CHAPTER TWENTY-THREE

"Mm, alam niyo na ba ang chika? Syempre, hindi pa kasi wala pa namang chika."

Usual routine, nasa canteen na naman kami nang mapadaan sina Fiona, Hershey at Tiffany. Dalawa lang kami ni Lola na nasa table dahil may pinuntahan pa daw ang dalawa, inutos ng president nila. Naki-upo naman ang tatlo sa amin.

"Nag-iingay ka na naman. Hindi talaga magtigil 'yang bunganga mo." Si Lola habang tamad na kinakain 'yung turon.

"Duh! Ganda ko lang para manahimik." She flipped her hair. "Ano itong nabalitaan ko na may high honor daw dito? Makiki-sana all na ako agad."

"Girl, obvious ba? Edi si Xia na 'yarn." Pinaglaruan pa ni Tiffany ang buhok ko.

"Ha? Wala naman akong nabalitaan." Totoo naman. Hindi pa naman ata nailalabas ang grade? Hindi pa nga sila nag-a-announce na may computation na na nagaganap. "Meron na ba?"

"Charot lang, ikaw naman. Hindi ka pa nasanay? Pretty ako at the same time, funny kaya expect the unexpected dahil kapag may gusto? Nasa Lazada 'yan."

"Saka ka na mag-endorse ng Lazada kapag may pambayad ka na sa mga parcel mo. Papa mo pinagbabayad mo, eh." Tiffany rolled her eyes on her.

"Sus, yaman namin 'no! Do you know? Binigyan ako ni Tita ng ten-million dollars para lang layuan ang anak niya? Kaya tinanggap ko at binili ang anak niya! I am an alpha kid." We laughed at her joke.

"Puro ka talaga katarantaduhan, Fiona. Buti natitiis ka 'nung Harry, 'no?" Lola spoke.

"Anong sabi mo? Natitiris?"

"Natitiis, Fiona. Napagtitiyagaan. Kalmahan mo lang, beh." Hershey chuckled. "Ay nga pala, mga sissy, mauuna na kami. Sabi lang namin sa group mates namin sa magc-cr lang kami pero bumili talaga kami ng palamig."

"Bye, mamsh! Mamimiss ko kayo! Ikaw, Lola, humanda ka at titirisin kita kapag hindi na kita natiis!" Fiona glared at her but the latter just wave her hands, annoying the girl.

"Pakyu, sagad, Fiona!"

"Wala kang karapatang sabihan ako ng pakyu! Si Harry lang! Chos, charot. Let's kill this love~!"

I sighed when they finally left the canteen. Silence filled our table. I didn't bother to talk first. I mean, I had nothing to say in the first place.

"Kumusta kayo ni Blake? Buti nagtagal kayo 'no?" Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Lola nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.

"Ayos naman. Kayo ba ni Reese?" Balik na tanong na nakapagpatigil sa kanya sandali pero nadinig ko ang mahinang tawa niya.

"Ayos din naman kami. May konting aberya lang pero hindi naman gano'n kalaki ang epekto." Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Mukhang nagmamadali pa. "Siya nga pala, mauuna na ako. Kung dadating dito si Reese tapos tinanong kung nasa'n ako, sabihin mo nasa classroom na. Sige na. Babye!"

Hindi man lang ako nito hinayaang magsalita dahil agad-agad na itong umalis. Tinanaw ko lang siya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. For the countless time, I sighed.

Mukhang matatagalan pa din sina Blake sa pagbalik kaya sinimulan ko ng kumain. Iti-next ko na lang sa kanya na nauna na kami ni Lola kumain. Sinabi ko rin na pakisabi kay Reese na pinasasabi ni Lola na nasa classroom na siya.

From: Blake
Okay, baby. Take care. Sorry, I can't make it. Andami kasing pinagawa ng president, eh.

Way back to our classroom, I saw Lola. Nasa ilalim lang naman ito ng mangga. Ang sabi niya ay papasok na siya. Nakapikit lang ito habang nakakrus ang mga braso.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya para lamang makitang natutulog ito. Ano namang ginawa nito kagabi at puyat ata?

Hindi ko na siya ginising dahil mukhang kailangan niya nga ng tulog. Basta ko na lamang ito tinabihan. Marami pa namang oras para magpahinga siya. Nilabas ko na lang muna ang history book ko dahil narinig ko kanina na may quiz mamaya. Ayan na naman sila sa quiz nilang hindi matapos-tapos.

Nakakabagot magsaulo ng mga petsa at bansa kung saan naganap ang iba't ibang labanan sa World War. Kahit ata lagyan ko ng bookshelves ang utak ko, hindi sila kakasya eh.

Napagdesisyunan kong kumain ng chocolate habang nagbabasa. Sabi kasi nila, kapag kumain ka daw ng chocolate habang nagbabasa, mas madaling maretain ng utak mo ang mga informations na natatanggap niya.

Natigil ako sa pagbabasa nang gumalaw ng kaunti si Lola. Nang tingnan ko ito ay tulog pa rin siya at malalim ang kunot ng noo. Napatingin naman ako sa orasan ko. Meron pa namang sampung minuto bago mag-time. Pero hindi dapat siya malate.

"Lola..." Ginising ko na ito dahil baka malate siya sa klase niya. "Lola, malapit na mag-time. Gumising ka na." Unti-unti niya namang iminulat ang mata niya saka tumingin sa akin. Napaayos siya bigla ng sarili niya.

"Hala, a-anong oras na?" Tarantang saad niya.

"Ten minutes bago ang time." Tumayo na rin ako saka pinagpagan ang sarili. "'Wag kang masyadong magmadali, maaksidente ka pa d'yan mamaya, eh. Sige na. Mauna na ako."

"Salamat." Tumango na lang ako sa kanya.

"Sinabihan ko na rin sila na nasa classroom ka na."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hawak ko pa rin ang aklat kong nakalimutan kong itago pabalik sa bag. Nabo-bother kasi ako sa behavior ni Lola. Hindi na siya 'yung Lola na maingay. She changed. I can sense it. I can sense that there is something wrong with her. Pero hindi ko naman kayang itanong. Invasion of privacy naman 'yun. Magsasabi naman siguro siya sa amin kapag hindi niya na kaya. After all, she's our friend. We are friends.

"Good afternoon, class." Agad kaming napaayos ng upo nang pumasok na ang teacher namin. Hapon na naman. Ang isa sa pinakanakaka-antok na oras ng klase. Malas pa na nilagay din nila ang pinakanakaka-antok na subject dito.

I tried my very best to listen and understand all she stated. Pero kapag nagpo-focus ako, napapahikab na lang ako dahil sa katamaran. Tinatamad ako. Hindi naman porke magaling ka ay hindi ka na tatamarin. May mga instance talagang sobrang nakakatamad na kahit pinakamasipag na tao ay katutulugan na lamang ito.

Natapos ang klase ng, well, pwede ng sabihin na medyo masaya. Lahat kami ay nakadukduk lang sa lamesa habang hinihintay ang bagong guro. Nakinig lang ako sa music ko na hindi ko matandaang dinown-load ko pala.

[Now Playing: Love Story by Taylor Swift]

We were both young
When I first saw you
I close my eyes and the flashback starts
You're standing there,
On the balcony in summer air

See the light
See the party, the ball gown
See you made your way to the crowd
And say 'hello',
Little did I know

That you were Romeo
You are throwing pebbles
And my daddy said stay away from Juliet
And I was crying on the staircase
Begging you please don't go

Then I said,
Romeo take me somewhere we can be alone,
I'll be waiting,
All there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story, baby, just say 'yes'

Buti pa sa kanta na'to, happy ang ending. Sa ginawa kasi ni Shakespeare, hindi eh. Well, hindi ko naman siya masisisi kasi patok ng panahon na'yon ang genre'ng tragedy. Nakakalungkot lang na ang lahat ng pinagdaanan nila ay nabalewala.

Bakit kaya gan'on? May mga taong sinasabi sa atin na maging masaya tayo pero sila pa mismo ang hahadlang kapag masaya ka na kesyo nakakasama daw ito. At ang mas masama pa, kadalasan, magulang ang unang hahadlang sa ikasisiya mo. Oo, they know the best for us, pero minsan, nakakasakal na din kapag sobrang higpit.

So what kung masaktan tayo sa daang tinahak natin? Kaya nga tayo nagkaroon ng magulang para kapag nasaktan tayo, sa kanila pa rin tayo uuwi. Dahil kung patuloy sila sa pagdedesisyon para sa atin, hindi tayo matututo.

Gaya nga ng lagi kong sinasabi, we have parents to guide us, not to manipulate us. Hindi sa pagiging suwail. Syempre, kapag nakita mong wala ka namang mararating sa nakikita mong daan, better follow your parents.

So I sneak out to the garden to see you
We keep quiet 'coz we're dead if they knew
So close your eyes
Skip the sound for a little while
Ohh, ohh

Cause you were Romeo I was Scarlet letter
And my daddy said stay away from Juliet
But you were everything to me
I was begging you please don't go
Then I said,

Romeo take me somewhere we can be alone,
I'll be waiting,
All there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story, baby, just say 'yes'

Ang tagal dumating ng teacher. Mukhang nakatulog na ang iba sa amin. Ang iba naman ay naglalaro na lang kung ano-ano para lang manatiling gising. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagguhit ng kung ano-ano. Free sketching.

And I am tired of waiting,
Wondering if you would ever coming around,
My faith in you was fading
Then I met you on the outskirt of town
Then I said,

Romeo save me
I've been feeling so alone
I keep waiting for you but you never come
Is this in my head
I don't know what to think
He knelt to the ground
And pulled out a ring, then said,

'Marry me Juliet, you never had to be alone
I love you and that's all I really know
I talk to your dad, go pick out a white dress,
It's a love story, baby, just say,
Yes

Just when the song ends, the teacher entered the room. Naalarma na naman ang mga kaklase ko at agad na nagsi-ayos. Nagturo na lang din ang guro.

Maayos naman na natapos ang araw. Siyempre, nakakapagod pero wala naman akong magagawa. Hindi ko na rin nakasabay si Blake palabas sa school. Mukhang busy pa ito. Ano kayang ginagawa nila?

Pagkalabas ko ng school, nakita ko na kaagad ang sasakyan. Lalapit pa lang sana ako dito nang may magbato ng bato sa bintana nito! Dali-dali akong lumapit pero natamaan lang ako ng bato.

"Ah, shit." Napahawak ako sa ulo ko na noon ay may kaunting dugo. Nakita ko namang lumabas si Mama mula sa loob at nilapitan ako. "Anong nangyayari, Ma?"

"Sumakay ka na, Xia. Dalian mo." Hindi niya na ako hinayaan pang magsalita dahil agad ako nitong hinila. Pero tila nayanig ang mundo ko sa narinig mula sa isa sa mga nagbato.

"Dapat patalsikin ang mga Quiroz sa bayan na 'to! Pamilya ng mga corrupt!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top