CHAPTER SEVENTEEN

"Do you want balloons?"

I glared at him because of his question but he just laughed at me. Again? He's teasing me again because I am staring at the pile of balloon the vendor is holding. We are here at the central park, celebrating our first week being official. Ang bilis lang ng panahon. Dati, magkaibigan lang kami tapos na-realize kong may feelings ako sa kanya pero prinank niya ako na may gusto siya iba tapos ngayon, nandito na kami at sine-celebrate ang unang linggo namin. Parang hindi ako naniniwalang nangyayari talaga ito.

"Whatever, Blake." I rolled my eyes for the nth time. "I can't eat the balloons, anyway..."

Kanina pa ako nagugutom kaso hindi ko masabi kay Blake. Wala pa naman akong dalang pera kasi bigla na lang siyang dumating sa bahay kanina. Eh wala naman sila Mama at Papa 'dun kaya hindi ako nakahingi and I don't think papayagan nila ako. Buti na lang at wala sila 'dun kaya nakatakas ako.

"You hungry?" Nagulat ako nang tanungin niya ako. Narinig niya kaya ang huli kong sinabi? I looked at him and he doesn't seem offended. Bakit nga naman siya mao-offend? Kasalanan niya kaya ako nagutom!

"Sort of." Sort of sobra-sobra.

"Okay. May nakita ako kanina. It's Tapsilugan. Nakakain ka na 'dun? Masarap." Inalalayan niya pa akong tumayo kahit kaya ko naman.

"Tapsilugan? I didn't know that you eat that kind of food." Knowing Blake, he is so picky when it comes to his food. And hindi siya basta-basta kakain sa gano'ng kainan. I eat once in that kind of food chain and yeah, the food is delicious.

"What? Longsilog is delicious! Even the Tosilog and Eggsilog. You better eat that kind of food." He said while pulling me with him. Alam ko naman 'no!

Hindi naman ganon katagal ang nilakad namin. He even told me his experience eating there and I was just listening to him all the time, minsan, tumatawa. I let him order for us and I take the responsibility to look for seat. It feels weird kasi ito ang unang beses na kumain kami sa labas ng kami lang.  

"We'll just wait for the food. Here. You can drink this while waiting." Binigyan niya ako ng 8oz na Sprite habang ang kanya ay Royal. Sasabihin ko pa lang na magpalit kami kasi hindi ko gusto, ininuman niya kaagad. Wala na akong nagawa kundi ang tingnan ang inumin ko. "Why? You don't like Sprite?" He asked.

"Medyo." I answered then take a sip. Hindi ko talaga gusto ang lasa! Ewan ko.

"Palitan na lang tayo." Bago pa ako maka-angal, pinagpalit niya na ang inumin namin. Nang iinumin niya na naman ito, pinigilan ko na siya. "Hmm?"

"'Yung straw ko." I handed him his straw. Pero imbes na ibigay agad sa akin, sinipsipan niya na naman saka ngumisi. "Punyawa..."

"I never know that Sprite is the best soft drink." He said while flashing a silly smirk on his face. Wala na akong nagawa kundi ang baligtarin ako straw niya saka uminom. We just waited for the food while discussing some random stuffs.

"What do you think of Reese and Lola?" I asked him. He gave me a puzzled look. "Ow, nothing. I just asked. Parati kasi kayong magkasama eh." I shrugged it off.

He sighed. "I don't want to lie with you but I also don't want to interfere with them. I don't to see them like that too but it is out of my control anymore. Don't worry for the things that is out of your control, okay? I trust them." Sumandal pa siya sa balikat ko.

We just enjoyed the day. Hopping everywhere we wanted to. So far, this is one of the best days of my life. He even insisted na ihahatid niya ako. Kahit naman tumanggi ako, wala rin naman akong magagawa. He always use the 'I am your boyfriend' card on me, heck.

"Whatever, Blake." Nauna na akong maglakad sa kanya pero naabutan niya pa rin ako saka inakbayan. "'Yung kamay mo."

"No." Mahina pa itong tumawa at mas inilapit pa ako sa kanya. Ang hirap maglakad kapag si Blake ang kasama! Ang daming pinaggagawa. Gusto pa ng holding hands. Hindi niya ba alam na bawal ang Public Display of Affection?

Mabuti na lang at may available na na tricycle sa paradahan. Sa loob ako umupo habang siya naman ay nasa likod ng driver. May katabi lang akong isang mukhang college student. Busy ito sa cellphone niya kaya para maiwasan na ma-awkward, nagpanggap akong gumagamit din ng cellphone. Narinig ko naman ang tawa ng katabi ko kaya napatingin ako dito.

"Baligtad." Tinuro niya pa ang cellphone ko ngunit nang tingnan ko naman 'yun ay maayos naman. "Char lang. By the way, jowa mo 'to? Ito, itong nasa likod ni Manong." Malamang ay hindi masyadong maririnig ni Blake ang pag-uusapan namin dahil maingay ang ugong ng sasakyan.

"Opo." Hindi ko maiwasang mamula. Ngayon ko lang na-realize na masyado palang maaga ang lahat. I mean, we're just Grade 10 for pete's sake! But then again, nothing matters when your heart chooses what it wants.

"Sus! Mga kabataan talaga ngayon." Umiling-iling pa siya.

"Napaamin po bigla eh." Natawa pa ako nang maalala na naman ang araw na 'yun. 

"Ako, sa ganyang edad, apat na pinaiyak kong lalaki. Sa ganda ko ba naman na ito, hindi na kataka-takang maraming magkakandarapa sa akin." She flipped her hair. That gesture remind me of Fiona. "Alam niyo, hindi naman masamang magkaganyan kahit bata pa. So what kung bata pa kayo? Sila nga matanda na pero wala pa ring dilig. 'Wag niyo lang hahayaan na masira niyo ang isa't isa. Kapag medyo nagkakalamat na, pahinga muna. Sampalin mo muna kaibigan mo tapos gora na ulit."

I just laughed at her. Siya 'yung kapag nagsalita, hindi pwedeng walang joke. Ayaw niya ata sa seryoso na mood. She just keep on talking until she reached her destination. Medyo malayo pa kami so I decided to open my facebook while waiting.

Oh, I pity my account for being this silent. No chats nor notifications. Or if meron mang notification, it's just my friends from nowhere inviting me to like their pages.

New message from Fiona Peralejo

Wow! May nagmessage. Gumagana pala messenger ko eh.

Fiona Peralejo: beh asan n kau beh? hihi, chika mo'ko

Fiona Peralejo: WOW AUTO SEEN!!

Fiona Peralejo: halatang wlng laman ang messnger hahahaha

Fiona Peralejo: HAHAHAHA*

Napakamot ako ng ulo dahil sa bilis magtype ni Fiona. 'Yung tipong magta-type pa lang ako ng reply, nakasend na agad siya.

Xia Quiroz: Pauwi na.

Fiona Peralejo: ay? galit yarn? may tuldok? gaga, anong pauwi na? sa haba ng tinype ko, yan lng isasagot m? bas2s

Xia Quiroz: i don't have much to tell naman. we just hover around the town, have some silog-date. it was fun. you should try it next time with your man

Fiona Peralejo: ngeek! nauna pa kami sa inyo, dzai, fyi lang. sige na beh. mukha kang tanga. kumatok na si ate eh, magsasaing pa ako. babye

Xia Quiroz: You sent like

"Hey, Xia, we are here." Napatingin ako sa labas. Nasa labas pa kami ng residence area. Baka hindi kayang pumasok ng tricycle. Nakabayad na rin siya ng tricycle. "Let's g---,"

"Hindi na, Blake. Umuwi ka na." I looked at him in his eyes to tell him that I am serious now. "Baka abutan ka pa ng dilim sa daan."

"But---,"

"And don't even use the 'I am your boyfriend' card to me now. It won't work." Inunahan ko na siya. Napasimangot lang ito sa akin. Alam niya namang wala na siyang magagawa. He went to just hug me. I smirk. I won!

"Okay..." He said at mas hinigpitan pa ang yakap. Tinanguan ko lang siya nang magpaalam na ito na aalis na. Nang makita kong nakasakay na ito sa sasakyan, nagsimula na akong maglakad papuntang bahay.

"Where have you been, Xia? Bakit hindi ka nagpaalam?" Nagulat ako nang tumambad si Papa pagkapasok ko. Mukhang kanina niya pa ako hinihintay. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at humarap sa kanya.

"A-Ano...I hanged out with my friends..." I can't look at him in his eyes. Nang tingnan ko siya, mataman lamang nito akong pinagmamasdan.

"Kailan ka pa natutong magsinungaling?" I swallowed hard. Bakit ko nga ba naisip na magsinungaling eh alam ko naman na malalaman niya.

"Blake is my friend." Still, I tried to defend myself. He shook his head in disapproval even though I am not yet saying anything. I sighed and just decided to go to my room. "I'll just go to my room muna, Pa."

Nang makarating ako sa aking kwarto, sumalampak agad ako sa higaan at kinuha ang cellphone. I asked myself if I should text him if he's home already because that was what the girl's doing in the book that I am reading. Should I?

Sa huli, tinext ko na lang siya na nakauwi na ako. Tinanong ko lang rin kung nakauwi na siya pero mukhang wala pa dahil hindi pa siya nakakapag-reply. He will text me back when he arrived, right?

From: Blake
Hey, am home :)

I smiled and typed my reply. We just have a short conversation I didn't realize that it is already dark outside.

"Hey, gonna hang up na. May assignment pa ako." I said. Tinawagan niya pa kasi ako kasi tinatamad siyang magtype. "Bye----," Hindi pa man ako nakakatapos ng sasabihin, binabaan na ako nito.

Hala, galit?

"Shit!" Muntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko nang tumunog ito. He is video calling me. I tap the accept button.

"There. You can do your assignment." He smiled at the camera. Nakita ko ring nasa study table niya siya at may mga nakalatag din na gamit.

"May assignment ka pa, gawin mo muna." Pinatong ko muna sa higaan ako ang cellphone para hanapin 'yung mga gamit ko. "Baka hindi ka makapag-focus." Muli kong kinuha ang phone at nilagay 'yun sa phone holder na nasa table ko.

"I can do my assignment while video calling you, too. And I will also get my inspiration." Nakita ko pang inayos nito saglit ang posisyon ng cellphone niya. Ngayon, kitang-kita ko na ang mga mathematical formulas na nakalatag sa lamesa niya. "So, I can also ask you if I don't understand something."

"Just say that you want to mess with me, Blake." I rolled my eyes on him.

"Sure. Let's add that to my reasons." Nagsimula na ako sa paggawa ng assignment ko. Hindi naman siguro ito gan'on kahirap.  When I looked back at him, he was just staring at me, with a smile. Napatingin ako sa kanya ng magkasulubong ang kilay kaya natawa siya. "You're cute."

Naging tahimik lang kami nang magfocus na siya sa paggawa ng assignment niya. I really don't know why he needs to video call.

"Alam mo, lakas mo makasayang sa load." I told him and I heard his chuckle but he didn't answer. Tapos na ako kaya naman nakatingin lang ako sa kanya na seryoso sa ginagawa. Ang ganda ng penmanship niya kahit ang gulo ng papel niya dahil sa corrections and erasures.

"Finally!" He shouted. Nag-inat pa ito ng katawan saka ako nginitian. "See? Mas mabilis akong matapos kapag nakikita kita. I think I should attend in your class starting tomorrow." He arched his brow on me.

"As if." I said then fixed my things. "Sige na. Kakain na ako. Kumain ka na din." He looked at me like he wanted me not to end the call but he knows that we both need to eat. "Bye."

He nod. "I love you." I smiled and nod at him. "I love you, babe."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top