CHAPTER TWENTY-FOUR
"Look what you've done, Victor! Everybody in this town is backbiting us! Ano ba kasing pinaggagawa mo?"
Nandito lang ako sa hagdanan, nakatago habang pinakikinggan ang pinag-uusapan nina Mama at Papa. Mukhang galit na galit si Mama dahil hindi niya na kayang kontrolin ang boses. Pinapasok ko muna si Ben sa loob ng kwarto niya at sinabihang manood na lang muna ng TV.
"I didn't do anything! Ang mga taong 'yan ay masyadong tanga-tanga dahil nagpapauto sa bida-bidang kapitan na 'yun!" He said while walking back and forth. He looks so stress while my mother is fuming mad at him. "Trust me."
"Naaapektuhan ang anak mo dahil sa pinaggagawa mo! Nakita mo? Binato lang naman si Xia kanina dahil sa anumalyang kinasasangkutan mo!" She hissed. Nagamot ko naman na ang sugat ko at hindi naman siya masyadong malalim. "Fix your mess or else, I have no other choice but to leave you. I will take my children with me."
Dali-dali akong tumungo sa kwarto nang makitang aakyat na si Mama. Baka mamaya, pagalitan pa ako kapag nakita niya akong pinakikinggan ang usapan nila.
Parang hindi man lang ako nagulat sa pangyayaring 'yun. I'm referring to the case my father is facing. Masama ba akong anak kapag sinabi kong naniniwala ako sa mga taong nagsasabing corrupt siya? I don't know. I can't deny the fact that I believe them and I can't believe myself for believing them and leaving my father behind.
Napasandal ako sa paanan ng higaan ko at tumingin sa kisame, iniisip ang mangyayari bukas. What if paglabas ko, bigla na naman akong batuhin? What if may nag-aabang lang d'yan sa labas ng bahay namin at hinihintay na lumabas ang isa sa amin para salakayin? Gosh, I can't help but to overthink. Overthinking can't do anything, Xia. It will make things worst. I tried to calm myself.
Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko kaya kinuha ko ito. Blake messaged me. Alam niya na kaya? I shake my head, stopping myself from overthinking things again. With my trembling hands and rapid heartbeat, I picked up the phone. Hindi ko nga alam kung bakit kinakabahan ako eh.
From: Blake
I'll call you.
Saktong pagkabasa ko ng text ay lumabas sa screen ko ang number niya. I hesitated to answer the phone because I don't know what he's going to tell me. Is it about my dad? Is he mad at me? Bakit naman siya magagalit sa akin? Hindi naman ako si Papa, ah. Hanggang sa matapos ang tawag, hindi ko pa rin ito, sinasagot.
From: Blake
Answer the phone, Xia.
Xia.
I bite my lower lip when he called again. This time, I answered it, but I didn't talk. I heard him sighed in relief. Ilang segundo pa kaming tahimik bago siya nagsalita.
"I heard the news..." He started. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay nilalamig na ako.
"O-Oh?" My voice is shaking, I can hear that. He sighed again.
"Baby, are you alright? Do you want me there? I can go there if you want." My tears automatically fell down when I heard his worried voice. Akala ko galit siya. "Hey, are you crying? Don't cry, please. I know your father is innocent. He can prove that. You and your family can make it. I'm here for you, okay?"
Nakakatawa. Nakakatawang isipin na siya, na hindi naman anak, iniisip na inosente ang ama ko samantalang ako na anak mismo, hindi ko magawang maniwala na inosente siya.
"I'll go there----,"
"'Wag na, Blake." I sniffed. Pinunasan ko muna ang luha ko. "B-Bukas na lang tayo mag-usap." I sighed heavily.
"You sure you're okay?" I nod, as if he would see me. "I'll go to your classroom tomorrow, hmm?"
"I-Ikaw bahala." I said and ended up the call immediately.
Humiga na ako sa higaan ko. Parang ayaw ko na lang pumasok bukas sa school. Nakakatakot.
But I know I have no other choice. I have to. I need to. Mas magiging tahimik ang pag-iisip ko sa school kesa sa bahay. My phone beeped, meaning someone texted me.
From: Fiona
luv u, girl
I smiled. I didn't know what was she thinking when she send that. I still replied, though.
From: Blake
I love you, babe. Everything will be alright soon.
Yes. I need to go to school. I need someone right now. It's more peaceful there.
Or, that was what I thought?
"Si Xia."
"'Yan di'ba 'yung anak ni Mayor? 'Yung corrupt?"
"Oo. Kaya pala ang tataas ng grade. Siguro binabayaran ng papa niya. Akala mo talaga matalino."
"Baka nga. Iba na talaga mga tao ngayon. Eww."
I gulped. Lahat ng atensiyon ay nasa akin. Kung dati, puro bati ang naririnig ko, ngayon naman ay puro panlalait. Sabi ko na nga ba, eh. Kahit saan, pag-uusapan 'yung issue ni Papa.
"Hoy, Xia! 'Yung Papa mo, corrupt!" Narinig ko ang tawanan ng mga tao na nasa pasilyo dahil sa sinabi ng isang lalaki. Imbes na lumaban, mas pinili kong yumuko na lang. Hindi ko naman alam na may mababangga ako dahil sa pagyuko ko kaya natulak niya ako.
"Ohhh!"
"Dapat lang sa kanya 'yan."
"Basura nga naman, sa lupa talaga makikita."
Just when I am about to stand up, someone poured a cold water on me. Napapikit ako at huminga na lang ng malalim, hindi pa rin sila nilalabanan. Kapag lumaban ako, lalala lang ang lahat.
"Sabihin mo nga, Xia. Kaya ba mataas ang grades mo dahil binibili mo ito?"
Kanina, iniinsulto ang pamilya namin, ngayon naman, pinagdududahan ang kakayahan ko. Hindi ko naman alam na ganito ang magiging epekto ng ginagawa ni Papa. Pakiramdam ko, mag-isa lang ako habang pinagtatawanan ng mga tao na nasa paligid ko. Anak ng corrupt. Feeling matalino. Binibili ang grades. Bobo. Tinanggap ko lahat ng salitang 'yun. Tinanggap ko at hindi ko man lang masampal sa kanila pabalik.
"Hoy! Hoy! Ano 'yan? Xia!" Napaangat ang tingin ko sa humawak sa braso ko at itinayo ako. Si Fiona. Pinagpagan pa ako nito.
"Oh, sino naman 'to? Binili mo rin ba 'to, Xia?" Another laugh filled the pathway. Maging si Fiona ay tumawa din pero ang tawa niya ang pinakamalakas.
"Bobo kang babae ka! Hindi ako for sale at hindi ako affordable! At si Xia? Bibilhin ako? Wala namang mapapala sa akin 'yan eh! Ganda lang ang meron ako! Meron din siya 'nun! At ikaw? Wala ka 'non! Hindi mo afford! Alam mo kung anong meron ka? Kati! Hindot ka!" She shouted. Sinubukan ko siya awatin pero mukhang galit na ito.
"Bakit ba nakikisali ka? Pinagtatanggol mo pa 'yang anak ng corrupt na 'yan?" The girl still fight.
"Kaibigan ko 'to, utak mo nasa'n? Atsaka, anong anak ng corrupt? Napatunayan na ba? Ha? Utak singkamas ka kasi eh." Inambaan niya pa ito na siya namang nakapagpatili sa babae. "Pwe! Wala pa man, tumitili na kaagad! Kambing!"
"Fiona, tara na." Hinila ko na siya at buti na lang, nagpahila na siya. I can't stop my tears from bursting. Maging si Fiona, affected na sa nangyayari sa pamilya ko.
"Ayos ka lang ba---ay pucha? Bakit basa ka? Sandali nga't bubuhusan ko lang ng tubig 'yung kambing na 'yun." Sinubukan niya pang bumalik doon pero pinigilan ko na siya.
"Lalala lang. Hayaan mo na sila. M-May pamalit naman ako, eh." I said. Kinalma ko muna ang sarili ko.
"Sabihin mo lang kung binalikan ka pa 'nung mga 'yun, ha? One call away lang sa akin ang katropa, babangasan namin 'yun." She said arrogantly. "Nasa'n na ba 'yang si Blake na 'yan, ha? Putangina siya."
Ako na ang kumalma sa kanya dahil mukhang ayaw talaga tumigil. Panay pa rin ang salita niya pero kumakalma na rin naman kahit papaano.
"Ihahatid na kita sa klase mo. Ako bahala kapag may bichesang sumugod na naman sa'yo. Hindi dapat inaaway ang magagandang tulad natin 'no? Kapal naman ng libag nila sa pepe." I still manage to laugh at her joke.
Tama nga siya. May mga nagtatangkang awayin na naman ako pero hindi niya hinahayaang makalapit. Funny how an image can be easily damage in just one mistake. Worst is, it's not even my mistake yet my whole image was ruined. Hindi ko rin maiwasang magduda sa kakayahan ko. Binabayaran nga ba talaga ni Papa ang school para tumaas ang grades ko at magkaroon siya ng magandang image? Para masabing magaling ang anak niya?
"Oh, lalim ng iniisip mo, ah. 'Wag mong sabihin na nagpapaniwala ka sa mga shining-fuckers na 'yun? 'Yung ano daw? Binabayaran---sus! Kung nakita lang nila kung ga'no ka kagaling, baka sila pa sumuka sa pinagsasabi nila." Kinawit niya pa ang braso niya sa akin. "Kahit anong mangyari, kahit anong sabihin nila, 'wag mo silang pakinggan. Nand'yan ka dahil deserve mo. Naabot mo 'yan kasi ginalingan mo. Nakaya mo kasi magaling ka. Nandito ka kasi maganda ako. Echos."
Hinatid niya nga ako hanggang sa classroom. Natahimik naman ang buong silid nang pumasok ako, malamang ay hindi rin alam kung paano ako ia-approach.
"Huy, kayo, Section Beryl, ha? Kapag may nabalitaan akong nang-aaway sa anak kong 'to, irereport ko kayo. Mas mataas section ko sa inyo, baka lang. Kaya sa mga magtatangkang umaway kay Xia d'yan? One versus one na lang sa ML, ano? Legend na ako, three stars!" Dinuro-duro niya pa ang mga kaklase kong wala namang ginagawa. "Hmm? Naku! Antik lang ang walang bilbil."
Tahimik akong umupo sa upuan ko. Ang awkward pala. Ang bilis lang kumalat ng rumors. Wala rin namang nagtangkang buksan ang topic about d'on kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
The morning class doesn't go the way I expected. Hindi na ako nagrerecite. I mean, hindi na ako nakapagsalita buong klase. Wala akong gana. At nahihiya ako. Hindi na nga ako lumabas para magrecess kasi baka mamaya, kung ano na naman ang marinig ko. This is the thing that I am not ready---bullying. I never thought that I will be a victim of this. I didn't do anything bad and I tried all my best just to be good at everyone, but look, it still happens.
Talaga namang hindi sapat na mabait ka lang para hindi ka ma-bully. Hindi porke wala kang ginawang masama, exempted ka na. Anyone can be a victim of bullying, no matter how good you treated them.
"Xia..."
Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Mag-isa na lang ako ngayon sa classroom since sa labas kumakain ang mga kaklase ko. It was Blake who called me.
"Hindi ka lumabas." He said and sit at the chair just in front of me. "Bakit mo ginugutom ang sarili mo?" He asked in concern voice. I just smiled at him.
"Wala akong gana." I lazily said. "Ikaw? Kumain ka na." Kinuha niya naman ang kamay ko at pinaglaruan 'yun.
"Dito na lang ako kakain. Sabay na tayo." He flashed a smile before opening the food he bought. "I heard what happened to you earlier. I reported the girl who poured water to you and also those who humiliate you. I'm sorry, I'm not there." He sighed.
"Ha? Bakit mo nireport? Sana hinayaan mo na lang." I looked at his eyes. Irritation passes through it.
"They can't do that to anyone, Xia. Especially you. No one deserves public humiliation. They deserve that." I sighed in defeat. "I also thank Fiona for helping you. I wanted to treat her snack but her boyfriend didn't let me." He chuckled.
After that, we started to consume the food he brought. We just ate silently, only the sound of ceiling fan can be heard. It's the silence that is not awkward. We are both in a deep thought, I guess.
"Xia?" I looked at him as he patted my head. "I want you to know that you can have me when you need me. Don't put all the things by yourself. You have me, you have your friends. You have us so hold on tight, we can make it until the end."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top