CHAPTER THIRTEEN
"We go to park and then we played in the arcades on mall. We also eat together in some restaurants. It was cool."
Tango na lang ang naisagot ko kay Blake nang magkwento ito sa kaganapan sa 'date' daw nila ni Vina. Kanina pa siya nagkukwento. Sumama lang ata siya sa akin sa library para magkwento tungkol sa naganap sa kanila ni Vina.
"That's good. Nag-enjoy ka naman ba?" Parang tangang tanong ko kasi obvious naman.
"Yeah, of course." Ngumiti pa siya pero magkasalubong ang kilay, nawe-weirduhan na kasi tinanong ko pa ang obvious. Halatang wala akong pake sa sinasabi niya.
"Oh, I'm sorry for not paying attention to you. I'm...I'm just trying to focus on this..." I tried to explain.
"Sure. Sorry...for disturbance." He smiled at me. Nakita ko pa ang pagbuga niya ng malalim na hininga. Sinubukan ko siyang pigilan pero huli na dahil tumayo na siya at umalis. Napabuntong-hininga ako.
Ano ba kasing nangyayari sa akin? Naiinis na ako!
Mas lalo tuloy akong hindi nakapag-focus sa inaaral ko dahil sa nangyari kanina. Galit ba siya? Nagtatampo? Urgghh!!!
Sa huli, lumabas na lang rin ako sa library para magpahangin. Marami pa namang time para magmuni-muni at mag-isip-isip. Marami ring mga first year high school student ang naglalaro sa open field kahit tirik ang araw.
Nang makita ko ang building na hinahanap ko, umakyat ako 'ron. Sayang nga lang at nakasara ang pinto para sa rooftop pero okay na rin namang magpahangin sa second floor. Hindi naman ako magpapakamatay para umakyat pa sa roof top.
Dito, nakikita ko ang ginagawa ng lahat. May mga naglalaro ng basketball, may mga naghahabulan. Meron ding mga nakatambay lang sa ilalim ng mangga at nagkukuwentuhan.
From above, I saw him. Nakababa ang ulong naglalakad. Nakalaylay din ang balikat na animo'y sobrang bigat ng pasanin. Bababa na sana ako para i-approach siya at humingi ng sorry pero nauna na si Vina. Napabalik tuloy ako at tiningnan na lang sila.
Nakita kong tinapik ni Vina ang balikat ni Blake habang tumatawa. Napaangat naman ang tingin ni Blake sa kanya at natawa din ng bahagya nang may sinabi si Vina. Inakbayan niya lang si Vina saka sila sabay na naglakad papasok sa canteen.
Umiwas na lang ako ng tingin at ibinaling sa iba ang paningin ko. I can't understand this feeling I am feeling right now. Merong parang bumabara sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Tapos alam mo 'yung hindi naman siya masakit pero masakit pa rin? Ewan ko.
Napatingin ako sa relos ko. Marami pa namang time pero parang mas gusto ko na lang ang ambiance sa classroom kasi hindi mo mararamdamang mag-isa ka.
Ganon na nga. Naglakad ako pabalik sa room namin. Kagaya ng inaasahan, maingay na naman sila. Pero mas okay na'to kesa naman sa tahimik kung saan kung anu-anong bagay na naman ang iisipin ko.
Nagbasa lang din naman ako sa loob ng room. Minsan, sumasagot sa mga nagtatanong sa akin regarding sa lesson. Minsan naman, nakikipagkwentuhan. Ganon lang ang ginawa ko hanggang sa magtime na.
Hanggang mag-uwian, hindi ko pa rin nakaka-usap si Blake. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero kasi nung magkita kami nina Lola kanina, hindi siya kasama. Tinanong ko kung nasaan siya pero ang sabi ni Reese ay kasama ni Vina.
Vina...
Speaking of, pagkalabas ko, nakita ko silang nagtatawanan. Nanghahampas pa sa braso si Vina. Hindi naman nanglalaban si Blake sa halip ay tumatawa pa. He looked happy. But why does my heart reacts like this? Fuck!
Mas lalo lang atang naghurumintado ang dibdib ko nang sumakay si Vina sa sasakyan ni Blake. Umiling lang si Blake at sumunod ngunit bago pa siya tuluyang makasakay sa sasakyan niya, napatingin pa siya sa gawi ko at nagtama ang paningin namin. Nagulat pa siya pero kumaway din. Hindi na ako kumaway pabalik at agad sumakay sa sasakyan ko.
"How's your day, Xia?"
"Ma!" Nagulat ako kasi siya pala ang may dala ng sasakyan! She looked at me, her face is asking what's wrong. Ngumiti lang ako sa kanya. "It's...it's good. I think?" It is really awkward. Ito kasi ang unang beses na sinundo niya ako.
"Good. We're going to a drug store first to buy your brother's vitamins." She informed.
"It's fine." I said and looked outside the window. Ang gloomy ng paligid. Uulan ba? Sana umulan. Para mas magandang makinig ng music.
Pagkatapos naming bumili ng gamot ni Ben, tumuloy na rin kami pauwi. Naninibago pa rin talaga ako sa kanya kasi ito ang unang beses na sinundo niya ako. Nahihiya naman akong tanungin kaya hinayaan ko na lang.
Pagkadating sa bahay, nagpaalam agad ako na papasok na sa kwarto at lalabas na lang kapag dinner na. Nakasalubong ko pa si Ben sa daan na naglalaro. Binati ko rin ito bago ako tuluyang pumasok sa school.
To: Blake
I'm sorry for what happened earlier.
I texted him. I don't know why but I just automatically did. Like before, hindi agad siya nakapagreply. Nakita ko naman 'yung cabinet ko at may naalala. Ang alam ko, may on-hold pa akong drawing 'dun. Hindi ko pa natatapos 'yun kasi nagfocus ako sa acads.
Tumayo ako at binuksan. At nandon nga 'yung drawing ko. Dalawang taong nakaupo sa swing at magkausap. Park ata ito. Hindi ko na maalala kung bakit ko siya ni-drawing. Kulay na lang sa background ang kulang.
Habang naghihintay sa reply niya, pinagpatuloy ko na lang muna ang ginagawa ko. Mabuti na lang at wala akong assignment kaya okay lang na gawin ito.
Natapos na ako't lahat, hindi pa rin siya nakapagreply. Tiningnan ko ang phone ko at hindi pa naman niya narereceive. Pero kahit gan'on, feeling ko napahiya lang ako. So I deleted the message. Hindi niya pa naman narereceive kaya malamang, hindi niya pa mababasa.
Bumaba na lang ako nang tawagin para kumain na. Pagkababa ko, kompleto sila at mukhang ako na lang ang hinihintay. Tumango lang ako kay Papa nang dumapo sa akin ang paningin niya na agad ring bumalik sa kinakain. Wala siyang hawak na diyaryo ngayon, in fairness. Tumabi na ako kay Ben na noon ay masayang kumakain.
"Kumusta ang school, Xia?" Papa cleared his throat and talk, not looking at me. Umayos naman ako ng upo saka sumagot.
"Uh...ayos naman...po." I answered. Tumango lang siya sa akin saka nagpatuloy sa pagkain.
Tahimik naming tinapos ang pagkain namin at agad akong nagpaalam na magpapahinga na sa kwarto ko. Pagkapasok, napatingin ulit ako sa phone ko. Ewan ko ba pero para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang wala man lang kahit anong notification 'dun.
Napagdesisyunan kong magmuni-muni na lang habang nakikinig ng kanta.
'Scrolling through my cellphone,
For the twentieth time today,
Reading the text you've send me again,
Though I memorized it anyway,'
'It was an afternoon in December,
When it reminded me you of that day,
When we bumped into each other,
But you didn't say "Hi" 'coz I looked away'
And maybe that was the biggest mistake of my life...
And maybe I haven't move on since that night...
'Cause it's 12:51,
And I thought my feelings was gone,
But I'm lying on my bed,
Thinking of you again.
And the moon shines so bright,
But I gotta dry these tears tonight,
'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on
Any longer...
And then I saw you with her,
Didn't think you'd find another,
And my world just seemed to crashed.
Shouldn't have thought that this would last
And maybe that was the biggest mistake of my life...
And maybe I haven't move on since that night...
'Cause it's 12:51,
And I thought my feelings was gone,
But I'm lying on my bed,
Thinking of you again.
And the moon shines so bright,
But I gotta dry these tears tonight,
'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on
Any longer...
As the sky outside gets brighter,
And my eyes begin to tire,
I'm slowly, drowning, in memories of him.
And I know it shouldn't matter,
As my heart begins to shatter
I'm left to wander
Just how it should've been
Yeah~
12:51,
And I thought my feelings was gone,
But I'm lying on my bed,
I'm not thinking of you again.
And the moon shines so bright,
But I gotta dry these tears tonight,
'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on
But I'll prove you wrong that I can move on through this song
So much stronger...
Ohh..ohhh...ohhh...
Hindi ko naman namalayan na nakahiga na pala ako sa higaan habang pinapakinggan ang kanta at nakatingin sa bilog na buwan. Maaliwalas ang paligid kaya kitang-kita ang liwanag ng buwan hindi katulad kanina.
I can move on...
--------------------------------------
[CREDITS FOR THE SONG]
TITLE:
12:51
ARTIST:
Krissy and Ericka
Kanta para sa mga gustong mag-move on HAHAHAHA katulad ni Xiabells. Gusto mo din magmove on sa isang taong wala ka namang pag-asa? Download ka ng 12:51 para masaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top