, kakalat siya.
"Salamat!" He giggled before going out of my room. He even waved his hands cutely before closing the door.
Napabuntong hininga ako at sinimulang gawin ang mga gagawin ko. Madali lang naman siya so sa tingin ko, matatapos ko na rin siya. Mag-aaral na lang siguro ako ng mga aralin namin sa susunod.
Ang boring ng buhay ko. How I wish I could be an ordinary student who can laugh at their low grades and bad recitation. How I wish that I don't have expectations to fulfill. How I wish that I am not their daughter.
Pero alam kong unfair yun. I just can't stop to wish. I just can't stop dreaming . I just can't stop thinking if my life is different if I am not their daughter.
"Sana all maraming iniisip."
Nagulat na naman ako nang bigla na lang maupo si Lola sa harapan ko kaya natawa na naman siya. Kailan ba ako masasanay?
"Ano na namang ginagawa mo dito?" Masungit na anas ko.
"Ay hala! Reese, pinagtatabuyan na tayo ni Friend Xia. Blake oh! Ayaw niya na sa atin!" I mentally face palmed by her reaction. Napaka-childish.
"Ayaw niya na sa'yo. Dinamay mo pa kami ni Blake." Dumating naman ang tatawa-tawang si Reese kasama si Blake. Tumango lang ako sa kanya ng kumaway siya.
"Wala ka talagang kwenta." Pairap na anas ni Lola kay Reese.
"Hi, Xi! Paupo ulit kami ah? Kahit naman tumanggi ka, wala kang magagawa." Tinawanan ko na lang si Reese.
"Ay, may banat pala ako sa'yo, Reese. Kanina ko lang naalala." Nakangiting saad ni Lola.
"Ano?" Wala ka man lang kabakasan ng kaseryosohan kay Reese.
"Itlog ka ba?"
"Wala ng intro-intro. Bugok ka daw kasi." Natawa kami nang batuhin ni Reese si Blake ng bote dahil sa pagsabat nito.
"Huwag mo akong inaano, Blake. Alam ko sikreto mo. Baka mamaya malaman mo na lang, kalat na." Benelatan lang siya ni Blake.
"Ako rin naman." Nakangising sagot ni Blake kaya nagsamaan sila ng tingin.
"Ay may mga sikreto na sila. Wala na. Finish na. Uwian na." Kunwaring pagtatampo ni Lola.
"Guys talk toh." Saad ni Reese.
"Sigurado kang guys? Guys talk o gays talk?" Pang-aasar ni Lola. Mukha namang hindi naapektuhan si Reese kasi nginisian niya lang si Lola.
"Di mo sure, sis." Natawa kaming apat dahil sa sinagot ni Reese. Gay accent!
"Bagay sa'yo." Kahit nakangiti, nagawa pa ring umirap ni Lola.
Nagpatuloy lang sa pag-iingay sina Lola habang kumakain kami. Hindi na talaga nagseryoso 'tong dalawang 'to. Pati si Blake na seryoso dati, nagiging katulad nila. Hindi ko naman maiwasang mainggit. Sana katulad rin nila ako na walang iniingatang grades. Na walang iniingatang image.
"Bye, Xia! May tatapusin pa kami ng mga ito!"
Tumango na lang ako at hinanda na rin ang sarili sa pagbalik.
Funny how the family that gives you strength can exhaust you. Na ang pamilyang aasahan mong susuporta sa'yo, eh hindi naman talaga maaasahan.
Still, I am lucky for having friends like them. Tama nga sila. Family is not about blood. Family is comfort. Family is strength. Family is happiness. Family is love. Family is home.
"Quiroz, 49 over 50. Wow, Xia! You're really an excellent child." Nginitian ko na lang si Ma'am dahil sa sinabi niya. Hindi ako masaya. Parang expected ko na siya, hindi sa pagmamayabang. Kasi kailangan. Kasi dapat.
Masakit lang kasi ang iba, naa-appreciate ang scores ko. Samantalang kapag pinapakita ko sa magulang ko, wala. Parang, dapat lang na ganyan ang makuha mo dahil anak kita. Ni congrats, wala.
"Mom, look! I got a perfect score!" Pinagmayabang ko pa ang score ko kay Mommy. As a grade schooler, sobrang saya na kapag naka-perfect at maka-gain ng stars. But not for me.
"Xia, go to your room." Mahina na lang akong tumango. Bitbit ang test na pinaghirapan kong i-perfect, pumasok ako sa room ko.
I got a perfect score...
...but not a perfect family.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top