CHAPTER THREE

"Xia, may hindi ka daw nasagot na tanong kanina. Anong nangyari?"

Napabuntong hininga ako saka binaba ang lapis ko. Wow. Pati ba naman isang tanong na hindi ko nasagot, reported? Sino namang hudas ang nagreport?

"Mahirap lang talaga 'yung tanong, Pa. Wala ngang nakasagot sa amin." I tried to defend myself. But of course, he won't buy it.

"Walang mahirap kung ginawa mo ang lahat para masagot mo. Nung kabataan ko, walang tanong na hindi ko nasasagot. Dapat tumulad ka sa akin." Saad niya. Nagbaba lang ako ng tingin saka tumango.

Bakit ba gusto niya na tumulad ako sa kanya? Don't he believe that I can create a name without copying anyone? Hindi ba siya naniniwalang kaya kong magtagumpay bilang ako?

"Sorry po. I'll do better next time." Paghingi ko ng tawad.

"Don't be better. Be the best! You can be the best. You should be the best." Saad niya saka lumabas ng kwarto ko.

Be the best...

Great! I should be the best. I am not a disappointment. I am the ace of the family. I should stand high. I should do best because I am the pride of them.

Hindi ko na lang masyadong inisip 'yung sinabi ni Papa. Baka nga. Baka nga nagkulang ako. Baka hindi talaga sapat. When will be?

Tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Nagdo-drawing ako. Actually, hindi naman nila alam na may talent ako sa pagpaint. Gusto kasi nila, nagfocus ako sa pag-aaral. Hindi ko na rin naman na-pursue at ginagawa ko na lang siyang pampalipas oras. My theme is always a happy family. Not because it is easy but because...this is what I really want. The thing I really desire. The thing I am thirsty.

"You know, Xia, you have a talent in painting. Why don't you join an Art Competition? Surely, you'll win." I remembered my teacher said that when I was in grade six.

That was the first time someone appreciated me and my works. But I am afraid. Afraid of their reaction. Afraid of what they will say. Afraid of failure. Afraid of disappoinment.

So, I refuse. I didn't join even I wanted to. I refuse the thing I am passionate with. I refuse to do things that can make me happy. And I started to do things to make them happy.

It is really hard to live with expectations! I hate it. I don't want to be Quiroz now. I just want to live freely. I wish I can.

"Kumusta kayo nung nireto ko?" Nakangising tanong ko kay Hershey nang maupo siya sa harap ko.

"Okay naman. G-Boy ang tawag ko sa kanya. Kapag niyaya, G! Ewan ko sa hayop na yun." Natawa lang ako sa inasta niya. "Hindi nga KJ, boring naman..." She murmured. Nag-usap pa kami saglit saka siya nagpaalam na aalis.

"Hi mga ka-buddy! Hello, hello! Hi, hi, h-----!" Napatingin ako sa nag-iingay na si Lola. Naputol lang naman ang pag-iingay niya ng saksakan ni Reese ng sandwich.

"Umagang kay ingay." Umiling pa si Reese.

"Parker mor?" Umirap pa si Lola saka umupo sa tabi ko. Nasa harap naman namin si Blake at Reese.

"Kumain ka na lang. Bayaran mo 'yang kinain mo na 'yan ah." Natawa ako nang ngumuso si Lola, nagpapaawa.

"Sis, napakadamot. Para sandwich lang." Pagmamaktol ni Lola. Nanatili namang seryoso si Reese. "Dali na kasi! Parang kinse lang eh." Umirap pa siya kaya natawa si Reese.

"Sige. Ipapakita ko na lang sa'yo mamaya 'yung listahan mo." Lola just mocked his statement.

"Oo na. Napakadamot mo. Hindi sana masarap ulam mo mamayang gabi."

"Hindi naman kita hahatidan."

"Dapat sobrang sarap ng ulam mo!" Bawi agad ni Lola. I shook my head, naiingayan na. Pero ayos lang. Masaya naman silang kasama.

"You want some?" Napabaling ako kay Blake. He is offering me a bacon. Napabagal tuloy ang pagnguya ko, iniisip ko kung tatanggapin ko ba or hindi. Pero sa huli, tinanggap ko na lang. Nakakahiya naman kasi.

"Thanks. Uhmm...y-you can g-get here...if y-you want?" Naiilang na anas ko. Syempre dapat may ibigay din ako. He just smiled at me and really get from my lunchbox!

"Sure. Thanks." Nginitian ko na lang siya pabalik.

"Hah!" I looked at Reese and Lola when they both scoffed. Nahiya naman ako dahil nanghuhusga ang tingin nila.

"Bakit may bigayan ng pagkain d'yan? Hindi man lang kami nasali sa pa-donation ni Mayor." Nakataas ang kilay na sabi ni Lola.

"If you want, then...here." Inabot ko pa sa kanya yung lunchbox ko. Hindi ko rin naman ata mauubos.

"Weh? Sure na 'yan ah?!" She did not wait for my response and get what she wants.

"Bud, may pa-bacon ka pala. Hindi man lang ako naambunan." Nakangising anas ni Reese. Blake tsked and give Reese one.

Ang magbestfriend talaga na ito. Napailing na lang ako. Hindi ko nga alam kung paano ko sila naging kaibigan. Basta ang alam ko, kaibigan ko na lang sila. And then biglang sumali si Blake na kaibigan pala ni Reese.

"'Nga pala, sis. Magpapaturo sana ako sa'yo. English lang naman siya, girl. Grammar-grammar. You know naman na hindi ako great sa pag-speak ng english." Daldal ni Lola. Napaisip naman ako saka siya tinanguan.

"Mm. Kailan ba?" Tanong ko.

"Yass! Mamaya siguro or bukas. Bukas na lang pala since maaga ako uuwi mamaya. Bukas." Ngumiti pa siya ng pagkalapad-lapad.

"Bakit sa akin ka pa magpapaturo eh pwede namang d'yan sa bestfriend mo?" Nagtatakang tanong ko. Ang alam ko naman is magaling si Reese sa klase. Bagulan lang.

"D'yan? Girl, ayos ka lang? Dinaig pa ako niyan sa katangahan eh." Natatawang saad niya. Natawa rin naman ako.

Napatingin ako kina Blake na nakikipag-asaran kay Reese. Si Reese ay ngingisi-ngisi habang si Blake naman, masama ang tingin, napipikon na ata.

"Hey." I tried to get their attention. "What are you guys talking about?" I raised my brow on them.

"Si Blake kas---"

"Nothing. He's just stating some fuck shits because he is dumb-ass." Walang pake na saad ni Blake. Natawa naman si Reese. 'Yung tawa na maaasar ka talaga.

"Hayaan mo na 'yang mga 'yan. Usapang pang mga tanga lang 'yan. Hindi naman tayo tanga, eh." Saad ni Lola.

"Hindi ito usapang pang tanga, Lala. Ito ang usapan ng mga guwapo." Mahangin na saad ni Reese kaya sabay kaming napangiwi ni Lola sa kanya.

"Libre mangarap." Matabang na saad ni Lola. "At pwede ba? 'Wag mo akong tawaging Lala. Engot ka." Apila niya pa.

"Bakit? Ako ang gumawa ng nickname na 'yun kaya may karapatan akong tawagin kang Lala. Atsaka isa pa, guwapo naman talaga ako. Minsan nga, iniisip kong kinaibigan mo lang ako para may kaibigan kang guwapo." Pagyayabang ni Reese.

"Ah, talaga?" Pambabara ni Lola. "Sana all." Benelatan niya lang si Reese na ngayon ay nakanguso, hindi nagustuhan ang hindi pagpayag ni Lola.

"Ang dami ngang may gusto sa akin, eh." Hindi pa din nagpatalo si Reese.

"Daming gustong manakit, noh?" Nakangisi pang tumango ng nang-aasar si Lola. "Count me in, beh."

"Lala Laitera!" Pang-aasar ni Reese na halata namang pikon na. "Akala mo ililibre pa kita, ah."

"I love you, bestfriend! 'Uy, kaguwapo naman niyan. Mine na lang sa may gusto!" Mahina na lang akong napatawa sa biglang pagbawi ni Lola. Basta libre talaga eh.

Kumain na lang rin kami pagkatapos. Hindi talaga makokompleto ang tanghalian namin kapag hindi nakakapagdaldalan ang dalawang ito. Kailangan laging may pag-aawayan.

"Babye na, Xiabells. See yah tomorrow! Turuan mo pa ako sa english. Risa, tara na! Blik! 'Uy! Punyemas." Tinawag niya pa ang dalawang busy sa pag-uusap. Mukhang seryoso ang usapan nila.

Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Blake at ang mahinang pagtawa ni Reese. Blake pursed his lips as if he is thinking deeply. But at last, he still nod.

"We'll go first, Xi. Take care." Tumango na lang ako kay Blake. Kumaway din sa akin si Reese and he even playfully winked at me.

Niligpit ko na lang rin ang gamit ko atsaka tinahak ang daan papuntang room. It is almost 1 pm so I bet, any minute now, the bell will ring so I had to rush. I don't want to be late!

Thankfully, I am not late. I am not late but the teacher was. He is late for a minute. I just arrived a minute before him so I guess I was lucky.

Afternoon is boring as fuck. It drains my mind and tire my eyes. I felt sleepy. But I know I can't. I should not.

"Goodbye, class." Finally! The afternoon class finally ended. How great.

Inayos ko na lang muna ang buhok ko pati na rin ang salamin ko. Na-stress ata ako sa panghapon klase. After fixing my hair, I put my earpods and leave the room.

Minsan nahihirapan na rin akong magdecide. Nakakapagod sa school, nakakapagod na rin sa bahay. I feel like everywhere I go will tire me.

Umupo muna ako sa isang upuan sa ilalim ng punong mangga dahil ayoko pang umuwi. Gustuhin ko mang magtagal rito kaso pagagalitan na naman ako pag-uwi ko.

Sigh.

"Hi, Xi!" Napaigtad ako nang bigla na lamang umupo sa tabi ko si Blake. Natawa pa siya sa naging reaksyon ko. "You seemed shock to see me. Are you thinking of something? Did...I... bother you?"

"No. Sino ba naman kasing hindi magugulat diba?" Sagot ko.

"I saw your driver outside. Aren't you still going home?" Tanong niya.

"Pauwi na ako. Nagpahinga lang ako dito. How about you? Aren't you still going home?" I asked back.

"I am supposed to but I saw you here. May...May gusto lang sana akong hinging...hingiing request? If it's fine with you, of course." He laughed nervously.

"Anything legal." I cleared making him chuckle a bit. "What is it?" I smiled at him.

"So...there's this girl I like. Can you help me with her?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top