"Xia, bestfriend kong nerd, paano ba kasi ito?"
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil kanina pa hindi nagegets ni Lola ang tinuturo ko. Si Fiona naman ay nakatingin lang sa kamiserablihan niya, tumatawa pa. Habang ako? Paulit-ulit na ineexplain ang mga bagay na hindi niya maintindihan.
"Hirap 'no?" Mababasa sa boses ang pang-uuyam. "Buti pa ako, may kokopyahan." Tumawa pa siya.
"Sige lang. Bagsak sana kayo both." Umirap lang si Lola sa kanya at nagpatuloy sa pag-aaral. May test daw kasi sila. Pareho pa sila ni Fiona'ng meron. Meron din naman ako kaso exempted kasi may nasagot akong tanong.
Mayamaya'y nag-aral na lang rin si Fiona. Wala daw kasi siyang tiwala sa kokopyahan niya. Wala naman daw siyang balak mangolelat.
"Hala, putangina, ganyan lang pala 'yan?" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Lola. Ngingiti-ngiti pa siya na akala mo naman ay naka-achieve ng isang pangarap. "Panis, behlat, Fiona."
"Getsness ko din, Lola. Behlat ka din." Nagpagalingan lang sila kesyo si Lola daw ang unang makagets. Si Fiona naman, sabi niya kaya daw nagets ni Lola kasi nagpaturo, siya hindi. Ewan ko, para lang silang bata. Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Bakit sa kanila ang big deal kapag nakukuha nila ang sagot? Sa akin kasi, parang na-normalize ko na siya. Hindi ako masaya kapag nakukuha ko ang tamang sagot kasi dapat naman na makuha ko 'yon.
"Tigilan niyo na nga 'yang kakaaway niyo. Para kayong bata." Napatingin ako kay Reese nang dumating ito. Pinitik niya pa ang noo nila Fiona at Lola. "Si Xia na lang ba ang matino sa inyong tatlo?"
"Matino kaya ako!"
"Hoy, sinong nagsabing hindi ako matino?"
Reese just scoffed with there reaction. He fixed his hair and his bag before sitting next to Lola.
"Ay, wow! Si Lola magtitino na. Nag-aaral na ng mabuti." Unang ambag mula kay Reese.
"Bobo." Hinawi lang ni Lola ang kamay ni Reese nang akma nitong kukunin ang aklat niya. "Huwag mong hawakan! Malas ka pa naman."
"Tinitingnan lang kung tama." Depensa ni Reese at muling sumubok na kuhanin.
"Tama 'yan. Chineck na ni Xia." Nakapanood lang ako sa kanila na mag-agawan. Ganon din naman si Fiona, kaso siya, nakangisi na animong ineenjoy ang view.
"Siya nga pala Reese, nasa'n si Blake?" Tanong ko nang mapansing wala siya. Napatingin naman ito sa akin.
"Ah, nando'n kasama ni Vina. Ewan. Kakain daw sila ba 'yun? Ewan. Wala naman akong pake sa gunggong na 'yun." Tawa niya saka binitawan ang aklat dahilan ng pagkahulog ni Lola.
"Aray ko, pakshet." Reklamo niya. Tumawa ulit si Reese at pinanood bumangon si Lola. "'Wag kang lumapit sa akin please, at masasapak kita."
"Bakit mo nga pala hinahanap si Blake, Xi?" Tanong ni Reese at hindi na lang pinansin si Lola. Tinulungan niya rin namang makabangon kanina. "Miss mo 'no?" Nakangisi na siya.
"Hindi. May itatanong lang ako sa kanya. Though, hindi naman siya importante." Depensa ko nang makita ang pang-aasar sa tingin niya. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pakikipag-asaran kay Lola, hindi nawala ang ngisi.
"Oh, Blake. Hinahanap ka ni Xia. May itatanong daw." Napatingin ako sa tiningnan ni Lola pero wala naman akong nakitang Blake. "Hindi naman halatang hinihintay mo nga, 'no?"
"May itatanong nga kasi siya, ano ba kayo." Tatlo na silang nakangisi sa akin ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng pagkapahiya kasi masyadong obvious na hinahanap ko ang presensya niya.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Wala nga lang akong maintindihan sa binabasa ko kasi ang ingay nilang tatlo. Naglalaro sila ng SOS. SOS ba 'yun? Basta may graphic paper silang kinuha sa gamit ko at naglaro sila.
"Puta, ang daya ni Risa. Ayoko na. Baka makasapak lang ako." Apila ni Lola na nakakunot ang noo.
"Kaya nga, Reese. Ang duga mo masyado. Wala namang nakalagay na S d'yan tapos natuhog mo? SOS ang laro hindi OSO." Ganon din ang reaksiyon ni Fiona.
"Nahiya naman ako sa SSS mo, Lala. Pati na rin sa SOO mo, Fionalyn." Sagot ni Reese at nagcross-arm.
"Aba! Nangmumurder ka ng bonggacious kong name, ha, Risa Honteveros?" Natawa na lang ako sa kanila. Kung anu-anong pampalipas oras pa ang ginawa nila. Pati piso, pinagtripan nila sa Toss Coin.
"Tao, ibon?" Tanong ni Lola na may hawak na barya. "Kapag nanalo, may limang piso galing kay Reese. Kapag umangal si Reese, dagdag sampu. Game?"
"Game!" Sagot agad ni Fiona para hindi na maka-angal si Reese. Ngumisi lang si Lola sa kanya. "Tao. Ikaw, Xiabells?"
"Head." Sagot ko. Inirapan naman nila ako kaya natawa ako. "Fine. Tao."
"Sige, akin tao din." Sabi naman ni Lola.
"Kapag ibon ang lumabas, magbabayad kayo sa akin ng tiglilima. Ang komontra magbabayad ng sampung piso." Hindi na lang kami umangal sa kanya. Laro lang naman.
Tinoss na ni Lola ang barya. Hinintay na lang namin na bumagsak ito. Napatakip pa sa mata nila na animong takot sa resulta.
Ilang sandali pa ang nakakadaan pero hindi pa din bumabagsak ang barya kaya napatingin kami rito.
"Ah, pakshet ka, Blake."
"Anak 'to ni Shiela eh. Epal."
"Puta, naghintay ako sa wala."
Sunod-sunod na reklamo ang natanggap ni Blake sa tatlo. I sighed. In fairness, kinabahan din ako sa resulta kahit limang piso lang ang bet.
Tumawa lang si Blake at muling ni-toss ang coin. Tumabi pa siya sa akin. Sakto't panglimahan ang upuan. So, magkaharap kami ni Lola, si Blake at Reese. Si Fiona naman, nasa tabi namin ni Lola.
"Hey." He greeted. Tumango lang ako saka muling nakipagkulitan kila Fiona.
"Kapag may nanggulo pa talaga, ipapabaril ko kay Balthazar, makita niyo." Hindi ko man kilala ang tinutukoy ni Fiona, nakitawa na lang ako kay Lola na mukhang alam ang tinutukoy.
"Kaya nga. Isa pa talaga Blake, may meet and greet ka kay Aster and Agatha." Nag-apir pa sila sa ideyang sila lang ang nakakaintindi. Buti na lang hindi ako mag-isang hindi nakagets.
Muli niyang ni-toss ang coin. This time, hindi na naki-epal si Blake. Nanonood na lang siya.
"Tao!"
"Yass!!"
"Yeey!"
Maging ako ay napasigaw nang manalo kami laban kay Reese. Napatingin kami kay Reese nang umatras ito.
"Lola, hulihin mo 'yon! Dali! Ako na kukuha ng barya." Agad namang humabol si Lola at hinawakan ang damit ni Reese. Sumunod naman si Fiona. Nang mahuli na nila, kinapkapan na ni Fiona ang mga bulsa ni Reese.
"At dahil nga nagtangka kang tumakas, tigsasampu kami, ah? Ha?" Si Fiona habang patuloy pa rin sa pagkapkap. Mayamaya'y nakuha niya ang isang pitaka. "'Uy, singkwenta. Ayos na 'to." Saka niya binalik ang wallet.
"Kay Xia sampu lang ang ibigay. Hindi naman umambag." Umirap pa si Lola sa akin kaya natawa ako.
"Mga bully! Isusumbong ko kayo sa Principal." Parang bata na sabi ni Reese saka kinuha ang wallet na may laman pa naman.
"Samahan pa kita."
"Two."
"Three." Natatawang saad ko.
Sumimangot lang siya sa amin saka umupo sa upuan niya at hindi humarap sa amin. Tinawanan lang namin siya at bumalik na rin sa pagkakaupo. Binangga-bangga pa ni Lola si Reese pero hindi ito sumagot.
"Gaga, tigilan mo nga ako." Saad ni Lola saka tinulak si Reese. Napaka-bully talaga ni Lola. Nadagdagan pa ni Fiona. Para silang magkakapatid tatlo, eh.
"Kumain ka na?" Mayamaya'y tanong ng katabi ko.
"Oo. Kasabay nila." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Napatingin ako sa relo ko.
SHIT??!!!
8 minutes na lang, dadating na 'yung teacher namin. May reporting pa naman kami. Madami pang tao sa covered court kasi hindi naman sila nagmamadali.
"Xi------,"
"Guys, uh...mauna na ako. May reporting pa kasi kami eh. Malayo pa 'yung room ko. Bye! See you!" Saad ko at nagmadaling tumayo. Hindi ko na hinintay ang sagot nila pero narinig ko pa ang pagsabi ni Fiona ng 'ingat'.
I can't help but to look back. There, I saw him, staring at me. Nawe-weirduhan siguro siya kung bakit bigla na lang akong umalis nung dumating siya. Tapos hindi ko pa siya kinausap. I mean, sumagot ako pero ang tipid. Sino ba namang hindi nawe-weirduhan 'dun di'ba?
Guilt creeps inside of me. He didn't even do anything but I acted like that in front of him.
Para mabawasan ang guilt ko, ngumiti at kumaway ako sa kanya. Nagbago naman ang itsura niya saka kumaway din sa akin. Pagkatalikod ko, saka ako napabuntong-hininga.
This is bad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top