CHAPTER SIXTEEN

"Hindi. Kahit lablab kita, alamin mo 'yung pwesto mo."

Kadadating lang naming apat sa table at mukhang nagkukulitan na naman sina Harry at Fiona. Umupo kami sa harap nila habang nasa magkabilang dulo naman sila Lola at Reese.

"Ano na namang pinagkakaguluhan niyo d'yan, jusme, araw-araw na lang. Hoy, Risa. Tigilan mo nga 'yang kaseselpon mo. Kumakain eh." Parang nanay na suway ni Lola sa kanila.

"Ay, wow, sana all dinalaw na." Nag-irapan lang silang dalawa.

"Sandali, rereply-an ko lang 'to." Nangingiti pa rin si Reese kaya napatingin ako kay Lola. Nakita niya namang nakatingin ako sa kanya kaya tinaasan niya ako ng kilay saka tumawa.

"Dalian mong kumag ka." Saad niya saka sinubukang magsubo ngunit nang makita ang ginagawa nila Harry at Fiona, umubo ito kunwari. "May kamay si Fiona, baka naman? Tigilan niyo nga kakaano niyo d'yan. Kainis kayo."

"May kakilala akong naghahanap ng jowa beh baka gusto mo?" Nangisi pa si Fiona.

"Here." Naputol ang pakikinig ko kila Fiona nang magsalita si Blake na nasa tabi ko. Naalala ko na naman ang nakakahiyang pangyayari kahapon. Nalaman niya tuloy agad! At ang mas nakakahiya pa, nagselos ako sa pinsan niya!

"Mm." Tumango na lang ako at kinuha ang binibigay niya.

"Hindi ko kelangan ng jowa. Pera. Pera kelangan ko saka peace of mind. Meron ka?" Sagot ni Lola.

"Ay, wala both, sorry." Nang-aasar pang nagpeace sign si Fiona.

"Haha, funny ka. Pakisungalngal nga 'yan, Harry at nangigigil ako." Dinuro pa ni Lola si Fiona ng plastic na tinidor.

"How about this? Or this? What do you think?" Napatingin ako kay Blake na nagsasalita mag-isa. Sinong kausap nito? "Huh? What do you think?"

"Ako ba kausap mo?" I asked him. He looked at me innocently.

"Uhm...yeah? I'm having a hard time picking what sauce I am going to put here. This or this?" Napatampal ako ng noo nang makitang pinagpipilian niya ang suka at toyo na ilalagay sa siomai.

"Ay, hala, katanga." Fiona said.

"Iba talaga kapag rich kid 'no? Lagyan mo ng suka 'yan, masarap. Dagdagan mo pa ng kalamansi. Tingnan natin kung hindi mag-away ang asido mo sa katawan." Sinubo ni Lola ang Siomai niya.

"You put soy sauce. You can also put calamansi if you want just don't flood it." Natawa din ako sa katangahan niya.

"Marunong 'yan kumain ng siomai, Xi, nagpapansin lang 'yan sa'yo." Saad ni Reese saka binato 'yung bottled water kay Lola.

"Wow, makabato parang hindi kaibigan ha?" Reklamo ni Lola, nabigla.

"I really don't know how. It's my first time eating this." He still denied. "I swear!" He even looked at me and raised his left hand, telling me to believe him.

"Sige. Sabi mo eh." I just nod at him. Pinagmayabang niya pa na naniniwala daw ako sa kanya. I didn't know that he has this side. Childish. It's cute, though. Yeah, I found it cute, what the hell?

We just ate our meal. It's our breaktime now so we don't have much time to spend. We just shared our rants about some subject teachers, some dumb members and hard subjects which was normal for a highschooler.

"Oo, tanga-tanga ng English teacher namin. Pagawin ba naman kami ng essay na 1000 words in 30 minutes. Gunggungan lang? Ano 'yun? Anong isusulat ko sa 1000 words? Kung gaano katanga si Reese?" Reklamo ni Lola.

"Hoy, Lola, ibaba mo nga 'yang paa mo. Kababae mong tao, nag-aangat ka ng paa." Binato pa ni Reese si Lola na nailagan naman niya.

"Nakatakip naman 'yung palda, artehan mo pa." Umirap pa siya saka binaba ang paa niya. "So 'yun na nga. Buti na lang magaling ako kaya kahit walang kwentang bagay sinulat ko."

"Gago."

"Uy, totoo 'yun! Hindi rin naman babasahin ng guro. 'Yan pang mga 'yan? Basta kapag maraming nakasulat, sige, push natin sa ten points. Gandahan at habaan mo lang sulat----," Hindi niya na natapos ang sasabihin nang tumunog ang bell. "Hala, bastusan na ba this? Nagte-tell pa ako dine." She sighed but when Fiona laughed at her, she also laughed.

"Magkapatid siguro kayo niyan 'no? Pareho kayo ng bituka eh." Si Reese habang tumatayo. "Tara na Lola. Male-late na tayo. Babye, Xia." Kumaway pa siya sa akin saka tinanguan sila Harry at Fiona.

"I'll go first." He smiled at me and the moment he'll kiss my forehead, Lola immediately grabbed him with Reese. He groaned in frustration which made me laugh.

"Bye!" I waved my hand on him.

"Eww kayong dalawa, jusme. Babye na Xiapot! Ilalayo ko muna itong anak ko sa'yo." Hinila niya pa ang bag ni Blake na hanggang kaway na lang ang nagawa.

Nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa classroom namin. Para akong tanga na nakangiti habang naglalakad kaya pinilit kong magmukha seryoso pero pakiramdam ko, ang hitsura ko ay parang nakakain ng ampalaya na may asin.

Hindi ko alam pero bigla ako lalo ginanahan mag-aral. I just felt boost. I feel alive. Weird kasi dati naki-cringe ako kapag may nagku-kwento sa akin ng ganito, but look at me now! I am one of those stupid people who do stupid things and believe in stupid stuffs.

Maging sa reporting namin, active din ako. I mean, active naman talaga ako when it comes to academic because I need to prove something but this time, it felt genuine. Ugh!

"Beh, trabaho tayo. Hindi tayo makakatapos sa kakangiti mo." Nginitian pa ako ni Sab kaya nakaramdam ako ng hiya. "Internet love pa more, sige."

"Loh." I laughed at her and continue doing our output. "Paabot nga 'nung highlighter na pink. Ay hindi 'yung neon na lang pala..."

Mabilis lang na lumipas ang oras at heto na naman kami, nasa library at hinihintay sila Harry at Fiona.

"Hi, sorry! Dalian mo beh. Bagal kasi ni Harry-beh eh. Nagpahintay pa sa akin. Bida-bida ba naman sa reporting. Hi, Lolapop!" Inayos niya pa ang buhok niya saka pinaalis si Reese sa upuan katabi ni Lola. "'Dun ka sa tabi ni Harry at nag-iinit ang ulo ko sa punyeta naming leader." Tinuro niya pa ang upuan at pinanlakihan ng mata si Reese.

"Ako d'ya----,"

"Saka mo na ako angalan kapag hindi ka na nagsesearch ng 10 real ghost caught on camera nung bata ka ha? Please lang." Umupo siya sa tabi ni Lola at nilabas ang pagkain niya.

"Seriously? 10 real ghost caught on cam, dude? The heck?" Harry and Blake laugh at him.

"Problema mo? Atleast hindi ako nagsesearch ng Alien caught on cam." Saad niya saka umupo sa tabi ni Harry.

"Blake, 'dun ka nga rin sa kanila." Utos ko sa kanya para naman makausap ko sila Lola ng maayos.

"Ha? Bakit?" Hindi niya pa man nasusubo ang kinakain niya, pinaalis ko na agad siya. "Ayaw mo na ba akong katabi?" Mukha pa siyang magdadabog.

"Wala lang. Baka kasi maingayan ka sa kanil----,"

"Hindi naman." Pinutol niya ang sasabihin ko nang salpakan niya ng pagkain ang bibig ko saka siya ngumiti. "Can I stay here? Please? Promise I won't annoy you." I sighed and just nod at him. I watch him eat happily.

Minsan, kinukulit niya ako na susubuan daw. Nakakahiya kaya! Nandito 'yung mga kaibigan namin. Mukha namang masaya siya sa pinaggagawa niya sa akin kaya ayos na lang rin.

"Hindi daw pala annoying ha." Inismiran lang siya ni Lola. Magkatabi na ulit si Fiona at Harry at katulad ni Blake, Harry is extra-clingy. I don't know what's with these guys, really.

"Kumain ka na lang d'yan. Nakita mong bebetime eh. Gusto mo magbebetime din tayo as a friend?" Ngumisi pa si Reese at dumukwang paharap kay Lola. Pinitik niya lang ang noo nito saka inirapan at nagpatuloy sa pagpapak ng binili niyang fishball. "Sus! Para namang hindi ako naging crush 'nung Grade 7."

"Tanga. Hindi pa kasi ako marunong magclassify ng tao at hayop 'nong mga panahon na 'yun. Ngayon, marunong na ako." Nginuya pa ni Lola ang kinakain niya saka inirapan si Reese na noon ay pangisi-ngisi lang.

"By the way, we have test later." Tinaasan ko ng kilay si Blake dahil sa binulong nito. Ano namang pake ko? I mean, anong gagawin ko?

"Okay? May test kayo? Sige, galingan mo. Goodluck?" Awkward pa akong ngumiti sa kanya kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Is goodluck enough? "Nagreview ka ba? Kung nag-review ka naman then there's nothing to worry about."

"Yeah. I reviewed. I need to pass this test for our future." I rolled my eyes for what he said. Seriously?

"Tseh!" I ignored the tickling things in my stomach. Pakiramdam ko rin nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Xia, what the heck? Ka-cornyhan lang 'yun for pete's sake! "Corny mo."

"Boom!"

"Bars!"

"Corny pa nga."

"Layo sa bituka."

"The real pain."

I laughed at their reaction while Blake just made a sad face before snorting. Binunggo ko pa ang balikat niya para kuhanin ang atensiyon niya pero nagfocus na ito sa pagkain. Galit agad?

"Ayan, sige. Hindi ka kasi marunong mag-appreciate eh. Banat ang tawag 'dun." Sabi ni Lola. "Gagi, bes, sakit 'nun sa hart. Kinorny ka lang? Kung ako d'yan kumuha na ako ng lubid saka nag-swing."

"Kung ako man sasabihan niyan ni Harry, hindi rin naman ako kikiligin. Talamak na 'yang banat na 'yan sa wattpad eh. Malamang nabasa na rin 'yan ni Xia somewhere. Wala bang bago boys? Ang hihina." Si Fiona naman sabay flip hair.

"As if sasabihan kita ng gano'n."

"Aray."

"Ohhh!"

"Maximum pain."

Tumawa si Fiona sa sinabi ng boyfriend niya saka ito siniko sa tagiliran at nag-cross arm. "Hindi na tayo bati. 'Dun ka tumabi sa kaibigan mong kamukha ni Uriel."

Napatingin ako sa katabi ko na tahimik pa rin na kumakain, mukhang ang lalim ng iniisip. Napataas naman ang kilay ko saka natawa ng mahina pero mukhang nakuha 'nun ang atensiyon niya. Napatingin ito sa akin at mas lalong sumimangot.

"Hindi bagay sa'yo maging grumpy monster. Mukha kang tanga." I said and pointed his cheek. Inalis niya naman 'yun at binaba saka pinagsalikop ang kamay namin. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak atsaka sa kanya, at muling bumalik sa kamay namin at sa kanya ulit pero bumalik na ito sa pagkain.

"To bring my appetite back."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top